Sunday, December 15, 2024

Naya Ambi Wins The Clash 2024

Image courtesy of Instagram: gmanetwork

32 comments:

  1. Replies
    1. May isa na namang contestant winner ang hohopia na mabibigyan ng career ng Kamuning

      Delete
    2. Akala ko namali lang si fp ng photo kasi unang pasok sa isip ko nung mabasa ko yung the clash eh wrestling match. Singing pala ito.

      Delete
  2. Mabigat kaya yung medal niya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang gawa sa cardboard 😆 and the lanyard... harujosko!

      Delete
  3. Sana mapasikat pa ng GMA ang artists nila at bigyan na po ng matitinding single ang magagaling na singers.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit siguro saang singing contest ngayon sa tv di na ganon kasikat. Puro lang kasi birit. Iba na ang trend ngayon. Ang kagandahan lang ng TNT kasi malawak ang reach and strong ang fanbase ng show kaya nakikilala mga sumasali don.

      Delete
  4. Ilan season na sila…Wala pa rin kilala sa mga nanalo kahit paano yung sa TNT kilala naman yung ilan pero dito….DA HU pa rin!!

    ReplyDelete
  5. Naalala ko lang si Julie Ann San Jose na naka-diamond record pero wala akong alam ni isang kanta niya, mas napakinggan ko pa sa radio dati kanta ni jennilyn m at yarmin kurdi. Anyway di naman ako nanood ng The Clash so si JAPS na host na.lang nabanggit. Kahit kapamilya ako nirerecognize ko ung pagiging multi-talented niya. Sana dumating na yong panahon yong recognition na deserve niya as an artist and singer.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din, wala akong naririnig na kanta nya sa radio

      Delete
    2. Maganda yung kanta nya na Right Where You Belong. Nalaman ko lang yun kasi ginawang OST dati. Sa Spotify ko lang pineplay ngayon.

      Delete
    3. Nakilala ko lang sya nung mag guest sa showtime.

      Delete
    4. Oo nga no, wala talaga syang kantang tumatak.

      Delete
    5. ang OA lagi ng kapams sa pagiging nega pag kapuso, pero nakakatawa lang na di daw sikat si julie, pero pagdating kay julie sugod agad dito ang mga bashers hahaha. Nung time na naging diamond awardee iyong album niyang right where you belong, simple logic, ibig sabihin that time sumikat iyong kanta, na meet ng album ang PARI standard re sa sales ng album. At present time, sa digital world, sikat ang mga songs niya dahil end of last yr pa, ang average listeners o nag i-stream ng songs niya sa spotify ay more than 900k. Pag hater/basher ka, paulit ulit lang iyang mga nega comments, copy paste na lang lagi

      Delete
    6. Actually sayang si Julie kasi she plays the guitar and she can write songs, really good ones kung ma-market lang ng mas effectively.

      Delete
  6. Running pala to? Parang wala man lang nag trend.

    ReplyDelete
  7. Ay meron palang ganito?

    ReplyDelete
  8. Pinanood ng nanay ko yan kanina, jusko nakikinig lang ako pero sobrang sakit sa tenga ang boses nya at ng kalaban nya. Wala silang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw. Mag 2025 na nga lang peeo hanggang ngayon puro sumisigaw pa din mga nananalo.

    ReplyDelete
  9. Sana ibahin na rin mga shows na ganito na batayan ng galing ay whistle note!

    ReplyDelete
  10. Dapat itigil na ang singing contest sa Pinas. Sa sobrang daming singers yung iba hindi na nabibigyan ng big break. Sa una lang lalabas sa tv dahil manalo pero after ilang months lang wala na sa limelight. Balik private citizen na ulit.

    ReplyDelete
  11. Daming singing contest sa Pinas hindi naman na sumisikat. Same sa The Voice USA na hindi rin nabibigyan ng mainstream success mga naging grand winner nila.

    ReplyDelete
  12. May The Clash pala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. as usual kapams ka kasi lol, like me na kapuso, di ko rin mga kilala mga artista sa abs

      Delete
  13. Sa true lang tayo…ang daming magagaling na singers ngayon ng GMA kaso parang tulog sa pansitan pa rin ang Marketing staff ng GMA music.

    Parang hindi/walang planong makikipagcollaborate sa ibang radio stations na hindi affiliated sa kanila. Kung may new album ang singers nila palaging exclusive lang na napapakinggan sa radio stations nila tapos hindi man lang mag-effort ipakanta sa singers sa AOS (kung meron man ang bihira).

    May chance na sana sila marinig ang kanta ng isa sa singers nila sa HLG at co-prod pa sila pero parang wala man lang ba nagsuggest na isali like yong single sana ni Garrett.

    Yong themesong ng Widows’ War ni Rita at Hannah ang laki sana ng potential kaso sa guesting ng casts sa AOS for premier di man lang pinakanta (same as other theme songs ng ibang palabas nila na magaganda sana di din piniperform).

    At kung may mga shows abroad di man lang mag-effort mag-include as guests ng kahit dalawang singers lang for exposure na din lalo na yong mga US tours nila Alden na sila2 lang. Sayang talaga.
    (Sana may staff na nagbabasa dito at ma realize nila)

    Nevertheless, I love GMA singers pa din especially Queendom and Kingdom. Galing ng harmonization at tagos sa puso kapag sila ang kumakanta.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung Garrett Bolden magaling

      Delete
    2. Parang mas nakilala pa nga singers nila mula nung mag guest2 sila sa Showtime kesa sa show nilang AOS. Waley talaga GMA pagdating sa pagpromote or pagpasikat nila sa stars nila.

      Delete
    3. Same with ABS-CBN, Star Magic and Star Music.

      Delete
  14. Ano kayang plano ng GMA sa mga winner nila na hindi man lang mapasikat sikat. Sayang kasi magagaling naman sila. Mabuti pa nung kapanahunan nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi lagi ko naririnig sa school service ko mga kanta nila. Mabuti na nga lang din nag teatro si Aicelle Santos kaya mas lalong nakilala. Ang napag-iwanan si Maricris Garcia na magaling din sana.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag asawa si Maricris kaya di na nagshowbiz pero aminin natin mas maganda at di hamak na mas magaling siya kesa mga kasabayan niya.

      Delete
  15. ANG GAGALING NG SINGERS NA NAPROPRODUCE NG GMA SA THE CLASH AT VOICE KIDS. SANA MAGALING DIN SILANG MAG MARKET. YUNG KABILANG STATION KAHIT SABLAY SA BOSES MGA ARTISTS NILA NA MAMARKET PA DIN NILA.

    ReplyDelete