Ambient Masthead tags

Thursday, September 23, 2021

Insta Scoop: Marcos Supporters Gang-up on Angel Locsin's Post on Martial Law






Images courtesy of Instagram: therealangellocsin

158 comments:

  1. Di na tinatablan si Angel ng mga ganyan. Sanay na yan. Alam niya kung ano ipinaglalaban niya and no one can shut her up. I admire her so much for her conviction kahit ang lala na ng bashing sa kanya. Pero beliefs aside, her heart is in the right place. Naniniwala akong mabuting tao siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Go go go Gel!!!!!!

      Delete
    2. But because of her and other bashers of Toni Gonzaga, lalong sumikat si Bongbong. Baka manalo pa yan. Sana hindi na lang pinansin and just leave the Marcos in oblivion.

      Delete
    3. True. Trolls will be trolls, gullible zombies will be gullible zombies. Just hope one day magising sila sa kahibangan nila

      Delete
    4. 1:47 sikat na ang Marcos panahon pa ni Mahoma. Hindi nga nanalo last time kahit sikat.

      Delete
    5. Wait lang, Ano ba ayaw ni Angel yung Martial Law o Dictatorship? Pag Dictatorship ba Does it equate to Martial Law? Kung Dictatorship ang Ayaw niya Bakit kaya siya nag-artista?! Pati yung ibang artsita na ayaw ng Dictatorship pero nag-artista pa din, Why? Is it bcoz of the Big money?

      Delete
    6. 10:24 pinagsasabe mo dyan. lol

      Delete
  2. Ayaw ko sa mga Marcos. Matuto naman mga tao please. Fool me once shame on you, fool me twice aba shame on me na! Shame on the Filipino ppl if they allow themselves to be fooled twice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang pinaalis na tapos pinabalik ulit. Nakakatawa ang Pilipino.

      Delete
    2. ha? e twice nga tayo naloko ng mga Aquino eh, sinasabi mo dyan baks?

      Delete
    3. 138 true. Hay, laughing stock na nman tayo sa mundo. 🙄

      Delete
    4. 2:05 Ikaw? Pinagsasabi mo dyan? May nabanggit bang Aquino si OP? Conspiracy Theory graduate ka ba ng FB or YT university?

      Delete
    5. 2:05 panong naloko ng mga Aquino?

      Delete
    6. @205 lagi kc ilalagay ung aquino, wala kmeng pake sa aquino, ung marcos ang topic dito
      D komo ayaw mo sa isa, kakampi ka sa kaaway nya. Pang mahinang isip lang yan.
      Ayaw sa marcos, period.

      Delete
    7. Galing Tiktok University yang si 2:05, pagpasensyahan nyo na.

      Delete
  3. Ako big No to Dilawan din. Ewan ko ba natry na rin naman natin sila pero waley eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uhm sunod sunod ba namuno ung sinasabi mong dilawan? From ramos to gloria ang daming corruption napakulong pa nga ung dalawa. Sa time ni pnoy walang napatunayan na kurapsyon sa kanya. Napakulong pa nga ung mga corrupt na pinakawalan naman lahat ng tatay mo

      Delete
    2. Mas big NO to Marcos Apologists and DDS. Ewww! Cancers sa lipunan!

      Delete
    3. Trueee!!! Maka never again as if si BBM nag declare ng ML at D din alamin bat nag declare nun. Yung tinuturo g nilang hero eh un nmn talaga pasimuno. Sila sila nga revisionist eh, sus ko po! Never again sa mga dilawan!

      Delete
    4. 2:20 isa pa tong graduate ng You Tube University.

      Delete
    5. No to Marcos and No to Dilawan periodt

      Delete
    6. Di hanak nman matino Aquino sa mga Marcos. Utang na loob balikan nyo history nyo. Grabe pa sa grabe ginawa ng mga yan. 20 years! D umaalis sa pwesto yan. Im telling you

      Delete
    7. Wala akong pake sa kulay, ang kailangan natin maayos na liderato na hindi natin ikakahiya. Hindi yang may history ng kurakot at ganid.

      Look past the political colors, hindi ito kaF vs kaH! Damay damay tayong lahat dito, kalokang mga to!

      Delete
  4. I was very young during the time of martial law. Walang ibang palabas sa tv kungdi Marcos. Ang naalala ko lang na puwedeng mapanood sa tv aside from Marcos eh Superstar ni Ate Guy. In this day and age, kung maulit yan, ewan ko lang kung hindi maghurumentado ang mga kabataan - full censorship, walang social media, gadgets, etc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di rin magets ng iba na 21 yrs namuno si marcos. Dun pa lang red flag na

      Delete
    2. Baka yung antenna o channel na kayang kunin ng tv niyo me problema.

      Delete
    3. Hindi mo gets 1:48. I was young then. Every time may speech or SONA yang Macoy, lahat ng channel, siya lang mapapanood mo. Sobrang haba pa na nakakatulog ako. Pag gising ko, siya pa rin.

      Delete
    4. The activists back then are the reason why we enjoy the freedom that we have now.

      Delete
  5. Natawa naman ako dun kay itsmernelian. Comment nya "sino pala gusto nyong president? Yung nagnanakaw ng pera ng bayan?"
    Uhh galit sya sa nagnanakaw ng pera ng bayan pero suportado nya mga Marcos??? The irony hahaha

    ReplyDelete
  6. Dami pa rin may gusto sa mga Marcos. Naku pag tatakbo si Bongbong isang malaking good luck sa Pilipinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas qualified naman si bongbong kesa sa ibang kandidato noh!

      Delete
    2. 1:08 Saang Banda cya qualified. Sa college diploma ba.?

      Delete
    3. Naku no. Dahil lang sa surname kaya akala mo qualified

      Delete
    4. 1:08 thry had their time, huwag na unit. Sobrang yaman na nila.

      Delete
    5. 1:08 ok pano sya naging qualified than say Isko?

      Delete
    6. 1:08 ay talaga? may naitulong ba siya during pandemic pakilatag naman dito kung totoong qualified siya kasi aside sa tatay niya wala naman siyang ginagawa umingay lang siya because feeling niya nadaya siya noong election.

      Delete
    7. 1:08 hindi ba qualifications sayo ang family background? Ang moralidad? Ang accountability? Paano mga daan daang pinahirapan nila nung time nila? Okay na lang yon kaya sila ulit uupo? Maawa ka nman sa sarili mo neng! Kung d ka naawa sa inang bayan khit sa sarili mo na lang!

      Delete
  7. Nakakatakot na ang lack of knowledge and compassion ng mga tao. Sinamahan pa ng improper use of socmed.

    ReplyDelete
  8. you cannot please everybody talaga. page nya nmn yan, unfollow nyo na lng kung ayaw nyo sa preference nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa mga wars talaga hindi maiiwasan ang mga innocent casualties dahil mga foot soldiers ang nagpapatupad ng mga ito. Sa Communist at Activist war ng Martial Law maraming nadamay na kadikit o kaibigan kasi ng mga matitigas ulo at walang disiplinang Sumunod. Sa war on drugs me mga pulis na sinamantala ang utos ng Presidente para sa mga payback O closure dahil sila ang mga protector o nagpapatakbo.

      Delete
    2. Sabihin mo din yan sa mga nagdidikta kay Toni

      Delete
    3. 12:57 magbasa ng history, walang hindi naipatupad na hindi inutos ng Pinuno during Martial Law. Maraming tao ang na torture at napatay. Bawal kahit magsalita ng nagkwestyon sa gobyerno yung parang ganito sa FP bawal yan.

      Delete
    4. 1:42, naalala ko noon nung bata ako, pag may family gatherings, may part na mag uusap mga oldies about the state of things, mga reklamo sa mga Marcoses. Of course, ayaw iparinig sa aming kids but once we do, we were warned to hush and stay quiet. Baka daw may makaalam, maisumbong kami at padampot isa sa amin. Even sa schools, the teachers would caution us na wag magdaldal about it until nung pinatay na nga si Ninoy. Dun na nag umpisa mga noise barrages. Sa school nga namin, pag tangahali we ring the bell to signal angelus or prayer petiion para sa fact-finding Agrava commission, investigating yung pagpaslang kay Ninoy. Definitely, hindi kathang isip lahat ng experiences na yan.

      Delete
  9. There will always be idiots sadly

    ReplyDelete
    Replies
    1. Idiots dilawan I agree!

      Delete
    2. 12:57 history speaks for itself ngayon kung hindi ka naniniwala kayo yung stupid.

      Delete
    3. 1:57 Ganyan talaga comments ng trolls ano? Puro vague pero pakitaan mo ng evidence kahit halimbawa saan nakuha ni Marcos ang yaman niya, walang masabi kung Tallano Gold. Lmao. Alam niyong ridiculous.

      Delete
  10. Disgusting Marcos Loyalist. Yuuuuck

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas disgusting naman dilawa.Pasalamat ka nag martial law kundi communist country na tayo ngayon sa pamumuno ni joma sison.

      Delete
    2. Yan ba natutunan mo sa youtube 1:09am? Kaya pala 14 yrs ang martial law no?

      Delete
    3. teh 1:09 aral aral pag may time wag pag troll ang trabaho. Alam mo ba sinasabi mo?

      Delete
    4. 1:41 Kesa naman sayo dai na natuto sa pekeng kasaysayan ng aquino.Sige nga pano naging bayani si noynoy na communista at nahatulan ng treason? Wala na kayong mauuto dahil digital era na.Wait niyo maupo si Bongbong para mabura na kayong mga salot na dilawan.

      Delete
    5. @1:41am alamin mo din totoong rason bat nagka martial law! At kung sino isa sa mga founders ng NPA!

      Delete
    6. 2:19 eww.. ganito talaga magsalita ang troll

      Delete
    7. para sa mga troll, alangan naman mga dungol yung mga tao na pumunta sa Edsa during people power revolution kung hindi nila pinaglalaban ang demokrasya. Ano ang pinaglalaban nila? kadungulan tulad mo?sabing basa basa pag may time.

      Delete
    8. so bakit nga nagpunta mga tao para sa People Power sa Edsa kung tuwang tuwa pala sila sa Martial law? dungul po ba silang lahat?NPA po ba silang lahat?

      Delete
  11. Bakit ba kasi galit na galit agad kapag tatakbo si bongbong? Eh d huwag niyo iboto! Juskolord

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi naman prone sila sa dayaan tsaka naman sa rami ng nega na nagawa nila dati parang dapat banned na sila in running for any public office

      Delete
    2. Sa dami ng TROLL FARM niya baka nga napaniwala ka na

      Delete
    3. Same goes sa mga nag flood ng comments ng ig nya. Page nya yun. Kung galit si angel tama ka eh di wag iboto. Katulad nila if galit sila ke angel dahil against ke bbm eh di wag sila pumunta sa ig ni angel. Iunfollow nila

      Delete
    4. They're dictators for 21 years. It's like Hitler's son running for president.

      WHY ARE THEY EVEN ALLOWED TO STILL RUN FOR OFFICE?

      Delete
    5. Marami kasi katulad mo

      Delete
    6. Bakit ba kasi walang pake na may tatakbong di pa nagbabayad ng napakalaking utang sa pilipinas. Ang laki ng damage na ginawa sa pilipinas tapos dedma lang dapat? And the fact that they are spreading lies to deceive people and rewrite history para malinis ang pangalan nila?

      Delete
    7. Wala naman nagagalit kung tatakbo sya. Ang hindi tama ay yung iniiba ang kasaysayan 😂 magdetain ka naman ng tao walang kasalanan doon pa lang mali na. Ang president taga guide lang ng country hindi yung icontrol ang mga kababayan nya. At pag di nagustuhan ikukulong o papahirapan. Sana talaga mapasa na ang batas pang trolls. Lalo nagkakalat ng maling impormasyon

      Delete
    8. After ilang dekada, threatened pa din kay marcos.

      Delete
    9. walang pakialam ang tao kung tumakbo ka kasi may Demokrasya. Pinaglaban ang demokrasya. Kaya pasalamat na lang tayo.

      Delete
    10. wag ka mag alala, hindi talaga namin iboboto.

      Delete
    11. Hindi pa nga nila binabalik yung napakalaking kinulimbat nila tapos tatakbo pa? Kung hindi ka ba naman ma-insulto dun diba

      Delete
  12. Hello daw sabi ng 3000 pairs of shoes ni Imelda Marcos, yung 1000 pair nakadisplay pa ata sa Marikina. At ang shopping spree ni Madam from 1965 to 1986. $40k retail therapy in Honolulu in 1974. May $3.5 mil Michaelangelo painting pa. May resibo pang nakuha na $1.48 mil galing Bulgari sa NY. Lahat yan may resibo ng commission na nag-imbestiga at public record sa korte.

    All I can say is if Bongbong wins, the Filipinos deserve being pathetic poor third world country.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl true. Sobrang daming resibo, dating back in the 80s and court orders decades ago na. Simpleng hangin lang mga tao.

      Delete
    2. Lols! Wala na maniniwala sa inyong mga dilawan.

      Delete
    3. Ang resulta ng investigation base sa mga resibo at properties, mahigit 10 billion dollars ang nakurakot. Kung yan ang gusto nyo, lalo tayong maghirap eh di bbm iboto nyo.

      Delete
    4. Di lang yan, may mga Picasso, van gogh, Persian carpets, alahas. Lagi syang nasa cannes, shopping at nakikisalamuha sa mga bilyonaryo sa buong mundo. Private jets, yacht courtesy of the poor people of the 🇵🇭.

      Delete
    5. @1:10
      You don't have to believe us. Kung adult ka na may matinong pag iisip, you can go ahead and look it up yourself. Be prepared though and be matured about it sa mga malalaman mo. Mahirap tanggapin ang katotohanan lalo na pag sinarado mo na pagiisip mo.

      Delete
    6. 1:10 First of all i'm not a dilawan dummy! I've never voted in the Philippines. Second, Imelda's shenanigans are well documented by press people abroad. She even has photos with Prince Charles and Hollywood celebs mingling in high society parties and fashion shows. Documented money trail are available in court papers when they were trying to collect from the Marcoses. Di mo kailangang maniwala sakin but its a fact na ganyan sila gumastos habang naghihirap ang mga Pilipino during martial law.

      Delete
    7. 1:10 hindi lahat ng kontra dilawan. Marami ding wala pake sa politics pero sadyang ayaw lang sa magnanakaw at evil people.

      Delete
    8. Hoy 1:10!!! bakit laging DILAWAN na lang mga banat nyo? Di pa pwedeng simpleng pinoy na may pinag lalaban? Troll na troll ka!

      Delete
    9. kamusta na kaya mga gold bar sa Switzerland?

      Delete
    10. Gaano kalaki ang halagang yan nung 1960's to 80's ano? Mga tao ngayon akala nila di na sila affected, di nila alam hanggang ngayon binabayaran pa rin natin yan

      Delete
    11. 1:10 May interview si Imelda mismo from BBC na may hawak siyang paper na sobrang laki ng pera nakasaad. Ayaw pa nga ipakita. Tanungin niyo kung saan niya nakuha yun.

      Delete
    12. nakikita nyo naman siguro yung mga gold bars na pinakita sa interview di ba. Hindi na pera ang usapan dito. Mga bulto bultong ginto.

      Delete
    13. 2:46 YUN NGA ANG NAKAKABWISET DAHIL WALANG GOBYERNONG GUSTONG MAGTANONG SIMULA KE AQUINO HANGGANG KE DUTERTE! PATI NA YUNG BINASA NI MEL TIANGCO NA BILL OF LADING NA WORTH $240BILLION! ISA PA LANG YUN! YUNG SA REPORTER NA PINAKITA NIYA E WORTH $987BILLION YUN!

      Delete
    14. @2:01 Dilawan naman talaga ang galit na galit sa mga marcoses. At di ka pala naboto tapos dami mong kuda about politics. Kung sasabihin mo tax payer ka..then do your responsibility and vote para walang kurakot or mamamatay tao ang umupo. Puro rants ka lang dito pero pagdating ng election nasa bahay ka lang pala...ilang taong ka na ba?...15?

      Delete
  13. Kaloka kang Marcos loyalists talaga. Wag daw idamay si BBM sa kasalanan ng tatay pero pag tinanong mo ano nagawa ni BBM sasabihin si Marcos maraming naipagawa haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman nagawa si Bongbong ever. Compared to his sister, his political career was a massive failure.

      Delete
    2. Excuse me daw sabi ng wind mill sa norte.

      Delete
  14. Yikes, ang daming trolls!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huwag ng patulan mga trolls para wala silang pamasko. Huwag na lang iboto sila BBM and Duterte next year. Bantayan ng mabuti ang mga balota...

      Delete
  15. True, 12:31. Wala pa ako iboboto pero ang kasalanan ba ng tatay, kasalanan ng anak?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na bata si BBM nung Martial Law. Hindi nga yan makapunta ng US eh kasi ayaw bayaran yung compensation para sa mga biktima ng ML.

      Delete
    2. 12:42 It was a family affair. Yes he was old enough to know during ML and he was never remorseful of the steal and atrocities until now

      Delete
    3. Hindi. Pero sa case na to, to a certain extent, yes. Kasi nagpakasasa at patuloy na nagpapakasasa pa rin sila sa kaban ng bayan.

      Delete
    4. So dahil sa logic na yan yung mga naipagawa ba na infrastructures ng tatay pinagawa din ng anak?

      Delete
    5. Pinagtatanggol nya ginawa ng tatay nya at nasaan na nga ba napunta mga nakaw na yaman nung 20 years nila sa posisyon? Ang tanong, ibinalik ba ng anak?

      Delete
    6. Hindi. Pero kung ang anak ay aware sa kasalanan na yun and still go about without remorse at walang bahid na pagkokondena sa ginawa ng Tatay eh asan po ang moral compass ng anak? What do u think that makes of the son?

      Delete
    7. 12:42 nakinabang po ang angkan po nila sa ninakaw ni Marcos and Imelda, lalo lalo n ang mga anak nila🤮🙄

      Delete
    8. Their family until now do not acknowledge their crimes and sins. They're not even sorry. They want to revise history by spreading propaganda and fake news.

      Delete
    9. sa case nila yes!!! di na bata c bongbong at imee nung mga panahon na yon. accomplice na sila.

      Delete
    10. daming resibo, yung mga pictures bago umalis sila papuntang Hawaii, di ba mga 20 plus na si Bongbong sa tagal nila sa Malacanang. Hindi na bata.

      Delete
  16. Basahin nyo na lang ang mga outrageous Imeldific moments, nakakaloka. Pinapunta nya eroplano para kumuha ng white sand sa Autralia, pinarenovate nya ang buong town ng Sarrat para sa kasal ni Irene Marcos to the tune of $10 million dollars at ang pinakanakakaloka, pinabalik nya yung eroplano sa Rome dahil nakalimutan nyang bumi ng cheese. Tinawag yun na the great cheese scandal LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. And yet people will still vote for them. Sikat ang shopping spree ni Imelda sa buong mundo. May pictures pa. At ang mga sapatos at bag, milyon milyon ang halaga.

      Delete
    2. Musta yung same style of bra 800pcs meron sya nawindang me don.

      Delete
    3. 12:54 at ang mga alahas...may isang inevaluate ng Christie's, 21 million ang halaga Bulgari or Cartier ata yun. Grabeee sya

      Delete
    4. Meron din yung interview sa kaibigan nya si Nikki Haskell, pag nagshoshoppping daw sila, tapos magiistay sa lavish hotel, pinapalibutan nya yung bed ng mga pearls kasi pampaswerte.

      Delete
    5. kamusta naman yung mga bulto bultong gold bars na inispluk ni Mr Zobel, na recover na kaya ng Pilipinas yan? bayad na sana mga utang.

      Delete
    6. 1:02 ayaw labhan? ginawang throw away ang bra hahaha

      Delete
    7. and yung the beatles, nagalit yung marcos family kasi tinanggihan nila yung paunlak ni imelda instead nagpunta sila sa ibang event here also in the philippines, ang sabi nung isa pinilit daw buksan ng mga militar yung rooms nila tapos sinigaw sigawan sila. they tried to call the room service pero hindi sila sinasagot, inopen nila yung tv and napanuod nila yung pag scream ni imelda dahil lang hindi sila naka attend sa event. kadiri

      Delete
  17. Sa totoo lang ako. Kwento ng lola ko, yong daddy ko naabutan daw ng curfew sa labas (legit naman kc nag OT sa ofis) ang parusa daw sa kanya, pinagwalis daw sya sa park. Yun lang! Dinisiplina lang. Ang iba kc minamasama pag dinidisiplina, diktador ka na daw. Pero kung susumahin mo naman ang mga ginawa ni Marcos noon, pinakikinabangan ng mga Pinoy ngayon. Dun lang ako sa may ebidensya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan na naman mga kwento ng lolo at lola ko. Straight out of dictator’s handbook. Nagtataka ka ba bakit mahal na mahal ng mga N. Koreans si Kim Jong-un? Kasi panay propaganda napapanood at nababasa non sa tv. At dahil pinagwalis lang daddy ok na ang martial law?

      Delete
    2. Basahin m c 12:35 at 12:42

      Delete
    3. Responsibility ng govt na magpatayo ng infrastructures same way na responsibility natin magbayad ng tax. Kulang pa nga napagawa nila sa ninakaw nila hano. Imagine kung yung $10b na nakulimbat nila ginamit sa pag aayos ng Pilipinas. Ang lastly di porke pinagwalis lang daddy mo ok na martial law.

      Delete
    4. Mahigit dalawang dekadang pangulo at sandamakmak na pagkakautang na hanggang ngayon ay binabayaran ng sambayanang Pilipino. Aba, dapat lang na may naipagawa sya, ano?

      Delete
    5. Mostly mga kakilala ko din na matatanda makamarcos. Idk wala pa naman ako nung time nila

      Delete
    6. What happened to your relative isn't the same for others. So you are saying false narratives yun? Isip ka nga. Their experience shouldn't be invalidated. Kadiri ka!

      Delete
    7. doon ka pala sa may ebidensiya e bakit bulag-bulagan ka sa mga masasamang ginawa ng rehimeng Marcos? lahat kaya yon may ebidensya. and just because hindi na-experience ng lola at tatay mo eh hindi na totoo ung sa iba. Basahin mo na lang ung about kay Archimedes Trajano tapos sabihin kung tama at disiplina lang yon. At ung sinasabi mo na pinakikinabangan pa natin ngayon, ayon din ung ginamit niya para makautang at makakurakot na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin natin.

      Delete
    8. @1:04am oo naniniwala ako sa kwento ng lola ko. Alangan namang maniwala ako sa iyo na hindi ko naman kaano-ano? Labo mo kausap 😁

      Delete
    9. 12:46 ECHOSERA kahit ako kaya kung mag invent ng kwento dito eh. tigilan nga yan sarili niyo niloloko niyo eh. troll

      Delete
    10. please lang..your daddy is one of the few lucky ones. galing office kamo? baka naka corporate attire kaya pinalampas, pero if mukhang construction worker yan or mukhang tambay I doubt walis lang punishment niya

      Delete
  18. Ang problem kasi, parating binabanggit yung mga namatay nung Martial Law. Unfortunately walang pakialam ang mga tao pag hindi sila affected. Try niyo yung billion billion na ninakaw niyan na hanggang ngayon binabayaran natin. At yung pagbagsak ng ekonomiya kaya napag iwanan tayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dzai sasabihin lng nila asan ung kaso? Hahahaha

      Delete
    2. 1:23 Ganyan naman dito satin, kahit may resolusyon yung kaso, hindi makakolekta ang gobyerno sa kanila kasi hanggang ngayon nasa posisyon pa rin ang mga Marcos at cronies nila.

      Delete
  19. Threatened masyado ang kabilang camp kay bbm?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bongbong gained a significant amount of votes for the VP position. Obviously he didn't win but for someone who doesn't have a sparkling political career, he still has a lot of support. Disturbing yun.

      Delete
    2. What if may ginawang masama sa pamilya mo..same sa ginawa sa martial law victims..

      Then after ilang years, nakikita mo pa rin naglalakad freely ung gumawa nun sa lawn mo…How would you feel?!

      Hanggang ngayon wala pa rin justice for those killings and sadly nakikita nila na despite all the evidence, free pa rin ang mga gumawa nun…

      Di sila threatened. They just want justice.

      Delete
    3. I don't even live in Pinas but I care. People who steal will keep on stealing given another chance. May nakikita ka bang pagsisisi sa mg Marcos?

      Delete
    4. 6 million views ba naman yung interview nya kay toni taz nilangaw yung kay aling leni kaya galit na galit mga elitista.

      Delete
    5. Dzai talo sya sa pagiging vp, president pa kaya? Lol. Ikanagahalit dahil binabaluktot ang history.

      Delete
    6. He is a threat regardless of political party. They shouldn't be allowed to rule back in power.

      Delete
    7. no. nakakagalit lang talaga na ung angkan ng magnanakaw eh super kapal ng pagmumukha na mag attempt pang tumakbo matapos ang ginawa nila.

      Delete
    8. 1:13 yet di nya matalo talo si Leni hahaha

      Delete
    9. parang baliktad, siya ang threatened sa mga iba pang tatakbo . hehehehe.

      Delete
    10. @1:07 yon anak ba ang nagkasala? Bat para naman jinujudge nyo na guilty yon tao-sya ba nagpapatay, sya ba yon nagkurakot, sya ba ang gumawa ng masama sa pamilya mo. Magalit kayo ng forever doon sa ama na matagal ng patay at kulang na lang na ata na lahat ng Marcos ang last name isumpa nyo na din dahil sa galit nyo.

      Delete
  20. Aquino had so many time to file a law to ban Marcoses from running any government post bakit di nila ginawa yan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi aquinos are not dictators like your idol

      Delete
    2. kaya nga may People Power sa Edsa di ba at may demokrasya kasi natapos na ang panahon ng diktadurya. Kung diktadurya pa rin, malamang hindi nakatakbo for any post si BBM.

      Delete
    3. Sabihin na nating engot ang aquino for not doing that pero that also suggests that they are not like the Marcos and they really are good people. Hindi naghanap ng revenge despite sa pahirap sa kanila dati

      Delete
    4. malaya ang mga tao na tumakbo dahil bago na ang konstitusyon. Hindi porket kalaban mo sa politics ay wala na silang karapatang tumakbo.

      Delete
  21. kkloka. sana magresearch ng mabuti yung mga taong naniniwalang si marcos ang nagpaunlad ng bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahaba kasi masyado ang panahon ng Marcos. Siguro yung umpisa ang sinasabi nila, Pero remember, ilang dekada ang Marcos sa Malacanang?

      Delete
    2. Sa rehimeng Marcos bumagsak ang tunay na value ng Philippine peso. Masyado kasi silang naging ganid sa money at power.

      Delete
  22. Grabe ihahalal nyo tlaga ang isang Marcos, again? Hahahahaha, ayoko na sa Earth. Hiyang hiya pa nman ako sa isang German teacher ko here in Eu kasi kilala nya ang mga Marcos as diktador ng Pilipinas and their corruption at karahasan during the Marcial Law. 😖For sure buhay na yun during that time.

    ReplyDelete
    Replies
    1. dito ka lang nakakita. Martial Law tapos pinaalis during People Power Revolution tapos ngayon naman pabalikin wahahahaha. Joke!

      Delete
    2. Onli in da Pilipins kaya poreber 3rd world tayo.

      Delete
  23. Watch the documentary series on Campbridge Analytica and it's major role during the 2016 elections.

    ReplyDelete
  24. Watch mo yung THE KING MAKER na documentary about Imelda and how they are now back in power.

    ReplyDelete
  25. If you still respect yourself and care about ur family- NO to Marcos

    ReplyDelete
  26. If mga dilawan lang naman ang issue ng mga BBM supporters, well wala nang mga dilawan, rainbow colors na ang uso. So that means no need for BBM. Kaya lang naman sya naging relevant ulit dahil sa dilawan. Nabuhay ulit ang Marcos vs Aquino rivalry dahil naging presidente ang anak na Aquino. So far the score is Marcos 21 (21 yrs in highest position), Aquino 12 (total 12 yrs in highest position), Macapagal 14 yrs. Wala nang dilawan for now so move on na, no need for BBM. Later if dumami ulit ang dilawan maybe in 2040 tsaka nyo na ulit ipush si BBM. Marcoses are only relevant side by side the Aquino name anyway and vice versa.

    ReplyDelete
  27. People, sana ilagay nyo rin sa utak nyo ang 21 years ruling ni ka Ferdie. Kahit sinong maging presidente natin in the future, masusuka talaga kayo if same leader lang for 20 yrs.
    Kaya i didn't vote for descendants of the marcoses, aquinos, macapagals and soon the dutertes. Tama na po ang political dynaties. Baka aasenso pa tayo ng konti if we let the new ones try the new formula in leading the country.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 4:49 and sana mas iklian pa yung tinatagal nila sa position, not 6yrs but make its atleast 4 or 3 yrs na lang. jusme ang tagal palitan pag walang silbe ang nasa position just like now. Kakasuka na.

      Delete
  28. Sa tutoo kung hindi lang scary, willing akong isugal ang next 6 years na si BBM ang nakaupo. Para magkaalaman na. Tingnan natin kung kaya nyang i-turn around ang bansa natin sa next 6 years. Feeling ng iba magaling, sige subukan natin kung tutoo. Kasi hangga’t di nauupo walang tigil ang kuda, Tapos pag di nag-improve, isisisi pa rin sa past admins after ng tatay nya and before PRRD. Then palalabasin 6 years is not enough so ibabalik ang ML. Pag nangyari yon, tingnan natin kung kaya pa rin mag-ingay ng mga trolls at mabuhay ng walang soc media at kalayaan mag-express ng saloobin. Tapos ang masasabi nalang ng mga nakakaalam ng tutoong horrors ng ML “i told you so, troll pa more”. Kaso, naiisip ko rin, kaya nga bang isugal ang 6 years? Hindi na ito tungkol sa political color, kundi kawawa naman ang mga sisunod na henerasyon. Sila na naman magbabayad sa naging ignorance ng mga bulag, bingi at shungang graduates ng YT University.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Who cares at this point. I doubt anyone has the ability to truly turn the country around anyway. I also agree that I’d rather see BBM seated than have someone else win while his idiotic fan base grows even larger. If it leads to another martial law then Filipinos will just people power him out then and the cycle continues. But no joke, if he wins it’s a huge embarrassment to the country and shows Filipinos never really advanced as a people.

      Delete
  29. oo na pinagawa nila mga infrastructures, lrt etc. pero small % lang yun compared to how they finance their lavish lifestyle (i.e. imelda's ridiculous expenses--dolomite bay cannot hold a candle to it) plus the whole world knows of their history of plundering the country's wealth. it's that bad

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...