Image courtesy of Instagram: mainedcm
@zbnyebe Yung 7 years old ka palang pero ang laki na ng responsibilities na nag aabang sayo :( #sheknows #mainemendoza #eatbulagabawaljudgemental #retirementfundsph #relationshipmattersph ♬ She Knows - J. Cole
Video courtesy of Eat Bulaga, TikTok: zbnyebe
Kaya nga! Yung ibang mga magulang talaga, nag anak para sila maging breadwinner. Nasa parents ang responsibilidad po, misis!
ReplyDeleteNakakabwiset ung mentalidad ng mga magulang na ganito. Nagbulakbol tapos nagpasarap then ung anak ang sasalo ng kapalpakan nila. Please stop this kind mentality. Nakakawalang respeto.
DeleteTapos ang "kadakilaan" parang laging sa magulang lang intended, may mga pamother's day at father's day pa samantalang andaming anak na pumapasan ng responsibilidad dapat ng magulang
DeleteSumakit ang bangs ko dito, kaloka!
DeleteDi po choice ng bata ang mabuhay. Kung hindi kaya, wag mag-anak! Lintek!
Same sa mga shows na sumikat ang kids nila, then instant may LV bag, gold jewelries, braces and gluta glow na ang mothers. Haha!
DeleteGood on Maine for speaking up. Pwede naman maging safe at palampasin pero I'm glad she didn't go that way. Hindi ticket out of poverty ang mga anak.
DeleteOMG I just so love Maine for speaking up. Knowing her na napaka tahimik pero she voiced out what is just right to say.
DeleteBata ho yan, hindi investment/insurance plan.
DeletePero nakow! Daming ganyan sa pinas!
Yaaaas! Thanks for speaking up! You can tell na bothered talaga sya dun sa statement. Parang ewan na i-pressure yung anak na iahon sila sa hirap. Ate, mag trabaho po kayo ng mabuti. Kargo nyo anak at pamilya nyo. Tama sila, bata nyo pa marami pa kayong pwedeng gawin.
DeleteMisis mag trabaho po kayo mg asawa nyo. Ang lalakas pa ng katawan nyo at bata pa kayo. Hindi po future ATM anak nyo. Inuna nyo pasarap pero iaaasa nyo yung hirap sa bata.
DeleteGood job kay menggay for speaking up,
Kasi nakakabother na aasa nalang yung nanay sa anak.
Aanak anak tapos gagawinh retirement plan.
ReplyDeleteAgain, toxic pilipino culture
DeleteToxic pinoy culture yan. Di nila magets na responsibilidad nila ang bata, not the other way around.
Delete8:57 Jusko ni hindi nga retirement plan. 7 years old pa lang gusto na nilang yung bata ang umako ng responsibilidad na makaahon sila sa hirap. Wala nang pplanong magtrabaho, support na lang sa anak na gagawa ng ikabubuhay nila. Goodness!
DeleteKaloka yung "ikaw yung pursigido" the kid is 7!!!
DeleteTapos kokonsensyahin ka pa na dahil sa paghihirap nila, nakatapos ka. Sabay expected na ikaw na bahala sa lahat ng gastos sa bahay at luho.
DeleteThis design is serving 3rd world pinas realness.
11:55 nakaka-relate akesh
DeleteKaloka kaya ang taas ng mental problem sa bansa dahil sa kaka pressure ng mga magulang sa anak
ReplyDelete8:59 true. To the point na may ibang nagkasira -sira ang buhay.
DeleteMalamang, galing sa mayamang pamilya si Maine no
ReplyDeleteYOU DON'T GET THE POINT !
DeleteToxic pinoy spotted.
DeleteIf ever may anak ka na or magkakaanak ka man, I feel sorry for them because you don't deserve them. Not every parent deserves a child. Just because you can have children, does not mean you should.
DeleteYes galing sya sa mayamang fam. O tapos?
DeleteMayaman cla, kaya hindi nya naisip na may mga magulang na naasa sa mga anak. Lalo na ung mga magulang na iginapang lang sa kahirapan pra maka pag paaral ng anak
Deleteanong konek ng yaman nila Maine? bakit parang kasalanan pa ni Maine? kain ka ng gulay teh.... brain food
DeleteKahit na pero her point is wag ipasa sa bata yung responsibilidad. Hindi nila piniling ipanganak para mag-ahon ng pamilya sa hirap. Kung at nahihirapan sila, dapat hindi sila nagkaanak.
DeleteIsa ka pa 9:06, anak ng anak d pala Kaya? D Kaya or tamad lang? Ang bata pa Nila and looks healthy pero inaasahan na ang 7 year old na anak mag ahon sa kanila sa Hirap.
DeleteButi nga kahit mayaman siya, di siya out of touch sa realidad ng buhay na ginagawang retirement plan ang mga anak.
DeleteMayaman o mahirap, hindi dapat pinapasa sa anak ang burden na ianhon sa kahirapan ang pamilya. Bilang mga magulang, kayo ang may responsibilad sa mga anak nyo. Habang 7 years old palang yung bata, anong gagawin nyo mag asawa habang lumalaki sya? Tatambay lang? Hintayin na makapag trabaho ang anak para maiahon kayo sa kahirapan?
DeleteAs a parent gampanan mo yung role mo..aka take care and guide your kids maging mabuti. Sa dulo naman din, your kids will know how to act pag malaki na sila and matanda kana. Di mo na need isumbat dahil it will come naturally na they will take care of you.
DeleteHindi ba kayo nauumay kakasabi na mayaman ang pamilya ni Maine? Oo na, mayaman na. Pero we do not have to say that each time may opportunity to comment.
Delete906, yang ganyang mindset yung naglulubog sa mga pamilyang parami nang parami ang anak pero nagiging stagnant ang estado sa buhay dahil sa umaasa na lang na paglaki ng anak nila e sila ang kakayod para sa pamilya nila. Utak parasite.
Deletepero look at her, be like her tingnan mo kahit mayaman kumakayod.
Delete9:06 it is the responsibility of the parents to provide and care for their children and not the other way around. Kung hindi kaya, huwag mag anak.
Delete906 gurl, mayaman nga c Maine pero nung nagkapera at sumikat sya bilang artista hindi pa rin sya inobliga ng pamilya nya na bumili ng something for them. Naikwento kasi yan ni Maine na sa kanya yung Mcdo franchise nila, yun pala mga magulang nya ang bumili din nun at ipinangalan sa kanya maski mayaman na rin sya. Kaya cgro ganyan ang reaction nya sa nanay na yan. I am not her fan ha. Actually, minsan ayaw ko iopen kapag Aldub kasi ang gulo sa comment section. 😂
DeleteAy kung mahirap ka at di mo kayang bumuhay ng bata, cross your legs at wag lumandi! Lekat na to, idadamay mo pa ang bata sa kahirapan ng buhay mo!
DeleteThat's presicely correct. Work hard and prove that you have something. Don't just rely on alms and please quit begging for helps.
DeleteEven rich kids are pressured by parents. Na sila ang magpatakbo ng family business, maging doktor tulad nf magulang, etc. Hindi lang sa pera. Sana mga magulang let your children be kung saan sila masaya at saan uunlad, iencourage ang kids na kumita at maging successful for themselves & their own future.
DeleteKung mag ambag, kung anong kaya & willingness to give back. Hindi yung torture na sisingilin mula pinanganak sila sa lahat ng gastos na dapat pagbayaran
9:06 hindi ka nahihiya sa comment mo? lakas maka shunga! isipin mo nga. kaya mayaman si Maine dahil nagsumikap mga magulang nya mabigyan ng magandang buhay silang magkakapatid. hindi sila pinagtrabaho ng musmos pa lang para mabuhay. utak mo oy!
Delete@ 9:06, anong connect? Siguro kung ganyan ka rin mag-isip, better not pro-create. Gagawa ka lang ng panibagong generation na broken and unnecessarily pressured. Ganito lang yan- kung di mo kaya suportahan pamilya mo, whether humble or wealthy life, wag kang mag-aanak. Di nila pinili ipanganak sa walang pagpupursige na magulang.
DeleteFrom the very start, irresponsable na si gurl, anak ng anak tapos iiexpect nya anak nya ang bubuhay sa kanya
ReplyDeleteGanyan na yata yung kapag nakatapos na ang anak, may trabaho at nakatulong na din sa pamilya tapos kapag nag asawa na kontrabida na ang tingin ng nanay sa napangasawa ng anak. Naku..
ReplyDeleteWag mo lahatin. Ung storya ng buhay mo wag mo ipagkalat dito.
Delete11:56 pero aminin, madaming ganyan talaga sa Pilipinas. Pag nag asawa ang anak na lalaki na breadwinner, turing sa napangasawa ay kaagaw. Hindi ko nilalahat pero madaming ganyan.
Delete11:56 ay tinamaan ka? May sinabi akong lahat? Nagkami lang ako na di ko nailagay na *nagyayari sa iba. Pero walang nakalagay dyan na *nangyayari sa lahat. Dahil una sa lahat hindi naman nangyari sakin. Kain ka gulay ha? Masustansya yun
DeleteParang si nonito . Awang awa ako sa asawa nya.
Delete11:56 a little kindness goes a long way. i don't get your rude response to 9:19
DeleteNatamaan ka ba 11:56 pm? Marami naman talagang ganyan, g na g ka dyan.
DeleteAND THAT IS ALSO WHY WE’RE SO THIRD WORLD.
Deletena stress si maine! naku naku ang babata pa, pero pini pressure na ang anak sa mga responsibilities kuno..
ReplyDeletenaku naku..i feel you maine
One toxic Filipino culture: ipasa sa anak ang responsibilidad na pa angatin ang buhay. Don't get me wrong. 7 kaming magkakapatid at iniwan kami ng Tatay ko. Pero never sinabi yan ng Nanay ko samin yan. Instead, pinag aral nya kami at pinagtapos dahil ayaw nyang matulad buhay namin sa kanya na mahirap at hindi nakapagtapos ng pag aaral. But we helped her by becoming a working student. So sa mga magulang, it's your responsibility. Sa mga anak, be responsible at wag pang magdagdag ng pabigat sa buhay.
ReplyDeleteAng swerte mo sa nanay mo. Iniwan din kami ng tatay. Nanay ko tamad at abusive. Pera pera din ang habol sa mga anak nya. Kapag hindi nagbibigay sa kanya bibabalahura nya. Buti nalang maaga ako umalis aamin. Yung mga kapatid ko na sa 40’s na andun pa sa kanya mga hindi na nakapag asawa. Kung baga sa may asawang abusive may battered wife syndrome hindi na makaalis sa abuser Hindi talaga totoo na lahat ng ina ay marunong magmahal.
DeleteI sincerely appreciate this comment.
Delete10:14 may mga magulang na ginagawang palabigasan ang anak. Ang "bango bango" pag may natatanggap na sustento. Pero pag wala nang maibigay na sustento ang anak sasabihan ng walang silbi, ayaw magsikap, lagi ka pang ikukumpara sa iba na nagsiyaman na daw. Ang sakit sa dibdib. Yun bang nagdaan ka sa halis isusubo mo na lang iniisip mo pa sila. May gusto kang bilhin para sa sarili sila pa rin ang iniisip mo. Buong pamilya talaga ang pasan mo. Mga kapatid na may asawa at mga anak. Worst is pati kamag-anak gusto pa ng nanay mo na pasanin mo rin. Pag hindi nabigyan o natulungan ikaw na ang masama, maramot at masama ang ugali.
DeleteKajirita ga gantong magulang.
ReplyDeleteToxic pinoy culture yan. Ikakayod ng 20+yrs ang bata tapos pagnagka trabaho, habang buhay may kaltas sweldo para sa magulang. Kaya wala din investments for retirement ang bata at ganun din gagawin sa mga anak. It is a vicious cycle.
ReplyDeleteMismo!
DeleteTrue naman. Agree.
ReplyDeleteAyoko ng line na yan. Anak mag aral kang mabuti ikaw makakaahon samin sa kahirapan.
ReplyDelete9:43 same. Nag-iinit ang ulo ko pag nakakarinig ako ng ganyan.
DeletePslibhasa rich k Maine wala k paki kung yun ang style ng Ibang family it’s none of your business shut up k n lang.
ReplyDeletemagbanat ka ng buto ateng hindi yung iaasa mo sa anak mo yung kinabukasan mo
Delete9:49 kaya din pulos mahihirap dito kasi ganyan ang mentality ng karamihan. Wag ma hurt, yan ang totoo.
DeleteParang ikaw dapat ang shut up
DeleteWala naman syang negative na sinabi, bakit galit ka? Tama lang naman talaga na wag ipasaha sa anak ang responsibilidad ng magulang.
DeleteSTYLE YAN? NAKAKADIRI!
DeleteMahirap din kami pero di ginawa yan ng magulang ko nung bata pa ako!
9:49 hoy gising. Ipapasa mo sa 7,yr old ang responsibilidad ng magulang ? Nag iisip kaba?
DeleteUgaling toxic uy! Tama na accla! Magsumikap ka!
Deleteok ka lang girl 949?
DeleteTriggered ang deadbeat parent.
DeleteHindi dapat inormalise ang ganyan. Mapamayaman o mahirap. Wag maganak kung d kaya buhayin ang pamilya. Wag ipasa sa anak ang responsibilidad ng magulang. Kakaloka ka.
DeleteGanyan ka siguro sa anak mo. LOL kawawang bata
DeleteNo di mo need maging mayaman to understand that. Wag mag aanak kung gagawin lang tiga buhay kawawa naman. Ang anak na mahal kusang magbibigay pag sobra sobra. Ang sarap magbigay sa magulang ng walamg pressure. Lalu ka maiinspire mag share.
DeleteAnong pinagsasabi mo? Hindi nya sinabi yun dahil rich sya kung hindi dahil mali yun view ng magulang. Hindi responsibility ng anak ang magulang ang magulang ang may responsibility sa anak
DeleteAba 7 y.o. pa lang ba naman ung bata tapos ayan na agad sasabihin bakit di kaya mag work ng bongga ang parents ng makaahon sila sa hirap . Affected ka masyado te? Ganyan siguro mindset mo noh? Hahahaha
DeleteKwawa magging anak mo pag ganyan pagiisip mo.... kumayod ka para sa anak mo uyyy...lakas lakas ng pangangatwan ng babae oh...pero sa 7 yrs old iaasa linabukasan nya
DeleteNakakahiya walangnkwentang magulang!
EH KASI TOTOO NMAN GIRL. Ang anak ay hndi dapat ginagwang retirement plan. Same with the children, hndi forever bangko ang mga magulang
DeleteWow. Poor mindset ka Aunty or kung sino ka man.
DeleteYou're toxic!
DeleteAnd who are you to tell Maine to shut up? It's not because may kaya sya. She's just being honest. Mag aanak ng madami tapos di naman pala kayang buhayin, pakainin, paaralin. Example: Kung hindi kaya ng sweldo, dapat bang mag anak ng 4 kung puedeng 1-2 lang?
DeleteWag kang gumawa ng anak kung wala kang pantustos sa anak mo. Kawawa anak mo, ginawa mong retirement plan.
DeleteMagtrabaho ka, wag i-asa sa anak mo ang kapalaran mo.
DeleteMahirap din ako, may dalawang anak. Nagpupursigi ako araw araw para mapalaki ko sila ng maayos at mapag aral. Kasi ang pangarap ko para sakanila, wag matulad sa naging buhay ko. Gusto ko pag nagkapamilya na sila, maging mas madali sakanila at sa magiging mga anak nila ang pangkain araw araw. Yun ang gusto ko, hindi para sustentuhan nila ako pag may trabaho na sila.
DeleteTinamaan ka no?
DeleteRich or not wag ipasa sa bata ang responsibilidad na iangat ang pamilya sa hirap. Di naman nila pinili ipanganak at dapat magulang magpalaki hanggang independent na yung bata. Responsibilidad din ng magulang sa sarili magkaroon ng ipon hanggang sa pagtanda.
DeleteKung di kaya magpalaki mg anak at walang ipon wala ka din business magka anak.
I pity your kids
DeleteHina ng comprehension mo, wala pa atang 10 years old yung anak pinipressure na magahon sa hirap ng buhay ng nanay nya.
DeleteTeh mali yun, di investment ang bata. Sana kung di mo kaya iahon sarili ko sa hirap di ka nag anak.
DeleteWag kang mag anak utang na loob... Mga katulad mo mag isip ay Hindi dapat magpakarami...
Delete9:49 parang natamaan ka beks, ikaw ang shut up nakakadiri ang mentalidad mo sa buhay, di ka na nahiyang magcomment at binash pa si Maine. Ikaw ba si nanay? Educate yourself.
DeleteNasapul ka siguro kasi ganyan ang family set-up nyo. I hope you never have kids because that kind of mentality should stop.
Delete949 kung di ka nman rich kid like Maine, WAG KA MAG ANAK NG MAG ANAK AT IPASA SA ANAK ANG PAG AHON SA KAHIRAPAN. Hindi ka ba nahihiya sa laki ng katawan mo at sa anak mo ipapasa ang pag ahon sa hirap? 🤮
DeleteIt’s my opinion. I am a single mom for 17 years earning 6 digits it was never a tradition in my household n mag padala sa family once in awhile bday, xmas. I have one daughter , I raised her all by myself she’s now 23 earning 6 digits too lagi ko advise save and travel once in awhile share blessings sa relatives.
DeleteMaine if nag hihirap parents mo di mo help? Buti you were born rich or else wawa parents mo
DeleteI’m not toxic I’m living a good life both my daughter and I are earning 6 digits abroad it’s my opinion take it or leave it. If I knew one of you ganyan ang life now 😱 take it now I’m leaving for Japan bye!
DeleteIbang klase ka hahaha. Ginawang insurance ang anak haha. Please lang sana wag ka magkaanak. Kawawa ang bata sayo.
DeleteIkaw ba yung mapagsabihan ni Maine ? Ang toxic mo buti di ikaw nanay ko .
Delete9:49, mali naman kasi talaga. Mahirap din kami pero never sinabi sa amin ng mga magulang namin yan. Ginapang ng parents namin na mapag-aral kaming magkapatid sa isang maayos na private school at laging sinasabi sa amin mag-aral kaming mabuti dahil wala silang yaman na maiiwan sa amin. Good education lang ang mabibigay nila sa amin at ito ang magbibigay ng maayos na future sa amin.
Delete9:49 kasama pala ito sa nagpa bulok ng style na ganito. Torture yan mentally, emotionally, physically even spiritually bukod sa financially sa anak. Ito sigurong si 9:49 ang tipo ng magulang na maniningil ng utang na loob at labas sa anak hanggang huling hininga ng anak
Delete9:49 You have the whole keyboard available and yet you type that way. 🤣 Until you can communicate more intelligently maybe you should shut up? Or at least use birth control. Haha. Mukhang ka- profile mo yung nanay na aasa na lang sa anak. This kind of thinking creates a cycle of poverty. Wala nang nagiging pangarap ang bata but to survive dahil tamad ng magulang.
Delete9:49 PM - Kung mahirap ka, lalong dapat alam mong hindi retirement plan ang anak mo. Instead, kung hirap ka buhayin sarili mo huwag kang mag anak. Hindi excuse ang kahirapan sa kawalan ng common sense at katamaran. Most importantly, ang mali ay mali kahit pa eto "style" ng pamilya mo - dapat itama yan at hindi hayaang ipamana from the present generation to the next.
DeleteEven rich people ipapasa sa anak nila ang pangangalaga sa business na naitayo ng parents, royals pasa korona at royal duties, ganun naman talaga a?! Yung mga mahihirap na parents na pina obliga sa mga anak ang ikauunlad ng buhay, hindi rin nila ginusto yun, hindi naman lahat ng mahirap na parents ginustong pahirapan ang anak nila, may na encounter na siguro kayo matagal na naglalako ng paninda, isda, appliances etc. nagsusumikap naman sila, sa abot ng makakaya nila, hindi nga lang sila sinuswerte na lumago ang nilalako nila para yumaman, kaya nga may naririnig tayong mga kwento, 25 years, 30 years and so on nang tindera or mangagawa, hindi dahil hindi sila nagsumikap, hindi nga lang sila pinalad kagaya ng iba,na naging ceo pa, hindi naman nila kasalanan yun.
ReplyDeleteomg ang pakakaiba ng royals sa mahirap na gustong mag anak na retirement plan is MAYAMAN sila!!!! Kung mayaman magulang ko at mamanahin billiones nila papayag ako.. kasi alam kong hindi na maghihirap sa buhay. e yung retirement plan na tao?? para kang may utang na hindi mo kayang bayaran!
DeleteIn fairview kay Ate contestant, baka kasi wala rin syang kaibigan o katrabaho na pwedeng tumulong baguhin ung 'poverty mindset' nya.
ReplyDeletePag nakapag-aral ka kasi at nagkaron ng disenteng trabaho na marami ka ring matututunan, mapapaligiran ka ng mga taong radikal mag-isip, matayog ang pangarap, at mapagpursigi sa buhay.
Obviously, walang exposure sa ganun si Ate contestant.
Pero kung kumakalam sikmura nyo at lagi kayong kapos, di ba common sense yun?
DeleteMaine as always is on point..i admire her intelligence. The mother is nonsense.
ReplyDeleteKaya like ko si Maine, talagang she speaks her mind at very sensible naman talaga si accla
ReplyDeleteIm not a fan of Maine ha pero shes very natural makikita mo talaga sa mukha iya yung sincerity sa mukha niya. Alam na alam niya gustong nating sabihin na tama.Kaya siguro ang class ng mga fans niya nag mana din talaga kay Maine.
ReplyDeleteIginapang ng magulang na masurpass ng anak ang di naattain ng mga magulang sa buhay, so pag of working age na ang anak, basura na ang magulang dahil mahina na sila?
ReplyDeleteDali naman kasing magpreach ng ganyan si ghorl, she's privileged and rich kasi.
Paulit ulit yang rich comment ha
DeleteAy wow, basura agad? Daming toxic dito. Di kami reach pero di kami ginawang retirement plan ng magulang namin. Hindi rin naman ibig sabihin papabayaan namin sila. Hindi investment ang mga anak. Iba yung tutulungan ka nila kasi mahal ka nila, kesa sa kailangan ka nilang buhayin kasi HINDI NILA TAYO RESPONSIBILIDAD.
Delete11:01 pinagsasabe neto? Ang point lang ni maine, wag ipasa sa anak ang responsibilidad.
DeleteHindi nila kasalanan ang ipanganak. Ginusto mong magka-anak, responsibilidad mong alagaan sila. Wag kang titihaya basta basta kung ayaw mo ng responsibilidad.
DeleteMuka bang mahina yung iniinterview? Kaya nga lagi sinabi ni Maine don sa girl na bata pa kayo may magagawa pa kayo para sa anak niyo. Yun yung point niya. Di ung automatic pinasa na don sa 7yo ung pag ahon ng pamilya. Valid yung point ni Maine buti nga aware siya sa plight ng mga anak na ginaganyan ng magulang.
DeleteGrabe naman..wala naman syang sinabing ganun. At the end kasi as a parent gampanan mo yung role mo..aka take care and guide your kids maging mabuti. Sa dulo naman din, your kids will know how to act pag malaki na sila and matanda kana. Di mo na need isumbat dahil it will come naturally na they will take care of you.
DeleteGanyan ka ba mang guilt trip sa anak mo? Responsibilidad ng magulang buhayin ang anak. Bubuhayin mo anak mo for ilang years then pag nakahanap na work, papa freeloader ka sa anak mo kasi utang na loob nilang binuhay mo sila? LOLOLOL toxic mo
DeleteEh bakit? Choice ba ng bata na ipanganak? Hahaha
DeleteTama nga na na call out yan ni Maine sa EB kasi I'm sure marami sa audience nila ganyan mag-isip.. yung ginagawang retirement plan ang mga anak
DeleteIsa pa tong mahina sa comprehension, context at critical thinking. Jusmio marimar. 🙄
Delete11:01 lumaki akong may resentment sa parents ko kasi laging sinasabi na mag-aral ako at magwork agad eh ako pa ang nagpaaral sa sarili ko at nagwork kung anu ano para kumita lang. Wish ko noon sana hindi sila ang parents ko. Kung may mga anak ka pag-aralin mo muna para makahanap ng magandang work at sila na ang kusang bigyan kayo ng magandang buhay. Change your attitude at wag iasa sa mga anak mo. Cheers to Maine for understanding my feelings as a child and to your children someday.
Deletein the first place bakit mag aanak kung alam mong "igagapang" mo sila at mahihirapan ka? Bakit romanticised msyado ang poverty? Kahit anong gapang at pera na ibigay mo sakanila, kung abusive or basura kang magulang outside of that, deserve mo kung ano yung makukuha mo. ngayon kung matino kang magulang your kids will know and treat you well.
Delete1101 mga katulad mo ang wag na sana dumami kundi kawawa ang mga anak nyo sa inyo! Jusko, hiya hiya din minsan. Ang bata pa ng nanay na yan sa Eb at ang laki pa ng katawan. Kaloka!
DeleteGrabe basher na yan. Maitawid lang talaga ang hatred kay Maine 😂
DeleteUhmm sino ba naman kasi gumusto magkaanak in the first place? Natural dapat igapang ng magulang ung pagpapalaki sa mga anak nila. Sila nagdesisyon magbuntis di ba?
Delete11:01 napakalayo ng sinabi ni Maine sa sinasabi mo.
DeleteWala sya pakialam she doesn’t understand kasi rich sya
DeleteWhoo! May nakita po tayong manunumbat sa anak!
DeletePag ipunan mo pagtanda mo habang binubuhay mo mga anak mo. Kasi kapag naging mabuti kang ina at provider kahit nag- asawa na mga anak mo mag- uunahan yan na alagaan ka. Pero kapag walang hiya ka sa mga anak mo sa tingin mo may isa sa kanila na titingin tingin sa yo ?
DeleteBakit ibabasura kung maayos namang napalaki? Your children will want to give back kung maayos ang relationship nyo, hindi na kailangan obligahin because bukal sa loob. Pero yung magdedemand ka na magbigay, lalo na kung yan tinuro mo sa mga anak mo since maliliit pa sila, aba mahiya ka naman tita.
DeleteResponsibilidad mo bilang magulang ang palakihin ng maayos ang anak. At hindi ka dapat umasa ng kahit anong kapalit! Ikaw din ang magplano ng pagretiro mo para di kayo pabigat sa anak mo.
DeleteKung hindi mo kaya, utang na loob, magpa-tali/kapon kayong mag-asawa!
Your argument is already flawed, inapply mo pa dito sa situation na nangyari with Maine. Hello, 20s pa lang yung nanay sa video at 7 YEARS OLD PA LANG YUNG ANAK NA INOOBLIGA NYA.
DeleteMadami yan sa Pinas! Toxic pinoy culture. Pag aabroadin ang anak then hihingi nalang ng sustento habang painom inom si pudra. May nanay naman mura ang aabutin ng anak pag di makapag bigay. Close lang silang mag ina pag may perang naaabot si anak. Kawawang mga bread winners.
ReplyDeleteGanyan ang tatay ko, painom inom, sugal at sigarilyo without even thinking about the consequences to his health at kami din naman ang papasan sa expenses. Buti sana kung may pera sa bangko or health insurance pero wala. Galit pa yan kung di mo abutan ng pera, ang toxic.
DeleteLegacy daw ang pag aanak at dapat daw manganak???may nagsabing shungaaa. Baka legacy para gawin silang bread winner at taga ahon sa hirap pag tanda nila.
ReplyDeleteVery uneducated mag ganyan,pilitin ka mag anak para daw legacy and may makakasama pag tanda. may kilala ako na ganyan no wonder bitter parati sa socmed kakaalaga ng anak.
DeleteRampant talaga sa pinas yan no. Di na naawa. Kadalasan ang lalakas pa tas once nagka work mga anak, rekta retire tapos aasa sa anak. Kaya paulit ulit lang yung cycle. Bawal may umasenso :(
ReplyDeleteTrue. Totoxic
DeleteTapos anak pa ang masama pag hindi nakapagbigay sa magulang 😖 sasabihin walang utang na loob.
Delete20+ yrs old ang lalakas pa pero pinasa agad sa 7 yrs old buhay nila. At guys, nagugulat na lang daw sila na buntis nanaman sya. Oh gosh. These poor kids.
ReplyDeleteTotoo nmn sinabi ni maine ang laki ng katawan tsaka bata pa ni ateng ngayon pa lng magsumikap na sya di yung iasa sa 7yrs old na anak kapal ng muka nabwibwiset ako sa ganitong mga magulang anak ng anak
ReplyDeleteKudos to Maine for calling her out, mabuting madinig nung nanay at lahat ng viewers na may ganyang mindset.
ReplyDeleteYes, may magandang comments din sila Ryan.
Deletewho is she to call out? wag mo problemahin problema ng iba
DeleteIsa sya sa hosts at kasama sa segment na yan ang pagusapan ang buhay nung tao. Dapat may commentaries ang hosts pag nagiinterview hindi mag-agree na lang palagi basta wag lang bastos pagkakadeliver. Ikaw, anong problema mo? 9:21
DeleteWhat I dont get is how some people who cant even provide for themselves opt to bring someone in this world. At worst, iaasa sa anak nila ang pag ahon sakanila sa kahirapan. But on the other hand, I salute parents who provide for their children the best way they can even if they are poor and dont demand anything from their kids. Kusa na yung mga anak ang magtatanaw nito.
ReplyDeleteKaya nga why not use protection mas mura yun kesa gatas at diapers
DeleteTotoo. Tayo ngang may maayos na trabaho nagdadalawamg isip pa kung mag aanak eh. Pero sila tong walang pera, hindi man lang iconsider ang ikakabuhay ng magiging anak nila... Nakakalungkot
Delete12:19, it's lack of family planning literacy. Ang iniisip basta may trabaho lang ok na. Di na uso magcocompute kung magkakasya ba ang sweldo once may anak na. Bahala na ang mentality.
DeleteLalandi landi, pero walang pambili ng condom. Mahirap na nga, ipapahamak pa ang anak sa kahirapan. Tapos bigla ang pag-asa sa pag-ahon sa kahirapan eh yung bata?!
DeleteLekat lang di ba?
I have relatives na walang maayos na trabaho pero anak ng anak. Nakakaimbyerna sa true lang. Tapos kung may medical emergency pasan ng relatives yung gastusin. Mag-anak lang ng isa kung di afford. What these kind of people fail to understand is the quality of life na ibibigay nila sa mga bata. A baby is a blessing daw at may mga public schools naman, kainis!
DeleteMga magaanak tapos pag nagkawork anak, magging freeloader nalang sa anak. Sarili mo nga di mo mabuhay ng masagana, tapos laki expectation sa anak. Ginawang retirement plan. Totoxic. Unahan ko na mga magcomment against dito, tinamaan ka no? Haha I pity your future children.
ReplyDeleteHindi utang na loob ng bata kung bakit sila pinanganak. Tayo ang may gusto nun. Kaya kung mahirap ka, wag mo ipasa sa anak ko. Ikaw mismo magsikap para di maranas ng anak mo.
ReplyDeleteI love how Maine tactfully delivered it. She even empowered the contestant by reminding her all was not lost and she is still very young (nasa late 20s lang ata si madame?). Kudos to Maine!
ReplyDeleteEarly 20s! 24 lang sya.
DeleteIgaya na lang sa US. Kapag 18 na, lipat-bahay ka na, kumayod, magstudent loan, pay for your own daily provisions, higher education, insurance policy, wedding, bills at utilities. Ang parents naman can start saving up for travels and vacations, good food, nice clothes, dream car, executive check-ups, retirement, hospitalization at burial.
ReplyDeleteYes, tapos baon sa student loan ang anak mo, takes 10 years to graduate dahil sa side jobs, and in the future, ilalagay ka sa oldies home dahil pabigat kang alagaan.
DeleteAsa! Baka ang daming nanay ang lalapit kay Tulfo para ireport ang mga anak na umasenso at ayaw na kausapin ang mga magulang. 😂
DeleteBaon sa student loans karamihan ng nasa US.
DeletePalagi ko sinasabi sa anak ko kahit ano pangarap mo sa buhay mo support ka namin basta masaya ka. Isa lang hiling ko sa kanya wag nya pabayaan kuya nya(may asd kuya nya). Naka plano na lahat ng insurance, at investment para sa kanila. Small amount pa lang investment sa us stock pero sure lalaki rin pag tumagal tagal. Mga parents habang maliit pa lang anak natin dapat 10-15 years ahead ang plano natin, wag natin pahirapan anak natin
ReplyDelete12:49 AM hala. hindi nya responsibilidad yung kuya nya. i know you will provide financially pero oras parin ng anak nyo yung gagastusin nya :(
DeleteUnfortunately, kasama sa succession planning ng families na may special needs member yan. The parents can only go so far as to plan for housing and the finances to cover expenses, pero kailangan pa rin ng family to look after them. Ano yun, pag namatay yung magulang, just kick the special needs family member out and leave them to the streets?
DeleteNamatay mom ko, may ASD kuya, I'm all he's got at 2 lang kami. I can't afford to put him in a home. What would you do if you were in my shoes?
Bravo Maine! And ung mga triggered dito sa comments, alam na this! Bato bato haha
ReplyDeleteyup! may mga natamaan. perhaps ganun dynamics sa family nila.
DeleteTrue! Parang iisang tao lang rin kasi iisa ang linyahan. Nakakahiya. Lol
DeleteMukhang iisang tao lang sya. Yung bitter na mayaman si Maine hahaha
DeleteTrue! Kaya hindi umuusad ang Pilipinas dahil sa ganyang mindset. Napansin ko, yung mga nag eexcel sa career lalo na sa ibang bansa, sila yung mga walang prinoblema kundi mag aral lang. Yung mga nagtatrabaho para sa sarili. Focused sa self improvement. Kaya yan ang goal ko sa anak ko, provide ko lahat na wala siyang iisipin kundi mag aral at improve sarili niya. That way, mababago ang cycle ng kahirapan sa pamilya namin.
DeleteKung mag aanak ka tapos ineexpect mo na maging retirement plan anak mo at isusumbat mo obligasyon mo pls wag ka na mag anak jusko. Nandamay ka pa ng buhay sarilinin mo nalang problema mo.
ReplyDeleteMy MIL to my hubby while he's growing up: "Alkansya ko to" nyaksss.
ReplyDeleteSimpleng birth control lang kasi solusyon (libre to guys!) pero ayaw pa ng mga magulang na batugan e. Gusto lang puro pasarap.
ReplyDeleteSa mga magulang: hindi responsibilidad ng anak ang akuin ang responsilidad nyo bilang magulang.
ReplyDeleteSa mga anak: hindi habang buhay ay responsibilidad kayo ng magulang nyo, kaya matutong maging responsable pag kayo ay tumuntong na sa adulthood.
Isa rin akong anak at magulang.
Grabe tong contestant na 'to. 25 years old with 4 kids, the eldest is the 7-year-old with her in the show. Tapos ang kapal ng mukha na yung panganay daw mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Girl, 25 ka pa lang. Ikaw magtrabaho at igapang ang pamilya mo pataas. Huwag yung batang hindi naman ginusto na nabuntis ka nang maaga. Grrrrrrr! Kakairita ganitong mentality. Gets ko pa yung 1 unplanned teenage pregnancy pero kung sinunod-sunod, katangahan na yun. Tama lang na Maine and Ryan called her out kasi mali talaga.
ReplyDeleteRaise your kids well the best way you can and kung damating ang time that they make their own money, sila mismo ang magbibigay ng regalo, tulong or suporta sa inyo kahit hindi kayo humingi sa kanila. At the same time do not make them feel guilt kung Hindi sila nagbibigay ng tulong sa inyo dahil at the end of the day responsibilidad ng magulang ang palakihin at suportahan ang mga anak nila.
ReplyDeleteKung tunay ka nga talagang mapagmahal na magulang, tatangihan mo yung bigay ng anak mo. Except nalang shempre kung naging bilyunaryo ang anak shempre
DeleteWag ipasa sa anak ang responsiblidad ng pagiging magulang. Hindi ginusto ng anak na ipanganak sya para saluhin ang responsibilidad nyo. Kung plano nyong mag-anak, yun ay dahil gusto nyong bumuo ng pamilya, hindi para gawing investment .
ReplyDeleteThis lousy culture should be broken/ ended. I have been thru this,plus kinokonsenya ka pag may sasabihin ka, bad guy kahit tumutulong ka na.
ReplyDeleteTrue lalo kung sapilitan. Pero marami din mga anak na sila mismo gusto maiahon sa kahirapan ang mga magulang. Mga grateful na anak pero agree naman din ako na hindi dapat iobliga, kung free will ng mga anak, ayos yun, suwerte ng mga magulang, napalaki sila ng maayos.
ReplyDeleteMukhang di tinanggap ng mabuti ang advice ni Maine.
ReplyDeleteGrabe naman si ate nasa late 20s...ano ba ganap natin sa buhay. Ako nga 40s, 2 work umaga then weeknights and weekend. Nagonline class pagkauwi.
ReplyDeleteMinsan may mga sadyang tamad lang talaga. Inaasa buhay sa iba or sa swerte.
Kilos kilos din ate.
Ganyan naman talaga sa Pilipinas . Apat kming magkakapatid ako lang nakatapos . Pinagdudukdukan ng tatay ko na nakatapos ako dahil sa pagpipintura nya. Hindi ko lng masabi na scholar ako at working student kaya ako nakatapos. Hindi lang ako makakibo sa iba kasi magulang ko yon lalabas akong bastos. Ayoko lang balang araw na may maririnig ako na pinag- aral nya ako kasi hindi totoo. Tinapangan ko hiya ko kung sinu- sino nilapitan ko para maging scholar. Ako ang kumayod para sa sarili ko para makatapos. Kaya wag lang talaga na makakarinig ako sa iba na may sinasabi sya kapag hindi ko na sila mabigyan baka lahat ng naipon kong sama ng loob ibulatlat ko sa madla.
ReplyDeleteibulatlat mo na sa tatay mo dear ng matauhan. Give yourself a chance to fully feel and process your hurt and him a chance na makabawi if he wants. If not, kiber, basta independent and happy ka na na ngayon.
DeleteMaine has a genuine beautiful heart and mind. She really cares for others
ReplyDeleteSa mga nagdedefend pa sa ipinapasa sa batang anak ang responsibilidad iahon pamilya sa hirap may tawag dun: EXPLOITATION.
ReplyDeleteyung ibang magulang naman ini-encourage naman yung anak nilang babae na mag-asawa ng foreigner kasi may pera daw. kawawang foreigner akala niya asawa lang niya bubuhayin niya kasali pala ang buong angkan
ReplyDeleteMatatandang Afam! Hahahaha eeewww. Kung pogi at bata abay ok lang.
Delete7years old pa lang yung bata…Sya na mag aahon sa kahirapan. Anong petsa pa yun. Batang bata stressed na kagad kalerky. Galaw galaw mommy daddy. Tama si Maine.
ReplyDelete'yung mga triggered dito sa comment ni Maine, hindi naman sinasabing h'wag tumulong. Parents ko never akong inobliga pero nagbibigay ako, kahit na nakahiwalay na ako. H'wag gawing p'wersahang responsibilidad ang pagtulong, dahil hindi na pagtulong ang tawag doon.
ReplyDeleteGinapang ng Dad ko pag-aaral naming magkakapatid when my mom died, and never once demanded that we give back. When we do, tuwang tuwa sya kahit pang Vikings lang or a new pair of shoes. He even said when I got married na he will never stop being my dad, that I can always count on him to be there when I need him. That his responsibility as my father won't stop just because nag-asawa na ko. And now that he's gone, I can absolutely say that he was a great dad and role model. I will always look back with so much fondness and love for him because he first loved us selflessly.
ReplyDeleteSo yung mga parents dito na ginagawang retirement plan ang mga anak, bakit kayo nag-anak in the first place kung tatratuhin nyong parang investment or insurance mga anak nyo? Aren't you ashamed of yourselves?
You are so lucky to have a dad like that. Yung sa akin kasi toxic at mabisyo pa. Pag sinabihan mo naman ng maayos, ikaw pa ang masama at walang respeto.
DeleteIsa nanamang bata ang gagawing ATM at retirement plan ng magulang
ReplyDeleteNaalala ko nagsurvey kami noon sa smokey mountain community about TB. Nakita ko ang daming anak ng isang family. I asked the father bakit ang dami nyang anak point blank kahit wala sa survey questions. ahahahah! I came from an abusive family, di ko mapigilan magalit sa condition nung mga bata. Sabi ba naman nung tatay, para raw marami magtrabaho para sa kanya pag laki nila! If one fails, may iba pa raw pwedeng maging successful. Diosko day! Paano magiging successful eh mukhang walang kinakain yung mga bata.
ReplyDeleteNako mga Mars! Idagdag nyo na dito yung mga magulang na kala mo parents of the century kung makasumbat at guilt trip na pinakain at ibinahay ka nila kaya you owe them daw. Bigyan ng award mga yan for doing the BARE MINIMUM only. As if kasalanan mo pa na nagstruggle sila to give birth to you and feed you.
ReplyDeleteYung MIL ko na "nangungutang" sa hubby ko tapos kapag siningil na, ang sagot ba naman sya raw kaya maningil sa lahat ng ginastos nya since birth ng hubby ko. Should i run na po ba? Joke.
DeleteGanyan ang mga taong tamad, walang pangarap para sa sarili at para sa mga anak, at walang pride.
ReplyDeleteNakita ko nanaman yan!! hahaha sana pwede mag mura dito FP minsan lang naman hahaha
ReplyDeleteGrabe si Ate 24 years old tapos pinasa na agad sa 7 yrs old yung kinabukasan ng buong pamilya nila. Ako nga may full time job at single at the age of 26 pero di pa nag aanak kasi alam kong hindi ko pa afford talaga. Titindi ng ganyan tao. Kung pwede lang talian lahat ng tao tapos tatanggalin lang once financially capable na e, hays.
ReplyDeleteDo not rob them of their childhood. Every child deserves an education, plus happy, healthy and safe environment. Parents should provide them this!!! Hindi ung inobliga nyo na bata pa lang.💔Tpos isasali sa TV para kaawaan. Very wrong. Dapat sasali cla to boost their confidence at dahil gusto nla ipakita ung talent nla. Mahiya naman ung mga magulang na nagtturo ng maling mentalidad sa mga bata...pasan nila ung problema ng buong pamilya kaloka
ReplyDeleteBat andaming toxic dito na mind your own business eme sa pagpapalaki ng anak? Wala din kayong business magka anak kung peperahan nyo lang sila at gagawing ATM no.
ReplyDeleteIt seems na nawalan na ng pag-asa si Ate that's why yun yung naging mentality niya. The way she said those words, she seemed so depressed. Good thing, Maine encouraged her na may pag-asa pa kasi bata pa siya at kaya pa niyang mag-provide sa mga anak niya. I like how Maine reminded her in a very light way na hindi naman magiging offensive. Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng pamilya nila or napagdaanan ni Ate para masabi niya yung mga nasabi niya. We don't know kung may sakit siya or whatever. I hope let's be kind to some people somehow. I hope kung may pinagdadaanan man din yung mga makakabasa nito, don't lose hope. Kaya mo yan. Kakayanin mo yan.
ReplyDeleteTama din naman na huwag ipasa sa mga anak yung mga responsibilidad ng magulang especially kung bata pa talaga ang anak. Hindi nila obligasyon yun.
Mahirap na mabago ganitong mentality because Filipino culture promotes continued ignorance in its people. Mabuti nga at madami na ang enlightened and educated, pero majority ay ganito pa din mag-isip. Naalala nyo dati yung issue about birth control pills and family planning? Ang daming against sa birth control being more accessible dahil daw "the only birth control that should be used is abstinence", na God wants people to procreate... jusko. Masyadong backward ang thinking ng majority ng mga Pinoy. Ang lalakas pa naman pero saksakan ng katamaran at gusto na lang maging tambay/chismosa sa baranggay. Wala na ngang magandang trabaho, anak pa ng anak.
ReplyDeleteIsama mo pa yung "Bahala na" mentality na basta makaraos day by day, okay na kahit walang long term planning and hindi maginhawa ang buhay. Tsaka yung "kahit mahirap tayo, basta sama-sama tayo at masaya pa din" nakakaloka na imbis na baguhin ang buhay para makaahon sa hirap, hahanapan na lang ng excuse na mag-stay na mahirap basta "happy pa din". Tapos ang mga anak ang sasalo ng mga problema kung paano bubuhayin ang pamilya. We have glamorized poverty to the point na we will praise children for working so young to support their parents and siblings instead of demanding more education for Filipinos to make smarter decisions when it comes to family planning and life planning too. Dami nag-aasawa at nag-aanak na wala naman plano sa buhay. Basta mag-asawa lang, bahala na ang future.