Ambient Masthead tags

Monday, April 17, 2023

Insta Scoop: Angelica Panganiban Wishes for More Parks in the Country

Image courtesy of Instagram: iamangelicap

108 comments:

  1. That’s true. Sa Europe and US kada may parks everywhere. Even in the city like NY , Central Park is so big and covered with big shades of trees din. Sa atin sa Pinas , lahat ng vacant lot ginawa ng subdvision and wala man lang provision for park . Kungmeron man wala kang makitang puno.

    ReplyDelete
    Replies
    1. O kaya ginawa ng mga parking lot at pinagka kitaan.

      Delete
    2. Tapos puro Mall pa ang tinatayo

      Delete
    3. Maraming bahayan dahil mataas ang population para sa land mass, per capita. Statistically, malaki ang diperensiya. 110 million ang population ng Pilipinas na kasing-laki lang ng isang state sa US (Arizona or California size land mass).

      Delete
    4. First of all malawak ang America compared to Philippines. Tapos saan titira mga tao kung walang subdivisions? Where’s the logic?

      Delete
    5. 12:34 12:58 yung logic nyo parang logic nong ganid na sikat na developer. Kung ayaw nyong i compare sa US or Europe sige , wag na tayong lumayo , sa Singapore na lang. ayaw nyo ng change pero tingnan nyo yung nangyayaring flash flood and landslide. Ewan ko sa inyo!

      Delete
    6. 1258 urban planning

      Delete
    7. Oh I so love NY central
      Park. Spring time and autumn the best seasons. Actually lahat ng seasons sa CP maganda.

      Delete
    8. Mahirap na sa metro manila but maraming LGU hindi pa densely populated pero inadopt kasi natin ang kacheapan na mall culture. Wag masyadong defensive. Talagang palpak ang urban planning sa pinas. Kokonti lang ang mga parks and green spaces.

      Delete
    9. 12:34 12:58 yung logic nyo parang logic nong ganid na sikat na developer- politician. Kung ayaw nyong i compare sa US or Europe sige , wag na tayong lumayo , sa Singapore na lang. ayaw nyo ng change pero tingnan nyo yung nangyayaring flash flood and landslide. Ewan ko sa inyo!

      Delete
    10. True. Kahit sa Singapore. Kada flat nila merong park sa baba, where kids can enjoy at meron ding mga gym equipment na pwedeng gamitin for free. Sa atin kasi baka isa-isang mawala turnilyo pag naglagay ng mga ganyan.

      Delete
    11. Sana kada barangay at subdivision merong mini park na pwedeng pag-exercisean at pwede maglaro mga bata. Hindi kasi pinapahalagaan ang wellness ng mga tao sa atin.

      Delete
    12. Sa Japan, lalo na sa central Tokyo na urban jungle, maliliit ang mga bahay/apartments just to cater to the population vs smaller lots (yes, smaller lots for residential compared to US major cities and even Metro Manila), overpopulated, pero ang daming parks. May mga malalaking parks all over Tokyo (yes, even in the middle of the CBDs) at yung neighbourhoods may mga smaller parks & playgrounds. Iba talaga ang focus ng government kasi. Sana nga maisip ng mga tao sa Pilipinas both gov’t officials and private citizens na gumawa ng maraming parks dito. Ang daming benefits ng parks para sa mga tao, hayop, at environment.

      Delete
    13. bakit sa japan maliit ng country pero bawat lugar may park?

      Delete
    14. 1258, hiyang hiya naman ang ibang bansang maliit pa sa PH like SG. Wala naman talagang matinong planning in terms of building (as verb) sa PH e.

      Delete
    15. Asa ka pa sa park dito sa atin. Eh tinatayuan lahat ng condo ng mga ganid at land grabber na politikos.

      Delete
    16. Even in Australia madaming park

      Delete
    17. I disagree 12:58, HK is a very tiny and densed place pero konting lakad may mga mini park kabi-kabila may mga sitting out area na tinatawag at mga libreng playground for kids

      Delete
    18. Bakit naman sa korea maliit pero andaming parks..

      Delete
    19. dito din sa amin, bawat baranggay kumbaga may park. isama na natin ang schools, community based ang location ng lahat. yun lang, wala kaming malls or subdivisions or condos

      Delete
    20. 12:34 12:58 yung logic nyo parang logic ng mga tamad na ayaw ng change. Kung ayaw nyong i compare sa US or Europe sige , wag na tayong lumayo , sa Singapore na lang. ayaw nyo ng change pero tingnan nyo yung nangyayaring flash flood and landslide. Ewan ko sa inyo!

      Delete
    21. Hindi nman kaylangan malawak ang playground or parks, pwede ring maliit lang basta meron. Kaso wala yan sa plano ng mga politiko sa atin. Isa pa, kapag ganyan ang daming burara sa atin na maski saan itatapon ang basura. Tapos may mga vendors pa everywhere. 😂

      Delete
    22. 2:31 wag isisi lahat sa politiko, unang-una dyan mga tao mismo walang disiplina! Luneta nga na considered ng tourist attraction ginawa ng tirahan ng mga informal settlers, satiling basura di magawang itapon sa tamang dapat tapunan at pag may mga ganyang parks everywhere pustahan gagawin ng tambayan ng mga adik, mga sugarol at iba pa. Kaya yan ang pinakamalaking reason na di uubra, dahil sa KAWALAN NG DISPLINA ng mga tao mismo!

      Delete
  2. pilipinas ito, so: 1. di mame-maintain 2. gagawing basurahan/pupunuin ng basura ng mga pumupunta 3. titirhan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Says who? Depende yan sa local government. Just look at Marikina. Maganda yung park sa Marikina Heights- malinis, may maintenance at hindi ginagawang tirahan.

      Delete
    2. This is true. For public parks, depende talaga sa LGU. Also from Marikina here and maganda ang park sa MH, laging naeenjoy ng mga kids, adults, and seniors maglaro & magrelax

      Delete
    3. Agree with 1:46, kung sanang may political will ang bawat namumuno mula barangay captain, kayang maisakatuparan lahat yan.

      Delete
    4. Also in Iloilo City,well maintained ang linear park along the riverbank.

      Delete
    5. Malamang ikaw siguro yan ,ganyan gawain mo.

      Delete
    6. pinapabayaan ng local government na magsipagtayo ang mga squatter ng barong barong

      Delete
    7. Yes, may magandang park sa amin sa Marikina Heights, malinis at maraming puno. Thanks sa local goverment at sa aming barangay captain sa pagpapanatili ng kaayusan. Kaya dinadayo rin ito ng taga ibang barangay.

      Delete
    8. Baguio ang linis kahit wet market nila malinis... depende sa LGU yan... ang dami nagpipicnic sa burnham park pero never dumugyot ..

      Delete
  3. I was just thinking about this earlier habang nagbabaybay kami dito sa England. Napaisip ako na andami ditong parks and mga bukirin at naisip ko na buti dito may hangganan lang kung ano ang pwedeng bilhin ng isang tao. Tapos naisip ko sa Pinas basta may pera, pwede nang angkinin yung lupa at gawing establishments

    ReplyDelete
  4. Madaming park ang problema is mainit maaraw at sa gabi tambayan ng pulubi at ngrrugby..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung maraming puno di naman siguro ganon kainit

      Delete
  5. Waley sa urban planning ang mga polpolitiko. Kung walang makukurakot di nila priority.

    ReplyDelete
  6. Agree po sana bawat barangay may parks na maayus at walang mga street vendors yung tipong ma-eenjoy ng mga tao kapag pinuntahan. Hindi priority ng LGU ang parks para sa constituent nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. this is my dream too. pag ako naging kapitan, gusto ko maglagay ng park/playground, library, gymnasium, community garden, auditorium etc. sa barangay namin kahit maliit lang.

      Delete
    2. Actually dito sa Valenzuela City meron Family Park, People's Park at mga iba pang bubuksan na parks, isa sa mga naiwan na legacy ni Rex at Win Gatchalian, may malaking library rin na open sa lahat

      Delete
    3. 1:01 best wishes for your political dreams

      Delete
  7. So true. But Filipinos should also learn to clean up after themselves and to respect the place just like sa other countries.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mema naman itong si 12:36

      Delete
    2. tama naman si 12:36,dito sa japan pag nagbaon ka ng pagkain sa park iuuwi mo ang kalat mo

      Delete
    3. Walang connect kasi. Lack of parks ang topic. Kaloka mema

      Delete
    4. agree with 12:36, sana filipinos will also be responsible

      Delete
    5. 10:52 may konek naman. He/she is just saying na dapat matuto na ang mga Pilipino to clean up after themselves para mamaintain ang kalinisan ng parks kung sakaling magkakaron tayo ng parks in our communities.

      Delete
  8. Maliit kang kasi ang kickback sa park projects compared to roads and big infrastructures. Wish ko rin yan, more green spaces at parks na parang nasa Korea.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well Pilipinas to eh na pansarili lang ang iniisip ng tao at kung pano sila makikinabang.

      Delete
  9. Wala kasing kita sa park. Liabilities madami pa. Maintainance. Politicians natin ayaw sa ganyan. Mas gusto nila bumili ng gucci at lv. Hi to our mayor here in the down under.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku totoong totoo!

      Delete
    2. Nakakalungkot. Kung tutuisin i know kaya naman ng gov yan. Kung kaya lang nila maging selfless and less materialistic. Huhu kung ikaw mayor, di ka ba matutuwa na may park ang city mo? Kahit na wala kang gucci or kahit walang vacay abroad, para lang mgkaroon ng magandang lugar where your people can enjoy.

      Delete
  10. I agree. Very therapeutic din sa anxiety ko yung mag walk around at night. But how kung puro condo na yung parks now.

    ReplyDelete
  11. Angge punta ka nang America kesa humanash. Hindi siguro busy kasi naghahanap ng bagong issue kahit wala naman dapat ika issue.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala bawal ba mag hangad ng maganda

      Delete
    2. Girl di ka siguro nakakatravel ng international. Normal yan na makita mo sa ibang bansa and magwish na sana ganito din sa Pinas, may magandang public parks for all ages to enjoy. Dito ang may maayos na plaground/parks mga nasa exclusive village lang. So weekly sya dapat pumunta ng ibang bansa para makapagenjoy ng park? San ang logic dun? Ang issue na sinasabi mo bulok kasi sistema sa Pinas, lahat ng politicians gusto kumita lang at makakickback sa mga projects. Hindi si Angge ang mali. Haha

      Delete
    3. Ay ganun pala yun? Ganda ng mindset mo 😁

      Delete
    4. Girl, issue talaga yan! The lack of dedicated green spaces in the Philippines is demonstrarive ng ATROCIOUS urban planning sa atin! Try mo lumabas ng ibang bansa para maliwanagan ka!

      Delete
    5. Anong issue sa sinabi nya? 😅😅😅

      Delete
    6. 1:00 AM, issue na tawag mo dito sa wishful thinking? Aww, who hurt you?

      Delete
    7. Ito ang tipo ng tao na ayaw ng ginhawa at pagbabago..

      Delete
    8. Ay nagalit. Umalis daw kayo sa kaharian nyang bundok ng basura.

      Delete
    9. Halatang di ka pa nakakaalis masyado ng Pilipinas, 1:00 AM.

      Only when you got the chance to see how other countries were able to have these parks despite the small space that you can only hope something similar here in the Philippines. Kahit nga wag ka na lumabas ng ibang bansa, madami din sa Pinas dahil may malasakit ang LGU.

      Delete
    10. Ang hirap ng ganitong mentality kaya walang asenso. Kinulang sa iodine at critical thinking.

      Delete
    11. I do agree bulok ang sistema ang nvli pa ng mga lupa un mga nsa posisyon aasa pba tau

      Delete
  12. Share ko lang dito sa Clark marami park malawak and malinis. Madalas kami mag jogging or picnic ng kids sa mga park dito. Ito yung reason di ko maipagpalit ang Clark compare sa B*lacan (where I grew up).

    ReplyDelete
    Replies
    1. May maganda bang school dyan siz? Hindi binabaha ang lugar? Ang sarap na rin talaga lumipat from metro manila

      Delete
    2. Parang gusto ko na nga rin lumipat sa clark. Hehehe

      Delete
    3. Hindi na nga Bulacan tawag ng netizens jan kundi Lubacan, sa dami ba namang potholes ng daan. Lol

      Delete
    4. Marami international school and University around clark 6.18. Di ko pa naranasan mabaha bahay namin dito.

      Delete
    5. I used to live in Clark. Nakakamiss yung bayanihan park (though hindi siya clark technically kasi nasa labas siya ng clark but still)…

      Delete
  13. Sana nga madaming parks sa pnas kaso am sure mapupuno ng kalat yan at mga tindera/tindero at mga mandurukots hahaha

    ReplyDelete
  14. Hindi naman sa pagiging masama, pero dati tuwing tumatambay kami sa Luneta para mag relax, daming lapit nang lapit para humingi o magtinda. Hindi ka makaka kain at makakapag chill in peace.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Issue na ng tao 'yun hindi ng existence ng park

      Delete
    2. True ! Tsaka sa gabi. Nakakagulat kasi dun talaga sila natutulog.

      Delete
    3. Totoo to ginawa nila kabuhayan yang ganyan na manghihingi sa mga makikita nila namamasyal lang

      Delete
    4. 2:47 Hindi ka pwede basta gumawa ng project na walang plano. Kasama yung security dun. Nakakita ka na ba ng establishment na walang security? Ganon rin yun

      Delete
  15. True! Kulang sa park dito na well maintained ang meron Luneta, QC Circle tapos yung iba may entrance fee. Sana yung SM Mall iintegrate din nila park kasi sa Ayala may mga open spaces din at pocket garden

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabaho at hindi maayos ang ibang parks.Maganda ganda lang ang nga BGC,Rockwell at parks na malapit sa mall.Ang iba ay mala duggot sa kadunihan sana biguan ito ng pansin.Sabagay unti unti ng nililinis ang mga parks sa maynila

      Delete
    2. Sa mga private sub like ayala alabang meron. Sana nga magkaroon.. para sa mga bata at matatanda

      Delete
  16. Pilipinas will never have govt funded parks until corrupt trapos leave govt, which will never happen either. They’ll line their pockets before giving back to the country. Anyway, angelica’s daughter is the cutest celeb baby.

    ReplyDelete
  17. Iloilo city has Esplanade Park. It’s doable!

    ReplyDelete
  18. totoo parks, museums and libraries

    ReplyDelete
  19. Yes sana nga puro malls pero sana magawan ng paraan na nay mini park i think pwede naman siguro

    ReplyDelete
  20. True! Dapat kahit may buildings,mas damihan ang parks.Panatilihing malinis hindi dugyot at mabaho.Dapat may bayad na mga parks for maintainance.

    ReplyDelete
  21. dito sa taiwan sobrang daming parks, child & pet friendly pa at magandang running grounds ng mga ng eexercise, and you can find it mga 5-7 sa isang district lang.. and its safe kahit madaling araw pa yan, ive run on these parks before after work sa gabi and okay naman di naman ako na hold up pa ever, sana ganun din sa pinas but I doubt it, lalo na yung mga magagandang views pinag uunahan nang bilhin ng mga mayayaman para tayuan ng mga buildings, condo or properties nila...

    ReplyDelete
  22. @1:00 Don’t you dream of a better Philippines than say na pumunta somewhere else si Angge? Do you realise how little the Filipinos are getting back from the taxes we all are paying that should and can be used to build better infrastructures and recreational areas? I wish you can have a bit of a growth mindset in you because we deserve a better and livable country.

    ReplyDelete
  23. May park sa harap ng house ng parents ko pero mahirap imaintain kase ninanakaw yung mga bakal. Even sa fountains ninanakaw ganon kalala.

    ReplyDelete
  24. I agree more parks is needed in metro manila not malls!

    ReplyDelete
  25. Dati ko pa yan pangarap. Ngayon kasi ang mga tao pag papasyal, matic sa mall kaagad. Sobrang commercialized, konting kibot gastos, consumerism at its finest. Naalala ko tuloy yung song na Es Em ng Yano. Pero kagaya ng other comments, gudlak rin talaga sa maintenance ng parks. Sa tapat ng bahay namin may basketball court, may playground na may ilang swings at seesaw. Wala pang 1 year pinagawa, sira na. Di marunong mag ingat nga tao, ang basura kung saan saan lang. Haaay talaga ang mga Pinoy...

    ReplyDelete
  26. I lived in Macau for 15 years. Yung public park dun talo pa ang kidzoona sa laki at facilities. Sa Pinas may bayad pag gusto mo makalaro sa mga ganun kagagandang facilities na ang liit na kulang kulang pa. Dun libre lang. Hay sarap.

    ReplyDelete
  27. yung park nga namin nagdalaga na lang ang anak ko hindi pa rin na-aayos ang playground. tapos tinataponan pa nang mga basura. marami ring pupu ng aso

    ReplyDelete
  28. Dito sa lugar namin sa Quezon, walang kahit isang park yung city namin. Sobrang dami eh basketball court na patayo ng pulitiko. Parang bawat barangay. Buti na lang dito sa village namin, may maliit na playground maintained by HOA.

    ReplyDelete
  29. Very true. Parks in Europe are so relaxing and you can even workout. Yes more to parks to accommodate our big population

    ReplyDelete
  30. Ang cute cute 👶 parang nabuhay na Precious Moments na baby

    ReplyDelete
  31. Nasa bulsa na po kasi ng mga binito nyo ang pera ng bayan!

    ReplyDelete
  32. NZ is small but parks are everywhere and not just parks but reserves as well - the green area untouched where people can have picnic.

    ReplyDelete
  33. Dito sa Canada bawat kanto may park na may malinis na cr. Root cause talaga nyan ay corruption and squatter. Yun lang po, bye.

    ReplyDelete
  34. Dito po sa Iloilo maganda ang Esplanade and mga park namin.

    ReplyDelete
  35. Ang dami kasi ng mga tao sa Pilipinas kumpara sa land. At ang mga Pinoy, nakikisiksik sa Manila kesa sa ibang provinces.

    ReplyDelete
  36. Dito sa amin sa Cebu may park nga pero may bayad naman ang mahal ng entrance fee. Nakakalungkot.

    ReplyDelete
  37. Pasyal nang pasyal ang mga politiko sa ibang bansa, they cannot adapt or adopt the developed countries' urban planning and parks. They are just concerned with their own selves and not the country's wellbeing

    ReplyDelete
  38. Walang ROI ang park. Gastos ipagawa and maintain but no kickback, does not make money and di man lang bumabango pangalan ng politiko pag ipinagawa kasi di natatapalan ng pangalan. Kaya ang nangyayari, mall nagiging recreational space ng mga tao.

    ReplyDelete
  39. In Singapore every block may park. Literally perks living in SG with children plus with excercise equipment for adults. Wishful thinking meron sa pinas pero nganga

    ReplyDelete
  40. Dito sa paranaque may promised park na gagawin, tagal tagal na nun na bakante. May naka park pang old plane kaya magandang gawing park. Kaso ano? Syempre kahit pader o poste wala pa din kahit ilang taon na nakalipas.

    ReplyDelete
  41. True!! How I wish marami tayong parks! Kahit di sobrang laki basta maraming puno na may playground and exercise machines. Ang HK na pagkaliit liit, ang daming parks. Kaya huwag sabihin na maliit ang Pinas. Di lang talaga priority.

    ReplyDelete
  42. Totoo. Mas pinaprioritize ang malls instead of parks, libraries and museums na mas nakakatulong sa well being ng isang tao.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...