Ambient Masthead tags

Sunday, September 1, 2024

Richard Gomez on His Viral Post on Traffic


Images courtesy of Facebook: Cong. Richard Gomez News, NewsWatch Plus Philippines

133 comments:

  1. Lingon agad 'pag may babaeng dumaan
    Lalo na 'pag maganda ang katawan
    At saka nakakalokong tingnan

    🤣🤣

    ReplyDelete
    Replies
    1. The audacity of these kind of politicians! They have forgotten that they should be at the service of the ordinary Filipino people, not the other way around around. 2 hours traffic is what the ordinary Juan dela Cruz endures every working day of his life

      Delete
    2. More like more than that.. to add the difficulty in getting a ride

      Delete
    3. Lmao. Yan ang gusto nilang namumuno sa bansa eh what a clown show. Pinoy ganit ng utak ha, harsh man perk totoo e

      Delete
    4. Ewan ko ba paano kasi bumoto mga pinoy.

      Delete
  2. Out of touch naman kasi. Di nalang sya maging masaya na mapapabilis byahe ng commuters. Sya nakaupo sa malamig na sasakyan nya, safe and dry, posting sa socmed nya while nasa traffic while yung mga commuters e nakapila ng matagal at nakatayo bago makasakay na amoy mandirigma na kahit papasok palang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala siyang hagad pero may backup vehicle siyang kasama na pa dagdag trapiko. Yan naman talaga ang purpose ng bus lane para mapabilis ang biyahe ng commuters na commoners

      Delete
    2. Damung pinagsasabi imbes na mag apologize for his being priviledged and insensitive to the plight of the masa

      Delete
    3. well, ang problema din kasi sa sistema ng MMDA, yung biglang magpapatupad ng mga kung ano ano, without much planning. oo maganda yung ginawa nila na bus lane...kaso mukhang hindi akma. dahil i think six lanes lang ang EDSA. tapos kinuha ng buslane ang isa o minsan 2 lanes. tapos may bike lane pa. tapos sa mga u-turn slots kumakain din ng lanes. that leaves ordinary vehicles just 2 lanes. pati yung pinatupad nila yung mga u turn slots. grabe noong umpisa kapag galing ka sa project 8, pag mamamalengke ka sa Muinoz market iikot ka pa at pupunta sa Balintawak, instead of tatawid ka lang ng EDSA. then pag pabalik ka iikot ka pa ng Quezon Avenue para makatawid sa Congressional. so dadag pa sa traffic sa EDSA yung mga papunta lang ng Roosevelt or pa-Congressional. kaya binugbog ng taong bayan ang MMDA sa reklamo. lalo na ng nagka-sunog sa area. tupok na yung bahay bago pa nakarating ang bumbero. anyway, kasi ako both nagda-drive ako ng personal car at the same time, minsan nagco-commute ako. i ride the carousel bus. ok naman. iniiwasan ko na lang dumaan sa EDSA lalo na kapag rush hour pag need ko magdala ng car. at pag mahirap parking sa pupuntahan ko, nag ga-grab or Carousel bus ako. ang hirap nga lang umakyat sa mga footbridge kasi PWD ako at the same time senior citizen pa.

      Delete
    4. Anong claseng PWD po kayo at nakakasakay kayo ng Carousel? May sarili po kayong car at nakakapag-grab kayo?

      Delete
  3. Richard Gomez's brain is not much utilized when needed din ano?? Kesa magreklamo ka, gamitin mo ung utak mo para makahanap ng solusyon..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay ganoon talaga kapag di second nature sa isang tao ang pag gamit nun.

      Delete
    2. Grabeh kayo kay Goma. May point naman siya. Hindi daw nagagamit might as well use it para mapabilis ang traffic. I no longer live there but his explanation makes sense. Ang bait kaya ni Goma as a public servant.

      Delete
    3. in fairness kay Goma, talagang ang dami nyang nagawa para sa Ormoc noong Mayor sya. at ngayong Congressman sya ang dami nyang natutulungan. at mukhang inaaral talaga nya ang batas para sa trabaho nya. unlike yung ibang artistang naging senador. tagal nang nakaupo, pero eng2 pa rin at feeling mga big boss instead of public servant. si Goma I think nairita lang sa traffic kaya nakapagbitaw ng ganong salita. at may point din naman siya kahit konti. kasi parang oo, sige priority ang masa, pero kasi may right din naman ang mga private vehicle owners. kasalanan ba nila na hindi sila commuters?

      Delete
    4. 6:45 yes 90% sa mga yan kasalanan nilang hindi sila commuters. Exception na lang yung mga pwd at senior citizens pero what's stopping most motorists from commuting? Dahil pangit ang commuting experience. Dahil piniprioritize ang motorists.

      Number 1 rule in traffic management - prioritize public transport to encourage the public to commute.

      Your idol is either a really incompetent leader to not even know that fundamental concept or he's just reallt selfish and doesn't want to improve the public system as long as he's comfortable. Simply put, either t*nga siya or makasarili siya.

      Delete
    5. Well said 7:09 i agree with you..
      3:32 pag kasi pinayagan ung private vehicles dyan dumaan "pag hindi nagagamit", hindi rin naman yan mapapatupad ng maayos, ngayon pa nga lang na bawal talaga dumaan dyan, andami pa ring nagpipilit na gamitin yan para mapabilis byahe nila, and ung iba pa dun nag cause ng accidents, kung gusto nyang mabawasan ang traffic, mas okay sana kung i encourage ng politicians like goma ang paggamit ng public transpo, eh kung ang ginawa nya nung natraffic sya eh bumaba sa car nya at sumakay sa carousel bus at saka nya pinost sa social media kesa nagreklamo sya, eh baka hindi sya nabash..

      Delete
    6. 1212 ay ganon ba? Thanks for explaining. Sa akin lang ang mean ng mga ibang comments kay Goma sana inexplain na lang mabuti like u did. Thank you.

      Delete
    7. Hindi rin nagpatalo ito kay Robin at Jinggoy na mapagusapan ngayon nagpapapansin din si Goma.Nakaka proud kayo para sa mga bumoto sa inyo at para sa aming hindi nakakaasbad kayo.

      Delete
  4. Mga politicians dito sa Pinas sobrang active sa social media! Mag trabaho kayo ayun sa sahod & incentives(lol) na nakukuha nyo!😌

    ReplyDelete
    Replies
    1. well isa si Goma sa mga talagang nagtatrabaho sa congress. dami na nayng natulungan sa Ormoc noong mayor sya doon, at ngayong Congressman siya mas nakakatulong siya sa constituents nya. sa tulong ng misis nya.

      Delete
    2. In fairness kay goma, he's a good politician. I'm from cebu but I have a few friends from ormoc who always say na matulungin siya at approachable. Marami sya natutulungan to this day. Di gaya ng ibang politiko jan na sobrang sabaw at pa pogi points lang.

      Delete
    3. Charotera tong si 6:47 kanina pa comment ng comment dito same lang sinasabe. Hahaha

      Delete
    4. 10:50 baka totoo nman kasi. Taga Ormoc ka ba? Shunga yang rant ni Goma pero hindi nya nman kasi sakop yang Edsa kaya naparant ang angkol nyo. Not 647 here. Pero baka tatakbo yan as senador, madadagdagan na nman ang 🤡 sa Senado. Lol

      Delete
    5. Halata naman kasi si 647 lol. Yung pagtulong, dapat lang. Tigilan na ang pag puri sa bare minimum na gawain. Obligasyon nila iyan sa publiko.

      Delete
  5. tataka pa ba tayo? Yung painting nga nya reflection ng utak nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. OMG! Hahaha! That was sold for 6 digits pa ah haha!

      Delete
    2. Di ko na nga alam kung sino mas nakakatawa eh, kung yung gumawa ba or yung bumili hahahahahahaha ikennat

      Delete
    3. well the painting was sold for millions. and art yun so may artistic license. kaya kahit ano pa batikos nyo sa painting na yun, Goma laughed his way to the bank.

      Delete
    4. Who bought it 648? Lol.

      Delete
  6. You should ask Grace Poe when former Sec Art Tugarde was asking for emergency powers para masolusyunan yang problema sa EDSA, eh pinolitika na naman ni Madam. Pag paiiralin talaga ang selfishness, damay damay tayo mapeperwisyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pride kamo pinairal

      Delete
    2. 1148 bat naman kasi kailangatinize yong n pa ng emergency power gayong he is already the secretary? As secretary gumawa sya ng solusyon na transparent sa lahat at hindi idaan sa emergency kacharutan para ikubli yong budget at mapadali ng hindi nascrutinizw yong budget ng project.

      Delete
    3. Kapag kasi emergency hindi na dadaan yon sa public scrutiny at direkta na yong approve thru emergency power.

      Delete
    4. 624. Tama. Prone kaya yun sa corruption unless magiging transparent ang secretary with all the transactions at may resibo.

      Delete
  7. Doubling down si kuyang naka-chauffeur driven air-conditioned luxury car. Kahiyaan na nga naman kung mag-backpedal sya sa komentaryo nya!

    ReplyDelete
  8. ang stupid lang. ang bus lane, ginawa ito to promote mass transport. para ang tao hindi na gumamit ng sasakyan. if successful ang public mass transportation, mas mababawasan ang private cars.

    wag po natin i-compare ang skyway sa bus lane. hindi po sila pareho ng purpose. pareho lang sila gawa sa cemento. tsk tsk. hayst. tanggalan ng internet. aminin mo na lang, mali ka. awat na! itulog mo na yan!

    ReplyDelete
  9. People here obviously does not understand why he posted that. It was meant to be sent to the authorities, hindi siya out of touch mga accla.

    And may proper jurisdiction siya, hindi niya saklaw yang traffic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung iyon ang intensyon, it should have been stated. Kaso hindi. Itanong niya sa staff niya sinong dapat kausapin. At doon niya ibigay ang feedback niya. Hindi iyung ganito.

      Delete
    2. Hahahahaha "meant to be sent to the authorities" ?! You and your idol are a joke.

      May proper jurisdiction pala sya eh, bakit sa soc med sya pumuputak.

      Nasa Department of Explanations ka ba?

      Chismosa tayo acclah, pero di tayo obob

      Delete
    3. Stay in your lane Cong

      Delete
    4. Tard ka ba? Authorities? It was a rant on soc med. Kung gusto nya ng message sent to "authorities", he's a congressman and pwede nya idaan sa office nya kung meron syang gustong iparating. Stop defending this id**t.

      Delete
    5. Nasa position naman sya why not do it in the proper forum. Ang sabihin mo akala nya kasi madaming kakampi sakanya

      Delete
    6. Bakit ba whats the big deal sa sinabi nya? Nakita ko sa thailand ginagawa nila yan na pag super congested flow of traffic on one side of the road, yun sa opposite road while that opposite way isnt busy they use one lane to counter flow but the set of lights it’s designed so it converts that lane as addition to the congested side so its just same logic as he was saying. Its only during certain hours or time of day when it can be utilised.

      Delete
    7. 6:32 this is not a counterflow lane. Bus lane po ang kukunin. Yung public commuters naman ang aagrabyaduhin. Ayusin sana ang public transport, hindi yung puro pagaayos ng convenience ng sarili ang priority ng politiko

      Delete
    8. The more you explain for your idol and the more your idol tries to justify his rant just proves he only thinks of himself

      Delete
    9. Eh kasi po sya na mismo nagsabi maluwag ang bus lane, e di mag mag bus sya ng hindi sya ma traffic. Simple lang ng solution. Gusto nya kasi yung solution eh yung pabor sa kanya

      Delete
  10. sir, FYI. indeed it is TRAFFIC MANAGEMENT. Traffic Management is centered to efficient public mass transpo and to lessen use of private cars. private cars na isa dalawa tatlo lang ang laman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para sa climate change/green earth din naman yan to utilize mass transpo. Less vehicles on the road.

      Delete
  11. Tulad ng sabi ko hinde ka lang sanay. Mukha naman lagi ka nasa province where there is no sooooo much traffic. I experience Ayala makati- Quezon City traffic nung pre pandemic Grabe oi! Maximum talaga ng travel time is 2 hours. 2 freakin hours. Kung ako napapagod Naka upo sa Çar what more yung driver diba? Nag try din ako p2p bus from Ayala makati to up town qc wlaa pa bus lane that traffic parin. 😂 2 hours pag umulan mas malala pa. What more now na Tapos na pandemic lahat balik work na mas Grabe na and Malapit ka bear months. 😂😂 Kung ako sayo sir goma, Gumising ka ng Maaga, or wag ka aalis sa makati ng rush hour! Dapat wala kana sa makati before 5pm! 😂😂😂 dun less ang traffic . Yan tip ko if not mag MRT ka hahahhaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong hindi sanay? Hindi yan promdi at may mga session yan several days a year sa Sandiganbayan as part of his work as a congressman. Anak din nyan nag aaral sa UP Diliman. Bumabaybay yan ng Metro Manila.

      Delete
    2. Sana nga laging nasa province at hindinpanay holiday trips

      Delete
    3. Ako naexperience ko from SM aura to one serendra, 2hrs! 5min walk lang dapat yan. O wag kayo magreact bakit pa ako nagkotse ha. Nag pickup kasi ako ng malaking appliance. Kung kaya lang buhatin eh!😂

      Delete
  12. Mag bus ka na lang kasi kung gusto mo talaga makadaan sa lane na yun 😒

    ReplyDelete
  13. Skyway private. Edsa public. Alamin mo diperensya

    ReplyDelete
  14. Itigil na ang political dynasty. Itong mag-asawa nagtatayo na ng dinastiya nila. Wala na ba silang ibang makuhang trabaho?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pati yata anak, sa tamang panahon.

      Delete
    2. Binoto sila ng mga constituents nila dahil matagal din silang nagtiis sa mga politiko at dynasty sa past leaders nila.
      Puntahan mo ang Ormoc at tingnan mo kung bakit ayaw sila palitan ng kanilang mga kababayan. Sina Lucy at Richard ay katulad labg din ni Vico Sotto hindi kurakot.

      Delete
    3. Taga Ormoc ako! Pumunta ka dun para makita mo kung gano sila ka hands on mag asawa. Ikaw may silbi ka ba? Puro ka kuds

      Delete
    4. Mas malaki ang income sa politics

      Delete
    5. Don’t judge them as politicians kasi nagagawa nila tLaga trabaho nila sa Ornoc. You should visit para malaman mo.

      Delete
    6. 7:05, 3:39 and 4:58. Been going to Ormoc in past 15 years. It's almost the same except for the transfer of bus station far from the pier resulting to inconvenience. As for the malls and new restaurants these are private sector.

      Delete
    7. Private sector ang nagdevekop sa ormoc. Your political couple are making use of their popularity, switching positions when they’ve reached rge max renure allowed. Lalaki income sa politics kahit in reality maliit and sweldo, donthe math

      Delete
    8. Halatado kayo masyado 7:05 3:39 4:58. Halatang napaka baba ng standard sa public service. At tila masyadong worried sa public opinion.

      Delete
  15. Magbus ka rin para magamit mo yung bus lane.

    ReplyDelete
  16. Ang problema eh yung libo libong kotse na dumadagdag sa mga national highway araw araw kahit magbukas kayo ng ilang lane jan, kung padami ng padami ang sasakyan, wala din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:44 Exactly. I think it's time na mas bigyan ng importansya ng gobyerno ang mga public transports natin. Bawasan ang private car.

      Delete
  17. 1:07 close kayo? hehe. "sent to the authorities"

    so, sinasabi ba niya na may mali, pagkukulang ang "authorities". hehehe. eh di ganun din yun.

    ReplyDelete
  18. Touch some grass dude

    ReplyDelete
  19. Boto kase kayo ng boto ng mga artista

    ReplyDelete
  20. He and his painting are the same! Both D*@&s!

    ReplyDelete
  21. Tama si goma, ganyan dito sa abroad. We need to utilize lanes depending sa flow ng traffic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 217 Kumpara mo Pilipinas sa abroad? Kaya nga nasa abroad ka di ba?

      Delete
    2. Balik ka dito sa Pinas please. Saka ka magbigay ng opinyon mo. Dali.

      Delete
    3. Saan ka sa aborad my dear, yayain mo na rin idol mo na doon na magcongresista, ng mabawasan kami ng luxury vehicles sa kalye at bumilis ang biyahe sa edsa.

      Delete
    4. Totoo po sinasabi nya dito sa abroad meron pong bus lane at hov (high-occupancy vehicle) lane. May mga hours na exclusive sa bus ang lane usually peak/rush hours sa umaga at hapon. Kso sa dami ng bus companies sa Pinas hindi pa din ma resolve ang pagbibigay ng priority sa mga buses.
      May mga time ba na madalang ang biyahe ng bus? If there is, I think na tama lang to make it open to other vehicles.

      Delete
  22. TYPICAL DDS SUPPORTER si Ritsard! Hopeless case!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me!!! Maka-Marcos sya not DDS.

      Delete
    2. Balimbing silang magasawa.

      Delete
  23. D ba nga ito ang taong d nanalo nalo sa election. Nanalo lang dahil pumunta n sya sa bayan ng asawa nya. Ambisyoso na maging politiko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, doon lang siya nanalo dahil sa popularity at balwarte ng asawa niya.

      Delete
  24. Mag Skyway ka! My gosh

    ReplyDelete
  25. Parang di galing sa hirap si Goma. Naranasan naman mag commute nung hirap pa sa buhay pero iba na ng naman ngayon, pa kotse na si manong.

    ReplyDelete
  26. These politicians really behaving like kings and queens of the philippines instead of the public servants that they were supposed to be

    ReplyDelete
    Replies
    1. They are used to be treated like showbuz royalties, when they found greener pastures, they think citizens in general will just say yes and agree to everything they say

      Delete
  27. Wow, impressed naman kami thst you did not use mobile backup or the bus lane 🙄

    ReplyDelete
  28. Gumanda daw ang Ormoc? Saan banda? Parang Davao lang din noon na best city? Bwak bwak

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palibhasa hindi mo naranasan manirahan sa tahimik na lugar. At yung serbisyo na binibigay ng gobyerno ay tama. Sa Davao pag may emergency tatawag ka lng sa 911. Sa lugar nnyo alam mo ba kung kanino ka hihingi ng saklolo?

      Delete
    2. 7:14 accla, maski pagtapak ng Manila hindi ko gagawin at lalo na ang asawa ko kapag hindi kaylangan. Naka SIA kami pauwi kasi ayaw nya maski Airport ng Manila but diretso na ng Davao. Afam ang asawa ko at iilang years din sya nanirahan sa Davao. Kumpara mo ang ang Davao sa ibang city sa Pinas, Davao is the best city sa Pinas. Sa Eu na ako nakatira matagal tagal na rin.

      Delete
  29. Leave bus lane to buses and if may mga maluwag na time let it be. Kaya ako nagbabus ung UBE EXPRESS fr Naia to Cubao and hindi na nagppasundo ng car ko kc mas mabilis byahe ko becoz of bus lane. Meron din akong nakausap 3 sila nagbus fr busport to naia which is cheaper sana if nagtaxi cla but express bus na lang daw to naia kc matagal byahe if mgtaxi. How can we promote mass transportation if ganun din naman pala maexperience ng tao if nagprivate car.

    ReplyDelete
  30. All i can say is ginamit ni Goma ang 🧠 utak nya all his life. Kung san man sya now eh dahil mautak sya un lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di rin!
      Mas marami lang uto-uto and obsessed sa artistas kaya nahalal yan.

      Delete
  31. Napaka toxic ng netizens. Sila na lng ang pwedeng magbigay ng comments and opinion.

    ReplyDelete
    Replies
    1. He is an elected lawnaker, we expect kore from them as public servants.

      Delete
    2. This is an instance when you dont use toxic on commenters. They are part of the workforce who have to commute to and from work. They benefit from the bus lane, siempre they are not happy an arrogant congressman wants a piece of the bus pane. It isnt their fault the congressman doesnt like to ride the bus to get to his destination on time

      Delete
  32. La akong pake sa hanash nya. Totoong traffic naman kase jan sa Pinas. Mga driver walang disiplina. Singit dito singit duon. May traffic enforcer pa mga ibang daan e wala naman din kwenta. Very third world and di magbabago yan kung mismo mga tao walang disiplina, puro reklamo lang

    ReplyDelete
  33. Nakaka haggard talaga pag b*b*. Malamang may bayad un xmpre mag iisip talaga ung staff from skyway para mas maayos ung service nila, ano yun? Mag skyway ka to experience traffic? Bat di mo kaya i call out ung LTO to regulate ung bentahan ng sasakyan.

    ReplyDelete
  34. Yung mga boomer kailangan mag-indergo ng reality check seminar, ibalik sa kamila ang pangangabayo at pag-iigib ng tubig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huwag mo isama lahat ng boomer, dahil galit din mga boomer sa ganyang priviledged lawmakers. Utak pinaguusapan hindi age. Poverty encompasses all age

      Delete
    2. Dear nasa tamang topic ka ba doon ka sa news about Chloe magalit sa boomers na yan

      Delete
  35. Tama man o mali basta gawan na lng po ng solution. Napaka dami na po ng problema ng kawawang Pilipinas.

    ReplyDelete
  36. Sir it defeats the purpose po na buksan ang bus lane pag rush hour. Kaya nga po may bus lane para maka byahe ng mabilis ang mga manggagawa nating pagod na sa araw na trabaho.

    ReplyDelete
  37. Working public servant so Goma kaya di nya dasurv ma bash ng ganyan .. nag opinion lang & suggestion bawal ba & baka nga eye opener na rin to consider coz totoo naman na worst ang traffic sa edsa .. daming ebas ng mga negatizens haay wala ng tama sa inyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:36 Di mo ba gets? Kailangan mabilis ang byahe ng buses LALO NA KAPAG RUSH HOUR kasi ang dami nilang pasahero. So para mapabilis ang byahe ng mga mangagagwa, kailangan nakabalik agad Sila sa ruta nila at nang makapagsundo na ng iba pang babyahe pauwi. Kung isisingit mo dyan yung private vehicles, imbis na isang oras lang naghihintay ang mga pauwi na, magiging 3-4 hrs pa.

      Delete
    2. Isa ka ba sa fans niya? Ok lang sa iuo arrogant and insensitive attitude niya?

      Delete
    3. Mukhang hindi lang basta fans itong mga ito. Lol.

      Delete
  38. Watch Ogie Diaz interview ng mag asawa. Ang daming bumilib pati ako bilib na bilib na sana. But when Lucy said na she supported senators who help them first thats when I realized trapo din eto. She even challenged OD to define bad or good politician. Napa OMG talaga ako. Integrity po dapat and knows the job Maam and should be beneficial to the whole country not just for your constituents. Afterall taxpayers money yang tinulong sa inyo. Proud ka pa to say you are selfish. Kaya pala nabansagan na balimbing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:36 Same. Yung tinulong ng mga senators ay hindi galing mismo sa kanilang bulsa at hindi sila naging senators ng dahil lang sa isang particular na lugar kundi buong lugar sa pinas. So magpasalamat sila sa taxpayers ng dahil sa mga ito nagawa niyo ang nais sa ormoc.

      Delete
    2. Yep, taxpayers ang pasalamatan not the senators

      Delete
  39. Replies
    1. @12:36 the point is, that single lane is dedicated for commuters. nag-iisang lane lang yan for us commuters. it is supposed to be maluwag talaga. kung ipapagamit din sa private vehicles yung lane namin, lahat tayo mattrafice. that single lane will not alleviate the traffic condition. madadamay lang kami.

      Delete
    2. Vote a Clown, you get a circus.

      Delete
    3. itong si 1121, basa rin onti neng. on certain times of the day depending on traffic nga. it may be up to the discretion of the traffic officer in charge or their supervisor eklavu or kung ano man mapagdesisyunan— but the point is, there’s a condition— na depende prn sa traffic (whether heavy or not) it may not even be implemented eh, kasi kung laging heavy ang flow at walang leeway at all for other accommodations. di naman literal na gagamitin dire direcho basta lang masabing gagamitin

      Delete
  40. Sorry, ano pang point ng pagkakaroon ng bus lane kung ipapagamit mo siya sa lahat during rush hour? Ok pa during slow hours, kasi walang nagmamadaling pumasok sa trabaho

    ReplyDelete
  41. Kawawa sa inyo! Kelan nga lang ibinigay sa bus commuters yang isang lane sa edsa, kasi sobrang nakakaawa na ang madlang pipol, tapos gusto mo makigamit din?! Hirap talaga kapag mayaman ka, hindi makuntento!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mayaman na nagkapwesto sa gonyerno, dapat pinagsisilbihan ang mamamayan, pero piro
      Kayabangan

      Delete
  42. Okay Goma pero wag mo na usali yung bus lane kasi para sa commuters yun. Magtiis ka din sa trapik paminsan minsan ha

    ReplyDelete
  43. I wonder of may ganyang eme sya kung may privilege ang red plates (govt vehicles) sa bus lanes ano?

    ReplyDelete
  44. He could have suggested a better traffic management system.. than his unbrsiny comment.. he deserves all the bashing.. SO ENTITLE

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka staff niya whose doing all the thinking and thw works makasuggest, he is too busy appearing in vlogs and travelling to waste his brain on that

      Delete
    2. Pinangatawanan talaga kahambugan nya. Di mo ba alam GOMA buong araw trapik sa Edsa? so paano kapag lahat sumiksik sa bus lane kumusta naman yung nag bus sa carousel na trapik na din? it defeats the purpose!

      Delete
  45. Ok. I'm a minority here. I don't see anything wrong with Richard's suggestion...There has to be hours that are busy for the bus lane. Just like abroad, carpool lanes are for certain rush hours -dropping off kids to school, going to work, picking up kids from school, going home from work, etc. So if you're not carpooling in those hours, you shouldn't be in that lane. Now, for non-rush hours, everyone's free to utilize the carpool lane or in this case sa edsa, the bus lane.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pilipinas po ang pinaguusapan. We are trying to encourage and reward commuters for taking the bus.

      Delete
    2. Eh ang issue kasi gurl is that private vehicles abuse and take over the bus lane. So ang ending, hindi makababa ang mga pasahero. Thats what happened before. Kaya nga hinigpitan ang rules sa mga bus lane (dapat bus lang tlaga) . Jusko, ang swerte mo kasi hndi mo naranasan those times.

      Delete
    3. 12:12 alam mo, napakaout of touch and not updated sa situation sa paligid mo. Kaya po ginawang EXCLUSIVE and bus lane sa BUS recently is because mas ginagamit pa po ng private vehicles ang bus lane than the bus themselves!!! 🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️

      Delete
  46. 🤦‍♀️ The better thing to say as a legislator is that you will push for an inquiry into the manila traffic in aid of legislation. charot promise mananalo ka if maayos mo ang manila traffic lol

    ReplyDelete
  47. I go to Ormoc twice a month for my grandma's check up and PMS ng mga kotse namin and di naman maayos yung systema ng traffic sa Ormoc. Magulo nga eh. Kahit paghatid ng lola ko sa clinic ng mga doctor nya pahirapan.

    ReplyDelete
  48. Kapal ng face magreklamo e paano naman yung mga ordinary communters na pagod na sa byahe bago pa pumasok sa trabaho, then focus sa work from 8 to 12 hrs tapos dusa pa sa pagpila at byahe ulit. Masaklap pa madalas wala na maupuan and worse nadudukutan. Tapos ito natraffic lang in the comfort of his car, nagrereklamo na at akala mo aping-api sa buhay

    ReplyDelete
  49. Fyi. Sa commonwealth avenue hindi exculsive sa bus/PUVs yung mismong PUV lane. Or even the motorcycle lane. PERO hindi nababawasan ang traffic. Sobrang malala pa ngaun.


    Ang problema na hindi nakikita ng mga politiko katulad nitong si goma, ay yung dumadaming bilang ng private vehicles. Dahil walang maayos na pampublikong trasportasyon!

    Palibhasa, may sasakyan sila at hpg/police assisted pa. Kaya nde nila ramdam totoong kalagayan ng trapiko sa maynila. At gusto nilang mabigyan sila ng privilege gamitin un bus lane kasi politiko sila.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...