Ambient Masthead tags

Monday, September 4, 2023

Mariah Carey Knows Her Filipino Fans Well


Images courtesy of Instagram/ X: MariahCarey

174 comments:

  1. ber months na... season nanaman ni mariah and jose mari chan 😂😂😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. OA man pero nag kabit na ako ng christmas lights and Tree Sept. 1 ng madaling araw para sabay kami ni Jose Marie Chan at ni Maria kinabukasan pag kanta nila umiilaw na ang xmas tree ko haha

      Delete
    2. Winner 9:19. Hahaha para sulit ang decor.

      Delete
    3. Yes same with us. Sept 1 may Christmas tree na. Nakaka-happy and good vibes kaya.

      Delete
    4. lol kalerks xmas songs na pinplay sa office 🎁🎄🎄🎄

      Delete
    5. 5:25 alamin mo muna meaning ng Toxic at ikaw yon!

      Delete
    6. Para kay 5:36 pala yun hahaha naligaw comment ko

      Delete
    7. OA talaga imagine 1/3 ng taon may Christmas tree ka pero kanya kanyang trip yan. Anyway I love Christmas because it's the b'day of Jesus kaya nga CHRISTmas eh. Don't forget that people hindi un nagpapakalunod kayo sa commercialism ng pasko

      Delete
    8. Sarap maging bata forever tanggap lang ng tanggap bg gifts.Ngayon matanda na puro gastos sa pagbili ng gifts.

      Delete
  2. Ako lang ba na ang tingin sa Ber months-long christmas chuchu is so Filipino toxic culture? I get it we love Christmas pero sobra naman yung September pa lang may ganyan nang paandar. May halloween pa at thanksgiving, heller! Ito namang mga mainstream companies and big businesses like shopping malls pinopromote pa para mind conditioned mga tao na bumili ng bumili dahil “season” of giving. Hayy Pilipinas… 🙄

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why is it toxic? Does it harm you or anyone?

      Delete
    2. Halloween and Thanksgiving cannot be considered part of Filipino culture...but Christmas is. Yes, big companies are using this season to encourage Filipinos to spend, but the same goes for big companies abroad they also encourage the same thing for Halloween and Thanksgiving.

      Delete
    3. Naku 5:36 nega ka, hindi maganda yan ultimo mo happy thing like Christmas. Hindi naman lahat sa pinas is following holiday commercialism kasi madaming walang budjay to do it. They just try to find joy in things like Christmas.

      Delete
    4. Idadag mo pa na sobrang gaya gaya tayo. Pati yang Halloween at Thanksgiving sinecelebrate na natin. Kung makadiyos ka masama yang Halloween at yung Thanks giving wala namang koneksyon saating mga Pilipino yan.

      Delete
    5. As a Filipino, wala tayong Thanksgiving. Christmas is our Thanksgiving. Halloween is not even a holiday. Raulo

      Delete
    6. Hindi naman holiday sa pinas ang thanksgiving. Ok ka lang?

      Delete
    7. I got you! Dalang dala ng marketing ng malls ang mgaPinoy! Ako after Halopa talaga nag seset up ng christmas decors.

      Delete
    8. True. It may be an uplifting and cheerful holiday to look forward to pero in these time of economic difficulties, it sets unnecessary pressure and stress din. Aminin naman natin, very commercialized ang pasko.

      Delete
    9. Ikaw lang toxic lol

      Delete
    10. Di ka naman pinipilit bumili

      Delete
    11. Wala namang Halloween at Thanksgiving sa Pinas. Haaay 5:36PM 🙄

      Delete
    12. Ang nega mo naman. Kahit naman hindi pasko syempre businesses encourage people to buy things. Kung may pera ka eh di sige, kung wala bat ka bibili? At ang halloween at thanksgiving hindi naman Pinoy holidays.

      Delete
    13. Heller ka din! Walang Thanksgiving sa Pinas!

      Delete
    14. Ssssshhhhhhh let people enjoy things

      Delete
    15. Ikaw lang, 0536. Ikaw lang ang toxic. Let other people decide what they want to celebrate. Hindi buong mundo may thanksgiving. Malapit sa pinoy ang pasko. May masabi ka lang na taga-stets ka.

      Delete
    16. Para yan sa ekonomiya @5:36. Kasi kahit dito sa Europe, pag September nagdidisplay na sila ng Christmas sweets. Hindi iyan lang sa Pinas nagaganap.

      Delete
    17. Yup pinoy Lang. Tapos Kapal muks pa mag Sabi na pamasko ko?

      Delete
    18. May thanksgiving ba sa pilipinas???

      Delete
    19. True. Pero tradition na kasi talaga and it gives the children hope and happiness, I think. Nung bata ako tuwang tuwa akonpag Ber na. Nung lumaki na ko at nakaranas ng hirap ng buhay at kung paano tumayo ng mag isa at maging nanay sa 2nkong anak, I really wish talaga na ma feel ulit yung saya na buong pamilya magkakasama at nagsasaya

      Delete
    20. For me, its not toxic but more of OA kasi nga super aga ang pagcelebrate. But i do understand why it is toxic.

      Delete
    21. No one is forcing us to spend for Christmas as early as September. Excited lang talaga ang karamihan sa ating Pinoy na mag Pasko and I don’t see anything wrong with that. We still commemorate yung All Saint’s Day/All Soul’s Day pa rin naman during November. Yung Thanksgiving has nothing to do with Pinas. Nakiki ride lang din naman tayo sa hype nun which I think is more silly than celebrating Christmas early.

      Delete
    22. 5:36 toxic pinoy culture ba talaga? It's not like we are more commercialised or spend more than foreigners do on presents just because we listen to Xmas songs early. In countries like US and UK nga luxury items at expensive gadgets pa ang usong pangregalo. The concept of buying presents did not come from us so no need to roll your eyes at Filipinos who are just having fun

      Delete
    23. Ikaw lang ang toxic panira ka lipat na ng bansa

      Delete
    24. Okay lang yan sis kalmahan mo lang. Di naman tayo nagcecelebrate ng Thanksgiving and yung Halloween more on yung Araw ng mga patay naman talaga ang hinohonor natin

      Delete
    25. Ako naman, na off dun sa magdedecor pa ng pang Halloween alongside Christmas decors diba? Wt?! I hate the sight of Halloween displays na from dark elements tapos, biglang may parol, Sta.Clause & Raindeers, & the Nativity. Tapos my biglang grim reaper sa banda doon lol!

      Delete
    26. Kaya nga lambs daw.

      Delete
    27. Wala naman po Thanksgiving sa Pinas, eh

      Delete
    28. Ang laki naman ng pinoproblema mo.

      Delete
    29. Girl literally no one is forcing you to celebrate Christmas once September starts. No one is telling you not to celebrate Halloween or Thanksgiving.

      Delete
    30. Lahat na lang toxic lol. Bawat kibot toxic. But ikaw yan go ka lang dyan. Meanwhile I’ll enjoy life every day. 😊

      Delete
    31. Yes, ikaw lang.

      Delete
    32. Ikaw ang toxic! Simple lang. People are just excited na pasko na. It brings them joy. Tigilan mo yang ka negahan at ka toxican mo. Just enjoy the season. Sheesh!

      Delete
    33. You must be fun at parties. 😐

      Delete
    34. Di lang sa pinas.Sa UK ganyan din in some shops nauna pang idisplay ang christmas decors kesa Halloween 3rd week pa ng Aug.

      Delete
    35. Unless wala ka sa Pilipinas, wala naman thanksgiving sa Pinas and not everyone celebrate halloween, na hindi rin naman talaga tradition sa Pinas.

      Delete
    36. Uh, we do not celebrate Thanksgiving here, heller!

      Delete
    37. Ang toxic ng comment na to. Lol. #Typikal

      Delete
    38. Count me in! I don't know whether most people really feel the spirit of Christmas if they start playing songs or putting up decorations as early as September. It kinds of kill the vibe for me but I can't avoid it kasi kahit hindi ka pa ready, yung mga kapitbahay mo nagpapaligsahan na magpatugtog at magkabit ng lights. Parang kapag birthday mo, excited ka lang kapag birthday month mo na, not even a month earlier.

      Delete
    39. I bet you live outside the PH thats why you dont get the hype. Pero sa mga pinoy sa pinas this is very important, masaya ung feeling and the spirit of christmas is everywhere. Para sakin pinakamasayang celebbration ng pasko is sa pinas unlike sa west parang ang lungkot. After dec 25.. tapos na back to work ulit kaya madaming may depression.

      Delete
    40. Ikaw lang yung toxic. Everyone's looking forward to celebrate Christmas. Kelan pa naging mali yung pag look forward ng pasko ?

      Delete
    41. @5:36 Saan ka ba sa Pilipinas at may thanksgiving ka pang nalalaman? Also ang Halloween hindi rin yan sine-celebrate dito. Mga mayayaman lng na nagpaparty at nagco-costume ang nag-a-attend ng Halloween.

      Sobrang pa woke ng mga tao ngayon, nagiging toxic na lahat. Hindi naman toxic magcelebrate sa September, ang toxic ay yung mga kamag-anak at parents ng mga inaanak mo na laging hingi ng hingi ang toxic kahit na sabihan mong hirap ka rin. And I say cut ties with them. Christmas is a time to celebrate God and meaningful relationships, not gifts and parties.

      Delete
    42. Oo, ikaw lang. Nakamulatan ko na na ang september ang simula ng paghahanda para sa pasko. Ang halloween at thanksgiving ay hindi naman talagang cinelecebrate ng mga pinoy dto sa Pinas kse hindi naman yan ksama sa kultura naten. Ok, sbhn na nateng ung halloween, oo. Kse mga bata ang nag eenjoy dahil sa candies at costumes. Nagtrabaho lang kayo sa bpo companies kaya nacecelbrate na yang halloween at thanksgiving sa office nyo.

      Delete
    43. Huyyy ano ka ba, wala naman Halloween at Thanksgiving sa Pinas! nakakaloka kaaaa

      Delete
    44. 5:36 cancel na rin ba natin christmas?

      Delete
    45. 5:36 Kung ganito kasimpleng bagay may issue syo then I guess hindi lang ito ang issues mo sa buhay. Imagine isang masayang season nagawa mo pang bigyan ng issue kaloka. So what if Filipinos here in Pinas want to start the holiday season ng September? Hayaan mo nga kami pwede? Gusto mo sa June ka na mag pasko we don't care.

      Delete
    46. Ano namang toxic dun? Kung Wala kang pambili ng parol ngayon pwede namang sa eksaktong Christmas na para di ka magkaproblema 😂😂😂 Nakikihollywood naman si ate girl Thanksgiving? Gawin mo yan everyday

      Delete
    47. So naiinis ka dahil ang aga mag celeb ng pasko pero at the same breath, you also mention celebrations such as Halloween and Thanksgiving (which is also commercialism) . Ano ba talaga ati?

      I’d rather put up Christmas decors noh na most of the time naman talaga is recycle lang naman from the past years than decor the house with dark halloween theme. Saka wala
      Naman talaga halloween and thanksgiving celeb sa Pinas. Mas chaka nga na sumasabay tayo sa mga ganyan celebs, trying-hard-western-culture vibe. Ok na kami sa ugaling Pinoy na BER months ang start ng pasko season.

      Delete
    48. Hindi ka nagiisa, ako din diring diri ako actually. oa grabe. Nawawala un essense ng pasko wag duper dragging.

      Ilove Xmas pero wag naman un 1/3 ng taon ang paandar.

      Delete
    49. Haha! Ikaw lang ang toxic at masyadong affected. Eto ang happiness ng mga Pinoy so let it be.

      Delete
    50. Paki explain ang Thanksgiving sa Pilipinas bago ka mag toxic toxic diyan

      Delete
    51. Gurl baka nakakalimutan mong may choice ka! Lungkot life?!!

      Delete
    52. 743 magsama akyo ni 536

      Delete
    53. Toxic ka jan. Happiness nga yan. Makapuna ka pero ikaw Pilipini pero nagcecelebrate ka thanksgiving. Ikaw ang toxic culture

      Delete
    54. Kill joy ka lng

      Delete
    55. Toxic is not the right word. It’s more like putting pressure on us to celebrate early. Parang hinog ba sa pilit.

      Delete
    56. 5:36 Hirap mo namang pasayahin! Pati ba naman yan nilalagyan mo ng issue.Basta all I know ay d best Pa din Pasko satin sa Pinas 🥰

      Delete
    57. 7:43 parang mali yung comparison mo mamsh. The difference is that when it's your birthday, only friends and family celebrate with you. E yung Christmas, buong mundo yun. Natural madami excited. For me, I DO feel the holiday vibe when I start to play Christmas songs as early as September. Makes me think of the gifts I want to give my loved ones.

      When people want to enjoy harmless things like this, let them. Kayo yung nagiging toxic by calling out something that isn't even hurting anyone. Just roll your eyes and carry on with your life.

      Delete
    58. Luh? At kelan pa nagcelebrate ng thanksgiving ang Pinas? Ang Halloween iilan lang naman nagcecelebrate nun pero hindi naman talaga siya holiday sa Pinas. Mas nakafocus pa sila sa All Saints Day & All Souls Day na celebrasyon. Tska hayaan mo na nakasanayan na talaga yan na pag Ber-months automatic Christmas Season. Doon mo din mararamdaman na iilang ofw o malalayong kamag anak malapit na uuwi, doon mo din mararamdaman na makakapagbigay ka o makakareceive ka sa taong mahal mo/importante sayo. Basta gets mo na yun. Wag na nega. Masyado na madaming problema ang mundo, hayaan mo na dyan masaya ang almost na Pilipino.

      Delete
    59. Jusko, grabe kayo mangkuyog mga ka-FP! Kalmahan niyo lang mga puso niyo, magpapasko na.

      Delete
    60. nakakatawa mga taga dito na nagccelebrate ng thanksgiving kahit never nakaapak sa amerika. hindi kasi basta lang gusto nila magpasalamat pwede na natin gayahin na magpaholiday ng pasasalamat din. part ng history ng bansa nila yung pagdating ng pilgrims at pagshare ng ani sa mga indians at maging thankful sa bountiful na ani. lahat na lang ginaya natin kahit walang alam sa context. tapos galit tayo sa cultural appropriation.

      Delete
    61. Alam mo INC ako and wala kami pasko, pero di sya toxic for me. It is a happy long season. So keep the toxicity to yourself.

      Delete
    62. Ang toxic dito ay si 5:36 lol this tradition is not doing harm to anyone.

      Delete
    63. Sus, gusto mo lang lowkey na i-brag na nasa US ka. Get a life.

      Delete
    64. Heto na yata ang thread na madaming replies. Lol. Trigger mo kasi mga pinoy eh. Ikaw ang toxic. Hahahahahaha

      Delete
    65. Mas toxic ka kesa dun sa nglalagay na ng decor kahit september pa lang.
      LET.PEOPLE.ENJOY.THINGS!!

      Delete
    66. Ok din na magstart ng September sa malls kasi maraming Pilipino ang last minute bumili. Isa na ko don. Kaya siksikan sa malls pag papalapit na ang pasko. And noone is forcing anyone to buy anything. For me, maganda ang naidudulot ng September pa lang excited na sa pasko. It brings joy especially sa mga bata. Far from toxic.

      Delete
    67. 525 ano kaya pa? Buhay kpa? Daming against sau hahahaha!

      Delete
    68. Ang toxic culture is yung pagiging mema and fake woke. Parang ikaw.

      Delete
    69. Bat ka nmn nagka thanksgiving aber? Amerkana teh??

      Delete
    70. Ang haba ng thread na to! Haha sabi ko na e may woke na magko comment nito

      Delete
    71. Uhhm Im in the US and I still dont practice thanksgiving here. I decorate outside for halloween but never inside. Its xmas inside my house starting sept. So yes, ikw lng toxic. First wala nmn pumpilit sau mkijoin sa decors and xmas hype and wala rin nmn nggwang msma ung pg start ng prep for xmas na msama.

      Delete
    72. Keep it coming! I love it!

      Delete
    73. may mga kakilala akong social climbers sa Pinas na nagsisihalloween at thanksgiving sa pinas lol lang talaga

      Delete
    74. Ang toxic is yung punahin na toxic ang long Christmas para lang sabihin na may Halloween at Thanksgiving. Do you even know what Thanksgiving is? And also do you know what day comes after Halloween? Idc Kung nasa US Ka, pero don't impose Culture there dito sa Pinas,

      Delete
    75. *1:01 hahahaha award clapback mo baks. Nakikiamerikana raw siya. Hahaha

      Delete
    76. ewan ko sayo Teh..ang bitter mo, cguro ang lungkot ng buhay mo..walang thanksgiving sa pinas..dito lang sa US yun.. eh sa gusto nila mag celebrate ng maaga parang hindi ka namn Filipino..I’m pretty sure nung nasa pinas ka pa eh nag cecelebrate ka din ng xmas ng ganyan kaaga…nakatungtung ka lang ng America kala mong wala kang alam na talaga ganyan kaaga mag celebrate ang pinoy…kaloka ka!!

      Delete
    77. Si 5:36 din yata ung last year na nagpasimula ng thread na to 🤣

      Delete
    78. Ikaw ang toxic na pinoy! Hindi naman applicable thanksgiving day at halloween sa pinas. Kaya ang sagot sa tanong mo ay ikaw lang, ikaw lang talaga nakaka isip nyan. Alis ka nga dito corny mo sarap mo sipain

      Delete
    79. Oo ikaw lang.. ikaw mismo ang toxic

      Delete
    80. Tita kung wala ka pambayad ng kuryente, di mo naman need magpakanega. Hayaan mo na kami maging masaya sa decors namin.

      Delete
    81. 5:36 kumusta ka na? 😂 Friendly advise lang, LIVE AND LET LIVE! Hahahaha

      Delete
    82. Thanksgiving? Di naman Pinoy holiday yan

      Delete
    83. If its not harming anyone, why do you say its toxic? Edi wag ka gumaya. Ikaw ata ang toxic.

      Delete
    84. Do the replies to your comment answer your question, 5:36? lol kinuyog

      Delete
    85. how can you be so negative about celebration of Christmas?

      Delete
    86. Well what do you expect? Wala naman nilolook forward mga masang pinoy kundi pasko. Kaya pahabain na lang yarn

      Delete
    87. Girl, walang Halloween at Thanksgiving dito. pinagsasabi mo. Hindi po tayo colony ng US. Ang meron tayo ay all saints/soul's day. Kung ayaw mo mag-celebrate, huwag kang bitter. Pang-good vibes talaga yang early celeb, kung not for you eh dun ka sa ibang bansa na parang walang pasko.

      Delete
    88. Sus etong mga bashers mo eh hindi nagets ang gusto mo ipahiwatig. Maybe it's their way of coping sa kanilang sad state of life. Magsaya kahit papano. Yes, Christmas sa Pinas is part of commercialism to encourage people to spend. Imagine 1/3 of the year you're encouraged to adapt the Christmas spirit of giving. Well if you have nothing to give, don't. If you have something to give eh give to the less fortunate. Otherwise, don't pa din.

      Delete
    89. Thanksgiving pinagsasabi mo sa Pinas? Shunga ka?

      Delete
    90. Don't worry ikaw lang yan. 🥰

      Delete
    91. ako Undas pa naglalagay ng Christmas tree pero sinusupport ko ung mga gusto nang mag lagay kahit Sept pa lang. ang saya kaya ng may Christmas tree sa bahay tapos may kumukutikutitap na ilaw. paka nega neto!

      Delete
    92. 5:36 feeling American. Well I hope you look very fair or mestizo kung hindi ay keep on dreaming.

      Delete
    93. @5:36 kung malungkot ang buhay mo, wag mo kami idamay

      Delete
    94. Ang arte mo! Eh kung may pambili ng regalo ang mga tao kahit pa September pa lang? Tsaka wag kang epal, walang trick or treat dito sa Pinas. Hindi tradition ang halloween, lalo na ang thanksgiving. Ang Christmas, oo! At alam halos sa buong mundo, na ang Pinas ay isa sa pinakamaaga na magpasko. Hayaan mo magbigayan ang mga tao ng regalo. Di mo naman pera ginagastos nila. Pwede ba? Maging masaya ka na pang para sa iba? Malapit nang mag 2024, ang nega mo pa rin. Halatang slapsoil ka! May pa halloween at thanksgiving ka pa. I bet, wala lang pambili ng turkey! Epal!

      Delete
    95. Wala akong kilala ni isang pamilya na nagcecelebrate ng thanksgiving. Yung halloween naman mostly upper mixdle class and exclusive villages lang may trick or treat. But christmas? It's really for everone.

      Delete
    96. Breaking News: 5:36 natagpuang madaming pasa at sugat nabugbog ng comments hahhahaha

      Delete
    97. ikaw lang yan teh kasi mapait ka masyado sa buhay.

      Delete
    98. Pwede naman kasing mag celebrate early without spending that much. Its the joy and hope na naramdaman natin while we have these ber months. L

      Delete
  3. Yey we love you Mimi! AIWFCIY!

    ReplyDelete
  4. Meron ba sa inyo na medyo naiinis din na September palang hinahype na nila ang Pasko dito sa Pilipinas tulad nyan nagpapatugtog na sila ng christmas songs etc. Sa tutuo lang medyo naiinis ako. Para lang masabi na tayo may pinakamahabang pasko sa Pinas kesyo September pa lang may ganyan na. Di mo na tuloy maappreciate yung christmas songs at decorations etc pagdating ng Dec kasi Sept palang umay kana. Nakakairita rin lalo na pag may pinagdadaanan ka tapos September palang pinapaalala na sayo ang pasko. Mas lalo kang nadedepress at may anxiety sya na dinudulot sayo. Baka may magreply diyan at sabihin killjoy ako. Ako lang naman ito sineshare ko lang naman yung feelings ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. No, you're not a killjoy. Valid nararamdaman. Nasa abroad ako but I have a group chat with friends back home, who express the same sentiment. That they started to dread the ber months as it induces anxiety and mind conditioning pressure.

      Delete
    2. oo sis madami nakakaramdam nyan i’m sure

      Delete
    3. This! I love Pasko pero sa totoo lang sobrang atat tayo. For me lang, give every occassion it's special time. Meron pang November na special for our lovedones in heaven, yet heto tayo September palang. Bago dumating yung December umay ka na, wala na yung excitement kasi ninakaw na ng 1st of September. Ako lang naman to.

      Delete
    4. I feel you po😞😔

      Delete
    5. Christian nation tayo at very family oriented. Sa iba lalo nasa mga ofws, ber months ang start ng pasalubong season. Saka nagbo boom na mga businesses.

      Delete
    6. KJ? Yes you are.

      Delete
    7. i feel you also 6:01. OA talaga Pinoy. hindi nakaka happy. nakaka depress dahil magastos.

      Delete
    8. so mag adjust ung nakararami para sayo? ok po

      Delete
    9. Mariosep ang nenega ninyo. Hindi ba nakaka happy na may inaanticipate kang masayang celebration, na binigyan ng mahabang panahon? Masaya ang pasko kaya kung 1/3 ng taon, sini celebrate natin, d anong saya nun? kung ayaw ninyong marinig ang mga Christmas songs at display, magtakip kayo tenga at wag magpunta ng mall. Para lang yang usong kanta na ilang buwan ang tinatagal. Mga eto talaga oo, kayo ang toxic sa mga taong gustong maging masaya. Eto nga yung season na nagbibigay pag asa at nakakaalis ng depression pero kakaiba kayo, baligtad sa inyo. Well, it's really how you look at things, half-full or half-empty. Sana magkaroon kayo ng kasiyahan sa puso ninyo. yan ang prayers ko for you.

      Delete
    10. 12:31 gurl, dugo mo super taas. Hndi kasi kami katulad nyong atat and magastos. Hndi kami katulad nyo na september palang, christmas na ang iniisip. Lalong lalo n ngayon n puro gastos ang super mas mahal ang bilihin s pasko or habang palapit ang pasko. Tpos, maraming lintang kamag anak n lalapit sayo para lang perahan ka. Kahit anong layo mo ay lalapitan ka parin thanks sa docmed mo. If excited ka makipagdeal sa ganto, ako hndi!!!

      PS.Meron pa pong Nov 1. mind you

      Delete
  5. Dati September palang puro xmas lights and xmas trees na surroundings ng house namin pero now dahil sa mahal ng kuryente first week ng December nalang raw kami mag xmas light sabi ng nanay ko haha December nalang din ako mag play ng xmas song ni mariah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa Pinas langnaman kasi, sa abraid din naman. Junky pa yung Christmas decor diyan

      Delete
    2. Kami nman, mga bandang Nov na nag aayos for christmas. Mga around 2 or 3 week ng Nov. Ang hirap kasi ng maraming kalat and liliparin lang ang mga decor sa labas dahil sa madalas daanan ng bagyo ang lugar nmin.

      And now, handa n lng sa noche buena ang pinakahinahandaan nmin kasi un nman tlga ang main point ng pasko. Konting decor lang and no xmas lights na dhil dagdag gastos lang, lalo n sa kuryente.

      Delete
    3. Edi wag kayo mag Christmas lights, Christmas tree lang LOL

      Delete
    4. maginvest sa solar lights

      Delete
  6. Yes you can use us “Filipinos” Mimi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think Mimi did not intend to use Filipinos, but surprisingly most listeners via Spotify's algorithm frequencies are from 3rd world countries - the Philippines

      Delete
  7. Ang corny na ng meme na to sa totoo lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 7:16 its not her fault tho. Nakikisakay lang sya sa buong mundo.

      Delete
    2. Fan ka lng ng ibang singer beh.

      Delete
  8. Exactly September 1 nagpatugtog na ng medley ng mga christmas songs ang kapitbahay namin. Inaraw araw nya na. So hanggang January pa nga pala to. After 3 Kings pa sya titigil. Same playlist. 😂

    ReplyDelete
  9. And while Filipinos celebrate Christmas as early as September, mostly do not even know what Christmas really. Christmas is about spending, gift giving, feasting, social media postings, that’s just it for many sadly.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa mga hindi Christian like me, un talaga ang meaning ng christmas. Wag ka na makialam

      Delete
  10. Hahaha. My husband is annoyed at the fact that I plan to put up my Christmas decor na in September. I'm based abroad and his response is always "it isn't even Thanksgiving or Halloween yet".... and I always say. "In the Philippines..." 🤣🤣🤣 and I always get a 🙄🙄🙄 rssponse..tayong mga Pinoy lang talaga nakaka gets ng ber months

    ReplyDelete
  11. Filipinos preparing this early for Christmas is part of our culture na. It's part of who we are being a very family-oriented people.

    Ang nakakatawa ung mga Pinoy na nasa Pinas na nagcecelebrate ng Thanksgiving. As in naghahanda pa ng buong table spread with charcuterie and turkey pa talaga!
    Basa-basa rin muna ng US history para malaman bakit may Thanksgiving sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 10:22 baks kakacomment ko lang nito before i read yours. apir! kadalasan mga pasosyal na pinoy pa nagtthanksgiving hindi naman alam na hindi lang sya holiday ng giving thanks na pwede ipasa sa kahit anong bansa. d man isearch ano context. cringe.

      Delete
    2. i love you bestie hahaha super cringe

      Delete
    3. Pa conyo yang mga nagse celebrate ng thanksgiving sa Pinas.

      Delete
    4. Ang medyo acceptable for me na Thanksgiving tradition na ina-apply sa Pinas is yung Black Friday Sale. Kaya lang yung mga sale naman dito satin is not as good as the deals in US. Few years ago nakapag Black Friday Sale ako sa US. 40% off yung mga nabili ko sa Adidas at Lacoste, halos lahat ng items yata naka 40% off. Sana yung mga American brands dito sa Pinas, ganyan din ka laki ang bigay nyong discount samin! LOL.

      Delete
  12. Costco and other stores are selling christmas decors na rin here in the states

    ReplyDelete
    Replies
    1. Selling but not mainly celebrating unlike us na celeb n tlga for some.

      Delete
    2. Outdoor decors are allowed 1 month before the event ng HOA kaya di pa puwede magdecorate.

      Delete
    3. Dito rin sa Canada, may aisle na sa dollar stores na puro Xmas decors na.

      Delete
    4. @12:13 the point is kht sa ibang bansa nagsstart n ung Christmas season. And ang OA to say n may nagceleb n this early ha, eh nkknig lng nmn ng Christmas songs!

      Delete
    5. yes, alongside Halloween stuffs

      Delete
    6. Sa totoo lang, we dont really celebrate Christmas starting Sept 1. May Christmas party ba in September? I think it's merely recognizing the start if the season. Some decorations here and there. But may families dont really put up full decors by Sept 1. Even Ayala ave dont light up on Sept 1.

      Delete
  13. @5:36 hindi ka pa man pinapanganak yun na ang Filipino culture kaya magtigil ka! Hindi pinas ang mag a adjust para sayo. Hindi ka kawalan.

    ReplyDelete
  14. Kaloka pati ber months may issue at nag da drama
    Let us people be happy kahit mahirap ang buhay e it gives them hope e for sure marami ma fi feel generous this Christmas kaya maambunan din mga hirap

    ReplyDelete
  15. No one's pressuring you to spend money this early. Pero kung mahilig k mkpagsabayan sa kptbahay, kamaganak or kaibigan mo eh probelma mo n un!

    ReplyDelete
  16. I love Mariah pero mas love ko Yung song nyang Miss You Most (At Christmas Time) keysa sa AIWFCIY. Sa mga Hindi pa narinig Yung song na Miss you Most, pakinggan nyo at maiinlove kayo lalo sa Christmas.

    ReplyDelete
  17. I LOVE CHRISTMAS! I celebrate it any time of the year, whenever I want to. It's not just about the gifts... I personally love the childlike atmosphere and all kinds of creativity that surrounds Christmas.

    I don't care about creepy, weird halloween because it looks like pura luka vega is the main character in that one. Yikes!

    ReplyDelete
  18. Because Sep 1 na when I went to the mall, may pa-pasko radio ung mall. Ending dami ko nabili. Felt good while doing it though 😃

    ReplyDelete
  19. Part na ng culture natin yan e, dagdag mo pa xmas countdown pagtungtong ng Sept 15. Sakin nakakahappy yung feeling kahit pa maraming bagyo ang dadating at binabaha kami. Iba pa rin ang christmas spirit 😅

    ReplyDelete
  20. Pinoybaiter and joining the bandwagon narin pala si acla ngayon hano?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan na mga foreigner ngayon..

      Delete
    2. WHAT she's Mariah carey! The biggest selling female artist of all time! Di nya need ng clout no! Mga Pinoy lang manan lagi gumagawa ng memes about her and tina tag sya!

      Delete
    3. 9:29 Has been na sya
      She cant even sing anymore

      Delete
  21. I had good Christmas memories as a child until I got jaded nung adult na (daming gastos, sobrang traffic during christmas rush, introvert ako so i dislike parties/gatherings). Pero nung nagkaanak ako at kami na ng mga kapatid/pinsan ko ang namimigay ng gifts sa yearly family reunion, nabuhay ulit ang appreciation ko for these kinds of holidays. Iba pa rin ang saya makita yung mga bata na maraming natatanggap na regalo, na masayang nagbubukas ng gifts. Wala lang, share ko lang

    ReplyDelete
  22. for my mental health mga october- november na ako nagkakabit ng christmas decor. hehe

    ReplyDelete
  23. i agree toxic trait to. i remember nung bata ako people waited pa after november 1 then as soon as tapos na, yan na christmas na. ngayon sept? it is this party culture the marketing people want to propagate. alam nyo anong observation ng mga foreigners? feilipinos celebeate all the time. it isnt bec they celebrate for celebration's sake of milestones. party culture lang talaga masyado sa atin kaya walang mga pera at puros utang. toxic to. i see much richer people than us hindi sila ganito party ng party. wala tuloy focus mga tao sa trabaho and doing proper service. nililibang mga tao to divert attention sa panget ng buhay. it also boils down to laziness. ayaw magtrabaho ang daming spare time tapos short cut magtrabaho and nakaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It depends on which part of the fence you belong. I'm a business owner -- I know it's weird -- but I actually appreciate Xmas. It's something to look forward to. It breaks our dreary existence.

      Delete
    2. Pinagsasabi mo eh dito sa ibang lugar they have thibgs for autumn, for halloween and christmas. Kung makapanlait ka ng bayan at kapwa mo. Pwede ba!

      Delete
    3. kayo lang ang toxic 6:43. Hindi naman kayo pinipilit jumoin. masyado kayong nega. bayaan ninyo ang mga tao sa kung ano ang nakakahappy sa kanila. Christmas spirit gives hope and happiness. d ko alam kung anong ayaw ninyo dun. kasi ang tinitingnan ninyo is yung gastos sa pasko. hindi rin naman kayo pinipilit mag shopping o gumastos. sus!

      Delete
    4. Bakit ba super concern ka sa observation sa foreigners? As long as nag-eenjoy kami, we don't care kung ano sasabihin ng iba. It's none of their business kung maaga magcelebrate ng Christmas. Na-iconnect mo pa ang laziness huh lol

      Delete
    5. 643 people are extra nicer when -ber months begin in the Ph. Maybe when you become a little older and acquire a lot bit more maturity you will appreciate it too. If not, pls try not to minimize this little thing that gives people joy - now that’s toxic, feeling miserable and dragging people down with you. Love from Tita of Manila w big fan reeking of original Chloe hahahaha.

      Delete
    6. Hindi naman totoo yan. Bakit naman yung roots ko mayayaman mahihilig din sa party halos every week may gatherings.

      Delete
    7. Wala ka siguro happy childhood memories of Christmas . The truth is nag start iyang ber months celebration ng Christmas nung dumami ang malls. Yes, it‘s a marketing strategy pero nasa tao naman kung gusto mo na gumastos o hindi. kung may pera ka it‘s favorable kasi less stress kesa mag last minute shopping. Ako , I enjoy listening to Christmas carols and it‘s always bring a happy mood.

      Delete
  24. Jesus is the reason for the season. Just saying.

    ReplyDelete
  25. Ma-stress si Mariah if naiintindihan nya itong basahin as in

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...