#ItsShowtime #Highlights: “‘Pag nakatulong na kayo, tapos na. Iisipin niyo 'yung sarili niyo na.”Nagbigay ng paalala si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa mga breadwinner.Watch #ItsShowtime every 12:00 p.m. from Monday to Saturday on GMA and GTV. For more videos, visit:… pic.twitter.com/iBjKtIkMEP— GMA Network (@gmanetwork) December 13, 2024
Image and Video courtesy of X: gmanetwork
I know it's been a while... Mommy D are you listening?
ReplyDeletehahaha!
DeleteKung sobra sobra naman ang pera like Manny, bakit hindi mo aakuin ang nanay mo hannga’t buhay siya
DeleteAgree ako kay 215. Bilyonaryo na un anak e. In this case walang masama talaga if forever nya help/akuin/bigyan yun nanay nya.
DeleteSi 2:15 umaasa siguro lang to sa mga anak
DeleteKaloka kayo, hindi naman kasi si Mommy Dionisia ang tinutukoy ni 11:50 na Mommy D! Hahaha!
Delete
DeleteThere are millions of Filipino parents in their 60s, 70s and 80s ... STILL the BREADWINNERS...working full time supporting their married children that are 30s and 40s!!!
Mga pala asa kc pilipino, ka level ng pa victim. Pati pamagkin, mga naka kabatang kapatid, pinsan pa paaralin, gastos sa bahay, need ng magulang etc,
ReplyDeleteMag bigay sa mga kamag anak…. Grabeh kaya may generational poverty, coz of misplaced utang na loob and dependency ng mga pilipino doon sa kayang dumiskarte.
Dapat tapusin na breadwinner, lahat dapat kumayod. Pero dapat respect parents pa rin, pero hindi daoat responsibilidad ng anak n buhayin ang pamilya at kamag anak…too much na
Mga PAL, asa, emotional
DeleteBlackmailer, tamad
Agree. Sobrang naaawa ako sa asawa ko na panganay. May sakit parents at puro nakakababatang kapatid. Kami ng mga kapatid ko maagang nagabroad kaya maaga naexpose sa pagiging independent at hindi umaasa sa isatisa. Yung asawa ko pasan nya ung mundo. No matter how hard i try to tell him hindi dapat ganun, wala eh. Tradition na kasi sa Pinas.
Deleteito ang tipong masarap i-repost. Kung hindi kayang buhayin ang sarili, huwag na po mag anak at idamay pa sa kalbaryo ninyo ang inosente.
DeleteDati nakikitira kami sa bahay ng lola ko, na namatay na. Kasama ko sa bahay and 2 titas and their families. Dad left us, mom passed away, only child ako so ayan ang situation. Ako nagbabayad ng ilaw, tubig at internet, at mga tita ko sa iba. Medyo maingay at magulo so nag-decide akong bumili ng sarili kong condo unit. Lilipat na ako sa enero after new year. Nagpaalam na ako nung June.
DeleteAba, kinausap ako kahapon.
Ako pa rin daw magbayad ng utilities nila kahit wala na ako doon?!? How? Babayad na ako ng sarili kong utils and mortgage, haller?!? The sense of entitlement and financial dependence is so nakakalokaaa!
Isa sa mga reason bakit nangyayari yan because ang taas ng requirements ng Pilipinas bago ka magkawork ng may matinong sweldo. Unlike sa ibang bansa kahit matanda ka or hindi natapos pwede kang magwork.
DeleteYung iisang nagabroad isang buong angkan ang pasan!
Delete8:12 - hindi rin. If alam mo na ganyan sitwasyon sa Pinas, bakit anak pa din ng anak? di ba pwedeng maghanap muna ng matinong trabaho bago mag-asawa?
DeleteMay nabasa ako yun mentality ng ibang parents .nag aanak ng marami dahil mayroon daw kasing kahit isa na makaka suerte at makakahahon sila sa hirap pag yumaman kahit isa lang .
DeleteIt depends kung hindi na kaya mag work ng mga magulang mo, pwede mo naman sustentuhan pero yung mga extended family members na nagiging palamunin ng lets say ofw na kapatid is a no no. Mas tinuturuan natin na maging tamad ang umaasang kapatid lalo ma yung may mga sarili ng pamilya. Instead of striving in life, umaasa na sila sa sustento.
Delete@6:33 Don't do it, kasi kung ikaw mangangailangan hindi nila mababayaran bills mo. So better save and invest mo na lang yon pera para sayo or future family mo.
DeleteTrue. We need to stop romanticising being a bread winner. Why? Kasi mga kapamilya mo Hindi na mag strive. Hihingi na lang.
ReplyDeleteWell, the reality is that the Philippines is a very poor impoverished country! That is why you see that a lot ... dysfunctional families!
Deletenaku ayaw ng mga ka breed ng nanay nung athlete yan. lol
ReplyDeleteWhut? Kumakayod po ang mga magulang nun as far as I know
Delete11:56 anong pinagsasabi mo. May work ang parents ni yulo, hindi lang sila mayaman.
Delete1:27 whut? full time housewife si nanay tanod si tatay with 4 children. the math is not mathing girl
Delete1:27 tapos isusumbat
Delete1:27 kumakayod but grabe mangkuha ng pera ng anak nila. Gagamitin n lng ang pera ng anak without permission. Jusko
Delete11:56 nagoonline selling at nagtitinda ng pagkain. Yung anak masaya sa kanyang milyones kasama ng gf.
DeleteNagtatrabaho ang mga iyon.
Delete11:05 i think eto ung problem din. ung comment na nagpapkasay ung anak. besh pinaghirapan naman nia un. so bat parang pinapaguilty
Delete11:05 Which is Regine's point. Up to a certain extent ka lang dapat sasandalan ng magulang mo. Dapat kanya-kanyang kayod. Malakas pa naman sila. Not to mention ipinagdadal pa nilang manalo yung tao, tapos pag nanalo hihingi ng balato? Lols
Delete11:05 so? Hello, itinakwil at isinumpa na nila yung anak nila. Too bad for them kasi milyonaryo na yung anak nila. Lol
DeleteHindi responsibilidad ng anak na bumuhay ng pamilya, kya wag kayong mag anak kung pala asa kayo. Hindi investment ang anak, respinsibilidad nio na bigyan sila ng maganda g o maayos na buhay
ReplyDeleteWell, then the parents should no longer be obligated to.pay for their child's.education or any other expenses once they trun 18!!!! Bahala na.sila sa.buhay tutal they are already considered adults!
Delete12:12 responsibilidad mong pag-aralin sila at gabayan hanggang kaya na nilang tumayo sa sariling paa. Bakit ka gagawa ng anak kung hirap sa buhay lang ang kaya mong ibigay.
DeleteParents are obligated na buhayin at paaralin ang mga Anak. Sa america - some parents they kick out their children at 18 or after high school. Walang obligasyon ang Anak na buhayin ang mga magulang.
Delete12:12 sa first world countries like America pwede pag 18 may trabaho na mga bata or may welfare sa gov pero sa Pinas limited ang opportunities if undergrad pa so parents should support kahit 18 na anak nila. Ako nga dito sa US 19 na anak ko but I still provide everything kc gusto ko fucos cga sa college
Delete12:12 it is the responsibility of the parents to care and provide for their children. They should nurture, feed, and educate well their children. They should also know how to provide gor themselves inbthe future. It is a nig bonus if the children would care and provide for their parents during the "retire years". This will only happen if you have been good parents and provider. What goes around, come around.
Delete12:12 please lang, use contraceptives at wag kang mag-anak.
DeleteYour job as a parent is to ensure they thrive and be good citizens. Preparing them with good education is one aspect. Kung di mo kaya yun, hinay hinay sa paglandi!
12:12 Responsibilidad yan ng magulang. It wasn’t their choice to be born in this world. It’s also the parents who should teach their children kung paano bumuhay sa mundo, dahil alam naman natin na may hangganan ang buhay natin. Simula nung namatay mga magulang ko, laking pasalamat ko na pinalaki kami nila na hindi kami dependent sa financial support ng mga kamag anak. They made sure na may chance kaming makakuha ng magandang trabaho through quality education, good work ethics and also kung paano mag socialize sa ibang tao. From their experience, I also learned to avoid financial mistakes.
Delete12:12 I pity any children you have. You are one of the few who don’t deserve children
Delete12:12 nasa Family Code of the Philippines na obligasyon ng mga magulang na pag-aralin ang mga anak nila maski lampas 18 na. At ano matapos ng bata sa edad na 18, senior high school lang. Kung gustong magdoktor i mag abogado, go. Aba malaking honor sa magulang na ang anak ay matalino at masipag mag-aral. At pag nag-asawa, di aasa sa mga magulang dahil kaya niyang buhayin ng naayos ang pamilya niya.
Delete12:12 wtf is that logic?! Hndi nman ginusto ng mga anak/bata na masilang sa mundo noh!!! Wag kayong mag anak kung yan lang din ang logic nyo!!!!
DeleteChildren ,i.e. below 18 which was the point of OP. It's true, in other countries, while in uni, nagtatarabho sila to send themselves to school. D obligation ng magulang paaralin or gastusan ka once you're literally an adult. Kaya wala din sense of responsibility sa magulang, talagang tulong lang if they want to. Kung d nyo gets point ni OP then you haven't lived abroad
Delete@12:12 I've been volunteering sa mga mahihirap na communities since I was 23, I am 54 now at yung mga pamilyang nag aanak kahit wala namang kakayahang tustusan ang mga needs ng anak usually yung anak mismo ang naghhanap ng pampaaral s sarili nila thru scholarships or working students sila.
DeleteYour responsibility as a parent does not die once your child turns 18. It’s a life long commitment and responsibility - in different capacity at different stages of their lives pero yun responsibilidad nandyan. Choice ng magulang ang mag anak - di naman yan bigla na lang may anak na tutubo lang diyan. Again, choices - kundi mo kaya panindigan and di mo kaya habangbuhay na obligasyon, wag mag anak.
Deleteyung show po umeere sa Pinas. So malamang mga Pilipinong nasa Pilipinas ang inaadress dun sa statement ni Regine. So wag masyado pasikat na naka pag abroad ka na. Iba sa Pinas, iba sa ibang bansa. Sa Pinas ultimo saleslady ng SM gusto college graduate. Asa ka naman sa HS graduate lang. Unless Nepo baby ka d ka makakatayo sa sarili mong paa at 18 years old. At ako rin, d ko matitiis pagtrabahuin anak ko while studying. Gumraduate siya, yun atupagin nya dapat. Kung gusto nya ng maraming pera, magconcentrate siya mag aral instead na pa unti unting units tapos ilang taon bago makagraduate.
Delete12:12 wag ka na mag anak kasi wala kang karapatan at hindi mo maintindihan. π Walang obligasyon sayo ang anak mo but ikaw na parents may obligation na palakihin at pag aralin ang anak mo para mabuhay ng wala ka sa tabi. Part yan ng pagiging magulang. Nakakaloka! π
Deletekung matatanda na ang mga magulang, the the child can support them but not the whole family, example mga kapatid na may asawa na, mga uncle auntie na nandyan nakatira. Kailangan may sarisarili silang mga trabaho at hindi iasa sa iisang breadwinner kasi panu naman kung magkasakit or mawalan ng trabaho ang breadwinner.
DeleteYung iba sa thread dito ay mga self entitled selfish ungrateful children!π€£π€£π€£HOY! Yung OBLIGASYON ng mga magulang ay hanggang 18 years old lang!!! Going to college is a previlege and not a right! Once a child turns 18, hindi na yan BATA! Kahit saang korte pa o even in the eyes of God!!!! Kaya mga magulang, NEVER make your children the center of your life! Never give up your own dreams for them! Never ever give up everything! Love them but love yourself and your spouse more! In the end, its only the two of you! If you want unconditional love, dont expect that from your children, geg a dog instead!!!!
Delete6:36 The best gift you can give your children is the ability to take care of themselves!!!!
Delete10:50 AM ok Einstein. You are the problem - helping create the entitled, lazy, ungrateful and instant gratification mindset children!!!
Delete1:00 AM
DeleteThat’s called bad Pinoy parenting. Grown over 18 year old adults still getting money from parents is beyond me. Weak generation.
9:10
DeleteSome people like you shouldn’t have kids They give and give and wonder why their kids don’t do anything by themselves! Lol This is why there is also this sense of entitlement and instant gratification among a lot of young Filipinos! Not having survival skills or knowledge of being resourceful to succeed in life! Lol
1234, paano kung hindi nakatapos? nakapag-asawa nang hindi natapos sa pag-aaral, or nagkaapo ka na sa kanya, di pa rin kayang tumayo sa sariling paa. Nakatira pa rin sa yo?
DeletePeople here forget the 2 toxic cultures of Filipinos. Yung ginagawang investment ang anak, at ginagawang insurance ang magulang.
You mean to say those OFW can't be slaves to penoy families back home? :D :D :D How dare you ate reg ;) ;) ;) Mind your own business :) :) :)
ReplyDelete11:59 sablay ka naman smiley. ang sinabi nya, ok na tumulong at magpakahirap para sa pamilya, pero dapat hindi forever. kailangang ang mga kapamilyang tinutulungan, tulungan din ang sarili na bumuti ang lagay ng buhay nila.
DeleteYes, those penoys na humihingi ng iPhones, bday parties and gala dito- gala doon. Whilst the OFWs slaving day and night, super tipid sa food, kulang sa tulog, di makapiling mga kapamlya at mga anak. Para matustosan ang mga wants ng mga penoys sa pinas!
DeleteSinabi mo pa, hihingi pa ng pera pangstaycation or bakasyon sa boracay or pangshopping. Habang yon breadwinner walang bakasyon. Buong week kumakayod, maswerte na kung may 1 or 2 araw na off. Pero sila sa pinas pahilata hilata lang, pacp cp, naghihintay lang ng remittance.
DeleteSapol ang pamilya ko sa isang side
DeleteI agree more with Vhong! Mas realistic, genuine at may sense! Unfortunately, Pinas is a 3rd World Country at poorita ang majority! NO CHOICE! The family has to help each other just to SURVIVE!
ReplyDeletekaso nagiging tamad yung iba pag may inaasahan,halimbawa may isang anak na nagsisikap,yung iba di na kikilos kasi may isang nagsisikap
Delete12:12 tanong pagtumanda magulang mo sino may responsibilidad? Society?kapitbhay?
Deletebasta ako, it's my joy and honor to give generously to my aging parents. I'm not holding back...
Deletehuwag na tayong maglokohan dito... kung mabait sa inyo magulang nyo, natural mente, ibabalik nyo sa kanila yung generosity nila eh...
pero kung madamot naman parents nyo nung bata pa kayo... eh di .... kayo na bahala kung like mother like daughter and peg nyo
1:04 te common sense natural ikaw mag aalaga niyan pag tumanda but lets say nakapag tapos ka at the age of 21-23, so magulang mo senior na agad? ikaw agad sasalo ng lahat ng gastusin sa bahay niyo? retired agad agad ang parents? yung totoo te, nag iisip ka ba?
DeleteTama si 12:11am,may isa akong kapatid na di na nagtrabaho hanggang sa tumanda,kain tulog lang pero,although di na nag Asawa mabubwisit ka kasi di mo mautusan
Delete1:18 judmental agad agad?!? Ikaw na ang Dakilang Anak Awardee!
DeleteMahirap ang buhay ngayon, and honestly, kawawa ang new set of professionals, Parents must help their children. Should their children have some financial success, let them help you out of the goodness of their hearts, but please, wag naman gawing mandatory.
As parents, dapt naiplano nyo sarili nyong retirement. Help them as well plan their own retirement para hindi sila ang dependent sa mga anak nila someday.
1212 love and take of parents whole they shd be responsible for their old age finances too. I hope hindi ka nag anak to make them your retirement investment, wag kang umasa sa anak mo, secure your future too
Delete12:00 ang issue kasi is IISA LANG ang nagshoshoulder sa buong pamilya or clan nila. Walang tulungan na nagaganap.
Delete1:18 sure and i do agree with you. Pero kasi pati ung mga kapatid, nieces/nephews, aunts, uncles, and other distant relatives ay aba. Hindi ko n sila responsibilidad.
Delete10:56 ok lang pag parents. Pero pag pati pamangkin, pinaako sayo, uto uto na yun.
Delete12:00am kaso di tulungan ang nangyayari kundi asahan,pag may isang nagsisikap aasa na buong angkan,taramadΔ±n ng magtrabaho
Delete1:04 bawal ba mag ipon ?
Delete6:43 hindi ako judgmental...
Deletenakikita ko yung reality.. at nae eskandalo ako sa thinking ng mga tao... mag she-share ka lang ba sa parents mo pag sobra??
andun na tayo... siguro kulang ang income... pero yun nga mismo ang LOVE eh...
kulang pero gusto mo pa din mag share!
My husband does free mental health counseling to college students and mothers from Pinas - He is an American. All of the issues of his clients are family obligations. Not necessarily toxic but the issues are family expectations.He tells them to set healthy boundaries - will it hurt me, will it hurt my child, will it hurt my husband. - Those are the questions he advises them to ask before helping.
ReplyDeleteDi ba dapat confidential ? My husband is an American Psychiatrist and we never talk about his patients . What happened to the confidentiality agreement ? Why are you sharing this here ? psychiatrists and other mental health professionals have a strong ethical obligation to maintain patient confidentiality. This principle of confidentiality is fundamental in building trust between a patient and their therapist. Your husband who is a mental counselor should not disclose any information about his patients, including the details of their cases or the issues they discuss, to anyone, including to his spouse, unless the patient has provided explicit consent or there are legal or safety obligations to do so. FP, this is very unethical for this person to post like this.
DeleteSo your husband is a big mouth and so unprofessional even his service is free . Discussing patient information is so unethical even with you . I’m a clinical psychologist and I never discuss or share anything about my patients even general information to my husband . We talk about ideas and not about other people .
DeleteButi na lang "masama" ugali ko mahilig na kasi ako mag no now. Sa lahat ba naman kasi ng nangutang at nag nakaw sa akin ni isang kusing walang bumalik kahit sangkatutak na pera dumaan sa kamay nila.
Deletedati ayaw kong masabihan ng masama ugali kaya konting ungot bigay,pero pakiramdam ko pinapakonsensya na lang ako kaya natuto na akong bawasan ang bigay
DeleteBreadwinner din ako. From Dubai for 11 years and now here in Canada for 3 yrs and counting. Now I just realized I’m almost 40. Pero what to do? Parents ko both retired and no savings. Hayyy..
ReplyDeleteMay parents no savings to - 6 kami magkakapatid share-share kami. Ang maganda hindi pala hingi nag mga parents namin. They live a simple life.
Deletesa totoo lang, out of touch maraming pinoy sa topic na to eh...
Deletemy dad worked as a clerk... magkano lang pension nya every month... 9k
kulang na kulang yan
my mom naman is a housewife all her life... pero napaka hands on niya sa aming magkakapatid.... college na ako, inaasikaso pa ako ng nanay ko...
wala akong reklamo kung habang panahon ko sila sustentuhan...
nagpapasalamat ako sa Diyos na nagagawan ko ng paraan bayaran lahat ng bills...
hindi rin talaga ako pinababayaan ng Diyos eh... I work as a virtual assistant and I make around 2k to 3k USD a month... komo nasa Pinas ako, pwede na...
pero paano yung mga minimum wage ang kita? tingin ko sila talaga yung aaray sa topic na to...
1:26, okay na sana eh pero may pa out of touch ka pa . Virtual Assistant for what ? May halong yabang eh . Why won’t you just empathize sa mga bread winners ? I know wala ako diyan sa Pinas and I’m an RN for almost 20 years now here in Calif pero I understand those who make six figures or minimum . It doesn’t matter how much . The topic is about being a bread winner . Good for you for making that money there for being a virtual assistant for what .
DeleteSo ano si Yulo? Dami galit sa knya?
Delete1:26 eh di wow Kung happy ka. This post is for those people who are torn because there are many of them. And their feelings are understandable and justified.
Delete12:02 I feel you… same situation.
DeleteI really said 2 years ago na sarili ko naman unahin ko
10:26 toxic talaga ang kapamilya nya at karamihan sa matatanda eh kampi sa kapamily ni Caloy. π Actually, hindi na ako nagtaka na maraming galit kay Caloy kasi we are wired like that na maski toxic at masama pa ang magulang mo, magulang mo pa rin sila at kaylangan galangin at suportahan. π
Delete9:57 am .... pinagsasabi mo??
Deleteang point ko kung katulad ko na may matinong income, malamang wala ako reklamo kasi hindi ko ramdam masyado...
pero yung mga minimum wage earners, sila talaga yung tatamaan sa topic na to...
I’m with Vhong on this. Minsan kahit ayaw mo na din wala ka choice since di mo matiis family mo.
ReplyDeletesa laki ng kinukita ni vhong di sya aaray,e paano na lang yung maliit ang kinkita walang saving para sa sarili habggang sa tumanda
DeleteMalaki kasi kinikita ni vhong,pero kung ang kinikita mo maliit lang dapat maghigpit
DeleteMinsan kasi ang hirap tiisin ang ganda ng buhay mo tapos mga kapatid and parents mo naghihirap. Ibang tao nga nabibigyan mo family mo pa ba. Ako lang to ha nag share ng blessings sa family.
ReplyDeleteay ganyan din ako, di ko rin kaya tiisin basta kapatid ko o magulang ko. hanggat meron ako, i will help and will look after them. luckily, responsible naman mga kapatid ko.
DeleteTinulungan ko ang mga kapatid so sa tuition fees nila and some personal expenses sa college.
DeleteAfter they graduated and found a job - no more financial support. Nag asawa, nag karoon ng Anak. They should provide for their family.
I feel you . ❤️ Masakit sa dibdib ko thinking may mga kapatid ako na tamad mag aral then of course limited din ang kanilang choices when it comes sa mga men kasi most likely you can only have what you can give . ( limited exposure for socialization when you lack education etc ) I give money even they don’t ask pero ang sakit sakit knowing they have a very modest life and ang mga husband mga wala ring natapos and they struggle financially. Ang nakakainis lang is nag anak sila ng nag anak and pag may mga pera mga gastador. Their husband don’t treat them well pa. They don’t oblige me but I give here and there out of guilt . Growing up and being the eldest , they used to say , my mom gave me everything kaya dapat lang na ako ang may pinakamagandang buhay and was able to emigrate here in the US . They discredit the fact that I worked so hard as to where I am now . - Sorry my friends , I rarely comment pero na touch ang heart ko .
Delete1:27 ako din eldest. To be fair naman sa parents ko pinag aral talaga kami. Now na medyo mahina na sila nagbibigay akong kusa at tumutulong din sa mga hospital bills.
Delete12:41 ako din responsible mga kapatid ko. Kahit parents ko. Pero since may edad na sila at meron naman ako kahit papano tumutulong talaga ko. Ang pera kikitain mo pa yan. Saka magaan sa loob pag nagbibigay. Pag may sobra naman why not?!
Delete1:27 I feel you.
DeleteNow I understand why rich people don't befriend the poor.
DeleteKaya naman ako lumayo tlga sa mga kamag anak, pamilya ko lang responsibilidad ko hindi buong baryo.
ReplyDeleteEto pa, nung nasa pinas ako, 5 lang inaanak ko, ngayon 120 na. Bawal daw tumanggi sabi ng nanay ko, kaya papasko ko sa kanila tig 100 lang tlga. Di naman ako mayaman noh.
My parents are protected of us. Ayaw nila, especially may father - he would always say, don’t worry, walang kang obligation sa mga pinsan mo - isipin mo sarili mo. After 10 years na monthly nagpapadala ako. Ikaw naman.
Delete120??? dapat tumanggi ka na... hindi mo naman kaya responsibilidad ng pagiging god parent pag ganyan karami... tsaka ang pagiging god parent ay hindi tungkol sa regalo pag pasko lang... responsibilidad mo na gabayan sila maging mabuting tao
DeleteI don’t mind kung parents ko, I’m willing to help. But yung mga extended relatives (pamangkin, tita, tito, pinsan), wala talaga silang mapapala sa akin.
ReplyDeletePareho tayo! π Parents ok.
DeleteI am a breadwinner, dati nagbibigay pa ako sa mga Tita ko pero one time, kinapos ako at di nakapag abot. Ayun, ang damot ko na daw. From that day on, pinakita ko na talagang madamot ako. Akala mo mga pensionado eh. Kaya focus na ako sa immediate family ko. We travel a lot and ang dami kong naririnig na issue pero kebs na ako sa kanila.
ReplyDeletehindi ako bilib sa gantong kwento unless napakasama ng mga auntie mo or wala silang common sense??? syempre naman immediate family lang dapat... hindi mo na dapat bigyan auntie or uncle mo unless pinaaral ka nila
Delete1:30 ante, breadwinners dont become breadwinner para sa validation mo. mas matindi lang conscience nila kahit sometimes too much na. kung maka eme ka dyan..
Delete1:30 mas hindi ako bilib sa comment mo dahil u didnt know how toxic breadwinner culture sa ating bansa. Best known example ay ung kay Charice Pempengco.
DeleteWala naman masama tumulong sa pamilya. Ang masama ay yung nagiging pala-asa na sila sa tumutulong. Tipong nagkaanak na, pero iaasa sa breadwinner na kapatid yung pagpapalaki ng anak nila. Pati yung gagawin retirement plan ang anak. Downright wrong. To the point na yung sarili ng breadwinner at pamilya naman niya ang magsa-suffer. Hindi pagddamot ang mag-set ng healthy boundaries
ReplyDeleteAlways balance personal needs and needs of others.
ReplyDeleteHonest question. Ang "breadwinner" ba pwede gamitin sa tatay na traditional na bumubuhay sa pamilya? Or applicable lang ang term in other situations, like, ang anak or wife ay may mas malaki ang kita at sila ang sumusuporta, instead na yung padre de pamilya?
ReplyDeleteAs akin lang ito ha , provider ang tawag doon. ❤️
DeleteFor me, parents ang dapat bumubuhay sa mga anak nila while they are still young. Hndi porket nagwowork either mother or father, wala nang gagawin ang isa. Tulungan sila dapat.
DeleteFor parents to their parents, support lang. For parents' siblings and relatives, aba! Wala n dapat silang responsibilidad sa kanila. Magbalat dapat sila ng sarili nilang mga buto.
ang sakit naman ng magbalat ng buto, 10.48. Magbanat lang po sana...hahahha
DeleteThat’s why the poverty cycle in the Philippines is never ending. Dahil sa ang magulang umaasa sa anak na iahon sila sa hirap. Pag nagkapamilya na ang anak wala pa ring pera kasi walang naipon and the cycle goes on and on. Utang na loob kung walang means or ayaw magbanat ng buto at iasa ang pagahon sa kahirapan sa anak, wag na maganak ng madami or better wag na maganak if hndi kaya. Nobody wishes to be born on poverty. Walang choice ang mga babies pero ang magulang meron.
ReplyDeleteexcuse me!! hindi yan ang dahilan ng poverty cycle sa pinas!
Deleteang reason ay yung minimum wage na walang ka kwenta kwenta... afford naman ng mga companies na magpasahod ng disente pero hindi sila naoobliga...
wala nang mabubuhay sa minimum wage na 700 pesos nu!
sa rate na yan, imposible makaipon si juan dela cruz para sa retirement niya... kaya aasa lang siya sa mga anak nya haysh
saakin kung may kakayahan ang anak maging bread winner okay naman, pero hindi obligasyon, kaya mo ginagawa yun kasi mahal mo pamilya mo, lalo na aging parents. pero habang wala pang trabaho anak, magulang talaga bubuhay at obligasyon paaralin, pakainin, gabayan, etc…. Kapag may pamilya ng sarili ang anak, yun iba narin ang usapan…
ReplyDeleteAng daming batang artista sa atin breadwinner at such a young age, tapos kaya pa naman mag work ng mga magulang pero nakaasa na sa anak na artista, pati pag papaaral sa mga kapatid, sa anak na rin inasa… toxic mentality talaga sa atin patong patong
DeleteAs a breadwinner myself, I agree with Regine's statement.
ReplyDeleteGuys please tell me how to say no without hurting their feelings
ReplyDeleteFeel you, ang hirap, nakuba na ko
DeleteThis is how I do : Thank you for sharing with me about your current financial situation . I appreciate it. In as much as I would love to give / lend you , at the moment I don’t have extra cash to give or lend . And then she or he will say / I understand, I promise I will pay you back ( from my experience , never may nagbayad and all I sent in the Phils, walang bumalik sa account you .. that’s for 15 years ) So now I’m very firm . However , I don’t have friends anymore who reach out or keep in touch . Even my Bessies, they ignored me already after I started saying no . My siblings too and my sis in law . Super sweet sila noon sending messages and liking my post about travel . ( I rarely post too ) When I started to say I don’t have extra cash , wala nang nangungumusta sa akin . Now I don’t have social media anymore . Convenient din kasi to borrower on messenger ? Kasi they know my email naman pero walang nag e email . Just prepare yourself na wala nang mag re reach out . I told them in a nice way kasi I cannot take out money from my savings and investment accounts for them . I don’t have extra cash , period . ( Though I heard couple of times , Hindi na raw ako generous . But then those people who borrow, I saw they have grandiose lifestyle based sa mga post nila on social media when I was still there . ) We have to say no kasi that will never stop … and they have to be financially responsible. Also, being low- key helps . I don’t post anymore about my travels or anything . No social media , more peaceful . ❤️ ( I know , rambling thoughts Im sharing here . Sorry na, I’m multitasking . Happy Holidays , mga ka FP .
DeleteTheir feelings will be hurt but its ok. You cannot pour from an empty cup. Have the courage to be disliked.
Delete-From a struggling people pleaser-
Say no right away. Sabihin mo may pinaglalaanan ka sa pera mo or you're saving up for something.
DeleteIt's hard to say no. What I do is give a small amount only para walang masabi. Say nanghihiram/hingi ng 10k. Bigyan ko ng 1k.
Delete2:08 who cares about their feelings? Not like they care about yours. Have balls, you're grown, say no.
Delete815 so true!!! Pero ok lang sakin mawala ang ganyang friends… I say good riddance!
DeleteDati ganyan din ako dami ko explanation bakit hindi ko sila mapapa utang. Pero I realized the more you explain the more na mangungulit sila. Sa experience ko sa 50 nangutang 1 lang nagbayad nakaka dismaya. Nung magka anak ako I started to be mindful of my money. I started to say no. Wala na nangangamusta which is ok lang kase ung kamusta may kasunod na pautang eh. Now pag may nag message na pautang, isa lang sagot ko “pass” yan lang tapos ang usapan.
DeleteI don’t lend money anymore. Pag may lalapit, regardless how much they are asking, I only give what I can afford to lose. Mag-iinit lang ulo mo if magpapautang ka at aasang babayaran ka. And I don’t always give, depende sa situation. Try to read the room if what they’re asking is really an emergency or not. If not, I say no, I don’t have extra cash to give. May sarili rin akong bayarin and responsibilities. That’s it.
DeleteAnd tama yung isang nag-comment. It’s better to not post anything on socmed. And yeah, you’ll lose some and hear some not so nice things about you. But coming from those kinds of people, should it really matter? I have relatives and friends who “stayed” even if I said no to them. So at least makikilala mo yung mga totoo sa yo.
Parents ko di naman ako hiningian pero Yung mga Aunties dyan na nag titake advantage sa mga pamangkin, nangungutang at nanghihingi ng pang tuition ng mga anak nila. Mahiya kayo!
ReplyDeleteSame!!! Also, truth!! Kaya sa mga leech, kayo ang nagsilang sa mga yan so panagutan nyo.
DeleteSo true
DeleteAng masakit pa ung kinayod mo kapatid mo pati anak tapos walang nang respeto pagkatapos kang pakinabangan.
ReplyDeleteTruth
DeleteEasy said than done
ReplyDeleteAll i could say ay atleast may progress n ang pinas kasi dumadami n ang nakakaacknowledge n toxic and bad ang breadwinner culture ng ating bansa. One step at a time
DeleteI'm happy about this as well
Delete10:38 hindi ito exclusive issue sa Pinas... common Asian culture ito... magbasa ka sa mga similar articles in Malaysia and Singapore... ganun din ang sitwasyon at mas malala kung eldest daughter ka dahil mas mabigat expectations sayo
Delete2:38 teh ang topic ay pilipinas!! So bakit ka mag iinsert ng ibang bansa kung expanded version na yan. Jusko
DeleteHaayyy saklap. I was a breadwinner for more than a decade. Naiinis ako mainly sa tatay ko na able pa naman noon na makahanap ng work pero tamad2 and ma pride… Nanay ko naman, stressed, kaya grabe pressure. May ex ako noon na natatakot ata sya mabuntis ako and paano na sila mabubuhay, she keeps feeding me na babaero daw (kahit di naman), ayun naging selosa ako. In the end, naghiwalay kami. Fast forward, I have been busy providing for them, di pa ako nakapag asawa.
ReplyDeleteTumahimik ka na lang, Regine
ReplyDeletefinancial abuse is very common sa culture natin. learn to say no and set boundaries. your money, your rule
ReplyDeleteKawawa at mahirap din maging breadwinner esp if may sarili ka ng mga anak. Kahit sumasahod ka na ng malaki laki sa hirap ng buhay ngayon ay hindi pa rin sapat at need pang umutang para matustusan yun gastos ng mga magulang at kapatid at ang masaklap pa ay tingin nila madami kang pera porke naging manager ka na sa pinagtratrabuhan mo
ReplyDeleteWe still need to respect and take care of our parents pero dapat parents shd plan for their old age too at wag gawin naka sentro ang buhay at finances ng anak nila sa kanila
ReplyDeleteAnd yes, pag 18 na dapat sagot mo na sarili mo financially
Wag nio rin gawin yaya ang parents nio ng mga anak nio, mahiya naman kayo
it's easy for you to say that parents should plan for their old age... please look at the reality in the Philippines...
Deletenasa henerasyon tayo kung saan karamihan sa parents ng mga professionals ay hindi naman professionals...
what I mean is siguro farmer si tatay, housewife si nanay, pinilit pag-aralin ng medisina si kuya...
so ngayon si kuya, obligado to give back to his family... the expectations are high...
maraming ganitong sitwasyon...
Those people are called parasites. If you’re a breadwinner then stick to other breadwinners in the family and stick to yourselves you will gain nothing from people who only know how to beg
ReplyDeleteI decided not to get married and have a family because I am the one providing for my parents.
ReplyDeleteOh sorry.
DeleteWala dito ss FP ang mga seniors na pala asa sa anak. Favorite ang mga batugan na anak. Mga pamatay ang “honor your mother and father” hahaha. BS mga tamad po kayo yun po ang totoo. Susuportahan ko po kayo dahil magulang ko kayo. Ibibigay ko lahat ng kaya ko sa isang kondisyon. Bawal kayo mang hingi sakin. Sa tuwing hihingi kayo, babawasan ang sustento,luho at pasyal. Yan ang rules.
ReplyDeleteYou're describing my family.
Deletegrabeh naman galit mo sa parents mo...
DeleteBinasa ko isa isa lahat ng comment
ReplyDeleteLahat may point
Kanya kanya situation at kanya kanya diskarte
In general almost every commenter giver
Others try to be reasonable
This is a good topic dahil nakakarelate lahat ng pilipino
Sa inyong lahat i wish you all the best
Merry christmas sa inyong lahatπππππππ²π²π²ππ½ππ½ππ½ππ½
Merry Christmas ❤️ π π
DeleteIkaw ba kaya mong makita yung parents mong matatanda na magutom? Hindi naman lahat eh biniyayaan ng magandang buhay. Pero majority marami mahirap sa Pinas at likas na matulungin ang mga pinoy sa pamilya. Walang limitations ang pag tulong sa mahal sa buhay.
ReplyDeleteKung hindi ka biniyayaan bakit ka mag aanak sabay ngayon kargo ka pa ng mga anak mo?
DeleteSo I di disregard mo ang pag gapang, pag diskarte, pag puyat, pag titipid, lakas ng loob, hard work ? Choices yan. At ang blessings nila ay dahil sa choices nila hindi namn yan lumapag lang sa lap nila .
DeleteHelping and supporting your elderly parents is different from being (perpetual) breadwinner. Sus, common sense naman.
Delete1:17 tutulong for parents. For sibling ay seldom lang. Pero for not immediate family, NOOO, which un ang issue sa ating bansa dahil igagaslight and blablackmailin ka para tulungan sila. Worse, ung magulang mo pa ang nagpupumilit na tulungan sila kahit hirapan na kayo buhayin ang pamilya or sarili nyo.
DeleteAng parents pag hindi na capable na magtrabaho,kusang loob ka na lang magbigay pero yung buhayin mo ang buo mong angkan,wag ganun.May limitasyon
DeleteI have a sibling who is not financially stable pero anak ng anak at ang lamya pa itaguyod ang sariling pamilya nya. But mind you siya ang paborito ng parents namin, spoonfed lahat. Tapos kaming provider at nageffort bigyan sila ng komportableng buhay pa ang villain sa mga kwento nila.
ReplyDeleteI feel sorry for you. Hopefully makawala kayo from that shackles and focus sa mga sarili nyo
DeleteIf that’s the case, if I were you, I’d cut them off.
DeleteBigyan nyo siya ng responsibilidad para matutonsa buhay.Wag palaasa.Papano kung mawala na ang breadwinner.
Deletekala ko si imelda papin ahahahahha
ReplyDeleteI’m glad i never had to experience any of these. Thankful for my family.
ReplyDeletesana napanood to ng pamilya ko sa pinas.... Ate Reg is so on point! Malakas mang guilt trip ang pinoy. Tas ikaw palaging masama when you put your boundaries....
ReplyDeleteGanito po ang POV ko dyan.
ReplyDeleteHow you treat your parents when they're old and unable to provide for themselves is a reflection of how they raised you. Ang mga anak na pinalaki sa pagmamahal, hard work, at mabuting values ay handang tumulong ng walang limitasyon.
Pero ang mga anak na pinagod, pinilit, at inabuso ay talagang mapapagod magbigay.
Yes 100%
Deletetigilan na ang mentality na iisa lang ang breadwinner sa buong pamilya lalo na kung capable of working din ang iba pang family members. Nakakabastos kasi yun sa nagtatrabaho habang ang iba ay palaasa at tamad ng magtrabaho.Nakikita natin ito sa mga OFW karaniwan na pati halos manugang, pamangkin etc sila nagpapaaral. Bigyan din natin ng responsibilidad ang ibang family members
ReplyDeletenakapanlumo ang stories ng breadwinners sa show. Minsan lagpas isang dosena binubuhay sa kapiranggot na salary; ang mga kapatid tamad, ang parents may sakit. Merong parents or kapatid na anak nang anak tapos dagdag pasanin lang ng bw. Imagine ang nanay at tatay nagpakasarap gumawa ng baby tapos iaasa sa panganay para buhayin? Kasuka!
ReplyDeletePero naisip ko, may parents na di naman sadyang nagpapadami ng anak. Siguro di empowered o educated ang either parent to say no or to use birth control. Parang, bahala na kung mabuntis/makabuntis; ganun lang yung level ng thinking nila.
Ang iba naman, sadyang nagpapadami para may katuwang sa buhay. Pero sana isipin nila na kung sarili nga nila isang kahig isang tuka na, what makes them think na kaya nila buhayin ang isang anak, more so pag naging lima or sampu yan?
I realized din, parang ang daming parents na may sakit/baldado kaya di makapag-work at pinapasa sa anak ang responsibility. Siguro mahirap din sila nung bata, lumaki na di well nourished, di nakakapagpagamot, di rin afford ang “healthy lifestyle/living,” plus di pa educated. Pagtanda, hirap sa trabaho, stress, etc. Tapos ang mga anak nagiging ganun din. Nagiging cycle sya.
It is unfair to the sole breadwinner to carry the burden of the whole family, dapat hanggang magulang lang ang pagsustento, wag na ang mga iba pa. Papano king mag aasawa na ang breadwinner,papano naman niya bubuhayin ang sariling pamilya.This is a bad example for the young ones na tinuturuan natin maging tamad.
ReplyDeleteHaving read a few comments here, it is amazing that the word ‘LOVE’ is missing! It is not always about money! Who went through all the sleepless nights when you all were born, and unending sacrifices? Shame on all of you who complain about caring for the very parents who raised you. Thus, it will be done unto you!
ReplyDeleteButi sana kung parents lang. kaso yung parents pati batugan na mga anak gusto ipashoulder sa mga kapatid. Asan ang love don?
DeleteSorry, I don’t agree with what Vhong said na “walang choice.” I don’t believe that. People always have choices. The only problem is, we don’t make those hard choices because we’re scared to face the consequences of such choices.
ReplyDelete