Friday, May 21, 2021

Insta Scoop: Chito Miranda Urges Everyone to Get Vaccinated


Images courtesy of Instagram: chitomirandajr

 

51 comments:

  1. iba talaga oag celebrity.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba talaga kung magaling at organised ang mayor mo just look at Pasig with Vico tapos sila Chito taga Cavite ata.

      Delete
    2. Sis wag ganun. Actually malapit lang kami kina chito and my mom is isa sa kasama sa mga nag vavaccine. Wala pong artista dun. Nagregister po sila that's for sure

      Delete
  2. aba at naka 2nd dose na? yung mga byenan ko na seniors hindi man lang makapag-book ng appointment para sa 1st dose tapos etong si Chito na malakas pa kalabaw eh naka-2nd dose agad?

    ReplyDelete
    Replies
    1. At hindi daw dahil bokalista sya ha. Ang lagay e may comorbidity sya?

      Delete
    2. Dear, kasalanan minsan ng LGU yan. Follow FB account din ng mayor ng city ninyo para updated ka. Usually theyll post the vaccination venue sa page nila. Dont be choosy pag ano ang andyan, get the jab at once. I had sinovac, apparently sa lumabas na study 96% effecyive siya after 2doses. Pag mabilis ang LGU mababakunahan agad ang constituents

      Delete
    3. Saan po location nyo? I didn’t have a hard time. I’m done with my second dose too. Hindi naman ako celebrity. As in nagregister lang ako online at pumunta sa site. Afaik initially kasi ang seniors kailangan astra zeneca so walang slots for seniors then they puede na din sila sinovac.

      Delete
    4. How sure are you na mas malakas pa sya sa kalabaw at wala syang comorbids? Kasalanan ba nya na hindi makapagparehistro sa bakuna ang mga biyenan mo? Yung LGU ang tanungin mo kung bakit, hindi yung sisisihin mo yung iba.

      Delete
    5. Saang LGU ba kayo? Magpa register ho kayo sa barangay. Di naman sumbungan ng bayan to.

      Delete
    6. Jusko ang daling magpabakuna ngayon oy. Yung mama ko may comorbidity tapos na sa 2nd dose. Baka naman gusto niyo puntahan pa kayo diyan.

      Delete
    7. Yung mga me kakayahang magonline e SILA MGA NAUUNA.

      Delete
  3. Pano ka naman nakakasiguro na sa FB lang nag-re-research ang iba? at pano ka rin nakakasiguro na laging tama ang mga doctors namin? Ngayon pandemic nagka-labu-labo na ang info at nahati na ang mundo pati mga experts at mga doctors mismo. Time will tell. Time lang ang makasasagot sa sangkatutak na mga unknowns.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Vaccination is the only way for us to get any semblance of normalcy back. We all need to do our part. Pero kun ayaw mo puede din naman wag na lumabas ng bahay forever.

      Delete
    2. I remember january 2020 may mga doctors pa sa bottomline ni boy abunda claiming na covid is just a flu and mababa fatality rate nito. Few weeks after boom lockdown na sa pinas nasan na kaya mga doctor na un.

      Delete
    3. Di lang sa Pinas 2:03. Kahit nga dito sa Canada, nung una sabi low risk lang ang transmission. Ni hindi banned ang travel. Wala ring mask mandate. Early January yan. Tapos by 2nd week ng March, lockdown na. Ganun pa rin sinasabi noon. Di raw necessary ang mask. Pero kami, before lockdown, nag mask na. Kaya madalas kaming tanungin if we're okay or may sakit daw ba kami? Wala akong paki if I got curious looks.

      Delete
  4. Nakakatawa. Nang u urge pa sila, pero kapag may pila kahit registered, di naman maturukan. Parang naglolokohan na lang.

    ReplyDelete
  5. Mahirap ba magpabakuna sa Pinas? O ayaw lang ng mga Pinoy sa available vaccines na offered sa Pinas?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabagal. A1-A3 pa rin, so healthcare workers, seniors, and with co-morbidities.

      Re “urges everyone”, maraming gusto nang magpabakuna pero waiting pa for their turn and the supply.

      Delete
    2. Mabilis lang....register lang...depende sa LGU
      May efficient na city meron din parang Wala lang. Dito sa San Juan City mabilis lang...walang palakasan lahat sumusunod...

      Delete
    3. inuuna mga seniors at may comorbidity tsaka na yung mga iba.

      Delete
    4. Medyo natamaan ako sa “urges everyone”. Jusko kung alam niyo lang, gustong gusto na namin magpavaccine pero kulang or wala supply sa ibang mga provinces dahil inuuna sa mga city and inuuna ung sa a1-a3.

      Delete
    5. Yung relatives ko kasi kahit pwede na sa available vaccines sa Pinas they opted to wait for Pfizer and Moderna.

      Delete
    6. Dati mabagal pero mabilis na siya ngayon. Dito sa amin pwede na ang A4 yung mga essential workers. Meron na rin pfizer.

      Delete
    7. Yes mabilis na sya, nagulat nga kami kasi nagparegister kami May 18, nakareceive ng text May 20 may sked na for vaccine, May 21 nabakunahan na kami, first dose next dose is on Aug 6 pa uli, medyo matagal pa pero ok lang, Astra Zeneca tinurok

      Delete
  6. I see a lot of people na sumisingit sa vaccine ang may ganyang paandar. Advocating getting vaccines kuno. My mother-in-law na senior and my husband na may health issues hindi pa mabakunahan kasi di pa daw available for them. It’s not like we don’t want to get vaccinated. We’re just considerate of others. Alam namin na may prioritizations and we are just waiting lang.

    ReplyDelete
  7. SANA ALL !!!! gsto na nga namin kaso wala pa txt msg sched sa city hall.

    ReplyDelete
  8. Mukang another mark Anthony eto who jumped the line. I checked the comment on Chito's IG, di nya sinasagot ng diretso if my comorbidity sya o wala. Ang dali lang naman sabihin na may comorbidity sya at kasama sa priority A3, pero di nya sinasabi. May paeklat pa syang maaga daw sya nagparehiatro. Hello, hindi naman unahan magparehisgro but based on priority ang pag bakuna. I'm soo disappointed.

    ReplyDelete
  9. Gulo sa pinas! May priority group pa ba?! Daming artists may vaccine na! Lahat may A3?! At oo alam ko LGU yan pero di ko pa din gets bat nauuna mga artista!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi may iba sa kanila pasok sa eligible groups at nag register. Also, mga taga NCR din sila which is also nasa priority ng na mabigyan ng bakuna ng national government. Pag nagtyaga mag register at naghintay magpa sched, nababakunahan naman. Mahilig lang sila mag post. Wag puro kuda.

      Delete
    2. A3 is comorbidities. Napakadaming nasa listahan. Pakibasa na lang. So probably meron sila. Kun nagsinungaling sila it’s on them. Pero ako na hindi celebrity with comorbidities sobrang dali lang. Tapos na ako sa second dose ko. Nagregister lang ako online then punta na sa site. Depende yan sa efficiency ng LGU. Yuj seniors kasi initially astra zeneca dapat. There was a time na sinovac lang available. Kahapon sa site napakadaming seniors kasi may new batch na ng AZ.

      Delete
  10. dito sa amin sa caloocan mon-sat may schedule at madaming venue ha.. inuuna muna category A1 to A3 .. walang palakasan basta maibigay hinhingeng requirements..

    ReplyDelete
  11. Naka full dose na parents ko. Maayos din pamamalakad sa city namin as long as nagparegister. Di pa nakakarating yung bakuna kasi ang alam ko nagstart na pre registration at seniors ang inuna at priority sa prereg na yun.

    ReplyDelete
  12. si Chito naman ngayon ang makuda.

    ReplyDelete
  13. Mahirap lng kmi, pero both of my parents are fully vaccinated. Hindi sila namili ng khit anong vaccine. Take note in our baranggay they also accept walk in! Minsan kc wala din s namumuno ang problema nasa tao din. Ang hilig makinig sa Mga sabi sabi lng. Just saying

    ReplyDelete
  14. Akala ko ba hindi pwede turukan sa part na may tattoo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman contraindication sa pag inject sa area na may tattoo.

      Delete
    2. Sinong nag sabi nyan sayo, girl? Ang tattoo ay nasa dermis lang. Ang vaccine ay intramuscular.

      Delete
  15. ung vlogger n fnfollow ko sa YT got vaccinated sa Manila waited 7 hrs. 1st dose Pfizer. Kaloka db..she is under the comorbids

    ReplyDelete
  16. Flex ko lang sa Pasig city. Both my parents received their vaccines already. Also my sisters with comorbidities.

    ReplyDelete
  17. Sa LGU samin maraming di dumating na scheduled for vaccination, ang ending madaming sobra at hindi na siya pwedeng ibalik so itatapon na yun lahat kung di maituturok within the day. So nagtatawag nalang sila sa kalye ng gustong magpa vaccine kahit hindi A1-A3. Nung unang araw, 50 yung sobra, sayang talaga. Madami tayong vaccines na mag eexpire sa June, wag niyo ipagdamot yung vaccine lalo na sa may gusto kahit pa artista yan

    ReplyDelete
  18. Flex ko lang ang CALOOCAN: Mayor and the frontliners. May sistema at mabilis ang roll off. Inuna yun mga barangays na marami covid cases with 300 slots distributed in schools, coliseum, basketball court etc. They alloted 3 doctors in every venue kaya mabilis ang bakunahan.

    During the early roll off halos wala pumipila o nagpa profile kasi takot pa kaya nagtawag na sila sa lugar namin for people who are not under the categories to get the jab KESA MASAYANG ANG BAKUNA.

    Efficient ang LGU namin na observe ko din kahit sa bigayan ng monetary ayuda (di ako nag avail) at sa rice/food ayuda during each lockdown

    This pandemic has taught us many lessons. One of which is WHO TO VOTE OR NOT NEXT ELECTION

    Wag ninyo iboto ang lagi tulog, maingay at nakakalito sa sunod. Pasakit yan mga ganyan LOL

    ReplyDelete
  19. Huwag mo kaming pangunahan Chito!

    ReplyDelete
  20. depende ata kung saan ka nakatirang city

    ReplyDelete
  21. Pa urge urge ka pa kala mo naman ang bilis lang magpavaccine.

    Btw, why do people post on social media when they get vaccinated? I don’t get it. It’s not like other people care.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baks marami pa rin takot and for a lot of people hindi enough yung mga information campaign. Minsan mas magppush sa mga tao eh kung marami na gumawa nito or may mga kakilala or ka close na nagpabakuna. Bandwagon effect. If thats what it takes to convince people to get vaccinated and for us to achieve herd immunity, im all for it.

      Delete
    2. It's to urge those na ayaw magpabakuna and their followers na hesitant pa to get vaccinated. At ma-achieve natin ang herd immunity ASAP. Para saan pa ang influence ng celebrities kung hindi gagamitin sa ganitong mabuting adhikain?

      Delete
    3. Ay 12:53, di naman mahirap magpabakuna dito sa lugar namin. Medyo natagalan lang matawagan after registration pero pagdating na sa vaccination site, walang hassle. Malas mo sa LGU nyo. BTW, Tagaytay kami, kalapit lang din ng Alfonso.

      Delete
  22. 2:15 am I don’t live in the Phils so hindi ako malas sa LGU namin. Dito sa Australia, we just go to the clinics that have available vaccines to get vaccinated. Walang hassle.

    ReplyDelete
  23. is it normal to feel na ayaw ko magpa bakuna? I just don't trust that these vaccines are rushed. and walang liable if something happens to you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag nagka covid ka wala rin sasagot sayo. Lol.

      Delete