Wednesday, August 28, 2024

Sandro Muhlach Tries to Recount Details of Alleged Rape, Sen. Jinggoy Fumes as Jojo Nones Opts to Exercise Right Rather than Answer Him

Image and Video courtesy of YouTube: GMA Integrated News

143 comments:

  1. How sad. As in open for public consumption ang nangyari sa kanya. I hope justice will be served!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagrereklamo yung accused na 8 days na shang nakakulong. swerte mo talaga day na di agad nakapag sumbong agad sa pulis yung biktima at di pumasok sa warrantless arrest yung kaso mo, e di sana naka kulong ka sa police station habang nag iimbestiga yung nbi at piskalya.

      Delete
  2. There’s a proper place for these questions and it’s not the Senate. It’s also not the senators job to question this way. Dinaig pa fiscal at hurado. Jinggoy is way out of line already. This charade makes one wonder, is what they’re doing still in aid of legislation? Kangaroo court na ang nangyayari.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasalanan din nina nino yan cause pwede naman sa korte na lang ito, si nino mismo humingi ng tulong sa senado e sayang

      Delete
    2. 10:04, Puwede pa ring sabihin ng Senate na sa korte iyan, hindi sa kanila.

      Realistically, maraming Pilipino na ang akala ay puwede dalhin sa Senado ang kaso. Hindi nila alam na taga-gawa ng batas ang Senate, hindi iyan korte.

      Palaging ginagawa iyan ng Senado kaya ang akala ng mga tao ay kasali iyan sa ibinabayad ng taxpayers sa kanila.

      Delete
    3. Dapat mag file na ng petition for habeas corpus lawyer ni nones

      Delete
  3. Sen. Jingoy, pag may kaso na kase, di mo pwede pilitin sumagot. Hingi ka na lang ng transcript sa court if may gusto kang gawing batas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. In this case tama yung accused may constitutional right siya not to answer because nasa DOJ na. Grandstanding naman si Jinggoy para I detained yung accused.

      Delete
    2. Jojo Nones rightfully invoked his right against self-incrimination. Sa amerika, ang tawag dyan is pleading your 5th amendment right, pwede syang iinvoke kahit sa congressional proceedings

      Delete
    3. this is what happens kapag walang alam yung mismong Senador how our own justice system works.. gusto pang ibypass ni Estrada ang sistema. JUSKODAI! mga botante bumoto naman kayo next time ng tama!

      Delete
    4. Jinggoy always wants to be a grandstanding. Ewan ko bakit nananalo pa ‘to.

      Delete
  4. Wag mona sineSir yang nga yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. Dapat may mag coach kay sandro na first name basis na lang kasi binastos din naman pagkatao niya ng suspeks

      Delete
  5. With inquests like this, they are usually confidential and details sealed unless essential for public release. The privacy and dignity of victims and accused is not for public consumption. Wala bang rules?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay ewan ko ba jan sa mga clown senators natin. Yan ang hirap kapag senador na walang alam sa batas

      Delete
    2. Kaya nga pumalag ang accused, he knows his right.

      Delete
    3. Nakakalungkot na mismong senator na hindi alam ang batas. 😞

      Delete
    4. bakit nagagalit si Jinggoy? he is accused but he still has his rights. e ni hindi nga ito trial.. but the senators are acting like judges. supposed to be dapat parang interview lang ang gagawin nila. besides naka file na sa korte ang kaso. ano pang saysay ng mga ganap nila sa senado? sa halip na makisawsaw sila sa showbiz, gawa sila ng batas sa mga mas kinakailangan. like mga gumagamit ng AI to commit crimes...talamak na yan sa Pinas.

      Delete
    5. but then again, in full details din naman na pina-publish sa SCRA yung details ng mga kaso, most of the time yung transcript pa sa trial describing the rape... so kahit sino may access din.

      Delete
  6. Detaining Nones is unconstitutional. Let the DOJ handle the case. If the senate wants to amend the laws, it should be how to make our justice system move faster when they are deciding cases. Maybe more funding etc. also filing multiple cases to different cities benefits only the rich,( remember when Kris Aquino filed multiple cases to different cities against her business partner, how can a common man defend himself if he has to travel from city to city? how can a poor defend themselves if they have limited resources? Our justice system is pro rich.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naisip ko rin, di naman sa kinakampihan ko si Nones pero may right din siya at nilalabag ni Jinggoy ang right nia.

      Delete
  7. Pwede naman sa korte na lang ito pero ito ang gusto nina nino, sorry for sandro sana di sya pumayag na isenado pa ito

    ReplyDelete
  8. Pwede bang idemanda si Jinggoy for illegal detention? Kasi kahit na senator sya at accused yung Nones, may constitutional rights pa rin naman sya. Syempre gagamitin nya yun for self-defense Kasi kahit sino naman ayaw makuling kahit guilty pa sila.

    GMA naman, ni-highlight talaga yung thank you at apology sa kanila ni Gerald Santos. Obvious na hugas kamay moves sila dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. No, they have the authority to detain pag contempt.

      Delete
    2. Kailangang magdemanda ni Nones, dahil hindi naman korte iyan na puwede siyang ipakulong ng Senate.

      Delete
    3. 1258 kaso may immunity lahat ng mambabatas may immunity kahit clown senator

      Delete
    4. 12:16, Senate iyan, hindi korte.

      Delete
    5. 1216 and 1258 magkaiba ng responsibilities ang judicial at senate.

      Delete
  9. Poor boy. This should've never been done in a public forum.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nino, Robin and Jinggoy made this a Kangaroo court hearing. Poor Sandro

      Delete
  10. Ok lang yan. Sa senado nga dami na gusto tumulong sa mga asukado. Baka kung korte lang yan mabaligtad pa ang kaso.

    ReplyDelete
  11. Jusko ano ba tong senator na toh? Di naman pwede idaan sa init ng ulo para may makuha syang sagot especially sa ganyan forum kaloka

    ReplyDelete
  12. Nung willingly sya nag partake sa droga, hindi mo pwedeng sabihin na innocent sya. He was not drugged unknowingly. Ano ba talaga pakay nya dun in the first place? Hindi ito victim shaming, real talk lang. May mali yung 2 pero you need to question why di nya tinulak o umalis sya kaagad sa room habang may nangyayari na. Was he pinned down and outnumbered?! Kung secretly nilagyan ng pampatulog then gets ko pero di pala ganun nangyari. Sa case nung 2, baka akala nila na game sya kasi di naman pumapalag. We all need to be accountable in our actions.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan ang victims sa sobrang shock, napa paralyze. Hindi makakilos, hindi makapag desisyon, hindi makapag isip ng mabilis. Yes, we need to be accountable for our actions. Same goes for the two independent contractors. They should be held accountable for what they did.

      Delete
    2. 10:50 You are totally victim-shaming. Pa real talk-real talk ka pa dyan. Partaking of whatever substance does not mean one automatically consents to being s*xually used.

      Delete
    3. Beshy, let the lawyers do the questioning. Wag ka na magmagaling o magmarunong na i-analyze lalo na kung wala ka namang pinanghahawakang ebidensya. Huwag tayong maging mabilis magbigay ng opinyon at haka-haka. Hintayin na lang natin na ilapag pareho ang mga ebidensya nila. You're clearly blaming the victim no matter how you deny it.

      Delete
    4. 10:50 kakadiri yung logic mo. Hahaha! Hindi lahat ng tao may lakas ng loob mag "No" especially sa oras na dominant na yung abuser. May moment na talagang malilito ka of what to do, how you act. Hindi to parang sa pelikula na lalaban na agad ung victim, na may lakas agad ng loob. Masyadong ideal yung ineexpect mo na situation. Baguhin mo yan!

      Delete
    5. My thoughts exactly

      Delete
    6. Hindi ito victim blaming....then goes straight ahead to victim blame lol

      Delete
    7. Hindi nmn black and white yung ganitong mga cases may mga nuances yan. And looking at sandro halatang naive at sheltered yung bata may pagka gullible kumbaga kaya siguro while its happening di pa niya napaprocess sa mind niya yung mga nangyayari kasi nga trusted niya masyado and baka smooth talker din yung 2. Parang scam or budol lng yan na parang after mo lng marerealize na nabudol ka. Again you have to look and study the victim kung ano personality niya bakit ganun actions niya and ano environment while it was happening. Di ka pwde maglagay ng template sa ano dapat mga naging actions niya na kesho dapat ganito ginawa etc..

      Delete
    8. 1. Yeah, yung willingly na magdroga nung niyaya sia, pwede pa sana sia tumanggi non.
      2. Sandro already answered na kaya siya andun ay para magkaroon ng project sa help nun 2 executive.
      3. If drugged ka na, wala ka na lakas pumalag. Malamang groggy na sia.
      Victim blaming ka lang tlaga

      Delete
    9. I agree. When he saw the white substance papalag na ko or he can refuse and ask ano po yan but at 23 he should know na yung ganyan unless naive sya talaga. Teka ano ba nauna wine? Well baka yung wine out of courtesy he drank it and malakas tama ng wine kasi may drugs na? He could still remember what happened but too weak to defend himself? It could be traumatic recalling these for Sandro but he needs to be grilled too

      Delete
    10. Siguro ay nabulag lang din sya ng kanyang pangarap na sumikat. Kudos to you kung di mo pa naranasan ever mapason sa sitwasyon na naintimidate at na-pressure ka ng mas mataas sayo. He was at a vulnerable state, and they took advantage of it. Malaking pagkakamali ni Sandro na pumunta sya, oo, pero you cannot justify their act dahil lang sa dahilan na bat ba kasi pumunta punta pa si Sandro doon. At hindi mo ba narinig na sandro was on his way out but jojo was removing his shoes pa?

      Delete
    11. 10:50 He may willingly snorted the drugs offered to him, he was offered to have a good time, illegal yes but Nones and Cruz have no right to se#ually ab#sed Zandro, your logic screams victim blaming.

      Delete
    12. 1050 drugs can incapacitate you kaya wala kang free will gumalaw, depending what kind of drugs, it can produce Euphoria na wala kang pakialam sa nangyayari or totally knock you out or some produce amnesia or weakness, confusion.The fact that he was drugged willingly or not at wala sa usapan ang s*x , it is a se*ual a*use. The two are predator that caught their prey in a vulnerable state kahit Zandro is as strong as a bear, with drugs he was helpless to fight them.

      Delete
    13. 10:50 Wala akong sinasabi na dahil willing sya to take the drugs e consent na yun but it gives the idea sa 2 na game sya. And nung may nangyayari na and wala pa din syang nega reaction e pano malalaman ng 2 na di pala sya game. They cannot read minds you know. Tsaka when put in a corner, either fight or flight. Gusto ko kampihan si Sandro pero dapat usisain talaga both sides and the whole picture. I understand na pwede kang humindi even at the last second kahit pa ikaw pa nagyaya and pag tinuloy parin it could be considered rape.

      Delete
    14. There is no excuse to rape. Kesehodang mag hubad ka pa sa harap ng ibang tao.

      Delete
    15. 1217 ignorance of law excuses no one

      Delete
    16. Take some time to learn how consent works and stop playing devil's advocate. Puro ka shoulda woulda coulda pero hindi ikaw ang nasa sitwasyon ng biktima in that moment so who are you to say that he wasn't so innocent just because he reacted differently from how you would expect a victim to react while being abused?

      Delete
    17. Bottomline the intent is there. Kay Sandro wala eh completely naive yung tao in good faith nagpunta sa room. May balak sya yes para makisama para magka project pero balak na mangabuso or masama? Noooo.. he is the victim here.

      Delete
    18. Hindi naman ibig sabihin na dahil sininghot niya yung substance at di sya pumalag eh yun na ang permission at pagbigay karapatan or go signal na sa dalawa para irape siya… yung wine probably is out of courtesy. pwedeng siguro na hindi siya pumalag dun sa pinasinghot na substance is because naisip niya lang na parang pinapakita niya na game siya to do anything for his dream, pwedeng naisip niya at the moment is yung pinopromise sa kanya na icacast siya soon, diba minsan may ganoon tayong kakanyahan na para sa pangarap natin, or out of pressure na makuha yung inaasam natin, di maiiwasan na kahit alam natin na minsan mali ang way, pero maipush lang natin?
      Pwedeng naisip niya pag di niya pinagbigyan sa pagsinghot, baka pag-initan pa siya or di mabigyan ng projects
      Pwedeng malayo or never niya naisip na darating sa point na irarape siya ng dalawa.. mukhang gullible siya sa part na yun tipong hindi niya naisip na yun ang gagawin or may kapasidad or kakanyahan pala na magawa sa kanya ng Sir Jojo niya… akala niya more of good time na pakikipag close at drinking sesh for more projects…

      Delete
    19. @12:50
      Fight or flight is an old concept na. Its proven that a person's response to trauma is no longer just about these to responses. There's fight, flight, freeze, fawn or faint. In Sandro's case it seems that he froze when trauma was introduced, and fawn when he was faced with a possible threat.

      Delete
    20. There's no excuse for partaking drugs, but it also does not mean that anyone has a free pass to rape you because of it. Just as what 1:12AM pointed out, even if you were completely naked, it does not give anyone a pass to rape you. The accused are not brainless animals who act on instinct, they are humans with intelligence. As such, those accused took those actions knowing full well that they are taking advantage of a person. Therefore, they need to be punished and the victim afforded his justice.

      Delete
    21. @12:50 AM... hindi po ibig sabihin na nag-partake kayo sa drugs and alak eh nag-ko-konsent na kayong ma-rape. Hindi po ganun yun. Kahit papo ipa-gulong-gulong ang mundo, fault parin po nung dalawang accused na ni-rape nila yung bata; even worst na ginawa nila iyon habang walang abilidad yung bata para mag-consent kase siya ay drugged at nakainum na.

      Delete
    22. We dont know exactly ung dynamics that time but we should seperate the ‘consent’ for the substance from the abuse. Sabihin na natin na willing sya dun sa substance (we dont know whether he was or wasnt) but that doesnt automatically mean na willing na rin sya maabuso.

      Delete
    23. 10:50/12:50 100% Victim shaming yang ginagawa mo. Alam mo kung bakit? Taking drugs or drinking alcohol doesn't automatically mean na mari-rape ka or dapat inexpect mo na mari-rape ka. And same with the suspect, it doesn't mean na kailangan mong gumawa ng kahalayan dahil nakainom or high ka. Any lawyer wouldn't ask why someone would take drugs or alcohol with another person or group kasi normal yan. What isn't normal ay yung hahalayin mo ang kainuman mo na walang power na tumanggi o manlaban kasi may choice naman kayong matulog na lang pagkatapos.

      Delete
    24. Im sorry pero adult na tong si Sandro. Kung minor sya then kahit pa may consent and all e at fault yung nakakatanda like yung sa other issue. Masyado nyo naman syang pinalabas na di makabasag pinggan o super delicate daig pa ang mahinhin na dalaga or sobrang sheltered na galing sa kweba. Sa mga nagsasabi na hindi sya maka "no" e hindi naman makatotohanan. Puro research says ek ek kayo. Baka kung at gunpoint pwede pa yung freeze reaction. He remembered all pero di sya maka "no". Hindi naman din sya nagtagal sa room..nakalabas din sya kaagad and maayos nya nasuot uli yung damit nya. If talagang groggy sya, disheveled sya lumabas dun or could have stayed longer to recuperate. Pls make it make sense. Meaning kahit naka inom at naka droga e aware sya and may energy. Ok sana kung sinabi nya nanlaban sya yet they still continued..wala naman syang nasabing ganyan.

      Delete
    25. @1:10PM This is exactly what is wrong! You have an expectation of what a victim should act like; which is never true in all instances. Hindi lumaban, hindi pumalag, hindi disheveled, etc. Rape can occur po while you're asleep; the point is may ginawa sa kanya na hindi naman siya nag-give nang consent. Yun yon!!! Maaaring siya ay naka-himbing nang sandali at tapos eh nakita na niya na may ginagawa sa kanya. Regardless, may ginawa sa kanya na wala siyang consent at na-taken advantage siya. Meaning lang nito eh gawain nang dalawang accused ang ganitong actions na they'll ask a person to to see them in their room; partake in drugs and liquor, tapos they will take advantage. Yung difference lang ngayon eh willing to tell all yung victim. Dude, don't be like Robin Padilla... it's always a no until the other person says yes or reciprocates the same action.

      Delete
    26. @1:10PM Kase hindi lumaban so hindi rape? WOW. Just WOW. Go re-read your statement and understand what you just said. You're in that same group who continues to victimize the victim; fault mo kase, kase di ka lumaban, kase hindi mo clearly sinabe na ayaw mo, etc. JUST WOW. The fact is may-ginawa sa kanya!!! Tapos, hindi naman siya nagpahintulot na gawin sa kanya yun!!! It's likely he feel slightly asleep (drugs mixed with liquor can do that). It's likely he woke up then saw what was being done. It's likely he was in shock and could not take in the situation; seems surreal. It's likely na na-realize na lang nya that it was real after he came back to his hotel, after stepping out of the elevator. Regardless, kaya siya lumalaban ngayon is dahil hindi niya ginustong gawin yun sa kanya!

      Delete
    27. A lot of commenters here should really brush up on their knowledge regarding consent. kahit pa naghahalikan na yan silang tatlo jan at naghihipuan, kapag sinabi ng isa na hanggang dun na lang at ayaw na nya pero pinilit pa rin sya, abuse pa rin un.

      Delete
  13. Jinggoy is simply your kapitbahay na chismosa lang pero di naman talaga concern sa nangyari.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup. Ikaw din. Lahat tayo.

      Delete
    2. Pero we are just in the receiving end. Si Jinggoy senador sia pero not behaving like one

      Delete
    3. 326 if you’re trying to defend jinggoy kalerky ka… iba pa rin tayo…di tayo senador at we’re not doing it sa senate to grandstand.

      Delete
    4. 3:26 So kampi ka kay jinggoy?

      Delete
    5. 3:26 Yes I’m curious too! Why not? Pero sure ako I care 100% and hinding hindi ko babastusin biktima ng ganyan.

      Delete
  14. Feeling high and mighty talaga si jingoy

    ReplyDelete
  15. Sa dami ng problema ng pinas eto ang priority ng senado, hanep!

    ReplyDelete
  16. Shouldn’t be in the senate! That stuff needs to be handled by the court not the kangaroo court

    ReplyDelete
  17. Grabe. Pero sa totoo lng may point kasi eh pra malaman ng mga Tao or kinauukulan ano ba yung mga pagkkataon na ginagamit ng mga makapangyarihan sa showbiz at makagawa ng bata maprotektahan ang victim. Oo lalabas detailed pero dun sa details makita ang loopholes ng batas. Sinasabi nila consensual daw hindi pla. Ano ba ang Linya sa consensual lalo na drugged ka at makapangyarihan sila. These things dapat Maayos for everyone not just in showbiz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Some details are okay pero too much na ang dinidiscuss dito. Remember, this is in aid of legislation. So para saan pa para idetalye ng sobra to the point na mapapahiya ang mga victim on national tv

      Delete
    2. Ang loophole when he was given the wine and white substance hindi siya umayaw or pumalag, sa court with a good lawyer can pin 📌 him down there na form of consent yun considering he went to the room in his own free will

      Delete
    3. 12:48 walang lawyer mag agree sayo, it doesn’t mean you willingly enter their lair, consented to taking drugs and partying privately with them that is a consent to s*x too, walang logic sinabi mo, pag sinabi ng victim na rape sya at may physical evidence sya, the burden of proof lies sa defense, Ano ang proof nila that he gave consent sa sex? At Sabi ni Nino they apologized daw for what, kung sino man yung nasa room can be invited as witness if they apologize or admitted to something .It is the lawyer’s job to sort it out coz we are just mere arm chair experts.

      Delete
    4. 12:48 well what if, in his own free will, he went to the room, drank yung wine and nagdrugs, but yun lang yung may consent sya. Hindi naman kasi ibig sabihin na pumayag sa acts na yun is may consent na din nya for s*x. What if ayaw nya nung s*x part. So r*pe pa din sya considered?

      Delete
    5. 12:48 ibang kaso nman yang pinapalabas mo. 😂 Accla, even a wife can say no sa asawa maski pa nakapatung na. Kaya bago gumawa ng milagro magtanong if it is consensual kasi r@p€ ang labas nyan.

      Delete
    6. @12:48AM Hindi po consent yun. It's actually even worst because they raped the young man when he was incapacitated (drugged and drunk). He may have partaken the liquor and drugs willingly, but partaking willingly does not mean consent to be raped. If anything, those accused took that opportunity to take advantage of the young man while he was incapable of reacting.

      Delete
    7. 12:48 He was lured. He wouldn't be there if Nones didn't text him. Sabi andun ang mga drama people. He just wanted a job - ibang job ginawa sa kanya! Not because you freely and willingly went to their room means that you've accepted to be assaulted.

      Delete
    8. Kahit nga mgkatabi matulog ang mg asawa, kahit pa walang saplot pareho, hindi yung consent para mgtal*k. Nu ba yan! Sumama ako para makijoin sa inuman and/or dr*g sessions, pero no to s*x, pwede yun. Ano ka hilo?

      Delete
    9. Kahit ang s*x worker pa pumasok sa kwarto ng client at everyone is n*ked pa pero suddenly nafeel nya na hindi nya gusto ang nangyayari ay puwede syang umayaw. Hinding hindi sya pwedeng pilitin pa. Even right before the actual act pag nafeel mo na may mali at ayaw mo na at sinabi mo na ayaw mo na, pag pinilit ka at may nangyari abuse pa rin un

      Delete
  18. So bakit nga siya nakadetain? Honest question, if nasa DOJ na ang kaso, and ininvite sila to speak sa senate hearing, pwede ba sila tumanggi na humarap sa senado? If so, bakit pa sya humaharap if alam nyang ganyan ang gagawin ni Jinggoy? I mean, di naman ako kampi kay Jojo Nones pero bakit parang wala na yung innocent until proven guilty dito, parang convicted by public opinion na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true, am basing my comment din sa any accused in our court is innocent till proven guilty and don’t detained invited personnel at the whim of senator jinggoy

      Delete
  19. Hmm. Mukang hindi sya innocent baby boy gaya ng pagkakakilala ng magulang nya sakanya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not because he doesnt look innocent to you, eh may karapatan na silang abusuhin sia

      Delete
    2. Oo for sure hindi na yan inosente, mga 10 years old nga nowadays ang dami na alam. But being violated is another thing. Common sense much?!?

      Delete
    3. You mean kung exposed sa dr*gs and alcohol pwede molestyahin? Sabagay di naman sya innocent gaya ng pgkakilala sa kanya ng magulang nya. Ganun ba yun?

      Delete
    4. Kahit na ung pinaka pokp*k pa na kakilala mo may karapatan pa ring biglang umayaw. Hindi dahil madumi naman ang image nila ay dapat panindigan na nila at nabura na ung rights nila so pwede na silang abusuhin. Everyone no matter how clean or dirty have their own rights. Kahit ung pinakamasamanh kriminal pa ang naabuso, magiging victim pa rin sila sa mata ng batas. Kaya nga may piring ang batas. Focus lang sa relevant scenario at details during that instance.

      Delete
  20. Kasalanan ng mamamayang Pilipino yan for voting Jinggoy. Dapat kasi may qualifications bago tumakbong mayor, congressman, senador, VP & pres. Yung simpleng trabaho nga may qualifications bago ka makapag apply.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mahirap pang makapasa ng corporate job compared sa pagiging Pangulo ng Pilipinas. Can read write lang at age requirement okay na. Di man lang sinamahan ng "with pleasing personality".

      Delete
  21. HOW COME KAILANGAN ISABI NI SANDRO ANG TRAUMATIC EXPERIENCE NUYA SA BUONG PILIPINAS DI KO TO KAYA!!!!! WALA BANG PRIVACY ?????!!!! I WILL DIE IF I HAVE TO DO THIS EVEN IF JUSTICE COUD BE SERVED

    ReplyDelete
  22. This is just diverting us to bigger issues ng bansa! Media block out nalang toh kung gusto talaga nilang sa senado toh i-solve

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. Hindi lahat ng cases kailangan isapubliko. 😔

      Delete
    2. There are so many issues more relevant but the rights of a person is EQUALLY IMPORTANT TO BE DISCUSSED. Dapat nga sa corruption may human rights violation din eh. It’s just a matter of putting and wording it into a law. Then awareness and implement.

      Sa totoo lang panahon pa ni jojo velosa nung 90s yan. 30 plus year nakakaraan mas masahol pa ngyayari, do you think sa ibang pag kaka taon or smaller scale di nangyyari yan? Porn at human trafficking bothered na tyo, itong actual act itself di pa tyo aaksyon? May mali na tlga sa lipunan. Itong Si Sandro, ginawang example para mapabuti ang personal space law. Parang c Eddie Garcia lang yan need nya mamatay para better work environment para sa crew at artista

      Delete
  23. Sigurado ba si Niño na tama ang desisyon nyang magpatulong sa mga kumpare nya sa senado??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malamang hindi. Dahil din saknya nahuhusgahan ang anak nya. Dapat talaga sa korte nalang toh para maayos ang lahat. Pinagppyestahan lang sila jan.

      Delete
    2. Hindi. Waley naman talaga yang mga grupo ng mga artista na nagdudunungdunungan sa gobyerno.

      Delete
  24. Dapat sa korte unang inilapit to. Walang kapangyarihan humatol ang senado sa mga akusado.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haist. Somebody , please tell 1200

      Delete
  25. Para saan pa ang korte kung sinasabi na lahat sa Senate hearing? Napapahiya ang Biktima at ang inaakusahan ay najujudge na ng hindi totoong Judge.

    ReplyDelete
  26. Obvious na guilty kaya paulit ulit yun pagtangging pagsagot. A simples Yes or No will suffice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero karapatan padin nya na hindi sumagot. Kesa sumigaw sigaw si Jinggoy jan na parang hindi nabili ang gustong laruan, gumawa na sya ng batas paano maiiwasan ang mga ganito actually hindi ko alam ano b binabalak nilang batas eh nasa korte na toh eh.

      Delete
    2. Yes mata pa lang guilty na 101%

      Delete
    3. Nasa DOJ na case, the accused is right in not answering Jinggoy and it is his constitutional right not to answer.

      Delete
  27. Bakit nila inunahan ang court? If found guilty yung 2 ni need na ng court preccedings?

    ReplyDelete
    Replies
    1. para napabilis at matapos na agad!

      Delete
  28. Maliwanag naman ang ginawa ng 2 kay Sandro— they lured him by Jojo saying na I-cast nya daw si Sandro sa show na. May intent sila. Si Sandro naman, ang mistake nya is to trust these guys who, in this situation, are like his bosses. Siguro eager sya to get to their good side, initially siguro he wanted to show them na cool sya. They took advantage of him. Maliwanag pa sa sikat ng araw yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. This is the point that some people are missing. They blame Sandro na kesyo bakit ka pumunta, bakit hindi ka tumanggi, etc. They forget to ask why the two much older men used their power (and drugs)to take advantage of someone younger than them. Let's not forget the fact that Sandro is 23. TWENTY THREE YEARS OLD. A NEWBIE in the business. Put yourself in his shoes. Imagine you're 23 and a newbie para maintindihan niyo yung perspective niya . It's easy for someone in their 30s or 40s to say dapat di ka pumunta or dapat tumanggi ka because we're not at that point na sunud sunuran pa tayo sa mga boss natin, or ganun tayo ka-eager na mag-advance sa career natin.

      Delete
    2. Yes kumbaga yung age na yan pastart pa lang career. Fresh grad. Kaya ganyan pa
      Sila. Katulad ng sa tv5 di niya naisip na ganyan din. Kase may pamilya yung boss niya. May asawang babae at anak. Di nila naisip na gaganyanin sila

      Delete
  29. Gusto malaman ni jinggoy ang details for "legislation" lol

    ReplyDelete
  30. Nakakainis tong Jinggoy na to, mayabang na nga, wala pa alam at abusing his authority!

    ReplyDelete
  31. Kangaroo court, banana republic and some clowns for senators. Bihira lang ang mga senador na may kaya at karapatdapat sa posisyon. Eh kahit nga nagtry si Sen. Hontiveros to pin down that fake Pinoy Bamban Mayor Alice Guo, nakaalis pa rin sa Pinas. Eh sobrang nasa spotlight na yun at may kakayahan, edukasyon at due cause si Se. Hontiveros to carry on. Eh etong si Jinggoy at si Robin, may edukasyon, intellect at moralidad ba sila to do this inquiry for justice? Everytime they open their mouths and act out, nakakaasar na nakakaawa ang mga Pinoy. Eto ba mga liderato natin? Noong si Pinoy ang presidente I trusted that he really thought through what he said and decided on. Meron ding Sen. Merriam Defensor Santiago at Blas Ople sa Senado. They thought through their actions, their reasons and consequences. Eh eto wala, pasikat lang.

    ReplyDelete
  32. Batas lang pala. Ano bang batas nasa isip mo Robinhood??

    ReplyDelete
  33. Sa court of public opinion at kahit din sa akin talagang guilty ang mga accla. Kaya lang sa totoong korte based on rules of evidence ang daming loopholes na pwede i argue mg mga lawyers mg mga accla lalo na puto salaysal lang ni sandro tapos di naman sya pinilit mag drugs. Pwede nila sabihin ay nagusap kami tatlo sabi namn payag ka pero drugs ka muna bago natin gawin mga ganyan tapos after matauhan si sandro na malsawa pala ginawa sa kanya. Mga ganyan peedr iargue ng lawyer etc. Sa court kasi it has to be beyond reasonable doubt to get conviction. Anyway ma acquit man ang mga accla sirang sira na sila sa publiko daig pa nila ang na convict gang korte suprema! I think yan din ang goal ni sandro.

    ReplyDelete
  34. this is very traumatic for him. sana executive session nalang. since this is in aid of legislation, if this jinggoy and robin doesn't come up with a proposed law, these will all be a waste of time

    ReplyDelete
  35. Ang galing pala ni Jinggoy. We want him to be the President. He will be a good president of RP

    ReplyDelete
  36. Ang cringe na parang naging away kanto nlang ang senado. Dapat mga tao jan kagalang galang at kahit gaano ka sama ang taong kaharap nila marunong padin silang rumespeto. Kasi they want to know some info kung ayaw magdetalye wag pilitin. May korte tayo para malamn ang totoo. at lahat ng tao may karapatan, kahit may kasalanan ka may karapatan ka pa din.

    ReplyDelete
  37. Jinggoy is not helping hay....

    ReplyDelete
  38. Dapat sa court na lang ito. His parents should not have allowed this. No need to tell the public about the whole ordeal.

    ReplyDelete
  39. sandro is so naive, yan talaga target ng mga predator

    ReplyDelete
    Replies
    1. Considering din naman kasi his age and the people he's dealing. Malaking factor din yung family background niya. Siguro akala niya hindi siya gagawan ng masama kasi kilala at nirerespeto sa industriya ang Muhlach clan.

      Delete
  40. plz wag po ako ibash. tanong lng po. di po sya lumaban/nagpumiglas or tumanggi sa drinks, s powder or kung ano ginawa s kanya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. inofferan ng drugs at wine hindi siya tumanggi

      Delete
    2. Naisip ko rin yan, pwede kasing sobrang galing mag convince nung dalawang akla kaya napapayag talaga nila during the act nagbago lang ng isip nung nag kwento na sha sa gf at friends dahil nakita ang reaksyon ng mga pinag sabihan. Mapapaisip ka kasi may pumasok na nagdala ng drinks, pwede na siya humingi ng tulong don kung pinupwersa talaga siya, almost 2 hours din siya sa room at lumabas naman ng maayos. Yung biktima sa TV5 pagka alis ng room nung baklang namwersa sa kanya sa presinto agad tumuloy at nagpa medico legal na agad

      Delete
    3. Teh tigilan na yang tanong na yan!

      Delete
    4. Ito yung tanong na alam na natin ang sagot pero hindi na kailangang i-verbalize pa kasi mas lalo lang natin ipaparamdam sa biktima na siya ang may kasalanan. Na kung lumaban sana siya at tumanggi, hindi sana mangyayari sa kanya yung nangyari na. Walang point di ba? We just let the two people get away with what they did.

      Delete
    5. Dahil para sa kanya, mga 'tito' at mga 'boss' niya sila. Lumaki yan sa pagaalaga ng pamilya sa showbiz at may mga kaibigan ang pamilya nila na mga bading. Naive si Sandro. Bata pa. Ayun, he waw manipulated to drink that substance. In the end, he was weakened and abused. He was not able to say no or fight when they did that to him. Kahit pa uminom yan ng sangkaterba, basta walang consent sa sexual act, rape at molestation yun. Think about it - absence of consent. Manipulation. Therefore, he was abused and taken advantage of.

      Delete
    6. Yan din tanong ko. Tsaka bago sya lumabas ng hotel nakapag bihis pa sya? For sure dami na namang galit.

      Delete
    7. Ano sa tingin mo? Kung nanlaban siya at nagpumiglas, tingin mo may pinapanood tayo ngayon?

      Delete
    8. it seems like it. pero kahit pa hindi nga sya pumalag, that doesn't equate to consent. pwede namang dun lang sya pumayag sa let's say drinking and drgs. hindi naman automatic na payag na sya sa lahat ng ipagawa sa kanya.

      Delete
    9. Kahit sa korte itatanong din yan. Mga sensitive kasi karamihan dito. Both sides tatanungin kahit sa biktima. Yun kasi ang tamang proseso. Hindi yung 'hindi na kailangan tanungin yan' eme.

      Delete
  41. Baka di niya alam na may nilagay.Or mahina na ang katawan, di makakilos

    ReplyDelete
  42. Napakaraming walang empathy dito. Wait nyo na sa inyo or sa mga mahal sa buhay nyo nangyari. I have been there. I’m an independent woman, I have a strong personality, but nung andun ako sa moment na yun, ginawa ko lang lahat ng pinagawa sakin. Takot? Pressure?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hugs sayo 12:43. Me too. 18 years na nakalipas, araw araw padin ako binabangungot. Maldita ako pero nung panahon na yun, helpless ako.

      Delete
  43. I know Sandro is not a minor but he's still young para pagpiyestahan ang kaso nya. Naiinis ako sa Senate hearing na 'to, mga bulok naman ang iba diyan. Sana korte na lang talaga kasi yung mga tao hindi naman nakikisimpatya talaga, gusto lang mag marites. Naaawaa ako dun sa bata kasi recorded to eh. Habang buhay na nasa internet l. Nasa DOJ na naman yan, huwag na sana makialam ang senate. Feeling ko makakakadagdqg lng sa trauma sa bata yung pag publicize nito kada senate hearing .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korte talaga ang tamang venue. Nino Muhlach kasi paligoy ligoy ang desisyon sya humingi ng tulong sa mga action stars sa senado para lang makapag grandstand. Hindi naman yan matutulungan ang anak nya. Ugali pa ni jinggoy pnupwersa na magsalita si sandro nagtthreat pa.

      Delete
  44. He may have taken the drugs and the alcohol, sure but that does not mean free access to be sexually abused! no empathy mga tao dito.

    ReplyDelete
  45. May the 2 abusers get punished for what they did to you & other people they have also victimized but just stayed silent.

    ReplyDelete
  46. Kung alam na nila na may ganitong kaso, ano ba talaga ang pinaglalaban ng senate? Sa akin, ok kung makagawa sila ng maayos na batas dito. Dapat sabihin nila. Hindi namn kailangan idetalye ang lahat ng nangyari or pilitin sila magsalita kung meron ng case na ongoing dito. Kung ano lang maisheshare nila siguro pro yung sapilitan sumagot parang hindi tama.

    ReplyDelete