Sunday, March 26, 2023

FB Scoop: Piolo Pascual on Eating Alone



Images courtesy of Facebook: Piolo Pascual PH

82 comments:

  1. Replies
    1. Ako nga nagbubuffet mag isa eh. Lalo na pag galing work. Alangan naman magyaya ako sa mga kawork ko eh di ililibre ko pa sila. Alam niyo naman rules of the game. Kung sino magyaya un ang magbabayad. Enjoy ko naman. Lalo na pag kilala ka na sa restaurant ng mga waiters hahaha. Comfortable ka na. Enjoy naman maghimay ng hipon at kumain ng malalambot na baka ahehehe. Pero pag weekend syempre kasama ko naman pamilya ko sa buffet. Selfish naman pag mag isa pa din ako. And yes mataba na ako kakabuffet. Ikaw ba naman na parang tinadyakan ang tiyan pagkatapos kumain eh. Hehehe

      Delete
    2. Shala. Nag buffet mag isa. Kung ako yan, panay balik ako sa CR. Matakaw kasi ako. 🤣

      Delete
    3. Ha? 🫡🫡🫡

      Delete
    4. May ganun palang rules? Pag ikaw mag yaya libre mo? So anung gagawin, pakiramdaman nalang hahaha. Kahit gusto mo kumain sa labas kakain ka na lang mag isa, kasi takot ka manlibre. Pag lumalabas kami kasi KKB talaga since nung HS at college days ko, depende na kang kung sabihin ng isa na tara kain tayo libre ko,

      Delete
    5. Pwede kita samahan Papa P kahit ako na magbayad. Hahaha...

      Delete
    6. Nope. Hindi kakornihan ang kumain mag-isa.

      Delete
    7. 12:57 dami hanash, lol. Btw, it is ok to go dutch.

      Delete
    8. 12:03 really? Is it how it is in the PH? Whoever invites should pay? My golly that shouldn’t be the norm these times. Char.

      Delete
    9. @1257am: Hahaha. Nice. Sarap basahin comment mo. Agree 👍

      Delete
    10. Onga naman 1257. Pero wag ka mahiya mag aya. Kami ng friends ko KKB - Kanya Kanyang Bayad. It doesn't matter who invited first sa amin 🙂

      Delete
    11. Talamak Ang free loaders ngayon.

      Delete
    12. 8:32 at 3:20, oo ganyan sa Pilipinas. Kapag nagyaya ka, ikaw ang magbabayad dahil wala namang planong kumain sa labas ang niyayaya mo, unless na umpisa pa lang ay sabihin mo ng kanya-kanya kayo ng bayad. Kapag hindi niyo pinag-usapan kung sino ang magbabayad, ganyan nga, pakiramdaman na lang pagdating ng bill at naghihintayan.

      Delete
    13. sa Philippines nga lang uso na yung may birthday nanlilibre. Shock yung officemate kong tiga HK nung one time nataon na birthday nya at sinabihan sya ng mga kapwa niyang tiga HK na nakaranas ng mag Bday sa Pilipinas. Kwenta siguro siya ng kwenta how much will she spend considering manufacturing kami hahaha

      Delete
    14. 11:51 Ha? Nasa Pinas din ako pero never ko naranasan yan na given yung magyayaya yung magbabayad. From friends and family mula HS, College, work, post grad and beyond wala akong kilalang ganyan. It's always given na KKB tas kung sasama ka at walang budget, free ka naman to say so at mag suggest ng iba or wag sumama. Like saan, sino or what segment of society does this?

      Delete
  2. Yeah, I also don't feel lonely when I eat alone.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I prefer to eat alone.

      Delete
    2. True. Mas convenient and peaceful pa if ikaw lang mag-isa.

      While it would have been better if may BF or husband, walang magagawa if wala pa at the moment.

      Go lang sa solo moments. Haha!

      Delete
    3. i enjoy food when may kasalo. pero there are times na i want to eat alone

      Delete
    4. It’s liberating to eat by myself! It’s my “me” time, I can order and eat the way I want eat and how ever long it may take me while scrolling the interweb or people watching if am in the park. But my fave is eating in my car on my break time and listening or watching to my fave podcast or YT👍

      Delete
  3. I love eating alone! 😉

    ReplyDelete
  4. Natatakot na rin ako kumain mag isa sa labas ano ba naman kasi yan may Nakita ako viral may isang guy kumakain magisa tapos pinic at pinost sa Facebook grabe yung mga comments maka lait at puro pinagtatawan masyado na mga tao ngayon

    ReplyDelete
    Replies
    1. That guy can sue whoever took and posted his picture, as well as those who criticized him.

      Delete
    2. Kung nasa public place siya noong kinunan ng picture o video, hindi invasion iyon kaya hindi ka rin mananalo sa demanda.

      Delete
    3. @11:53 We are all protected by the law, even if we're in public places.
      All the more if there's bullying, malicious intent, and defamatory imputation involved.

      Delete
    4. My goodness. That's awful. I would freaking hate that! I am a very private person. No socmed. I use fb for messenger to talk to people I care about but my wall is blank. I am an introvert and also loves to eat alone so I share the same anxiety as yours. Hate na hate ko yung nga taong ganyan na clout chasers in expense of other. Why can't these they leave others alone? Wala na ba talagang respeto at manners ang mga tao. Gadgets are getting smarter pero yung paliit ng paliit yung utak. Imagine the trauma of that person.

      Delete
  5. luh... Ako nga madalas kumain mag-isa sa labas, di naman ako nalulungkot. Nag-didine-in pa ko sa mga restau mag-isa.

    ReplyDelete
  6. I've been doing that when I was still single at 35. Kumakain mag isa sa resto, fast food, buffet at nanonood ng sine mag isa. Ang saya din kaya. Syempre masarap pag may kasama. Pero iba din ang feeling pag mag isa. Nakakaaliw kaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako nga 14 lang nanonood ng pelikula mag isa. Double picture pa dati sa probinsya.

      Delete
    2. Truthhhhhhh.

      Delete
    3. I've been doing that since I was a teen. When I learned how to order food. I don't mind eating alone.

      Delete
  7. Ang bastos lang talaga ng mga nagtatake ng pics and vids ng iba then post it. Kahit pa public place ang restaurant, respeto na lang sana.

    Tapos yung iba grabe makialam. Masaya kayang kumain alone. Try niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para sa kaalaman ng lahat, lahat tayo may rights to privacy. Pwede kayo magdemanda pag may nagpost ng picture nyo or private time nyo nang walang paalam.

      Republic Act 10173 – Data Privacy Act of 2012

      You're welcome! 👍

      Delete
    2. 9:47, nasa public siya. Puwedeng magdemanda kahit sino, pero it doesn't mean na mananalo siya.

      Delete
    3. @11:54, common sense lang ha. Yeah, you may be in public, but that doesn’t mean someone can just legally snap a photo of you and publish your appearance and likeness, without your consent, on social media for the whole world to see… Depending on the facts and circumstances, especially if there’s harassment/bullying involved, there are various causes of action one can file, and win on.

      Delete
    4. 11:54 Hindi porke't nasa public place ka, you're not protected by the law anymore.
      Lalo na pag pinagpyestahan na ng mga tao ung picture mo at tumanggap ka ng sari-saring pangkukutya, panglalait, pang-gag@&^%$, may laban ka pa rin.

      Delete
  8. Alone but not lonely,I enjoy my solitude , away from maddening crowd, naks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. But it’s true, sometimes you just want to tune out people

      Delete
  9. I really like Piolo.

    ReplyDelete
  10. Hala seriously? Big deal 'to? 😵
    Enjoy kaya kumain mag-isa. Hindi naman ibig-sabihin nun lonely na.
    Importante rin ang quiet at quality time para sa sarili natin. 😉

    ReplyDelete
  11. Mas masarap din kumain mag- isa kapag madami kayo marami din daldalan na hindi matapos - tapos .

    ReplyDelete
  12. Masarap kumain mag- isa lalo na pag mabagal ka kumain di kagaya pag may kasama danas ko yan parang may mga hinahabol .

    ReplyDelete
  13. Nasa 30 na ako at single parin up to now pag kakain nuod sine nagtatago talaga ako dun ako sa malayo or sa corner para di masyado makita e kasi naman ang dami judgemental e

    ReplyDelete
  14. 2023 na. Kaartehan lang yung may issue pa sa eating or doing anything alone. Sakit sa ulo kaya pag may kasama. Di din masarap ang food pag may kasama dahil parang half eating half talking ginagawa mo. Makes me gassy din.

    ReplyDelete
  15. Jusko, it is a previlige kaya kapag nakakain ng mag isa o nakakapasyal mag isa lalo nat may anak ka. 😂

    ReplyDelete
  16. Enjoy naman mapag-isa. Simula college eh kumakain at nanonood ako ng sine mag isa. Syempre mas masaya kung may kasama pero minsan gusto mo ikaw lang hehe

    ReplyDelete
  17. I like eating with a group, but sometimes I just really want to eat alone. One thing I don’t like when in a group is taking a long time to decide where to eat. Takes a lot of your break time. And if it’s not your day, the group will end up eating at a place you don’t particularly like the food.

    ReplyDelete
  18. Mukhang sa Pinas lang big deal to eat alone! I live in SoCal and it’s common to see people doing things by themselves: eating, walking, shopping, drinking, hiking, traveling, solo cruiser etc. There is solitude and happiness in being by yourself. Try it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi sa Pinas communal ang eating. People like to eat solo in Europe too.

      Delete
    2. 635 ay baks true! Maski saan nakakakita ka ng mga taong naglalakad or kumakain alone. Yung iba naiinis pa kapag iniistorbo mo. 😂

      Delete
  19. ako sa work i prefer to eat alone and even at home. as a mom na mrmeng chores to do on a daily basis nahhuli ako kmaen. though aminin ntn mas masrap kmaen ng may ksma or kakwentuhan.

    ReplyDelete
  20. I doubt there was ever a time he was 'alone' in his life.

    ReplyDelete
  21. Hmmmm si Piolo pa mabakante

    Nandyan lang sa harapan ang kasalo sa pagkain

    Grabe pati pagkain POST talaga?

    ReplyDelete
  22. Ako I enjoy eating alone din. I love my me time, nakakaalis ng stress. Lalo na mag shopping mag isa , I can spend the whole day in a mall .

    ReplyDelete
  23. Now na lang sha nakikiconnect sa masa. Feels like a boomer uncle trying to connec sa millenial / gen z pamangkins nia

    ReplyDelete
  24. I dont get it? Bkit may mga taong magpopost ng ibang tao sa kung ano ginagawa nila. Buhay nila yon. Hindi na ba uso respeto ngayon? Manners? Privacy? Ang tatlong nabanggit ko kahit kelan di dapat mawala sa uso.

    ReplyDelete
  25. masarap kayang mag me time paminsan minsan

    ReplyDelete
  26. I dont see anything wrong about it. Only shows he’s independent and can make himself happy without needing the company of other people. One of the most admirable actors in the industry.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang only wrong here is that pinopost ng ibang tao ang ginagawa ng iba tpos lalaitin and ipapahiya ka online.

      Delete
  27. Antisocial ako. Mas gusto ko din talaga magisa pero hindi halata sakin kasi madami akong kaibigan. Ibat iba sinasamahan ko pero sa totoo lang ayoko sa mga tao.

    ReplyDelete
  28. When I was in college, lagi kaya akong kumakain mag-isa pag dinner or pag walang pasok. Issue ba yan sa ibang tao? As if di nila naranasang kumain mag-isa.

    ReplyDelete
  29. ako nga nanonood ng movie nung 2016 ng mag-isa, and it's liberating,charrr! i love eating alone too, tsaka di naman ako natatagalan ng jowa kaya kering keri ko lagi na mag-malling and to eat alone. sanayan din yan. syempre mas masaya din pag kasama mo friends and family mo when you eat out, pero syempre iba din yung saya na naenjoy mo ang lakad mo na ikaw lang mag isa at di pa magastos. syempre taas na inflation ngayon kaya limit na sa panglilibre,😁

    ReplyDelete
  30. Enjoy naman kumain mag-isa kasi tahimik lang, yun nga lang parang feeling mo pinagtitinginan ka ng mga tao kasi mag isa ka lang hahaha.

    ReplyDelete
  31. Nung single ako I do things by myself and it didnt bother me. Nung ngkajowa ayun laging ng may ksama kumain, etc. Kya nung nagbreak kmi, bgla ako nainsecure to eat out or do things alone lalo n marami epal ngaun n nagpipic sa mga solo diners. It took some time to regain my confidence.

    ReplyDelete
  32. Yes! It's time for soul searching when alone wd God while dining.

    ReplyDelete
  33. I dont see nman na people make it a big deal of those people eating alone. What I actually find absurd are people making fun of other people growing old without a partner. They call them “matandang dalaga”. Nothing wrong with being matandang dalaga but some people are making fun of it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! I’m a single mom I enjoyed myself no stress no headaches! I travel, eat buffet alone, spa.

      Delete
  34. People should learn to do things alone kasi minsan hindi trip ng iba yung trip mo. Mas makakatipid ka pa time pag mag isa ka at marami kang ma aaccomplish

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. I watch move alone, I dine alone, I go to museum alone I shoppe.

      Delete
    2. Yes! Nung student ako nanood ako ng movie mag isa tas may katabi akong nagtanong bakit daw ako mag isa manood. Ugh. Paki nya.

      Delete
  35. Hello, ang saya kaya lumabas or gumawa ng mga bagay ng mag isa lalo nat may mga anak ka. 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes! When my daughter turned 18 I started traveling alone. My daughter was 2 when we started traveling together Aussie Pinas Singapore hK Malaysia glad I’m a single parent, we created a paradise.

      Delete
  36. Sa kabataan lang naman big deal kumain magisa. Pagtanda mo say mga 25s wapakels na. Lalo na pag nagtrabaho kayo sa bpo na minsan wala kasabay magbreak alangan naman pakagutom ka. Tas ayun na marerealize mo ang saya din pala

    ReplyDelete
  37. It's called "me time" . I love it.

    ReplyDelete
  38. Kumain syang mag-isa at na enjoy nya. Wala kayo pakialam.

    ReplyDelete
  39. Ako naman I prefer eating alone during lunch time sa office sa cubicle ko kasi may privacy ako at pag marami akong kasabay, super kwentuhan so kadaldalan ko, tapos na pala silang lahat napapamadali tuloy ako at pakiramdam ko naiimpatso ako lagi. Pero pag Friday eat out syempre join ako lagi

    ReplyDelete
  40. kung ganto ka pogi financial adviser ko, mapaparami ako ng bili ng insurance...charot

    ReplyDelete