Tuesday, November 26, 2024

Insta Scoop: Carla Abellana Dares Opinion Page Criticizing Local Acting


Images courtesy of Instagram: carlaangeline




Images courtesy of Facebook: The Imperial Patriarch 

72 comments:

  1. For hello love again, for me it’s not the acting, for me prang yung paulit ulit na style pg didirek ni CGM. Pro kebs nman dba, as long as tangkilikin ng masa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag ipinakita yong tunay na emotion, sasabihin OA, kapag luluha lang na di ipakita emotion, nakukulangan sa acting. Saan ba ilulugar ng artista sarili nila? Actually speaking of basta luluha lang, ganyan kaya sa Hollywood umiyak mga artista.

      Delete
    2. Nag wig ba si K dyan? haha. Ang corny ng pa wig ni cathy sa totoo lang

      Delete
    3. 8:41 pm mukhang di naman naka wig si Kath dyan. Ang ganda nga ng rehistro nya sa camera. At tsaka kahit si direk Cathy problemado rin sya sa pa-wig nya kaya lang ayaw nya din ma-compromise mga artista sa ini-endorsong shampoo product.

      Delete
    4. Wala syang wig teh

      Delete
  2. Lahat naman ng palabas kahit hollywood man yan korean ganun din hindi makatotohanan ang acting at mga nangyayari. Ang dami talagang anti filipino vlogs na naglalabasan ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Heloo, magagaling sila no. Tanggapin nyo na lang na may katotohanan sinasabi nya. Unless, isa kayo sa fans nung mga sinasabing nyang di magagaling kaya biased

      Delete
    2. May katotohanan naman nga yung sinasabi nya pero sabi nga nga hindi naman lahat. At kung ganun, mali naman yata na HLA yung sample photo nya jan kasi ang gagaling na ng mga artista diyan at di ako agree kung sila ang tinutukoy.

      Delete
    3. 8:42 ang sabihin mo isa ka sa mga bitter bashers kaya kunyari suportado mo sya na hindi nga kayang magpakita ng sariling mukha🤣🤣🤣

      Delete
    4. Natural acting of Alden and Kath.Magagaling

      Delete
    5. 8:42 may colonial mentality lang kayo. International critics nga positive ang review sa movie. May mga Pinoy na feeling intelihente pero mga wala namang narating sa buhay.

      Delete
  3. Dami kasing colonial mentality sa pinoy. Pustahan kapag ibang bansa panay tanggol ng mga pinoy. Kadiri

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! Wala ng nakitang positibo sa sariling bansa, puro panlalait!

      Delete
  4. If we're talking about the younger actors and actresses, what the writer said is true. Although, may mga ilang artista who are credible and natural when acting. The problem now is that iilan lang ang maswerteng nabibigyan ng maraming opportunities to hone their acting due to unlimited supply talents. Unlike yung mga older generation of actors like Eddie Garcia, Nora Aunor, Vilma Santos, they have hundreds of films under their belt because hindi pa ganun kadami ang mga artista noon.

    ReplyDelete
  5. Sana magsample muna sya sa pag arte ng "natural" bago sya kumuda para mas convincing yung hanash nya. Dito pa naman sa atin, madalas na yung mga walang experience at not really on the field ay sila pa yung perfectionist umasta at mamuna sa hardwork nang mga artists natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Personalan na si 7:43 lol eto yung mga mahirap kausap.

      Delete
    2. True. Ang lakas ng loob mamintas eh sarili nga nyang ichura hindi nya mabalandra..

      Delete
  6. Lolol kung makapuri sa gawa ng ibang bansa akala mo talaga sobrang perfect. Pili lang rin naman ang quality movie with quality acting even sa hollywood.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 7:48 Wag nyo dini divert ang fact. :D

      Delete
    2. Nakakadiri rin yung mga pilipino pag nakapanood ng foreign films tapos magsasabi ng 'ang ganda no, ganyan kasi gumawa ang amerika, ang layo sa mga local films natin!' Ay sorry sa inyo na di kaya sumuporta ng gawang atin ha! Pasensya naman kung maliit lang ang budget natin at ito lang ang nakayanan.

      Delete
    3. 8:39 the real fact about his post was that he is KB's ex's fantard kaya sya humanash ng ganyan🤣🤣🤣

      Delete
    4. korekted by 10:28!

      Delete
    5. Fan ng ex kaya

      Delete
  7. Wag lahatin, yan ang style ng director e
    Pero marami magagaling na pinoy actor yun nga lang they're not mainstream actors

    ReplyDelete
  8. page is using chatGPT. pinatulan talaga to ni Carla? 😂😂😂 binigyan nya lang ng chance for more engagement yang FB troll na yan.

    ReplyDelete
  9. Yang Imperial Kinembular na yan as if akala mo magaling. Kelan at saan ka makakapanuod ng makatotohanang akting ng mga artista? Mapa-hollywood, kdrama, Mexican, Bollywood, name it. Lahat yan laging cinematic ang effects ng mga aktingan. Kahit pa indie movie yan, same pa din,di makatotohanan. Mula't mula pa noon ganyan na. Mas malala pa nga ang ka-OA-yan ng acting noon e. Masyadong pakitang gilas. Kala mo nakagawa na ng makatotohanang movie na tinangkilik.

    ReplyDelete
  10. Wag kayo magagalit kung panay puri sa gawang ibang bansa dahil totoong magagaling sila at natural umarte. Sa buong buhay ko, isang artista lang ang nakita ko sa hollywood na cringe ang acting. Besides, storywise, totoo naman na wala ng binatbat ang Philippine cinema. Sa atin kasi ang importante patok at kumita di baleng paulit ulit at boring na ang mga storya. REALTALK lang wag kayong defensive. Daig pa tayo ng bollywood, may napasikat na movies, internationally.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag kang OA. Baka konti palang napapanood mo. Marami na ako nakitang cringe umarte na hollywood actors. Lamang sila talaga sa aktingan dear kasi aral sila sa theatre, acting and arts. Dito walang pampaaral yung iba. Kaya ganda babae at gandang lalaki muna mahalaga tapos tsaka na workshop.

      Delete
    2. Pili lang din oy. Ang daming cringey movie na gawang porener at nagflop sa sarili nilang bansa. Madali lang kase masilaw ang ibang pinoy kapag sinabing imported kaya kahit oa at cringey ay pupurihin over sariling atin.

      Delete
    3. 9:11 yung tinutukoy mo are b-list actors. I saw some of the movies sa cinemax pa noon or some less popular channels sa cable TV.

      Delete
    4. 8:38 ang sabihin nyong mga kabaro mo mahilig o invested lang kayo masyado sa salitang "imported". Yan ang mentalidad ng ibang pinoy eh, kapag sinabing gawa o galing sa ibang bansa super proud silang ibalandra kahit may mga gawang Pinas naman na nakahihigit sa ganda at kalidad. Yung iba feeling nila kapag nanunuod sila ng english movie ay nakakasosyal kaya todo flex sa mga foreign movies na napanood at wagas kung laitin ang gawang atin eh hindi naman din nila pinanuod.

      Delete
  11. Di naman na talaga kagalingan ang mga artista ngayon lalo na yung mga sikat now. Kahit storya waley. Hype and clout na ngayon.

    ReplyDelete
  12. Well totoo naman. Tayong pinoy lang naman ang galing na galing sa OA acting natin pero never naman tayo sumikat globally. Pero yung mga titles ng artista dito maka "Asia's Superstar" pero fan supported block screening naman ang ambag.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah bitter ka pla sa box office success ng hla kaya suportado mo yung red flag raiser🤣

      Delete
    2. She has multiple Asian awards under her belt. Di lang kayo aware

      Delete
    3. 11:34 due to popularity nman majority ng asian awards nya

      Delete
  13. Pinoy movies natin ay about multo, vampira,diwata,and other fantasy stories.Hindi real life situations na may moral values.

    ReplyDelete
  14. Ang gustong subtle acting ni imperial patriarch ay ginagawa ni Nora Aunor sa mga indie films. Unfortunately, wala namang nanonood nito. Wala pa kaming sampu sa sinehan sa movie niya na directed by Brillante Mendoza. Na-influence na tayo ng over the top acting na pinapalabas sa mga teleseryeng ABS. For me, ayoko man ng OA acting, di rin ako tatagal sa mga subtle o nuanced acting. A good balance will do for me.

    ReplyDelete
  15. Alam na, " red flag raiser" eh 🤣🤣🤣 saka face reveal dapat bago humanash... You talked about "natural" pero yung profile pic eh unnatural🤣🤣🤣hypocrisy and bitterness nga naman o. Mag evolve ka muna into a real account with real identity para realistic ang dating ng Kahipokritohan mo oi!🙄🤣

    ReplyDelete
    Replies
    1. This! Lakas ng loob nya questionin ang style of acting ng mga casts ng HLA pero nagtatago naman sa alias. Walang credibility yang imperial ek ek na yan susme.

      Delete
  16. Kahit hindi pa yan Hollywood level acting, kung naiyak ka s drama or natawa sa comedy movies nagawa pa rin nila ang trabaho nila. Granted mas marami talaga ang number of hindi marunong umarte sa marunong, but this is true sa lahat ng showbiz industries sa Mundo. I can name Hollywood blockbusters with horrible acting.

    ReplyDelete
  17. Just my opinion ( pls don't bash me) - if you look at countries kung saan maraming magagaling na actors - like the UK for instance - marami silang mahusay na actors because meron silang strong theater tradition. Bago pa sila magsimula sa movies or TV nahahasa na sila sa theater. Yung mga Royal Shakespeare Company etc. And even sa Hollywood - mahilig silang kumuha ng British actors ( or Aussie actors) kasi merong theater training ang mga galing UK, Australia . Part ng acting tradition nila yon. And even American actors na magagaling ( like sina Meryl Streep) usually may theater background. I'm not saying all pero malaking factor ito. Dito sa Pilipinas wala tayong strong theater tradition. Iilan lang ang artista natin na nanggaling sa teatro. And usually mga supporting roles sila sa tv and movies. Halos walang leading man or leading actress na galing sa teatro . And yes, meron tayong mahuhusay na artista na hindi dumaan sa teatro. Like yung mga child stars na bata pa lang umaarte na. Pero I think malaking bagay yung nahahasa sa teatro. Problema dito sa Pilipinas ang pinanggagalingan ng mga artista - ay usually sa PBB, sa reality tv. Popularity contest and looks over actual talent. Kaya kulang tayo sa mahuhusay na actors. Plus I think yung Filipino style of acting is medyo OA, . mas subtle and low key yung acting style ng actors mula sa ibang bansa. Siguro kasi yun ang nakasanayan na ng Pinoy actors - na pag hindi ka umiyak sa eksena, hindi ka magaling na actor.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Legit kasi ang actors nila. Di sila forda business gaya dito na kailangan sikat ka muna nago ka magkamovie. Kahit nga yung theater actors dito e OA din. Dinadaan sa hysterical acting madalas.

      Iba talaga sa US at UK may training ang acting. Tapos anlakas magexpect ng mga andito na makaka Hollywood sila dahil sa Pinoy block screening fan base at Pinoy online fans alone. Nakakatawa.

      Delete
    2. Correct. If may I add… halos karamihan Sa Hollywood dumadaan din Sa Acting (drama/theatre) School. At talagang meron silang training, like booth camp for acting, bago sila sumabak sa talagang acting in the movies or tv shows. Kasi ang bine based nila sa Hollywood kung meron ka talagang ibubuga at hindi basta basta na makukuha mo ang movie role, meron pa iyan audition for the actors. Kinukuha talaga nila ang magagaling. Dahil ang mga producers and directors naka invest iyan, malaking pera ang gagastusin. May pangalan man or wala, sikat man or hindi. Kay kahit maganda ka wala silang pakialam ang gusto nila may talent kaba for acting at nababagay ba sa iyo ang role. Ganoon sila sa Hollywood mag based nang mga talents nila. Sa pilipinas. Bine based nila mainly sa looks, kahit hindi ka marunkng kumanta or umacting sige okay na iyan… ang inisip nila matutunan din which is mahirap matutunan ang umarte sa movies and tv. It takes years of discipline and learning the craft. Kaya iyong mga ibang Hollywood actors kapag ine interview sila about their acting careers and about their years of experience… ang mga iba sinasabi nila it wasn’t that easy, itong mga ibang veterans, hanggang ngayon they are still learning about the craft kasi nag eevolved din acting and theatre over the years, dahil na rin sa demand nang mga audience.

      Delete
    3. I agree with all of you. Even sa music. Dito sa pinas maraming magaling kumanta but walang foundation sa music. Same with acting. Since mas trained sila, mas exposed din. I also noticed ang pagiging actor sakanila ay totoong trabaho kaya rin mas gusto nila yung privacy nila. Dito kasi maraming gusto lang yung fame and makaahon sa kahirapan so kahit maungkat na mga bahonnila basta maging artista lang, kahit kulang sa training basta magnada, guwapo, foreign looking o kaya sumikat sa social media artista na

      Delete
  18. sa akin lang naman, pinoy acting lalo na sa serye is ham acting at its finest. real talk lang. that being said, diyan kasi nakakarelate ang masang pinoy. yan na ang kultura. getting them to appreciate nuanced hollywood acting is a lost cause….

    ReplyDelete
  19. ginawa na naman punching bag si Kath. kaya blessed talaga si Kath, box office success after box office success tuloy ang nangyayari.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagsabi lang ng totoo punching bag na. Kathryn is overhyped and overrated.

      Delete
    2. kulang naman talaga sa nuance acting si Kathryn. yan ang gusto kase ng mga fans nya. yung OA acting, sigaw acting, hagulgol with sounds acting. tapos mga Kfans pa ang magaling mag bash sa mga co-actors nya na mas magaling naman sa nuance acting kesa sa kanya. let's accept the fact na pwede pang iimprove ang acting nya, proper workshop lang. tutal nag BO ang movie nila, so why use some of the money to enroll her in acting workshops dba

      Delete
    3. may pagka bulol din si Kat magsalita yun bang pabebe magsalita. Nora and Vilma are the last greatest actresses of all time. Wala nang pumalit sa kanila.

      Delete
    4. excuse me lang 1235 nakalimutan mo ata sina maricel, snookie, dina, gina(alajar/pareño), lorna, amy austria, hilda at the late nida blanca, cherrie gil and jaclyn jose also nakakahiya naman kina juday, sunshine dizon, mylene, iza calzado, claudine, gladys at angelou even mercedes cabral at eugene domingo de calibre! kayang-kayang sabayan ng mga yan ang greatest actresses mo.

      naka-ilang pabebe projects din yang mga yan bago sila naging "the great". you also have to consider na kakaunti pa lang sila noon unlike ngayon, siksik liglig ang kompetisyon para sa spotlight.

      Delete
  20. Meron talagang mga Pinoy acting na OA datingan. One example for me Yung batang quiapo. Sobrang cliche na Yung acting, Yung maraming brses Mo nang nakita sa ibang movies, expected mo na kung paano mangyayari at iaacting ang eksena.

    ReplyDelete
  21. Hirap talaga pag successful ang isang project o isang tao, daming inggit. Pero for me magiging valid lang ang sinabi nya kung magpapakita siya ng mukha.

    ReplyDelete
  22. The fact na ginamit nya ang picture na taken from a scene of hla at ganito ka nega ang hanash nya ay patunay lang na napupuno sya ng kapaitan sa tagumpay ng pelikulang pinagdarasal nilang mga kakampon nyang magflop pero naging highest grossing film pa tuloy.

    ReplyDelete
  23. Well said. Totoo naman

    ReplyDelete
  24. Meron naman talaga sa movies na parang di natural at di nangyayari sa tunay na buhay. Totoo din naman na may formula si Direk na pareho lagi. It makes money so that makes it alright I guess sa mga producers. Si guy may mga friends na sabay sabay sumagot. Si girl palagi din may friends na mga funny. It’s an okay predictable movie but nothing new or outstanding.

    ReplyDelete
  25. Saw his previous post na paramg pinagtanggol nya c nadine.. ok alam na anti kathryn po sya napakadaming d marunong umarte sa pinas yung pic ni kath nilagay

    ReplyDelete
  26. True naman. Sa totoo lang super OA ng pinoy acting and kahit Nora, Vilma, Sharon, Maricel pa yan laging exaggerated ang acting Nila. Di gaya sa ibang bansa, natural ang mga expression. Konti lang yung ganitong acting sa Pinas.

    ReplyDelete
  27. Kathryn isn't a good actress. I saw her films yung iba di ko nga natapos kasi cringey ang acting. I saw her A Very Good Girl, juskoday, dinaan lahat sa mura at sigaw. Hindi nya mapapantayan ang acting level ni Vilma at Nora, not even Maricel

    ReplyDelete
    Replies
    1. I only saw one movie of hers sa bus. Yung may mga kasaling batang Aeta. Terrible acting. Yung umiiyak pero hindi man lang gumagalaw yung face niya. Parang sobra siyang conscious na pumanget yung face niya. I agree that she isn’t a good actress. Swerte lang siya na good image siya kaya napakarami niyang solid fans who are willing to go all out for her to break the record. Just like TS.

      Delete
    2. Me too. Gusto ko sya kaya tinry ko panoorin. Kung di ka biased or fan nya, mapapa sigh ka na lang talaga hehe. May scene sya before na galit pero yung mata nya di makasabay, kinikilig na ewan. Mata pa naman pinaka nakikita ang emotions. Pero sana nag improve na sya ngayon.

      Delete
  28. I love Kdramas, but that post is a lot of cr@p. Unless you show your face and prove that you’re an expert in the field that you critique, your post is nothing but begging for attention. Props for getting what you’re aiming for.

    ReplyDelete
  29. Nasa directors kasi yan. This era did not produce great directors unlike noong panahon nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mario O hara, Celso Ad Castillo, Marilou Diaz Abaya, kaya magagaling ang mga artista noong 70's 80's. Ngayon wala akong masabi na magaling na director, ang nakakatawa pa mostly sa pelikula ngayon nauso yung madaming cast tapos pag nag usap sila nakaharap lahat sa camera nakahilera sila nag uusap. Very unnatural. Uso yung buong baranggay supporting the dalawang bida which makes me think, wala bang trabaho yung mga ibang characters kasi ang dami nilang time to think about the main characters' problems lol. That's not like in real life.

    ReplyDelete
  30. Dapat may napatunayan muna bago humanash ng ganun kahaba. Obviously nagpapampam for clout e kakarampot kasi engagement nya kaya sumakay sa hype ng HLA. Mga pinoy netizens papatol syempre kasi nakuha nya ung tamang topic para mapansin sya kaya yun mission accomplished daw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Everybody naman has the right to give feedback. Wag ka masyadong masaktan para sa idol mo.

      Delete
  31. Kc nman pang soap opera acting ung mga aktingan sa pinoy films. Soap operas are meant to be exaggerated acting. Kaso nag cross over ung OA acting sa mga soaps sa pinoy films gets ko ung nag post actually

    ReplyDelete
  32. Eh ang dami din kaya di natural acting sa kdrama lalo na yung mga pa tweetums na series. Parang "kyaaaa" expression lng din satin. Yung parang pa suntok2 sa dibdib ni girl sa guy at pa cute face ni girl sa kdrama, cringe kaya, di makatotohanan. Kdrama fan here pero realtalk lng ako. Or 30 na kasi ako baka kaya?

    ReplyDelete
  33. Nasanay kasi kayo sa Vilma acting. Laging pasigaw. Panuorin niyo mga remarkable movie scenes ni ate V lag

    ReplyDelete
  34. It's called acting for a reason right? To be fair, hindi rin naman true for all yung mga na-point out niyang observations ... unless he has a certain actor/actress in mind na gusto lang niyang pasaringan. Lol. Kung gusto ng authetic emotions, huwag nang manood ng sine or TV. Abangan na lang ang mangyayari sa mga kapitbahay. Yun ang talagang raw emotions pag nagkataon.

    ReplyDelete