Ambient Masthead tags

Thursday, January 18, 2024

Tweet Scoop: Arshie Larga Reacts to Gilbert Remulla's Calling Out Drugstore for Waiting in Long Lines




Images courtesy of X: GilbertCRemulla, Arshiethromycin
 

273 comments:

  1. Entitled Alert.. kaya ang daming ntuwa nung may nka wangwang na pumasok sa Edsa Bus Lane tapos dun naipit ng trapik..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung madalas ka sa mercury dahil sa maintenance mararamdaman mo inis tpos ilang beses pa na mali ang bigay ng gamot. Kahit senior pa or pwd ipipila ulit sa main cashier after mo pumila para ibigay reseta

      Delete
    2. I wouldn’t say na entitled sya. Talaga naman minsan isa lang ang nasa cashier, so pag andaming bumibili talagang matagal ang waiting time! Even nasa pila ka na ng priority lane matagal pa din! Maliit lang ang botika ni Archie and for sure hindi sya nakakaencounter ng similar na mahabang queue. Yes, responsible pa rin sila sa tamang pagdispense ng meds, pero talaga ba isang cashier lang? Pede naman sigurong dagdagan ang cashier para hindi humaba ang pila! Minsan nga mali pa din nabibigay na gamot. OA nito ni Archie, for clout ba yan? Totoo namang chaka ng service ng MDC!

      Delete
    3. Tama naman si remulla lahat ng mercury isa lng cashier kaya ang bagal bagal ng serbisyo. Kahit ang daming staff kung isa lang naman ang cashier balewala. bagal talaga

      Delete
    4. sana magdadag na lang ng tao. i went to MD recently. isa lang ang nag aasikaso sa mga customers both regular and senior. kaya yung cashier tumutulong na rin. and yung branch na yun is one of the busiest. 24 hours din siya. super tagal. sana maglagay din sila ng mga chairs. meron naman doon, isa lang paara sa PWD and senior. sana dagdagan din nila upuan aside from staff.

      Delete
    5. Ang kapal naman nya magreklamo! Entitled to complainers and whiners ng dating ng mga to

      Delete
    6. He sounds very entitled. Naghintay lang gusto na may mag open ng iba for competition? Tama ba yan? How vindictive and ENTITLED indeed

      Delete
    7. Marami naman na sila kakumpetensiya. Gusto niya 2 cashier , gusto din ba niya mas mahal na gamot. Ang laki ng expenses ng isang company no.

      Delete
    8. Marami naman na sila kakumpetensiya. Gusto niya 2 cashier , gusto din ba niya mas mahal na gamot. Ang laki ng expenses ng isang company no.

      Delete
    9. Isa lng talaga ang cashier sa pharmacy mismo

      Delete
    10. Hindi sa pagiging entitled kung nararanasan mo ang pila sa Mercury yes minsan talaga iinit ulo mo sa tagal at bagal.

      Delete
    11. Entitled talaga. Or siguro gusto niya magtayo ng sariling botika lol. Yes parating may long lines sa drugstore pero okay lang kasi may numbers naman kaya sigurado walang singitan. And di naman isang gamot lang. lalo na kung senior madami and need maging maingat sa pag dispense
      Minsan Mr remulla isip isip rin bago mag post. Ayan tinaihan mo sarili mo

      Delete
  2. Bakit ba kasi isa lang ang kahera sa mga branch ng MDC?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagtitipid para malaki ang kita ano pa ba

      Delete
    2. 139 bwisit ka! Ang dami kong tawa!! Totoo naman kasi na laging may buntis na kaherašŸ¤£

      Delete
    3. Hindi kasi yung kahera yung main service person, yung pharmacist. Parang 5 pharma to 1 cashier ata ratio nila e.

      But I agree, dapat damihan nila yung cashiers. Or get a better, faster POS. Pwede naman na self service counter na lang para sa OTC/food items then the actual cashiers are for those in the pharmacy area talaga.

      Delete
    4. 1:39 hahahahhahahaha totoo yan. Kung meron man madami, mga nagkkwentuhan naman. Kaloka.

      Delete
    5. korekkkkk! tama naman si Remulla. ang tagal talaga ng service. they need to redo their system from getting the meds and paying! di na magkaugaga ang cashier sa pagprocess sa dami ng nakapila!

      Delete
    6. masyadong old school ang system nila. upgrade din mercury. 2024 na!

      Delete
    7. Hahahaha… bakit nga laging buntis mga kahera sa mercury

      Delete
    8. Anon 1:39 hahahahaha

      Delete
    9. 5:00 kelan ka huling nagpunta ng MDC? Ganon naman tlga, for OTC, may kaherang madalas malapit sa exit, and may kahera na pangpharmacy. Although, mabagal tlga ang service nila dahil isa lang yung counter sa pharmacy (may ibang branch na maraming POS, pero 1 lang ang active). Siguro pag aralan na lang yung sistema para mas maging efficient. Apakaentitled lang nung nagreklamo asas!

      Delete
    10. Based on experience, mabilis na sa Mercury knowing na big pharmacy yan at maraming bumibili. Dito sa Australia pababalikin ka pa after 30mins or so kahit na konti lang ang customers at walang pila, kasi usually 1-2 people lang sa counter for prescription drugs. Tama nga naman, may iba namang drugstores. Smaller drugstores need your support.

      Delete
  3. Madalas iisa cashier kaya humahaba ang pila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree, dito nagtatagal lagi

      Delete
    2. Valid yan reklamo nya abt sa issue na yan. Lumilipat nlng ako sa watsons pag nagmamadali ako. I understand mura kasi sa mercury at kumpleto compared sa iba

      Delete
  4. It depends sa branches ng Mercury Drug, there is really this branch sa amin sa Iloilo na it takes an hour before you can get your medicines. Usually they're are about 10 customers na sabay, they have 2 to 3 pharmacists present. I noticed kasi na they will get your orders sabay sa ibang customer, then sabay din ibigay Sa cashier. Kaya natatagalan siguro. While there are other branch na mabilis naman.

    Rose pharmacy ang mabilis talaga since there pharmacist who takes your order are also the one who receives your payment. Each of them has their own cash registers Kaya mabilis.

    Ang entitled lang ni remulla ha. Mas malala pa diyan pila ng mga ordinaryong Pilipino pag nag cocomute or may needs sa mga agency's like DSWD.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truth, lalo na ung mga pila sa govt agencies for basic services, like election registration, PWD/senior citizenship registration/renewal, isama na rin ang passport! Sows!

      I think kailangan din mag-modernize ng mga pharmacies sa atin. For example, for maintenance meds, can't these be ordered ahead via the clinic for pickup na lang? At least give that option for those who can afford that service, bawas rin sila sa pila.

      Delete
    2. siguro pareho tayo ng pinuntahan MD iloilo branch. grabe yun. sobrang tagal ko naghintay as in!

      Delete
    3. True, ok lamg sa mga regular customers pero Pati sa senior citizens at PWD sobrang bagal din.

      Delete
  5. d ba pwedeng mag feedback? sa isang branch nila na hindi ko na imi mention, grabe lagi ang pila. sabihin na nating malapit kasi sa hospital pero more than 10 ang pila talaga lagi tuwing pupunta ako. and hindi naman ako nagpa consult malapit sa hospital dun. it's just that I work in the area. kaya sa makati cbd, dami nila branches, which is okay, though minsan, nagkakapila din.

    ReplyDelete
  6. experienced this, antagal kong nakatayo tapos wala pala yong bibilhin ko, lol,
    sobrang sakit sa binti
    worse maraming seniors rin ang nag-antay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay nangyari na din to sakin haba pila wala pala yung gamot na bbilhin ko. Kakahiya naman kse sumingit sa harap para lang magtanung since iche check pa nila sa inventory kng meron nga, lalo lang tatagal waiting time ng mga nakapila.

      Delete
    2. Bakit ba kc wala silang Yung sa grocery na you can check the price. In this case, self check availability and price of medicines sana. If they solve this, more customers.

      Delete
    3. Modernization has a price. Sadly, hindi pa ready mag-invest ang big companies like MD.

      Delete
    4. 12:49 if the medicine you are buying is OTC, nasa labas yun ng counter. You can pay for it sa cashier sa me grocery section. But if it is Rx, kailangang macheck yun ng pharmacist. Ako pag ayoko maghintay 6am pa lang nasa Mercury na ko para wala pang tao. I regularly buy maintenance meds for my diabetic mom and aunt. Both maraming maintenance kaya sanay na sanay ako maghintay. Char šŸ˜€

      Delete
  7. kahit naman po dito sa bansang tinitirhan ko, matagal ang waiting time sa botika. they need to make sure na tama ang gamot na bibigay sayo. sometimes they need to call your doctor pa to verify kung tama ba yung prescription na binigay sayo, yun ay minsan dahil may doubt sila based on your history sa mga prescription drugs mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Understandable pero minsan if medicine is not available, talagang hassle pa pumila. Sna may self "checkout" like check availability and price of medicines you want to buy

      Delete
    2. Ganon din where I live. Kaso sa Pinas magulo talaga. Sana pag ready na prescription mo itetext ka para makuha mo. Hindi eh lahat nakatambay sa botica to wait.

      Delete
    3. iba sa mercury! isa lang cashier! mabilis naman pagkuha ng gamot. yung pagprocess ng payment ang matagal!

      Delete
    4. May call and pick-up option ang Mercury at Watsons. Pero bihira lang ang gumagamit.

      Delete
    5. Daming beses pa din ngyari na kulang ang nabibigay na gamot or mali. Pumipila ako sa mercury monthly kasi madalas may mga gamot na sa kanila lng meron at wala sa watsons

      Delete
  8. Napaka 3rd world pa rin kasi ng sistema sa Pinas sa drugstores, banks at mga govt offices. Mga Pinoy naging complacent sinanay natin mga sarili sa ganitong sistema. Dito kasi sa US drive thriu pharmacies and banks na sa Pinas I doubt it kung ma enforce kasi aminin natin maraming namemeke pa rin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May drive thru na po ang ibang branches ng Mercury. Meron na rin pong online and call for pick up ng medicine. Marami rin namemeke sa US. May pharmacist friend who works in Walgreen says problema din nila yun doon ang namemeke na mga adik.

      Delete
    2. May drive-thru din ang Mercury in some branches. And please may waiting time din sa US, which we experienced.

      Delete
    3. Oh pwede pala Mag drive thru sa banks? Never heard that. Drugstore yes lalo na pag winter call ka lang then ready for pick up na ang meda mo.

      Delete
    4. It’s always been a goal. Pinupush ng banks to. Kaso traditional pa din Pinoys gusto nasa branch lahat ng transaction. kahit simple deposit, ayaw gamitin deposit machine if available. Unless malaki and impt transaction.

      Delete
    5. 12:58 may wait time yes pero pwede ka naman lumabas or do some errands kasi they will text you pag ready na order mo. Then they will hold it kahit ilang days pa. Sa Pinas kasi lahat nakatayo sa may window siksikan lagi.

      Delete
    6. 1:14 lahat ng banks where I live may drive thru.

      Delete
    7. 1:14 yes po, drive thru sa banks meron. At sa pharmacies, sasabihan ka naman na makukuha mo in 1 hour or so, pwede balik ka nlng at hintay ng text if ready na for pick up.

      Delete
    8. I live in Dubai and 10 years padin pila sa Pharmacies kahit naka eRx na kami. Straight na sa computers nila pag scan ng name mo pero matagal padin kasi they make sure kung tama yung ibibigay sayo. Minsan pag feeling din nila mali yung Doctor, tatawagan pa nila to confirm. Then tuturuan ka pa sa dosage.

      Delete
  9. ARSHIE matagal talaga sa Mercury, wala silang system. Compare mo sa watsons. Kahit pa minsan 6 lang nakapila at naririnig kong konti lang din order matagal talaga. Imagine kaso bakit pupunta pa sa Cashier hhinttahin sukli nun nag assist sayo saka bibigay sayo ulit saka pa iinitoondhon ulit ang susinod na customer. Bakit di na lang may ibang pila for cashier. Parang fast food may claim at order pila. Ganun na lang sana.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Since na mention mo Watsons, ayan na solusyon sa problem. Competition ng Mercury at Watsons na lang tangkilikin.

      Delete
    2. Mas prefer ko watsons kahit mahal kasi at least duon dalawa or tatlo ang cashier yun nga lang kadalasan wala silang specific na gamot sa mercury lang mabibili

      Delete
    3. Totoo yan kaya watsons na lng mabilis pa

      Delete
    4. Mas kumpleto pa din si Mercury ah.

      Delete
    5. Masungit pharmacist ng watsons dito halos sa branch nila sa cubao

      Delete
    6. Sa province namin mas prefer ko ang Rose, Grace or Watsons. Mas mabilis. Konti nga lang medicine inventory ng Watsons. There's a MD in our place na maliit lang kaya sa labas ka pipila near the highway, nakaka- turn off.

      Delete
    7. Ngayon sa Watsons na ko bumibili ng maintenance meds ng mom at tita ko. They have this 30% off whenever you buy 30pcs of Watsons brand meds. Laki ng tipid.

      Delete
  10. In your face Mr. Remulla.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pwede magfeedback? Para sa mga kagaya namin na 2x a week halos nakapila mahirap sya. Good for you na hindi pa yata natry magpunta ng drugstore. Mahirap makarelate kapag bash lang nasa isip.

      Delete
    2. Puede mag feed back Pero ganyan na feedback na may kasamang pagiging entitled. I don’t think so

      Delete
    3. at 2:04, pag nanggaling kasi sa isang trapo, nakukulayan dahil hindi sanay sa pila at sila mismo ay mabagal ang serbisyo sa gobyerno. ang daming reklamo sa pila kung saan saan, pero nagbingi-bingihan mga trapong tulad nya. tapos na-inconvenience lang sa mercury, banat na agad. dyan lang sya maingay, everything else na di nya nararanasan (MRT, LTO, Philhealth, DSWD), tahimik sya

      Delete
  11. Nadale mo si remulla! Sanay na may priority treatment yan galing naman sa baba. Kung gusto niya ora-orada at di na pipila may call-order naman ang mercury. Pag punta mo pickup na lang. Ganyan ginagawa ko. No hassle. In 5min time kuha agad to think senior citizen medicine orders ko and they need to put entry pa sa medicine booklet pero ambilis

    Hoy remulla, matuto ka maghintay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan tayo eh..instead of listening to feedback, you decide to attack the messenger.

      Sure pwede maghintay..but heard of efficiency? You having to queue for hours only to be told na wala stock ynung meds mo..di malkatarungan

      Delete
    2. I usually wait for an hour before I get served

      Delete
    3. Use the call order service. May option pala na ganun eh, di ba better yun kesa pumila?

      Delete
    4. 12:34 how sure are you he waited that long? These guys are entitled at sanay sa ora orada. He could have said it better without having to mention other things. Pero kita mo sa message niya na sanay siya ng mabilisan at sanay sa special treatment.

      Delete
    5. 12.52 Get the mercury drug's phone number, call them re your medicine. Pickup after 10-20min easy peasy

      Delete
  12. Really? O baka may gusto lang ibacker na new pharmaceutical si Sir. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Halata din sa mga nagko komento dito. Lol. Hindi naman lagi may pila sa Mercury, mga eksaherado. Di naman nila kasalanan na sila ang automatic na takbuhan ng tao kapag kailangan ng gamot lalo na at mahirap hanapin.

      Delete
    2. Mukha nga. For sure yan

      Delete
  13. The sense of entitlement of these trapos is so disgusting. They expect service deluxe when they are members of political dynasties? They're dragging us down to the pits while serving their own family interests.

    ReplyDelete
  14. Regardless kung gusto ni Gov ng special treatment or what, tama naman na ang tagal talaga ng waiting time sa mercury drug. Yung sistema nila na batch processing 3-4 customers at a time and hiwalay yung pag gather ng order at pagcollect ng payment and yung pagbayad sa cashier is a nightmare esp pag maraming nakapila. Mas mabilis sa watsons or south star drug pero maraming meds na si mercury lang talaga ang nagdadala so sometimes walang choice. Endorser ba itong arshie laga ng mercury? I dont know why he is speaking for and giving excuses for their bad service. Kaya naman sigurong magdispense ng maayos but at the same time gawin ito sa mabilis na paraan para sa kapakanan ng mamimili?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Arshie is a licensed pharmacist. May sariling botika sa Marinduque. Inexplain lang nya kung bakit minsan matagal, based sa everyday experience nya sa botika nila.

      Delete
    2. AGREE. IT IS TIME FOR MERCURY TO REVISIT THEIR PROCESS. KALOKA ANG QUEUE. DIGITAL NA NGAYON. KAHIT YUN NUMBERING MANUAL PA. MAG INVEST TO BETTER THEIR SERVICE, HINDI PROFIT LANG ANG FOCUS.

      Delete
  15. Sorry sa tagal at daming pumipili dapat mag dagdag sila ng tauhan nila.. naging normal na sa mercury ang mahabang pila

    ReplyDelete
  16. Suki ng Mercury here. Never naman ako nagka-issue sa pagbili ng gamot sa Mercury. There are branches that are busier than others, pero maayos naman ang pila/sistema. Baka ayaw lang talaga nya ng pumipila. Try nya next time pila sa MRT pag rush hour or OPD sa mga public hospitals, walang binatbat pila sa Mercury dun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1242 sa last name palang baks, never yan magcocommute. šŸ˜‚

      Delete
  17. Mali ang pinili niya botika pinuntahan niya, Kung Saan Mas Madami tao sa paligid ( promise napansin ko yan, esp pag peak
    Hours) haha. Hidne pa ba siya senior citizen si arise largar Sana dun siya pumila? Or for sure May assistant naman siya to
    Do it for him? Wala siya anak? I do buy my parents their medicines esp during the pandemic sa senior citizen ako pumipila. Tska May lugar talaga mahaba ang pila depende talaga sa lugar esp diyan sa tandang sora Mercury ay Grabe Hinde na ako na ulit dun kasi Madami tao i go sa katipunan less people and not so crowded. Kaya sir alamin ang lugar and Madami pa
    Talaga branches si m at Meron si W hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. * I mean si remulla Hinde pa ba siya senior citizen? Sorry error haha

      Delete
    2. Si Arshie Larga po ay isang pharmacist. Yung nagcomplain about Mercury Drug is Remulla. While both of them naman ay meron point siguro intindihin na lang natin. Maigi din magbago ang sistema ang MDC. Pero what can we do.. Kumpanya nila yan. Hay

      Delete
    3. Ngayon bawal ng pumila ang authorized rep sa senior lane. Sa regular lane ka na lang din pipila. Understandable naman kasi mas kaya natin maghintay/tumayo kesa sa mga actual seniors na bibili ng meds nila.

      Delete
  18. While hate ko ang Remullas, may punto naman siya dito.

    ReplyDelete
  19. Valid to. Sa nearest mercury samin minimum 10 minutes sa pila kahit iilan lang naman customer

    ReplyDelete
  20. Matagal naman talaga.. Iisa lang kasi cashier. Dapat gayahin nila sa kabila w***ons, minsan 2 ang cashiers

    ReplyDelete
  21. Baka naman kasi nagaavail ka ng discount kaya matagal?! Ang solution lang naman dyan pumunta ka sa patay na oras like 10-11:30 or 1:30-3:30. Sa pinas puro pila talaga. From mageenroll sa school lalo na sa college enrollment, sa airport , pag sakay ng fx, bus, taxi, tricycle, pagbayad ng mga taxes, sa supermarket, sa restaurant lahat haba ng pila. Kasi ba naman ang baba ng sahod kaya walang gana magtrabaho mga empleyado at puro endo. Kung kasi ginagawa nyo trabaho nyo mga nasa gobyerno. Internet nga pabagal ng pabagal. May kinalaman yan sa drugstore pag nagabayad ka epayment or card gamit mo minsan stuck kasi mahina signal.

    ReplyDelete
  22. sometimes naman kc, nakita ka na ng tao nila, pero they chose to look busy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. May 2nd cashier di ba sa loob bukod sa computers sa harap ng customer counter.

      Sila mismong pharmacists nakatayo daldalan habang nakapila sa inner cashier. Glance glance lang sa dumog ng customers.

      May times din AYAW maghonor ng authorization letter for senior meds. Saka napaka strict na no booklet no discount

      Delete
  23. May isang drugstore chain sa province namin na di hamak mas cheaper and less ang pila compared to Mercury.

    ReplyDelete
  24. Agreed kay Remulla. Pakatagal ng pila talaga sa MDC.

    ReplyDelete
  25. Matagal talaga kayo! Iisa lang cashier kadalasan tas mabagal pa kumilos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman kasi sila parang grocery kung saan ang pagpili ng tao ay ayon sa choices. Ayon ito sa sakit at utos ng doktor. Sa dami ng gamot, magagaling at matiyaga na din ang mga pharmacist kahit madaming tao na kailangan serbisyohan.

      Delete
    2. 2:46 you missed the point. Iba yung careful sa pag-check ng medicines VS mabagal kumilos. May mga taong parang walang urgency. Actually yung pagcheck nila sa gamot mabilis eh pero yung paglalakad nila papuntang istante ng mga gamot, pabalik sa customer, at pagpunta sa cashier dyan yung mabagal na part. Idagdag mo pa yung kaherang chichika muna or chumichika habang pinapunch yung items.

      Delete
  26. May point sila pareho. Bilang suki ng mercury, ang nakakapagtaka Meron silang isang main cashier. So yung mga nasa harap na tinatypan inventory lang. BIR pos siguro nila isa lang per branch?
    Wala naman siguro problema ang bir k mercury.
    Pero sana baguhin nila system.

    ReplyDelete
  27. Naka maternity leave kasi yung isang cashier at pharmacist hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganda kasi ng benefits sa Mercury Drug kaya laging may staff na naka maternity leave! Lol

      Delete
  28. Sa sobra instant na halos lahat ng bagay kaya minsan if nasa pila ako nakakapag muni muni ako at napapahinga ang utak ko, same sa pag cr. Hahaha weird ko talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayo yan. May ibang taong nagmamadali lalo kung gamot para sa maysakit lalo na kapag bata gusto mo makauwi agad.

      Delete
  29. I agree with Remulla! Sa isang branch parang nangiinis pa sila. nagkwentuha and tawanan kse clients nagaantay!

    ReplyDelete
  30. May mga competition naman. May watsons, may generik, etc. if puno sa isang branch, lipat sa iba. Naranasan ko rin naman matagal na pumila sa mercury pero dahil need talaga nila iverify mga medicines ko lalo na yung antidepressants and alprazolam.

    ReplyDelete
  31. So far wala pa naman ako na encounter na mabagal at masungit na staff ng mercury tumatagal lang talaga bec iisa ang cashier

    ReplyDelete
  32. Tama din ang suggestion na may kakumpetensiya. Kasi nga, totoo naman sa probinsya, pinaghihintay ka at ang sikip kasi nga mas naging grocery store na siya kesa Drug Store!

    ReplyDelete
  33. May point naman si Gilbert. Outdated na yung workflow ng Mercury. They have to step up. Ni wala nga sila mobile app. Their prices aren't too far off from say, South Star or Watsons. I'd rather pay a bit kore for convenience.

    ReplyDelete
  34. Baka buntis pa yung cashier niyan HAHAHAHA

    ReplyDelete
  35. Sa pinas lang hilig mgpapila / antay at super tagal ng serbisyo sa mga customers...hindi kasi systematic..kita mo may biometric na for attendance pro ngtatagal pdin kasi need pa isulat s log book.

    ReplyDelete
  36. Buti nga kayo within the same day pwede makuha. Dito sa Canada, babalikan namin pagkabigay ng reseta. Need ifollow up if ready na. If emergency then sa hospital punta. Sino b yang entitled na yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's the exact point of having a working system, though. Unless emergency ang situation mo, why would Canadian pharmacies give you medications that you don't need right away? Canada operates on a triage system, the ones who need help the most get prioritized. Hindi mo kelangan pumila ng ilang oras for medication dahil kung ang meds na kelangan mo are narcotics for extreme abdominal pain vs. normal prescription refills lang, obviously the clinic or your family doctor won't send you to the pharmacy, they'll send you to the ER right away for abdominal pain. Kung may flu ka, call 811 to talk to an RN and don't hound the pharmacies and ER to look after you when you can survive by taking Tylenol and staying home.

      If you have the time and strength to wait for hours for meds, you're not sick enough. Balikan mo prescription mo when it's ready, that's the way it should be done anyway.

      Delete
    2. Comparing apples to oranges. The medicines and health are in Canada are free, so of course queue is way longer.

      People pay for Mercury's service - private company! People deserve better

      Delete
    3. 2:33, been living here in Canada for 2 decades. Correct lang kita na hindi libre ang medicines. May drug insurance ka dapat or pay out of pocket. - not 2:30 or 12:05

      Delete
  37. Even here in UAE you need to wait for your medicine may pila din. Marami ng competition ang mercury, may watsons, generika and other local drugstores sa area may choice na ang customer saan nila gustu bumili. Dapat siguro may mga waiting seats at wifi ang mercury para hindi mainip ang customer.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may waiting po dito sa UAE dahil need ng approval from the insurance company, pero pag CASH transactions mabilis lng po dhl no approval needed. ang ginagawa ko, hindi ako nabili sa hospital mismo, sa pharmacy near my place ako pupunta, pra call na lng nila ako pag ready na.. my Online din nman dito sa UAE.

      Delete
  38. Trapo and political dynasty ring a bell? Mas gugustuhin kong mawala muna ang mga ito bago maayos ang proseso ng Mercury. Willing to wait kung unang mawawala ang mga trapo and political dynasty.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sactly. Unahin ang anti-dynasty law kesa chacha.

      Delete
  39. Naitanong niyo na ba bakit laging madaming nagpupunta ng mercury ngayon? O nauubusan ng mga gamot? Daming nagkakasakit at madaming naglalabasang sakit. Solusyon diyan pagandahin ang healthcare system ng bansa. Sino nga ulit ang may kapasidad umaksiyon tungkol dito.

    ReplyDelete
  40. May point naman siya. Kailangan ng mslaking drug store na makaka compete sa mercury drug. And the waiting time. Totol din. So bakit affected ang mga tao? Hindi kayo siguro palaging nasa mercury drug.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming botika, yun nga lang hindi kasing lawak at lalim ang inventory niya. Wala namang monopolya ang Mercury, meron ba?

      Delete
    2. May Watsons owned by SM. In fact, sa amin nga kakabukas ng Watsons pero mas makikita mo na mahaba pa din ang pila sa Mercury kesa sa Watsons. May Southstar Drug at Rose Pharmacy (now owned by Robinsons group). Pati nga ang Villar group may All Green na. Not to mention tue generic stpres and local pharmacies. Walang monopoly ang MDC, mas sanay or gusto lang ng tao bumili sa kanila.

      Delete
  41. I am wondering why does Mercury have this system that they only have one cashier for all transaction? One staff is assigned to get your order and inputs it in their counter but they would still give it to the main cashier which will lengthen your waiting time. Sila lang may ganyan systema na I really don’t get.

    ReplyDelete
  42. I don't like slow service. If they can manage to hire more employees who are quick and communicative, it would have been a better service. You guys are getting paid but, you are not getting paid for people's time. Be mindful about it. We don't want to spend our whole day just to fall in line at the pharmacy. We have other things to do.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag mahaba ang pila sa mercury lipat sa ibang drugstore

      Delete
  43. Sa probinsya namin ang haba din ng pila sa mercury noh! Hire more staff. Yun ang solusyon. Lahat ng branches ng mercury yata ganyan.

    ReplyDelete
  44. Kahit nman sa ibang bansa minsan haba talaga ng waiting lalo na pag malapit sa ospital. Expect mo na mahihintay ka ng 30 mins to 1hr.

    ReplyDelete
  45. No Archie, we are not questioning your verification process, what we are questioning is redundancy plan response: i.e. pag biglang madami tao, anong backup plan, mag hintay sorry na lang? Not acceptable, paano king galing lang sa doctor office and in pain na or other similar? So many staff standing there just looking because they are not allowed to walk the meds from pharmacist to front desk; improve internal process, train them to step-in and help out. Improvement can always be made in response to your evolving and growing customer base.

    ReplyDelete
  46. Try nyo watson train sila mabilis kumilos madami p ng aassist s mercury super bagal kz 1 lang cashier

    ReplyDelete
  47. Actually may point si Remulla, isipin na lang natin na suggestion ito ng isang normal
    na mamayan wag nating isipin na galing sa isang kilalang tao. Laging mahaba ang pila sa Mercury drug, minsan kelangan ng isang competition ng isang company para maimprove ang serbisyo nila or magbigay ng mas mababang presyo para makipag sabayan sa ibang kakumpetensya which is ang taong bayan din naman ang makikinabang nun. Tama din naman si Arshie na careful lang sila sa pagbigay ng tamang gamot pero i think may mas faster and easier pang solusyon para mapadali at maiwasan ang long pila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, dapat may separate queue for checking availability of medicines. Haba ng pila only to be told not available.

      Like Watsons, you can check sa app nila if medicine is available at certain branch

      Delete
  48. Sana kasi may online ordering para prepared in advance. Then pag pickup saka i-confirm na may reseta and mag bayad. Di ba? Or create ways para makapag bigay ng mas efficient na service, hindi ung kasalanan pa ng pasyente na nag rereklamo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron call to order pero mukhang di pa rin masyadong ginagamit ng mga tao

      Delete
  49. May competition naman. Andyan sina Watsons, TGP, Generika and South Drug Store. 5 Mercury Drug Stores ang walking distance sa amin pero mas madalas sa Watsons ako kasi habol ko yung points/spending balance para sa SM prestige membership at mas konting tao. Andaming factors din kasi kaya matagal sa mercury. Ipa-review nila process nila baka need talaga i-improve.
    Sa paghire naman ng mas maraming tao, pakicorrect na lang ako mga classmates ah, di ba licensed pharmacist ata yung front line nila? Baka mamaya madami ang demand pero konti na lang mga licensed pharmacist sa pinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think having a separate queue just to ask questions if available ang medicines would speed this up, if ayaw nila mag invest sa machines where you can self check items. Minsan kc need mo magpiglila only tl be told na item is not available . Mas dumagdag kapa sa pila unnecessarily

      Delete
  50. mercury lang ba drugstore d2 sa pinas? pag nakita nyu na madaming tao at aabutin kau ng ilang oras s pag pila pede naman kau pumunta sa ibang drugstore

    ReplyDelete
  51. dagdagnman lang ang cashiers solved na problema ng pila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit dagdagan lang nila ng isa laking bagay na yun sa bilis ng workflow nila at less waiting time for costumers.

      Delete
  52. some branches offer phone in order and pickup from branch. it’s a good option for those na ayaw pumila. di masyadong ginagamit ung ganitong option pansin ko lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kulang sa awareness at minsan branches dont pickup kc nga diba mahaba pila..

      Delete
  53. Dapat may online purchase na din ang mercury para di na lahat pumupunta sa branches. Less congestion (pub intended) and any one can purchase kahit may sakit ka at di pwedeng lumabas.

    ReplyDelete

  54. Baka kailangan lang maglevel up ang mercury drug. Medyo lakihan nila space lalo s amga pilahan. More chairs, hindi lang din sa mga seniors. Baka pwde rin may advance na kumuha ng mga bibilhin na gamot pra ilista na agad or kunin ang mga reseta (may lagayan sila na maayos) para pag andon nakaready na sa basket. Pwede pa magtanong ng additional questions s anga nghihintay. Tsaka lagyan nila ng malinis at well maintained na comfort room lakas pa naman ng aircon nila. Tsaka sa mga nagtatanongbbakit lagi dami tao sa mercury drug based on experience, mas kumpleto sila s amga gamot e kmi nga sa mas mura, TGP ngpupunta pero wala don yung iba.

    ReplyDelete
  55. Ganun ding naman ang pila sa mga government institutions :) :) :) At least sa botika, marami kang options, eh sa gobyerno, wala :D :D :D

    ReplyDelete
  56. Given na talaga sa Mercury na mabagal. I observed it ilang beses na nag sloslow mo talaga Tao nila, this is in one of their branches na I notice na mabagal talaga. Yung andyan na Yung orders mo ready for payment pero walang cashier. Ilang times na talaga yan. No question if they are just being careful because it's medicines but the point is, generally ang bagal talaga compared to other pharmacies.

    ReplyDelete
  57. Oh that's true. Mabagal talaga. 3 mercury dito samin sa las piƱas, hindi ko alam kung nasan mga pharmacists or minsan kanya kanyang kabusyhan sa loob. May parang nag iinventory, may ikot ng ikot lang. May busy busilyhan katabi ng cashier. Minsan dalawa lang tao sa counter kahit napakahaba ng pila. Yes. Mabagal ang service nila thoughmay pailan ilan na ok naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rose Pharmacy, Watsons way more organized

      Delete
  58. sa lahat ng branches ng gobyerno ... mahaba din ang pila.. kahit sa CR... umayos ka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sira, kaya do tayo umuusad dahil sa mga taong tulad mo na accept the norm nalang. malamang private company ito, they can do better!

      Delete
  59. Valid ang concern ni Remulla. Maraming Mercury Drug masungit ang pharmacists.

    ReplyDelete
  60. Dapat kasi pwedeng Itawag sa Mercury drug Ang reseta tapos may tagahanda na ng gamot para pagdating ng kukuha ng gamot ready na. Para pagdating ng kukuha magbabayad na lang. Kulang sa sistema. Same thing sa mga banko pera mo na Kukunin mo paghihintayin ka pa ng matagal.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baks meron sila niyan call to order. Di lang na-utilize ng mga customers kahit nakapost na paano sa tarp at sa website

      Delete
    2. pwede yan mhie me ganyan silang serbisyo

      Delete
  61. Matagal naman kc tlga.. Suki kmi ng mercury dhl s maintenance ng senior at pwd s pamilya namin. Madalas 1 or 2 lng ang cashier.. So kht pa gano kabilis kmuha ng gamot ang pharmacist kng naiipon ang sa cashier eh nagtatagal tlga..

    ReplyDelete
  62. True naman talaga na matagal pila sa mercury drug. Lalo kung iilan lang tao nila. Tapos pag nakasabayan pa eh mga seniors. Lalo pagdating sa kahera.

    ReplyDelete
  63. TBH, matagal tlga magserve mercury drug. ang laki laki ng store tpos 1 or 2 lang open na cashier/attendant exc pa ung for senior citizens/pwd line. both parties have points.

    ReplyDelete
  64. I hate politicos pero para sa isang drugstore na saksakan ng mahal magbenta ng gamot (phils has the most expensive meds jusko) sana naman efficient!

    ReplyDelete
  65. Agree with Arshie. Hindi lang naman pwedeng dispense ng dispense. The correct process is verifying the script (prescription) is legit for a diagnosis that will be truly needing the drug that was prescribed. Nakabasa na ba kayo ng handwritten ma reseta? Susme. Baka abutin kapa ng half day. In a city where there is more than 100,000 population, wag kang entitled. Fall in line, wait patiently like everyone else.

    ReplyDelete
    Replies
    1. They can still make the process efficient of they want to, from having an app where you can preorder (pwede kumuha ng deposit), or simply to check availability of products in each branch

      Delete
  66. Sa groceries din naman at fastfood like J#llib##. Iisa ang kahera, ang dami namang cash registers. Tapos suplada pa.
    Hindi rin dapat kung sino cashier at naghahawak ng pera, sila rin taga handle ng food. Tapos taga ligpit din ng dine in tables

    ReplyDelete
  67. Totoo yan. Minsan 1 hr mo jan mauubos sa pagpila sa Mercury. Yung hipag ko more than hr sya pumila last week. Malas mo pa pag masungit natyempuhan mo phramacist tulad nangyari sakin one time - sarcastic makipagusap

    ReplyDelete
  68. Kung serbisyo nga ng gobyerno mas mabagal pa pagong, Mercury pa Kaya. Juice mio

    ReplyDelete
    Replies
    1. Here we go again. Government offices of course have the responsibility to fix their service, but most importantly private companies that you pay premium! Hndi naman public health center yang Mercury to be complacent

      Delete
  69. Well nakakainit naman talaga ng ulo bumili ng gamot sa Mercury.. sa true lang. kahit walang tao ang tagal!!!

    ReplyDelete
  70. I like Arshie pero masyado naman siyang naoffend. The way he answered masyadong pinersonal šŸ˜„ i experienced buying in MD, matagal nga. Kasi ang daming proseso. Ok lang magdouble check, pero even yung cashier nagchecheck din. So triple check na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 9:52 yeah. And people, nakikisakay na lang sa issue.

      Delete
  71. I do understand the issue with Mercury pero wow, sya kanya pa tlga nanggaling ito?? Wow, the irony. Itong pamilya nga ito puro image lang ang alam, ang panget pa ng service nila to the point na hindi mo tlga ramdam kung ano b tlga ang ginawa nila. I think it is a right time na may ibang taong pumalit sa mga Remulla and Revilla sa Cavite because they are really incompetent dynasty

    ReplyDelete
  72. Ung mga owners ng Mercury Drug, pa-travel-travel lang.

    All of the feedbacks above are long overdue. Sana mabasa nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong kinalaman ng personal na gawain ng may ari dito. Corporation sya hindi proprietorship. Hindi naman sya one- man operation 10:35. Lol.

      Delete
    2. Parang NGCP lang din na puro pa sarap at dividends sila, not investing back in making the business efficient

      Delete
  73. Yun mga reklamador dyan sa haba ng pila:

    1. May option na call order, sabihin ninyo what time kukunin sa mercury drug na malapit sa inyo; or may delivery sila

    2. Punta ka between 12-1pm or malapit sa closing time nila

    3. May option ka na pumila first come first served, or may watsons, TGP and southstar

    Di minamadali ang gamot, ni rrecheck nila yan sa counter uli for safety purposes NINYO din. Hanap kayo ng ibang drugstore kun meron aside from mercury drug na pag di sa kanila available ang gamot mo SILA pa tatawag sa ibang branches nila to inquire at ioorder na para sayo, reserved (like nun pneumovaxx na nagkakaubusan na from fairview nakabili pa kami thanks sa fairview mercury) sa cash and carry

    Patience is a virtue! Again, pag di ninyo gusto sa mercury hanap kayo ng iba. Wag din pa biktima kay *, baka may ipapasok yan na chinese drug company kaya nag iingay prelude na GOODLUCK PHILIPPINES AGAIN

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for underdeveloped country thinking, Naks meron pang patience is a virtue at we slow for your benefit. Pwede ba!

      Delete
    2. Meron po, Watson's. They call other branches pag wala sila stock.

      Delete
  74. Itong Arshie, mema din. as if naman sing laki ng Mercury drug yun botika nya.

    He simply can't emphasize those in need of the medicines urgently like in a near-life or death situations.

    To be specific? Mercury drug yang slows cashiers because of their poor system. The establishment does not provide full staff to speed up transactions at their counters.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 3:25 ay mahiya nman sana ang govt sa mga pilipino noh? Sa mercury, may mapapala ka pa, eh sa govt??? Aabutin ka pa ng siyam siyam bago ka pang tulungan.

      Delete
    2. I mean near-death situations, sensya aligaga

      Delete
    3. wait, Arshie owns a pharmacy?

      Delete
    4. Pansin ko nga parang laging understaffed. Nakaka-burnout kaya ang ganyan. Para kang laging hinahabol the whole shift, no wonder masungit yung ibang pharmacists nila.

      Delete
  75. Ako naman ang tanong ko. Kung malaki ang kita ng mga mayayaman. Bakit di sila magoffer ng inetrest free na condo payable in 10 years sa mga employee nila. Yung kapatid ko na nagwwork sa sa banko and property deveeloper . Ganun benefits nila. Wala lang. Nakita ko lang ang yaman ng iba nakakaabili ng hermes pero empleyado nila sobrnag porita.

    ReplyDelete
    Replies
    1. o nga, baks. tsaka kung ako biz owner lagyan ko pa ng magandang lounge for employees, mala hotel na accomodations with cr/bathroom esp for those na di nakauwi due to bagyo, traffic etc., bus service, scholarships etc. ang yaman nila pang ilang lifetimes at generations na e!

      Delete
  76. Earth, Venus, Mars Drug, Serbisyo sa gamot ay nakasisigurong laging mabilis

    ReplyDelete
  77. True naman sinabi ni Mr. Remulla sa pila system sa Mercury Drug stores. One cashier lang kasi, ok naman mga Pharmacists nila, efficient sa pag read ng mga prescriptions at pag kuha-kuha sa mga need mong meds, kaso natatambak lang din kay Cashier lahat. Kita mo dun sa payment counter naka queue yung mga purchase trays. Dapat may isa pang Cashier to process ng iba pa, kasi tuloy-tuloy lang ang mga Pharmacists/staffs sa pag take ng orders ng mga tao e. Ayan tuloy tambak kay cashier jusmeh, yun ang point nakita ko sa sinabi ni Mr. Remulla. At nakakainis na dahil doon, tumatagal tuloy ang tao sa loob kaka antay.
    Pero turned-off dun sa proposal nya for MD competition, nabahiran ng politics agenda e. Actually may mga competition na nga si MD, catering to branded meds din. Pero ganun parin, sila parin pinupuntahan ng mga tao, so sana nalang iimprove nila ang pila systems nila.
    And to you Mr. Remulla, sana iimprove din ang pila system sa Govt. Services dito sa atin, propose mo rin yun ha at much better gawan nyo ng paraan asap!

    ReplyDelete
  78. Edi sana ipush mo sa congress na libre and accessible ang mga gamot sa mga government clinic per baranggay para mabawasan ung mga bumibili sa mga pharmacies. 2024 na kurakot pa din ang government. Juicemio

    ReplyDelete
  79. Dito sa UAE may option na umorder ng gamot thru app and then upload mo lang yung prescription ng doctor. It will get delivered to you max 2hrs, if you wan it rush, you can pay an extra 3aed for a 30min delivery. Yung stock kinukuha nila from the nearest branch to your location. If di available dun pumupunta sila sa ibang loc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 6:16 same s UK, Maraming location na option at walang pila. Alam mo naman s Pinas, kung ang gobyerno nga mabagal s serbisyo publiko, mga establishments pa kaya. Kelangan kasi Pasensya.

      Delete
  80. Huwag nyo po ihabtulad ang speed of service ng drugstore sa grocery.

    ReplyDelete
  81. Let's support Mercury Drug. Trusted na yan. Di ko hahayaan na masura ang kompanya na may magandang serbisyo

    ReplyDelete
  82. Nkatira ako sa australia at ang chemist warehouse dito ang waiting time ay atleast 15 minutes sa mga gamot kahit walang masyadong costumers. They make sure na sakto ang gamot na binibigay nla.

    ReplyDelete
  83. ON POINT SI CONG. REMULLA!!! SOBRANG BAGAL NGA SA MERCURY!! BAKIT NGA BA IISA CASHIER NILA ANDAMING CUSTOMERS. TAPOS HABA PILA PAGDATING MO DI AVAILABLE PALA SA KANILA GAMOT!!! SANA MAY COUNTER SILA TO CHECK IF AVAILABLE PARA DI SAYANG PILA MO!!!

    ReplyDelete
  84. Aba ma opinion na ito ngayon. Nagka award lang ganyan na sya magmagaling. Eh di sumubok ka sa Mercury

    ReplyDelete
  85. Mercury Drug, upgrade naman dyan! Naalala ko kwento bakit bawal ang Mercury Drug sa SM HAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  86. That's why I get my meds in Watsons

    ReplyDelete
  87. Ang reklamo ko naman 1 time sa MDC, bumili ako ng maintenance ng lola ko. May binili ako sa grocery, so sinama ko na sa mga gamot. Ang sabi sa akin ng pharmacist, dun ko daw bayaran sa grocery. Kaloka, nung mga precious bili ko naman isinasabay na ng ibang phamacist sa cashier sa drug store.

    ReplyDelete
  88. Wala bang online service ang Mercury? usually yung DR or clinic na mismo ang oorder ng meds online. Pupunta nalang ang patient sa Pharmacy to pick up the meds. No need na ipakita ang reseta. or same old same old parinn ang Pinas?

    ReplyDelete
  89. Ang prob for me sa Mercury is walang maayos na pila or system. All people nasa counter tapos di mo alam kung pano ka sisingit..you need to fight your way and get the attention of the pharmacist. Kung may pila sana na maayos, definitely mas ok. Correct din na kulang ang cashier. Also dapat mala canteen type wherein yung cashier nasa end of the line. Yung cashier kasi nila nasa loob pa.

    ReplyDelete
  90. totoo rin naman na kulang ang cashier. pero may iba pang factors kung bakit mabagal. minsan, nagbubudget pa yung bumibili sa harap ng pharma/ pharma assisitant at pinababawasan yung piraso ng gamot para seak sa budget, nagtatanong ng generic counterpart, nagpapa-total muna at saka magpapabayad.

    off-topic: andami na ring nagtatanong sa mercury ng mga gatas/ gamot/ health products na ineendrose umano ng mga celebrities, ni doc willy ong at ng mga media personalities, huh! tapos ang source fake ads sa fb!

    ReplyDelete
  91. Larga's response only showed the sad reality in our country that businesses aren't willing to change or improve. Imbes na tingnan ito constructively para ma-improve sana how we do business, he seems to imply na kung willing ka mag-stay magtiis ka. Okay lang sana kung marami tayong much better choices eh kaso ilan lang din namang pwedeng pagpilian kung hanap mo eh kalidad na product or service. No wonder nagugulat tayo kapag naranasan nating makapaunta sa ibang bansa kasi makikita mo talaga yung difference ng sistema nila doon kumpara sa atin. Hindi customer ang nag-aadjust, yung business establishment mismo. Parang internet service providers lang. Kahit hindi tayo satisfied sa PLDT, hindi tayo basta makalipat kasi yung ibang choice eh mas malala pa. And PLDT knows that kaya imbes na iimprove nila service nila, hinahayaan lang nilang magreklamo at magtiis ang users nila.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...