Ambient Masthead tags

Monday, October 18, 2021

Insta Scoop: Michael V Warns of Online Scam Modus

Image and Video courtesy of Instagram: michaelbitoy

 

19 comments:

  1. Thank you bitoy.. hilig ko pa naman umorder tapos staff ko lang mga tumatanggap…

    ReplyDelete
  2. Grabe talaga mga masasamang loob. Twice na to nangyari sa nanay ko

    ReplyDelete
  3. Mga masasamang tao di pa rin nagbabago kahit nagka covid na ang buong mundo!

    ReplyDelete
  4. Ganyan natanggap namin kahapon lang. Buti binuksan agad namin at binalik namin sa nag deliver. Sabi nga ng nagdeliver kahit siya di magbabayad ng 2500 sa item na yan. Ganyan din mismo details ng sender.

    ReplyDelete
  5. Narinig ko na to dati pa, kaya eversince kahit paid na ung items i make sure na aware sa bahay kapag may package na padating.

    Question lang baka may aware, pano ibabalik yan ng mga courier kung walang address and proper contact number ng seller? Mabuti yan may item pwede pa siguro mabenta or mapakinabangan, pano if package is empty pala?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibalik nyo sa nagdeliver then sila na bahala dyan. Bale yung online establishment na bahala tanggalin yung seller from their system, sabayan niyo ng reklamo.

      Delete
    2. If di binayaran at walang return address at di maibalik sa seller, di ba dapat di na sagot ng courier since si Seller naman ang may fault?

      Delete
  6. I'm an online seller. Ganito yan mga marecakes.

    1) Sa case ni Bitoy, ang mali diyan ay yung ni-receive nila ang package kahit hindi nagtugma yung binilin na amount ng umorder versus sa siningil sa kanila ng nag-deliver. Totoo po, kapag hindi tugma, pwedeng pwedeng tanggihan ito.
    2) WRONG sa part na kalokohan po ito ng seller. Maling-mali. Sa courier part po ang modus na ito. Either mga tao sa warehouse o sorting hub ang nag-print ng new and modified waybill at ipinatong sa printed waybill ng seller. Pwedeng kakuntsaba ang rider, pwede ring hindi. Bakit po labas dito ang seller? Kasi po kahit magbayad ang buyer ng sobra sobra sa rider, ang amount na ire-remit lang po ng rider sa online shop platform ay kailangan pong TUGMA sa amount na nasa APP/SYSTEM nila at hinding hindi po nakabase sa kung anong printed sa waybill. Kung doktorin man po ng kung sinuman ang waybill, hindi na po ito makikita at makakarating sa APP/SYSTEM kaya hinding hindi po ito pwedeng maging basehan sa payment or cash remittance. TANDAAN: Ang babayaran niyo lang po ay kung anong nagre-reflect na amount sa APP ninyo. Gawin itong depensa sa rider kapag siningil kayo ng sobra. LAHAT NG SOBRANG IBABAYAD SA RIDER AY KANILANG KANILA NA PO. At kung sinu-sino man silang maghahati-hati dito.
    3) Kung sakaling wala naman pong issue sa amount, pero pagbukas ng package ay may problema ang item, wag po itong ibalik sa rider. Idaan po sa tamang proseso ng return and refund. Laging mag-take ng unboxing video para magamit na proof sa refund filing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. how do u explain the bogus celfne number?
      also hindi naman umorder si bitoy, dunating lang sa kanila. so wala syang presyong ipapakita sa app kasi di naman sya umorder

      Delete
    2. Thanks sis. Very helpful.

      Delete
    3. Wrong ka rin po na never magiging kasalanan ng seller. Matagal na ang ganyang modus, Ebay pa lang may mga seller na bogus din talaga.

      Delete
    4. 3:04 thank you sa pagexplain. Pero walang ganyan sa States. Bayad na agad pag ng order.

      Delete
    5. 158 then much better kasi madaling magreklamo at ibalik ang parcel.

      Delete
    6. 1:44 wrong ka dahil ang pinag-uusapan lang dito ay tungkol sa modified waybill. Kung ano lang ang amount purchased na nasa APP ay yun lang din ang ire-remit ng online platform sa seller. So walang point kung dayain ng seller ang amount sa waybill dahil hindi ito magiging basehan ng ibabayad sa kanya ng online platform.

      TANDAAN:
      Buyer's payment is handed to the RIDER. Then the rider sends it to the ONLINE PLATFORM (hindi sa seller mismo). Then ONLINE PLATFORM deducts all the services and commission fees at ang matitira ay tsaka lang nila ipapadala sa SELLER.

      Gets mo na ba?

      Delete
    7. Wrong ka din po na never magiging kasalanan ng SELLER.

      1. Kahit ibang account, pwede kang umorder sa isang seller tapos iibahin mo lang yung address at tska name.
      2. Pwede din na overpriced na mismo ang price ng products ng seller tapos oorderin ng kakontsaba ni seller tapos ipapangalan sa bibiktimahin nila.

      Delete
  7. mas maganda talaga kung minsan, bayad mo na ang mga items bago ideliver kasi madalas kung kelan ka wala para mag recieve doon dumarating ang mga rider. Para hindi magbintangan kung ang rider ba ang may modus o yung mga nag recieve ng package, ikaw dapat mismo ay nanduon.

    ReplyDelete
  8. Nung isang araw lang may dumating daw na mystery box sa akin. Wala naman akong inoorder. Si Rider mismo nagsabi na icancel order ko kasi bogus daw yun

    ReplyDelete
  9. Feeling ko ang nangyari kay Bitoy ay nakita lang yung shipping details niya somewhere. Pwedeng nagtapon sila na hindi burado yung info niya sa waybill. Tapos pinadalhan lang basta at siningil ng malaki.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daming ganito na cases kaya make sure na burahin yung name, contact no., at address.

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...