Monday, June 28, 2021

DOH and Makati Mayor Abby Binay Release Statements on Circulating Vaccination Video

Image and Video courtesy of Facebook: News5

Image courtesy of Twitter: GVGregorio_TV5

Image courtesy of Facebook: My Makati

114 comments:

  1. Impossible na hindi napansin ng nurse na nagkamali siya. Haler. Yung syringe na ididispose may laman pa so ano yun, magic? Tanggalan ng license yang nurse n yan at imbestigahan yan. May hocus pocus eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw ko din husgahan si nurse, pero what if di napansin nung person na nagpapabakuna? What if di na video? This is a negligence on the part of the nurse. I understand na napapagod ang frontliners natin, but this might cause more danger in the future. Just saying lang po

      Delete
    2. Tanggalan ng license agad?Ndi ba pwedeng suspension muna then refresher course? Baka naman pagod or gutom na ung nurse.Minsan need din po umintindi sa healthcare workers.

      Delete
    3. Napapagod din nman po sila. Hindi nman po yan sasadyain

      Delete
    4. Anong napapagod?? Kung pagod ka, magtake ka dapat ng break. Instinct nalang yang pagbavaccine, paginject matik na ipupush mo yun para mainject gamot diba. Kahit nakapikit ka alam mo next step mo kung nurse ka nga. Dapat disciplinary action yang nurse para ayusin trabaho nila.

      Delete
    5. 2:48 di pwedeng IR muna ses? Ito hirap sa netizens eh ang gusto tanggal agad lisensiya. Pwede namang alamin muna root cause para maprecent in the future kasi malay mo ba overworked na ang nurse.

      Delete
    6. Masyado na kayo maghusga. Malamang hindi naman yan sinasadya. Sa dami ng tinuturok nya that day, maaring yung isa na yan sablay na hindi namalayan. Hindi na nya nakita na may laman yung syringe kasi tinatapon na yan. Hindi naman pwedeng gamitin yan ulit sa ibang tao dahil sa risk ng hawaan ng ibang sakit. Meron talagang human error at nahuli ng camera, pero marami pa yan mga nagkamali, hindi lang nahuli. Kailangan lang yan training ulit, hindi naman sibak kaagad.

      Delete
    7. Dapat may katapat na action against sa vaccinator, delikado yon on the part of the vaccinee

      Delete
    8. I don't understand the di sinadya! that's obviously negligence. Pano yung ibang taong akala nagpaturok sila di pala nabigyan ng bakuna sa loob ng katawan nila

      Delete
  2. Oh my gosh?! Seriously palalampasin nyo lang ito? Incompetent governance!

    ReplyDelete
  3. Herd immunity achieved!

    ReplyDelete
  4. Parang di yun pagkakamali. Ginawa niya yun. Kita naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! Nakita sa video tinignan pa niya ang syringe after

      Delete
  5. Baka naman pagod na si nurse. Mukha namang Hindi sinasadya. Baka akala niya na push na niya yung injection. Grabe naman mga tao tanggal kaagad sa work. Nakakapanginig ng kamay yung work na puro kamay ang gumagana. Kawawa naman...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, dapat meron accountability si nurse. Hindi pwede na sorry lang ano yan joke?

      Delete
    2. Kung pagod, edi magtake ng break. Lumapit ka sa superior mo at magpaalam kesa isapanganib mo buhay ng patient. Diba mas responsible yun??

      Delete
    3. Mas nakakaawa yung akala mo bakunado ka yun pala hindi. How incompetent. Delikado yan kasi buhay ang nakasalalay

      Delete
    4. Try to be a nurse bago niyo sabihin na pag pagod take a break. Ang gagaling niyo magsalita eh. Kapag magpapahinga sila tamad naman?

      Delete
    5. 10:40 nurse ako. As much as I’d like to believe na pagod siya, parang sadya. Vaccination lang ito, mas mahirap ang workload sa hospital setting so paano pa lalo kung pagod ang reason?😔

      Delete
    6. 8:47 nagvolunteer ka din ba magvaccine tapos papasok pa sa duty? Also, ano sa palagay mo motivation nung nurse bakit sasadyain yan?

      Delete
    7. 8:47 I understand pero di din natin alam situation niya. Full time na volunteer ba siya or need pa ba niya magduty after? Sa palagay ko need ng improvement sa pagmanage sakanila.

      Delete
    8. Nurse ka ba talaga 8:47? paano mo naman nasabi na sadya? normal ba sa inyo gawin ng yan ng sadya para masabi mo na parang sadya?

      Delete
    9. 6:57 and 7:08 oo nurse ako and di ko na sasabihin kung saan. What made me say na sadya? The plunger wasn’t even moved and a healthcare professional should know by heart. You cannot say you’re tired or got confused thus being negligent- your license will be at stake or even worse patients’ lives. Also to my dismay, this wasn’t an isolated case. Before asking me kung nurse ba ako talaga, better question should be nurse ba siya talaga, kasi kung oo eh nakakatakot kung ganun. Baka may ibang pagdadalhan ng vaccine na dapat kay ate talaga. Nightingale Pledge.

      Delete
  6. Un pumili ka para lang tusukan. Hahaha
    Only in the Philippines, where incompetent is normal. Thanks to the government.

    ReplyDelete
  7. Ayaw ko sanang i judge si ateng pero paanong makakalimutang iturok eh pagbabakuna nga ang ginagawa. Hay naku

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha. tumpak ka baks

      Delete
    2. Hi, vaccinator po ako sa ibang lgu. Actually po nangyayari po talaga yung ganyan. May isa kaming kasamang nurse, hindi niya nainject yung gamot sa first, so nagtusok siya ulit. Pasensya na po, minsan lutang na po talaga ang mga nasa sites. Imagine 500 to 2000 targets per day tapos ilan lang yung magtutusok. Tapos daily pang papasok sa duty.

      Delete
    3. Ate, kung lutang na po kayo, take a break. Seriously. Buhay po ang nakasalalay sa mga trabaho nyo, nakakatakot pag kayo ang sumablay. Para rin pong piloto, di naman pwedeng sabihin "Sorry na, napuyat kasi yung piloto kaya bumagsak ang eroplano."

      Take care po at salamat din po sa inyong serbisyo.

      Delete
    4. Hi 4:33 hindi porque nangyayari pala yun e dapat iaaccept nalang. I advise kung pagod po kayo, magtake po ng break esp yun kasamahan nio po na nurse. For protection nio po at ng babakunahan. Lahat po ng klase ng trabaho, e pumapasok din po daily at may tinatarget din na desired production, FYI.

      Delete
    5. 433pm ang dami naman namin na hindi nursing kinuha, business, law, ganon. Pinilit po ba kayo na nursing kunin?

      Delete
    6. 6:48 good point! Ang pilot malaki ang pananagutan sa pasahero kaya nga din mahirap pumasa, magastos ang practice, malaki ang sahod.
      Sagutin talaga ng nurse to. Intentional man or hindi. Buhay ang at risk dito. Hindi lang pera o oras

      Delete
    7. 648 hindi ganun kadali ang break na sinsabi mo, sa totoo lang. Hay, ikaw na mag explain 433 kasi baka iba iba ang sitwasyon natin. Minsan nga sa sobrang busy maski pag ihi, pinipigilan mo. 😂

      Delete
    8. Hello 4:33, ayaw ko na sana mag comment kaso when I read your explanation parang natakot lalo ako… Lahat tayo ay nagta-trabaho at napapagod po pero hindi po ibig sabihin na okay na ang magkamali kasi mas malaki po ang responsibilidad nyo dahil buhay ang nakasalalay. So kapag hindi napansin or hindi nag video ang babakunahan eh pano nya malalaman na hindi pa pala sya safe sa covid? So kapag nagkamapi patawarin nalang dahil pagod? Lahat po tayong nagta-trabaho ay napapagod, may nag sample dito na piloto, pero mas pasimplehin natn, kapag ang bus driver nakatulog dahil pago sa pagpasada, may sakay syang 30 pasahero na lahat namatay dahil bumangga ang bus at may naararong 20 pasaherong nagaabang, sasabihin po ba nating okay lang dahil pagod sya at antok? Khit nga isa lng ang sakay ng driver eh talagang papapapanagutin natin siya hindi ba? Ganun din dito dahil hindi talaga kumpleto ang bakuna ng mga ganitong hindi pala naiturok ay ini-expose natin sila sa danger ng covid at posibleng ikamatay iyon ng tao. Wag po tayong sa isang banda lang nakatingin dahil pagod, trabaho po nya yan bilang isang nurse, lahat po tayo ay may pananagutan…

      Delete
    9. 2:57 hindi life and death ang pag vaccinate kaya pwedeng maghintay yung mga nakapila kung kelangan mag break nung nurse. Sa ospital mahirap talagang maisingit ang break.

      Delete
    10. Don’t attack the nurse. Ang process ang dapat macorrect lalo na at nangyayari pala ito. Imagine iilan na nga lang nurse volunteer natin tapos madami pa ang nakapila, sa tingin niyo makakahingi pa sila ng break? Oo lahat nagtatrabaho at lahat tayo napapagod. Pero sana maintindihan mo din struggles nila. Kulang sila sa support. Yun yun, kung enough ang manpower natin to execute the vaccines walang ganyan. Dun sa bus na sinasabi mo, depende sa context, bakit ba antok at pagod yung driver? 24-48 hrs ba siya pinagdadrive ng may ari ng bus na dinadrive niya? kapag ganun edi yung may ari ang mas dapat managot. Ganun yun.

      Delete
    11. 2:57 AM Pagpipigil ng ihi? In the first place, alam niyong masama yun kahit kaninong tao. Pinag-aralan niyo yan. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Mas may alam kayo sa health, dapat alagaan niyo rin ang sarili niyo. You deserve it.

      Delete
    12. There should always be two personnel doing administration of vaccine. One to inject, the other as monitor. Para maprevent mga ganitong ganap. The first one should be a medical professional, yung second not necessary, kahit sinong volunteer pwede. Yun kasing consequence ng ganitong mistakes ay very serious.

      Delete
    13. I agree with 12:38 so far ikaw ang isa sa may pinakasense na comment na nabasa ko dito. Yung sa iba kasi and dali sabihin na take a break of pagod eh ang hirap na ganun sa panahon ngayon lalo na kaunti ang medical volunteers natin tapos mataas and tinatarget natin na mabakunahan per day.

      Delete
    14. Kaya ayoko magvolunteer ang daming entitled na tao sa pinas.

      Delete
  8. Irequired sanang may video yung patient kada pa vaccine para makita kung may something silang ginagawa.

    ReplyDelete
  9. napakacareless ng nurse

    ReplyDelete
  10. What if that wasn’t the first time it happened!!!!

    ReplyDelete
  11. Parang ako na nagsalang ng bigas sa rice cooker, sinaksak pero nakalimutang ilagay sa cook. I'll give the nurse the benefit of the doubt.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Or feeling mo nagsaing ka na, yun pala hindi pa. Buti nlang may bahaw kaya nakakain pa rin ng pananghalian. 😂

      Delete
    2. hindi ka naman siguro pinapasahod para magsalang ng bigas? Hindi ka rin nagtake ng oath? Yung nurse, oo. Malaking bagay yung ginagawa nya

      Delete
    3. The point is may mga bagay na dapat matic na ginagawa pero minsan nakakalimutan.

      Delete
    4. Volunteer lang yung nurse. Kung makapagsita ka akala mo naman malaki kinikita nila eh halos wala nga. Halos wala nga gusto magvolunteer sa ganiyan. Kulang sila sa tao yun sana maintindihan ng mga tao dito. Kung sapat lang ang tao na makakapag inject ng vaccine edi sana may time nga sila para sa break na sinasabi niyo! Nung minsan nanghingi sila ng break sasabihan niyo na reklamador naman.

      Delete
  12. Ngssalita pa sya na itusok ko na Mam ha, nag ok pa ano yon ang utak at katawan di tugma sa ginagawa? Nako ate

    ReplyDelete
  13. wala namang trabaho na hindi nakakapagod pero sana maging maingat si nurse... makakalimutan i push yung syringe? hmmmmmmmmmmmm

    ReplyDelete
  14. Si ate naman sana hindi na din kinalat ung video since nabakunahan naman na. Kawawa si volunteer nurse, pagod na din siguro. Hays

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama lang yan para maging vigilant ang mga tao

      Delete
    2. Ok ka lang 3:42? Bakit kasalanan pa nung nag- video. E kung di n’ya nakuhanan e di wala pala s’yang bakuna. Hindi excuse na pagod, e di sana nag- off yung nurse kunv pagod na pagod na pala s’ya. Ano yun yung babakunahan mag- adjust sa kanya? Ilan pa kaya ang ginanyan n’ya?

      Delete
    3. This needs to be publicized para aware ang lahat. Imagine sobrang laking tulong nito para bantayan maigi yung pagpapabakuna

      Delete
    4. Kaloka ka 3:42, isisi pa sa vaccinee? Tama lang na ni-share nya yung vid to make everyone aware na may gaintong miss! Nakakaloka pano if sayo mangyari yan? Kala mo safe ka na yun pala hindi pa? Lol! At least ngayon ung mga tuturukan magdedemand na to see the syringe before and after iturok sa kanya yung vaccine lol!

      Delete
  15. Are u kidding me... negligence ito at bawal kayo mgkamali dahil buhay ang nakasalalay dto!

    ReplyDelete
  16. Grabe, obvious na sinadya, dahan dahan pa nya binaba after iturok! Duh sino lolokohin nyo!!!

    ReplyDelete
  17. yes its human error pero iba yun sa common sense. buti mabait yung nagpabakuna.

    ReplyDelete
  18. Alam nyo kung wala tayo sa Pinas pwedeng i-sue yung nurse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo, pasalamat yung nurse nasa pinas sya. Pero sabagay, ang pinay nurse sa ibang bansa, di talaga pwede magkamali kasi walang awa awa pag sila nagkamali. Super strict kaya mas competent mga nurse

      Delete
    2. Sabagay mas ok pa din maging nurse sa ibang bansa. Kahit mataas expectation mataas naman ang sahod. Dito wala na nga halos kita sila pa ang na ccriticize tapos yung dahilan kung bakit lutang sila at pagod lahat di naaadress.

      Delete
  19. I don't know why but duda then ako sa video parang sinadya eh. IMO

    ReplyDelete
  20. Sinabi naman na nga na kinorrect naman agad nung nurse yung nangyari hayyy anything for the clout

    ReplyDelete
    Replies
    1. 4:28 e di pag halina bawang nangyari sayo yan or sa kamag- anak mo na may medical malpractice “intindihin” mo na lang. Yan yung mga profession na bawal magkamali dahil buhay nakataya

      Delete
  21. Marami ng nag cicirculate na ganyang vids. Sadyang hindi tinuturok.

    ReplyDelete
  22. Mukhang hindi naman sadya. Minsan may ganung mistakes lang talaga lalo pag pagod na. Ano naman makukuha ng nurse kung sadyain yun?

    ReplyDelete
  23. Bakit pa kelangan ipost ito kung na-resolve naman na pala itong incident na ito right then and there? Give this nurse a break! Benefit of the doubt. They’ve been working their asses since last year!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 4:46 para maging aware mga tao at maging vigilant pag sila nagpapainject.

      Delete
    2. true. madami na naman magagaling na commenters.

      Delete
    3. My gosh it's not about the nurse! It's for the public to be aware na dapat alert sila kasi human error happens

      Delete
    4. Di ka pa magpasalamat na nalaman natin na pwde mangyari ang ganyan. At least magiging mas vigilant mga nagpapaturok at ang nagtuturok.

      Delete
  24. parang d nga ko maniwala na fault ng nurse e. baka nautusan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek. alam mo naman sa pinas politics is the dirtiest business.

      Delete
  25. This scares me. How many people ganyan and nangyari, hindi lang nila nahulicam? So akala mo vaccinated ka na, hindi pala. My mom just got her first dose, she wasn't looking at the needle kasi ayaw nya nerbyosin and she said sobrang gaan daw ng turok, she didn't feel a thing. Paano kung ganito nangyari sa mom ko, how do we know? Scary talaga. They should not brush it off and treat it as isolated lang, there should be serious monitoring and quality control after this kasi Kung Hindi pa sya nahuli nung patient mismo eh di Hindi nabuking.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Huwag itago mga ganitong kapalpakan. Pasalamat pa nga si nurse naka mask siya

      Delete
  26. Nurse din ako, 2nd year pa lang tinuturo na ang proper medication administration. Kung pagod ka na, magpahinga para walang error sa medications. Kung sa vacc site nagkakamali ka, what more sa ospital kung saan mas maraming klaseng meds ang need mo ibigay. Sorry pero this vounteer nurse needs to take a refresher course.ingat ingat din kasi, pangalagaan mo ang lisensya mo which is a privilege and not a right.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice to see a nurse here with the same opinion

      Delete
  27. Sa next dose ko titignan ko para talagang sure na nabakunahan ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mararamdaman mo nman if naturok yung gamot magiging mabigat yung braso after ilang min. Then sa gabi dun na yung lagnat.

      Delete
    2. Omg ako din yan gagawin ko!!! Yung kampante ka na alam ng vaccinators ginagawa nila pero may ganito kaya dapat i confirm pagkatapos maturukan - “Miss, patingin nga ng syringe?”

      Delete
  28. Na-distract ang nurse sa pagcomfort sa anxious patient. It can happen. Human nature yan. Kahit routine na ginagawa ang isang bagay, ma-distract ka lang ng slight, magkakamali ka na. Kaya nga sa industry namin, laging may nag-dodouble check na ibang tao, at pag pagod na, pahinga. Mas prone to error ang tao pag paulit-ulit ginagawa ang isang bagay at pagod na siya.

    ReplyDelete
  29. Mararamdaman mo naman yun fluid once magstart ng injection, pagod na siguro ang nurse, nakakalito na din minsan kung nainject ba. good thing lang may video pero mali naman ata na nag judge sa nurse ang mga tao. Kayo kaya ang magtrabaho ng ganyan may risk pa sa kanila at lalo na d sila well compensated. pagod at dedication sa sinumoaan nilang trabaho kaya wag masyado magsalita ng d maganda

    ReplyDelete
  30. Yung syringe has safety cap. Dapat make it a habit na ipush ang plunger all the way until ma engage yung safety cap to make sure lahat ng dose na-ibigay.

    ReplyDelete
  31. Mabuti na lang at nirecord nya ang sarili nung binabakunahan sya.

    ReplyDelete
  32. tao lang mga teh, nagkakamali din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di mo yan pwede sabihin pag sa medical field ka lalo na may kinalaman sa mga gamot at buhay ng pasyente. Di yan gaya sa pagiging kahera na pag kinulang ng barya, pwede mong abonohan,its not like that. A simple mistake in healthcare can take a life.

      Delete
  33. Im an RN here in Canada. Sorry but this is not acceptable. The Nurse should get suspended or ban from administering vaccines. We are talking about life and pandemic. Kung di nya sineseryoso goal to immunize majority of the population, hanap dapat syang ibang work. She is incapable and negligent.

    ReplyDelete
    Replies
    1. this is what im saying, sa ibang bansa mataas ang standards talaga. Hindi lenient gaya dito kahit buhay ang usapan

      Delete
  34. Hmm...ilan kaya sa mga nagpabakuna may ganon din nangyari, sila mismo di alm dahil walang video

    ReplyDelete
  35. Guys! Anu masasabi niyo sa mga tao anti vaxxer. Nag pa vaccine ako Tapos yung pinsan ko post ng post ng Anu Anu… parang laki kasalan ko nag pa vaccine ako. Parang in a few years I will be dead. Medyo kasi nakaka praning post niya Kaya ayun sa Inis I have to unfollow her… haaay Hinde ko na Alam :( I can’t blame them but….. Ewan ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ka ba nabakunahan nung baby ka? Ganon lang yun vaccine. Good luck sa pinsan mo.

      Delete
    2. Madaming ganyan sa Pinas 201. Buti nlang nag unfollow ka. Baka marami syang pera pambayad ng ospital kaoag nagkacovid. Goodluck nlang sa kanya.

      Delete
    3. Bakit kasi minamadali yung sticker sa bakuna???!!! Unahin muna ang atensyon at hawak sa injection noh. Hindi naman nakaka infect kung exposed pa ang tinurukan na balat, pahiran na lang ng alcohol bago mag sticker.

      Delete
    4. Your body your right!

      Delete
  36. Negligence at its finest. Buti na lang nahuli cam, kundi anong mangyayari, yung akala nung pt na somehow immune na sya yun pala walang naiturok sa knya. Kaya advise lang sa lahat ng magpapavaccine, it is okay to always ask the nurse, you can also check the meds and the syringe or tingnan mo mismo habang tinuturok sa'yo, for safety na din.

    ReplyDelete
  37. Root cause analysis, kulang ang staff bka ang ratio niyan is 1:100 so ang tendency napagod si nurse, di na siya functional but still, nagtatrabaho pa din siya. Ano ang dapat gawin? Sanction si nurse kasi whatever her reason was, buhay ang nakasalalay dun. Sa LGU/DOH galaw-galaw, yung mga HCWs natin affected na ang trabaho nila.

    ReplyDelete
  38. Baka nairita dun sa pasyente na natatakot magpaturok pinag antay sya kaya tinurok lang nya yung karayom. Susme kita naman na may laman yung syringe nakataas pa yung pusher.

    ReplyDelete
  39. the way i see it, that was not a simple mistake but negligence on the part of the medical staff. Nahiya na lang siya siguro to say something after narealize niya na hindi na administer yung gamot. But imposibleng hindi niya alam what happened.

    ReplyDelete
  40. Na distract si nurse sa pagbilang, 1, 2, 3 kaya di nya na push yon plunger. May pananagutan si nurse, nag volunteer sya Dapat Alam nya ginagawa nya and if pagod na di naman bawal mag rest. Mahihirapan na sya mag apply sa work due to her action esply work other countries.

    ReplyDelete
  41. di ko alam kung bakit pero napansin ko dito sa work namin sa japan, nung time na vaccinああation for influenza, nurse ang nag va vaccine, but this time dr. lang lahat. after na nabigyan ka ng shot they us to stay for a while like 20mins.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl kulang na kulang ang doctor, nurse at health workers sa pinas kaya hindi pwedeng puro doctor lang mag vaccine. Ganyan din dito may post vaccination observation after ko maturukan ng vaccine pinag stay din ako ng ilang minutes then pipirma sa card ang observer bago ako pinauwi.

      Delete
  42. If we could only check where did the nurse place the syringe after.

    ReplyDelete
  43. problema ito. takot pa naman ako tumingin pero kailangan ko tignan kung naipush talaga. binibgyan ako ng stress ng video na ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pede rin check mo nlang syringe after kung wala na laman

      Delete
  44. Lahat naman tayo napapagod, kaya hindi excuse ang 'baka pagod'. I'm working as an engineer sa energy refinery industry. Tiny lapse in my judgment can lead to energy shortage or worse death. P'wede ko rin bang idahilan yang 'pagod ako' kapag nangyari yan?

    ReplyDelete
  45. Diba puedeng nalito si ateng nurse.. wow eh di kayo na perpek

    ReplyDelete
    Replies
    1. 3:28 di pwede yang ganyan reason na nalito sa healthcare. Lives are at stake. You don’t have to be perfect BUT don’t be negligent. Nalito? Baka license maging kapalit niyan or another life.

      Delete
    2. Hindi pwede teh! Susko kaloka ka. Di mo kailangang maging perfect. Ang kailangan ay gawin mo ng maayos ang trabaho mo.

      Delete
  46. Nag- coconcentrate kasi sa ilalagay na bandage eh!!

    ReplyDelete
  47. Negligence. Wag nyo ng ipagtanggol ang nurse. That’s her purpose there to vaccinate tapos paanong makakalimutan? Imagine if this isn’t the first and only case and walang video? Pumila ka ng matagal then this. You felt safe but then hindi pala talaga. The nurse should be held accountable!

    ReplyDelete
  48. Girl, you only have ONE job!

    ReplyDelete
  49. Show some empathy to the nurse; it may only be her way of living. And onting common sense—why would she do that on purpose and risk her job/license? Sobrang obvious na nagvivideo yung binabakunahan kasi front cam ang gamit nya; the nurse would see that. Why would the nurse risk exposing herself like that? We're all humans, we make mistakes even at the things we think we're great at.

    ReplyDelete