Wednesday, October 25, 2023

TikTok Scoop: Rica Peralejo Aghast at Video of Female Pastor and Churchmates Mocking People Who Leave Church



 

@ricaperalejo Replying to @bitchokoy ♬ original sound - Rica Peralejo Bonifacio

Image and video courtesy of TikTok: ricaperalejo 

120 comments:

  1. Isa sa sign ng kulto yung hinihiya at inoostracize yung mga umaalis.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit iyung malalaking religious organisation dito ay kulto. Kahit sa abroad pa. Right discernment na lang ang gagamitin mo para hindi ka mabrainwash. Madali pa naman maka brainwash ang religious sect. God gave us a conscience to know what is right from wrong. Kailangan mo pa ba ng kulto para ituro sa'yo un? Na usually ay may pa donation. Un iba nga compulsory pa. Magdasal ka, believe that God will save you and gawin mong tama sa sarili mo at sa kapwa mo. God will protect you that no amount of kulto can.


      Delete
    2. oa maka generalize porket ba it consist of small group of people? pinas talaga ignorante.

      Delete
    3. True. Naexpose na nga pati kardashians na nagtayo ng church kasi easy moneymaker sya. Magpaconcert k lng pera na, lalo pa kung maraming sikat na kasali to promote your church. Yung Hillsong din nacallout na for using justin bieber. Sinasabi pa nila hindi naman daw nila pinapaakyat sa stage si justin pero ang daming ebidensya. Yung tatay ni hailey bieber may church din kaya ang tingin ng iba pinush si hailey kay justin para mapromote. Nung unang nagmeet sila binigyan nung tatay ng dvd about skateboard/church si justin and the rest is history. Kahit si justin pabirong sinabi na feeling nya arranged marriage yung kanila. Haaay for the love of money

      Delete
    4. True. May alam ako na church bawal kausapin ang ex-members kahit pa kapamilya mo yung umalis or naalis.

      Delete
    5. Saw a tweet from a former member of that church. Inencourage daw sya to just drop out of school and magserve na lang full time sa church because his family has financial troubles. Imbes na tulungan to raise funds to continue his studies, gusto aalilain na lang.

      Delete
  2. Nakakahiya yung Pastora na yan. Ginawa pang joke ang rape.

    ReplyDelete
    Replies
    1. omg search ko nga yan

      Delete
    2. 10:06 sabi nya pag pangit daw ang lalake, rape. Pag guapo naman daw, ine night stand.

      May video pa yan kumakain sa resto sabi nya “mayaman na tayo, ibang level na” nakakasuya ang ingay ngumuya open mouth pa…

      Delete
    3. Anong church ba ito? Kaya minsan hesitant din ako magjoin sa church. Kasi yon mga napupuntahan ko after mass, nagkukunpulang sa labas tapos tsismis na sila agad hahahaha.

      Delete
  3. Sa totoo lang, pero hindi naman lahat, eh sila pa itong mga hipokrito at hipokrita. Hindi naman inaapply sa mga sarili ang mga bible verses and quotes na ipinopost nila. Sila rin yung mga pakiaalamero at kontra sa beliefs ng iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True, my Mom is like that, from Catholic she changed her religion, mapapagod ka na lang kakapatol kaya di na lang namin pinapansin

      Delete
    2. 12:42 ang Catholic hindi masyadong religious at hindi nagtuturo ng hate sa ibang religion kaya talagang hindi sila nagsisimula ng gulo tungkol sa religion. Naaalala ko nung bata ako sa burol ng kapit bahay ng lola ko may Mama Mary sa lamesa tapos habang nagdadasal may Christain na kapit bahay na nag sasalita na ano ba yan nagdadasal kayo sa taong makasalanan. It's the lack of respect lalo na it's not the time and place to do that.

      Delete
    3. 1:37 True. Kaya target palagi na i push ang envelope sa Roman Catholicism. Kasi di naman matindi ang reaction, hati pa ang views ng mga tao at hindi namanhateful or vengeful ang mga message sa mga nanlilibak sa katolisisimo.

      Delete
    4. Pansin ko between Christians and Catholic, less strict nga ang Catholic atsaka more flexible.

      Delete
    5. 9:15 sa madaling salita mas tolerable at open minded mga Catholics sa usapin ng ibang religion.

      Delete
    6. Hi 9:15, just to clear, Catholic are Christians, first Christians actually. Yung mga sect o tinatawag na born again Christians, they are actually Protestant Christians. All Catholics are Christians but not all Christians are Catholic. Ayun lang :)

      Delete
    7. Yes Catholic dito sa Philippines hindi masyado strict. Sa tingin ko kasi it is not about following the church but learning and understanding how to live like Christ.

      Kumbaga dapat willing ka to do it at hindi yung yun kasibyung rules.

      Delete
    8. correction @12:19 "born again christian" is not a religion. When you say you are a Christian, yes you believe in Jesus and his teachings. In short maraming religion ang naniniwala kay Jesus, like Catholics, protestants, etc. But being born again is something else. Dyan nagkakamali ang marami. To those who teaches God's love through Jesus, and encourages a reformed and renewed life through building relationship with Him are considered non-denominational.

      Delete
    9. Experience ko naman as minority Christian, nasabihan na ako ng mga ministro ng Catholic na demonyo daw ako at lahat ng protestant kasi humiwalay daw kami sa totoong Church na tatag ni Jesus. Grabe talaga ung experience na yun. Parang di ako nakapagsalita nung sabihan ako nun. Pero ung ministro na un nagsusugal at tomador ng alak.

      Bottom line dito bawat religion may mga masasamang ugali. Pero hindi tayo dapat samga taong namimisrepresent ang Christianity mgfocus, kundi magfocus kay Jesus.

      Delete
    10. 3:48, hi! Yes, i know na hindi religion ang born again. And nowhere I say so. (Tho dito sa Pinas, madalas ang iniisip, born again = religion. that's why I said, mga born again sect) Clinarify ko lang kay 9:15 na Christians din ang mga Catholics.

      Delete
    11. Hindi mo maintindihan ang goal ng mga “Christians” na ganyan. Kung gusto lang nila turuan ang lahat ng tao about Christ, edi puntiryahin nila ung mga hindi naniniwala or hindi pa Christians. Try nila ung mga nasa ibang religion na hindi Christians. Kasi kung kapwa Christians naman ang pinag-aagawan at pinapalipat lipat, what’s the point? Hindi naman dumami naniniwala kay Christ, naoobvious lang na ang focus nila ay hindi si Lord kundi ang Church nila.

      Delete
  4. mga classmates pa-brief, what is this about?

    off topic: langya, ang ganda ng skin ni rica 😮‍💨

    ReplyDelete
    Replies
    1. Search mo lang "Dream Life Church" sa Facebook.

      Delete
    2. Ganda nya noh? Effortless, no need ng makapal na makeup. Sana all talaga

      Delete
    3. yung braces nya ilang taon na syang nakabraces parang dina natanggal yan simula ang tv days. baka naaagnas na ngipen nya

      Delete
    4. Pede bang forever ang braces? Bat ganun simula pumasok ata sya showbiz naka brace na sya

      Delete
    5. 4:19, she already explained that sa tiktok nya. Yan braces nya now is to correct her TMD/TMJ problem. She said she has undergone series of test before because of her back pain na di mawala wala until it was brought up daw by a dentist friend na magpa check sya for TMJ basta yung sa jaw problem. And eversince she has the braces, he back pain is gone na daw. So yun.

      Delete
  5. Female Pastor hahahahaha! Either MGA walang alam sa Bible o HINDI MAKAINTINDI NG LITERAL NA NAKASULAT!

    ReplyDelete
  6. It's always these "Christians" no? Nakakaloka sila.

    ReplyDelete
  7. Naku po, parang yung mga kamag-anak ko yan na nag-convert to another religion. Panay preach abt Jesus, panag bible study, pero ang sasama ng ugali jusko! Ang hilig pa nila kontrahin yung beliefs ng ibang religion, napaka-disrespectful.

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka iisa kamag-anak naten sis 😂🤣😂

      Delete
    2. Kaya ako I have faith and I am committed to go to church pero tahimik nalang ako. Ni need to argue about beliefs. It’s toxic.

      Delete
    3. Relatives ko din sila! 🥴

      Delete
    4. Magkakamag-anak siguro tayong lahat haha relate much

      Delete
    5. Ako share ko lang. I'm agnostic by choice, Catholic by birth. Pero I like hanging out with people with different religions like Muslims and Born Again Christians. I even have Wiccan friends. I am that open-minded. I like exploring religions. Maybe I'll find something that suits me someday. Siguro magiging religion ko ay Buddhism dahil naniniwala naman ako sa karma.

      Delete
    6. maraming ganun nga and isually maraming utang and worse ako pa inuutanagan, I left that church, sayang mabait naman ang mga pastor and wife nya

      Delete
    7. May kamag-anak din akong ganyan nung nag convert. Parang gusto din kami gawing project para ma convert. Hindi naman sya dating ganun noong Catholic pa sya.

      Delete
    8. tingnan nyo nalang yung pagkatapos ng article na ito, nanay ng lalaking nangtwotime ginamit pa si God para ipagtanggol ang anak

      Delete
    9. May nakukuha ba sila sa mga referral. Bakit ba hayok silang manghatak to the point na ijjudge ka. Napakabastos pa, walang respeto mga kakilala kong Christians. Nagpahinga ako at nagmunimuni nung biyernes santo at sinabihan ba naman akong, anong ginawa mo sa bahay? Bakit ka sumasamba sa santo, nakakatakot ang mukha? Mga walang respeto tlga. Tapos iimbitahin ka sumamba kasi andun daw ung mga artista na sikat… as if naman babaguhin ko religion ko para lang makisamba with those celebs… anong gusto nila ipagpalit ko religion ko para sa kahibangan sa artista??? And kung makumbinsi man nila ako, magiging proud ba sila na maging kamiyembro ang isang taong binalewala ang nakagisnang religion para lang mapalapit sa artista??? Wow. Di mo alam priorities ng mga yan. Feeling nila sila lang maliligtas kasi part sila ng church nila. Keber na kung mabuti silang tao o hindi waw

      Delete
    10. 9:13 ganyan din ako dati naghahanap ng religion that fits my values. Until i realized i dont need one. Maging mabuting tao nalang ang religion ko habang bukas ang isip.

      Delete
    11. 9:24 nirerequire sila na magconvert ng iba para more donations, more fun. Kunware mag-evangelize eme.

      Delete
    12. 4:20 hahahahah i know right. Ito talagang mga Christians ang hilig hilig mag enforce ng law and yet sila rin ang number 1 breaker nito. Worse pa, they use God to excuse themselves from the their laws. Na keso it God's plan. its okay to make mistake kasi God is forgiving and they are a part of their group, but if youre outsider ay God fidnt love you and youre a demon. Kaloka, eh accdg sa 10 commandments na wag ngang gamitin si god in vain, tpos sila ay panay gawa nito.

      Delete
  8. Napaka un Christian😳

    ReplyDelete
  9. Funny lang kasi itong mga "Christian" Church ang lakas maka claim that they are THE Christian Church as if they are the one and only Christian religion. What made these people think na they are the correct one?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala po talagang one and true Church (Religion) si Jesus, the Catholic hindi rin yan ang one and true Church..

      Dahil ang tinatag ni Jesus ay body of church (mga nanampalataya na may totoo v relasyon sa Kanya).

      Ever wonder bakit may letters to 7 churches sa Revelation? Dahil hindi talaga iisang religion lang ang simbahan, lahat ng simbahan na nag cclaim na Christian may kanya knya yang mali. Take note sa Revelation letters to churches bwat simbahan may kanya kanyang maling nagawa.

      Delete
    2. 12:27 di lang Christian Church, some other religions too, ang problema ang mga followers and believers, Hindi ang religion mismo. See the point?! RELIGIOUS PEOPLE DO WHAT IS BEIBG TOLD EVEN IF ITS NOT RIGHT

      Delete
    3. 9:43 its more like, what they see beneficial or convenient to them. Kasi as we can see here, hndi nman sila talaga inutusan, bagkus sila ang kusang loob na sumunod and magpauto sa mga chenes. Kung kamag anak or kapamilya nila ang nagpupumilit sa knila, they still have a choice to get away from them kasi they have their own mind and body. If theres a will, theres a way.

      Delete
  10. Which church yung pastor? Rica’s husband is a pastor in Victory yata.

    ReplyDelete
  11. Anong vid kaya ung nire refer ni Rica? Anyway all the time I was just staring at her pretty face while she’s talking 😍

    ReplyDelete
  12. The truth some religions they even want to know where you work. Pag di ka sumamba sisirain ka nila sa work. Pupuntahan ka ng mga pinoy na bretheren sa work. Hayy anlaking organization ng religion sa Pinas na nasa Ibat ibang bansa na. i am aware of this. just pray to God. He will block these evil people.

    ReplyDelete
    Replies
    1. When I was new here in canada, dami mga christian groups na nag iinvite sa akin to attend their service and worship. To the point na mauubos oras mo sa service and worship kasi 2 hrs. Di naman ako makaalis nun kasi wala akong car at sila lang sasabayan ko pauwi, at malayo sa bus stop, at kapos budget kasi bago lang.

      Ipaparamdam nila na welcome na welcome ka at kaibigan sila at magtitiwala ka naman kasi wala kang ibang kakilala.

      Dumating sa punto na pinipilit nila ako mag convert. Thats the time i stopped attending. Kinulit ako nang kinulit via text. Tapos nasiraan pa ako sa FB page ng mga pinoy community dito just by not attending. Lol.

      That is the reason hindi na ako masyadong nakikisama sa mga pinoy dito. And i stick attending catholic mass.

      May mga christian groups din naman na no pressure, legit ang help na binibigay at di ka pipilitin mag convert. Umaattend ako minsan ng service nila pag may time ako. Pero parang bihira yung ganun sa canada.

      Delete
    2. Also, when you’re abroad never ever give Social Security sa mga brethren. They will check all info about you. I believe in going to church for faith purpose. I don’t go to church pra sa mga toxic pinoy marites sa church. Church then uwi agad. I’ve learned my lessons di mapagkakatiwalaan ang mga ibang members na pinoy jajaja.

      Delete
    3. 9:00 Try mo yung Christians na hindi mga Pinoy, you'll see the difference. Relax lang.

      Delete
    4. 8:48 try watching horror movie.

      Delete
    5. Correct, 9am. Ganyan din nung nag japan ako, lahat sila na attend ng sunday service ng buong araw while I chose to stay by my faith, catholic, kahit ako na lang mag isa nagsisimba and nihongo ang mass. Umalis na kasi yung mga kasama ko. Hanggang walang masamang tinuturo ang catholic, I stay and will forever be. Hindi nagtuturo ng hate sa ibang religion, hindi nagkiclaim na sila lang maliligtas. Sure it has flaws, tao lang naman kasi din namamahala at nagkakasala but overall, Jesus is the head of the church at siya ang pinakapinaniniwalaan ko.

      Delete
    6. 8:48 gurl, ang ignorante mo nman if thats what youre seeing. Pareparehas lang mga yan.

      Delete
    7. 1:17 dito din ako sa japan pero ang experience ko naman japanese ung katok ng katok sa bahay namin pero marunong na sya magtagalog. Ang daming binigay na mga pamphlet, pano nya kaya nalaman bahay namin. As in pag di nya ako naaabutan, nag-iisan pa ng silat/postcard. Gustong gusto ako pasalihin sa religion nila. Ung tipong gusto pang pumasok sa bahay. Nakakatakot na. Parang ang gusto nolang palabasin e pag umiwas ka, masama ka, but they are actually the creepy ones. Kung di pa kinausap ng asawa ko hindi pa siguro un titigil. Sa isip ko bakit kaya ako pa ang tinatarget nya e naniniwala naman na ako sa Diyos, bakit kaya hindi ung ibang japanese ang imbitahin nya since mostly hindi sila Christians. Kung aim nila ay mapapaniwala ang lahat about kay Christ, edi ung mga Japanese ang turuan nila at hindi ung mga existing Catholics/Christians. Kaloka lang

      Delete
  13. Yung kulto eh yung obligatory kayong magbigay ng Donasyon monthly May pa 10%, tapos merong rules na hindi naman naaayon s Turo o aral Pero yun ang sabi ni Pastor. RELIGIOUS PEOPLE DO WHAT IS BEING TOLD EVEN IIF ITS NOT RIGHT.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true was so gullible before, never again , kahit sa bible study need magbigay ng 10% kahit na after lang ng Sunday Service, iba pa ung bible study with your students kasi na assign me
      sa youth, san naman kukuha ng pera ang students di ba

      Delete
    2. Oo the new testament doesn't impose on that eh as Christians dapat mas focused tayo sa new testament kasi nandun si Jesus. Sarap ng buhay ng mga pastor na automatic 10% every Sunday. Habang nag babanat ng buto ang members sa trabaho sila nakaupo lang at kakain ng masarap kasama ang pamilya nila. Hindi mo dapat obligation ang pastor at pamilya ng pastor basta covered ang place of worship dun sa donation hayaan ang Pastor buhayin ang pamilya nila. Parang may child support ka sa 10% deduction

      Delete
    3. To be fair no. Ung ten % hindi un mapupunta sa pastor. Kondi magagamit un para sa pangkalahatang gawain para sa church, nasa 5-8k lang actually monthly ng mga Pastors. Compared sa mga Pari na nakakapundar pa ng mga sasakyan. Sa Pastors din walang bayad ang house blessings, binyag, etc. Unlike sa Priest na house blessings, binyag, etc may certain amount.


      Tatanungin ko kayo, sa old testament nagbigay ng pattern na 10%.

      Sa new testament CHEERFUL GIVER ang sinasabi walang quota.

      Ngayon alam mo na 10% sang requirement sa old testament,
      tapos bilang sa new testament dapat cheerful giving walang pilitan..

      bababaan mo ba ang ibibigay mo? Imamaintain mo o hihigitan mo pa, o bababaan mo pa sa 10%.

      Alam mo nan na 10% sa old testament so bababaan mo ung standard?

      Delete
    4. Hindi nga napupunta sa pastor ang 10% pero ipinaliliwanag ba nila kung saan lahat napupunta. Imagine 10%tithes tapos may offerings pa every service so bale dalawmg sobre iooffer mo. Ganyan kayo icocompare nyo sa mga priest, atleast sa Catholic hindi ka obligado, kung ano lang ang kaya mo. Even nung lockdown, walang trabaho mga tao, they still expected everyone dito sa London na mag offer at ibigay yung tithes kasi may bank transfer naman. Ireremind ka talaga before and after matapos ang zoom.
      And one more thing sa mga church na na attendan ko talagang bibigyan ka ng sobre at nakalagay pangalan mo, yung mga regular naman na member naman, tig isa pang sobre yung mag asawa, I mean what the h*** diba. Diko lam bat dami nagpapaloko

      Yung mga members sa church nato grabe hindi sila makapag bakasyon ng matagal, yung iba as in wala buhay na nila ang church, may bible study at prayer meeting pa pero ang mga ugali naman hindi mukhang Born Again, mga maritess din at mapanira din ng kapwa.

      Kaya I stopped going na rin, hindi ako happy, kahit Christians na lahat ng friends namin dedma na ako kasi sila sila din naman ang nagkekewento na ang dami ding mali sa church nila, saming issue at magkakagalit. They just chose to stay kasi sa mga anak daw nila.

      Delete
    5. 6:58 huwag ka magpaloko. Akala mo maliit lang ang monthly wage niyan pero madami silang perks and benefits, kaya nga napaka lavish ng lifestyle ng iba diyan. Like this pastora with her malaking bahay, kotse, at mukbang galore!

      Delete
  14. I remember working in a clinic, it’s odd na alam na nila where I work, at pinuntahan pa nila ako dun.these are pinoy brethren. Mga kapatid stop that please. It’s like Mafia.

    ReplyDelete
  15. Naalala ko tuloy dating church ko, laging preach obey your leaders, authorities etc. Nung pandemic they didn't like the lockdowns so they just disobeyed their leaders. They obey when it suits them.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Flawed yung teaching. It teaches you to be uto-uto when we should be discerning. You obey the law, not the leaders because leaders are humans too and can be corrupted.

      Delete
  16. Pastora nila Marites na bungangera

    ReplyDelete
  17. There’s nothing worse than an ex-catholic na nag convert to a different religion.

    ReplyDelete
  18. Most of this so called church leaders didn't even go to theology or bible schools to begin with...basta naka basa lang bible pwede na kaya daming naglipanang simbahan kuno

    ReplyDelete
  19. Kaya ako hanggat maaari umiiwas sa mga religious na tao lalo na yung very devoted

    ReplyDelete
  20. Off topic. Tagal na din ng braces ni mumsh noh?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think pinatanggal nya dati tapos nagpakabit ulit after few years

      Delete
    2. Naalala ko ibang tao dito...pang flex na may kaya kaya naka braces. Hahaha. But seriously, I had these before at sobrang ayoko sya kasi madalas magsugat yung inner lips ko, ang hirap linisin at nangingilo pad inaadjust. Ang saya ko lang nung tinanggal na.

      Delete
  21. some "christians" are condescending. kaya rin ako umalis kasi nag-iimpose ng belief sa iba, homophobic, know it all... tapos ang church leaders ay nag-away para sa influence at pera! ngayon my relationship with God is more personal and open.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 6:21 I don't think they are homophobic. May verses kasi sa bible na abominable sa Diyos if you have sexual relationship with the same gender so yun ang hindi tanggap ng Diyos yung "sexual relationship" but whether you are gay or lesbian accepted ka ng Diyos so hindi ang kasarian ng tao ang issue kundi yung actions na immoral sa paningin ng Diyos. I hope this will help those who don't understand.

      Delete
  22. May maniniwala pa ba kay Pastora? sana matauhan na mga minions nya

    ReplyDelete
  23. If you study doctrine, there is no such word as “pastora”. Even pastors are used wrong. Pastors are elders of the church. Over seer. Iba ang mga minister at preachers. Ewan ko ba san galing ang pastora na pinapauso porke babae ang speakers. Pwede naman gamitin ang term na speaker sa babae papauso pa ng pastora. Sa pagtanggap pa lang ng tawag sa kanila, maling mali na. How much more sa mga tinuturo nila.

    ReplyDelete
  24. Irepresent mo si Jesus in your life - the way you talk, the way you treat the people around you. Di ba sabi nga sa bible "Love one another, as I have loved you". Hindi naman ganyan si Jesus. Baka iba ang finafallow ng pastorang yn. Sana na call out sya ng higher leaders nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am a Catholic and tama, ang pinakamensahe lang naman ni Jesus sa atin ay magmahalan tayo. Wag tayong maging judgemental like that pastora. This is a huge challenge para sa ating mga tao talaga. In fairness na din kay pastora, she is also a work in progress. Pero sana she be careful of what comes out of her mouth. Yung naiiisip naten na hindi maganda sa ibang tao hnd naman magiging kasalanan yan, until lumabas na yan sa bibig naten.

      Delete
  25. coming from rica?? wow ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit? Anong meron kay Rica? @ 8:00 AM

      Delete
    2. Di mo alam pinagdaanan nya? Magresearch ka.

      Delete
    3. 10:52 madami ding gusot sa buhay yan si rica ewan ko bat nagkukuda na parang ang banal banal na ngayon

      Delete
    4. Di mo naman pinanood yon clip, sabi nga nya di sya perfect na tao at sinner din sya. Nagbigay lang ng POV hindi sya nagpapakabanal.

      Delete
  26. May nag tweet na former member ng church na yan, kulto talaga sya at yung pastora sobrang bully. Lavish din lifestyle nya while convincing some of her members na tumigil sa pag-aaral para mag serve kuno full time sa church. Gagawin kang katulong for short. The siblings got out and are trying to heal from being brainwashed for years.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sya rin ata yung pastora na nagmumukbang at parang nang iinggit

      Delete
    2. 12:57 siya nga teh, nagkalat na videos niya sa facebook. I just checked it last night because of this post.

      Delete
    3. Maypakaglutton pala pastora na ito. Magandang supportahan yon mga pastora na nagpapakain sa less fortunate kaysa sa pastora na nagpapakabusog sa sarili.

      Delete
    4. Reminds me of the documentary about Hillsong. Ang creepy nung bishop nila sa totoo lang.

      Delete
  27. I came from a Christian Church din, not big like the known church here pero related sila with international churches

    I left kasi parang lahat ng desisyon ko need ipaalam sa leader ko and ang leader kk inuutangan ako pareho naman kaming working


    may regrets medyo pero ilang taon din me
    na takot makita nila
    ako or makilala

    sabi nga ng family
    ko parang kulto feels hinayaan lang me
    somehow kasi sabi nila matalino maman and matanda na ako

    mabait naman pastor and asawa nya pero off talaga iyong money issue and parang focus sa tithes

    ReplyDelete
    Replies
    1. I attended a similar church when I was growing up. Puro tithes bukambibig nung mga pastor. Every Sunday tungkol sa pagiging mas mayaman yung preaching. I left when I was old enough to make my own choices. I transferred to a relatively bigger Church with my Ate, mas naging okay for us.

      Delete
  28. May orgamate ako nung college, palagi nya akong niyaya bible study tapos pinapangaralan ako dahil ang touchy ko daw sa boys. Im one of the boys kase at mas gusto kong friends ang mga lalaki dahil wala silang drama sa katawan. So issue sa kanila na “malandi” daw ako, pinagppray over pa ako. Ang ending nabuntis sya out of wedlock at ng minor pa ha. Ang linis ni ate eh 😂😂😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. omg hypocrite or sasabihin ma churchmate naman nya un or worse will ni God 😭🥲

      Delete
    2. Ay sana iniinis mo si org. mate mo. Kung ako yan, iinisin ko tlga yan ng super bongga. Hahahhaah

      Delete
  29. Ginagawang business ang pagiging Pastor at Pastora. Tumataba lang sila sa sarap ng pagkain at sa high end restaurant pa nakain salamat sa 10% niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:24 it’s true, pangkabuhayan showcase yan, merong mansion at kotse Pero yung mga followers nila ang kumakayod

      Delete
    2. May kaklase ako dati may convention of some sort sa US ung religion nila so buong pamilya nila nakapuntang US kasi may position ung tatay. And kaninong pera ang ginastos? Not their own!

      Delete
  30. Searched it on google. No wonder bagsak sa 1 star ang reviews. Kakahiya ang church na ito.

    ReplyDelete
  31. Kung may Buddhism lang dito matagal na siguro ako nag convert. I feel like it is the perfect fit for my personality and beliefs. Walang sapilitan, walang hard selling, walang pangungutya, chill lang ang Buddhism.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sus. Lahat naman ng religion claim that its chill outhere. Eme

      Delete
    2. 2:27 you can practice it naman, di naman sya religion, it’s the way of life kasi meron ding mga Jews At Catholics na puna practice ang Buddhism.

      Delete
    3. Chill doesnt equal to religion.

      Delete
    4. Guess what? You don’t have to koin any religion at all. Di naman sya required. Halos parepareho lang din naman ng tinuturo about pagiging mabuting tao

      Delete
  32. Moneymaking operation yang mga ganyang kulto kaya ang higpit ng kapit nila sa members nila. Imagine, donations and tithes na tax free? Tapos they use church members are free labor pa? Tiba tiba sila. So of course ayaw nila pag may umaalis. They are greedy and power hungry

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung isang sikat na religious sect pati mga alagang kambing at baka binibilang nila tsaka may check attendance pa, bawal umabsent sa simbahan. Haha

      Delete
    2. Mismo! Look at these private Catholic schools ang mamahal! Only the those who can afford ang binibigyan ni Lord ng chance na mag aral sa magandang school. If you are less privileged magtiis ka sa mainit na classroom at mag hati hati kayo ng books.

      Delete
    3. 10:11 I come from a well-known Catholic school. Aside sa mahal ang tuition lagi din nanghihingi ng kung anu-anong donation.

      Delete
  33. It's best not to have any religion at all. Just like most Japanese who don't identify with any religion, they have the freedom to practice ceremonies from different religions. They don't believe in God, but they respect nature greatly.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree. I went through this and it was quite a journey. Searched for what’s best for me from Catholic to “Christian” to Baptist to Buddhism etc until I felt peace just not having one.

      Delete
  34. Pag adult na, di naman required sumapi di ba sa anumang relihyon. Ako kasi importante sa'kin may sarili akong spiritual link sa Diyos saka sinusubukan lagi na maging mabuting tao. Nagkakamali man, walang judgemental na grupo 🤷

    ReplyDelete
  35. I remember when a Christian approached me one time, he asked, do you believe Jesus loves you? I think he fully expected me to say no. So he can convince me otherwise. I said yes, i'm Catholic that's why. No more questions after that.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Someone asked me that sa public place. I politely but straightforwardly replied - I dont believe in Jesus

      Delete
  36. Gullible kasi mga Pinoy kita mo daming nasascam same din s church na yan. Daming nabubudol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me, hindi lang sa Pinas yan. May mga ganyang galawan din mga churches sa ibang bansa.

      Delete
  37. Pare parehas lang yan sila

    ReplyDelete
  38. May experience din kami sa isang Pinoy Pastor dito sa San Diego area na hindi naman kami kakilala personally eh ang dami dami sinasabi just because galit sa amin yung isang member nila at kinakampihan nya. Hindi naman about faith and Christianity ang issue but he made it about that. Kesyo di daw kami maliligtas. Minsan talaga yung ibang pinoy hindi lang sa dugo dugo gang nabubudol eh. Pati sa mga pastor pastoran.

    ReplyDelete
  39. Kaya ayaw na ayaw ko sumama sa mga religious groups eh. Harrassment and money lang ang kalakaran dito. I remember my friend na hinaharrass and kinocornered ng mga kasamahan nila sa church like sisiraan daw ang business nila and pamilya nila if theyre unable to follow what they demand (including money aka donation).

    Tpos another one is hinaharrass naman ang another friend ko ng angkan nya na religious people (ung uncle nya pa ay may pwesto sa church nila) for being gay. Worse is that kay friend pa sila nakadepende ng pang araw araw nila. Slave ang turing sa friend ko

    My experience nman is nabubully din ako for being to feminine for the society (Im Bi). Binabato ako ng blackboard eraser, ng notebook, etc nung HS ako. Nag aaral ako nito sa isang Catholic school. Kaya since then, iwas ako sumama sa mga religious peeps. Nasama naman s mga close friends ko nung college n ako but I didnt really join their church or talk to anyone there except kay close college friend ko.

    Trauma lang ang dala ng mga religious groups. I still believe in God but I just it to myself.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agreed!

      Donation
      Contribution

      At Banal ba Banalan

      Dyan sila magaling....perioddd🎃

      Delete