Ambient Masthead tags

Saturday, September 14, 2024

TikTok Star Mama Lulu Believes Parents Should Not Oblige Children to Become Breadwinners


Mama LuLu’s OPINION on children being expected to be the breadwinner of the family.

Images and Video courtesy of TikTok: otakoyakisoba

203 comments:

  1. On point si Mader. Di obligasyon ng anak na buhayin ang anak. Pero may mentality tayong ganyan kasi yan ang nainstill ng kultura natin at di tayo makaahon sa hirap dahil sa gobyerno natin na tayo rin ang pumili.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tanong, payag ba ang lahat na magbayad ng tax at magbigay ng resibo sa bawat benta. Yan ay ang mga sari-ari stores, sidewalk vendors, at mga tindera sa palengke.

      Delete
    2. Mga sari sari stores may mga permit yan karamihan hehe

      Delete
    3. Sabihin na nating sige tanggapin natin yang mentality natin yan, ok lang naman na umasa sa anak kung talagang kailangan pero yung basta mo na lang AANGKININ yung pinaghirapan nila at ikaw pa galit pag nakwestyon ka, yun naman talaga yung hindi tama bilang magulang. Yun yung tunay na naging issue dito eh.

      Delete
    4. I agree na hindi obligasyon ng anak.

      Pero hindi din naman nia sinabing pabayaan mo ang pamilya mo kapag naka-angat ka na.

      Delete
    5. Start with electing officials who won't make your taxes their personal ATM. Malaki na ang sinisingil na buwis sa mga tao, pero wala namang mangyayari!!

      Now, look at more progressive countries like the scandis and canada, na kahit 50% ang tax, G lang! Libre naman ang education at healthcare, maayos ang public transport at walang 4 hour traffic jams!

      At kung mahirap ang buhay sa pinas... please lang, close your legs, use condoms ar wag mag-anak kung hindi nyo kayang buhayin ang bata!

      Delete
    6. On point naman talaga. But! If you see your parents struggling while you have extra, why not help them, it’s basic show of love. Ginapang ka ng mga yan to go to school kaya a helping hand will always be appreciated.

      Delete
    7. Hinde naman obligasyon yun. Nasa anak yun kong mapagmahal sa anak di na kailangan obligahin. Magkukusa yun.

      Delete
    8. 11:36 Oo nga. Sana respect man lang sa anak lalo na kung marami naman achievement. & also if adult na sila, let them make their own decision unless yung bawal talaga. Hindi yung makikialam ang magulang. Lalo na kung financially independent na rin naman ang anak. Ang magagawa lang is magpayo at gabayan.

      Delete
    9. 11:23 PM - It's not up to them, kung "payag sila or not". Obligasyon nila magbayad ng tax and mag issue ng resibo, and if they don't, they are intentionally breaking the law. Taxes are not optional or based on opinion. Ang problema, ang matataas na opisyal mismo ay tax evaders so mahina ang enforcement ng batas because of corruption.

      Delete
    10. 12:21 AM - That's true, pero responsible parents will not likely accept the bigay and instead let their children know they appreciate the thought but they can handle things.

      Delete
    11. 12:21 bunga ng mapupusok nung kabataan kaya struggling sa buhay. pasa tuloy sa anak ang burden kasi ang excuse "ginapang sa hirap"

      Delete
    12. 12:21 eh paano Yung mga di pinag aral at pinag damutan ng magulang abswelto ba kami ?

      Delete
    13. Anon. 12am. Ang gulo mo naman ng utak mo.

      Delete
    14. grateful ako sa parents ko.. nakita ko sa kanila na ang pagtatrabaho di lang dahil sa sweldo.. tingin nila sa trabaho nakakadagdag ng self worth nila...yung masaya kami mga anak na magambag sa needs ng parents namin kasi feeling namin nakakadagdag sa self worth namin.. indi dahil sa inobliga kami...nakakasakal kasi ung inoobliga ka..

      Delete
    15. Maganda ang point of view ni Mama Lulu lalo na at isang magulang din sya. May video din sya tungkol sa dapat bang lumayo o magalit ka sa taong nakasakit sayo. Salute kay Mama Lulu, idjiots! Jaha

      Delete
  2. Tama naman talaga na wag dapat obligahin ng magulang na sustentuhan sila ng anak nila. Sila ang may gusto mag-anak. Tinanong ba nila ang anak nila kung gusto nilang mabuo? Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same goes to the parents of the parents.. come on now, this is a stups argument. Lol.

      Delete
    2. Pak na pak si Mama Lulu! Winner!

      Louder para umabot sa Leveriza ang message, charot!

      Delete
    3. 12:19 that's why it needs to stop

      Delete
    4. 12:19 it's not a stupid argument at all. The decision to have children is a decision made by the parent (together with all the responsibility that goes with it)... Hindi pagmamay ari ang mga anak to make use for the parents' benefit

      Delete
    5. 12:19. Times change. Hindi na tayo agricultural na kailangan ng maraming kamay kaya 8-10 ang anak. May birth control na rin. Healthcare is so advanced people in general live longer. Hence tinataasan na ang retirement age. At oo, mas mahirap magtaguyod ng buhay at pamilya ngayon.

      Generational baggage must end with my generation, yaaaaaz!

      Delete
  3. It makes a difference when someone moves to another country. Our perspective and views in life change.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes. mas lumalawak ang utak mo sa mga buhay buhay. hindi ka stuck sa makalumang kultura na hindi nakakatulong sa pag-asenso sa buhay

      Delete
    2. Third world mentally pa kasi satin.

      Delete
    3. May nakikita kasi silang sistema na maayos at gumagana nang tama.

      If you're sruck in a smelly monkey house for quite some time,you become numb to the dirt and filth atound you.

      Delete
    4. I remember my parents had the same old mentality that the children are obliged to support the parents when the children start working. But when we moved to the US, their views have changed. Maybe because here in the US, their medical needs are free and they get monthly monetary subsidies from the government because they're seniors.

      Delete
    5. 10:06 PM - True for some but not all. Madami din naman kami na hindi tumira sa ibang bansa pero ang mga magulang ay hindi naka-asa na lang sa anak para bumuti ang buhay. Nasa tao din yan. Ang mga parasite sa Pilipinas, parasite din kahit saan itapon.

      Delete
    6. Yah because really night and day ang difference. Been in America almost all of my life but I still remember how it was when we lived there. Grabe ibang iba ang mentality. Philippines is living jack in the box.

      Delete
    7. 10:06 as someone na nakatira dito sa Eu mas lumawak din talaga pang unawa ko.
      Like for example dito sa western world it’s really normal to cut ties sa family if Puro negativity and toxicity lang aabutin mo.
      Sa atin aba di Pwede lol Family is Family Kuno.
      Tapos dito di uso Yung As bday celebrant sagot mo lahat ng gastos , as a celebrant Kaw pa tong unli cash gifts.
      Lowkey lang din mga tao dito Kahit mayaman di mo feel na insecure ka.
      Lastly about naman sa support like respo ng mga anak dito Wala talaga ganun.
      More on nag bibigay lang every okasyon ng Regal0 or cash gifts.

      Delete
  4. Thank you Mama Lulu :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. DEPENDE…..SUWERTE LANG KAMI NG ASAWA KO AT MAY MGA ANAK KAMING MABABAIT. KAHIT HINDI SILA NAKAKA-ANGAT SA BUHAY MAY ASAWA, VERY THOUGHTFUL SILA LALO NA SA MGA SPECIAL OCASSIONS. MA-GIVING SILA AT OBEDIENT SA LAHAT NG PANGARAL NAMIN LALO NA SA IKABUBUTI NILA🙏.

      Delete
  5. Agree with mama Lulu. I’m a mom myself. I’d be glad if my kids will give me gifts but I won’t oblige them to be breadwinners. I’ll teach them to share but not dictate them on what to do. They need to invest on their future. I splurge my mon and treat her to travel to different countries. But she never obliged me or ask anything from me.

    ReplyDelete
  6. 100% this!!! The main difference from our country and sa western country, parents do not get financially supported by their children because of better government and benefits don. Sa Pinas walang ganon, meron man jusko kakakarimpot. Lesson to sa mga magulang sa generation na to na kung mag aanak kayo, dapat bukal sa loob niyo na gusto niyong mag anak hindi dahil sa yun ang pag asa niyong umahon kayo sa kahirapan. It's very common sa Pinas na yung kapatid magpapaaral sa gantong kapatid, like hindi pa man din nakakatapos ng pag aaral, binibigyan na agad ng responsibilidad.

    Kaya nga andami ngayon na ang hihirap na nga, andami pang anak kasi akala nila, isa don mag babago ng buhay nila. Napaka bulok na mindset.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba din ang values ng mga tao nun at iba ang pagmamahal sa pamilya at isat isa. My mom - her mom died when she was 1 year old and her dad re- married, theyre eldest sister worked and sent her siblings to school so my mom became a teacher, they were intact as sibs, then its same story with my husbands dad, he was sent to school by an older sib so when he became a top lawyer he helped out his sibs fam, this is a story of unconditional love for family. They dont feel obliged its was done out of pure love. Its right that u dont oblige your kids to be breadwinners agree, but kids who choose to help their parents out of gratitude, and pure love should be celebrated. Those who respect their parents and love them despite their differences are to be looked up to. If we can be grateful to other people who shown us kindness or helped us in a small way what more our own parents. Its just different perspectives and values then and now.

      Delete
    2. I agree 11:33. When you see your family na very poor at marami ka nang pera, you help out of love. Ngayon kung nagkagalit kayo, you can choose to distance yourself and let time heal wounds. I am a mother myself and I will never obligate my children. if gusto nila tumulong, then I’ll be thankful but I want them to be successful. However if I have money and tinders yong nanay ko, messenger yong tatay ko, I would gladly share what I jabe para ma uploft buhay nila and then bahala na sila kumayod. But i dont think ill be happy having all the wealth but seeing my family na poor pa rin. Kahit anong sama nila

      Delete
    3. 11:33 It still shouldn't be tolerated. We should break that cycle kasi i-co-compare pa rin yan ng toxic parents sa sarili nilang anak. "Tingnan mo nga si ganito, nung nagtrabaho tumulong agad sa pamilya niya. Napag aral niya mga kapatid niya etc" ganyan ang maririnig mo sa mga toxic parents just because laging sinasabi na tularan ang mga ganyang anak.

      Delete
    4. 12:20 nasabi mo lang yan siguro kasi mabait mga magulang mo and never demanded from you. Understand, meron talagang super toxic… peat ikaw na inapi or tinakwil or even mocked on soc med, baka hindi ka na rin tumulong. You can wish them well of course pero yung tulungan sila, maybe hindi na rin… imagine nag cocompete si Caloy pero Japan ang chinicheer tapos grabe pangkukutya sa pangarap at kakayahan ng anak. Ang sakit noon, tapos ngayon paawa effect. Seriously, we cannot judge or advice until we are in exactly same shoes as him. Let the wounds heal muna siguro but it’s hard to heal kung mismomg magulang mo ang parang naglalagay pa ng asin sa sugat mo… something like that

      Delete
    5. 2.54 i already said different values then and now, if thats your values no one gives a F. You the perfect example of toxic and bitter. Just dont help cause u dont seem to be a caring person anyway. You have free will. But i prefer the values of people then- they have no excuses!

      Delete
    6. 4:00 am sabi mo we cannot judge until were on the same shoes? e nagjudge ka na sa mama nya though totoo mga sinabi at ginawa mama nya e dont forget din may mga bagay fin na nagtrigger sa mama nya. hidni ko na kailanagnsabihin since kalat na kalat na parinigan ng gf at mom or dad Caloy.

      Delete
    7. 11:11 May screenshots, ang daming parinig na nanay na hindi nga napost dito pero nasa ibang social media, nanay na mismo nagsabi hindi daw nagnakaw pero portion lang. Alam mo na walang paalam na kinuha yun. Hindi excuse ang may nagtrigger.

      Delete
  7. Taray ni Mama Lulu, na FP na! I love their family. Ang saya nila tignan. I’m a fan of Apple!!!!

    ReplyDelete
  8. In a way, ok na rin na nagkalat ung nanay ni caloy sa socmed. Dahil dun mas lalong napagusapan itong topic na to. Mahirap talagang maging breadwinner. Hindi mo maprioritize pangarap mo kasi nakatali ka sa responsibilidad sa pamilya. Maraming breadwinner nagbabayad pa ng utang ng mga magulang nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo. Kaya di makaahon anak kasi hinihila pababa ng pamilya

      Delete
    2. Breadwinner ba si Caloy? Nakatulong siya sa magulang niya, pero hindi naman siya breadwinner.

      Maganda ang kinikita ko, kaya tinutulungan ko talaga ang mga magulang ko on my own dahil mahal ko sila at ayaw ko na naghihirap sila samantalang kaya ko naman.

      Delete
    3. Yung iba dito sa fp, proud kuno na breadwinner pero maski sa words palang alam mong nahihirapan na. Kasi mahirap naman talaga maging breadwinner . Ang hirap na nga ng buhay ng single, paano pa kaya kapag may nakaasa sayo? Maging bitter ka din talaga paminsan minsan. Tapos yung iba ang hirap at stress pa ng work pero after sweldo halos wala ng natira sayo kasi naubos na sa bills at sa ibang tao. Ang saklap!

      Delete
    4. 11:05 hindi pa siya breadwinner nun? Alleged 11 M ang nawala

      Delete
    5. 11:05 housewife yung mom tapos brgy tanod yung dad, paano sa tingin mo sila nakabili ng marami daw sabi nung kamag anak na mga bahay?

      Delete
    6. 11:48, hindi nawala lahat at naibalik na rin iyon. Alam mo ba ang ibig sabihin ng breadwinner?

      Delete
    7. 11:05 Scholar si Caloy nun kaya halos walang gastos sa kanya at nagkaroon pa ng 11M. Ngayon naman gini-guilt trip ng magulang para magbigay.

      Delete
    8. 11:05 breadwinner si carlos te aminin mo man yan o hindi. hindi mauubos pera niya kung hindi siya breadwinner.

      Delete
    9. 3:37 nope hi di siya breadwinner and I’m not 11:05. porque naubos money breadwinner na?

      Delete
    10. 11:05 breadwinner pero may kita nman maski papano yung tatay. Malaki ang incentives at allowance cgro ng mga atleta kasi may pafeeding pa nga yung pamilya Yulo sa kanila from incentives dun sa ibang anak nila. May mga gifts din na naipost c Angelica from her younger kids. Kaya malamang, malaki ang naitulong ni Caloy sa kanila. Matagal na syang atleta, ang sabi since 7years old. Nasa 20s na c Caloy nung nagkalabuan sya ng parents nya. Lahat yan sa post ni fp ko nakuha na info. 😁

      Delete
    11. 11:13 yes breadwinner siya. walang kinikita yung nanay and wala ding masyadong pera sa trabaho nung tatay. logic te

      Delete
    12. 11:13 saan pala napupunta ang pera ni Caloy if yung nanay nya ang may hawak ng bank accounts nya? 😂 Alangan nman sa charity. Nakakaloka!

      Delete
    13. 11:05 he's definitely contributing loads... pa benta benta lang ang nanay, ang tatay baranggay tanod.. the little ones are doing gymnastics and that is expensive... and now the gravy train has dried up. I'm sure the family is feeling the pinch, that's why they are pressuring Caloy to reach out to them and also why selling their property.

      Delete
  9. You go mama Lulu! I agreed on everything you said. I am also supporting my mom now but what I have become now it’s because of her sacrifices. She sent me to college and was financially supporting me until I pass the board exam. Even supported my daily needs until I was able to get a job and received my first paycheck. It is out of my pure gratitude to give back to her even though she did not asked for it. Oftentimes she would say no if I give her too much $$. She would always say I still have money from the last time you gave me. Bottom line, my mom is not toxic and always put me above and beyond her needs, like any normal parents do. I’m grateful and I’m giving back.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pakaswerte mo naman. Ako ma-late ang ng 1 araw pagbigay ng sustento nginangarag na ko.

      Delete
    2. Aww Same tayo ng 10:29 just like my Mama ganito din sya sa Amin ng kapatid ko.
      Kami inuuna sa lahat , day shift and night shift yan work nya sa canning factory para ma sustain lang needs namin.
      May side hustle pa yan,benta sa loob ng work nya Kung ano2x para lang may extra income.
      Lahat ng needs namin na pro provide,never na delayed sa school projects , trips & event sa school na need ang pera.
      Kaya now we make sure na nakakapag bigay kay mama Kahit papano.
      Di din demanding and if mag demand once in awhile lang like 1k food for dogiesss.
      Pero bilang lang talaga , and di din magastos.
      Pag nag o offer ako sasabihin wag na kasi nag bigay na ako enough na yun.
      And super thankful na kasi mababaet daw kami char!
      Kaya Depende din talaga sa magulang if toxic or hindi , plus wag obligahin ang anak :/

      Delete
    3. My parents never asked us to support them until my mom got sick. Kusa hindi sapilitan. I’m sure my late mom would agree with Mama Lulu.

      Delete
  10. True! We didn’t ask to be born. Bonus and blessing nalang na children will take care of you when you’re old.

    ReplyDelete
  11. Tapos mga magulang anak ng anak!!

    ReplyDelete
  12. I have 3 sons. Solo ko silang pinalaki dahil sinwerte silang magkaroon ng makasariling ama. Di ako mayaman, as matter of fact di rin nakatapos ng college. Mindset ko sa pagpaaral sa mga anak ko is para sa future nila, para di na sila umasa sakin kapag matanda na ako, dahil ugali yon ng ibang pinoy, yong nakasandal pa din sa magulangkahit pamilyado na.At alam ko din na obligasyon ko bilang magulng ang pag aralin sila. Professional na mga anak ko ngayon pero pagod na pagod na katawan ko. Wala akong ipon dahil kulang pa nga para sa mga pangangailangan anak ko ang sahod ko noong nag aaral pa sila. Yong mindset ko na kaya ko pinag aral mga anak ko is para sa sarili nila mukhang magbabago, gusto kong i-wish na sana suportahan nila ako. 52 palang ako pero ramdam ko na yong panghihina may mga maintenance na gamot na din.
    Kaya wag nyong i-judge yong mga magulang na umaasa sa anak. Dahil wala na kaming choice non. Kulang na yong lakas namin upang makibaka sa buhay naubos na noong time na itinatawid namin ang buhay para sa kinabukasan ng mga anak namin. Swerte nyo kung privilege kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kasalanan nang mga anak mo na nagpaanak ka na you can’t financially sustain. It’s not their obligation to finance your retirement because of your bad choices. That’s why it’s so dumb that they don’t educate people in school on how to protect themselves and their future by using contraceptives to prevent people who cannot afford to have kids from making more of them

      Delete
    2. You have a point. Napansin ko lang andaming pinoy ang tumitira sa mga magulang na humihingi ng pera sa mga anak, eh kamusta naman yung mga anak na nasa tamang edad na nakatira pa din sa magulang, nakikikain pa din at humihingi pa ng pera??? May mga snak na nagasawa at naganak doon pa din sa magulang umaasa! Yun ang mas malala. Napakasakit gawin sa magulang.

      Delete
    3. kadalasan naman nagkukusa na mga anak magsupport pero hindi po kasi un obligasyon ng anak and kung hindi naman kayo naging kagaya ng pamilya ni caloy na namamahiya sa social media and nangddisown then magkaiba pa din kayo ng situation with Caloy and family

      Delete
    4. This! Kapag bata pa ang tao at malakas pa ay hindi naiisip iyan. Pero reality of life ang sinabi mo.

      Delete
    5. All that pero at the end of the day, you chose to have 3 kids. THAT’S ON YOU.

      Delete
    6. Ganito naman kasi talaga ang karamihan sa mga Pinoy. Swerte ka nlang talaga kung matino ang asawa mo. Hindi rin kita masisi eh na gusto mo nlang umasa. Pero nasa pag uusap nyo pa rin yang mag iina. Pero sa totoo lang, ang bata pa ng 52. Mga kasamahan ko sa trabaho eh nasa 60s na pero gustung gusto pa rin magtrabaho. Mabigat din ang work ko at napapagod na ako maski 30s palang. 😂

      Delete
    7. In other words, pinag aral mo mga anak mo para sila maging retirement plan mo? 52 years pa lang po kayo, pwede pang magtrabaho para sa sarili nyo. Adult na nga anak nyo so obligasyon naman nilang buhayin ang sarili nila or sarili nilang pamilya

      Delete
    8. If you gave them love and support at hindi ka naging katulad ng parents ni carlos, they will give back. Almost automatic yan. But of course it doesn't mean na yan dapat ang norm. Kasi kahit pagbaliktarin mo ang mundo, u chose to have children so it's your responsibility talaga.

      Delete
    9. I agree na hindi naman talaga inoobliga ang mga anak na maging breadwinner, pero ikaw bilang anak na nakakarangya na sa buhay at kaya mo nang kumain sa mga mamahaling restaurant at magshopping ng mga branded na items, nasaan ang konsenya mo na ang mga magulang at pamilya mo struggling sa buhay at hindi alam kung saan kukuhanin ang kakainin sa araw-araw.

      Delete
    10. 10:54 so dahil may mga ganyang anak eh ok lang din ang mga magulang na umaasa sa anak? Anong mindset yan? Parehong mali yun.

      Delete
    11. Ask mo kaya yung binoto mo na supportahan ka sa pagtanda mo. Idemand nyo yan bilang todo supporta kayo sa kanila sa kabila ng mga nagawa nila. Yan naman ang role nila di ba.

      Delete
    12. Dont get me wrong ma ka-fp. Di pumasok sa isip ko noon na gawing atm mga anak ko. As a matter of fact, sabi ko nga pag edad ko ng 50 sarili ko na iintindihin ko. But then, nagka hypertension and diabetes na ako and gawa siguro ng sobrang baba ng hemoglobin ko kaya parati akong naghihina, but im still working and napapakain ko pa din mga anak ko. .Ang punto ko here is may mga reason naman kung bakit umaasa yong magulang sa mga anak. Maybe yong iba palaasa lang tlga but it never crosses to my mind noon to be dependent sa mga anak ko. Kaya kayong mga katulad ko na di pinalad na ipanganak na may kakayanan sa buhay, wait till you reach my situation saka nyo ako balikan at i-bash ng bongga. Di natin hawak ang kapalaran natin. Ang gawin nyo wag kayong abusive sa katawang lupa nyo para kahit abutin nyo yong edad na 60,malakas pa din kayo. Doon tlgang di mo hihilinging tulungan ka ng mga anak mo.

      Delete
    13. 521 nasa huli tlga pagsisi. Nagka diabetes ka at hypertension dahil hindi mo naalagaan sarili mo. You made your sacrifice and yan ung consequence nasa anak mo na lng kung tutulungan pero do notnoblige them. Now you work and watch your body.

      Delete
    14. Ay, sharing!

      Curious me: asan ang ama ng mga ito at bat wala kayong nakukuhang support nung bata pa sila?

      Pero sana man lang Nay may SSS po kayo.

      Delete
    15. 5:21 kausapin mo ang mga anak mo. Iba iba tlaga ang makukuha mong reaction here sa fp kasi mukhang iba iba din tayo ng background here. Mahirap akong lumaki, as in halos walang makain but nakapag-asawa ako ng tagaibang bansa na hindi rin mayaman. Ok lang nman but nagtatrabaho talaga ako maski ang hirap kasi toddlers pa yung mga anak ko. Lol

      Delete
    16. Hindi naman po mali ang humingi ng tulong sa anak. Mali lang i-pasa ang obligation ng buong pamilya sa anak (tulad ng pamilya ni Caloy). Iba naman po ang sitwasyon ninyo.

      Sana po ay matulungan kayo ng mga anak ninyo at makapagtrabaho po kayo para makaipon para sa inyo.

      Delete
  13. Bottom line huwag mag anak pag hindi kaya. Learn safe protected sec huwag na magpaka ipokrita.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true the wall! majority dito sa pinas, kung sino pa yung mahihirap sila pa sobrang daming anak.

      Delete
  14. Sa totoo lang kung sino pa ang mahirap cya pa ang maraming anak. Umaasa kasi ang magulang na isa sa kanila ang aahon sa kanila sa kahirapan. Kung hindi kaya huwag mag anak. Huwag nyo ipasa sa inyong mga anak ang inyong paghihirap. Don't be selfish.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Like what 10:45 said, wag mag anak kung hindi kaya.

      Delete
  15. im glad that she pointed out na govt should have more benefits for senior and families. kasi bka ibash sya na easy for her to say dahil nasa US sya and marami sya benefits. hirap kasi tlg ng buhay sa pinas, iba ung sacrifice ng magulang kya karamihan sa ksnila umaasang masusuklian na ng anak un. sad reality.

    ReplyDelete
  16. true, ang sabi niya ay kusang loob kung gusto magbigay ng anak sa magulang pero hindi obligasyon kasi may sari sarili na silang buhay at mga pamilya

    ReplyDelete
  17. Growing up as an only child, I thought we were well-off because I usually got what I needed, but I later realised that wasn’t true. My mum was a domestic helper, and my dad was a farmer, both working tirelessly to send me to a good engineering university. After graduating, I became an engineer, but with a modest salary of 20k a month, I struggled to cover my own expenses while also sending money home to my parents, which felt like a heavy burden. When I migrated to Australia, I still wasn’t earning much, yet the need to send money back home continued, and when my dad got sick, I had to take on all the financial responsibilities, as there’s no government support in the Philippines. At first, I resented it, but over time, I shifted my perspective and realised that supporting my parents was not a burden, but a way to give them a better life, just as they had done for me. Now, I wholeheartedly embrace this role—I send them more money, buy them nice things, and take them on trips, and it brings me genuine happiness to see them happy. While supporting our parents isn’t something we’re obligated to do, it’s incredibly rewarding to give back to the people who shaped us. My parents are getting older, and without savings or a pension, I’ve become their "pension plan," but I couldn’t imagine abandoning them or letting them struggle. In fact, supporting them has brought me luck in return, leading to better job opportunities and a happier life overall. We only get one set of parents, and when they’re gone, they’re gone forever, so treasure the time we have left with them.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl— you had it easy bcoz your parents worked hard to give you a good life. Ofcourse giving back to them isnt a question.

      Delete
    2. Masarap at very natural tulungan ang magulang if naging mabuti sila satin when we were young. Please realize na not all children have been blessed with good parents like you. Good parents have nothing to do with riches but being decent human beings. Marami pong traumatized children na naging adults na. And masakit na yung abuser mo is oobligahin ka pang suportahan sya kahit may sarili ka na ring pamilya at nakabukod na. The abuse continues and the healing never starts. They might even pass the trauma along sa spouse and children nila kaya nagiging curse. Gets mo po ba?

      I sincerely hope na may maayos na retirement package and benefits nalang ang govt para di na need ng mga parents umasa sa mga anak nila. Yung maayos na pension and support sana na livable naman. Let the children give back their love in their own way. Sana wag ng magobliga ang parents. Forced ‘love’ just breeds more resentment and distance. Alam nyo naman yung feeling one way or another pag pwersahang ‘pagmamahal’ diba? Masakit po yun.Yun lang.

      Delete
    3. Good for you because you have good opportunity abroad to provide for your parents. Yung tipong kahit sagutin mo sila at suportahan lahat ng pangangailangan habambuhay, hindi ka mauubos. Majority of breadwinners don't have that kind of opportunity. Kaya maswerte ka.

      Delete
    4. You had a good and loving parents and yet you were burden in the beginning and that’s normal. Have you thought of children having toxic parents and never provided for their then young children and now kung maka demand sa mga anak nila
      Ganun ganun nalang

      Delete
    5. You have it good because you're just sending money and they also live in the Philippines.

      Delete
    6. Same here masarap sa feeling to give back.I am now working as a nurse in UK pero ginapang din talaga kaming magkapatid ng parents namin.Yung father ko nangingisda at nag aararo gamit kalabaw sobrang hirap ng buhay.We started to work at a very young age to help our parents too.Yung brother ko ay kapitan na sa barko ngayon.Thank you lord at nagbunga din yong pagtitis ng parents ko.We make sure they live comfortably.Bukambibig ng inay ANAK marami pa akong pera wag mo akong padalhan at ipunin mo pera mo.They would never ask money except for church donations.They never change lol sobrang kuripot parin.In our case we are lucky and pampering them for life is our commitment not an obligation.

      Delete
    7. @11:10 Did your parents or family OBLIGE you to support them, buy them nice things? I think Hindi. & that makes all the difference. Nagkusa ka! Well done.

      Delete
    8. Syempre mag give back ka. Inalagaan ka nila the best they can. As for toxic parents.. ibang story yung ganun.

      Delete
    9. 11:10 PM - You were blessed with hardworking parents who sincerely loved you and didn't raise you to be their walking retirement fund. That's why it felt natural for you to help them. Sadly not all kids had your experience. A lot were treated as commodities by their parents and itatakwil pag walang pakinabang sa kanila pero pag biglang nagkapera and umangat, magiging victim na sila at ang anak na ang masama. Pati semilya babawiin. So yeah, good for you for having great parents. But just because you can't imagine how it is to have horrible parents that you need to cut off from your life so that you can live, that doesn't mean such parents don't exist. And certainly that doesn't mean they have to forgive and take care of their parents because "We only get one set of parents, and when they’re gone, they’re gone forever, so treasure the time we have left with them." No - you don't ever treasure evil even if you share the same DNA. If you can't imagine, then you can't but don't impose your values derived from your unique experience on others who had more unfortunate family circumstances.

      Delete
    10. 💯 Agree.God Bless you & your family.

      Delete
    11. matino parents mo. so you treasure them.

      maraming parents na di matino. so di sila dapat i treasure.

      Delete
  18. I might get hate from this, pero cguro if ang parents mo are working/worked constantly, sila yung may mejo malawak na thinking na hindi sila aasa sa anak. My mom is 80, although i take care of her, mag sarili pa din sya income from her pension and my dad's pension. So hindi sila totally umasa samen magkakapatid. Yung physical and emotional care nalang kami nagpupuno.

    If you'll.notice, yung mga stay at home (di ko lalahat) or walang stable na kita ang umoobliga sa mga anak magsustento after magaral.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Stay-at-home mom ako, pero ako in charge sa household budget. Masinop kami at maayos mag ipon din ang hubby ko para sa aming dalawa. Both kids ko, working students at sila mismo nagbabayad ng tuition. Tulong namin sa kanila is of course, a roof over their heads, food. Ako rin naglalaba ng damit nila. Di namin ino-obliga to share sa household expenses. Only to look after themselves at mag ipon para pag gusto na nilang mag sarili mas madali. I'm also trying to upgrade my skills para makapag hanap ng part time work.

      Delete
    2. Malamang. Kasi kung mayaman na sila bakit pa sila. hihingi di ba?

      Delete
    3. 2:22 pinagsasasabe mo ante. porket nagtatrabaho ang babae mayaman na? saang galing planeta gawa utak mo?

      Delete
  19. Dito sa ibang bansa talagang pinaghahandaan nila ang mga retirement nila pagdating ng araw kasi ayaw nila umasa kahit kanino kahit sarili pa nilang anak sa atin bulok ang mindset mag anak ng marami para may bubuhay kapag tumanda.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibang bansa meaning a first world rich country?

      Delete
    2. 11:39 that’s one of the reason why they are a 1st world country. Because kids are thought to be independent at a young age. Kids here start to work as early as 14-15 y.o. Wala din age limit sa work. Sa Pinas sana ganyan din.

      Delete
    3. 11:39 sa first world country ka man nakatira or hindi ikaw pa din ang may choice mag anak ng hindi ka prepared.

      Delete
    4. totoo yan. 5 years ago nung nagimmigrate ako at andaming benefits dito sa abroad na sana meron satin sa pinas. katulad ng retirement savings plan. minsan yung company mismo ang magset up para sayo para tatapatan nila kung magkano yung ihuhulog mo kada sweldo. para sa pagtanda mo, may makukuha kang pera bukod sa pension mo.

      Delete
    5. 3:07 yup, isa pa yan sa ugali nila sa ibang bansa na at a very young age eh nagtatrabaho na yung mga anak nilang teenagers. Yung iba maykaya pa ha. Iba kasi sa Pinas, maski mahirap eh maski gawainh bahay hindi pa marunong. Lol

      Delete
    6. Tanggalin ang AGEISM sa pinas marami pa gustong magtrabaho para sa sarili at pamilya.

      Delete
  20. Ako nman nagworking student ako, as in katulong ng tita ko para may matirhan at allowance tapos nagworking din ako sa school para nman sa tuition fee. As in Lunes hanggang Linggo mula 6am hanggang 9 or 10pm bugbog sa school at work. Nakatapos ako ng pag aaral at medyo ok na yung buhay ko kasi wala ako sa Pinas pero nagbibigay rin ako sa parents ko. Pero I will say no kapag sobra na yung hinihingi sa akin. Sakitin na yun nanay ko kaya nagbibigay ako. Ang hirap din kasi ng buhay sa Pinas na maski gustuhin mong ayaw tumulong sa parents mo eh wala kang magagawa kasi walang ibang tutulong kundi mga anak. Alangan nman pabayaan mo nlang kung kaya nman tulungan. Pero sana sa Future Gen ng mga Pinoy, mag isip kayo bago mag anak kasi ang hirap ng buhay.

    ReplyDelete
  21. Kaya ngayon mga generation ngayon kayo ang puputol sa utang na loob mentality, mag plano ng retirement plan para kapag tumanda hindi kayo aasa mga anak ninyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, Kick your children out once they turn 18 and let them work and pay for their college! Save the money for retirement! Dapat the same sa ibang bansa in all aspects!!!!

      Delete
    2. 12:27 family planning ante sisihin pa anak and kick them out? lol isara ang binti at manahimik para tapos ang problema!!!

      Delete
    3. 12:27 WRONG! Start investing in your retirement and save money to raise your kids (including paying for their education because that's your responsibility as the parent) BEFORE starting a family. Hindi yung kung kelan may anak na saka magkukumahog na kumita ng malaki.

      Delete
    4. @6:06 eh di wala na nag anak sa Pinas. mayaman lang ang kayang gumawa sa sinasabi mo. marami payak namumuhay na nangangarap magpamilya. Wala ka na magagawa dahil nasa Pilipinas tayo. Hanggat di ka yumaman dito talagang magiging responsibilidad ka ng anak mo

      Delete
    5. Kaya nga maraming millenial at gen z na mas gustong maging single rich tita/tito na lang. At yang mentality na yan, galing pa sa mga edukado dahil alam na nila hirap ng buhay

      Delete
    6. Ay dito sa america, mga puti pag adult ma ang anak its either mag bayad ka ng rent sa kanila o bumukod ka na. Paaralin mo na sarili mo. Hanggang dun lang ang support nila sa iyo. Mga asian lang dito halos ang nagpapaaral sa mga anak hanggang sa tumanda na nasa poder pa din nila. Culture ng asian yan eh.

      Delete
    7. 10:08 Talagang hindi ka uunlad kung ganyan ang mindset mo. Mahirap ka na nga, mandadamay ka pa ng inosente sa kahirapan mo. Selfish at irresponsible ang tawag dun.

      Delete
    8. 10:08 then wag ka mangarap magpamilya kung payak lang pamumuhay mo. wag mong gawing excuse na porket nasa pinas ka eh forever 3rd world mentality ka lang.

      Delete
  22. Unfortunately, only 1% of penoys correctly do family planning :D :D :D While the rest multiplies like rabbits ;) ;) ;)

    ReplyDelete
  23. Kaya hindi nakaahon ang ibang parents kasi inuna nila makaahon at makapagtapos ang anak

    ReplyDelete
    Replies
    1. tapos mababasa pa ng magulang na post ng anak eh wag sila gawing retirement plan hahaha

      Delete
    2. Dapat kasi Kung wala kang kakayanan bumuhay ng bata, wag kang magaanak.

      If you cant even keep yourself afloat how do you expect to keep a child alive.

      Delete
    3. Eh ganon naman dapat talaga. Obligasyon ng magulang yon.

      Delete
    4. Sinasabi lang naman ni 12:05 na inuna ng parents ang anak kaya hindi sila nakatikim ng ginhawa pero hindi sinabi na obligasyon.

      Delete
    5. wag gagawa ng anak kung di kaya ng bulsa!!!

      Delete
    6. lol e bakit nag-anak kung hindi pa naman pala nakakaahon so it's still on you if nag-anak ka ng hindi ka pa financially stable

      Delete
  24. I’m forever grateful sa parents ko. If not for them, I wouldn’t be where I am right now. Sacrifice talaga to send us to good schools until makatapos. I didn’t feel obligated but I take care of them.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are a good person, and kudos to your parents for bringing up a child like you

      Delete
    2. You are a good person and kudos to your parents for bringing up a decent human being

      Delete
  25. may mga iba pa na ang paniniwala dapat daw magparami ng anak dahil yan daw ang magsasalba sa kahirapan.Sana tapusin na ang mentality na ganyan, bakit hindi magbanat ng buto mga magulang para makaahon sa hirap

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naalala ko yan. May nainterview kami sa thesis na ganyan ang pananaw sa buhay, walang mapakain sa 6 na anak, pinakamatanda 10 y.o. Kahit maliliit pa ang mga bata sila na nagdecide kung anong gusto nila pag laki ng mga bata. Sila daw magaahon sa hirap sa kanila. Kawawa ng 10 y.o. kesa magaral ng maayos, nagaalaga ng maliliit na kapatid.

      Delete
  26. Wisdom from Mama Lu!

    ReplyDelete
  27. may relative ako, ofw and breadwinner at the same time, kilala lang ng pamilya pag malapit na magpadala. umuwing matanda na, walang bahay at pera tapos nung hindi napakinabangan ng pamilya pinalayas. nag sari sari store na lang para mabuhay. family plaaning talaga ang sagot sa problema. kung isusumbat mo lang din na naghirap ka sa pagtaguyod ng anak mo its just mean hindi ka prepared nung nag anak ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same sa isang relative ko. Ang tagal niyang nagtrabaho abroad. Ni hindi na nga nakapag asawa at pamilya. Halos lahat ng kiya, pinadadala sa Pinas. Then, nagka-cancer siya at natanggal sa trabaho. Pag-uwi, ni halos walang matuluyan. Akala niya, may nainvest sa pera niya. Nung malubha na siya, Nanlimos na lang sa nga kaanak at kaibigan. Hanggang sa namatay. It was a painful death too as salat sa gamot at alaga medically. Kaya magtira talaga sa sarili. Wag ipadala lahat. Madaling gastusin ang di pinaghirapan.

      Delete
  28. daming galit eh mga anak nga mismo nasa puder parin ng magulang hanggang bago mag asawa. sa mga pawoke dyan umalis na kayo sa magulang nyo at 16! kayo paaral sa sarili nyo sa college! kaya nauubos pera ng magulang nyo eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa mga mga magulang wag kayo mag anak kung di niyo kaya ang responsibilidad niyo na bigayan ng comfortable na house,food at education ang anak niyo at magrereklamo kayo dahil nauubos nila pera niyo lol. Simple lng kung walang pera,wag mag anak.

      Delete
    2. Kung di kayang bumuhay ng pamilya wag maganak.

      Delete
    3. Korek ka dyan sist. Kung gusto nila ala westernize culture, kapag 18 na lumayas na sila at mamuhay ng mag isa. Magtrabaho kayo at paaralin nyo ang sarili nyo. Ganun ang mga puti. Kick out na ang anak kapag adult na. Kaya sila madaming pera. Nakakaipon sila.

      Delete
    4. Lol, ewan ko sayo! Kung wala ka nmang kakayahang buhayin at pag aralin ang anak mo, wag ka mag anak! Please lang future gen ng Pilipinas. Mahirap ang buhay, huwag basta basta mag anak!

      Delete
    5. oh please 1:34. china is a very oriented family also pero hindi sila katulad ng pinas. they made sure na may sarili silang business na pinagkakakitaan para hindi sila umasa sa anak nila pag dumating ang araw na natapos na nila obligation nila.

      Delete
    6. true! pinaaral na kayo until 16. baka gusto sa magulang pa tumira habang nagtatrabaho para walang babayaran sa renta at anuman. kubg pawoke sila eh gawin nilang patas sa magulang. 16 to 18 ay old enough na magbanat kayo ng buto para naman maenjoy ng magulang pera nila at wag maubos hanggang sa pagppakasal sa magulang pa hihingi iba dyan

      Delete
    7. 8:01 AGAIN, wag mag aanak kung ipangsusumbat mong wala kang ipon dahil ginastusan mo sila. part ng pagiging magulang yan. majority ng college graduate nagtatapos yan around age 20s so kung ibibase sa case ng mentality niyo, kayo yung mga accidentality nabuntis ng maaga ng partner niyo so most likely mga around mid 30s pa lang kayo. kaya niyo pang makaipon ante tapos aasa agad kayong iaahon kayo sa hirap ng mga anak niyo? hahahaha the entitlement.

      Delete
    8. totoo yan privilege naman tlaga yung makapag college pa. dapat hanggang high school lang suporta ng magulang para itodo nyo na yang pagiging pawoke.

      tigil tigilan nyo yang wag mag anak kung di kaya dahil marami naman ang gusto magpamilya na okay okay lang ang estado ng buhay. wag nyo ipagkait ang pangarap na magkaron ng pamilya sa iba.

      sa mga anak kasi umalis kayo sa puder ng magulang nyo once nakatapos na kayo. be fair din sa magulang nyo. daming pawoke dyan umuuwi parin naman sa bahay ng magulang.

      Delete
  29. Naalala ko na naman si Maine saka yung nanay sa Bawal Judgmental yata yon, sinabihan yung anak na bata pa na sya magaahon sa kanila sa hirap. 🤦‍♀️

    ReplyDelete
  30. Marami rin namang mga Pilipino na naiintindihan ang obligasyon nila sa mga anak nila. Kanda kuba sa pagtatrabaho para mapag-aral ang mga anak and at the same time may maiwang pamana pag wala na sila. Obligasyon ng magulang ang itaguyod ang mga anak. Habang ang mga anak naman ay obligasyong itaguyod ang kanilang sariling pamilya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correct. Dahil ang anak kahit single pa sila dapat may naipupundar na para sa future nila.

      Delete
    2. nanay ko single mom nakulong tatay ko hindi na sila nagkabalikan and dead beat din, dalawa kaming magkapatid. my mom has been able to financially supported me and my older sister hanggang nakatapos ng college. domestic helper nanay ko, high school graduate pero ni minsan hindi kame hiningian ng pera yung binigay namin hindi niya ginastos pinangbili lang ng pagkaen tuwing umuuwi kame kaya parang fiesta sa bahay. she has been able to save for her own business sa probinsya ng sarili niyang gastos. hiling niya lang umuwi kame yearly para makasama niya kame. so yung excuse ng iba dito na "palayasin ang anak pag nag 18yrs old para makaipon ang magulang is a complete b*llshit" bunga yan ng pag aanak niyo ng hindi kayo mentally prepared mga ante wag niyo isisi sa mga batang wala kayong ipon kaya obligasyon dapat kayo. kung alam mo sa sarili mong hindi ka handa ipagamit mo ng condom partner mo and mag birth control ka para safe na safe ka sa responsibility. dami niyo excuse gusto niyo lang naman talagang ipasa sa mga anak niyo hirap niyo sa buhay.

      Delete
  31. My parents worked really hard all their lives para pagtanda nila, meron silang savings and pension at hindi umasa sa mga anak. Hindi dahilan ang pagiging mahirap basta masipag ka. Super hirap nila noon pero they manage to build a career for themselves. Now that Im already an adult and living abroad with my own family, masarap sa pakiramdam na walang financial burden kasi pinaghandaan ng parents ko yung pagtanda nila. Pero as a grateful child, pinapadalhan ko sila every now and then pag gusto nila kumain sa labas or staycation. At pag umuuwi ako ng pinas, iniispoil ko sila ng vacation and shopping.

    ReplyDelete
  32. My parents are old. They have SSS pero di kasya becuase need nila medicine for maintenance. I give them allowance and groceries. Nasa bibliya naman yan. Honor your father and your mother. Besides I do not give 10% to the church kasi naniniwala ako na family first. I am giving more than 10% to my parents na hindi ko na kaya magbigay pa 10%. Sorry.

    ReplyDelete
    Replies
    1. this! di yan maintindihan ng mga pawoke ngayon kasi may healthcard pa sila at sumusweldo pa. wait nyo magkano pensyon nyo lalo na kung di naman kayo yumaman at empleyado lang kayo. may financial burden tlaga sa mga anak dahil nasa Pilipinas tayo

      Delete
    2. Bat kelangan mo magbigay sa church mo? Ipunin mo na lang para sa future mo yung pang bigay mo sa church, faith lang sapat na. Pera na lang kung......

      Delete
  33. Pinoy mentality lang naman kasi yan. Kasi sa US kahit senior pwede pa mag work. If choice nila.so meron silang own bread.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Supportado ng gobyerno ang senior citizen dito. Kaya madami silang pera. Sila pa ang nagbibigay ng pera sa mga anak nila. Kaya yung sinasabi nyong pinoy mentality, wag nyong ikumpara ang 1st world country sa 3rd world country. Walang pera ang karamihan ng tao sa pinas. Lalong lalo na kapag matanda ka na. So anong gusto nyong gawin sa mga magulang nyo? Mamatay sa gutom?

      Delete
    2. 1:30 I think the issue is giving should be out of love, not obligation. If your parents/family are deserving or not. I help my family because we are close & they are not toxic. If they did to me what his family did to Carlos, I would cut ties & never support them even if I were wealthy like Bill Gates.

      Delete
  34. i always thought life was a cycle...

    ReplyDelete
  35. Look after your parents but share with limit.

    ReplyDelete
  36. I’m so grateful with my parents, bata palang ako sinabi na nila na hindi ko sila obligasyon. pero yung mga kapatid ng mama ko puros daing ng pera sakin. Pang school ng mga anak nila, sapatos at gamit ng mga anak nila etc.

    ReplyDelete
  37. If a parent expects to be supported by his or her adult child, the parent has absolutely no right to meddle in the personal relationship choices of the child. If you live off your child's income, then you must respect your child's personal choices. In this instance, yung magulang ang dapat makisama at makitungo sa anak. You should never bite the hand that feeds you.

    ReplyDelete
  38. kung MAY PENSION at medical insurance ang parents hindi mo na sila kailangan suportahan at dalaw-dalawin nlang kc may sarili kadin pamilya. pero kung nakikita mong gipit ang parents mo at nakakaluwag ka sa pera, kusa ka mag-aabot at hindi yun obligasyon. pagmamahal yun.

    iba yung sadyang madamot sa pera at makasarili. puro flex sa socmed inaatupag at manhid sa kalagayan ng lalo ng kapamilya nila

    ReplyDelete
  39. Haller kaya maraming OFW na breadwinner ng pamikya gayung dalaga pa at Bata ANG nadidisgrasya sa abroad at halos ibigay kaisaisang singko ng bulsa nila dahil sa wrong mentality NG MGA magulang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo. Akala nila na dinampot ang pera sa abroad. Tution fee sa mga kapatid, pamangkin, sa mga kamag anak. Kahit na doon sa ilalim ng dagat nakatira ang anak, hahabulin ka pa rin ng pamilya para mag support ka.

      Delete
    2. 6:01 akala ko rin dati madali ang work ng seaman. Pero now na may social media na at naipapakita ang work nila, yung alon palang nakakatakot na. Parang ayoko na nga sumakay ng barko. 🤣

      Delete
    3. buti sana pag uwi maganda na buhay kaso bukod sa naging palamunin lang yung mga pinadalhan ng pera susumbatan ka pa pag natapos na obligation mo sa kanila.

      Delete
    4. 1:18 walang trabahong madal, kung alon pa lang eh natatakot ka na mag vlog ka na lang.

      Delete
  40. I love mama lulu! Been a fan eversince na maging sikat sila sa tiktok. She reminds me of my lola din. I also agree of what she says here. Ako lang sa buong pamilya namin ang nalapag abroad at nasa Canada. Never nag ask ng any amount ang parents ko kaya swerte nadin ako at dahil dun nabibigyan ko sila ng support sa nakakaya ko at masarap sa pakiramdam ang makatulong lalo na nakita mo lahat ng pinagdaanan niyo as a family nung kabataan. Hindi man ako maka comment kay Carlos kasi hindi naman kasing kaparehas ang situation namin pero i wish makapag heal din sila. Tingin ko hindi naman madamot na anak si Carlos sana kahit papano magkasundo sila at maging tahimik nalang lahat.

    ReplyDelete
  41. Also the other way around. The children should not expect parents to support them all throughout their life. May pamilya na at lahat, nakaasa pa rin sa magulang, financially at pag-aasikaso ng lahat for them. Even sa pag-aalaga ng mga apo. Nakakaawa minsan ang mga lolo at lola, matanda na pero obligadong mag-alaga ng apo.

    ReplyDelete
  42. Right on the dot Mama Lulu. Hindi dapat mgaing obligasyon ang pagtulong ng anak sa magulang.

    ReplyDelete
  43. Bakit ang publiko ang pinag uusapan lang yung inaakala nilang ginagawang insurance ng mga magulang ang mga anak. Bakit hindi pag usapan yung mga anak na adult na pero free loader pa rin sa poder ng mga magulang nila. Ayaw magsarili kasi takot sa financial responsibilities, ayaw intindihin na bigyan naman ang mga magulang ng pagkakataon na makapag ipon para sa sarili nila para hindi sa kanila aasa. Marami rin ang ganito lalo na sa younger YOLO generation. Gagawin lang ang gusto nila gawin pero uuwi sa bahay ng magulang, pa-kuryente, pa-kain, pa-shower. Tapos ang magulang pa ang walking on eggshells kasi ndi mo ma-direcho in the guise of "support".

    ReplyDelete
    Replies
    1. lol depende na din sa pagpapalaki ng magulang yan and pagddisiplina. Na-enable kasi ung ganung ugali and hindi naturuan matuto tumayo sa sarili kaya ganyan

      Delete
    2. Minsan kasi may mga magulang na masaya kapag andon pa rin sa poder nila ang anak nila.

      Delete
    3. then you're a failure as a parent. its on you pa din. its your fault pa din ikaw guardian eh.

      Delete
    4. Each family has different dynamics. If walang reklamo ang bawat isa, who are we to complain?

      Delete
  44. My unsolicited thought: when a child is raised with awareness, empathy and humility, Helping and sharing becomes innate and automatic. Yes parents should not require support from their children, should not demand support at all. Again, sharing and helping is both a gift and grace and the trait of helping becomes inherent.

    ReplyDelete
  45. Ang masasabi ko lang. DI LAHAT NG MAGULANG AY NAGING MAGULANG SA ANAK ...DI LAHAT NG ANAK NAGING ANAK SA MAGULANG.

    MASUWERTE ka NA LANG kung PEREHO MONG nakamit ang MABUTING MAGULANG AT MABUTING ANAK.

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek. the important word is ****MABUTI****

      MABUTING magulang…will usually have grateful anak na magiging MABUTI sa magulang.

      Delete
  46. Being healthy and self-reliant/self-sufficient are parents' obligations to their kids.

    ReplyDelete
  47. Actually wala naman problema tumulong sa parents kung meron ka talagang extra. Ang nangyayari kasi kakatapos lang mag college and navigating and adjusting pa sa life ang anak pero inoobigla na agad. Mas nahihila kasi pababa pag ganon eh. Kusa naman tutulong ang anak pag naka adjust na sila sa adulting at narrealize na ang pag give back sa parents. Kusa din narrealize ng anak ang hirap ng parents kaya mas magaan sa loob mag give back. Pero yung nasa 20s ka palang at lito pa sa magiging takbo ng buhay mo tapos ilang buhay na nakapasan sayo is seriously a NIGHTMARE!

    ReplyDelete
    Replies
    1. correct. I have relatives pinag-aral ng nursing tatlong anak, even hindi naman yun talaga ang gustong kurso ng mga anak and up to now, ayaw nila payagang magsi-asawa, ang tatanda na ng mga anak. yung bahay nila, sasakyan, etc., lahat yun katas ng mga OFW na anak. yung panganay, tanggap na na magiging single na sya.

      Delete
  48. everything she's saying is 100% true. real talk about family, poverty and government

    ReplyDelete
  49. Yes, common knowledge naman po yan but if ang Anak ay blessed naman abundantly, Single at ang first family ay hindi naman mayaman, kalabisan na ba ang mag share ng blessings sa family which includes parents and siblings.I wouldn't be happy being financially stable while my family needs support.Like, based on my own experience, kinailangan ko patayuan ng bahay ang aking mga magulang before I got married kasi lahat ng mga kapitbahay namin nag-improved na ang pamumuhay.Yung, umuuwi ako na may magarang sasakyan, nakatira sa exclusive subdivision at panay post ng travel adventures,then ang magulang ko walang sariling bahay.Mas masaya na lahat kami ay maayos. We have purpose in life based on the gifts we received from God and having Wealth is a trust from God.

    ReplyDelete
    Replies
    1. well madali namang mag-share kung naging maayos ang pamilya mo pero kung kagaya ng pamilya ni caloy na toxic, kahit may pera ako hindi ko bibigyan mga yan and I'll stay away

      Delete
    2. I truly see your point of view. A child like you must've had great relationship with your parents. Hindi kalabisan ang tumulong pero wag lang gawing milking cow ang anak at gawing padre de pamilya. Iba ung kusa sa pilit.

      Ps. Good for you and your family! May God continue to bless and guide you more.

      Delete
    3. Yes but not if my our parents disowned you and continually harassing you on social media for all the world to see.

      Delete
  50. Pero dapat be respectful at don’t let your partner na disrespectful sila.kahit di sila naging mabuting parents. Wag maki compete sa di kabutihan na ginawa nila

    ReplyDelete
  51. Agree ako sa iba pero ung sa government part hindi masyado. Kasi nga, hindi maahon at masuportahan ang karamihan kung aasa sa gobyerno. Ika nga, magtrabaho, magpursige at huwag mag anak ng di kaya sa bulsa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think what she refers there is yung hospitalization. Kahit ilang milyon pa ang na save ng mga matatanda, isa major operation lang ang katumbas. I've witnessed it. Ang laki ng gastos nung naoperahan lola ko. Kahit my passive income siya through rentals, wala. kualang. Kaya nga tinaasan yung PhilHealth contribution supposedly para dun, pero tingin ng government may malaking savings kaya babawasan. Bakit kaya di lakihan ang coverage instead.

      Delete
  52. Hindi kami lumaki sa yaman, pero hindi rin kami naghirap nang todo, dahil ginawa ng mga magulang ko ang lahat para mapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi sila maluho at ako lang talaga ang inuna nila pagdating sa gastusin, pero dahil doon, hindi na rin sila nakapag-ipon para sa kanilang retirement. Paano ka nga naman makakapag-ipon sa Pilipinas kung napakababa ng sahod, mataas ang buwis, at sobrang mahal pa ng bilihin? Naging masuwerte ako na makapag-migrate sa ibang bansa kaya ngayon mas maluwag na ang buhay sa usaping pera. Hindi man ako inoobliga ng mga magulang ko na magpadala ng pera, ginagawa ko pa rin dahil alam kong kapos talaga sila at nais kong masuklian ang lahat ng sakripisyo nila para sa akin.

    Oo, totoo na hindi obligasyon ng anak na suportahan ang magulang, pero sa bansa natin, napakahirap ng buhay. Walang sapat na tulong mula sa gobyerno para sa mga senior citizens, walang student loan para sa mga gustong mag-aral pero hindi kayang tustusan ang sarili, at kapag nagkasakit ka, milyon pa ang kakailanganin para sa ospital. Paano sila mabubuhay kung hindi sila tutulungan ng mga anak nila? Madaling sabihin na hindi responsibilidad ng anak ang magulang kung nakatira ka sa ibang bansa, kung saan mas madali ang buhay at ang kita. Pero sa Pilipinas, kung saan laganap ang korapsyon, mataas ang buwis, at sobrang mahal ang bilihin, napipilitan kang tumulong dahil alam mong walang ibang aasahan ang mga magulang mo—at sa ganitong sitwasyon, hindi na simpleng usapan ng obligasyon, kundi ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga sakripisyo nila.

    ReplyDelete
  53. Dapat ito ang binibigyan ng award eh.

    ReplyDelete
  54. I may agree with mother Lulu BUT let me add this mother. Nasa America ka kasi , you may not need the support of your children because of the lots of support you’re getting (seniors) from the US government.

    ReplyDelete
  55. Totally agree. And depende din talaga sa parents e. Kaming magkakapatid, we’re very lucky that we have a loving and caring parents. My father nung bata pa sya, nag titinda sya ng sigarilyo sa daan, nagconstruction worker. Pero dahil sa sipag at determination nya, ngayon on going ang roofing business nya at 56 yrs old. Yung mama ko naman, housewife and helping my father sa business and also very hands on sa aming magkakapatid. Lahat kaming magkakapatid professionals na at may sarili na ding pamilya. Everytime na magbibigay kami ng money, they would always tell us to save it kasi nakakapag trabaho pa naman sila. Kaya ngayon ang ginawa naming magkakapatid, nag open kami ng savings account for them without them knowing. Para pag tumanda sila at di na kayang mag work, may pang support kami for them. We also got them insured. Buti na lang din napalaki kaming super close na magkakapatid. We also spoiled them every birthdays and special occasions. So yeah, if mapagmahal ang magulang sa mga anak, ang daling mag give back.

    ReplyDelete
  56. classic example si mama lu ng parent na hindi ka oobligahin magbigay sa kanya ng sustento pero spoiled din siya ng mga junakis niya.

    ReplyDelete
  57. True...I am a mother of 3 adult children & I don't oblige them to be our breadwinner.

    ReplyDelete
  58. Manahimik kayo lol yung mga anak sa ibang bansa 16 palang nagtatrabaho na at hindi nakaasa sa magulang. Kayo mga damulag na, magulang na ang nagbayad ng kolehiyo pati allowance at lahat, tapos hindi pa kayo magmove out and stay eating your mother's food lol. May point talaga yung hindi tama na maging breadwinner ang mga anak, but not in the context of MOST filipinos na kahit adults na burden parin ng magulang. How tf do you expect them to prepare for their own retirement. And don't give me the BS na parents shouldn't have given birth in the first place if they can't afford it--you all need to touch some grass. Ph is not the west and most of their ideas don't apply to the average filipino. Only the 10% can truly afford kids in the PH cause even the middle class would have to sacrifice their own retirement to raise children.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...