Ambient Masthead tags

Monday, January 18, 2021

Insta Scoop: Ex-Partner of Jomari Yllana Calls Out Actor for Unpaid Meralco Bills as Children are Affected, Actor Shrugs Off Comment of Netizen








Images courtesy of Instagram: joyfullyenjoingjoy

360 comments:

  1. Kung matigas Talaga, idemanda na niya. Akala ko nice person siya, hindi pala

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang taong irresponsable dapat gumagamit ng condom!

      Delete
    2. Ang payat na ni Jomari. Lol

      Delete
    3. Bat di gawin legal ung sustento sa dlawa nyang kids? Child support kumbaga.. para walang away

      Delete
    4. Bat umabot sa 100k kuryente nyo ate gurl? 24hrs ba open AC nyo.. mag adjust kung wala naman pambayad.

      Delete
    5. Meron talagang deadbeat dads.

      Marami sila.

      May karma yan Jomari.

      Delete
    6. Tama naman ikaw 2:49! Mukhang magastos din si gurl at palaasa. Sana nagtrabaho din siya

      Delete
    7. Anon 2:49 Baks basahin mo naipong bills ng ilang buwan.

      Delete
    8. Ako nga, mag 10 years ng walang sustento pero ni minsan di ako nagparinig on social media.
      Settle your personal affairs privately, ghorl. Yun lang naman. Pasensha na, nakisawsaw lang aang chismosang gaya ko 🤭

      Delete
    9. 249.ngayong pandemic, madami ang hindi nagbayad monthly ng kuryente.malamang ilang bwan yan.

      Delete
    10. Di kaya magtipid ni ate. Yung mama ko hiwalay din kay papa noong baby pa kami ng kapatid ko madiskarte. Hindi nagaantay ng abuloy kay papa. Ngayon college na ako taz kapatid ko Grade 7. Love you mama ko.

      Delete
    11. 2:49 binasa mo ba? Sana hindi kasi kung oo, isa ka sa mga Pinoy na mahina comprehension at kuda agad. Alamost a year nga daw po na binabayaran ni Jomari. Anuvey?!

      Delete
  2. Sana magtrabaho din si girl! Wag iasa sa lalake lalo na walang kwenta ang ama ng mga anak nya. Just saying.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Kung wala palang sustento, bawasan na ung aircon, magtipid sa kuryente, etc.
      Wag umasa sa iba. Matutong magtaguyod ng pamilya at tumayo sa sariling paa.

      Delete
    2. Eto yung iniisip ko Sis. Wala bang trabaho yung babae? Paano yung Motherly instinct to protect & provide sa mga anak? Kahit sana man lang gumawa rin siya ng paraan para may konting income silang mag-iina...Tapos saka niya habulin yung delinquency ni Jomari for reimbursement sa mga gastos niya sa care ng mga anak nila. Ang tagal na ng hiwalayan nila pero hanggang ngayon wala pa rin bang source of livelihood ang babae na yan?

      Sana naman yung mga pamilya ni Jomari pagsabihan rin siya na wag kalimutan responsibilidad niya sa mga anak niya.

      Delete
    3. Sure kang wala syang work bakla? 100k is not a joke.. 20k nga lang sa ngaun ang hirap ng bayaran.. yang 100k pa kaya..sana wag bumuntis ng bumuntis kng walang pantustus! Wag pabibo..🙄🙄

      Delete
    4. Kung may pang bayad sa yaya. Career woman si girl before nabuntis ni Jomari.

      Delete
    5. She has rakets! Extra siya sa MMK JC Alcantara story at sa ganda at hubog ng katawan niya maraming magaabot ng tulong sa kanya!

      Delete
    6. I agree na dapat hati sila pero with what I remember is maganda ang trabaho ni girl then pinag resign ni Joms to take care of the kids then he suddenly dumped her

      Delete
    7. Victim blaming naman kayo. Siya nga un inabandona. Tama lang un. Kunin niya un para sa mga anak niya. Buhay binata naman si Jomari kala mo walang responsibilidad. Sila ni Abby Viduya pasyal pasyal lang

      Delete
    8. @1:10 AM, kung may makukuha kang "supply" ng pera, why work at all? :) Mas madaling humingi kesa mag trabaho :) isip isip din :)

      Delete
    9. 1:10 at 1:31 Wow kayo na magaling kaso nagmamagaling lang. Madali lang yan sa salita. Pero kung iniwanan ka na ng dalawang maliliit na bata impossibleng di ka hihingi ng tulong sa lalake lalo na kung may kapasidad naman.

      Delete
    10. Korek! Itong babaeng to di naman sya disable bakit di sya magtrabaho try nya kaya maging independent hindi yung nakasandal lang sya sa pader. Iniwan ka nga bakit parang habol ka pa rin ng habol. Kung ayaw magbigay bakit mo pinipilit kung ayaw. Move on without depending on him geeezzz

      Delete
    11. Madaling sabihin yan na magtrabaho. Hindi po madaling magtrabaho lalo na kung me 2 maliliit na anak.

      Delete
    12. iniwan din ako at walang sustento pero di umabot ang bill ko sa meralco na ganyan. nawalan lang ako ng asawa, hindi naman nawala ang wisyo ko. nagising pa ako sa katotohanan na walang pwedeng asahan kundi ang sarili.

      Delete
    13. 2:31 Halos one year na hindi nagbibigay. Anong way of thinking ang meron ka.
      Oh, I know....TAMAD. If the dad is not man enough to be responsible for his kids, then the mom should step up and show her kids how to be responsible.

      Delete
    14. Uy grabe kayo. Madali lang sa inyo kasi wala kayo sa sitwasyon. Mahirap mag trabaho lalo na kung may dalawang maliliit pang anak, paano kung walang pagiiwanan di ba? Iaasa sa yaya? Hindi ganon kasali yun. Empathy. Try nyo ilagay ang sarili nyo sa sitwasyon nya bago magbitiw ng salita.

      Delete
    15. Kung 2 bata inaalagaan nya sa papaanong paraan pa siya makakapagtrabaho. Responsibilidad ng tatay yun wag niyo sisihin ang babae!

      Delete
    16. Yan din ang iniisip ko before, na bakit hindi sya magtrabaho, mukha namang matalino si ate girl. Try to check her posts. Actually, sa tingin ko pag may chance syang pagkakitaan, go sya. May mga inoonline sell sya paminsan e. Its just that walang mapag iiwan sa mga bata. Imagine 2 toddlers magkasunuran ung age. Sobrang hirap maghanap ng yaya ngayon na mapagkakatiwalaan. Kaya nakakaawa din si ate girl. Mukha pa naman syanh may dunong talaga, hindi lang makapagwork.

      Delete
    17. mga teh. Matutong magtrabaho. Yes kailangan talaga ng child support dahil dalawang maliliit na bata. Pero pag ganyang iresponsable yung tatay dapat matuto kang humanap ng paraan.

      Delete
    18. 1:31 Anong pinagsasabi mo na wag umasa sa iba eh di naman ibang tao si Jomari. TATAY iyon ng mga anak niya. Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos obligasyon niyang suportahan ang mga anak niya lalo na at maliliit pa.

      Delete
    19. 2:31 iba ka din no? Trabaho lang pag may time kung kaya. Wag lang iasa sa hingi.

      2:25 and 2:33 ayan na naman yang victim blaming. Minsan ang victim blaming ay excuse para lang di mo mapuna ang ginagawa ng tao.

      Di ko sila kilala, pero mas nadidisturb pa ako sa mga pakunyari na non judgemental comments e lahat naman tayo nakikichika lang din. Haha

      Delete
    20. 2:33 dalawa din junakis ko and I tried na humingi ng sustento years ago, hindi ko nipost in public.

      Focus na lang sa work and raising the kids.

      Delete
    21. para skn d un victim blaming choice nia yan n nagkakaganyan cia! alam nmn niang ganun ung ugali ng jomari tumuloy p dn, ayan cia dn nagsusuffer nadamay p mga bata.

      Delete
    22. 2:25 & 2:33 Sa dami ng single moms sa buong mundo na mag-isang naitaguyod at napalaki nang maayos ang mga anak nila, hindi imposible pag gusto.

      Delete
    23. Hindi naman victim blaming yan, kasi hindi naman sya biktima.. Una she choose jomari to be the father of the two boys, nakadalawa nga sila diba, hindi naman sguro sya na rape.. 2. Ang sinasabi nila, papaano nya hinayaan na lumobo ganyan kalaki ang kuryente nila.. Sa totoo lang, khit sa batas, 50/50 sila.wag nya iaasa lahat kay jomari, councilor lang yung tao (not unless maging corrupt nalang sya, para to provide everything for his two sons and sa nanay) 3. Ano ngyari sa women empowerment ekek? Work, para sustento sa anak mo, para lang sa anak mo.. At iba para sayo. Hindi pwde kumita si jomari ng 50k kada buwan, ibibigay sa knya lahat.. Pero si jomari naman, sana lang, mag double work ka, aba dalawa yan. Sana man lang nagisip, bago nagpasarap..

      Delete
    24. 2:31 ganyan ang salita ng mga tamad katulad mo. Pwede namang humingi ng child support, pero pwede ring magtrabaho ka. Mga thinking katulad mo, kaya walang asenso sa pinas

      Delete
  3. eh bat ka asa ng asa sa lalakeng yan? rule nuber q sa buhay. wag umasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree! Self-respect naman.
      Wag gawing ATM ang mga lalake.

      Delete
    2. Yan din rule ko. Kaso iilan lang tayo. At saka dalawa naman sila gumawa ng mga bata. Tama lang na humingi siya ng sustento.

      Delete
    3. May anak si Jomari sa kanya. Dalawa pa. Minor pa. ATM agad?

      Delete
    4. 1:10 di naman niya umaasa iyung sarili niya. Para lang sa mga anak niya. Di ba uso sa iyo ang awa?

      Delete
    5. 2:00 yun na ngay may anak sila. Kung nagbibigay man ng sustento si Jomari, asan naman ang sustento ni girl sa mga anak nya kung wala siyang work? Eh di parang ATM na si Jomari kung galing sa kanya lahat ng panggastoz nila. Dapat mag work din si girl para di iasa lahat sa lalake. Sa sitwasyon nila na hindi nagbibigay si guy, san na sya kukuha ng pera panggastos nila?

      Delete
    6. naintindihan ko na may responsibilidad si jomari pero this girl could have earned my respect if shes doing her best and not just posting her expenses for her ex to help her pay for it. pareho lang silang loser kawawa ang mga anak.

      Delete
    7. Kaya dumadami ang katulad ni Jomari na irresponsable at makapal ang mukha na mga lalaki kasi marami ring kulang sa kaalaman sa batas sa atin at pinipilit na wag umasa sa lalaki. Jusko, KARAPATAN HO YAN NG MGA ANAK NI JOM NA HUMINGI NG SUSTENTO SA KANYA KUNG KAYA NYA NMAN IBIGAY. Napakamura ng condom, eh hindi nman magawang gamitin kaya ayan, SUSTENTO. Wala na kayong paki kung may trabaho o wla c ate gurl. Dapat nga alam ni Jom yan kasi konsehal yan diba? Iboto nyo pa yan. Lol, hay Pinas nakakaawa. Lol

      Delete
    8. Nag oonline selling siya nakita ko sa ig nya and wala siya yaya

      Delete
    9. nakakawala po ng respeto yung mga may problema na nga or obvious na kailangan ng mga bata yung pang araw araw then ayaw mong mag trabaho. Batugan na ang tawag sa iyo.

      Delete
    10. 2:36 palyado ang reasoning mo. Kasi Si Jomari may trabaho pwede naman niyang hingan ng sustento. Si Jomari hindi na sila pinupuntahan. Hindi na sila naalagaan. Ang gumagawa non nanay. Di mo pwedeng ipares ang role ni Jomari at nung babae dahil magkaibang magkaiba. Si Jomari di na nga nag aalaga di pa nagsusuporta. Wala ka pa din bang nakikitang mali don? Ikaw na yata ang may mali

      Delete
    11. Konting pride sana. Medyo hindi naman maganda yung ipost sa socmed yung personal and money matters. Hello, ang daming single mothers sa mundo pero naitaguyod nila ang pamumuhay.

      Delete
    12. bata pa mga anak nya. ayaw nya g iwan kung kanino kanino lang, lalo na pandemic. si jomari sisihin nyo dahil sya ang walang kwenta! aanak anak tapos iiwan! dalawa pa! wala g kwenta!

      Delete
    13. Obligasyon ng ama na magbigay ng sustento sa anak dzai.

      Delete
  4. Eh anong ginagawa ng ex? Hintayin may mahulog na pera sa kisame bago magbayad ng kuryente?

    ReplyDelete
  5. Ang kapal naman ni Jomari. Un lang masasabi ko.

    ReplyDelete
  6. Dalawang maliliit na bata pa iyang iniwan sa kanya na edad 1 at 2yo. Grabe napaka irresponsable ni Jomari. Dapat diyan kasuhan para mapilitan buwan buwan magbigay

    ReplyDelete
  7. Ayan kasi nagpadala sa matatamis na salita..nung mag umpisa dapat red flag na walang trabaho ang lalaki..siya na gumagastos..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasisi pa ung babae. Grabe ka naman

      Delete
    2. Choice nya magpaanak ng dalawa kay jomari knowing his history. Dapat handa sya.

      Delete
    3. Tama..may history na ang lalaki at history sa mga exes ng dahil sa pera..Kala siguro dahil artista nakajackpot na

      Delete
    4. dapat kahit sino pa yan, kailangan marunong maging self sufficient mga babae. Gamit din utak pag may time.

      Delete
  8. Aba sinanay mo sa aircon..mag electric fan na lang kayo no

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto mo pamaypay na lang? Aircon lang naingit ka na

      Delete
    2. Kailangan din ng kuryente ang electric fan. Kaya nga “ electric”. 🙄

      Delete
    3. Atleast and electric fan mababa ang kain ng kuryente kesa sa aircon.

      Delete
    4. 2:47 kahit electric yang electric fan atleast di malakas kumain ng kuryente kesa sa aircon. Yun ang ibig sabihin ni 1:20

      Delete
    5. 2:47. Sinabi ba nyang wag nang gumamit ng kuryente at all? Compared naman sa AC laking deprensya ng konsumo sa electric fan. Just so you know

      Delete
  9. Ghorl kumayod ka!!

    ReplyDelete
  10. Kadramahan. Girl brutality we're experiencing right now ka pang nalalaman...kung makabrutality ka ..akala mo naman giyera na pinagdaanan mo.

    ReplyDelete
  11. Jusko hindi mo nga macontact sa sustento iaasa mo pa ang Pambayad sa kuryente sa kanya? Work work naman please.

    ReplyDelete
  12. Spoiled mo noon ang lalaking yan kasi artista..lahat ngvluho ikaw na para lang di ka iwanan ..ngayon naman..hay naku

    ReplyDelete
  13. Magtipid ka girl at magtrabaho.. walang tulong din yan sa isang anak niya..mag isang pinapalaki na nanay. Di ka mag expect na babayran niya yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:28 actually LAHAT NG ANAK NYA PINABAYAAN NYA.

      mismong panganay na nya ang nagsabi.

      Delete
  14. Aba..wag sanayin ang mga anak sa aircon..electric fan din minsan..di nga nagsusustento sa una niya..sayo pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa una, sa pangalawa, at pangatlo nya.

      walang sustento

      Delete
  15. Kadiri talaga mga lalakeng hindi ginagawa ang responsibilidad!

    ReplyDelete
  16. "Brutality" talaga besh?

    ReplyDelete
  17. 13k a month means me dalawang aircon na nonstop ang tumatakbo at isang freezer. 17k a month e panay turbo broiler at plantsa at coffee maker! Sosyalin ang sexy!

    ReplyDelete
  18. Mali yung lalaki pero girl bakit mo hahayaan na yung walang kwenta mong ex ang kumilos? Ano ginagawa mo all those months? I mean, look at your bill. Tuwing summer nga lang kami nakakaabot ng 4k pero okay naman kami. Maluho pa din buhay nyo kung ganon.

    ReplyDelete
  19. Luh dba sabi ng meralco walang putulan gang january 31

    ReplyDelete
  20. Kailangan ba pati kuryente siya lahat?

    ReplyDelete
  21. Sana nagtagalog na lng sya. Literal na literal ung english nya

    ReplyDelete
  22. ang gagaling mag comment na mag work how can she when she has 2 super young kids to care for her . and the dad does not even want to pay for nanny - what a dead beat dad

    ReplyDelete
    Replies
    1. She's not the only mother in the world who has young kids. Madaming tao ang nasa ganyang sitwasyon pero nagtatrabaho pa din. If there's a will, there's a way.

      Delete
    2. Kahit may 2 anak, matututong kumayod. May history na siya Jom na ganyan sa unang asawa kaya dapat habang may sustento pa nun maturing magtipid at wag maging maluho. Wag mo isa lahat sa lalaki at ito ka ngayon nagmumuktol sa socmed.

      Delete
    3. Kaya nga. Lalo na un mga edad nun eh dumedede pa. Alagain talaga un ng nanay. Walang mga utak at puso bashers

      Delete
    4. Kung kaya ng mahirap at middle class mag work kahit may maliit na mga anak, bakit siya hindi niya kaya?

      Delete
  23. Sorry ha... Sana binayaran muna ng babae pa Konti Konti ang meralco (Kung May pera siya impossible Wala) since nasa Kanya ang mga bata. Alam mo na nga Walang pag asa ang ex mo Bakit umaasa ka pa bayaran niya kuryente. Gumawa ka ng paraan to pay for it... then habang bayad kana you can demand for payments. Para the kids won’t suffer too...

    ReplyDelete
  24. Magtipid at kumayod ka. Tularan mo mga singlemoms na tinataguyod magisa ang mga anak. Wag ka umasa pa sa lalake lalo na hiwalay na kayo te.

    ReplyDelete
  25. Si Aiko nga nagtrabaho din magisa para sa anak nila. Asa ka pa gur. Work!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Artista si aiko. Anong comparison ba yan?

      Delete
    2. Uhm maraming hindi artista pero naitataguyod ang mga anak. 2:17

      Delete
    3. I think Jomari is disgusting but eto namang si girl, panay eme lang sa socmed. Kumayod ka. Wag iasa sa deadbeat dad. Wala nang pagasa yun.

      Delete
    4. Tama, pwede mag online business. Kung gusto maraming paraan. Tingin ko sa gurl maluho din at di marunong magtipid. Paano umabot ng 100K bill mo gurl?!

      Delete
    5. Porke artista c aiko ok lang cya magbanat ng buto pero yung tamad na girl na yan hindi so walang comparison Dapat? Double standard yan

      Delete
  26. Mukha namang marunong ka mag english at bata ka pa naman. KUMAYOD KA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. TRUE. itaguyod mo naman ang bandera ng mga kababaihan. May dalawang bata na umaasa sa iyo. Mag work ka teh.

      Delete
  27. Kilos kilos din Ate Ghorl kaloka ka

    ReplyDelete
  28. Ung mga tao dito na sinisisi pa ung babae. Anong klaseng mga tao kayo? Napaka linaw diba? Hindi nagsusustento at hindi nagbibigay si lalaki. Sa tingin niyo saan kumukuha ng pang kain yan? Kuryente lang ba ang gastoe araw araw? Common sense naman guys. Kaya may mga lalaking malakas luob mang abandon e kasi may mga tao tulad niyo na sisisihin ung mga babae at para bang kasalanan niya pa na wala siyang sustento na natatanggap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree! Karapatan niya mag demand bilang nanay! Mga bashers dito ung mga taong akala mo strong independent e.

      Delete
    2. Kaya nga lakas makasisi sa babae. Actually un hinihingi niya eh di naman para sa sarili niya. Para sa mga anak nila. Understandable naman kasi halos sanggol pa un mga un ng lumayas si Jomari

      Delete
    3. Strong independent sa KEYBOARD heheh

      Delete
    4. 2:02 ang point lang ng iba which I understand is dapat mag work din si girl at wag iasa lahat sa guy. Lalo na at alam nyang di masyado maaasahan na magbigay ng sustento si guy. Kung hindi magtratrabaho si girl eh kawawa talaga mga anak nya. Be diligent enough and work hard for her kids

      Delete
    5. Agree! Hindi madaling mag-alaga ng baby, lalo na kung 2 pa. Try muna sana ng iba na maging nanay bago magcomment na "ba't hindi magtrabaho?".

      Delete
    6. Maliliit pa mga anak nya.malamang hindi nya inaasa lahat kay jomari.
      Yang ilaw ilang buwan daw na bayarin kaya inabot ng ganyan kalaki.

      Ano ba nman si jomari,konsehal pa man din,wag sana tiisin mga anak nya,walang kasalanan mga bata.

      Responsibilidad nya din mga yan ang liliit pa.
      Si Aiko kc sikat at di nawawalan ng project noon.
      Hindi nman artista yong nanay ng mga bata.

      Delete
    7. May pa birthday month celebration pa sya, take note NOT DAY sabi sa caption sa IG. Tapos may pa costume pa at mga kaartehan, pero lahat ng gastos gustong i-asa sa ex? Nakakaiinis din kasi pag ganyan

      Delete
    8. 2:43 inaasa ba lahat? Kuryente na nga lang ung sinisingil o. Di pa magawang bayaran.

      Delete
    9. 2:43 so if she doesn’t have any other form of income, how are the children eating? How is she paying for water, gas, doctor check up, immunisation fees, diapers, supplies? They are Jomari’s children too and this just shows how irresponsible he is by not providing for his children. Kaya madaming deadbeat dads there in Pinas because women let them be. They need to be called out and be made accountable for their actions.

      Delete
    10. Wag kayong makasisi sa Nanay and stop comparing her to other single moms. Maaaring pareparehas sila single moms pero magkakaiba sila ng sitwasyon. Inisip nyo man lang sana kung may maiiwanan ba sa mga bata kung magtatrabaho sya bago kayo nanisi. Check her ig account or better yet wag puro paninisi. Hindi nyo alam ang puso ng isang ina.

      Delete
    11. teh hindi sa sinisisi ang mga babae. Kasi babae din ako at single mom. Kailangan kumayod. Pwede mong ireklamo, idemanda yung tatay ng anak mo pero aantayin mo pa ba yung resulta habang walang pang kain mga bata?

      Delete
    12. 2:43 Yah pero meron nga siyang 2 toddlers tapos nagka pandemic pa. Hindi madali. Eh si Jomari mukhang may pera naman, pero ayaw magbigay ng sustento.

      Delete
    13. Depende din siguro sa sitwasyon. During the time na naghiwalay kami ng ex ko, working ako at kasama ko sa bahay ang mama ko. So tuloy ang buhay namin ng anak ko kahit di magsustento ang ama nya. 10+ years after, isang beses lang nagbigay ng pera si ex pero nabibigay ko naman lahat ng kailangan at gusto ng anak ko. So wala na talaga syang bearing sa buhay namin.
      Baka sa kaso ni girl e wala syang mapagkatiwalaan sa mga bata. Or may work sya pero di sapat para sa expenses nilang mag-iina. Hindi naman natin alam ang full picture.

      Delete
    14. In my point naman kasi, gaya ko wala naman akong hihungiin sa tatay ng anak ko at walang trabaho patanga tanga kasi ako dati nauna ang love hahahaha, pero nagtrabaho naman ako tipid konti para may pera kami ni baby wala na kng aasahan sa tatay non kahit kasuhan ko un wala ng ibibigay un. Wala ka ng aasahan kundi sarili mo otherwise gutom aabutin kelangan mo dn kumilos talaga

      Delete
    15. Hindi naman sya sinisisi. Wala rin sinasabing wala syang karapatang magdemand. Victim blaming agad tawag dun?? Bakit of all gastusin kasi, yung electric bill pa ang pinili nyang pabayaan? Eh alam naman nyang basic necessity yun. Sa totoo lang, paawa kadramahan nya. Hindi naman 100% ng expenses kelangan iasa sa lalaki.

      Delete
    16. 2.02 sinisisi siya kasi pikit mata siya sa red flag. I mean this is not an isolated case, this happens almost all the time why cant girls get it? As for child support she should go to the court, not to INSTAGRAM.

      Delete
  29. Jusko ung mga tao dito na sinisisi pa ung babae. Malamang gumagastos din ung babae! Napaka liit na porsyento ng monthly gastos lang yan kuryente. Imbis na sabihan niyong mag tipid bakit di niyo sabihin na magpaka tatay naman ung lalaki at huwag kalimutan ang obligasyon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! Nakakoka diba! Parang sa Pinas lang ganyan. Lol, kaya dito sa Eu kung ayaw magkaanak kasi mahal eh di mag contraceptive. Ang mura ng condom no!

      Delete
    2. yes nandun ka na teh at wala naman may gusto sa mga iresponsableng tatay. Pero bilang babae at nandyan ka na sa sitwasyong ganyan. Alangan naman nganga kayo at antayin nyo muna na magdesisyon ang korte sa sustento nung tatay. Paano kung hindi nga magbigay?

      Delete
  30. gurrrrllll try to live within your means. wag mag aircon.. lumipat sa mas maliit na house.. magbawas ng katulong... myghadd. mamamatay kayong dilat sa gutom kung iaasa nyo sa ibang tao buhay nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi "ibang tao" si Jomari, tatay ng mga anak nya yun. Kahit pa may trabaho si girl obligasyon pa din ng tatay magsustento

      Delete
    2. Korek! Wala palang pera pero gusto magbuhay donya eh di wow

      Delete
  31. Hindi natin alam situation ni girl. Maybe she’s working naman, but its also fair for her to demand help from the father. It takes two to get pregnant

    ReplyDelete
  32. Abangan ko to sa RTIA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang magagawa c tulfo dyan! Wala nga cya nagawa dun Sa reklamo Sa kanya against the yllana’s school!

      Delete
  33. Bago niyo bash ung babae bakit di niyo unahin i bash ung lalaki na anak lang ng anak hindi naman nagpapaka tatay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang daw sila mga strong independent women sa ONLINE

      Delete
    2. parehas lang sila. Kung walang trabaho ang babae at yung ama naman iresponsable. Ipaampon nyo na lang sa DSWD yung mga bata. Kakahiya mga ito.

      Delete
    3. nabash n yan dati pa aiko-aramina days p lng sirang sira n cia! kia nga isang malaking pukpok s ulo n lng ang pumatol kai jomari n ayun nagpaloko dn sya

      Delete
  34. Ay wow? Nasisi pa ung babae? Karapatan niya mag demand dahil dalawa ung anak niya. Kuryente na nga lang di pa mabayaran. Sa tingin niyo di gumagawa ng paraan? E anong tawag sa gatas pagkain diaper? Immunizations and other bills? Bash agad sa babae pero ung lalaki di niyo sabihan ng inutil?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basahin nyo mga reply ni girl sa commenters nya sa IG na sinu-suggest sa kanya to find ways para kumita siya. She keeps deflecting it. Parang ayaw rin naman gumawa ng paraan. or magbanat ng buto.

      Delete
    2. Kung ganyan kalaki ang monthly sa kuryente eh medyo mahirap talaga bayaran iyan.

      Delete
    3. 2:43 napansin ko din yun. Ayaw tulungan sarili

      Delete
    4. 2:43 nakita ko nga. Sabi niya sa rep dahil ang lalaki ang gumawa ng problemang to..dapat solusyunan niya daw ..eh dalawa naman sila gumawa..isisi lahat sa lalaki. Alam naman na may history na

      Delete
    5. kung ikaw yung babae. Yes, nandun ka na sa point na kailangan talaga mag sustento yung tatay. But while doing this, kailangan maghanap buhay ka dahil sa iyo nakaasa ang mga bata. Aantayin mo pa ba yung mga resulta ng reklamo or demanda mo bago ka mag trabaho para sa mga bata? girl naman.

      Delete
    6. Karapatan nya ang masustentuhan, totoo. So daanin nya sa legal. Meantime, habang pinapasuka pa nya ng sustento ang tatay, gawa muna sya paraan para itaguyod ang sarili at mga bata. Hindi yung antayin nya dumating sa punto na sa initan natutulog mga anak nya kakaabang ng sustento.

      Delete
  35. Kulang na lang ipako niyo sa krus yung babae at bigyan ng tinapay si Jomari. This is what’s wrong with the family structure nowadays. Men can just get away with it and the society is pushing women to take the sole responsibility of bringing up the kids.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya namimihasa ang mga lalaki na mag anak ng mag anak at iiwan lang kasi maraming kunsintidor. Dito pa lang yan sa fp ha. Nakakaloka!

      Delete
    2. walang nag sabi na maganda yung ginagawa ni Jomari. Yes, mali po ang hindi magsustento o maging iresponsable pero hindi din maganda na walang trabaho ang babae at mag aantay na lang kung may maibigay yung lalaki. Kayod Kayod din pag may time.

      Delete
  36. Demanda mo pero sana wag kalimutan na kumilos din on your own. Wag kang dependent sa ibang tao financially. You’re a parent so dapat diskartehan mo din yung needs and wants ng family mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Artista kasi..akala mayaman..Nag enjoy sa trabel at shopping nung umpisa

      Delete
    2. THIS! sa tagal ng resulta ng demanda, kung yun lang aasahan ni girl baka mamuti na mga mata nila ng mga anak niya. So for now, kailangan talaga niyang mag trabaho at tumindig para sa dalawang bata.

      Delete
  37. Bakit hindi idemanda para matutong sumustento sa mga anak? Wag daanin sa socmed, daanin sa batas tingan ko lang hindi lumabas ang gatas. Jomari bago ka lumandi, cguraduhin mo muna na may pambuhay ka. Anong klase kang tao? Buti pa yung aso nagpapadede sa anak.

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! wala kang mapapala sa pagngakngak sa socmed. Dapat kasuhan na lang niya for child support then maghanap buhay muna siya while waiting for decission.

      Delete
  38. Bakit ang daming victim blamer dito? In the first place, responsibilidad ng lalaki na sustentuhan ang mga anak niya. Kung hindi mo pala kaya, dapat bumili ka ng Trust sa convenience store, nasa 50-100 lang yun.

    Lakas ng loob sumabak sa pulitika e. Buhay mo nga Jomari, di mo maayos. Parañaque pa kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correct! Wala kasing trabaho kaya politika ang ginawang hanapbuhay

      Delete
    2. It takes two to tango. Yes , mali ang hindi magsustento at maging iresponsable pero mali din yung hindi magtrabaho at asahan yung politiko.

      Delete
    3. Equal rights pero pag responsibility bumuhay ng anak sa lalake na lang. ganun pala yun.

      Delete
  39. Sana ako nlng may mga anak. Gagawin ko lahat pra mabuhay ng komportable mga anak ko. Babae ako at wish ko magka anak. Sana bigyan din ako ni God kasi ready kami ng asawa ko. Ready din ako financially on my own.

    ReplyDelete
    Replies
    1. God bless you classmate. Darating din ang para sa inyo. Tiwala lang at wag nyo masyado ipressure ang sarili nyo na magkaanak. 🙏

      Delete
    2. Very good ka klasmeyt! You are whole on your own.

      Delete
  40. inuna niyo pa talagang sisihin ung babae kesa dun sa iresponsableng tatay? Gagaling niyo din a

    ReplyDelete
    Replies
    1. so anong dapat? i applaud yung babae dahil umabot sa 100k ang kuryente nyang di nya mabayaran?! pareho sila ni jomari irresponsible!

      Delete
    2. parehas lang sila. May mali din doon sa babae. Bakit complacent na walang trabaho? tama ba na nasa ganitong sitwasyon pero ayaw mag trabaho? Ano kala niya , naka jackpot sa lotto.

      Delete
    3. Grabe nga mga ito... paano magtatrabaho kung may 2 anak na alagain? Wala naman mag aalaga. Imbes na si Jomari ang pagdiskitahan eh ito pang babae. Taga Paranaque ako, ewan ko bakit ba nanalo yan.🤦🏻‍♀️

      Delete
    4. Ang iresponsableng tatay e hindi na yan mababago. Sa akin lang ha, ineexpect kong mas may sense at marunong humawak ng diskarte ang babae.

      It takes two to tango and kung kita naman sa iresponsableng lalaki na di sya gagalaw e mabuti pang mommy ang gumalaw. Mahirap yan pero... nasa nanay talaga minsan ang buhay ng pamilya.

      Delete
    5. Tinatanong lang namin kung ano ang trabaho ni girl at bakit umabot halos hanggang isang taon na hindi nababayaran ang meralco. It does not mean na sinisisi namin siya. Obvious naman na walang kwenta si jomari when it comes to supporting the kids. We know that already, and she has known it for quite some time now so why hasn't she done something about it instead of waiting this long.

      Delete
    6. Parehong may pag kakamali though one outweighs the other. This is called accountability for your own actions and life decisions. Simple lang kung both or one is not capable of raising children, use birth control.

      Delete
  41. Ang kapal ni Jomari for being a deadbeat dad pero yung girl din naman mukhang lahat gusto iasa.

    ReplyDelete
  42. Gaano ba kalaki ang bahay ni madam at ganyan kalaki ang meralco bill niya? Maanong magtipid iniaasa lang pala ang pambayad sa iba.

    ReplyDelete
  43. Yung feed ni ate gurl nakakaloka.

    ReplyDelete
  44. Here we go again with her long-winded complaints. As much as I don’t want na pasarapin ang buhay ng deadbeat dads, ikaw lang talo sa ganyan mars. Tinitipid ka na nga tapos every day masama loob mo. File for child support. Yung mga anak mo lang kawawa pag bnalikan nila ang messy moment na ito

    ReplyDelete
  45. Hindi naman sinisisi yung babae. Wala nga nagtatanggol dito kay Jomari kasi hindi naman katanggol-tanggol. Ang point lang is alam niya naman na ganyan ang ex kaya wag na siya umasa na magbibigay yan unless idemanda niya.

    ReplyDelete
  46. It's so sad to hear stories like this and people commenting like she should endure all the burden since the father takes nothing to do with the children. I feel sorry for you Joy but do your best to raise the children on your own. Do yourself a favour and spare yourself from further agony. Your ex partner has no shame so it is not worth it to waste your time trying to knock some sense out of him. You will be fine, you have your kids, they are your fortune.

    ReplyDelete
  47. Taas kamay mga victim blamers diyan o! Kuryente lang ang sinisingil! Di pa mabayaran. Kung maka suggest kayo na mag tipid at mag trabaho. Tingin niyo saan kumukuha ng pera yan sa ibang gastusin? Kuryente lang ba ang gastos? Common sense naman guys!

    ReplyDelete
  48. Matagal na kaming nagalit at nanisi dun sa tatay. Point lang namin ngayon e wag nang umasa sa wala yung nanay. Ayaw niya idemanda? Magtrabaho na

    ReplyDelete
  49. Poor kids. Dad doesn’t want to provide support, mom doesn’t want to work.

    ReplyDelete
  50. Yan na naman yung mga feminist na wala sa lugar.

    ReplyDelete
  51. Ayaw mag-work, gusto mag-pose lang ng naka sexy outfits sa fb

    ReplyDelete
  52. Kawawa bata sa ginagawa nitong dalawang to.

    ReplyDelete
  53. Ang daming panay ang sabi wag sisihin yung babae, first of all, dapat suportahan ni Jomari anak nya PERO isang malaking pero...walang trabaho si babae pero ang laki laki ng bill nya sa kuryente per month. Kung magbibigay ng sustento si Jomari, dapat sa food at schooling at other needs ng mga anak mapupunta hindi sa kuryente!!!

    ReplyDelete
  54. mga tanga din yung iba sinisisi yung babae kung yung tatay irresponsible. Tatay ko iniwan kami, after 18yrs nagreach out mag sorry kasi asa death bed na. Anong sorry, di naisip yug pinagdaanan nung naiwan na nanay palake sa anak. Mga sumisisi sa babae ang babaw lang ng nakikita

    ReplyDelete
  55. Pareho kayo may responsibility sa bata, jomarie should pay half of the kids expenses and so should you. Chaka grabe naman bill nyo more than 10k a month, ano ba yan buong village pinapailaw mo? Please live within your means.

    ReplyDelete
  56. Anong ginagawa ng RA 9262? Bakit hindi pa ba kinakasuhan yan? Economic Abuse, emotional, psych abuse etc.

    ReplyDelete
  57. Yung mga naninisi dito kay ate girl, wag sanang dumating ang time na kayo ang nasa position nya or isa sa malapit sa inyo, na aabandonahin ng asawa na may 2 maliit na supling at hindi alam pano kakayod dahil walang mapag iiwanan sa mga bata.

    ReplyDelete
  58. Di dahil artista ang lalaki akala niyo forever na..

    ReplyDelete
  59. What a horrible person this Jomari Yllana.

    Saw the comments above, yung 100k is for almost 1 year na Meralco bill hindi lang 1 month.

    ReplyDelete
  60. Bakit kaya may mga lalake na kaya ng konsensya nila yung hindi makita, makasama at suportahan yung anak o mga anak nila?

    Single Mom din ako and I gave birth via C section 3 months ago. When the guy and I found out na pregnant ako sinabi niya na out siya dito. I didnt get any kind of support from him. Kaya I hustled even harder na lang, kesa mag antay ako na maawa siya sa aming mag Mommy, naisip ko hindi deserve ng anak ko yung ganong klase.

    Sorry ang haba, naka relate kasi ko. To Jomari's ex: I know masakit sa dibdib na ginaganyan ka ng Daddy ng ex ko pero sana dont let your kids go through the same pain na pinagdadaanan mo. Hindi nila deserve yan.

    ReplyDelete
  61. Namumutol na pala ang meralco sana naman wag muna hirap magbudget sabay sabay ang bills pymt maynilad school internet at food pa etc....

    ReplyDelete
  62. Single mother din ako 1 year old at 4 yrs old nung naghiwalay kami, pero kung walang maasahan sa ex dapat kumilos ka rin.
    Maraming single mother na nagtataguyod ng pamilya mag isa na di kailangan magsiraan social media. At ayaw mo ring lumaking me galit sa puso ang mga anak mo.

    ReplyDelete
  63. Pero bakit ang laki ng kuryente? Mamuhay ng naaayon sa kakayahan.

    ReplyDelete
  64. Daanin na sa legalidad kung wala kang mapipiga sa kanya kahit post ka pa ng post sa soc med.

    And because wala ka mapipiga sana wag na inantay na ganyan umabot meralco bill niyo. Would you have expected him to pay because you posted it? Or would you have done it bago kayo pinutulan para di naman kawawa mga bata. Asa poder mo sila. Sana di mo rin inantay umabot sa ganyan. It's not victim blaming but kung wala ka mapipisa sa irresponsible nilang tatay na noon mo pa alam na irresponsible, sana nilakad mo na sa legal baka by now solve na problem mo. Posting it in social media wont solve it. You cant wake up a cold hearted heart. Work for your kids.

    ReplyDelete
  65. Wala bang work ung girl?

    ReplyDelete
  66. Their children deserve financial support.
    Obligasyon ni Jomari na magbigay ng sustento.
    Obligasyon din ng babae na maghanapbuhay para di siya umaasa sa lalake.
    Mas mainam na nakakatayo ka sa sarili mong mga paa.
    Pag gusto may paraan.

    ReplyDelete
  67. Put it on papers. Para legal at walang kawala.

    ReplyDelete
  68. Bakit ganun kalaki ang electric bill nung girlaloo? Alam niya nman pala na hindi nagbibigay ng sustento yung jomari bakit hindi cya nagtipid ng paggamit ng kuryente

    ReplyDelete
  69. Why pinaabot ng ganyan ang Meralco bill? You can't ignore it & just let the debt build up. Both kayo dapat managot. Irresponsibility on both sides. Eh di ipa Tulfo mo so magkakaroon kayo ng agreement sa barangay. Just remember, you have to come with clean hands, as what Judge Just says. Meaning, you've done your part & your best to bring up your kids para walang maibutas sa yo.

    ReplyDelete
  70. I am a single mom with two kids pero naitaguyod ko mag-isa ang anak ko simula pagkabata. Nagwork ako at humingi ako ng tulong sa pamilya ko para mag-alaga ng baby ko habang nagwwork ako, ngayon nakatapos na anak ko ng college na hindi nanghingi ng sustento. Kaya ni ate gurl yan,kahit walang sustento. Right mindset lang at dasal. Saka kung ndi na nga nagbibigay yung lalake, bakit anlaki pa ng monthly bill? Di sana nagtipid na sya sa kuryente,kasi alam nyang wala syang pagkukunan.

    ReplyDelete
  71. ipa tulfo na yan girl! 😅

    ReplyDelete
  72. VAWC na agad. Tsk. Manginginig yan magbayad pag may subpoena na.

    ReplyDelete
  73. Kulong ang abot niyan ni Jomari dito sa US cause child support is very much in place and practiced here. Lalo na kung ganyang dehado ang nanay. Sana sa Pilipinas din. Paano makakapagtrabaho dalawang maliit pa ang mga anak? I hope a good lawyer can help her so she can sue that useless dad of VAWC!

    ReplyDelete
  74. Andon na tayo, karapatan na magdemand ng sustento para sa mga anak.

    Pano kung tigasin talaga at ayaw magbigay.? Pwedeng idaan sa demandahan pero matagal yon, at di mo pa rin alam ang hahantungan. Parusahan man sya pano kung sabihin nya na dahil sa negative press, nawalan sya ng kita na ipangsusustento sana nya.

    In the meantime, ano? Nganga? Kung ang sustento ay para sa mga bata, san kumukuha ng pang araw araw na personal gastos si girl? Oo maliliit and di maiwan ang mga bata. Wala ba syang skill? Di ba sya pwede mag online study para magkaron? Sa panahon ngayon benta ang online service, products, etc.

    Subukan nya mag yt at dun sya mag tell all. Baka sa views pa lang bayad na kuryente nya.

    Be independent women mga baks! Kung magbigay si boy eh di ok, may dagdag pang ipon o panggastos ka.kung wala, eh di buhay ka pa rin. Pero tuloy ang laban.

    ReplyDelete
  75. Nag video pa tlga si gurl na umiiyak ang bata. Dapat di na sinasama ang bata.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...