Thursday, July 20, 2023

Tweet Scoop: Lea Salonga Reveals How Filipino Fans Rudely Treated an Usher in One of Her Performances Abroad






Images courtesy of Twitter: MsLeaSalonga

178 comments:

  1. Ang mga Pinoy talaga e madalas utak third world. Mahilig mang aba ng kapwa tao. Dito pa lang eh kita mo na ang mga masang pinoy kung makasutsot sa mga waiter e sobrang entitled. Pwede namang tawagin na Kuya o Sir. Tapos di marunong maghintay. Laging padabog o may pagmamaliit na comment or shade lagi sa mga service crew.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pang kweba pa ang mentality ng Pinoy. Nakakahiya na kung minsan.

      Delete
    2. I remember when a friend offered to host Freddie Aguilar and his wife for dinner after his show. It was obviously exclusive and she only prepared for 20 people max. My poor friend unfortunately was surprised when friends of friends showed up kasi kilala daw nila yung producer👀 bastos dba? Ndi naman invited. Nakakahiya.

      Delete
    3. Pinoy ako dito sa ibang bansa madami naman mabait at mabuting asal dito lalo na pag nakadinig ka ng lmagandang salita mula sa ibang lahi. Lamalalabas lang ang yabang at papansin ng iba kung kahalubilo na ang kapwa Pinoy mga astang ewan pag nasa labas.Ang lalakas pa ng mga bunganga pag nagsama sama at mapapalingon ka talaga.Ang mga nega at toxic pa very personal át offensive pa pag magtanong kesyo kung ano ang tayo mo dito sa States.Ex:Kung may papel ka na?trabaho ng asawa mo may anak ka sa Pinas etc.Karamihan ganyan dito hindi ko na ide defend nasa DNA na.Dati nakikisama ako nakiki join ako pag may party ngayon medyo iwas na kasi maritesan at yabangers lang ayoko na hindi maganda sa buhay.Mahirap magtiwala ng sikreto dahil alam mo na kaya maingat talaga ako sa pagpili konti lang talaga ang kaibigan ko.

      Delete
    4. kung sino pa mga middle and lower class ang ganyan asal sa mga waiter

      Delete
    5. Pinoys don’t seem to know what’s rude or not. hindi ata naturuan ng gmrc sa school

      Delete
    6. Nagtrabaho ako sa Jollibee noon, sobrang pang aalipusta naranasan ko doon sa mga customer. Sobrang entitled ng mga tao akala mo nabili na nila yung crew sa karampot na halaga na inorder nila

      Delete
    7. Pinoy customers and fans are some of the most entitled and feelingero. Kala mo may-ari ng kumpanya kung makatrato ng tao porket nakabayad sila. This new generation of parents and teachers should teach manners and etiquette since the previous generation did such a horrible job.

      Delete
    8. Ako din! I worked for Jollibee before! First job ko pa. Grabe mga Pinoy. Ang sama ng ugali. Mas mabait pa yung mga puti

      Delete
    9. Naku good luck 11:14. Di ba nga dami ng bawal sa school. Gusto yata ng batas na wag disiplinahin mga bata. Kahit nga sa bahay, gusto pa makialam ng batas sa pagpapalaki sa bata. Mapagsabihan or masaktan lng damdamin ng ibang bagets ngayon, socmed agad or Tulfo. Lol

      Delete
    10. Kaloka. Rooted kasi yan sa history natin na lagi tayong nasasakop kaya may mentality tayong master vs servant. Ayaw na ayaw natin na mababa ang tingin sa atin. Gusto natin palaging nakaaangat tayo sa iba kasi ayaw natin ung mabansagan na low class at alipin. Kaya nga pagnagkapera, kukuha ng katulong kasi nakakaangat ng pride at feeling mataas na uri na. Kapag pag serve ang trabaho or nadudumihan, feeling na ng pinoy na ang babababa whereas sa ibang bansa normal lang naman at disente kung tutuusin. Kung sino pa ung mahirap na bansa, dun pa malakas mangmata ang mga tao. Diring diri sa mga feeling nilang mas mababa sa kanila at ayaw nila maassociate sa ganung mga tao. Nakakahiya. Puro pride. Walang manners

      Delete
    11. sa mga Jollibee crew dyan, naranasan din yan nung anak ni Gloria Diaz. Sinabi nya na nagwork sya sa MCDo ata or Jollibee and sinigawsigawan daw siya ng isang customer. Inistraight English nya daw, natameme si customer hahaha

      Delete
    12. Sadly mga pinoy mayayabang at kala mo sino, kaya wla akong Pinoy friends dito sa US, mas ok na local nalang friends kesa pinoy, inggitera at mayayabang, pabonggahan ng car , bahay etc.

      Delete
  2. Bukod sa corruption, palakasan at lamangan isa sa reason bakit nilayasan ko ang Pinas dahil walang disiplina mga tao. Sorry to say this pero ikinahihiya ko minsan maging Pinoy. When they asked ano nationality ko I just said I am from this or that but not Philippines.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko gets. Di pa siguro ako napunta sa sitwasyon na kailangan kong itanggi ang pagka-Pinoy ko. Pero choice mo yan.

      Delete
    2. Can't blame you, sis.

      Delete
    3. Trutttt!!! Nakakahiya sobra! Lalo na ung mga feeling mayaman or edukado!!!

      Delete
    4. it's really funny how you contradict yourself 12:21. you are ashamed of being a Filipino and yet you embodied the exact hypocrisy and trait that makes Filipinos annoying that is, being ashamed of where you came from. you just confirmed that you have the same behavior because masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. if it's not true you wouldn't give a damn what other nations/people would say because you know hindi naman lahat ng Pinoy ganyan. instead of proving na hindi totoo, you just confirmed it by acting like a crab mental.

      Delete
    5. Same!kahit san mo dalhin ang pinoy tlgang matigas ang ulo at napaka entitled.Nakakahiya maging pinoy sa true lang

      Delete
    6. Instead of denying ung pagiging pinoy mo, bakit di ka maging proud at ipakita sa ibang tao na hindi lahat ng pinoy ay pangit ang ugali?

      Delete
    7. same. malungkot man sabihin pero ang daming masamang ugali ng pinoy.

      Delete
    8. congrats anon 12:21 am. sana ako rin

      Delete
    9. Don't need to feel sorry, wala na talaga pagasa ang pinas makalat, maingay at dura ng dura sa labas mga bastos din. Oo g na g.

      Delete
    10. Typical pinoy na social climber pala mga andito. Kinahihiya ang lahi. Bakit kayo nandito sa Pinoy website? Dapat wag na din kasi chismisan dito trait ng isang pinoy na nasa dugo at lahi nyo pa din mga Maritess.

      Delete
    11. 153 its a reality and needs to be discussed para hindi na tularan

      Delete
    12. If given the chance, ayoko din talaga tumira dito sa pinas. I would be very glad if maging citizen ako sa ibang bansa without hesitation. Wala eh, it really saddens me knowing wala nang pag-asa dito. Ayoko ng mga tao dito.

      Delete
    13. very well said 2:50 am

      Delete
    14. Sad that you feel that way. Kahit marami akong ayaw na ugali ng pinoy, hindi ko pa rin naman magawang itakwil pagka pilipino ko dito sa abroad. Pinipilit ko na lang maglevel up at magexcel sa
      Mga ginagawa ko para everytime may nag ask kung taga saan ako, I can proudly say na pinoy ako and hopefully they change their image of us or at least man lang masabi nila na hindi pala lahat ng pinoy ay ganito or ganyan. I still believe we have hope. In this day and age na uso na ang social media, sana magising na ang marami sa atin na dapat mabago ang mga nakagisnan na nating negative na kultura

      Delete
    15. That’s the reason I’m not opting for dual citizenship

      Delete
    16. 2:50 Mga nag cocomment ng ganyan mga pinay na tumira sa ibang bansa na panay ang pinatas at compare sa bansa na tinitiran nila ngayon pero ugaling pinoy, mga chismosa at maritess pa din kaya nandito sa gossip website sa Pinas patawa!

      Delete
    17. Kahit anong lahi ka pa galing, there’s always bad and good ones. Whatever you see in others is actually a reflection of yourself. Also, why do you have to hide your nationality? If you are a good person, you wouldn’t be ashamed of where you came from.

      Delete
    18. 12:21 I had the same mentality like yours before but I realized instead na ikahiya ko ang pagiging Filipino ko, I should be the better version of what a true Filipino should be. Yung disente, masipag at marespeto sa kapwa. Para mag-iba ang perception nila na hindi lahat ng Pilipino abroad ay mga bastos.

      Delete
    19. Sa true lang, maski nman yata kahit na anong bansa eh maraming di kaaya ayang ugali but mas naloka ako na ikinakahiya ang nationality. 😂

      Delete
    20. I will never understand the psychology behind denying that you’re from a particular race unless your life is in serious danger. That’s just weird and straight up lying

      Delete
  3. Mukhang maraming nakatagong anti-pinoy stories sa baul si tita Lea.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:23 anti-pinoy eh totoo naman. Service staff are treated rudely

      Delete
    2. Kabahan ka baks kung isa sa mga story time nya eh about sa atin na tambay dito kay FP xD

      Delete
    3. Well, it is. Afterall, matagal n syang mulat sa diferrences ng pinas and foreign countries.

      PS. Kung pede lang lumayas,

      Delete
    4. You mean anti bad manners. Isa Ka pa.

      Delete
    5. Si Lea ang kase ng pinoy na just because you’re a Filipino and we’re in different country doesn’t mean na kung mali nagawa mo eh palalampasin ko or as a kababayan eh kakampihan kita. I think it’s also because she’s been exposed to different cultures at iba’t-ibang klase na ng tao nakakasalamuha nya na karamihan ay mga naka angat angat sa buhay 😄. May mga pinoy din naman kasi na kahit yumaman na ang asal pang slapsoil pa rin.

      Delete
    6. 12:23 anti pinoy?! she's just stating facts

      Delete
    7. 12:23 siguro kaugali mo din yung mga yon kaya offended ka.

      Delete
    8. Isa ka din siguro sa mga pinoy na ganyan ang paguugali. Anti-pinoy? Gurll, just because nasisita at napupuna ng isang may disiplinang tao ang mga shunga at feeling entintled e anti-pinoy sya. Believe me kung anti pinoy yan, ikakahiya nya ang pinas at hindi nyan sasabihing pinoy sya lalo nat sikat sya.

      Delete
    9. totoo naman e

      Delete
    10. Anti-pinoy? She’s just stating stories that includes behavior of Filipinos. I’m sure she has stories of other ethnicities but we’re in the pinoy topic

      Delete
    11. Anti-bastos kamo. Ikaw na malicious.

      Delete
    12. siguro kasi madami na sya experience abroad

      - ; -

      Delete
    13. It may sound anti Pinoy pero totoo nman kasi yan. Nasaktan ka nga, truth hurts. 😂

      Delete
    14. If anti-pinoy na yang sakanya, eh di anti-pinoy na agad lahat ng experiences sa mga bastos, entitled, at ma feeling na mga pinoy sa ibang bansa ganun ba? Nakakahiya maging Pinoy pag nakikita mo kagaspangan ng ugali nila outside our home country.

      Delete
  4. It's very typical Filipino behavior. They tend to belittle others if they can't prove a point. I hope you stop this and don't take this bad behavior with you especially when you're in a foreign land. It badly represents the rest of the Filipinos who try to be a good citizen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero kapag mga pinoy ang na-belittle, juskupo maghanda ka sa monologue ng pa-victim and paawa effect. Same way that pinoys are so racist but cry the loudest when they become victims of the same form of racism.

      Delete
    2. Well, sadly even when pinoys migrating to other countries, that toxic mentality still exists, especially when they know that they’re dealing with kapwa pinoys

      Delete
    3. 9:30 agree! I sometimes avoid Pinoys as they often display these negative qualities. I'm
      glad that I supposedly don't look too Filipino as it helps avoid plastickan situations.

      Delete
  5. Nakakahiya kasi minsan ang mga kapwa pinoy sa US. Dinadala ung mga toxic pinoy culture nila. If you’re a foreigner to a country, ikaw dapat mag adjust sa culture nila, dahil wala ka naman sa Pilipinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. @12:44 Baka naman mga pinoy na nakatira sa squatters area ang mga pinoy na sinasabi mo. Ang daming pinoy na desente. Baka mga walang breeding na pinoy ang tinutukoy mo or yung mga dating magirap tapos nagka pera. Mga nouveau riche.

      Delete
  6. Nakakahiya kasi minsan ang mga kapwa pinoy sa US. Dinadala ung mga toxic pinoy culture nila. If you’re a foreigner to a country, ikaw dapat mag adjust sa culture nila, dahil wala ka naman sa Pilipinas.

    ReplyDelete
  7. kaya as much as possible, dito sa abroad, i dont try to be close to tany pinoy groups, sila sila din nag baback stab at nag chichismis sa isa't-isa

    ReplyDelete
  8. Ang jowa ko ibang lahi. Pag umaattend kame ng Filipino events, niwawarningan ko na siya na pedeng may masabe iba para maliitin/mahanapan ng bagay na pede pa ma-improve. For instance, ang tanong, "nagluluto ka na ba?" Sagot, yes (pero di ko na i-eexplain na matagal na ko nagluluto). Tapos, "ano pinagluluto mo sa jowa mo?" Sasabihen ko, depende kung ano yunh nasa Hello Fresh recipe. Tapos ang last na question, "Ay, baket di pinoy food?" May point naman, pero pag hangga't di masasagot, di titigil. Ha ha.

    ReplyDelete
  9. Ganyan naman talaga mga pinoy sa ibang bansa! Lalo na sa US. Not a fan of Lea pero she might had several encounters with pinoys who were rude to other people porket they're outside ph

    ReplyDelete
  10. Because pinoys would only listen to people na mas mataas ang position sa kanila. In this case usher “lang” kasi kaya ayaw nila sundin. Rerespetuhin ka lang ng pinoy kapag mas mayaman ka or mas maganda ang work

    ReplyDelete
  11. Ginalit niyo si madam. Napa-throwback na siya.

    ReplyDelete
  12. To be honest, mas racist din ang mga pinoy but they’re passing it as a “joke”.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Racist jokes, rude comments and manners sinusundan ng “joke lang, ikaw naman” “balat sibuyas” “dika na mabiro” “oa mo naman” “arte mo””seryoso mo naman masyado”

      Delete
  13. Ayan tuloy may pa tea si tita niyo Lea. Know your place kasi fans minsan OA tapos nagiging toxic

    ReplyDelete
  14. Affected much si tita at kinailangan ng bagong storya.

    ReplyDelete
  15. Dito sa UAE, daming pinoy, dinala ang maling pag uugali galing Pinas. Gumagala mga pinay sa kalye, naka singit shorts lang and spaghetti tops. Alam na bawal manamit ng ganito dito. Pag nabastos, biglang mag mag cocomplain. Mga lalaki naman, asal kanto pag nagka inuman na. Pupunta sa mga malls, naka jersey shirts na labas ang kili2, naka cargo shorts at tsinelas lang kung mamasyal. As if bahay nila ang mga malls dito kung umasta. HIndi man lang mag bihis ng maayos, tapos pag napuna ng ibang lahi, angasan ang peg. Kaya madalas discriminated ang mga pinoys. Shameless...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hhh bawal ang nk slippers or sando lmg snloob ng malls sa Saudi..di mkkpasok yan hhh

      Delete
  16. Sorry but some pinoys na nasa ibang bansa ang baba ng tingin sa kapwa pinoy. It is deeply embedded in their brain. I was once a nurse of a pinay stroke patient, she was being impulsive as stroke pts can be. My nurse assistant who takes care of her was white. Wala syang ginagawa pero giliw na giliw ang pasyente.Guess who was discriminated? Me. Her fellow pinay. Sobrang offensive nya magsalita at wala talagang filter. She wont let me touch her. In the end my white nurse assistant na lang ang gumawa ng mga kaylangang gawin on my behalf. Sa labas lang ako ng room.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh wow. so sorry to hear this. hindi mo din talaga maintindihan ang ugali ng ibang pinoys abroad feeling overly superior

      Delete
    2. naranasan ko yan. ive been working in a call center for long at pag may nagtatanong s akin what was the worst experience i got sa mga calls ko sadly ang nasabi ko sa mga pinoy abroad. dyeske pinoy na pinoy nanagpapaka slang hindi ko tuloy maintindihan tapos sobrang entitled na parang kung nasa harapan ka lang nila eh mauupos kang parang kandila sa mga pang aalipustang makuha mo.

      Delete
    3. I'd report her for racism and discrimination.

      Delete
    4. It’s sad and upsetting kasi wala ka magagawa sa thinking ng mga ibang pinoy. They are racist pagdating sa kapwa pinoy and sometimes titignan pa your background sa pinas if u come from a powerful background before they respect u.

      Delete
    5. My fellow nurse na pinay said to me once because i had trouble with a pinoy pt, “this is why i speak English at hindi ako nagtatanong kung ano lahi nila”. Pinoy patient or the family they will try to pressure u para makuha gusto kasi, ‘magkababayan tayo’

      Delete
    6. 435 natawa ako kasi ako rin hindi tlaga ako nagtatanong if Pinoy ba sila or not. I just smile kapag may Asian looking akong nakikita here in Eu. 😂 Wala nman kasing purpose pa if magchikahan kung hindi nman magkikita pa ulit. 🤣

      Delete
  17. Many pinoys are uncouth and lack discipline. That's the truth. Kapag sinita mo, defensive agad and aawayin ka pa, dapat sila lang ang laging tama.

    Kahit mga kakilala ko dito sa Canada na mga Pinoy na matagal na dito nakatira, nakakahiya ang ugali minsan. Lalo na kapag it's time to pay sa restaurant and proud na proud sila na walang bigay na tip sa servers. Sasabihin pa na "hindi na ako magbibigay kasi nagbigay ka na" eh separate bills kami and mas madami silang demands sa server kahit yung air conditioning ng buong restaurant gusto pahinaan. Masyado entitled. And sobrang ingay to the point na disruptive na kahit sa workplace na dapat English ang salita, tapos kapag sinabihan mo, mas lalong magta-Tagalog sa harap mo and i-chichismis ka na mayabang at maarte. Yan ang mga Pinoy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's typical Pinoy, pag pinagsabihan mo, lalo nilang gagawin. Aasarin ka. Dapat puwedeng idemanda yung ganyan or kahit multa, tingnan ko lang kung mang-asar pa yang mga yan.

      Delete
    2. i really hate that. yung mga pinoy na sige sa pagkukwentuhan ng tagalog/bisaya kahit may kaharap na foreigner. don’t they know that’s rude??

      Delete
    3. 12.48 at ang lalakas ng mga boses akala mo bingi kausap.

      Delete
  18. Umuwi ako sa atin noong 2018. Ang last na uwi ko bago ito was 2005. Nakita ako ng Kapitbahay namin at nagsabing and i quote " "Bakit ang tagal mo na sa America bakit di ka pa pumuti. Mas maputi pa ako sa iyo".... which is true ! Noong high school kami, mas maputi ako sa kanya... ngayon nabaliktad na. Sinagot ko na lang ng " Doon kadi, ginagawa ko lahat pati yard work kaya palaging naaarawan. Ang Pinoy talaga tackless. Sabi pa sa anak ko "Ang taba mo, di mo bagay, magpapayat ka".I was dumbfounded to say the least at di ako nakasagot. Parang nawawalan na akong ganang umuwi tuloy sa ating bayan. Iba na ang
    Pinoy na iniwan ko noon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Omg!!

      Grabe naman pati bata di pinalampas..😞

      Delete
    2. true ito. nagtataka nga ako kapg pinupuri ng ibang lahi ang pinoys na kesyo sobrang babait daw. talaga ba? e lahat ng masamang ugali meron. even sa mga gamer groups, mga pinoys ang agresibo at mayayabang. nakakahiya!

      Delete
    3. Funny lang sa side ng neighbor kasi that only means you're able to do outdoor activities and eat good foods. Dito kasi sobrang planado 'yung mga lakad na magpapaitim sa'yo (no time+need ipon)

      Delete
    4. Hahaha napatawa mo ko. I mean I know people na either lumalaklak ng glutha or nagpapa-inject pa. So hindi ako magtataka if yung kapitbahay mo e glutha na ang tumatakbo sa dugo. Honestly, so asian thinking na status symbol ang pagiging maputi.

      Delete
    5. Ako nman kakauwi lang at yung anak kong babae na 3years old eh brown tlaga ang kulay. Lagi nilang sinasabihan na magglutha nlang daw paglaki. 🙄 Hello, dito sa Eu halos lumaki na tong puso ko sa kakareceive ng papuri how pretty my baby girl is. Kaloka! Pati bata ayaw tlaga palampasin. 🙄

      Delete
    6. Ako din sis. Nung nasa pinas pa ako, grabe ako maka gamit ng papaya soap, glutha, and whitening products. Nung nakarating ako dito sa US, shock na shock ako nung first time ako nakatanggap ng compliment na maganda daw kulay ko. Marami nag cocompliment lalo na pag winter hahahaha. Then nun umuwi ako ng Pinas, sabi sakin ng kamag anak ko, ang dumi mong tingnan. Pa inject ka ng glutha. Haaay

      Delete
    7. Nung umuwi rin ako galing Sydney, wala akong masyado pang damit nun kasi magshoshopping sana ako sa pinas so nakihiram ako sa kapatid ko.
      Nasa loob ako ng bahay ko nakapambahay tapos sasabihin sa akin ng tita ko bakit daw para akong hindi galing abroad? tapos icocompare pa ako sa pinsan kong galing sa kasal, tapos ako nakapambahay. LOL

      Delete
    8. Insecure neighbor. Gusto nyang iassert ang dominance nya sayo. Kahit daw abroad ka e mas maputi naman sya, un ang gsto nya ipoint out. Hahaha. Kaloka si ateng

      Delete
  19. Lea salonga should learn when to shut up. 🤐

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same as you and me.

      Delete
    2. Nope. You should.

      Delete
    3. I guess you don’t want to hear the truth

      Delete
    4. 3:10, ilag ilag kasi para di masapul.

      Delete
    5. 3:10 it applies to you if you have nothing sensible to say.

      Delete
  20. That is why I do not mingle with pinoys. Sad to say , my fellows, you lot dont have manners. So embarassing behaviour eap. abroad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same here. Iwas talaga ako sa mga groupies. Napagod na nga sa kaka-imbita sa akin. Nadala na kasi ako yrs ago.

      Delete
    2. khit anong pgpapanggap mo pinoy kpa din, wag masyado mataas tingin sa sarili

      Delete
    3. travelled abroad a few times pa lang. so far pag nasa ibang bansa ok naman. actually, mas naa-apply pa nga discipline ng mga Pilipino sa ibang bansa eh. maiinis ka na lang pag pauwi ka na alam mong sa Pinas ka papunta kasi mga tao walang sense of personal space. yung tipong sa pila parang gustong dumikit sayo tas uunahan ka pa ata makapasok sa eroplano. eh duh, di naman magbabago seat number mo. kaloka!

      Delete
  21. Mga pinoy kasi feeling entitled..mga suammy nmn ang utak!

    ReplyDelete
  22. Tama talaga si General Luna.. ang kalaban ng Pilipino ay kapwa nya Pilipino din.

    ReplyDelete
  23. Sa atin nga lang ako nakakita na ang security guard pa ung takot sa customer 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truth. Kahit nga sa mga pulis e walang respeto but of course need din ioverhaul ang masamang ugali ng mga pulis… haay ang daming issues

      Delete
  24. Walang urbanidad

    ReplyDelete
  25. Very Pinoy attitude talaga. Nakakadire! But when it comes to foreigners, nagkakandarapa to impress or serve them. Kaya gustong gusto ng mga foreigners sa mga Pinoy coz we're the kindest and most hospitable daw 🙄 Kung alam lang nila kung pano tratuhin ng Pinoy ang kapwa nila. Kaya wala akong friends na Pinoy dito sa UK, madami silang kung ano ano sinasabi sa kapwa pag nakatikod na. Pangit ng mga ugali.

    ReplyDelete
  26. Filipinos are actually racists kahit both overseas and Pinas. Marami sa atin pinagtatawanan mga itim dahil ang feeling nila nakaka-angat sila sa ibang lahi. Yan ang talagang toxic traits natin - mayabang, feeling privilege, at mataas ang tingin sa sarili.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! Ayaw madiscriminate pero numero unong nangdidiscriminate.

      Delete
  27. So true, Lea. Sad, but that's a fact. Kahit saan ang ibang kababayan wala talagang disiplina. Aside from ang iingay ng mga bunganga, if they can take advantage they will. Mga ambots.

    ReplyDelete
  28. Kaya nga sabi ng uncle ko na nasa U.S, kaya daw di na sya sumasama sa mga pinoy gatherings kasi ang totoxic ng ibang pinoy..

    ReplyDelete
  29. Actually, yung mga feeling alta pa umaasta ng ganyan. Like akala nila they are at the top but they are stupid to see the reality that they are at the bottom with that kind of behavior. Very embarassing side na Fil pasosyal culture talaga grabe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung mga nouveau riche mostly ganyan.

      Delete
  30. nakakahiya na maging pinoy minsan. antoxic

    ReplyDelete
  31. Ay satrue ms Leah. Kahapon lang, working as kahera, may customer wants to cut line at ang alibi nya, she was not informed that there's a number system for priority lane. Ay nagtantrum talaga dzai, calling bastos, walang modo when in fact ung personnel na yun eh hindi ko nadinig mag side comment sa customer. Pag nasa kahera/teller/waitress/housekeeping ka talagang may pag banggit pang taga munisipyo/office ng gobyerno eh samantalang naseserve din namin office ni MVP/Ayala/RSS pero mga pro makipag transact. Oh well, another day in paradise, ika nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kadiri sya. anong ginawa nyo? pinauna na kasi nag skandalo?

      Delete
  32. Filipino friends who moved abroad chose to stay away from Filipino communities there. Kasi sila yung mga inggitera, ma chismis at mayayabang. They never truly acclimatize in the country kasi dala nila yung toxic Pinoy traits nila. So ayun, matahimik at drama free ang buhay ng friends namin. We stay away from the community din dahil one time we made a mistake of interacting- ang mga chismosang tita pinresyuhan ang ginastos naming pambakasyon at pabalik-balik pa daw kami anong ginagawa namin pano yumaman? Kadiri dibaaaa?

    ReplyDelete
  33. Dahil kay Tita Lea, naalala ko ang AP (anti-pinoy) moments ko pag nagtatravel dahil minsan nakakahiya ma-associate SA IBA lalo na yung akala mo porke di daw sila naiintindihan eh kung anu-ano mga sinasabi at inaasta porke ‘turista’ naman daw sila. Di na lang ako nagta-Tagalog dahil pag narinig kang magsalita pwedeng i-feeling close ka pa kasi ‘kabayan’ daw! Hay nako kahiya!

    ReplyDelete
  34. Share ko lang din. Here in Japan, where I gained citizenship as a skilled professional, ang imahe ng Pinay ay gold digger. Di naman lahat, but truthfully, mga 70 percent. Ni di ko maipagtanggol kasi totoo. May drama pa mga sizzums natin na kesyo need ng hefty monetary dowry before marriage, or may calamity sa Pinas or, may namatay, etc. Todo gives ang generous Hapon. Pag simot na ang pera, iniiwan mag-isa kung kailan matanda na, karay-karay ang anak. Kawawa kasi lonely lang naman sila kaya gullible. May heartless pa nga na pinapaniwala na anak nito ang batang nabuo with Pinoy jowa. Minsan, napapaisip ako, ganyan ba talaga nagagawa ng kahirapan, nawawalan ka na ng puso at konsensya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. napnood ko dati sa wowowin.. yung hapon pinauwi dito ng pinay, so he sold all his properties in Japan and umuwi dito. nung nakuha ang pera ng hapon, iniwan ng Pinay. ayun sa squatters nakatira ang hapon, wLang kpera pera. pinapakain na lang ng naawang kapitbahay. how can u do that to someone na nagmalasakit sayo?

      Delete
    2. 10:22 am. Medyo relate ako dito. Boss ko din hapon at napapaligiran din ng mga babaitang pinay. Matanda na boss ko almost 80 yo pero malupit ang mga pinay na kumakapit sa ngalan ng datung.

      Delete
    3. naku nung elem pa ata ako nun naka-encounter ako sa SM pamilya sila. yung nanay ata jowa niya yung east asian (not sure kung chinese or japanese). tagalog mag-usap ang mga tanungan "magkano papabili mo? magkano hihingin mo?"

      Delete
    4. This..Hys. so sad.

      Delete
    5. Totoo to! I married a Japanese, pero dito na sa US lumaki. Ok naman un inlaws ko. Walang problem. Pero nung nalaman ng relatives nya sa Japan na Pinoy ako, tinanong ba naman kung ano work/educational background ko.

      Delete
    6. Aw 2.22. The thing is, lalo before, mababa din ang tingin ng mga hapon sa mga pilipino. Dati nga, basta pinoy pumupunta ng Japan, kahit for travel lang, automatic detain sa immigration nila.

      Delete
    7. May boss ako ng ganyan din ang kwento. They were about to get married pero yung isang pinay friend niya, inakit at ginapang yung Japanese na fiancé ng boss ko. They didn’t end up together pero hanggang ngayon love talaga siya nung guy.

      Delete
  35. Tuwing umuuwi ako ng Pinas napapa-iling na lang ako sa mga naninigaw, nang-aaway, impolite sa mga retail or service staff. They aren't paid enough tapos nababastos pa. We should be thankful nandyan sila para tumulong.

    ReplyDelete
  36. Nakaka-upset yung behavior ng ibang Filipinos abroad. Yung mga foreigners na bumibisita dito, pag entitled din sila, di ba nakakagalit din? Sana maging aware tayo na iba't-iba cultures per country.

    ReplyDelete
  37. May mga ganyang Pinoy talaga. Nakahawak lang ng kaunting pera kala mo angat na siya sa iba 😂 Kahit na tumira na sa ibang bansa pang 3rd world pa rin pagiisip.

    ReplyDelete
  38. sa atin kasi theres a mentality that low class mga people doing certain jobs since basically people work their jobs for the rest of their lives and get paid low. but ako i noticed even just a simple thank you i get such great service or priority service. like ayaw na ako iwanan ng mga waitataft they keep serving me nonstop. tuloy nahihiya ako napapalaki tip. but sad that so few people do it that when someone does, the staff feel compelled to treat that person like a VIP. ive even experienced that there were no steaks for other people yet , we came late but we got the steaks first all because my kids would say po and opo and ate kuya and the staff found them adorable. we always get told were different bec our kids respect the staff in any place weve stayed or lived in. we feel happy that they compliment us but sad that basic manners are not being applied to all filipinos.

    ReplyDelete
  39. actually nakakalungkot na masama usually ugali ng karamihan sa pinoy. pero baka mga taga ibang bansa din naman masama din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes, lahat naman ng lahi meron bad behavior. Pero anong point ng comment mo na baka tag-ibang bansa masama din?

      Delete
    2. Ay oo naman. Sa experience ko so far, mga Chinese at Indians may pagka-rude din.

      Delete
    3. Agree 12:33PM. Working in Middle East at yung nga Anaps (Indians) eh medyo may kayabangan nga rin. Haha.

      Delete
  40. Nakakahiya talaga ugali ng mga Pinoy. Kaya I stay within my bubble--educated and decent friends/circles.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not all educated people have manners. At times they’re the ones who look down on others.

      Delete
  41. Grabeb yung 2nd, 3rd, 4th, and 5th hand embarrassment ko as a pinoy. Hindi mo madefend, kasi alam na alam mong ganto talaga mga pinoy, even locally.

    ReplyDelete
    Replies
    1. so true. kaya d na ko nakikihalubilo sa iba. pagchichismisan ka lang. mahilig lang magmabait pag may kelangan sayo

      Delete
  42. Since feeling righteous naman si Madam, bakit wala siyang ginawa dun sa tao? Nagre-react lang pag siya ang nasa receiving end.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ka ba nagbabasa? She yelled in their direction “the usher is just doing her job!”. Basta ka comment, di mo muna binasa.

      Delete
    2. Nabasa mo ba ng maayos? 😂

      Delete
    3. Nagbasa ka ba? Sinigawan nga nya di ba " She is just doing her job! "

      Delete
  43. Third mindset karamihan sa mga pinoy. Cringe. Tapos magcocomplain sa sariling bansa pero sila mismo mga violators at contributors with the mess we are all in right now.

    ReplyDelete
  44. Mga bashers masyado kayong racist …. Kahit Pinot or Ano pang cultural background ng isang Tao it’s the characters Hindi dahil pinoy sila kahit Ukrainian or American or Korean May mga ganong class n Tao and Ms. Lea, enough n po na Pag usapan k n, you’re milking it already, Tama n and besides I believe cursing made you not far from these people’s level..✌️✌️🤗

    ReplyDelete
    Replies
    1. @12:18 I agree with you. Oa na talaga.

      Delete
  45. Di ba galit na galit tayo pag may ibang lahi na pag andito sa Pilipinas akal mo kung sinong umasta? Sana maging lesson yun sa ibang mangingibang bansa na respect their cultures, beliefs, rules and protocols.

    ReplyDelete
  46. grabe lang kasi masyadong feeling entitled, iyong usher nagtatrabaho ng marangal and hello ginagawa lang trabaho ..
    syempre to feel
    good about themselves kaya ganyan tratuhin mga staff and crew...
    kala mo naman mga hindi rin empleyado/pasahurin regardless of your company and position di ba



    ReplyDelete
  47. puro ingay na tita lea.. wala kang magagawa nakita na kung gaano mo itaboy ang fans.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:03 Anong video pinanood mo, accla?

      Delete
    2. It appears that your mindset is the same as those rude fans.

      Delete
    3. Hindi kasalanan ng fans yun
      May pagkukulang rin si Lea
      Dapat mag hire sya ng bodyguard at pinapasok lang po ang fans. Kung tutuusin minsanan lang talaga yung ganong ka excited na fans mga kapwa pinoys sila pero masakit sabihan ng "who are you? I dont know you"

      Delete
    4. una, bat kasalanan ni lea na hindi secured yung lugar? di ba dapat nasa producer or bldg admin yun? pangalawa 6.56, ano ine-expect mo? hindi naman tlga niya kilala yung mga pumunta sa kanya. ano manghuhula siya ng name?

      Delete
    5. 6:56 at 1:03 bottomline sumunod sa patakaran. Wala din kayo disiplina at hindi marunong rumespeto ng privacy.

      Delete
    6. 6:56 whats wrong with that question? If sinagot nila na yes they are on the list, sana nakapasok sila like the other fans before them, eh since their answer is no, alam mo na ang nangyari.

      Delete
    7. 1:03 yung mas nahurt ka pa sa tweet ni lea kesa sa ambush vid meant to bash lea ni christopher retokelley, eh nagreply lang naman si lea sa vid nung pinakita sa kanya

      Delete
    8. 6:56 di naman talaga nya kilala so bakit andun sila. One statement is enough, di ba sila nakakaintindi? I kagaya ka rin nilang Mahina ang comprehension o walang right conduct

      Delete
    9. 6:56 True, hinatid sila ng security sa dressing room ni Lea. Ang daming pinto dun, paano naman malalaman ng fans kung saang pinto nandun si Lea. Dapat sisihin ni Lea secuity na nag dala ng fans nya kung nasaan sya.

      Delete
    10. deserved nila ang ginawa ni lea ateng

      Delete
    11. 6:56 truth hurts 😁 private space ng performer ang dressing room. Hindi porke fans ka e ok lang oumunta ka don ng fi ka invited or wala ka sa guest list .

      Delete
  48. nakakalungkot yung ganitong pangdodown ng pinoy sa kapwa pinoy.

    piliin mo lng yung sasamahan mo, madami pa din pinoy na mabait kaysa sa ibang lahi.

    bago mo sabihang toxic yung iba, check mo muna sarili mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:20 They are not generalizing all Filipinos abroad, just some of them. Don't invalidate how they feel towards other Pinoys abroad, who are obnoxious, because they were the ones who experienced and witnessed that firsthand.

      Hindi ba toxicity din yang "check mo muna sarili mo" card?

      Delete
    2. 1:20 lol hindi mo nagets

      Delete
    3. 1:20 Totoo, nakaka suka na mga pinoy na nangda down ng lahi nila pero andito sila sa pinoy chismis website, interesado pa din sa chismis. Sana kalimutan nyo na lahat about being pinoy kasi kadiri sabi nyo diba? Hindi ba pagiging chismosa at maritess kadiri din very pinoy so mandiri din kayo sa mga sarili nyo!

      Delete
    4. Mga baks, nagseshare lang nman ang mga yan sa mag experience nila. Hindi lang nman yan iisang tao kaya masakit mabasa kasi ang dami at iba ibang masasamang ugali nating Pinoy ang nakikita natin. Lol

      Delete
    5. 11:47 ugaling ugali mo kasi ano? Sige ipagtanggol mo ang masamang ugali ng Pinoy!

      Delete
    6. 10:44 ugali ko lang? Andito ka sa fp nakiki argue so very pinoy ka pa din.

      Delete
  49. My non-Filipino husband once told me that when they have events at his work and there are lunch catered, yung mga Filipino co-workers nya couldn’t wait to take home food. Di muna hintayin kung nakakain na ang lahat bago magbalot ng to-go. Nakakahiya.

    ReplyDelete
  50. 1:20 Ang topic tungkol sa hindi magandang behavior ng mga Filipino na nakatira sa ibang bansa. Bakit mo papasukan ng toxic positivity at i-aangat mo ang mga Pinoy pero kinukumpara mo naman sa ibang lahi? Check mo din muna sarili. Toxic ka din dahil sa positivity mo.

    ReplyDelete
  51. Sa office namin mga lalaki na pinoy ang mga pasimuno ng tsismis. Wala silang alam gawin kundi siraan ang hindi nila kaharap. Ang nakakatawa sila itong hindi kaaya aya ang kwento ng buhay sila pa itong mahilig mag maritess.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 5:30 True yan, pag kapwa Punoy May issue. Imagine huh grupo ng matatanda to s trabaho. Nakakarimarim makinig s kuwebtuhan nila. Binibida yung mga babaeng nakikita nila online, na akala mo walang mga anak na babae! Tapos itsitsimis yung Isang katrabaho na nakakaluwag luawag s buhay. NAKAKAWALA ng respeto! Tumandang mga lalake pa man din! Hayyyy

      Delete
  52. educators paigtingin niyo naman ang subject na GMRC at values like patriotism, respect etc. nang magkaroon naman ng konting malasakit sa kapwa ang mga susunod na henerasyon ng Pilipino

    ReplyDelete
  53. May na encounter ako sa dati kong work sa hospital sa California, mababait mga katrabaho kong pinoy sa mga puti pero sa kapawa pinoy hindi. Saka jun jun sila masyado ayaw ng mas May magaling sa kanila.

    ReplyDelete
  54. They dig their own grave with n this. Nagvlogs pa at klaro naman ba gusto pang palabasin na mali si Lea. Juice mio mga utak talangka talaga! Next time bribg your manners and right conduct!

    ReplyDelete
  55. Yung mga nag I used ba Pinoy na maingay. Kahit I- call out hayyy. Naiwanan ang right conduct s bahay o di naturuan ng GMRC

    ReplyDelete
  56. In fairness, my non-Filipino husband only has good words sa mga Pinoy na ka deal niya. He works in a large accounting firm dito sa CA and usually nga executive assistants, admins, and even custodians ay Pinoy. In his words, “they are the most hardworking people I know.”

    Oh diba nakaka proud. He said that even before we started dating

    ReplyDelete
    Replies
    1. Proud to say, I’m one of them. And my other Filipino co-workers are known to be hardworking. Di man kame close but we respect each other’s space. I guess it’s different when you work in a corporate setting and you only deal with Partners and the likes. There is some level of professionalism and decency to observe.

      Delete
  57. Dito din sa Canada pag May party puno ng mga alahas ang pinoy …samantala yun real rich people simple Lang . Iba talaga ang karamihan sa pinoy . Showy ewan Bakit sila ganya.

    ReplyDelete
  58. Ang pinaka embarrassing naman na narinig ko about Pinoys from a non Pinoy is Pinoys are cheaters daw on their partners like nothing is happening.

    ReplyDelete
  59. Totoo naman. Lalo sa airports - like sa LA. My goodness talaga. Hkg airport isa pa yan.

    ReplyDelete