Thursday, February 2, 2023

Repost: Luis Manzano Seeks NBI Assistance to Investigate Fuel Company, Host Dragged Into Alleged Questionable Investment Scheme

Image courtesy of www.gmanetwork.com

Nilinaw ni Luis Manzano, sa pamamagitan ng isang pahayag, na wala na siyang anumang kaugnayan sa isang fuel company. Alamin ang detalye rito:

Humingi ng tulong ang aktor na si Luis “Lucky” Manzano sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation. Ito ay matapos lumapit sa kanya ang ilang investors nito para mabawi ang perang kanilang in-invest sa naturang kumpanya.

Sa isang statement na natanggap ng GMANetwork.com, nilinaw ng kampo ni Luis na hindi na siya konektado sa naturang kumpanya. Sa katunayan, ayon sa statement, may pagkukulang din ito sa kanya na aabot sa PhP66 million.

Nakasaad sa statement, “In a letter addressed to NBI Director Atty. Medardo De Lemos dated November 8, 2022, Manzano through his counsel, Atty. Regidor Caringal, clarified that he had 'resolved to divest his interest and resigned as chairman of the board' of several corporations in the ICM group headed by Chief Executive Officer Ildefonso "Bong" Medel, including Flex Fuel Petroleum Corporation.

“According to Caringal, 'various individuals claiming to be investors/co-owners of Flex Fuel have been reaching out to our client for assistance.'

“Caringal said that Manzano was appealing to the NBI 'to conduct an investigation on this matter' as Medel had failed to address the concerns of the said investors.”

Base sa affidavit ni Luis noong December 2022, inilahad niyang ginawa siyang “chairman of the boards” ng CEO ng ICM group na si Medel bilang isa sa paggagarantiya ng kanyang investment.

Gayunman, sabi ng aktor, “I never took part in the management of the business." Nag-resign na rin umano siya sa nasabing posisyon at dumistansya na sa ICM group companies, kabilang ang Flex Fuel, noong

Sabi ni Luis sa statement, "Bong conducted the business in such a way that operational matters were kept away from me." Sinabi rin niya walang anumang importanteng bagay na nabanggit sa kanya si Medel.

Matapos mag-resign noong February 2022, ayon sa statement, maraming investors umano ang lumapit kay Luis para matulungang mabawi ang kanilang investment mula sa kumpanya. Gayunman, sa kabila ng pakikipag-ugnayan ni Luis tungkol dito, wala umanong ginawang aksyon si Medel.

Sabi pa ni Luis sa statement, "Up to now, there are still individuals reaching out to me for help and assistance regarding their investments in Flex Fuel."

166 comments:

  1. Eto lang ang masasabi ko CHAR! 🤨

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh sabi ng mga nag invest eh si Luis daw mismo ang nakahikayat sa kanila na maginvest ng at least 1M during zoom meeting nila nung 2020. Kaya nga siya dinamay ng mga investors nung nagcomplain sila sa NBI. Hindi lang si Luis ang pumunta dun. Un mga investors eh pumunta dun to complain Luis and others dahil sa naglaho nilang investments

      Delete
    2. Granting hindi tinangay ni Luis ang pera nila pero nilagay ni Luis ang mukha, pangalan at reputation niya don sa negosyo. Kaya nahikayat un iba na maginvest. At sa by laws ng kumpanya siya ang CEO eh

      Delete
    3. 10:14, he’s not the CEO, si Medel ang CEO.

      Delete
    4. 12:06 YES. I stand corrected. Di pala CEO but Chairman of the Board. si Medel ang CEO pero si Luis Manzano ang Chairman of the Board of Directors ng Flex Fuel. Technically mas mataas pa ang Chairman of the Board sa CEO kasi pwedeng ifire ng Chairman ang CEO.

      Delete
    5. Kasi dati sa mga ads si Luis ang aakalain mong may ari ng company.The way it was sold and advertised to people.

      Delete
  2. My gosh 66 Million! Na scam din si luis! Ito siguro yung post ni jessy before ano, pansin ko talaga masyado mabait at madaling makuha loob ni luis

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wais si Luis. He got out before it got too hot! Niligtas niya sarili niya

      Delete
    2. Accessory pa rin siya baks. If ever, need nga nila patunayan san napunta yung mga perang ininvest, kung nalugi man or naibulsa lang.

      Delete
    3. Not exactly. Hindi niya yan masosolusyunan sa simpleng pagreresign.

      Delete
    4. 6:19, yes sarili nya lang. which is selfish in my opinion kasi he kept quiet about his resignation. Imagine he’s been out of the company for a year na but none of the investors knew about it and a lot more were still investing thinking na andun pa sya and yung iba were probably thinking he owns the company himself. I find it impossible na wala syang alam na ginagamit pa rin ang name nya to lure more investors when he even wasnt vocal about his resignation. Just because friend nya? Just goes to show wala syang balls to go against certain people matapang lang sya mag call out sa mga bashers pala but kung saan his voice should matter, tahimik lang sya. kung di pa nagkasuhan na saka pa sya may statement. 🥴

      Delete
    5. 6:19 Paano niya iniligtas ang sarili niya? He's down 66M. Hindi naman niya nadala yun

      Delete
    6. Paanong lugi ng 66 million in what sense? Capital investment niya o potential return of investment? Kasi malinaw un mga investors eh INVESTMENT talaga nila ang natangay.

      Delete
    7. 1:03 read the comment below you plus he saved himself from further lugi.

      Delete
  3. Wow. Hindi halatang may pinag dadaanan sya ha. Ang laking money din nun 66m

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Hindi halata. Nagagawa pa rin niyang magpost ng mga memes sa IG. Mayaman si Luis guaranteed yan bilang anak ni ate Vi pero need pa din niyang maging wais.

      Delete
    2. For sure affected sya di lang pinapahalata bukod sa laki ng pera yung trust at sa kanya binagsak yung scam

      Delete
    3. Naaalala ko to, nung nag popost sila looking for investors. Pero di ko din sure kung nag announce sya na he's no longer connected sa company

      Delete
    4. 4:09, he didnt. Thats the problem! And now he’s crying foul kasi nagagamit ang name nya to lure investors in. What did he expect when he didnt make known sa public na out na pala sya.

      Delete
    5. 12:26 I don’t think it his responsibility to announce his resignation . It was more of Bong’s since he is the new CEO and owner of the company . Siguro kinausap niya si Bong about this dahil tiwala siya na maayos ni Bong. Knowing Luis , wala sa pagkatao niya ang mang isa lalo na sa pera . He is known to be a generous person at kadalasan it comes out of his pocket

      Delete
  4. Mukha naman malinis si Luis.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:50 Luis would not seek the help of NBI kung may kinalaman siya sa scheme . I have faith & believe in him that he is clean . Proven na yun mga taong lihim niya tinilungan

      Delete
    2. True. Luis may be annoying at times, but he genuinely seems like a good guy👍

      Delete
    3. 1.49 I believe he is. Maayos siya makitungo sa co-workers niya. Even nung andun kami sa MYX nun para mag-shoot friendly din siya sa amin.

      Delete
    4. 11:50 yup. Ang pagkakamali lang ni Luis e mabagal sya nagreact, nung nagreklamo na sa kanya yung ibang investors sinubukan pa nya ayusin yung problem instead of immediately and publicly disavowing any affiliation with the company. Akala nya siguro madadaan pa nya si bong sa matinong usapan, but instead ginamit lang pangalan nya para mangloko pa ng iba.

      Delete
  5. May paganito pala si Luis ha?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:52 What do you mean may paganito?

      Delete
    2. 12:55 am you're too slow to understand. Read between the lines.

      Delete
  6. So ito na nga yung connect dun sa post ni Jessy about protecting the family. Tagal ko nang napansin to bago pa yung post nya na yun kasi bigla nalang dina nagpo promote si Luis about sa business na yan and hindi na rin sila nagkakasama ng mga friends nya which is ito ngang business partner nya and yung isang best man din nya na laging kasama sa vlogs nila mag asawa. Di na rin sila naka follow sa mga yun.

    ReplyDelete
  7. Wow big time na ang ibang scammers ngayon nasa millions na.

    ReplyDelete
  8. Muntik nko mag invest dito pero kinulang budget ko. Kawawa naman mga investors.

    ReplyDelete
  9. oh gosh. matagal na barkada ni luis si bong since CSA pa.

    ReplyDelete
  10. OMG kamuntik muntikan na kaming mag asawa sumali dito thinking it was for franchise and we thought it was Luis who owns it pero nung nag attend kami sa zoom investment scheme lang din pala. Nadala na kami sa mga ganitong sistema kaya buti nalang di kami tumuloy. Tempting sya kasi Luis Manzano eh.

    ReplyDelete
  11. Best friend niya si Bong Medel

    ReplyDelete
  12. Best man pa sa ksal nila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala best man din? Naalala ko na naman yung best man ni Tom na nangloko sakanya.

      Delete
    2. Gosh ang sakit nun maloko isa sa best friend ni luis

      Delete
    3. Hala. So another Tom R. case na naman ito??

      Delete
    4. Yes na aala ko din yung k Tom!

      Delete
    5. 9:19 perhaps! But this time, the wife is standing by her husband’s side.

      Delete
    6. 11:45 jessie will stay by her husband's side kasi this time eh alam ng wife ang pinasok ng husband niya kahit na kontra sya sa ibang ginawa ni luis. di siya kept in the dark

      Delete
  13. The people who knew Luis can attest how a good person & how generous he is to those who are in need. Si Luis pa! Sa sobrang bait ng taong ito siya pa ang naloloko ng mga taong mga ganid sa pera. Don’t worry Luis . The truth will always prevail

    ReplyDelete
  14. Entrusting 66M like that without proper and thorough research first? Seems like a stupid move

    ReplyDelete
    Replies
    1. Luis is too trusting kasi good friend niya si Bong Medel since high school days pa yata eh. Pagdating sa pera mahirap talaga magtiwala.

      Delete
    2. Not knowing the details kung paano umabot ng 66M ang utang sa kanya and commenting about it is a stupid move. Close kayo?

      Delete
    3. Nope, not his money. Wala sya nilabas na pera sa negosyo na yan.

      Delete
    4. 8:43, accla comprehension pls. 66M nga rin ang nakuha sa kanya daw ng bff nya. Investment nga nya yun mismo and to secure his investment na pagkalaki laki kaya sya ginawang chairman ng flex fuel keme.

      Delete
    5. 8:43 sure ka? Kaya nga daw ginawa si Luis na chairman of the board, it was a guarantee for his investment. Ibig sabihin may pinundar na siya dyan.

      Delete
  15. OMG. 66M. Baka ito yung dahilan bakit na stress si Jessy kamakailan. Ang laki niyan ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1.02 technically it’s not her money

      Delete
    2. @7:24 Technically, she is the wife. Unless you are not married, you wouldn't know how husband and wife work hand in hand in matters that concern both parties. So, his stress will also be her stress and vice versa.

      Or, are you insinuating that Jesse should just watch Luiz while he's going through tough times since it "was not her money?"

      Delete
    3. 7:24 truth pero she knows na mapapahamak ang love nya if she didnt stop or panghimasukan ang ganap ni Luis. Buti nga may intervention n naganap kesa wala. Baka another tom r and Carla case ito.

      Delete
    4. No it will not be another tom and Carla because tiyak pera ni Luis yan. Do you think hihiwalayan siya ni jessy kasi he made a bad investment ng sariling pera niya? Granted tiyak may invest din si jessy diyan pero hindi kasing laki ng Kay luis

      Delete
    5. 7:24 kapag mag asawa na, money problems of one becomes money problems of the family.

      Delete
  16. Ang laking investment. Wag papasok sa isang negosyo na walang alam. Kung walang alam consult muna sa professionals lalo na kung may means naman. Sana wala siyang mga pinirmahan na dokumento.

    ReplyDelete
  17. Akala ko Official endorser lang si Luis. Very much identified pa naman siya sa Flex Fuel bilang lagi niyang pinopost. May katungkulan pa pala siya sa dun. Luis, keep your name clean.

    ReplyDelete
    Replies
    1. if hindi siya nanghingi ng investments or nanghikayat ng tao to invest, then it is ok lang to be on the billboards or advertising materials. Pero ibang usapan kung sya mismo nagsolicit ng investment.

      Delete
  18. Buti na lng hindi ako natuloy mag invest dyan. Dream ko pa naman makapag invest sa isang petrol company. Nung bago p lng cla kahit maliit pwede mag invest tpos later on naging milyon na. Wala kc akong milyon hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1.09 AM. 500k po ung minimum. Buti na lng kinulanh budget ko noon kc mag iinvest sana tlga ako hahayy buhay

      Delete
    2. guys bakit 500k lang. Di ba pagmagtatayo ka ng gas station , you need millions. If franchisee ka ha. So paano ka magiging may ari ng gas station sa halagang 500k,

      Delete
  19. Eto siguro yung post nun ni Jessy. Na someone close chuchu

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think ibang issue yun. Siya daw kasi sinisiraan ng friends ni Luis kahit wife na siya.

      Delete
  20. ohh baka related dito yung post ni wifey before about keeping his husband away from some "friends".

    ReplyDelete
  21. 66m? Sobrang Yamamoto pala nya pero hindi hambug, simple lang

    ReplyDelete
  22. At ginawa pa talagang patibong si Luis para mang scam ng investors. I remember nagpost sya ng fuel station dati, yun pala yun. Hindi biro ang 66M.

    ReplyDelete
  23. Eto siguro chika ni Jessy na ilayo sa mga friendship, eh mga friendship niya mga business partners niya e

    ReplyDelete
  24. Mahilig din si business si Luis. Diba may taxi company din sya with friends? Alam ko pa nga investor din nila si Kris

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes same group of people.

      Delete
    2. Aminado si Luis na he's very hands off and has no involvement in managing the business so feeling ko hindi naman siya talaga mahilig magnegosyo, he's just generous with money so nahahatak siya lagi ng mga kaibigan niya.

      Delete
    3. Pero wala na yang taxi biz na yan
      Matagal ng walang mga ganyang taxi tayong nakikita

      Delete
  25. Omg muntik pa naman ang mag-invest dito dahil na din kay Luis. Buti di ko tinuloy.

    ReplyDelete
  26. Wala na talaga akong tiwala sa mga Bong

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahhaahha welcome to the club, classmate

      Delete
  27. muntik na akong mg invest din dito kasi mga si luis naku ano ba ang pag kakatiwalaan ngayon. karamihan ng maga tao sa pinas mandarbong. kung sino pa ang nakakagaan nag buhay sya pang manloloko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas maraming nakakakilala kay Luis at wala sa character niya ang mag agrabyado ng ibang tao, lalo na sa usaping pera. The crew & staff of ABS whom he work with will prove this.

      Delete
    2. Kung mag iinvest ka ng hard earned money dahil lang pinopromote ng artista, nako, bawal na bawal ka pala paghawakin ng pera.

      Delete
  28. Tell me who your friends are, and I will tell you who you are. This is sus for me. Being friends with someone na big time scammer means you're being mum and enabling their actions and investing even. He may not be directly involved but repercussions sa mga small time investors na paniwalain na legit ung company by pasting the actor's face sa mga ads nila is deceiving imo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun nga rin, si luis ang mukha ng business/scam, people nag invest bec of luis kaya hinahabol sya

      Delete
    2. Huh? Eh Pati nga siya na scam ng lifelong friends niya.

      Delete
    3. yes daming naginvest coz of luis manzano. kawawa naman..

      Delete
    4. Maaaring hindi ganun ang tingin niya sa una because of trust. It can still happen with adults. Don't be too quick to judge.

      Delete
    5. 2:03 you're lucky if never ka pang naloloko by someone you thought was a trustworthy friend. Pano naging enabler si luis kung sya mismo ang pinakamalaking na-scam nila? Ang gulo mo

      Delete
    6. It’s not a scam per se, but di siguro na fulfill or na achieved yung projected income ng negosyo. Masyado sigurong “ambitious” yung kanilang projection. Why i said na hindi scam kasi merong mga naipatayong gas stations naman that even Luis was present mismo during the openings when he was still affiliated with the company. I almost invested dyan but when i inquired and nasa milyon pala ang kailangang ilabas, di na ako tumuloy kasi diko rin kaya mga kalahati lang ang kaya ng pundar ko as ofw. Pero sinubaybayan ko pa rin to and followed their accounts even that of Mr Medel’s and recently nga lang nagbukas pa sila ng new location.
      Ang nakikita kong problema siguro is may mga certain locations siguro na mahina ang kita and hirap silang ibigay yung kikitain supposedly every month ng mga investors. Ang problema nila is walang proper communication like what Luis said di responsive si CEO Medel.
      Ito talaga ang problema kapag nagi invest ka sa business ng ibang tao or for a start up na business. kaya mas mainam pa rin talaga yung mag invest ka na lang sa sarili mo kasi malugi ka man wala kang ibang sisisihin.

      Delete
    7. 11:59 you’re correct. masyado kasi madami yung mga ventures nila, perhaps they got carried away. classmate ko sis ni bong and maayos sila na family. may school sila sa south, pero napaka humble nila. never nagpakita ng riches, unlike the noveau ones. i only found out na super yaman pala nila when bong tagged her sa family pic, andun pa si luis and angel locsin nun.

      Delete
  29. Ito na yung post ni Jessy!
    Ang sakit nung close friend at best friend ni luis ang nanloko sa kanya at ginamit sya, grabe nakaka stress nawalan ka na ng 66 million tapos yung guilt mo at konsensya kasi dami naloko tapos ikaw hinahanap
    Kaya don't trust anyone kahit pamilya or best friend di natin masabi

    ReplyDelete
  30. Ang sakit naman nito friend mo pa since mga bata kayo ang gagamit sa yo para mang scam tapos pati ikaw tinakbo din pera mo.

    ReplyDelete
  31. Red flag agad yung he was made a Chairman of the Board to guarantee his investments but operational matters were kept away from him.

    He let the company used him to attract investors. I was seriously considering to invest in Flex Fuel before, partly because of Luis. The sales agent I talked to even mentioned about Luis’ fleet of taxis in Metro Manila. Nakakontrata daw yung mga taxis nya sa kanila magpapa-gas.

    Lucky for me, I personally know some people who got into co-ownership of similar fuel stations so I was able to ask from their own experience. Malaki ang capital (₱500k and up, depending on the location) and the return is not guaranteed. Based on the profit sharing they were receiving at that time, ROI is 20 years or more.

    ReplyDelete
  32. Oh my… and he is very good friends with Bong Medel pa naman

    ReplyDelete
  33. OMG! I have a friend sa US who invested dito sa Flex Fuel dahil tiwala siya na fully endorsed at involved si Luis Manzano. Di ko lang alam magkano pinasok niya but I would think malaki din as he invested in 3 gas stations daw.

    ReplyDelete
  34. Anong meron sa mga best man sa kasal, nagiging worst man. Kaloka!!!!

    ReplyDelete
  35. Hay Sad to say im a co owner dito 😢😢 and isa ako sa mga naunang naginvest nung 2020 knowing business ito nila luis. Then bigla sya nagstop mgpromote.ang reason nila is magffocus muna sya sa married life nya. Unfortunately, until now magkano palang ang nareturn sa investment namin..

    ReplyDelete
  36. Juice ko todo promote paman si Luis dito. May pananagutan kaya din sya?, Si Luis mayaman na paano naman ung nag invest ng tanging pera nalang nila, kawawa naman.

    ReplyDelete
  37. hirap pagkatiwalaan ni Luis. tagal niya na business partner yan sa ibang negosyo.

    ReplyDelete
  38. Always trust your wife's instincts. Lalo na yung mga babaeng tahimik lang at observant.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama pala siya. nung una nagmukha pala siyang diktador. kung sa bagay, hindi madali yan

      Delete
    2. I think yung kay jessy ay reaction niya sa nangyari na. She was not the one na nagadvise kay luis. Kung baga sinusuportahan lang niya husband niya

      Delete
  39. Luis was kept in the dark kung di pa nagpatulong ang ilang investors kay Luis, wala siyang clue namimiligro na yun sarili niyang investments. I hope it will be resolved soon. P66M is big money.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol kaya nga sya nag resign 2022 pa kasi alam nya nang nagoyo na sya. Problema di nya pinublic ang resignation nya kaya andami pa ring nag invest thinking na kasali pa rin sya.

      Delete
    2. But he knew something was going on and kept mum

      Delete
    3. 12:53PM, 12:54PM, Maybe he was giving his good friend Bong a chance to make it right but unfortunately dinededma din ni Bong si Luis. Kaya siguro no choice na si Luis but to make it public and asked NBI for help.

      Delete
  40. Naalala ko bigla si Tom and Carla. Si Tom, na scam na, iniwan pa ng asawa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iniwan kasi dinamay ang pera ni Carla ng hindi nya alam. Kay Luis pera nya lang yan, so bakit nman sya iiwan ni Jessy? 😂

      Delete
  41. Ang dami shunga dito hindi si luis nag bigay ng 66M mga investor.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 7:39 The company owes Luis 66M

      Delete
    2. Ikaw yata ang shunga at mahina ang comprehension baks. Ayun sa narrative, may payables ang Flex Fuel na aabot sa 66M kay Luis.

      Delete
    3. 7:39 read the statement again. Sabi ng camp ni Luis that FlexFuel owes Luis 66 million. Labas pa yon sa obligasyon nila sa iba nilang investors.

      Delete
    4. ikaw ang shunga at mali pagkakaintindi,
      lol

      Delete
    5. Where’s your comprehension? Tagalog na nga ang pagkakasulat, hindi mo pa din naintindihan?

      “Sa katunayan, ayon sa statement, may pagkukulang din ito sa kanya na aabot sa PhP66 million.” at “… ginawa siyang “chairman of the boards” ng CEO ng ICM group na si Medel bilang isa sa paggagarantiya ng kanyang investment.”

      Luis, himself, invested in Flex Fuel!

      Delete
  42. I was about to invest din dito since si Luis nga ang mukha ng company at lagi niya pinopromote. Kaya pala di na niya iniendorse. Mabuti diko itinuloy.

    ReplyDelete
  43. Hindi sya scam, mismanaged lang yung businesses na pinaginvestan ng pera.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko ha, pero if its just a case of ordinaryong negosyong nalugi bakit nila iaabot sa NBI? They must have a reason to investigate

      Delete
    2. Possibly. Location plays a big factor in the profitability of any business. Yung ibang location siguro mahina ang sales. Naglipana din gasolinahan lalo na sa Metro Manila, kaya mataas ang kumpetisyon. Idagdag pa na nagka-pandemic where the transport industry is one the worst hit industries.

      The problem is, if they continued to get investments knowing na losing yung business para may maibigay na profit-sharing sa naunang mga investors, then it becomes a pyramid scheme.

      Delete
  44. Nakakalungkot sana maayos nila ito. Bong is Luis’ best man sa kasal at best friend nya since high school

    ReplyDelete
    Replies
    1. 8:57 pag pera usapan minsan kahit kamag anak mo d mo mapagkakatiwalaan. nakakasira ng friendship ang pera.

      Delete
  45. My investment ako dito sa flex fuel, may kaunti ako g shares. Hindi ako aware sa scheme, pero nakareceive naman ako ng dividends as scheduled...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito yung sinasabi ko na baka may mga branches/locations ang hindi kumikita as projected kaya hindi nabibigyan ng dividend yung mga investors. Di ito scam per se kasi exisiting yung mga stations eh, di lang talaga nag work out as projected yung income. Sana maayos nila. Ibalik nalang ang mga investors money.

      Delete
    2. Anong package po inavail nyo? Nag invest din ako pero ni piso wala akong natanggap.

      Delete
    3. 12:23 agree, not necessarily 'scam' baka mahina lang income ng businesses nila

      1:47 kailan ka nag invest?

      Delete
    4. 4:02pm nung 2021 pa. Binebenta ko seat ko last year. Deadma sila

      Delete
  46. Jusko best friend na since highschool ni luis si bong. Marami sila at sila yung mga friends talaga ni luis kaya hindi ganun karami yung mga tropa niya from showbiz. Ninong pa nga si luis ng mga anak ng tropa niya. Sosyo pa sila sa lbr taxi. At ibang friends naman yung kasosyo niya sa lucky and lulu. Ang tagal ko nang napuna bakit hindi ko na nakikita sa events ni luis si bong and i suspected may falling out. And then sa isang ig story ng one of the wives, may caption na we miss you mentioning the name of bongs wife, who happens to be an exec of bongs company. How sad what happened. But majority of the tropa are still with luis i think hindi lang sila nagkikita malimit kasi because of the baby nagiingat si luis. Last time was last december yata

    ReplyDelete
  47. Red flags talaga mga best man sa kasal like luis and tom's.

    ReplyDelete
  48. If you resigned as Chairman of the Board and you know that people identify you with that company, you should have published in a national paper that you are no longer affiliated with that company in any way. By being silent, you enabled the company to lure more investors. For evil to triumph, it's enough that good men do nothing. Now ka lang um-action, why? Who are you protecting? I'm somewhat disappointed in you. Imagine all those people who invested because of you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. THIS!
      Dapat meron kasing statement yan. Antagal nya na palang nag resign naka isang taon na and nobody knew about it ngayon lang na pumutok na. Imagine nakapang engganyo pa ang company ng ibang investors sa loob ng isang taon thinking Luis is still part of it kasi aminin natin halos lahat ng investors dyan nag invest because of him kamuntik na nga ako dyan kung afford ko lang sana. So because bff nya yung may ari kaya sya nanahimik lang even after knowing for himself na medyo nagoyo na rin sya sa own investment nya? Di man nya ginusto pero naging enabler nga sya by being silent.

      Delete
    2. Ako naisip ko din yan bakit wala sya ginawa na announcement na he is no longer associated with that company. Nawala yun bilib ko kay Luis as a businessman.

      Delete
    3. Yes. He is not just an endorser. As Chairman of the Board, it entails a lot of responsibilities. Meaning, you should protect the interest of the shareholders/investors.

      Delete
    4. 10:29 personally i will wait to learn more before judging. Baka nagstart sya magduda pero hindi naman nya pwede basta i accuse na scam agad ang isang business dahil libel yun, plus mahirao din pagisipan ng masama yung kababata mo. Could be at first akala ni luis sa kanya lang may sabit si Bong. After all typical sa mga negosyante mangutang, marami negosyo dyan booming naman pero behind the scenes may malaking bank loan etc. Pero nung nilalapitan na si luis ng ibang investors dun na siguro sya nagising sa katotohanan

      Delete
    5. I think he kept silent hoping na ayusin ni bong ang problema kasi kung nag announce siya tyak collapse agad ang companya at lalong walang makukuha ang investors

      Delete
  49. pero naniniwala akong walang kinalaman si Luis,,,maayos sya sa mga empleyado nya,,tahimik din tumutulong

    ReplyDelete
  50. hmmmm bka eto ung friend na tinutukoy ni jess na toxic

    ReplyDelete
  51. But Luis, you kept quiet about your resignation. Why? 🥴

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi nga di daw pinapaalam kay Luis ang operation kaya siguro ano pa ang silbi niya sa position na yun kaya siya nag resign. Baka di pa niya alam na tagilid na ang business kung di dahil sa mga investors lumapit sa kanya for tulong.

      Delete
  52. Papayag ka to chair the BOD pero wala kang paki how the business is handled? So anong klaseng tao or businessman ka. Kung ikaw sobra mo lang ang ininvest mo, papano yung iba? Buong kabuhayan na nila yon. Higit sa lahat walang announcement or notice to public or investors na nag resign na siya. May mali din siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! Parang simpleng paluwagan lang ituring yung milyones na business. Lurkey!

      Delete
  53. Bakit kaya andaming nauutong mga Pilipino sa ganito?
    Nabasa ko sa isang article na ang sabi daw sa investors pag nag invest sila ng almost 1M, ang returns is 70k per month! Imagine kung 100 sila na investors, that amounts to 7million pesos a month! Saan kukunin ng gasoline station yun kung iilan lang naman na stations meron sila? Hindi naman ganun kalaki ang profit ng gasoline station para makapagbayad ng 7 million monthly.
    Kailan kaya matututo ang mga Pinoy na investments are NEVER guaranteed? Kaya nga ang sinasabi ng mga savvy investors “Invest only what you can afford to lose.” kasi pag na invest na yan, malaki ang chances na di na babalik ang pera.

    ReplyDelete
  54. Kawawa naman si Luis. I believe biktima lang din siya. Pero. Pero. Pero. Sana hindi na umabot sa ganito.

    ReplyDelete
  55. In fairness naman ang dami kong nakikita nagsulputang Flex Fuel sa iba't ibang locations. Mga bago pa nga yung iba. So it's not like a Ponzi scheme naman. Baka sadyang mahina lang yung kita ng mga stations.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Overpromise daw ang pinangako nilang return on investment. Let's see anong ma uncover ng imbestigasyon, but just because may napatayo silang gas stations doesn't mean hindi din nila ninakaw or winaldas pera ng ibang investors nila

      Delete
    2. It was just a front para mag attract ng new investors. It is still a scam.

      Delete
  56. Mali si Luis dito. Kahit non-executive director siya, he is required to be updated with what is going on with the business. Yes, he does not handle the day-to-day business operations of the but he needs to stay on top of things; he needs to know what is going on because that is his responsibility as a director. Hindi pwedeng maupo lang siya as director tapos wala na siyang gagawin. Mas malaki pa nga ang responsibility niya dahil chairman of the board siya.
    The company should call for a stockholders’ meeting and apprise their shareholders/investors of what is happening.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan ang problema pag nag-business ka pero di ka talaga hands-on. mdaming ganyan eh, by name lang yung designation hindi naman tlga nagta-trabaho. parang yung kay Rico Blanco dati, yung bar na na-raid for drugs.

      Delete
    2. Yes dapat he should have been involved and getting regular reports. Pero baka nga sya nagresign, kasi nahalata nya chairman daw sya kuno pero he was still left in the dark at wala ding sinasabi sa kanya.

      Delete
    3. Yes dapat he should have been involved and getting regular reports. Pero baka nga sya nagresign, kasi nahalata nya chairman daw sya kuno pero he was still left in the dark at wala ding sinasabi sa kanya.

      Delete
  57. Dapat kasi nag notify sya the minute he resigned ayan nagamit pa tuloy name nya. What a mess he is in! Ang hirap nya kasing “patawarin” kasi he was actively recruiting for investors and promoting the business dati, in fact kaya lang naman nag invest mga tao dyan because of him. I know he’s a good man pero somehow may pananagutan pa rin sya dyan. I feel sorry for him nada drag ang good name nya just because he trusted his bestfriend.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The announcement of Luis resigning the company should have came from his friend Bong who took over as CEO and NOT Luis . The friend should have informed the investors that Luis is no longer the CEO . It is his friend’s responsibility .

      Delete
    2. 12:06 luis was never the CEO. He was the chairman of the BOD. Bong has always been the CEO.

      Delete
  58. Consummated na ang complained act when he resigned. Mukang me sabit pa din.

    ReplyDelete
  59. That Medel guy bit more than he can chew. Mukhang mahina yung location ng gasoline stations nila and he was wildly ambitious, calling for investors for Lucky Mart, Emerald Shores, and a health facility group. Sana nag focus muna palaguin yung gasoline stations at convenience stores instead of diversifying way too fast para lang may matawag na business empire kuno.

    ReplyDelete
  60. Natulungan pala ni Luis yung main complainant. He has a good heart pero nagkamali siya sa pag trust sa kaibigan niya.

    ReplyDelete
  61. Ito lang advice ko sa inyo.Wag po mag invest.Pareparehas po ang scam.Akala ng mga tao big time company yan at legit.Pero walang pera ito.Bale yung mga iniinvest ng mga tao ang kanilang papadamahin,pyramiding style.Ang mga mayayamang companies,nas Forbes list.Hindi sila nagpapa invest dahil bilyun bilyon na ang kanilang pera.Remember kay Ogie,naginvest sila sa poultry farm kuno pero Budol.

    ReplyDelete
  62. He is very active in answering bashers nakatago palang baho. He’s responsible being chairman and did not declare that he resigned to the public ; tricking people indirectly that he’s still connected with the business, very dangerous situation he’s in. Minsan kasi matutong makontento.

    ReplyDelete
  63. This is why celebrity endorsements are not to be completely trusted!!

    ReplyDelete
  64. May Lucky Mall pa yan silang balak itayo dati. Nakita ko before yung post ni Bong nung ok pa sila naka tag pa sina Luis & Jessy sa layout ng mall. Si Luis kasi talaga ang “model” ng mga business nila kasi yung mga Lucky Mart din Lucky pa rin.

    ReplyDelete
  65. Kawawa naman ang mga na Scam!? According to the news, Chairman and co owner ang artist ng Flex then resigned without notifying the other shareholders. Government should give justice to the victims and give jailed time to those involved

    ReplyDelete
  66. Sobra ka naman magtiwala. I find it hard to believe he is as hands off as he says he is. with 66 million? That's just being either too naïve or too stupid.

    ReplyDelete
  67. He ONLY publicizes his innocence when a case was filed in the NBI. But before that, he was dead quiet when his business partner and associates scammed many people, promising them big returns in a company that prides Luis Manzano as a great partner.

    ReplyDelete
  68. If you check their website, wala si Luis sa board of Directors - bong medel ang prez, kristina sales-medel ang director (asawa ni bong?), anthony sales (kapatid ni kristina?) ang coporate treasurer, at isang lawyer ang corporate secretary. Sila lang apat ang nandun at ang lista is according to hierarchy of position. Again, wala si luis sa board of directors.

    ReplyDelete
    Replies
    1. then dapat managot yan sa NBI kung bakit nangangalap sila ng investors. Kung legit kayo sa stock market dapat listed kayo at doon magsibili ng stocks yung mga so called investors.

      Delete
  69. ke bestfriend nya or childhood friend pag pera na kc minsan talaga nassilaw haist! nakakalungkot . eh kung magkakapatid nga minsan nag aaway pa pag pera usapan. dapat black and white lahat..

    ReplyDelete
  70. naalala ko kwento ni ate Vi before. naloko din cya ng trusted accountant nya. kaya nagkanda utang cya noon.

    ReplyDelete