Wednesday, September 20, 2023

Ramon S. Ang Reveals Strict Reminder to Children on Flaunting Wealth


Image and Video courtesy of YouTube: Tune In Kay Tunying

142 comments:

  1. Hindi kami mayaman, pero pinalaki rin kaming tawag namin sa mga kasambahay namin 'Ate' at 'Kuya'.

    Pati sa mga security, janitors, at facilities staff sa office, 'Sir' pa nga tawag namin eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May iba pa bang dapat itawag? Parang generic naman talaga itawag sa kanila ang ate, kuya, etc..

      Delete
    2. Same. I don't even call kasambahays as maid or yaya kasi parang derogatory pakinggan. Pati sa service staff lagi din ako nag thank you at bumabati.

      Delete
    3. May iba kasi na nagpapatawag ng ma'am at sir. Yung mga feeling alta lang.

      Delete
    4. 12:38 sus yung iba gusto yaya kasi panglambing

      Delete
    5. Kuyabels and atebels happy? Be creative kineme …Susko naman pati ba naman yan isyu? Lahat na lang talaga

      Delete
    6. Very valid naman ang sinabi ni 12.18 ang dami kasing mayayaman ang tawag sa mga kasmbahay nila ay inday at dong. Ganyan ung mga may kaya kuno dito samin. Hindi naman inday name ng kasambahay eh un ang tawag.

      Delete
    7. May friend nga ako na dapat mga yaya nila may uniform at kasama nilang lumalabas. Flex talaga na may kaya sila.

      Delete
    8. 158am youre like me coming from place of ignorance. fyi sa province inday saka dong talaga tawag. tignan mo si annabelle rama. in fact kami ilongga background mga nickname mismo inday nene bebot pareho tawag sa mga alta na aunties or nanay namin. di po yan dahil helper kundi dahil taga probinsya yan po talaga tawagan. ate din po ang inday or parang term of endearment sa babae.

      Delete
    9. oy pwede ba yang uniform ng yaya sabihin ko lang ha sila mismo gusto kasi magastos magcivilian. naluluma agad at kailangan paiba iba. ako totoo lang damit ko paulit ulit lang kasi nakakatamad magbihis lagi. iba iba kulay pare pareho style iisa. kung pwede ako maguniform gagawin ko. sayang pera. pati naman sila zuck and elon tignan mo suot napakaplain. si zuck iisa nga lang suot nyang top. sabi jya para di na sya magiisip. ganyan din pakiramdam ko.

      Delete
    10. Kami din mas kampi p sa kasambahay namin parents ko pag May sala kmi at pinag aral ng college ng parents ko pinsan ang pakilala namin

      Delete
    11. Lahat naman yan ay pahiram lang dito sa mundong ibabaw. Dahil ultimately kahit singkong duling ay di nadadala. Kaya wag ipagmayabang or let others feel small because they don't have what you have. Ang mahirap, when you're stripped of all the material possessions, eh ano o sino ka kaya?!?!

      Delete
    12. May kamag anak asawa ko hindi naman yayamanin. Ang bahay e waley lang pero gusto tawag ng yaya sa kanya ma'am

      Delete
    13. 1:40 haha oo. Sa susunod pati kung gaano kadaming toothpaste ang ilalagay sa toothbrush pagtatalunan na din

      Delete
    14. Agree 1256, yay for us and #1, call hr anything else and she gives us the tunaw kaluluwa look.

      Delete
    15. 2:11 para di malost sa outfit haha

      Delete
    16. I have kasambahay rin. They call us on first name basis.

      Treat them as family din

      Delete
    17. 2:11 bat issue yun? May mga kasambahay talaga na gusto nila may uniform since kokonti lang damit nila. I know kase may pumasok samin na gusto niya ganon

      Delete
    18. 2:11, andami kong nakikitang ganyan. Yung iba nga kupas pa yung uniform at may butas pero pinapasuot pa din. Minsan gusto ko tanungin yung mga amo if okay lang sa kanila na pagsuotin sila ng basahan katulad ng ginagawa nila sa helper nila.

      Delete
    19. Yung isang successful entrepreneur na lumaki din sa hirap at yumaman sariling sikap napaka galang at may respeto sa guards sir at ma'am talaga parati. Pati yung asawa nyang legit na mayaman parating maabit

      Delete
    20. 2:11 Mga nouveau riche ganyan mga biglang yaman o minsan nga middle class lang feelingera na.

      Delete
    21. There is nothing wrong with Inday means female loved.

      Delete
    22. 1:58 pag bisaya yun tlg tawag sa knila kahit d katulong

      Delete
    23. Very discriminating naman sa hindi Tagalog yung sabi mo 1:58, Inday, Dong, Manang, Manoy are Bisaya terms, hindi yan rude. Hindi lahat ng pinoy ay tagalog, baka nakakalimutan mo.

      Delete
    24. 1:58 You make it sound na derogatory ang inday and dong. It's a commonly used term sa mga Bisaya. Baka kasi ginagamit mo yan para pagtawanan ang mga Bisaya.

      Delete
  2. This interview is very basic.
    Hindi lang sa mga kasambahay, pero kahit sa mga jeepney at tricycle drivers, supermarket cashiers, security guards, delivery riders, etc... dapat naman talaga marunong tayong makitungo ng tama kahit ano pa estado sa buhay.

    Hindi kailangan maging mayaman para malaman pano magtrato ng kapwa natin nang tama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku dito sa condo na tinitirhan ko, kulang sa basic manners ang karamihan sa mga taong nakatira. Pag binati ng mga staff ng good morning, dinadaanan lang ang mga staff na parang hangin. Hindi man lang marunong bumati or i-acknowledge yung pagbati. Akala mo kung sino eh ang condo na to hindi naman pang mayaman. Ni hindi nga ito pang upper middle class.

      Delete
    2. 9:34 The last sentence explains why hehe

      Delete
    3. Nahiya ang mga local celebs, local vloggers na puro pa-TH flaunt ng brands.

      Delete
  3. Totoo ba sinasabi nya mga accla.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, down to earth yung mga anak nya…

      Delete
    2. RSA doesn't allow his employees to speak english when presenting him marketing plans.

      Nabwibwiset sya sa mga englisero. BWHAHAHAH

      #FACT

      Delete
    3. 1:49 ngayon ko lng narinig mgsalita c RA and i was amazed kasi di sya english spokening dollar. para syang tatay lng noh. he sounds mabait too.

      narealized ko din now in my 30s, wag talaga mag invest sa porma heheh keri na simpleng outfitan bsta may arep ang bank account hehehhe.

      Delete
    4. Hindi nga, accla totoo yan? Kasi lalo na kung office presentation diba english or khit taglish? Or importante sa knya, ROI lang?

      Delete
    5. 1:49am naalala ko tatay ko pinagsasabihan yung kuya ko na nag aral sa isang big 4 school at nag MBA abroad na wag syang English ng English sa staff namin dito kasi di daw sya maiintindihan or di magiging relatable. Hahaha totoo naman. Kung mga other executives pwede pa.

      Delete
    6. yes,nakita nyo na ba mga anak nito nasa social media flaunting their wealth?even in newspapers/online news baka sa business section lang or wala pa nga.

      Delete
    7. Real rich people pay a lot to keep their names off of the headlines or tsismis whereas ung mga gustong magfeeling mayaman will do everything and anythinf para mapansin at mafeature kahit nega news ppatusin kasi negative publicity is still publicity

      Delete
    8. Hehe 10:11 meron akong friend ang joke nya palagi "Magbukasan nalang ng wallet" at dun magkaka-alaman. That same friend ay rich and super humble.

      Delete
  4. Ganyan ang dapat! Yung friend ko dun nag work ang kapatid nya, simple daw talaga ang pamilya nila. Madisplina at magalang pa. Di mo aakalain na anak ng amo nila.

    ReplyDelete
  5. Agree naman ako pero wala rin naman masama kung hindi simple, kasi you only Live once e, wala masama magkaroon ng maganda at mamahalin na bagay lalo na pinag trabahuhan mo basta remain humble at marunong ka dapat maki bagay at maging sensitive sa paligod mo like sabi nga ni Sir ramon ang hahalubilo ka sa mga empleyado syempre you will adapt, simplehan lang ang suot,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto kasi nya baks, nakikibagay sa paligid yung mga anak nya. Hindi yung mga normal workers ang kasama tapos naka Hermes at Lv from head to toe tapos yung iba rude pa sa mga service workers.

      Delete
    2. Walang masama pero sa presyo ng gamit at suot mo kung lantad na lantad tulad ng mga designers litaw na litaw ang logo hello

      Delete
    3. Depende pa rin sa valuea mo. Walang masama magkaroon ng mamahaling gamit if that’s what tou like pero sabi mo nga you only live once so being obsessed with those take your time away from other more valuable things. Bakit ba kasi kailangang gawing symbol ng hardwork ung mga mamahaling bagay? Kung wala kang branded stuff it shouldn’t mean na tamad ka. It could mean na you value other things than those pricey material stuff. Why not measure uour hardwork based on how easy your life has become. Yung di na isang kahig isang tuka. Hindi puro utang at hindi puno ang credit limit. Life is too short to just be obsessed with superficial things. But again kanya kanyang trip but your choice shows the kind of person you are.

      Delete
  6. I know his daughter, walang kaarte arte. Tomboy pa nga ang dating before. Di ko akalain yan pala tatay niya.

    ReplyDelete
  7. Ang Grabe mag flaunt ang mga vloggers naloca ako sa kanila. Ang Dami mga burloyloy sa mga kamay Tapos mga watch Naka Rolex . Even mga bags branded Basta from head to toe … pag Naka business class sa mga trip todo post Pag Hinde business class Hinde nila post 🤣 Iba sila masssabi ko lang real rich people don’t flaunt things mga trying hard rich super yes Madami sila sa fashion vloggers

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Cringe nga ehgagawa ng content to flaunt luxury items. I know it's their money, but still... medyo off for me. Ako lang naman ito...

      Delete
    2. Kung makaasta kala mo crazy rich asian. Ok lang naman to want high quality items and wanting to look good, ang hindi classy yung pagbabalandra sa socmed. Halata tuloy na ngayon lang nakaluwag sa buhay.

      Delete
    3. Need namin yang mga influencer na yan sa trabaho namin hahaha. Kundi wala na kaming work...
      - employee of a luxury brand

      Delete
    4. huy madami ako kilalang mayayaman. palapost din sila pero sa circles nila usually. tapos nahiya naman mga kardashians na sobrang yayaman din na palapost.ganyan sila. look at jinkee.si aude vlogger sobrang legit mayaman din. lahat sila flashy maski anak nga bill gates eh. si rsa drama nya lang yan sobrang flashy ng mga anak nya saka sya. mga gamit nila collectors' items

      Delete
    5. Trueee. Some would even say na bread and butter daw nila ang luxury posts pero OA ang pag show off. Cringe. Hindi nakaka alta.

      Delete
    6. True. Before pinapanood ko mga yan kasi may natututunan pa ako. Ngayon lahat ng vlogs puro flex ng bags at kotse. Yes, alam natin na pinaghirapan nila pero not everyone is given a chance maging vlogger. Kaya pinapanood ko na lang ung mga may matutunan ako talaga.

      Delete
    7. The really rich ones -the old money- are lowkey and not show offs. Para sa kanila, normal lang yung kung ano ang meron sila. Normal lang ang rolex, normal lang ang mga restaurants na kinakainan nila (at normal lang yung pagkain nila), normal lang ang magtravel etc etc ergo no point posting it on socmed💅

      Delete
    8. Mga patay gutom kc mga vloggers di legit na mayaman. Pa flex lang alam

      Delete
    9. May kilala akong influencer kuno ma ganito. Eh puro utang lang naman pambili

      Delete
    10. 10:11am sinabi mo pa. Utang or lay away for luxury items. Tas pag nagka emergency ifforfeit or benta ng palugi kaya di talaga nakaka angat sa buhay. If you cant afford luxury goods, don't buy it!

      Delete
    11. Kaya tuloy may mga gumagaya

      Delete
    12. 5:33 jinkee only became legit rich because of manny.

      Delete
  8. Si RSA yung totoong definition ng stealth wealth. Simple lang at hindi flashy.

    ReplyDelete
  9. Iba iba pag papalaki ng anak mayaman ng magulang . Meron mga anak mayaman yet simple lang Kahit Naka suot ng branded clothes but napaka humble as in. Matulngin, ma respect nag cocommute etc. iba iba kasi yan. Besides sa Dami mo pera anu gagawin mo diyan ất ang yaman mo Kaya mo ba yan dalhin sa langgit Hinde diba? Edi spend it.. spend it wisely, share it sa Mas needy, do feeding programs if May extra ka buy whatever you want and travel. Basta make sure may naiwan ka money for emergency . Wag ko na ipagyabang. No need! Besides real rich people don’t flaunt. Yan ang perception ni ramon ang Tama naman siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You cant bring it to your grave but you can pass it on to your children grandchildren, etc etc. Di mo pa naririnig siguro ang concept ng generational wealth.

      Delete
    2. Sa yaman nila baks, may sariling charities yan sila at nagbibigay pa yan sa ibang charities. Kaya mostly he is talking about how he raised his kids. But hindi rin masama na maging mayaman at may values maski pa we live once.

      Delete
  10. Itong si RS ang dapat may mataas na posisyon sa gobyerno. Napaka-matulungin at may malasakit talaga sa bayan. Napatunayan yan nung kasagsagan ng pandemia. Ang dami nyang natulungan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman tumulong sa ibang paraan. Di naman kailangan parati nasa pulitika.

      Delete
    2. Wag na. He can help more with his private position di na mapolitika

      Delete
    3. No need na. He can help in his position ma naman

      Delete
    4. conflict of interest, he is the owner of SanMig tolls already...baka puro expressway na, private vehicle owners lang makikinabang

      Delete
    5. No to RSA in politics. Ok na ako sa philatrophy nya. Mga pinoy talaga isip na qualification sa politiko "matulungin". Politicians are there to make laws, enforce policy (depends kung executive or legislative branch) and in effect make our country and lives better. Nasanay lang mga tao sa dole outs/"tulong" na galing din naman sa buwis natin.

      Delete
    6. I second that 2:53 ang tingin sa politiko ay dapat ung nagbihigay ng pera when in fact their job is to provide everyone a job or source of income para they can earn on their own at hindi na umasa kahit kanino. Ung nakasanayan nating politics kasi puro bigay ng pagkain at pera sa mahirap kaya nakanganga na lang ang karamihan. Ang tunay na govt ung marunong gumawa at magpatupad ng batas at programa para lahat umangat at maging responsable sa sarili

      Delete
  11. Totally agree. Ganto kami pinalaki ng papa ko and I'm thankful. Yung meron kami is nowhere as near as sa family ni RSA but I could say we're comfortable and more. Hanggang ngayon sinasabihan kami na mabuhay ng simple at wag masyadong maburloloy at wag makisabay kahit kaya naman. Pinapagalitan kami kung maporma kami or mabili ng luxury goods. It makes life much simpler and at the same time din naman kung gasta ng gasta mabilis din labas. Yung buhay lang ngayon with soc med madali kang madala na makisabay but I'm glad we have that foundation that keep us grounded.

    Listen to that wise man. There's a reason why he's where he is now.

    ReplyDelete
  12. Dito sa UAE yung ibang pinoy kung mka-porma prang nabili na yung jewelry shop at kung todo display ng mga branded na gamit, pero kapag judith na hanap na ng mauutangan pambayad sa credit card..

    ReplyDelete
    Replies
    1. We have a relative na todo postura at maalahas pero ang daming utang. Yung mga utang nya sa mga kapatid at aunties ko never pa nabayaran pero kung makaasta sa ibang tao kala mo kung sino. Ang hilig pa mang-utos at mang solicit ng pera.

      Delete
    2. Lalo pa kung may kasamang ibang lahi akala mo alta kung umasta, para bang yong pera nong lalaki eh pera niya din hahaha

      Delete
    3. Yung MIL ko ganyan but its all fake kaloka.

      Delete
    4. Mg naninilaw sa gold hahaha

      Delete
    5. Daming mga ganyan kababayan nating slap soil na utang pambili

      Delete
    6. Ako naman nagsusuot ng alahas, kasi yan lang meron ako, dati kasi tinatago ko, tpos ninakaw lang, pero hindi ako nagsusuot ng mga mamahaling bag, wala kasi akong ganon, atska ipambibili k nalang ng gold,pag gipit benta or sanla. Mga damit ko, ukay lahat..

      Delete
    7. hahahahha!! kilala ko yang mga yan.. mga na-mine lang naman nila yung mga branded stuff nila.. grabe ang fakes dito sa UAE, sobrang copy sa original. kahit mga locals sa fakes na bumibili..

      Delete
    8. I know someone maka flaunt ng branded items sa socmed , every month iba iba ang bags, pero fakes lahat cos its well made hindi mo ma determine kung real or fake.

      Delete
  13. I love this man. God bless you and your family Mr. Ang.

    ReplyDelete
  14. Ang kings and queens of flaunts and flexes eh ung mga influencers kuno na mga feeling A-List celebrities.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit naman sa celebrities, may mahilig mag-flaunt ng material things. some are subtle, some are over-over, kanya-kanyang style pero pare-parehong pasikat at mahangin din lang.

      Delete
  15. A friend of mine applied for a low position in San Miguel.. my friend is a car mechanic…
    Imagine my friends shock during interview.. ang naginterview sa kanya… walang iba kung Hindi Ramon s ang….
    RSA is a mechanical engineer by the way…

    ReplyDelete
    Replies
    1. Very nice! Was he hired?

      Delete
    2. Mas nakakaloka to baks. Jusko, yung shock value mo tapos interview pa.😂

      Delete
    3. Mukha namang hindi intimidating si RSA kumpara sa ibang head of companies. Parang ang sarap pa nga nyang kausap.

      Delete
    4. Na interview na rin ako ni RA. Panel nga lang sila. This was the time na na acquire nila shares ng PAL mga 2013 ata yun. Tagalog talaga siya tapos naka slippers lang lol. This was for an FA position, kaso ligwak ako haha. Ang gaganda talaga ng mga natanggap. Super iyak ako nun.

      Delete
  16. Lol sir, kilala ko ung anak mong ka work namin, hahhaa mahilig sa pinakbet at fishball.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe nakakatuwa naman. Can't blame him masarap naman talaga ang pinakbet at fishball haha

      Delete
  17. Mababait mga anak ni RSA simple lang din Pero nakikita ko naman sila Naka branded clothes and bag Pero simple parin Walang kayabang yabang sa katawan lahat kinakausap .

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapag talagang mayaman kasi no ordinary na sa kanila ang branded things kaya parang wala lang kahit lilibuhin ang price, pero kapag new rich at feeling rich kailangan nakalabas talaga ang tatak kahit fake 🤣🤣

      Delete
  18. he was our client sa travel agency, he flies economy and in a group tour. napaka-simple, ayaw nya ng VIP treatment.

    ReplyDelete
  19. for me, it is really not how you call them but how you treat them. kahit pa katulong or yaya ang itawag mo pero maganda ang pagtrato mo keri na din un kaysa ang ganda ng tawag bago masama ang trato wala din...may napapanood nga ako sa vlogs sir ang tawag sa kanila ng katulong sa kanila pero ate ang tawag nila sa kanya pero tingan nyo naman ang pagtrato, pamilya talaga kasabay pa kumain kahit may bisita

    ReplyDelete
  20. For me important is to live within your means. If cant afford, then wag ubusin ang pera sa branded items pati latest gadgets. And pag may fiesta or bday, wag ng mangutang para sa ihahanda. Wag na rin magbisyo at magsugal. Pati mga anak, magsusuffer kung walang pambayad sa tuition pero sa handa or bisyo meron. Magiging ending cycle na po. Hirap makaahon sa hirap if yung kikitain ngayon, pambayad na sa utang kahapon……….

    ReplyDelete
  21. Wala akong masabi sa tao nato. Ewan ko na lang kung may nega pa rin masasabi yung iba. Grabe. Daig pa ang presidente sa laki ng naitulong galing sa sariling bulsa. Mygad. And never nag bad mouth sa mga nasa pwesto. Juskodaiiii napala ganda ng pilipinas kung lahat ng mayayaman ay ganyan mag-isip.

    ReplyDelete
  22. Wag Sana pumasok sa politics ito si sir Ramon. Dami nya tao natutulungan without engaging in politics.

    ReplyDelete
  23. Yan ang totoonh Rich! Aware sya ba ang di dapat ginagawang Diyos ang pera. Aware na aware sya na di nya madadala sa hukay. Grabe ang purpose nya sa life, worthy.Long live RSA!

    ReplyDelete
  24. iba ibang diskarte kase yan. Merong mga tao na walang pera pero push sa pagbili ng branded kahit wala ng makain at meron naman na mayaman pero hilig lang talaga nila yung branded at meron namang gaya nya na super yaman pero gusto simple pa din. Nasa pakikitungo yan sa tao at wala sa pormahan. Yung mga mayaman tulad nya, wala ng kayang patunayan. Sabihin mo plang ang name alam mo na na bilyonaryo. So kahit mag shirt at pants lang carry na. Yung mga tamang mayaman, they want it to be known na umasenso na sila di na tulad nung pgkakakilala ng iba sa kanila. Yung mga walang pera naman na pinupush pa din mag branded, tamang social climber lang talaga

    ReplyDelete
  25. Nakkatawa pa dito sa pinas ung ibang hindi nman tlga gnon kayaman,mga katulong naka uniporme pa tlga smantalang yung nkita kong mga real rich gaya sa hongkong wla ngang uniform kutulong.

    ReplyDelete
  26. i treat everyone equally..hindi din maid tawag namin kundi helper and madalas pinaghahain kopa helper namin para mabawasan yun pagod nila naniniwala kasi ako na you get what you give..Have a great day everyone!

    ReplyDelete
  27. Ang dami din nya donation nung pandemic

    ReplyDelete
  28. St. Josemaria Escriva is quoted as saying that, “It makes no sense to classify men differently, according to their occupation, as if some jobs were nobler than others. Work, all work, bears witness to the dignity of man, to his dominion over creation. It is an opportunity to develop one’s personality. It is a bond of union with others, the way to support one’s family, a means of aiding in the improvement of the society in which we live and in the progress of all humanity.”

    ReplyDelete
  29. Very inspiring. Sana maraming tumulad sa kanya. Sino pa ba ibang rich peeps na ganyan? Yung humble, simple at tumutulong talaga sa kapwa.

    ReplyDelete
  30. Daming kamag anak namin sa Pinas feeling mga alta. 😂 Ma-porma and all but they haven’t even reached the top 30% 😂 Pang economy class pa rin pero kayayabang 😂 Be like Ramon Ang dapat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 10:57 I hate to point this out but you seem mayabang az well.

      Delete
    2. 1:15 and insecure…

      Delete
    3. 1:15 4:57 you seem to be natamaan sa economy class na nagyayabang. 🤭

      Delete
    4. Vloggers ang mga super yabang para sa content na karamihan ay peke

      Delete
    5. 10:57 baka sila yung mga kamag-anak na tinamaan mo hahaha

      Delete
  31. Kase they have everything na. Anytime accessible sakanila mga luxurious things. So its pointless na mag show off pa. Mga normal na tao minsan napopost ng mga luxuries kase sakanila achievement yun. Not everyday makakabili sila ng mga ganun so pinopost. Sa mga influencers nan, trabaho nila ang mag advertise ng mga brands. Either may contract sila sa mga brands na yun or gusto nila makuha attention ng brand para kunin sila. So it really comes down to how we see the post of other people. Either mainggit tayo dahil wala tayo sa kung anong meron sila or maging masaya tayo na na achieve nila yun

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tumfact! Ito lang ang comment dito na may sense.

      Delete
  32. Ugali kasi ng pinoy mag flaunt. Siguro dahil ugali din ng pinoy mang head to foot pag wala kang dating, di ka rerespetuhin o aasikasuhin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Infair nakakaranas nga ng discrimination ang ibang kababayan natin abroad so gets ko why they choose to flaunt wealth para hindi sila apihin. Minsan nakakatempt nga naman sampalin ng pera yung mga mapangmata diyan

      Delete
    2. not just pinoy mga accla, other nationalities din like Thai and Indonesian. Mahilig din sila bumili ng fake luxury bags and shoes para makisabay. Yun isa ngang friend ko nanghihiram pa ng bags ko for holiday chenes.

      Delete
  33. I know someone nakapangasawa ng OFW as in nabago ang buhay 360 degrees, nung nagtutong magdrive at magkakotse hindi na makaalis ng bahay kung walang sasakyan eh dati naman wala naman silang kotse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. As long as hindi sayo humihingi ng pang gas wag mo na pakialaman

      Delete
    2. Kapag nakaranas ka naman kasi ng mas komportable mas malamang na mas pipiliin mo yung komportable. Wala naman yatang taong gustong pahirapan ang sarili at sa Pinas ang hirap magcommute sa totoo lang.

      Delete
    3. 11:52 Ang punto dito kung pano nababago ang buhay or ugali ng isang tao once nakakaranas na ng pag-angat sa buhay.

      Delete
    4. So what. Mas convenient at comfortable naman talaga mag kotse.

      Delete
    5. 304pm, baka gusto mong itumbok e nagbago ng 180 degrees. If 360 degrees, balik lang yun sa dati nyang buhay. That’s full circle.

      Delete
  34. Malalaman mo talaga kapag tunay na mayaman. Hinde ma-flaunt for many reasons. One, for their own safety, and two, taxes are waving. Only smart rich people do this because that's part of their strategy not to lose their wealth. Also they become philanthropist for many reasons.. in need to find their worth because they already have everything in life, but also for practical reasons because charities are tax free. Pansinin nyo, every huge corpo's had one.

    For those mayayaman na mahilig mag-faunt, my theory hinde sila gaanong smart when it comes to handling money or probably just plain honest. lol.

    ReplyDelete
  35. Still I wonder why some investors are wary of Petron or SMC.

    ReplyDelete
  36. let people enjoy things. unless wala ka ng makain pero todo flex ka pa din.

    ReplyDelete
  37. His daughter was my classmate in college. We didn’t realise at first she was related to him nor she was that rich until we attended her debut. Sh was very simple

    ReplyDelete
  38. Ang daming insecure sa comments. New money or old money, we live our lives the way we want them to be. Ang hindi po maganda ay kung iflex mo pero galing sa nakaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True or galing sa utang na di binabayaran lol

      Delete
  39. Ka tunying sana nakinig din kayo sa message nya. Flaunting din kayo ng wife mo hahaha

    ReplyDelete
  40. daming tinamaan 😂 eto kase ang flexing era lahat ng achevement pini flex sa sodial media, lahat ni ultimo katiting na bagay naka flex. i see the benefits in his wisdom. tama sya! daming mga kabataan ngayon na sobrang obsessed sa material things at pera pero walang laman ang mga utak, walang alam sa nangyayari sa paligid, sa history or sa geography. mapapa facepalm ka na lamg.

    ReplyDelete
  41. May mga ka business dad ko na fil-chi na 100M to 1B ang net worth pero super simple. You don’t see them flaunt their wealth. Yung iba naka 1M-10M lang feel na feel na at todo post sa soc med. LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa genes kasi nating Pinoy ang pagiging sabik sa lahat ng bagay kaya flaunt dito, flaunt dyan

      Delete
    2. FOMO kasi mga pinoy. Kahit sa birthday or pista, ipang uutang pa para lang may panghanda for the image. Magsisimba pro mukhang magmomodel sa runwAy. Kung anong baho , gusto laging meron kahit ipangutang or kahit peke wag lang mahuli sa uso

      Delete
  42. Nako magagalit ang mga FLAUNTitas sa sinabi mo Ramon Ang at gusto nilang magyabang! 😄

    ReplyDelete
  43. Vloggers po ang mga sobrang kayabangan sa katawan kala mo mga anak sila ni Ramon Ang sa pagbuyangyang mga alahas,kotse,eroplano.Karamihan FAKE,hindi kanila.

    ReplyDelete
  44. Paki tag po si Sir Ramon Ang sa page ng mga vloggers para naman magkaroon ng kahihiyan ang mga ito.

    ReplyDelete
  45. Yung mga taong mayaman na eversince, normally, simple lang talaga kasi normal na sa kanila yung mga luxurious na bagay. Kaya mahahalata mo talaga kung sino yung recently lang nakaranas ng ginhawa sa buhay. Bili ng sapatos, cellphone, damit, post sa social media. Bilis ng sports car tapos magpose ng naka side look. Minsan maski pagbili ng tiles sa Wilcon kasi papagawa ng bahay ipost pa hahahah

    ReplyDelete
  46. Tapos yung mga vloggers panay flex ng pera sa social media kala mo naman sila lang may ganun. Etong mga bilyonaryo, sanay na sa pera kaya balewala lang

    ReplyDelete
  47. Siguro if I saw this 10 years ago, matatamaan ako. You see, galing kami sa hirap. Talagang poor levels. Then nung nakarating na ako dito sa US, syempre todo makapag MK, Coach, until nakayanan ng mag LV, Gucci, Chanel. Syempre post ako ng post sa facebook ng things, car, vacations nun till I met my husband. In his circle, yayamanin talaga. Then I saw that NONE of them would wear flashy clothes and hindi ma post sa facebook sa mga things nila. Kahit sila yung totoong mayaman. Dun na ako nahihiya na magpost ng gamit ko online. I've learned to be humble hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga laking america talaga di sila ma post. Lalo na yung mga gamit na bininili nila. Yun lang observation ko. Minsan kaming magkakamag anak magkikita kita hindi pa nakakapag picture.

      Delete
  48. Masa naman talaga yan si Ang. FEU alum yan not unlike yung mga Ayala na sa abroad pa nagaaral tapos literal na mestizo talaga. Si Robina Gokongwei din hindi intimidating dahil because nag UP din sya alam nya how to deal with people

    ReplyDelete