Ambient Masthead tags

Thursday, April 14, 2022

Tweet Scoop: Robi Domingo Saddened by Answers of PBB Teen Housemates to Basic Questions, Challenges Content Creators to Fight 'MaJoHa'


Images courtesy of Twitter: robertmarion

Video courtesy of Facebook: Armson

178 comments:

  1. Pabalikin po cla sa skul.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat nga nag aaral yang mga yan pero ngayon nandiyan sa loob ng PBB kasi gustong mag artista.

      Delete
    2. Sis, kahit gradeskul alam mga sagot sa tanong nya. Yang mga batang yan kahit pabalikin sa pag aaral magsasayang lng ng tuition fees.

      Delete
    3. While internet has brought ease and convenience, the new generation doesn't even read books, articles, notes, etc.

      They prefer Tiktok and Youtube for views, which equate to money.

      Delete
    4. Saklap naman. Ganito na ba kabataan ngayon? 30 years ago nakagraduate ako sa Elementary pero alam ko pa din sagot. Basic yan eh. Matalino pa tao dati walang internet. Ngayon isang click lang may info na pero dumami ang mga bobo. Sabagay naniniwala nga sa mga fake news eh

      Delete
    5. Unfortunately, di na din talaga nabibigyang pansin at enough ang history education sa curriculum ngayon.

      Delete
    6. Nasurprise din ako. Di nila kilala si Tandang Sora.

      Delete
  2. Sa una ka lang matatawa, kalaunan nainis na rin ako sa kashungahan ng hm. Nakakaloka! Mga 20yrs ago ko pa to natutunan at karamihan nalimutan ko na pero maski ngayon ako tanungin hindi pa rin ako ganito kashunga! Wala na bang history subject?

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti ka nga kahit paano natawa.. lalo na yung sumagot ng Pnoy instead of Tandang Sora, grabe nainis ako nung natawa pa sya sa sarili nya dapat nahiya sya.

      Delete
  3. tiktok lang kasi ang alam.. ang swerte nga nila andaming legit resource online at hindi na sila makikipag-agawan at makikipag-unahan manghiram ng books sa library tapos problema pa pag na-late ng balik may penalty kada araw.. pero mas pinili nila ang tiktok at isama na rin ang mababang quality ng pagtuturo sa mga paaralan.. time to declare an educational crisis

    ReplyDelete
    Replies
    1. True anon 8:46 .Ang swerte Ng generation ngayon ,they can access information easily ,Ang dali mag-research at matuto kung interesado man lang matuto

      Delete
    2. Mga 10 years old, Hindi pa marunong magbasa. Poor Philippines.
      .

      Delete
    3. 9.05 hanggang HS may students na ang reading lvl din na pang.grade 3.

      Delete
    4. Dati ang info bago mo makuha punta ka library. Hanapin mo un topic sa index card. Per topic un tapos andon un related books regarding sa topic. Hihiramin mo un libro o papaxerox mo. Dun mo pa lang mababasa un tungkol sa topic o subject na iyon. Ngayon isang pindot lang andyan na ang info. Pero bakit mas dumami ngayon ang bobo?

      Delete
    5. kasama ako sa generation na kailangang pumunta sa library para mag research pag may information or reference na kailangan sa school porjects and assignments. ang saya ko non pag nasa library ako parang feeling ko i can learn anything. ngayon google na lang tamad pa tong mga kabataan para mag google para madagdagan ang kaalaman nila. puro Tiktok lang alam

      Delete
    6. 9:05 kabahan ka may grade 9 nga non-reader pa rin.. and who's to blame? The generation itself, parents, social media and, sadly, the educational system.

      Delete
    7. Haha. Happened to me. Grabe 1 month kong di naibalik un book sa library grabe un penalty, worth na ng bagong book.

      Delete
  4. Baka naman strategy lang ng PBB yan para pag usapan mga housemates nila. Hindi masyado maingay e hahahah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga ba? At the expense na magmukhang shunga yung mga bata?

      Delete
    2. 1.23 oo nga eh parang bastusan naman masyado kung ganun nga at hindi tlga nila deserve ang franchise. Pinapahiya nila mga pinoy nyan sa buong mundo

      Delete
    3. Aba. Kung totoo ‘to, its too low of them
      na. Ano, walang pumapasok na ratings?

      Delete
    4. 1:23 beh, ang mga pumapasok ngayon sa pbb ay mga desperadong maging sikat. Kya nga puro landian or pasikat sila dyan eh

      Delete
    5. 6:20 they dont care. Ang care lng nila is hype and money

      Delete
  5. Why blame the educ system? Kasalanan na naman ng government? Kasalanan niyo yan, puro kayo pa socmed! Tiktok pa more!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. System ang sabi, hindi government.

      Delete
    2. Pero di mo din maikakaila na may lapses na talaga education system natin. Ultimo modules na nilalabas nila, ang daming mali. Ung curriculum natin mukang napagiwanan na din, outdated. Need i-call out kapag may pagkukulang ang govt or need iimprove. Kaya di tayo naunlad sa ganyan mindset.

      Delete
    3. Wla naman tayo magagawa kung may technology and globalization na. Need natin improve ang educ system natin despite the booming technology like meron pa bang asian history, philippine and world geography classes?

      Delete
    4. True! Nasa mga bata yan na ayaw mag aral puro tiktok alam. Tapos pag binagsak kasalanan ng teacher, kasalanan ng pandemic kasi online class. Haha,

      Delete
    5. 10:32 if it were because of modules,remember nagkapandemic 2020 lang. These hms are teens meaning dumaan nato ng grade 4,5 and 6 yearsssss ago..wala pang pandemic nun. There must really be something wrong.

      Delete
    6. Tama si 10:26 PM sistema po ang problema. Ang dami dami nga nababalita na mali mali yung module na ginagamit ng ibang students eh.

      Delete
    7. FYI LANG BASED SA RECENT RANKING LOW TALAGA AND EDUCATION SYSTEM SA PINAS, BAKIT KAYO GALIT?

      Delete
    8. Yes there is something wrong with the educational system. I should know because teacher din ako and bawal kami mag bagsak ng mga estudyante. As in BAWAL. Pasado kahit hindi dapat. Bakit namin pinapasa? Then go check our educational system.

      Delete
    9. 12:28 simple lang mga tanong. Kami nga walang modules noong araw pero alam namin yan.

      Delete
    10. Pilit nyo pa yang module e 2020 lang nagmodule. Mga hs na yan. Elementary lang yun mga tinanong sa kanila. I know kasi grade 5 anak ko rn and lahat yan nasagot nya. Hindi lang sa system yan, nasa student at parents yan.

      Delete
    11. Nakakaloka nga ng k12 pa? Personally mas bet ko noong kapanahunan ko hahaha atleast alam ko mga yan after so many year na ang lumipas. Ngyon kasi mas pinahaba angbyear but dumami din ang subjects. Mswerte ng matanadaan nila after a year or two.not sure din tho. Kung educ system or ung mga bata ang problema. Sayang ang internet kung hndi ginagamit sa paghahasa ng isipan.

      Delete
    12. Ask mo mga yan mga current events sa shooobiz at bago steps sa tiktok alam na alam

      Delete
    13. 10.19 you bet.

      Delete
    14. System yan ng gobyerno.. at matagal ng problema yannn di lang sa administrasyon na to. Alam nyo bang bawal magbagsak sa public school? Kasi magrereflect sa teacher.. negative feedback sa kanila yun. Delikado sa assessment nila, so kahit hindi marunong magbasa nakakatuntong sa highschool.

      Delete
    15. Don't blame it on the modules though it's true it lacks quality check. Don't blame it on the pandemic it's only been 2 years. Don't blame it on the teachers, they can only do so much. Nagkakasakit na nga yung iba sa sobrang stress. So sino may pakana? I can't pinpoint anyone coz it takes a village to raise a child but the greatest influence lies on the parents, social media, liberated culture, and the educational system Deped. Andaming gradeuate ng masteral and PhD pero walang improvement. Puro pakitang gilas wala namang totoong ambag. They're putting too much pressure on teachers na nasa ibaba ng heirarchy to the point na restricted na sila hindi na nila magagawa kung ano talaga ang pagiging guro. Oo kasalanan ito ng deped, culture ng deped ngayon the more on paperworks wala naman sa actual setting.

      Delete
  6. Nlex daw yung pinaka mahabang bridge sa ph. Lols

    ReplyDelete
  7. Are they for real or is it just another gimmick by PBB? Nakakainit ng ulo kahit malamig ang panahon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat gagawin ng pbb para mapag usapan!kaya nga may pa hashtag majoha pa yang robi kunwari concern pero happy production niyan kasi napagusapan! Nakakadiri na tong pb sa totoo lang desperado lagi for attention

      Delete
    2. I don't think it's a gimmick. There really is something wrong with the educational system

      Delete
    3. 1.11 diba? Let's end daw pero may hashtag? Ano kaya yun?

      Delete
  8. That is what the generation will be kung puro loveteam ang content sa media at flex sa social media inaatupag. And how old are they? Tsktsktsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. This.At pwede ba magkaroon ng pagaaral kahit nagshoshowbiz para maka graduate ng maayos itong mga kabataan.Kahit distance learning lang.Nakakaawa!

      Delete
  9. Hindi ako matalino ah.. Pero ang BBB Ng mga Ito jusko,

    ReplyDelete
  10. Haaaaay mga Gen Z talaga 🤦🏻‍♀️ ( not all ) hindi lang mga artista..marami pa sa social media mga nagkalat.

    ReplyDelete
  11. Mga High school or College na ba sila? Elementary pa lang alam na yang mga ganyan lalo na about sa mga bayani. Nakakaawa ang bansa natin kung ganyang mga henerasyon ng kabataan na ang susunod.

    ReplyDelete
  12. Hindi talaga totoo na kabataan ang pag asa ng bayan, I mean look at PBB teen housemates! Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibigsabihin lang nito eh yung current edunational system na meron tayo is very weak and poor. Tama nga siguro si VP Leni na we already have education crisis.

      Delete
    2. 12:25, madaming nagreact diyan sa sinabi niya may educational crisis ang Pilipinas. Kesyo madami na nga daw call center sa atin, which is a solid proof na magaling pa din ang Pilipino.
      Personally, I really find the graduates nowadays lacking in many ways. I work overseas but I deal with a lot of Filipinos. Magugulat ka nasa managerial position na sila diyan and yet may pagka-sabaw pa din. Makes me wonder paano kaya yung hindi managers.
      Nakakalungkot at nakakabahala yung quality ng graduates na pinoproduce natin.

      Delete
  13. Nakakainit ng ulo. Pag socmed at pabebe, ang gagaling nyo!

    ReplyDelete
  14. kahit nagkaedad na tayo basic pa rin ng mga tanong na to e mahirap malimutan. Ang mga slang na housemate na mukhang laking ibang bansa maintindihan ko e, pero yung iba ewan ko nalang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo, ewan iba mga kabataan ngayon. Ang basic lang talaga ng tanong, kakalirita.

      Delete
  15. Nakakalungkot ito para sa mga kabataan.Nawa'y magsilbing eye opener.Ano na ba talaga ang kalidad ng education sa bansang ito.Yang mga bata ba ay may Araling Panlipunan na subject.Paano tinuturo ang history

    ReplyDelete
  16. jeske nanay ng bayan at j. rizal! slex!

    ReplyDelete
    Replies
    1. SLEX = Samar Leyte Expressway. tama nga naman lol

      Delete
    2. Mas natawa ako sa Intramuros. Maski hindi niya alam ang sagot, Intramuros is not even a logical answer.

      Delete
    3. MaJoHa ftw. Haha ginawa pang loveteam e.

      Delete
    4. true 1:30 hahaha.

      Delete
    5. 1:30 anjan nga yung clue sabi kung saan itinayo ang the mansion. Sarap batukan ng mga to

      Delete
  17. Puro kasi social media ang focus ng mga bata ngayon kesa mag aral ng mabuti kaya ganyan napapala. Oo di naman yan gagamitin pag nag work ka na in general pero ano ba naman yung alam mo yung history ng bansa mo di ba? Sana mapanood nila yan paglabas nila at seryosohin na nila ang pagaaral nila

    ReplyDelete
  18. Matatanda na tong mga toh, dapat matagal na nila alam mga sagot dyan prepandemic palang. Ngayon nalang lumabas na matagal ng hindi natututukan ang educ system sa pinas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag isisi sa education system at guro, tamad kasi mag aral ang mga bata ngayon, inuuna ang tiktok, ML instead na atupagin ang pag aaral. Napaka basic lang ng mga tanong, tinuturo na yan elementary pa lang. Impossible di mo alam yan unless di ka seryoso sa pag aaral.

      Delete
  19. Sa sobrang luwag na natin sa kabataan kaya ganyan nangyayari. Dati elem days may patpat ang teacher kaya talaga nakikinig mga bata. Respetado ang teacher before and pls lang wag na itagalog ang mga english film para matuto ang ang bata sa comprehension sa english.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil sa child protection policy, makakasuhan ka na ng dahil sa patpat

      Delete
    2. Parang bawal na nga rin magbagsak ng students. Lahat nalang kasi pakialaman. Sa school kahit pagdisiplina ng magulang sa anak, di pinalusot. Mapapa I love the Philippines ka nalang talaga.

      Delete
  20. Education crisis realness inside pbb house. Kklk yung mga bagets hindi rin kilala yung mga national heroes kahit nickname ni Rizal hindi alam!

    ReplyDelete
  21. It's been 10 years since I got out from school and I'm proud to say, isa lang ang mali ko dito hahahaha 🤣 partida ilang beses na ako na general anesthesia nyan sa panganganak. Ano na nangyari sa mga kabataan ngayon??

    ReplyDelete
  22. baka sinadya nilang mali ang mga sagot nila para mapag-usapan. knowing abs-cbn magaling sa mga publicity na ganyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahayaan ba nilang ma bash sila at sabihing di nag aaral para lang mapag usapan? I dont think so.

      Delete
    2. susme baka sabihin naman na scripted ang pbb kung masasagot nila yan.

      Delete
    3. 3:57 parang hindi mo nman kilala si Dyogi and PBB. Hello, nagpapasok kaya sila noon ng teen housemate na pro-ABS shutdown!

      Delete
  23. Sila daw ang mga i-idolize ng mga anak natin balang araw. Bet mga baks?🤦‍♀️ #MaJoHa

    ReplyDelete
  24. siguro kung natanong nung HS ako masasagot ko pero now di ko na tanda hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero di ka naman siguro ganyan katanga sumagot. Grabeng pa.cute na yan nakakainis na

      Delete
  25. Eto ang rason kung bat madaling mauto ng Revisionism ang mga Pinoy kahit na nga may edad nabubudol din

    ReplyDelete
  26. Scripted ba to? Sana scripted na lang... kakastress. Haha Ang bata ang pag asa ng bayan pero ano na? Kung jan pa lang wala na pano na?

    ReplyDelete
  27. Ung ibang galit pag fina.fact check yung history revisionism nila, respect these kids' opinions din daw po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.opinionated pala ang history.

      Delete
  28. Blame networks like yours who are dumbing down the public with shallow shows like big brother....

    ReplyDelete
  29. kung nag aral ka sa international school walang history subject, math, science, english prioritize.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukha naman hindi yan tiga international school.

      Delete
  30. open the schools now

    ReplyDelete
  31. Grabe naman ito, grade school pa lang naman itinuturo na yan. Wala bang naretain sa mga itinuturo ng teachers? Nagbuklat man lang ba ito ng mga books?

    ReplyDelete
  32. Iba na values ngayon?Basta maganda,may talent.Sana yung mga iidolohin ng mga kabataan ay mga good influence.Tanggalin nyo yung mga vloggers,influencers na sabaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 5:12 wala nang ganda, at wala pang talent, basta marunong lang magpakilig ok na yan. Yan ang standard ng showbiz ngayon😭

      Delete
    2. Pati nga tambay at mga palamura ginagawang influencers sa YT.Mga salot sa lipunan.

      Delete
  33. I'm only half Filipino,studied until elementary in Manila(late 80s-96)pero I still know the answers to those questions.IQ-dropper mga sagot nila or sila mismo?😱😫

    ReplyDelete
  34. well ..it's so sad to know na may katotohanan Ang kasabihang what is beauty if the brain is empty😭😭😭

    ReplyDelete
    Replies
    1. And these will be future celwbrities,idolized by teens.

      Delete
  35. jusko bakit kc sa bahay ni kuya pumasok mga yan, dapt sa school! to think most likely they are in private school before joining pb. dahil mukhang may kaya ang iba, why blame the educational system if these poor kids does not focus on their studies! mga bob*ta!

    ReplyDelete
  36. Magulang, teachers, education system ang me problema.

    ReplyDelete
  37. Dapat siguro amend na yun batas na nagrestrict sa mga teachers to discipline the kids. Admit it or not dahil di pwede pagalitan at sigawan ang mga bata sa klase kaya di na sila nag eeffort. During our time mapipilitan ka mag aral kasi kapag mali sagot mo sa graded recitation eh papahiyaan ka talaga ng teacher. Kaya mag eeffort ka, ngayon on national tv at internet na napapahiya pero parang balewala lang sa kanila at pinagtatawanan lang

    ReplyDelete
  38. Eh shuta kahit ako hindi masasagot yan. Wala man lang multiple choice. Sino ba naman makakatanda pa nyan kahit ako graduate na sa college d na matatandaan yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palayaw ni rizal di mo alam? 🙄

      Delete
    2. Melchora Aquino hindi mo rin kilala? Mapagtanggol mo lang sila eh kahit gawin mong T**** sarili mo. 🙄

      Delete
    3. Mygahd!! Baguio hndi nyo alam??? Kaloka tlga

      Delete
    4. jusko ito nanaman ang mga nagmamagaling pwede bah!

      Delete
    5. Slex tulay??! Pagpalagay na natin hindi mo alam ang san juanico bridge, ung slex talaga isasagot mo? Pati palayaw ni rizal hindi mo alam? Kahit lola ko masasagot pa yan.

      Delete
    6. Baka time na bumalik ka sa school.Wag pausuhin ang kamangmangan

      Delete
    7. 756 di mo man alam sana yung sagot nasa premise nung tanong, yung may sense. Tulay ang tanong mas acceptable na maling sagot ang nagtahan bridge kaysa sa highway o daanan. Isa pa Melchora Aquino ay babae ang sinagot lalaki. Summer captipal of the PH, acceptable din na maling sagot ang tagaytay kaysa sa Intramuros. Walang sense yung maling sagot nila kasi walang pang unawa/intindi sa tanong (comprehension and/or common sense) bago sumagot.

      Delete
    8. Oyyy talagang mahirap ang tanong kung walang multiple choice ano!!! Sana gets nyo!!! Maaalala mo namn yong tamang sagot sympre familiar ka sa words kung may pagpipilian ka!!!!

      Delete
    9. Sabaysabay kayong bumalik sa eskwelahan. You're still young, nauna ka lang natapos pero di ka naiba sa mga yan if ganyan dahilan mo

      Delete
  39. D mo naman kailangan alamin yan lahat. Susko. Pag nagtrabaho ka hindi naman yan tatanongin sa interviews.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tard na tard ng PBB 🤪😜

      Delete
    2. 7:58 ang sabi ng ignorant pbb tard. Tiktok p more 🤡🤡🤡

      Delete
    3. But it will reflect on your character. Di ka ng aral ng mabuti? Di ka nakikinig sa teacher, or di slow learner ka. Lahat yan tinitingnan pag magaapply ka sa work. Grades matter. Unless kasing taas ng IQ nina bill gates at mark z. Ang sayo.. better to study hard...

      Delete
    4. Hindi naman kesho mahina ka sa history eh bobita ka na at slow learner. Kung ako ayoko sa history kasi puro memorization pero magaling ako sa math anong pakialam.mo

      Delete
    5. 10:22 true! yung mga sine cosine di rin yan nagagamit sa everyday life pero proud ako na marunong ako kung ano yang mga yan dahil inaral ko yan. si 7:58 halatang tamad mag aral haha

      Delete
  40. Jusmeo marimar. Pinapahiya lang nila yung kabataan pero face the truth kahit sino d naman masasagot yan ng tama. Wag natin lokohin ang sarili natin. Siguro masasagot yan kung bigyan ng time makapag review. Cmon now!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tard na tard. Aral aral din and basa basa din minsan para alam ang sagot. Wag puro tiktok at pbb lng inaatupag. Madali lng po mga sagot kng nakikinig sa school.

      Delete
    2. D naman tiktok at pbb inaatupag ko. Anong kacheapan yang tiktok at itong pbb hindi ko nga alam kung sino ng nanalo jan sa dami ng pinapasok sa housemate. Aba oo mag aaral ako kung bigyan ako ng oras mag review kung may grade pa yan. Ano ba namang yan history eh madami jan kailangan imemorize sympre nalimutan ko na yan. D naman sa araw araw tinatawag ko si rizal sa palayaw nya at inaalala yung tatlong pari na yun ek ek.

      Delete
    3. ako nasagot ko lahat.. di ako nag google. stock knowlege tawag sa ganun. ayaan yan google mo girl anong meaninh ng stock knowlege

      Delete
    4. Hooy basta naipasa mo na yan ok na!!!! Dapat magfocus ka sa kung anong field ang gusto mo. D naman kailangn aralin yan everytime. ok na kung mgtanong ka pero may multiple choice masasagot kita!

      Delete
  41. something is definitely wrong with the education system nowadays,,,,

    ReplyDelete
  42. Juskopo nakakaubos ng braincells manuod. Akala ko lang sa america lang nangyayari (yung mga ambushed q&a about geography, etc) pati rin pala dito. Pag aralin na nga lang mga yan, nakakahiya.

    ReplyDelete
  43. alam ko lahat ng sagot nyan. yung iba hindi naituro sa school pro mahilig ako magbasa ng mga libro. maganda na yung may stock knowledge ka at may alam ka sa history ng pilipinas gaya ng nung martial law. madami pa namang madaling mauto

    ReplyDelete
  44. cant blame the housemates. Eh mahirap naman talaga mga tanong eh. Hindi naman natin all the time maalala pa yung mga bagay bagay na nakaraan. salamin ko nga minsan hindi ko maalala kung san nailagay eh yan pa kaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kanina ka pa paulit ulit. Tama na pagtatangol. Mahina talaga ang knowledge nila sa Philippine History kasi di nagaaral maigi. Paki accept at mag aral ka din para alam mo din sagot :)

      Delete
    2. Yang mga artista na later on iidolohin ng kabataan dapat ibalik sa school yang mga yan.Hindi panay kilig or loveteam.Magkaroon sana ng standards sa pagpili ng mga celebrities.Pano influencers niyong sikat mga ganyan din kasabaw.

      Delete
    3. Bat ko yan aaralin hindi ko naman favorite subj ang history at tapos na ko jan!

      Delete
    4. Mag aral ka po para hindi kamote

      Delete
    5. ikaw kaya mag aral kasi ikaw ang may gusto!

      Delete
  45. Mga kabataan na inunang pumasok sa bahay ni kuya kesa sa pumasok sa paaralan.
    Siguro may pwede pa iimprove ang education system pero nasa mga estudyante din na bigyan ng importansta ang pag aaral.
    Kung kagrupo ko to sa project. Kutos to sa akin.

    ReplyDelete
  46. Napanood ko to. Sinisigaw ko sa screen ung mga sagot.. grabe alam ko grade 2 topic to eh kasama nga mga pambansang halaman pambansang keneso

    ReplyDelete
  47. Mas importante math at science kesa jan

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. But what's the significance of that if what they want to do is to be in showbusiness?

      Delete
    2. Taong di makabayan ang ganitong klaseng sagot. Basa basa din ng history books for a change ha!

      Delete
    3. Eh mas importante naman talaga yan kesa alalahanin mo yung mga taong patay na. Hayaan mo na may stock knowledge ka kasama.ba yan sa pagising mo sa bawat umaga? Huy.

      Delete
    4. Di naman masama kung ayaw mo sa subject na history ano!!! Basta napasa mo ok na yan. Di rin sinasabi na wag mag aral. Syempre mag aral ka para pumasa!!!!

      Delete
  48. Ang daming kumakampi sa mga PBB teens na mahirap naman daw talaga ang mga tanong. Baby bra warriors ba kayo o Jeje much ah. Ang stock knowledge na lang ng mga tanong. Pinakamahirap na ata ung san juanico bridge na pwedeng magkamali pero ung gomburza, baguio at pepe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga baby bra warriors na inuuna ang kaharutan sa tiktok at fb

      Delete
    2. aysus ito naman si nagmamagaling. malamang na google mo na yang sagot at sympre kumalat nadin sa socmed yung mga sagot.

      Delete
    3. bato bato sa langit tinaman si 4:18 😂

      Delete
    4. Tama kunwari naman alam nila ang sagot kung sila nasa posisyon ng housemates talagang mahirap bukod sa may kalaban ka pa napapanuod ka pa sa buong mundo diba nakakatense!!!

      Delete
  49. Puro pasikat kasi sa social media mga kabataan ngayon, yung kung makaputak sa social media kala kung sinong matalino at maraming alam. Daming ganyan ngayon josko sila pa matapang. Anyare sa society, nakakalungkot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truuuueeee! Mga nakikibandwagon lang yung iba. Pero bigyan mo yan ng quiz..tingnan natin kung maraming maisagot na tama ang mga yan, lalo na sa history ng Philippines.

      Delete
    2. hay naku nakakapikon na madalas. sa parking di maka atras kasi may nag titiktok sa likod. you have to wait pag bibusinahan mo magagalit.

      Delete
    3. Pasikat rin naman kayo eh

      Delete
  50. NAKAKABWISET TALAGA KUNG GIMIK LANG ITO

    ReplyDelete
  51. Grabe no. Hindi naman lumaki abroad ang mga batang to. Those are even basic questions. Buti di pinasulat ng essay ang mga yan, mas lalo ka lang malulungkot. Karamihan sa Gen Z can't even write a decent essay.

    ReplyDelete
  52. Gooosh! What happened to our today's youth?! Calling out DepEd Private & Public Schools! Look at these learners, what've they learned in your curriculum?! Andami nyong pa principles in Teaching & Learning ekek! Seems those aren't at all effective, look at the outcome from these bagets! Aside from the home/parents, sa DepEd parin ang foundation ng learning ng mga kabataan! Anong nangyari po?!

    ReplyDelete
  53. When I saw this naalala ko tropang trumpo... Joke ba to??? Kalurkey... Since Elem days pinag aaralan na tong mga to.

    ReplyDelete
  54. Ibalik yung Sineskwela at Mathinik para at least may matututunan mga bata ngayon hindi yung puro kajejehan na Kdramas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True.Pati mga Batibot at Sesame Street

      Delete
  55. I don't blame the educ system in Pinas. I put my blame to the parents bec they are the one who buys gadgets for their kids and not responsible enough to restrict those unecessary things that cannot contribute to their kids studies.

    ReplyDelete
  56. hala room temperature ang IQ.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha!
      and i bet they dont know room temp either! 😂😂

      Delete
  57. E sinong sisihin nyo jan? Yung mga schools eh tinuturo naman yan. Nasa tao padin yan kung mag aaral sila at ipapasok sa kukute nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malamang hindi sa lahat ng school tinuturo yan ng maayos.

      Delete
  58. Wala akong alam jan mas alam ko galit na galit si lolit kay tita bea.

    ReplyDelete
  59. But if you ask them about kpop, kdrama, korea and their oppas, mas maraming tama ang sagot ng mga yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo to! we were planning to japan ng friends ko kasama ang 17yr old na kpop fan na anak nya while planning. ayaw ng anak niya "wala namang maganda sa japan, sa korea tayo tapos pa picture sa JYP building." major facepalm.

      Delete
  60. Our educational system is not being improved by our politicians. They will never improve it so that they will always be elected by uneducated people.They don't care because their children are studying abroad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Manatiling mangmang ang mga botante para mabili ang mga boto nila tuwing eleksyon.

      Delete
  61. Wag nyo nga isisi sa sistema kahinaan ng mga bagets na yan. Baka mga purol talaga ang utak nyan or baka di naman nag aral sa pinas yan. Dapat kasi sinusupplement din ng mga guardian ang pag aaral noh. Hindi yung lahat iaasa sa guro. Kami ng anak ko palagi nirereview ko. Katabi ko pa sinturon. Im not aiming for excellent score (pero awa ng Diyos outsanding naman) basta gusto ko balang araw kayang makipagsabayan ng anak ko. Hindi yung aanga anga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true.. kailangan din nga mga kids ang support from home.

      Delete
  62. Yan ang produkto ng kaartehan at gimik ang inuuna kesa mag-aral.

    ReplyDelete
  63. They need to have requirements to join this show. Its not all about looks and arte

    ReplyDelete
  64. Nairita ako tbh, Ano ba elementary pa lang itinuturo na yan. Tiktok pa more.

    ReplyDelete
  65. “ah Tandang Sora” pero di pa din nya alam hahaha feel na feel ko inis ni Robi haha

    ReplyDelete
  66. sus pa contest kayo ng mga pangalan ng kpop artists panalo yang mga yan hahaha kadiri tong mga batang to. sa halip ng history ang inaatupag tiktok pa more! bts pa more!

    ReplyDelete
  67. battle of the brainless IRL
    Bubble Gang predicted this

    ReplyDelete
  68. Ayan deped look at the product of today's educational system. Paperworks pa more, not on the actual children yung atupagin niyo.

    ReplyDelete
  69. Daming hipokritos.

    ReplyDelete
  70. KPop, chismis at kaartehan na agad??komo d nasagot ang pagkahirap hirap na mga tanong?

    D ba pwedeng mas focus sila sa sinalihan nila na pbb para rin makatulong sa family or if ever sila magpaaral sa sarili nila? Oo may kita jan, pwede sila mgkaroon ng viewers, sponsors etc. Atleast may diskarte na sa buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap na tanong na sayo yun?? 😱Common stock knowledge yun teh. Something is seriously wrong with our educational system. Tsk tsk.

      Delete
    2. common stock knowledge naman pala eh bakit tinatanong pa sa kanila🙄

      Delete
  71. Jusko, may mga enablers dito tulad nina 2:52 at 9:24. Ano na nangyari sa mga kabataan ngayon? Kung buhay lang siguro si Rizal ngayon, maglulupasay sya sa kahihiyan😭😢

    ReplyDelete
  72. porma, ganda, gimmick... yan ang pbb.
    gusto mo ng talent at talino... nuod ka ng quiz bee.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...