Ambient Masthead tags

Monday, September 9, 2024

FB Scoop: Angelica Yulo Puts Up Cavite House for Sale










Images courtesy of Facebook: Ana Bonita Poquiz, Angelica Poquiz Yulo

254 comments:

  1. Ang tanong ibibigay ba nila Kay Caloy Yun proceeds ng sale? If they do bilib ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kanino kaya nakapangalan ang property?

      Delete
    2. Diba? Naalala ko dati may nagsabi dito na in an interview, sinabi ng nanay na dahil sa pag gy-gymnastics ni caloy kaya nila na-acquire or napatayo.

      Delete
    3. bakit kaya dinelete yung mga pics na super kalat hahahaha

      Delete
    4. hindi nakapangalan kay caloy. bidang bida na kaya daw kumuha ng pera e para jan sa bahay pero d kay caloy naka name at ngayon binebenta LOL

      Delete
    5. Yes yan ung hinahap ni caloy na nagalaw pera nya jan nilaan nun pnyrn ng full ung balance..kaya ibbnta yan kc ibblk s knya ung pera n hinhnp nya. Nassgot qb?if dka maniwla hanapin m umg vdeo

      Delete
    6. 7:10 kaya nila binebenta para maibigay yung pera nya at di nya lahat pera yang naibili dyan may ipon din magulang nya😂kaya nva nila ibebenta kase nagkwekwenta na yung anak para maibalik nakakahiya na kase sa knya

      Delete
    7. True. Nakalaan daw pero TINAKWIL na nya. At ngayon iniimply NA NAMAN na TINAKWIL na nya kaya ibebenta na.

      Delete
    8. Carlos doesnt need it, barya sa kanya yan altho mahal yan para sa P5M. Ang liit ng lote and low cost ang bahay

      Delete
    9. As if he cares Barya nalang yung proceeds nyan bat pa nya kukunin?

      Delete
    10. Yan ung pinaliwanag nya sa onterview nya dati na kesyo lahat ng pera ginamit nya pampagawa jan kasi nga ayaw ni caloy umuwi na dun sa house nila na orig kasi worried sya for his safety kaya hinanda daw nila yan para pahingahan nya kaso ayaw din gamitin . feeling ni caloy winaldas ung pera nya pero jan daw nakabuhos lahat. Investment minded si mader tsaka may sinabi sya na bayad na daw nya mga insurance ng mga anak nya sinigurado nya icomplete. Tapos kung gusto ni caloy tlga mabalik pera ibenta na lang parang to prove din na wala syang pakialam sa house kasi pinagawa nga nila yan para daw kay caloy do i think nice move si mader jan tapos balik ung money kay csloy pra quiet na

      Delete
    11. 9:00 real talk, magkano kaya yung ipon ng tatay na kagawad, nanay na housewife na kung ano-ano pinagkakakitaan at parehong bumubuhay ng 4 na anak...VS milyones na ipon ng athlete na anak na 6-digits ang napapanalunan per competition?

      Kahit sabihing may mga ipon silang inambag, at the end of the day yung pera pa din ni Carlos ang nagbuhat sa kanila.

      Delete
    12. Saka lang ako maniwala if naibalik na if I know sinasabi lang nila ibabalik just to justify na sila lang naman makikinabang, hindi naman naniningil o hinihingi ni Caloy, as usual for the clout nanaman ang family nya para masira yung anak. galing naman yan sa pera ni Caloy pero bakit hindi sa kanya ipunangalan?

      Delete
    13. Ang sabi2 dati pra kay Carlos pero may ibang tao nakatira?

      Delete
    14. Kapal mo naman idemand na ibigay proceeds lahat kay Caloy eh 70k lang naman ang binigay ni Caloy diyan. Pagkaliit liit na halaga. Di naman si Caloy ang bumili ng buong bahay

      Delete
    15. Tama yan. Ibenta na at ibalik kay Caloy para wala ng maisumbat in the future. Kaya nyo naman mabuhay ng payak. Di nga humihinto sa pag hahanap buhay ang ama at ang ina kahit may 11M na sa bangko si Caloy dati pa. Ibalik na lahat. Ok lang yan family yulo. Tanggapin na lang na nag iba na ang anak nyo.. wla ng magagawa kese kawawain nyo pa ang sarili nyo.

      Delete
    16. Dyan naman pala napunta ang pera eh. Ano pinagsasabi na ninakaw ang pera niya? Grabeng anak itong si Caloy. Hindi magandang ehemplo sa kabataan. Balang araw gagawin din anak mo sa'yo yan. Mas matindi pa hahaha

      Delete
    17. 11:32 Yung 70k, sa credit card yun ginamit at hindi sa bahay.

      Delete
    18. Kung may solian ng kandila, ito solian ng property, hahaha! Pero ok na yan, ibalik na nila ang anda. Sino ba nakatira diyan ngayon, kung lahat sila nasa Leveriza? Ano yan, vacation house?

      Wala nang interes si Caloy dyan, ganda ng balur nya sa BGC no!

      Delete
    19. D pa naman s kanya yan eh. Saka do you think tatangapin ni carlo? Eh toxic din pala yan

      Delete
    20. Syempre may care taker daw nakatira to maintain cleanliness of the environment 😂😂

      Delete
    21. May gf kasi na intrimitida.

      Delete
    22. My Gosh, binebenta nila, naglagay ng mga pictures, ano yun pati mga kalat kasama sa bentahan? sana man lang nilinis or inayos muna bago picturan. nakakadiri. may mga nakasabit pang mga damit. ano ba naman yung linisin o ayusin yung area na pipicturan. ibalik na lang yung kalat after. paano naman gaganahan yung buyer kung di mo ma-apppreciate yung itsura?

      Delete
    23. 10:37 Okay lang naging "investment minded" kung sarili mong pera ginagalaw mo. Or if you advised your son na magandang mag-invest sa bahay, and let him make his own decision dahil hindi naman na siya bata. Did they even consider if type ni Caloy yang bahay, or even yung location ng bahay??

      Kumuha ng insurance as safety net dahil may possibility nga namang magsustain ng life-changing injuries sa nature ng sport na gymnastics na pa-tumbling tumbling...ANG TANONG, SINONG INDICATED AS BENEFICIARIES?

      Delete
    24. Binebenta nila, ibig sabihin wala sa pangalan ni Caloy. So paano naging kay Caloy daw yung bahay? Ang gulo nyo. Pag inconsistent, may hocus pocus.

      Delete
    25. 447 pag hindi masagot ng matino ang issue about money idadamay si gf. nice try though.

      Delete
  2. Even if I had money, I won't, considering the accumulated bad energy in there from the seller.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabihin mo nalang wala kang pera.

      Delete
    2. Ito namang si seller, di man lang inalis yung mgs nakasampay na mga damit damit bago nag-picture! Kaloka lang, hahaha!

      Delete
    3. Kyeme naman nito wla ka naman pmabili

      Delete
    4. Wahahah problemahin niyo muna kung paano kayo magkakapera. Bago niyo desisyonan na bilhin ba un bahay o hindi. Para sa may 5 million lang daw yan!

      Delete
    5. Eto naman si 7:16 ang hina. Kaya nga sinabi ni 7:11 na “kahit may pera siya eh” 🤦🏻‍♀️

      Delete
    6. Low cost housing in very far faraway Cavite? Good luck selling that, may bad juju included!

      Delete
    7. Sus. Bad energy d naman sila naka tira dyan.

      Delete
    8. Looks like a government project housing

      Delete
  3. May mga nakasampay pa talaga na damit hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakalaan daw kay Caloy pero kitang kita naman may mga gamit, eh di naman jan nakatira si Caloy 😂

      Delete
    2. nadelete na yung maduming bathroom at mga tambak na gulong ng motor

      Delete
    3. Nakalaan daw kay Caloy at “wala nang nakatira”. Eh obvious naman na may nakatira. At obvious naman na hindi si Caloy nakatira jan. 😂

      Delete
    4. Walang nakatira pero ang daming gamit at sampay! Ano yan, may kamag-anak ba na nakalibreng bahay?! O pinauupahan? (Ar kanino napupunta ang upa kung ganun?)

      In principle, buuin na lang nila ulit yung andang nawala ni Caloy sa bank account niya. Kahit kanila na ang interes sa benta. Wala nang sumbatan, wala nang laitan ng jowa. Mag-move on na sila ng maayos at baka mag-season 10 pa itong live reality show nila!

      Delete
    5. @10;14 common sense kelangan may caretaker dba? Dba???

      Delete
    6. Ang caretaker, hindi sa loob ng bahay nakatira. Arawan lang pumupunta para magwalis at maglinis.

      Di man lang naglinis si caretaker bago nag-picture taking?

      Swerte naman ni caretaker, free board and lodging! At ok lang na burara siya sa loob ng balai! (Anong care ang binibigay niyan?!)

      Delete
    7. 2:07 may caretaker lagay na yan?? HAHAHAAHA

      Delete
    8. 2:07 you should look for another caretaker if that's how they "care" for a house that's supposedly for someone else (worse, pera ng "someone else" ang ginamit without his approval). Nagde-depreciate ho kasi yung original value of the property kung ganyan ang current state--ang laking sampal if the owner finally decides to use it, at lalong lalo na, hindi worth the 5M they're expecting. Funny nyo!! 🤣

      Delete
  4. "nakalaan kay caloy" malamang pera nya pinampagawa jan ng hindi nya alam pero di sa kanya nakapangalan. 🫢🫢🫢 saka aanhin pa ni carlos yan, wala sa kalingkingan ng mga houses na napalanunan nya. 5M ang selling price? LOLOLOLOLOLOLOLOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakalaan pero di sa kanya nakapangalan. kaya nga nabenta nila now haha

      yayabang ng mga poquiz.. madami daw silang bahay e sa YULO side galing yung bahay sa dasma 😂 pano naging bahay “nila” e d naman immediate family yang ANA?

      Delete
    2. ang mahal nya sa 5M pwede pa siguro 2.5 to 3M

      Delete
    3. Isosoli daw ung pera nya na nagamit. Wait lang kayo, dami agad nega

      Delete
    4. 7:15 kahit na mas okay na maibalik yung pera nya kahit na ako kung ako yung nanay ibebenta ko na yan kesa pumarte sa pera ng anak nya ivalik na lang nya pera nya para manahihik na rin sya at pamilya ng dyowa nya

      Delete
    5. Yabang naman nito nilalagay nyo lalo mga idols nyo sa bad light

      Delete
    6. Gusto lang nyan mapuri ng mga tao na may nakalaan pala syang bahay for Kaloy. May picture pa ni Kaloy, pero kung ipahiya at itakwil sa socmed, wagas!

      Delete
    7. 9:34 pilingera anong tingin mo sa mga magulang ni caloy mukha bang ginugutom nila mga anak nila hindi lang si inmcaloy anak nila mukha ba silanv gusgusin na magakkapatid kung tutuusin mas okay pa sila kesa dun sa mga magulang na hinahayaan sa kalsada

      Delete
    8. 9:02 you make it sound like it using their own son's money for a house they want was purely an accident. GINAMIT ho, not NAGAMIT. 😂

      Delete
    9. Saka lang ako maniwala if naibalik na if I know sinasabi lang nila ibabalik just to justify na sila lang naman makikinabang, hindi naman naniningil o hinihingi ni Caloy, as usual for the clout nanaman ang family nya para masira yung anak. galing naman yan sa pera ni Caloy pero bakit hindi sa kanya ipunangalan?

      Delete
    10. 9:02 for the record ante mas maingay ang yulos family. bakit ba nabubulag kayo pag yulos yung nagpaparinig in public against chloe and carlos? hindi ko gets. halos everyday may patutsada yung tatay and pang mamanipulate yung nanay pero selective memory kayo.

      Delete
    11. Do you guys seriously think Carlos will take that money now??? Why now?? It’s too late, madami na syang milyones. And the damage has been done. Hindi yan mafifix ang sakit na nadulot nila kay Carlos.

      Delete
    12. 10:13 parents who uses their childrens money is not something to be proud of mandiri ka nga sa sarili mo.

      Delete
    13. 12:53 Hoy hindi lahat ng anak gaya mong mabilang at makwenta. Kung may mga anak na binibigyan ang mga magulang ng pera o pinapautang eh prerogative na nila yun. Wala kang pakialam. Sadyang mahal lang nila ang magulang nila kaya kahit pera na madali namang kitain kung tutuusin ay shinashare. Sa kagaya mo lang madamot big deal lahat

      Delete
    14. Madali pala kitain, sana magbanat ka ng buto.

      Delete
    15. ‘binibigyan’ ay iba sa ‘pinapakealaman ang pera’

      Delete
    16. 2:24 HALATANG TINAMAAN KA HA HAHAHAHA

      Delete
  5. eto po ba yung house na pinagawa ni mudra from caloy's earning na walang paalam? hindi maganda.

    ReplyDelete
  6. chaka ng bahay sa true lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, so squatter looking house, not worth 5m

      Delete
    2. Tinaasan nila value kasi baka kasama mga pictures ni Caloy. 🤣

      Delete
    3. 1:05 for real 5M yan??? overpriced!

      Delete
    4. hahahaha ang chaka talaga for 5M tas di mo alam if fire safety compliant ba yan. ang kalat

      Delete
  7. sana all maraming bahay tulad ni Ana Bonita Poquiz

    ReplyDelete
  8. Sino kaya nakatira dito?baka kapatid

    ReplyDelete
  9. Masyadong cubic. Parang jail cell

    ReplyDelete
  10. Di mo Naman titirhan if rich ka. Jan lumaki yung 2 time Olympic gold medalist natin so if the price is right SI mother Angelica dito

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lost ka Carlos never lived there. Ni hindi yata nakatapak sa bahay na kanyang pinundar.

      Delete
  11. " To those interested " is that grammatically correct? Im super mindful if I'm posting online pwede nmang Tagalog nlng.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama naman sabi ni google:

      Use "to those" when you are referring to a specific group of people and indicating direction, recipient, or target. Example: "This message is dedicated to those who have supported us." For Those:Use "for those" when expressing something intended to benefit or apply to a particular group of people.

      Delete
    2. The phrase "to those interested" is correct in itself. In the post above, it should have been placed at the beginning of the sentence (i.e To those interested, please message Angelica).

      Delete
  12. Kawawa magiging buyer ng bahay na yan. May project ang government at kasama na matatamaan ang location ng bahay na yan. Dapat Naka disclose yan sa buyer.

    ReplyDelete
  13. Hindi talaga nila mapigilan maging squammy kahit sa pagsagot no? “Wag kang obob”

    And also kung para kay Caloy, bakit nila ibebenta, di naman pala sakanila? Ganyan talaga pamilya nila no??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Obvious na di nakapangalan kay Caloy.

      Delete
    2. kasi hindi naman talaga kay Caloy yan, d sa kanya naka name.

      Delete
    3. sinabi lang ke Caloy nung hinanap na yung pera

      Delete
  14. 5 MILLION YAN? kaloka

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saan lugar ba yan? Kung metro manila pwede pa majustify kumbaga yung lupa ang bibilin dahil yung bahay mismo parang di pa lagpas sa 1M yan

      Delete
  15. I hope Caloy realizes that at this point, he's got a lot more to lose if he allows himself to get dragged down by his family's provocations. I also wish that he invests on his education. Dami kong nakitang Olympians who are studying at prestigious universities while competing at the same time.

    ReplyDelete
    Replies
    1. He finished his college in Japan.

      Delete
    2. Nag aaral po sya sa japan during his training years nung bata pa sya

      Delete
    3. Makakuda ka agad eh nuh dmo lam sa Japan pa sya nag aral scholar syan dun. Susko ka.

      Delete
    4. Kaya pala may nakita akong video ni Carlos, ang galing niya mag nihongo sa interview, doon pala siya nag aral 👏

      Delete
  16. My god buti naman naisipan nila idelete yung pic showing the toilet with the lid up. "And it was all..."- Coldplay 🤢

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di man lang ni-flush, hahaha!

      Delete
    2. Hahahahahaha I’m glad that I did not see that! Ang squeamish ko pa naman lalo sa mga toilets 😭😭

      Love the reference din ha 8:27 💛

      Delete
  17. Hala paano naging 5M ang worth nyan. Lol.

    ReplyDelete
  18. Toxic talaga eh! Di naman kailangan banggitin yung personal masyadong detalye

    ReplyDelete
  19. Di ko bibilhin yang bahay na yan even if I can afford it. Sa dami ng gulo ng pamilyang yan, parang kasama sa pagbili ng bahay yung kamalasan at bad energy ng pamilyang yan.

    ReplyDelete
  20. Teh, that house is basically your son's house. So wag ka dyan fake news.

    ReplyDelete
  21. Hindi ako bibili dyan. Mskukuha mo pa ang negative at satanic energy na galing sa family tree ng family nila. Ang kalat at dilim. Bad feng shui

    ReplyDelete
  22. Ang daming kalat. Mga burara. Ang daming time sa social media hindi man.lang nakapaglinis ng bahay. Nope, pass ako sa bahay na iyan.

    ReplyDelete
  23. Etp rin naisip ko nun kung ako yung nanay🤣kahit pa siguro bibigyan ako ng piso sa naoanalunan nya hindi ko yun tatanghapin malaki p maliit kung gamun ugali ng anak hindi ko masikmura pera galing sa kanya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol, eh nanguha nga sya ng pera ng walang paalam. At ung mga pakulo ng mga pamilya ano un db pra mapansin ni caloy at ung tatay pa nagsabi na magsorry na si caloy sa nanay nya, para saan? Pra macontrol ulet nila si caloy

      Delete
    2. Isa ka pang uto uto 9:04. Mahilig ka kasi sa teleserye.

      Delete
  24. Blessing in disguise na rin cguro at nalaman na ni Carlos kung paano i-manage ng mother nya ang pera niya bago pa siya sumali sa olympics.

    ReplyDelete
  25. Andaming nakikialam. Di naman talaga natin alam anong tunay na nangyari sa kanila. Pero ang pinaka-klaro, bastos at pakialamera yung Chloe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang liwanag sinliwanag ng sikat ng araw ang nangyayari. Hahaha

      Delete
    2. >Inamin nung nanay on camera na may kinurot sa pera ng anak
      >Sinabi din nyang may bahay kasing pinagawa pero di nakatitulo kay Caloy
      >naglabasan ng screenshots showing how they've been bullying Caloy and the girl for years
      >inupload nila ang photos ng bahay para ibenta at nang mabalik na yung pera ni Caloy

      9:22: Di natin alam tunay na nangyari!! Basta bastos si Chloe!!!

      Giiiirl...🤣

      Delete
    3. Teh, nandito tayo sa tsismisan site. Syempre mag cocomment ang mga maritess.

      Delete
    4. napaka contradicting mo. hindi mo naman alam yung totoong nangyare pero halatang mas nag lelean ka towards sa pambabastos nung pamilya sa couple. lol hypocrite

      Delete
    5. 11:04 ung tawagin mo ang nanay mo na magnanakaw at sinungaling. Un pala may napagawa at nabili namang bahay.
      Tapos paasahin mo tatay mo sa kitakits tapos ni tawag sa telepono di mo masagot.
      Un kahit pisong duling wala kang binigay sa 130 million na napanalunan mo. Sige baliktarin niyo pa un narrative. Kayo kayo lang naman ang nagkakaintindihan. Kasi pare pareho kayong ungrateful sa magulang, greedy and selfish! Un lang un. What comes around goes around.

      Delete
    6. 1:04 e bakit di pinaalam sa may ari ng pera kung bakit kinuha at saan gagamitin ang pera? Bakit di sa kanya nakapangalan kung kanya pala yan?

      Delete
    7. Kulang pa 11:04
      >Kumurot ng pera para makakuha ng credit card
      >Nagmahal lang ang Caloy pero inaway at minaliit ng buong angkan si Chloe
      >Tinakwil si Caloy sa social media by posting a photo na wala siya at sabihin na kumpleto na sila with comments pa to back it up
      >Harapang pangmamaliit ng lola sa kakayahan ni Caloy
      >Pagsupporta sa ibang bansa habang araw ng laro ni Caloy

      @104 sorry pero isa ako sa supporter sa ginagawa ni Caloy. At malas mo, di mangyayari yan dahil ang magulang ko may sariling pera. Ako din may sariling pera at business kami ni jowa kaya kahit magkaanak kami at magretire, di kami aasa sa anak namin.

      Delete
    8. 1:04 may tanong ako sayo bilang marites. Nakita at nabasa mo ba mga post ng family, with family i mean the mother and father down to his siblings and lola, ni Caloy about him and his girlfriend? Based lang sa pinost nila and set aside kung ano talaga nangyayari inside the house ha. Kung ikaw si Caloy gaganahan kang makipagkita sa kanila at bigyan sila ng pinaghirapan mo lalo na kung alam ng madla na tinakwil ka? Sa true lang tayo sis ha. Walang effect sayo yun??? You are okay with that??? Pls don’t be hypocrite otherwise I will think part ka ng family nila.

      Delete
    9. @1:04 gigil na gigil ka ipagtanggol nanay ni caloy na parang magkadikit bituka nyo o asang asa ka rin sa premyo ni caloy. Nanay nya mismo nagpainterview na ginalaw pera ni caloy. Isang beses lang sya nagpainterview

      Delete
  26. Nagpapansin na naman para maawa ang mga uto utong fans i drama queen mader.

    ReplyDelete
  27. May bahay pa naman palang isa sa subdivision so bakit laging nagpapaawa na nakatira sa looban? Choice naman pala nila na dun tumira

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi aalis sa looban mga yan kasi pugad ng mga marites yun dun.

      Delete
    2. In my understanding sa comment, yung lolo ni Caloy (Yulo side not Pokis) owns a house in some subdivision and it will be inherited by his 3 children- meaning Carlos dad will get 1/3 share of grandpa’s house. So caloy’s parents doesn’t own any other house but this for sale one.

      Delete
    3. wrong 3:54. ibinili sila ng bahay sa dasma, ang magmamana e ung tatlong anak ni Mark Yulo, not including carlos. kaya ewan ko jan kay Ana kung bakit nakiki- “madami KAMING bahay” e hindi naman sya Yulo.

      Delete
  28. So...when you guys successfully sell this house, will you five the money to Caloy since he paid for it anyway? Or is this just one of your many damoves?

    ReplyDelete
  29. Sana naman nilinis muna ang bahay before taking pictures

    ReplyDelete
  30. Naks, now naman kunwari yayamanin.

    ReplyDelete
  31. "nakalaan kay Caloy" pero gamit na gamit na at baboy na ung bahay? Ano pang aabutan ni Carlos jan? Jusko. Tapos si Carlos nanaman masama jan? Ni hindi nga nakapangalan yan kay Carlos eh. 🤦🏻‍♀️

    ReplyDelete
  32. Nasa harap ng T-junction? No wonder! Worst location for a house. Ito bahay bad PUNGSOY! Negative energy. Dami ingay, dami malas, dami poison arrow. Ikaw giba tapos ikaw tayo relaxing negosho para relaxing energy. Pwede ikaw donate ito bahay gawa park o chapel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Master Hans.. hehehe nagbabasa ka rin pala ng FP 😂

      Delete
    2. Hahaha. Siraulo ka. But i agree. Its bad feng shui

      Delete
  33. Yung mga nagmamarunong dyan pakipicturan nga mga bahay nyo 🤣tanungin nyo muna kung nakatira dyan yang nanay nya andun sila sa looban sama sama sila dun ng mga lolot loa kahit masikip mas okay na yun

    ReplyDelete
    Replies
    1. so what do you want us to feel? maawa? in the first place bakit nag anak ng apat kung mahirap? yan na yung outcome, thanks to carlos (anak) nakapundar sila. if not for him baka pati damit nila galing lang sa bigay ng iba. this new gen better change the outcome for their own good. lesson learned yan for those minor/young adult na wag papasukin ang pagpapamilya kung hindi financially and emotionally capable. you want to have a family at such a young age? ganitong klaseng buhay ang haharapin mo worst anak mo magshoshoulder sa hirap ng buhay niyo.

      Delete
    2. Lol kaya pala gamit na gamit ung cr sa pic, na dinelete pa nga

      Delete
    3. Wala kaming pakialam.

      Delete
  34. ito daw yung binili ng pera ni Carlos eh kaso di alam ni Carlos na bumili pala sya ng bahay? na ni hindi nakapangalan sa kanya hahaha

    ReplyDelete
  35. Yan yata yung house na napatayo gamit money ni Caloy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Part daw ng pera dyan eh kay Caloy. Pero si Caloy ang nagpagawa ng Leveriza, sabi ni Angelica sa isang interview nuon.

      Delete
  36. All inclusive daw meaning pati pics ni Carlos? Subtle pasaring din eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka daw kasi maging worth millions ang mga pics na yan pagdating ng tamang panahon

      Delete
  37. Ang mahal at burara for 5M.

    ReplyDelete
  38. Ibabalik kuno kay Caloy yung pera, para mapilitan makipagcommunicate sa kanila. Nako Caloy, dedmakels mo pa din, di mo naman na need pinagbentahan nyo. Baka masamahan pa ng malas yung prizes mo.

    ReplyDelete
  39. ayaw talaga nila tumigil noh..everyday meron silang ganap hahaha

    ReplyDelete
  40. Dinelete na yung mga sobrang dugyot na pictures ng cr at tambak na gamit. Sobrang burara nila, naluma na agad ang bahay at halatang napabayaan.

    ReplyDelete
  41. The moves. Hindi naubusan si drama queen mader ng mga moves para mapansin.

    ReplyDelete
  42. Baka kaya 5 million para walang bumbling kasi overpriced. Wala ralaga siguro silang balak ibenta.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup! Style lang nila yan. Ganyan naman kunwari binebenta pero inooverprice para walang bumili

      Delete
    2. 2-3M price niyan jusko 5M? chaka ng lugar chaka pa yung bahay. may pic kasi ni carlos kaya overprice hahaha

      Delete
  43. Ang mother side of the family ni Carlos ang ingay! Jusko, no wonder lalayo talaga sya.

    ReplyDelete
  44. This family is something else. carlos never said that he wanted his money back. he is just living his life away from them but it seems like the family has been doing everything to make him feel guilty, na sila yung kaawaan na yung anak ang problema. they can just sell it naman ng hindi nagpapakilala. manipulattion tactic

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapal ng tatay naglilive para makatanggap ng Gcash.... grabe! kapal ng apogggg!

      Delete
    2. 11:23 seryoso nanghihingi ng gcash???? KADIRI

      Delete
  45. Siguro ginamit pera ni Caloy pang down payment, but that they are there able to keep up with the monthly payments (because they are expecting Caloy to cover those too with his future earnings). Hence why they are pressuring him to get in touch… but as it’s clear they aren’t getting anything they now need to sell to pay back the money they owe. Good luck na lang sa inyo.

    Hindi yan karma, common sense lang yan, don’t spend money you don’t have.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginamit nga din yung pera ni Caloy pang fully paid. Yun yung sabi nya sa bombo radyo. Silang dalawa nung ate ni Caloy nagusap at nagdecide na ifully paid na...at yun nga pera ni Caloy ang ginamit. Kasi nga daw iniisip ni mader para kay Caloy yun house pero nung inask kanino nakapangalan...kay mader Angelica. Kaya nga nabebenta nya ngayon.

      Delete
    2. She did mentioned on her interview that she used caloy’s money to pay off that house.

      Delete
    3. Bebenta ba kundi pa tapos bayaran? Common sense is lackin lg in this one..

      Delete
  46. 5M para sa ganyan lang? Tubong lugaw na yan. Hahahaha!!

    ReplyDelete
  47. Appeal to pity ang pamilyang ito para makuha sympathy ng mga tao. Sadly it backfires to them kasi lumalabas tunay na kulay... ang yayabang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bili pa daw ng longganisa dahil mahirap sila. Ang daming bahay pala nila at yung nauuto nag oorder ng longganisa ay walang bahay..nagre rent lang.

      Delete
    2. Pride🤷🏻‍♀️ kaya ok narin layasan cla ni Carlos

      Delete
  48. Ang pamilyang laging may pinaglalaban.

    ReplyDelete
  49. Ana Bonita, Jena Frisco, Angelica Yulo - are they the same person?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ana and Angelica are sisters, I think. Jena is their mother.

      Delete
  50. Is that worth 5 Million?

    ReplyDelete
  51. Such an ugly house for the price….

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:53 pangit lalo kasi fi malinis at inayos. Napaakdugyot! 5 M yan juice ko

      Delete
  52. Yan yung PRESYONG DI IBEBENTA... 5M? May papatos ba jn?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tactics lang yan. Kunyari binebenta pero inooverprice para walang bumili

      Delete
    2. oo nga ang mahal ng 5m , maliit lang

      Delete
  53. Marami daw silang bahay, taray si mader.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sanaol diba. Lol

      Delete
    2. tapos yung mga uto uto pinatulan yung "online selling" "longganisa selling" ni mader kasi daw mahirap lang sila hahahahaha

      Delete
  54. Ayan ba yung property na binili nila gamit ang pera ni caloy na hindi nya alam tapos hindi din pinangalan sa kanya? Muka naman pinapakinabangan ng mga kamaganak kasi itsurang may nakatira.

    ReplyDelete
  55. Grabe pagka-matapobre ng mga Pilipino talaga. Ibang klase kayo.

    ReplyDelete
  56. una, kung para kay caloy, e bakit may nakatira? pangalawa, kung kay caloy, e bakit sa inyo nakapangalan? otherwise hindi nyo maibebenta yan kung kay caloy talaga nakapangalan yan.

    ReplyDelete
  57. ang mahal naman ng benta ni mudra

    ReplyDelete
  58. 5M? Di man lang inayos, ang dugyot

    ReplyDelete
  59. nagtataka ako bakit binabash si Caloy eh ang tahimik lang naman nya, kesyo ang sinasabi nyo ay bastos siyang anak. Kaka fb/tiktok nyo yan, paniwalain !

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga. Kung ibang anak yan demanda na... sa US ganon cla.

      Delete
  60. It's not giving 5M vibes. Also, when you post something for sale, in good condition naman sana. Sobrang kalat, kung walang nakatira na as they claim, bakit may condiments pa? Bakit di man lang ayusin?

    ReplyDelete
  61. akala siguro nila dahil sinabing para ke carlos madami ng magkaka interest kahit gaano kamahal

    ReplyDelete
  62. Paandar lang nila yan, para kuno sabihin na they tried to sell the house para ibigay yung pera kay Carlos pero they will say walang gustong bumili. That’s why it’s overpriced. Saka sasabihin nila kay Carlos yung bahay eh halatang may ibang nakatira. Most likely kapatid o pinaparenta nila.

    ReplyDelete
  63. Dugyot. Mag oorder pa ba kayo ng longganisa after seeing this? 🥴

    ReplyDelete
  64. Sa gulo at kalat ng bahay kaht ako na grabe pagod sa training hnd ko uuwiam yan dagdag mo pang toxic ng pamilya. The point kase sna pinaalam sa anak kng ok lang ba galawin pera ng bata kaya hinanapan ng pera! Eh kng may plano plang iba ung anak nya dun sa pinagsakripisyuhan nyang pera ?nung hinanap wala na sino ba naman matutuwa! Sakripisyo din ung bata pero pag may gstong bilhin wala 😂 hnd na bata si caloy minsan kaya tayo nagpupursiging magtrabaho kase may pinaglalaanan tayo sa isip natin kaya hnd sumusuko at nagpapatuloy pero kng malalaman mong wala na ung pera at gnlaw sa ibanh praan kaht pa maayos yan eh madidismaya ka! nung kwinestyon imbis ipaliwanag eh nanumbat.

    ReplyDelete
  65. Nalito na ako, si angela mader ni caloy. Sino si ana poquiz,nanay rin ba o lola? Ang ingay na kasi di na ako nakasunod..

    ReplyDelete
  66. Busy ng mga Yulo at Poquiz dito sa fp. Binabago ang narrative. Sa Pinas ba pag wala work ang nanay at di naman kalakihan ang kita ng tatay afford bumili or maghulog ng bahay? Considering na may iba pang anak? Kasi may iba pang bahay daw at ok naman sila tignan hindi mukhang busabos. Tapos may ipon pa daw? Wow galing naman nila humawak ng pera kung walang kinuha sa kita ni Caloy. I know mostly two-income families na isa or dalawa lang anak, kapos kahit ok kita ng mag-asawa. So, to make it look na walang nagalaw sa pera ni Caloy, I don't buy it. Not only for this house, I think pati panggastos nila may galing don. Yung ibang anak wala pa naman ambag at di naman nananalo internationally. Ano ba makakapagpatahimik sa pamilya ni Caloy? Na layuan yung gf? Na ibigay pera sa kanila? Kasi at this point parang tira na lang sila ng tira for no logical reasons. Everyone has the right kung sino gusto nilang mahalin. Hindi minor si Caloy. Parents should not meddle, at kung may choice na anak nyo huwag nyong bastusin. Iwasan na yang mentality na kailangan boto ang family. Di naman kayo ang makikisama kungdi yung tao. Unless na criminal or addict or abusive yung tao, huwag nyo pakialaman ang relationship ng anak nyo. I have three kids and I only pray na sana makakita sila ng magmamahal sa kanila. I'll be grateful if that happens. Yung eldest meron na, and even if may napapansin akong di ko masyado feel, I don't tell my daughter kasi choice nya yon. I trust na may nakita syang siguro di ko nakikita. Raise your children well and trust them to make the right decisions.

    ReplyDelete
  67. Bagong lagay lang ata yung ibang pictures ni Caloy.

    ReplyDelete
  68. Nakalaan kay Caloy what a joke. Caloy has the money to live in a much better house especially now. Sumbat lang yan para mapakita na nagtatampo sila or something that Caloy no longer nrleeds anything from them. Good riddance to his family

    ReplyDelete
  69. Kung ako si Caloy hayaan ko clang mapagod sa mga kanegahan nla. No more patol. Gets ka namin Caloy.

    ReplyDelete
  70. I am done reading articles about Caloy, Chloe, and the Yulo family. I just wish them well. Sana maging maayos na silang lahat.

    ReplyDelete
  71. Napakapanget ng bahay

    ReplyDelete
  72. yung lola daw yung nakatira dyan. yung same lola na nagpa interview na humahol sa parade and also the same lola na nag wish na matalo si carlos nung olympics. she also replied sa mga screenshots from chloe na "hintay lang kayo sa olympics marami siya kalaban dun magagaling" insinuating na matatalo si carlos. how far this toxic family can go.. its seems like nakalimutan nilang at some point nakikinabang din sila kay carlos hmmm.. mag reflect reflect sana silang lahat sa ginawa nila against carlos.

    ReplyDelete
  73. Parents are still our parents. Walang perang katumbas ang hirap at pagtitiis nila nun pinapalaki nila tyo. Kaya ako pag may pera ako, wala sa akin na ishare sa knila ang blessings ko. Lalo na kung sobra sobra. Gugustuhin ko na mabuti din ang kalagayan nila, lalo na matatanda na sila . Hindi perpekto ang mga magulang pero hindi rin perpekto si Caloy at lalong lalo na si Chloe. Bata palng nagtratrain na si Caloy, sino ang nasa likod nya non na sumusuporta?

    ReplyDelete
  74. Madaling makisawsaw pero at the end of the day, family is still family. Money is just money. Madaling kitain. Importante na you learn to forgive, esp if it's just about money

    ReplyDelete
  75. Nakalaan raw at walang nakatira pero mukhang binaboy na yung bahay, and dami pang kalat at tambak na gami. Ganyan yung pinagawa at plano mong ibibigay na bahay sa anak mo, nilamutak na ng ibang tao?

    ReplyDelete
  76. Sana pinaalam mo sa anak mo na kukunin mo yung pera nya at pagagawan sya ng bahay para manlang nakapag input si Caloy kung anong klaseng bahay at saan nya gustong tumira. Ang pangit ng bahay, hindi nakakarelax after months of training.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...