Saturday, August 26, 2023

Insta Scoop: Priscilla Meirelles Worries about Skyrocketing Grocery Prices in Country


Images courtesy of Instagram: primeirelles

214 comments:

  1. This is so true. Dati 6 to 7k and dami na yun for us na family of 3. Now to shop the same amount of groceries is an additional 2k.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung mid 90s, ang weekly grocery ko na 2500 isang buong cart ang laman.

      Delete
    2. Kakahiya naman kay Priscilla as if naman naghihirap sa buhay kung makareklamo. Grocery items ko umaabot ng 20k coz I buy bulk syempre hindi pa final yan. Wala naman ako ganitong drama sa social media.

      Delete
    3. 8:04 ang out of touch mo. Ang mali ng analogy mo.

      Delete
    4. 237 iba tlaga ang mga Pinoy magisip no? 😂 Wala lang nakakatawa lang kasi may mga ganyan tlaga like 804 na afford nman bakit pa magrereklamo? As if afford nman tlaga eh, pero nagfeeling lang pala. 🫢

      Delete
    5. Ang kayo na ng 90s. 2015 lang Hindi ganyan kataas

      Delete
  2. This is really sad. Di excuse na it's happening worldwide or it's still the effect of covid or inflation or whatsoever. This is the result of electing incompetent, self-serving, corrupt government officials.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true, I guess deserve din natin kasi di na tayo natuto.

      Delete
    2. Di ka pa rin maka-move on. Lahat na lang pulitika! Go to European countries and compare the prices. Then let's do the math then.

      Delete
    3. As if lahat ng ingredients dito sa Pinas produced. As if naman kung nanalo kung sino man manok mo eh magagawa niyang pigilan pagtaas ng mga product Tama na yang pamumulitika mo!

      Delete
    4. But it’s true. From where I live now hindi lang prices ng groceries ang tumaas but also utilities & gas. I wouldn’t say na corrupt ang gov’t officials dito but it’s actually a mixture of different things that happened around the world like the conflict between Russia & Ukraine, Covid to name a few.

      Delete
    5. Compare sa ibang bansa, e sa ibang countries, mababa ang tax. Tapos sasabihin na edi dun ka na lang. Talaga, if may option, mas pipiliin ko dun.

      Delete
    6. 5:48 bakit sa tingin mo walang kinalaman ang politics jan? Sa tingin mo the economy is not controlled by the government? Sa tingin mo wala connect sa taxes yan? Napaka Naive at ignorant mo naman to think that lol

      Delete
    7. Ah so move on na lang at hayaan ang nakawan sa gobyerno total Wala namang magagawa ganun ba yun 548 at 551?? Yung simpleng maipakulong yung mga Magnanakaw na Politiko eh sapat na, di man makakabawas sa utang ng Pilipinas eh at least magtitiwala ang mga foreign investors para magnegosyo sa Pilipinas kasi malalaman nila na gumagawa ang Hustisya

      Delete
    8. 5:48, 5:51 wag na kayo ma-butthurt. Wag na din in-denial. The poor became poorer. Di na nakakahabol ang ph salary sa laki ng pagtaas ng bilihin unlike sa ibang bansa. The government has the responsibility to prevent this sana kaso mga wala naman pakialam, puro travel at pabango ng image ang ginagawa.

      Delete
    9. Ang mahal din ng cost of living dito sa abroad hindi lang sa pinas. Worldwide siya actually. Kahit naman san madaming reklamador sa Gobyerno di lang sa Pinas

      Delete
    10. 5:48 & 5:51

      Atleast sa ibang bansa mataas ang sweldo. Kayang kaya pa rin sabayan ang taas ng bilihin. E dito? Taas na nga ng bilihin, liit pa ng sahod. So sino sisisihin aber? Mga lampake mga binoto nyo.

      Delete
    11. 5:48 at 5:51 I live in the UK. Oo inflation here is bad too but not as bad in the Philippines! I was there just this January at nakakagulat na I have paid the same money in groceries almost the same of what I would pay here. So gising gising din! There is a huge issue in the Philippines and its starts kung sino ang nasa gobyerno ngayon!

      Delete
    12. Halos magkapresyo na ang bilihin ng Singapore at Manila. Pero ang sahod, sows! Ang layo ng minimum wage oi!

      Dasurb yan, sorry not sorry! That's what happens when you elect incompetent people.

      Delete
    13. Kakauwi lang namin sa Pinas and naloka ako sa mahal ng bilihin. As in, parang singmahal na sya here in Eu, may mas mahal at mura pero ang sweldo nman sa atin eh hindi pareho sa kanila. Paano kaya napagkakasya ng mga kababayan natin yung sweldo nila? Tapos ngayon mas mahal pa ang kilo ng bigas. Maygas! Lol

      Delete
    14. Kahit man nagtaas ng presyo sa ibang bansa tinataas naman sweldo

      Delete
    15. 6:34 Bago pa umupo yang sinisi mong presidente mahal na talaga ang bilihin.

      Delete
    16. 5:48 5:51 Obvious na wala kayong alam. You can’t talk about economics without politics, they always go together. Mag aral nalang kayo ulit kakahiya. And to saying na hindi pa naka move on ang mga tao is very telling of your ignorance. I’m not a staunch supporter of any politician because I choose based on platforms and track record. Hindi ba kayo napapagod kaka defend sa mga taong hindi kayo kilala all for the sake of blind loyalty? Loyalty should be for the country and not for a specific person.

      Delete
    17. 5:48 & 5:51 politics and economy go together. At least sa ibang bansa, may tulong ang govt such as inflation allowances, GST/HST credit, child benefits, seniors benefits among others. And the govt makes sure the prices are controlled. Laking tulong ng matinong gobyerno sa mundong nagtataasan ang lahat ng presyo. Ganun yun ses...

      Delete
    18. Ut of topic BUT Parang iisang tao lang sumasagot against 548and 551. Pansin ko lang naman. Hehe.

      Delete
    19. 5:25 tumpak. Problema pa ang bilis tumaas ng bilihin, pero sweldo hindi.

      5:48 no need to convert their dollar or euro bills to peso. It's stupid and not a real representative of whats happening to our country. Let's just talk percentage/ratio. Ilang percent ng sweldo sa mga bansa na yan ang napupunta for groceries lang? Ilang percent ang naiiwan for savings? Yun ang icompare mo sa pasweldong pinoy. Sa ibang bansa, kahit pa magconvert ka to peso, livable wage sila kahit pa blue collar job ka. Dito, death sentence yun. Hinding hindi sumasabay ang sweldo sa tindi ng bilihin. Respectable 30k marketing work sa Ortigas, hindi kayang bumuhay decently. Counterpart nun sa US/EU, maayos (kahit hindi mayaman) na buhay. Magkaibang magkaiba

      Delete
    20. Ung di naman nsa Pinas,di kayo maka-relate sa ming andito namumuhay okay? Wag nyo ng ipilit. Magkaiba ang ganap jan at ganap dito.

      Delete
    21. Bumoto ba yung mga nagrereklamo dito??? Kung hindi, you have a fair share kung bakit nanalo ang "incompetent" govt na meron tayo ngayon. Pero, among the choices na meron at that time, sino kaya ang deserving at may capability na ishon ang Pilipinas sa kahirapan????

      Delete
    22. 5:48 bakit same price ba ang salary sa eu kesa sa pinas? Nagiisip kaba?

      Delete
    23. 5:48 & 5:51 oh puhleeeeezzzzz. May kinalaman tlga dito ang politics dhil sila ang namumuno or manage ng ating bansa!!!! Kung maayos ang management nila eh di sana hndi ganto kataas ang lahat and hndi sana patuloy sa pagtaas lalo. Ung sinasabi nyong european countries ay ndi ganto kalala ang inflation nila. Harap harap n tayo ninanakawan and yet patuloy parin kayo sa pagdefend sa knila!!! Hndi porket manhid kayo sa kalagayan ng bansa means you invalidate it!!! Ang tanging naging golden era ay ung mga kurakot lang!!!

      Delete
    24. 7:34 kung mataas man sahod please think of the cost of living din ha? Di yung iconvert mo in pesos sahod sa ibang bansa then say malaki sahod nila. Just to give you an example, my husband and I together make $5k or 200k pesos a month here in Canada. Yes malaki conversion nya to pesos pero with bills and groceries, kulang pa yan to make ends meet. We're living paycheck to paycheck. Have you thought of that?

      Delete
    25. Same tayo, 1:45. Halos ganun din monthly income namin dito sa Toronto. Kung dati may naitatabi pa kami, ngayon wala na. Halos hinihintay mo na lang yung next sahod dahil sakto lang sa lahat ng bills at gastusin.

      Delete
    26. Parang hindi talaga maayos ang pamamalakad ng gobyerno ngayon. Nakaka-disppoint.

      Delete
    27. 1:45 Nasa lifestyle din yan, ses. Live within your means.

      Delete
    28. 12:18 best comment - purchasing power ang comparison; yungga enable naghihirap na din mga yan pero bawal kumuda, mga bobotante kasi

      Delete
    29. Yung mga nagsasabing di naman kayo nakatira sa Pilipinas, oo wala kami dyan. Pero yung pera namin napupunta din diyan. Tingin nyo hindi pasakit sa aming mga nasa ibang bansa na kailangan taasan ang pinapadalang pera dahil wala na halos mabiling pagkain mga magulang at mag-anak namin dyan??? At oo, bumoboto din kami oi!

      Tandaan, OFW remittance ang PINAKAMALAKI ang ambag sa national budget. At dahil dyan, may karapatan kaming magreklamo! Don't us!

      Delete
    30. Correct, 1:45!

      Delete
    31. At least kayo jan sa ibang bansa kasya pa. Dito sa pinas marami na nabuhuhay sa utang. Maganda ang quality of life.

      Delete
    32. Hirap na hirap tayo maybayad ng tax. Pero yun naka-upo hindi naman nagbayad ng tax. Nakakaloka! Hahaha

      Delete
    33. 1:45 you have a point coz I live in Canada too BUT we have child care benefits, free health care ( even if it takes forever to be seen by a doctor) in ER) and free tuition fees until high school. There are tax rebates at the end of the year and also student loans in university. E sa pinas? Yung mga nasa laylayan ng society? Pano na…it’s not perfect here too but at least there are free shelters for the homeless, mental facilities for free and a lot of financial benefits for families with children with disabilities… Malaki gastusin rin pero marami rin naman opportunities compared mo sa Pinas. Here, you can work with no discrimination kung ano itsura mo… you can have 2-3 jobs to make ends meet…you still cannot compare the standard of living here vs there… I know people who earns 5k per month and they live comfortably… not luxuriously but comfortably… depends na rin siguro where you live? There are provinces in Canada na sapat na Yang 5k… unless you live in Vancouver or Toronto… learn to count your blessings pa rin… I hear the plea of our fellow kababayan sa Pinas…do not think just because hirap rin kayo dito e pareho lang… iba pa rin maging mahirap sa Pinas vs sa Canada

      Delete
    34. hala siya, 20 na nga kilo ng bigas diba? Sibuyas umabot 700 diba? asukal magkano na? aba hindi pulitika yan? Sa ibang bansa, malaki ang tax at cost of living peru maganda ang benipisyo nila. Sa atin, maganda din naman ang pangako diba?

      Delete
    35. It is happening worldwide.Lipat ka dito sa Norway ng malaman mo na talagang nagtataasan ang mga presyo ng bilihin.

      Delete
    36. 7:22sa Norway kahit di Ka magtrabaho eh pwede Ka bigyan ng pension. Sus.

      Delete
  3. Not just in the PH, but all over the world.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kwento mo sa pagong na binoto mo 5:27

      Delete
    2. 6:07 lahat ng bansa nag suffer sa inflation rate. You're one of those people na isinisisi sa gobyerno ang pagmahal ng mga presyo. Priscilla is from Brazil na mas maganda pa ang Pilipinas. Research andcread sa current news hibdi puro entertainment.

      Delete
    3. True! Even dito sa NZ. Ang mahal ng mga bilihin.

      Delete
    4. All over the world pero hindi sumasabay yung sweldo sa Pinas sa inflation.

      Delete
    5. 6:07, totoo sinabi ni 5:27. I live here in Canada. Kung dati kada sweldo, may natitira pa to save, ngayon, sakting sakto na lang dahil halos triple pa na rin ang grocery costs. Lumobo din ang nagre-rely now on food banks.

      Delete
    6. Yup even here sa US kaya nga nilulubos pag may sale or discounts.

      Delete
    7. True grabe sa brazil at argentina yung mga mahihirap nag nanakaw na lang sa groceries. Nagulat ako akala ko dito lang sa pilipinas tayo nahihirapan.

      Delete
    8. Pero mas mataas sahod dito sa US. Umuwi ako Pinas ang tataas ng presyo while napakaliit ng minimum wage.

      Delete
    9. Yes, all over the world, but know the difference. Mas Mataas salary rate Nila, Mas mababa ang tax. Mas maraming government incentives or projects na nakakatulong sa Tao.

      So yes, it's all about how our government manages everything.

      Delete
    10. I live in Au. Yes, affected din kmi ng inflation but at least the government here is doing something to curb inflation. E jan sa Pinas? Inuna pa ang Maharlika fund instead of addressing more pressing issues!

      Delete
    11. 5:27 while it is true na nagtataasan din sa ibang bansa, hindi naman true na pare-pareho ang quality of living. mas maayos sa ibang bansa, compensation/salary-wise kaya nakakaya pa din unlike dito na kakarampot sweldo ng karamihan tapos matataas mga bilihin.

      at sino ba dapat sisihin? eh gobyerno naman talaga ang dapat gumawa ng solution. inflation is inevitable pero ayun nga walang ginagawa ang government. ultimo yung pangako na bente pesos na bigas di natupad.

      sheesh!

      Delete
    12. @6:07 Hindi nanalo ung pagong ko eh.
      At mukhang blessing in disguise na hindi sya ung nanalo.

      Delete
    13. Yes buong mundo pero kahit ganon my support na nakukuha galing government like libre pagaaral, health benefits at marami pang iba unlike sa pilipinas puro kurakot

      Delete
    14. All over the world mahal bilihin? But look at their salaries at ikumpara sa Pinas. Mataas man cost of living sa western pero renumerate sa sahod nila.

      Wag na tayo lumayo, ASEAN na lang. 3rd world country tayo with 1st world price gaya halos sa SG presyuhan. And partida mas mura pa mag grocery ng essential commodities sa SG. Vietnam, Indonesia at Malaysia daig na daig tayo at napaka mura ng basic goods nila.

      Kaya please - mga blind followers na lang talaga naniniwala sa excuse na yan na all over the world mataas bilihin.

      Delete
  4. It's really alarming. Mabilis mabudol ang nakararaming Pilipino. Bumilib kasi nangakong magiging 20 per kilo ang rice, eto napala natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Laging laman ng news na naniningil na ang mga tao sa 20 pesos na bigas. Naiiyak na lang kasi di na mapagkasya yung budget sa bilihin sa basic needs.

      Delete
    2. Ano pa bang aasahan sa gobyerno, tingnan mo naman kung sino ang mga nakaupong opisyal.. kawawang pilipinas. Gone were the days kung saan mga totoong lawmakers talaga ang nakaupo. Ngayon naging extension na lang ng showbiz. Puro pabida pa.

      Delete
    3. And to think kaliwa't kanan ang nababalitang corruption sa gov't and yet wala man lang nabalitang may ginawa ang gobyerno to deal with it. I was able to watch a firmer supporter of this giv't and malulula ka sa perang "pinaglalaruan" ng people in authorities.

      Delete
    4. In democracy, the people get the government they deserve.

      Sino ba kasi bumoto sa mga yan!? Buti pa si manong sikyu, kinilatis ang qualifications. Ang presidency and most elected positions, wala. Konting pa-cute, konting porma, sabayan ng anda at artista sa kampanya, solbs na! Wag pakaplastik, tale as old as time yan!

      Delete
    5. Yan nakuha sa bomoto d nag isip isip. Ito ang mapala natin .

      Delete
    6. Its global hinde lng sa pinas yarn. Labas dinng kweba

      Delete
    7. 659 sang kweba ka galing at di mo alam na pwedeng ma-manage ang inflation at economiya ng gobyerno pero kung ang gobyerno MISMO ang pahirap at panay nakaw pa eh goodluck sa bansa...isip isip din pag may time

      Delete
  5. Sardinas nga nasa 25 per can nakakaluka ang presyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. trudis! yung tumaas na ang mga bilihin pero ang sahod mo walang taas kaya mas lalong ang hirap magbudget 😮‍💨 so frustrating!

      Delete
    2. Tapos yung laman ng sardinas parang nagdadalaga pa lang ata na isda.

      Delete
    3. Nasanay ako sa sardinas na below twenty pesos pa yata before nag pandemic. Kagulat presyo nya these days. Tapos yung laman pa ng pansit canton paliit ng paliit. Yan pa naman ang petsa de peligro staples ng mga empleyado at estudyante.

      Delete
  6. It's a worldwide phenomenon but unfortunately for Filipinos we are a low wage country so it's harder to make ends meet compared to most developed countries.

    ReplyDelete
  7. Maybe you're right but hello, magkano ba sahod sa Pilipinas?..

    ReplyDelete
  8. Mayaman na yan ha. What more kung walang wala?

    ReplyDelete
  9. Also in Europe ghorl. First World country is worst

    ReplyDelete
    Replies
    1. Compare mo ang sahod sa first world vs third world country ghorl

      Delete
    2. Inflation rate 2022: Spain 2.3%; Switzerland 2.8% France 5.2%; Philippines 5.8%.

      Delete
    3. Huh?? Europe na 1st world eh WORST pa sa 3rd World Country?!? So ano na pla ang itatawag sa Europe 4th World na kasi mas WORST pa, ganun po ba??? Grabe Dami kong tawa sayo accla hahaha!!

      Delete
    4. 556 feeling mo lang yan at kung sa balita ka nagbebase. Mahirap din here in Eu pero hindi singhirap sa Pinas kasi nakakayang makakain ng tama sa sweldo. Sa atin, ang mahal ng bilihin pero ang liit ng sweldo. Kakauwi lang namin last June at namoblema ako sa mahal ng bilihin tapos magkano lang ang sweldo sa atin. Kaloka!

      Delete
    5. @5:56 ano ba! May safety nets ang europe! Sa healthcare na lang talong talo na ang pinas.Mataas man bilihin sa kanila pero may benefits sila nakukuha from their taxes unlike sa pinas.

      Delete
  10. Same here in 🇮🇹... Before I spend €50-55 euros for groceries good for 2 weeks. Now, it's up by €10-20 😮‍💨😮‍💨😮‍💨

    ReplyDelete
    Replies
    1. 6:00 pm atleast yung mga below income may pang grocery worth 300 plus euro na tulong ng gobyerno pati rin sa pamasahe may bonus at may allowance mga bata below 18 kaya kahit magmahal may ginagawa ang gobyerno.

      Delete
  11. Dito sa US mahal na rin pero mas ramdam ko amg inflation sa Pinas

    ReplyDelete
  12. Dito Rin sa Middle East. Nagtaasan na Ang prices ng commodities. Like toothpaste, dati 15 AED lang ngayon, tumaas na hanggang 22 aed

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh di umuwi ka na ng Pilipinas para di mo na maramdaman pagtaas ng bilihin sa Middle East

      Delete
    2. Mag abang ka kasi ng mga sale sa Carrefour. Crest 4boxes 15 lang. 🤣

      Delete
    3. At least sa Middle East walang tax deduction sa sahod mo and most companies give cost of living allowance for rent, food and utilities. Buo mo talaga maipon ang sweldo. The ones who work in Europe, Canada and the US are neck deep in bills and taxes.

      Delete
  13. This is true. Grabe ang minahal ng lahat, both essential and non-essential goods. I have already cut back my non-essential expenses just to make means end. Napapaisip na tuloy ako mag-abroad, what's holding me back is my senior mother since no one will look after her.

    ReplyDelete
  14. Noon sa halagang 500 ang dami mo ng grocery mabibili isang malaking cart. That was year 2000s

    ReplyDelete
  15. Kamusta na yung 20pesos na bigas kuno?

    ReplyDelete
  16. To be fair the prices has indeed increased worldwide and no I did not vote for the current Pres. I live in Lux and we can feel the price increase. It is ridiculously high. HOWEVER, the minimum wage is high, all public transports are free, clean and very efficient, healthcare is mostly covered so it kinda offsets the grocery prices. The problem in our country is everything is high except for the salary. Also we really need to invest in agriculture we have so much natural resources we shouldnt be importing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Diba? Lahat mahal except sa sweldo. Paano mo kaya bubuhayon yung pamilya mo sa liit ng sweldo.

      Delete
    2. This. If ang taxes natin napupunta talaga sa atin, at hindi corrupt ang officials, at least it will ease some of our major problems like healthcare, and transportation. Sige, sabihin mo nang minimum wage earner ka, pero pag nagkasakit ka o anyone sa family member mo, hindi ka magwo-worry kasi efficient ang Healthcare system.

      So this is why our vote matters, to end if not, lessen at least the corruption in our country.

      Delete
    3. Yan nga ang irony. Agricultural country supposed to be ang Pinas. Dapat tayo pa nga ang nage-export ng bigas. Sabi ng ng Korean co-worker ko, tutuusin mas mayaman sa natural resources ang country natin pero di natin ginagamit ng maayos. Papaano kaya, nuknukan na corrupt ang gobyerno natin as in all levels. Kakaunti lang yung totoong may malasakit sa bansa.

      Delete
  17. Heller..di lang sa pinas ang inflation momshie

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inflation rate 2022: Vietnam 3.2%; Indonesia 4.2%; Philippines 5.8%; Singapore 6.0%

      Delete
    2. Heller din! pero at least sa ibang bansa, ramdam mo malasakit ng govt through inflation incentives, allowances etc. tas may mandate talaga na ang basic commodities may ceiling ang pagtaas ng presyo ex. milk, eggs, rice. Heller! laking tulong ng matinong govt ses...

      Delete
  18. It’s all over the world nga pero tayo madami tayong resources especially sa agriculture pero nag iimport pa din tayo not to mention hindi sumasabay ang sweldo sa inflation. Gets ba ng mga nandito?????

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Look at vietnam and thailand

      Delete
    2. ayun nga din naisip ko, bakit import tayo ng import lalo na ung bigas?? Hindi kasi sinusuportahan ng government mga farmer. Puro band-aid solution, kairita!

      Delete
    3. Mataas ang demand pro kulang ang supply. Lalo ngyon may election juskomio agawan sa palay/bigas ang mga miller at lgu. Meron pa isabela dun na tayo kumuha pero goodluck kung ibigay pa. Given na mas mura tlga angimported kesa local na rice. Kasi need iconsider ang mga gagastusin to deliver sa ibat ibang lugar. Truck mo shipping sa visayas/mindanao Asan ba ang pinaka centro ng taniman sa pinas asa luzon. matakaw tayo sa bigas haha.ang dami ng tao dito sa pilipinas. Madami ng nakaasa nlng sa gobyerno. Ung mga middle class hndi mararamdaman ang tulong ng gobyerno since nakafocus sila sa poorest of the poor.(majority botante) na hndi nmn competent maghanap ng work. Or lets say ung iba kinukulang ang budget. Cycle yan. Hndi pwede sa govt lang ang problema hndi lang sa tao at hndi lang ngyon ngsimula. Matagal ng ganyan. Kung may disiplina sna noong una pa lang.if we are lucky enough in 20 or 30yrs in time mabalanse kahit papano

      Delete
  19. Sus umuwi k sa bansa mo. Be thankful n lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. she isnt ungrateful, what she's showing is the reality that all of us face but you chose to shrug off

      Delete
  20. It’s skyrocketing all over the world!

    ReplyDelete
  21. Nsa mhirap n nga tayong bansa ang presyo ng bilihin pang mayaman..lht b mayaman ekung sya nga reklamo n may pera n yan pno nlng un mhhirap kya ang dming malnourished

    ReplyDelete
  22. While it’s a worldwide thing, di rin nakakatulong ang corrupt officials natin. The rich are become richer and the poor are left to fend for themselves, sadly.

    ReplyDelete
  23. Mag trabaho ka na rin kasi para mkatulong kay John. 'Wag i-asa lahat kay hubby nohh.

    ReplyDelete
  24. Kung sila nga me income namomroblema anu pa kay ang ordinary netizen. Bigas at noodles nalang ang kaya.

    ReplyDelete
  25. There are two kinds of people in this world... one who sees the glass half empty while the other one sees the glass half full :D :D :D I always tell myself, count your blessings ;) ;) ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. toxic positivity

      Delete
    2. Count your blessing habang nanginginig ka sa gutom

      Delete
    3. And that’s you 1107. Toxic

      Delete
    4. Iisang tao lang itong mahilig mag comment here na puro smileys. Na ang purpose lang mang inis.

      Delete
  26. People should learn urban gardening para kahit papaano mabawasan ang expenses, ang mahal na rin ng mga gulay. Medyo tipid kami dito sa province dahil may backyard farm at garden- bawas gastos sa veggies, eggs and poultry. My relatives in Canada and the US are also complaining about grocery prices.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not everyone has the time and space to have a garden. Lalo na those trying to make ends meet. Sa tingin mo yung nakatira sa shanty may lugar pang garden na enough yung yield na pangkain?

      Delete
    2. 9:15 Excuses lang yan ng mga tamad. If there's a will there's a way. Maintindihan ko yung walang time, pero pwede magtanim sa paso, plastic containers or sa sako for those with tight spaces. Kahit nga sa maliit na terrace o area mo lang ilagay mga yan. Pwede rin mag vertical gardening. Pechay, okra and lettuce are very easy to grow.

      Delete
    3. 12:51 i have a backyard veggies garden at sobrang konti lang ng napproduce nun para maibsan ang problema ng inflation. Yung harvest mo after two weeks sa vertical garden, isang meal lang ng oamilya katumbas. Too bad you can't grow some critical thinking in your garden kahit anong sipag mo. Mahirap talaga kung tard ng gobyerno.

      Delete
  27. This is so so true before the pandemic I would go to the grocery and pick what I want now I have to check the price before I put it on my cart the price of veggies, fruit, fish everything is ridiculous

    ReplyDelete
  28. For those saying na bawal mag reklamo at wag sisihin ang gobyerno because this is happening worldwide, please wake up. Sa ibang Bansa Mas Mataas sahod Nila, mababa ang tax, and they have a lot of government services na nakaka tulong talaga sa Tao. E dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huh, dito sa states Im a nurse and we’re on strike complaining and working overtime because the inflation is god damn high but pay is not enough. Stop thinking na Pilipinas lang ang nagdudusa, its all over the world

      Delete
    2. Iba naman kasi quality of life dyan 12:32 yes i know may poverty din sa US pero atleast may aasahan ka na tulong from the government and madami opportunity na trabaho. Yes may inflation din dyan pero lets not forget na 3rd world country ang pilipinas. Ang minimum wage dito is 570

      Delete
    3. Anong mababa ang tax? Tell that to those who are in Canada right now. High taxes, high rent, mahal ang groceries and bills left and right. Even the ones in first world countries are suffering kasi todo kayod din sila dahil sa high cost of living nila.

      Delete
    4. From other countries dzai Mas Mura pa bilhin Dito compare to Canada, US EU. Kaya pag nag babakasyon mga balikbayan Dito todo pamili nila. Ako nga umuwi ako ng pang lomi para sa tita ko yung yellow hahahaha.

      Delete
    5. Dito? Mas Mura Dito tita mababa nga sweldo :) Totoo yan. Ayoko na mag complain sa gobyerno Ayoko na dagdag ăn stress ko diyan Basta ako work work KAYA pa naman if May extra maka maka tulong will do it . Besides, anu ba bansa perfect ? Meron ba? Dun kayo lumipad.

      Delete
    6. Naku, sinabi mo 1:50. Hirap huminga sa high taxes. Truth be known, dami ng nagiging homeless dito. Sabi ng anak ko, meron na rin siyang kilalang mga kaeskwela na tumitira sa kanilang cars or under the bridge.

      Delete
    7. 12:32 come back to the Philippines para maliwanagan ka kung gaano na kalala dito. Your first world problems can't compare.

      Delete
  29. Inflation. Ung groceries namin double the price na

    ReplyDelete
  30. Na schocked nga ako last year nung umuwi ako, grabe ung 1k mo parang 100pesos na lng. While it's true that inflation has really affected all over the world, pero kasi like dito sa lugar kng nasaan ako ngkaroon nman ng required salary increased so kahit papano medyo patas lng din. Makes me wonder pano pa kaya nabubuhay mga tao jan sa Pinas eh yung mga sahod kakapiranggot lng tapos karamihan wlang mga trabaho din. Hayysss God Bless Pilipinas na lang talaga.

    ReplyDelete
  31. Dba mas malala pa inflation sa bansa nya? Venezuela?

    ReplyDelete
  32. Sa true. Halos dumoble din grocery budget namin this past year. Food lang yan hindi pa kasama mga household/cleaning items

    ReplyDelete
  33. Hnd lang sa pinas, sabuong mundo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo yan besh, feel ko din ang pagtaas ng price dito sa tate

      Delete
  34. To think na agriculture country ang Pinas ang mahal ng bilihin lalo na mga gulay naloloka ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dito po naginit ulo ko last time I was home. Ang pangit ng sibuyas - mahal pa. Tapos yung fruits, puro mga apples oranges. Do I need to travel to Laguna para makabili ng native fruits?

      Delete
    2. hindi na agriculture ang priority ng Pinas. tinalo na tayo ng Vietnam at Thailand.

      Delete
    3. Mas kailangan daw ng subdivision.

      Delete
    4. What's really infuriating is that farmers are selling veggies and fruits at a loss sa mga farm areas dahil wrong timing magimport o di kaya ay walang pangtransport. Look for rural rising in fb. Dun ka na lang mag-order. Mura na, makakatulong ka pa sa farmers.

      Delete
    5. 430 true. Mga baks, maghanap kayo ng mga local farmers na malapit sa inyo kasi yang hindi pa nagiling ka bigas bibilhin lang yan ng mura tapos ang mahal kapag bigas na tlaga bibilhin. Sa amin ang saging halos ipamigay nlang sa mura pero sa mall pati sa palengke mahal kaya yan.

      Delete
  35. Scrolling sa TikTok puro dami nagiiyakan sa ibang bansa lalo na Canada dahil sa taas ng bilihin

    ReplyDelete
  36. I feel so sad s ordinaryong mamamayan. I was in PH last year after being abroad for 4 years but shocked talaga ako s presyo ng bilihin. Hndi n mura s Pilipinas nakakalungkot

    ReplyDelete
    Replies
    1. I was in the US for a vacation too…. Ang mahal mahal na. Radam ko inflation Kahit tourist ako. Sabagay Wala na Mura these days.

      Delete
  37. Maybe she should start being practical by leaving the pricey, members only supermarket.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nakakatipid sa Costco, bigger ang size/volume sa Costco than Target/Safeway for the same price.

      Delete
    2. Di ka pa kasi siguro nakatapak sa wholesale groceries. With Priscilla and how big her family is, it’s practical to shop in wholesale

      Delete
    3. 1119 baks, believe it or not mas nakakatipid ka pagbulk ang pagbili mo.

      Delete
    4. Sa totoo lang it's expensive to be poor. Cheaper to buy in bulk sa mga wholesale store and mukhang they can afford it. For those making ends meet, tingi tingi ang bili tas pabalik balik sa store so more gastos din sa ttanspo so in the long run higher yung cost.

      Delete
    5. 11:19 it really isn't pricey kung normal items lang bibilhin mo. Pricey lang kung premium ang items. Mas pricey pa nga on a per unit basis ang sari-sari store kung saan bumibili ang mga families na isang kahig isang tuka.

      Delete
  38. This is so true. As a breadwinner, groceries ko from 10k before a month naging 13k na huhu di pa included detergent cos sa shopee ako nag-bubuy pero yung sweldo ko, 1k plus lang increase annually minus tax pa. Hayyy! gusto ko na lang maging hotdog sa ref para chill lang. Huhuhu. Minsan napapaisip ako na sana pinanganak akong mayaman kasi nakakapagod din magtrabaho para lang mabuhay, yung buhay ka lang, wala masyadong ganap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasabi mo na lahat Baks gusto ko sabihin. 😆

      Delete
    2. Buti ka pa 1226 may annual increase

      Delete
    3. sana all may 13k panggrocery. sana in my next life sa mayaman na pamilya naman ako ipanganak

      Delete
    4. Baka marami sila sa bahay baks, lalo na pag may bata. Pero true, 13k for groceries alone is already a luxury for me.

      Delete
  39. Its called inflation, dear. Buong mundo dinadanas naten di lang sa Pinas. Gas dito umabot na ng $6. Ang shaket. Madami na magugutom, katakot.

    ReplyDelete
  40. Concerning pa nga. It is happening sa buong mundo. Nakakaloka tong mga celebrity na to. Mema

    ReplyDelete
    Replies
    1. It’s global but inflation rate widely varies by country with the Philippines at the higher end.

      Delete
  41. Dati nag gogrocery ako pang tanggal ng stress.. ngayon mas lalo ako nasstress hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo to! Dati kuha ka ng kuha. Lahat ng bago, kunin. Ngayon, hanap ka ng mas mura at yung kailangan lang pero di ka pa rin nakatipid since tumaas na lahat.

      Delete
  42. Well, tama kayo lahat. Pero malaki role ng government to assist the people. Hindi pwedeng “ganun talaga” kaya nga anjan sila. M Sana ung pondo sa necessity nalalaan, hindi sa 400m na travel budget, hindi sa intelligence fund kuno, hindi sa logo competition or logo improvement at kung anek-anek pa. Haaaay, Pinas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga ganyan tlaga sa Pinas no na feeling mayaman na hayaan nlang kasi ganun tlaga. As if nman afford tlaga mabuhay ng sagana.

      Delete
  43. Mas mahirap sa pinas dahil kakapiranggot ang sweldo. Ang presyo sa pinas at japan pareho lang. Shookt ako

    ReplyDelete
  44. Hirap ang pinas? Pag holiday or long weekend ang Dami Dami tao sa mall even diyan sa tagaytay . Yan ba ang hihirap ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi libre lang sa mall ang aircon, ang init sa pinas. Walang mga parks, walang ibang mapasyalan. Ang iba kain muna bago umalis ng bahay para tipid.

      Delete
  45. panay sisi sa gobyerno na mataas bilihin eh bago nanalo ang sinisisi nyo na presidente super taas na bilihin noon pa pero pag may new release na iphone dami pa rin nakapila jan, pinakamadami ngang pinoy ang nagpurchase ng ticket ni Taylor sa singapore tas todo reklamo ang iba sa presyo ng groceries hahaha.

    ReplyDelete
  46. Andami comments na same sa (insert country), e yun naman pala, same lang e d umuwi na kayo. Ano ginagawa nyo s abroad kung same lang? At bakit tingin at the first opportunity e umaalis mga Pilipino sa tin? Sige, i’ll wait

    ReplyDelete
  47. Bumili ako isang piraso na kamote sa grocery na worth P50. Waw!

    ReplyDelete
  48. Iyan ang feeling ko kapag umuuwi ng Pinas. Paramg mas mahal pa or parehas ang pric

    ReplyDelete
  49. Granted na ramdam sa buong mundo ang problema sa inflation pero at least sa ibang bansa kahit paano ramdam mo na may ginagawa ang gobyerno, may mga incentives, free services at kung ano ano pa. Hindi katulad dito sa Pilipinas walang matinong public service, walang incentives, ang baba ng sweldo pero ang bilihin at serbisyo pang-mayaman

    ReplyDelete
  50. Sa nagsasabing walang kinalaman ang pulitika sa economy, walang kinalaman ang mga nakaupo, at nangyayari naman sa lahat yan so okay lang yan. Tanong ko lang, nakakapag-grocery ka pa ba ng puno ang cart mo? isang sako ka ba kung bumili ng bigas? Fully-paid ba tuition ng mga anak mo? Sa private hospital ka ba nagpapacheck up at medical work up? Full tank ba ang gas ng sasakyan mo?wala ka man lang ba loan or kahit anong utang or binabayaran na installment? If wala at hindi ang sagot mo, well mabuhay ka congratulations! kamusta naman ang buhay jan sa Mars?

    ReplyDelete
  51. It is a disservice to the Filipinos. Dati the thieves steal patago and mabilis ipinpoint Now they do it by jacking up prices of onions. onions na p60 to p80 outside sa atin double the price. Sinong yumayaman. My only comfort, mga tao most impacted are the people who nrought us to this state. Kami may budget naman kami.

    ReplyDelete
  52. Ikumpara nyo sa ibang Asian countries, ang mura sa Malaysia. Sa singapore comparable prices sa atin saka doon pero malayo earning capacity ng mga tao.

    ReplyDelete
  53. It’s a world wide problem. Dito sa Canada if minimum wage ka lang and isang work. Enough lang to pay for rent and groceries. If gusto mo makatipid ka mag rent ka lang ng room or dapat may kashare ka sa rent. $100 is nothing this days. Ang taas pa ng gas and utilities, I work as a nurse. I need to work overtime every pay period. Otherwise, hinde sya enough to pay for mortgage, property tax and etc. Heat, electricity, water, garbage and drainage na monthly bill namin is between $500 - $600 a month. It’s just an example. Madami din galit sa gobyerno dito. We pay high taxes dito as in high. Wala kang kalusot lusot sa gobyerno. May supplement kuno pero iincrease naman ang tax. Maganda lang pakinggan na may tulong ang gobyerno sa mga low income pero when you analyzed it, the gov’t is so wise. Hinde ka mananalo sa gov’t. In short may inilabas nga sila pero mababawi naman nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 614 ay baks relate. Ito country na tinitirhan ko has the highest rate of tax after Scandinavian countries. As in mas malaki pa sya kesa sa UK. May bayad here every household every month or 3months for government channels like Radio or tv. It doesn’t matter kung may tv or radio ka sa bahay. 😂 Tapos ang dami pang refugees n tinatanggap. As in inuuna pa ang mga refugees kesa sa mga pensioner nila na halos walang makain. Mabigat na rin sa bulsa ang inflation tlaga. Ay ewan, ang hirap na tlaga ng buhay. Mahal ng tax, ang mahal ng goceries but still sa tingin ko, mas mahirap pa rin sa Pinas.

      Delete
  54. Oo Maraming Bansa ang suffering from inflation Pero May magagawa and gobyerno Kung May malasakit.. Hindi man mapigilan ang pagtaas, May magagawa sila. Tulad dito as Japan, unti unti ang pagtaas ng presyo.. subsidized temporarily yung kuryente.... I know people would say eh Japan yan, pero bawat bansa may maiisip na tulong para sa Tao nya..

    ReplyDelete
  55. Tumaas man ang bilihin sa ibang bansa, mataas naman ang sweldo. Sa Pinas ganun pa din

    ReplyDelete
  56. Kahit pa sabihing lahat ng countries mataas ang inflation, Inflation is exacerbated by other factors sa Pilipinas like poor transport infra. Example lahat ng bansa nagtaas ng presyo ng gas, pero if you drive sa cities natin na ang lala ng traffic, mababa ang mileage mo compared sa ibang bansa where traffic isn't so bad or sa mga cities na rail ang primary mode of transport kasi efficient at reliable ang tren nila. So maaring lahat nagtaas ng presyo ng gas, pero mas reliant tayo sa gas kaya mas malaki ang effect sa atin. Definitely, local governance can temper or exacerbate the effects of global events. Learn to think, not just parrot mga pinapanood niyong propagandists.

    ReplyDelete
  57. tung pagtaas ng mga presyo dagdag sa mga problema ko. lalo tuloy akong pumayat kakaisip paano mapakasya yung kakarampot kung sweldo. sabi ng mga kapitbahay ko may sakit ba daw ako. saklap kasi hindi ako degree holder kaya tiis sa trabahong mababa ang sweldo

    ReplyDelete
  58. Stop eating unlimited white rice. It’s processed food. Pampataba and pampadiabetes especially if tamad kayo mag exercise.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 8:54 Wag kang desisyon, hindi naman kame kakatok sa puso mo para humingi ng tulong pag ma ospital kame. #LetPeopleBe

      Delete
    2. The lower the income, the higher the rice consumption. Poor Filipinos consume so much white rice dahil mas mura yun kaysa protein or other sources of carbs. Yun ang madaling pampabusog. It's not their choice. Huwah kang ignorante

      Delete
  59. Dasurv! Boto pa more!

    ReplyDelete
  60. Yung mga iba dito kala mo hindi kumakain o kumokonsumo. Maswerte lng yung may pambili at extra. Kahit sa palengke mataas bilihin at hindi na talaga katanggap tanggap! Hindi na nakakatuwa. Adjust adjust na lang?.

    ReplyDelete
  61. Ang sweldo ko in a year is about $110k base un. Ang take home ko nasa 60% kasi ang 40% nauuwi sa tax, pension etc. Ramdam ko ang inflation kasi kung dati may naitatabi ngayon wala na talaga. Umabot sa $9 per dozen ang egg dito samin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mahal naman ng itlog jan nasa 40 pesos each. 😲 Yung 8-10 pesos na itlog dito namamahalan na nga kami.

      Delete
  62. Kakauwi lang namin last May after 6 years hindi nakauwi, super shocked ako sa presyo nang mga bilihin sa pinas :(

    ReplyDelete
  63. Its the same everywhere actually. Hindi lang Pilipinas.

    ReplyDelete
  64. Andami nyong hanash na kesyo worldwide ang inflation. Mas mayaman po ang Amerika at Europe at di hamak na sobrang baba ng purchasing power natin kumpara sa kanila. So kung mahal bilihin dito mas apektado tayo. Imagine, sardinas 25 pesos. Jollibee breakfast P175 na ngayon na dating P115 lang. Sa minimum wage na 610 pesos (NCR pa lang yan na pinakamataas), paano ka makakapag-Jollibee nyan. Mas mahirap po talaga ang buhay ngayon sa Pilipinas.

    ReplyDelete
  65. Nakakatawa na lang yung mga in denial pa din sa pagbagsak lalo ng economy just so they can justify their wrong choices last year

    ReplyDelete
    Replies
    1. True, may kilala ako na sising sisi sa binoto nya. 🥴

      Delete
  66. mahal bilihin ngayon, nagtataka ko sa mga tomador sa kanto palagi may budget sa alak at yosi

    ReplyDelete
  67. Dito rin sa UAE, ang mahal na ng groceries at rent.

    ReplyDelete
  68. Totoo. Inflation is real. It's worrisome kasi yung salary hirap sa pagincrease. I am single, & five years ago, ang budget ko lang sa grocery is 2,500. Enough to last me a month na yun. Pero, my 2K now can only accommodate mga sabon at panlinis sa bahay. Wala pang pagkain. Grabi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. dtio din sa USA mula ng nagcovid,ang grocery items 15-35% ang itinaas ang presyo

      Delete
  69. ang mahal ng bilihin, ang baba ng sahod, pero yung gov't funds grabe ang dami pra sa travel expenses at pagpapalit ng logo

    ReplyDelete