Ambient Masthead tags

Sunday, August 2, 2020

Tweet Scoop: Celebrities React to Cynthia Villar's Comment on Health Workers To Just Do Their Jobs Well

Images courtesy of Instagram: mr_enchongdee/ mercadojen/ juancarloscuenca

Image courtesy of Twitter: enchongdee777


Images courtesy of Twitter: MercadoJen


Images courtesy of Twitter: ijakecuenca


Images courtesy of Twitter: IamJNapoles

Image courtesy of Twitter: unoemilio

Image courtesy of Instagram: msritaavila

126 comments:

  1. Bakit parang may galit o hinanakit itong si Cynthia Villar sa mga health workers natin.
    ? Parang may tanim ng sama ng loob? napakawalang pakialam sya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Takot lang siya na baka maapektuhan ang kanilang mga negosyo kapag may ECQ na naman.

      Delete
    2. Ito lang tandaan niyong lahat! Top1 siya sa Senator's elected nung last election lang! Yan din ang nagpush ng Rice Tarriff!

      Delete
    3. kung sana madali lang ang gawain sa medical field ako nga kahitgraduate ng nursing ibang trabaho pinili ko kasi disya worthy sa system at financial.

      Delete
    4. kung kayo magkasakit magpagamot kayo wag nyo isisi sa medical feild. kasalanan nyo yan. tama lang tanggihan kasi di naman si la diyos kaya nga may altar sa nga hospital.

      Delete
    5. kawawang pilipinas kaya no wonder mas nag iibang bansa karamihan kasi di worthy ang sistema at pasahod sa pilipinas. nagtitipid sa mga empleyado ang mga hospital pero ung bills ng pasyente mas bongga pa sa sweldo ng empleyado. kakaloka

      Delete
    6. sa mga hospital 2 nurse taking care 11 patient up to 35 patient ang handle nila tapos kakarampot ung sweldo ni nurse pero ang bayarin ni patient parang 10 nurse na sweldo ang bayarin.

      Delete
  2. Kakagigil ka senator. Pagod na yung sister kong frontliner. Pag umaga 2 silang duty, pag gabi mag-isa lang sya and 11 ang Covid patients nya sa ICU. Uulitin ko - 11. Yung ibang staff hindi na pinapapasok ng families nila dahil sa takot. Totoong puno na ang hospitals. Kaya please, makinig naman kayo sa frontliners natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. My heart breaks for that young doctor that passed away and the doctor who died and left a wife and a pwd child and to think that this doctor also asked his colleagues to take care of his child made me cry. The sad part is that his wife is also a doctor, a Frontliner. Senator Villar. Remember this. We will remember your calloused statement in the next election.

      Delete
  3. Dapat yan mauna sa mars eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat talaga isama sya papunta sa mars at iwan n lng sys dun

      Delete
  4. I am with sen villar, she is right. Wag nyo ako ibash

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka, wala naman mali sa sinabi ni maam villar

      Delete
    2. 12:28 AM, Eh ikaw na maging frontliner para maramdaman mo na pagod na sila at kailangan nila ng cooperation ng mga tao

      Delete
    3. Hindi kita iba-bash dahil baka hindi mo maintindihan ang sasabihin ko🙄

      Delete
    4. 12:28 and 12:44 oh sige kayo nalang mag attend sa mga covid patients ha!!! Tignan ko lang ang powers nyo!!!!

      Delete
    5. marami po sa health workers ang nagkakasakit na. Sino ang mag aalaga sa mga may Covid pag wala ng health workers. Kaya sana intindihin natin sila at mag ECQ muna.

      Delete
    6. Indi kita ibabash pero tama bang sabihan ang med frontliners na "PAGBUTIHAN NILA TRABAHO NILA" so it means ang pagwowork nila ng double shift, 36 hours at 16 hours indi pa mabuti para sa'yo? Ikaw ba yan cynthia villar?

      Delete
    7. 12:28 paexplain kung paano siya naging tama, gusto ko maintindhan ang basis ng pagigingtama niya. Med frontliner ang ilan sa kamag anak ko at nakkta ko kung anong hirap nila twing nagduduty lalo na at madalas na kulang na sila sa ospital dahil angiba sa kasamahn nila ay nahawan na ng Covid.

      Delete
    8. "Pagbutihin na lang nila trabaho nila" -> hello, pinagbubuti nga kaya nga pagod na pagod na at humihingi na ng tulong. I'm sure hindi kayo frontliners, 1228 and 1244.

      Delete
  5. There's no end in sight if that's the case. Enough of the quarantine Ano ba tong mga health workers na to. Did they really say that or fake news.
    Move on na ang Italy, South Korea, Australia. Kawawang Pinas. If the leader is weak, everything is a mess.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagbabasa ka ba talaga girl ng international news? Di ba naka full lockdown ang Melbourne ngayon dahil sa pagtaas ng kaso!? Di naman sinasabi na buong Pilipinas ang buong lockdown. Vietnam nga ilan case lang ibinalik agad sila sa lockdown! Sarawak Malaysia naka movement control din dahil TUMATAAS ang case uli!

      Alam mo bang di lang naman covid cases ang pasyente ng mga healthworkers!? Andaming kelangan mag dialysis na na reresched at chemo at kung ano dahil walang available na doctor at rooms! So ksalanan pa din nila?

      Di sila AI Robot, pero baka ikaw ganun!

      Delete
    2. Don't compare Italy, South Korea or Australia. Developed countries sila. Eh dito sa Pinas, pasaway hala sige labas ng labas. You're even accusing the health workers on spreading fake news?? How insensitive.

      Delete
    3. They suggested this ECQ because the Covid cases are increasing in the Philippines, more than China and all Asian countries. The PI is number one now. Marami kasing mga pasaway na Pinoy, coupled with the incompetence of the current administration and lack of resources.

      Delete
    4. This. Thank you 1:08 AM. Kung dati nga na wala pang covid eh 16 hours duty na at minsan 24 hours pa dahil kulang sa nurses ano pa kaya ngayon?

      Delete
    5. @12:28 unless nanjan ka sa isa sa bansang sinabi mo ha. Italy is still in the state of emergency matinding pagbabantay parin ang ginagawa nila dahil araw araw may cases pa din

      Delete
    6. hindi na makayanan ang dami ng pasyente. Kaya sana pinapalagay sa ECQ pansamantala kesa maubos pati mga health workers.

      Delete
    7. 1228, HCW in the country are already overworked even without covid. 48h duty sila noon madalas. Ngayon ang duty nila sa hospital tuloy2, halos walang tulog, alam mo yun. Hindi lang covid and pasyente nila. Lalo na ngayong maulan na naman, magkakadengue cases na naman.

      Pinagimprovise mo na nga ng ppe mga HCWs noon, pinaglakad pauwi at papuntang hospital nung walang transpo, lagin delayed rxn ang gobyerno. Ngayon they are already spelling out what they need which is a drastic reduction in cases which can only be done if you reduce the transmission through an ECQ in manila. 2 weeks na ayuda, di kaya maprovide ng gobyerno? Asan napunta ang billionssss?

      Delete
    8. You are not reading international news.Just to let you know that some places in UK with spike of Covid cases are in lockdown again!

      Delete
  6. pede ba one time lng gawing nurse si Cynthia Villar kahit isang araw lang ng ng maranasan naman nya hirap ng mga nurse natin 😓😒 pamangkin ko halos 4mos ng di nakikita dalawang anak nya dahil nurse sya sobrang hirap sitwasyon nila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gawing pasyente na lang na ini-ignore ng mga frontliners at walang tumutulong sa kanya.

      Delete
  7. Agree with senator villar. Di niyo ramdam ang hirap ng mga pinoy dahil may mga ipon kayong mga artista.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di mo rin ramdam ang hirap naming mga frontliners 😢

      Delete
    2. At di mo rin ramdam ang hirap ng mga frontliners

      Delete
    3. Healthcare workers ang nagrequest ng ECQ, te. Dahil di na kinakaya ng healthcare systems natin. Sa tingin mo ba malaki ang sahod ng mga nurses, nursing assistants? Baka wala rin silang savings yan. Their lives are at risk every day. Imagine naman yung pagod nila

      Delete
    4. kinalaman ng artista dyan? buti nga nagiging boses sila ng mga nasa ibaba, bakit laging kasalanan ng celebrities bakit hind sa mga politicians kayo nagdedemand?

      Delete
    5. 12:31 but hindi ramdam ni cynthia ang hirap ng mga frontliners n wlang pahinga s kakatrabaho at ang baba ng sweldo nila. Ang kapal nyo and cynthia, kung alam mo lng yun.

      Delete
    6. Hindi nyo rin ramdam ang hirap ng mga no work no pay dahil sa quarantine. mas gugustuhin ko pa magka covid kesa mamatay ako at ang pamilya ko sa gutom. haayyy..

      Delete
  8. Wala namang sinabing masama si Cynthia Villar naging natural lamang siya bilang isang malaking negosyante bilyonarya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang mali sa sinabi nya..agree

      Dahil un existence nya mismo ang MALI

      Delete
    2. Exactly. For her, walang masama sa sinabi. Ayaw niya ng ECQ dahil maaapektuhan ang kanilang mga negosyo. In short, Wala siyang paki sa frontliners kung magkasakit o mamatay sila huwag lang ang negosyo niya.

      Delete
    3. Sarcasm ba? Agree Kung gayon.

      Delete
    4. yung mga ibang tao walang pakialam kahit na magkanda tirik mga mata ng maraming Pilipino dahil sa virus basta tuloy tuloy ang mga negosyo nila. Sana lang wag sila ang tablan ng virus.

      Delete
    5. 12:57 maapektuhan nga po ang negosyo nya. Pero di lang sya. Matindi na rin ang pag-aray nga maraming negosyante sa bansa dahil sa lockdown. Di pa sila nakakabawi sa pagkalugi magsasara na naman. 10milyon na ang tinanggalan ng trabaho. Pag naglockdown na naman,wala na tayong babalikan na ekonomiya. Pati buwis na makokolekta ng gobyerno wala na rin

      Delete
  9. Npaka insensitive at heartless.

    ReplyDelete
  10. Sige eh di ecq. May medical study naman na hindi mamamatay ang tao kung hindi kakain for 2 weeks basta mag tubig lang and hwag gumawa ng kahit anong strenuous activities. At least kahit magutom makapagpahinga mga frontliner.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman magdistribute ng goods ang government. 2 weeks lang, girl. Billions yung inutang natin.

      Delete
    2. 11:56 di lang po yan tungkol sa pamamahagi ng ayuda. Pano yung mga negosyo? Baka wala na tayong babalikang ekonomiya pag naglockdown na naman.ang taas ng statistics ng nalugi at nagsarang negosyo dahil sa huling lockdown. 10 milyon ang nawalang trabaho. Kakayanin pa ba kapag nagsara uli

      Delete
    3. 11:56 trillion girl, 9 trillion to be exact.

      Delete
    4. 117 pm our hospital systems are collapsing. Frontliners na ang umiinda. Businesses really will not recover undee this present atmosphere na ayaw mo nang lumabas kahit pwede naman dahil baka magkacovid ka at wala nang matakbuhang ospital.


      Businesses can only recover when consumers feel safe enough to go out, which they dony right now. Magbebenefit din ang businesses kung mapababa ang transmission ng covid.

      It's a badly needed stopgap solution kaya nga 2 weeks lang. The govt squandered away the 2 month long ecq with poor contact tracing, lack of testing, walang quarantine facilities, etc. Now mas magiging useful na ang ecq because we can test, we can isolate in facilities para di hawa hawa sa bahay, and treat with more plasma at hand.

      -1156

      Delete
    5. 1:17 pwede naman gumalaw ang business. dapat kasi ang mga businesses mag focus sa e-commerce. kailangan lang talaga mabawasan physical movement. puro delivery na lang muna and shipping. hayaan na muna natin sila sila gumalaw sa labas. yun mga employees ng mga retail stores, train them sa e-commerce. less physical contact, sila sila lang. sa mga restaurants, delivery. expect this pandemic to be longer, kaya dapat lahat ng businesses maka adapt sa online, shipping and delivery. alam ko mahirap but no choice but to adapt.

      Delete
    6. 12:46 yan e kung sanay ka magfasting pero sa NAKASANAYAN na ng mga TAMAD NA PILIPINO na ilang oras lang na di kumain e magrarally at magwawala na tulad nung Ondoy! Hindi na napraktis yung ginagawa ng mga sinaunang Israelite na nagfafasting....

      Delete
    7. at pinasara pa ang ABS dagdag unemployment na naman.

      Delete
  11. Mga tao talaga masyadong sensitive. Walang mali sa sinabi ni Sen villar

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masyadong sensitive? Sarap siguro ng buhay mo kaya hindi mo alam ang pinagdadaanan ng mga Frontliners? Sarap siguro buhay mo kaya hindi mo alam saripisyo nila. Tsk.

      Delete
    2. ay hindi pagiging insensitive yung "pagbutihin ang trabaho"? bakit kulang pa ba te? kaloka ka halos magkanda matay na yung mga health doctors and nurses natin hindi pa sapat?! kagigil ka.

      Delete
    3. Wala siyang alam, period.

      Delete
  12. Hindi pa pala passionate ang mga health workers sa ilang buwang nilalagay ang sarili sa panganib. Si senadora no empathy. Wala sa realidad.

    ReplyDelete
  13. Kailan ba naman naging sensitive si Madam, kahit pabalat bunga na nga lang? Madam try niyo din umalis ng mansion niyo at bumisita sa mga punuang ospital nang makita niyo ang mga medical frontliners na walang tigil at pahinga dahil sa virus galing China

    ReplyDelete
  14. DAMING HATERS PERO PUSTAHAN PAG TUMAKBO ULIT YAN MANANALO NANAMAN YAN!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming tangengot.

      Delete
    2. Malamang binoboto nyo. I never voted for her. Ewan ko bat nagnumber 1 yan

      Delete
    3. 1:05 Hndi nmin sya iboboto and i didnt even vote her before. ONLY BOBOTANTES WILL VOTE HER

      Delete
  15. Hay..Pinas bakit ang hirap mo mahalin?

    Sana maging considerate kayo sa amin.simula March di pa kami makauwi sa family namin dahil sa constant exposure sa mga positive COVID 19 patients and fear na makadala kami sa bahay namin.

    Ung friend ko na IM, namatay tatay nya ng COVID, huli sila nagkita nung March, dahil sa COVID duty, di kami makauwi.next nya na naabutan dad nya last week, nirerevive na sa ER..

    Inuna nya magsilbi kesa sa makasama nya ang pamilya nya and ganun din ang takot namin. Inuuna namin ang iba, binibigay ang oras sa mga di kakilala para makatulong.

    Sa loob ng 8 oras, 1 beses lang kami iihi or magdadiaper na lang kami...

    ung pagod, init, gutom..naghahalo na..pero di kami tumitigil...wala kaming choice.walang ibang pwedeng gumalaw.

    Hinihingi lang namin AWA at PAGUNAWA sa mga taong di nakakaranas ng pagod at takot namin sa araw araw na pagpasok.pagpahingahin nyo kami kahit konti.di na kami makahinga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Indi ba nila naisip na PADAMI NG PADAMI mga COVID PATIENTS dahil madami pa din matitigas ulo habang yung mga Nurses and Doctors natin e PAKONTI NG PAKONTI dahil yung iba nagkakasakit na din. Kahit gaano mo pa kaingat kung hihina din Immune System mo sa pagod kakaduty and stress sa work, magkakasakit din. Paano nalang kung lahat ng Nurses and Doctors magkasakit? (wag nman sana) Sino mag aalaga and gagamot sa kanila? Si Villar?

      Delete
    2. May God bless and protect you and all your fellow healthcare frontliners.

      Delete
    3. Mabuhay ka 1:20. I'm with you. Maraming salamat sa inyo mga frontliners. Praying that you all stay safe.

      Delete
    4. Salamat po sa inyo and God bless po. Kami na po humihingi ng paumanhin sa mga taong di marunong umintindi.

      Delete
    5. 241 ikaw na nagsabing mismong frontliners natin nagkakacovid na. Mahiya ka naman na tinatawag mo pa talagang matigas ang ulo ang mga covid patients. Many of the patients are nurses and hospital utility workers and their families. Marami rin sa kanila mga employees who have no choice but to work like MRT employees, BIR employees, etc, and nahawa families nila.

      Makatawag ka ng matigas ang ulo dyan. Sana di mo pagdaanan yang pinagdadaanan nila. Sisihin mo yung mga decision makers sa IATF, wag mga pasyente. Kadiri ugali mo.

      Delete
    6. 2:14 remember ding bago naging matigas ang ulo ng mamamayan nauna na si president dyan, remember sasampalin niya daw ang virus? may nag party pa ngang police officer db? take not ecq pa yun.

      Delete
  16. There is nothing wrong on what Sen. Villar said. Actually, she has a point coming from the economic side. Our country can not afford a total lockdown anymore.
    ANG MALI AY ANG ANALYSIS NG MGA ARTISTANG YAN. TRYING HARD TO SIGNIFICANT (YET SO FOOLISH)

    ReplyDelete
    Replies
    1. If thee is nothing wrong with what Sen Villar said then there is something wrong with you

      Delete
    2. mali mali ang patakaran kaya marami ang bilang ng mga nagkakaroon ng virus. Mag lockdown muna tayo dahil wala ng mapaglagyan ng mga pasyente.

      Delete
    3. Komedyante ka ba? Nkakatawa din kc “ANALYSIS” mo eh.

      Delete
    4. 129 yeah sana mag mass resign lahat ng HCWs para wala ng ospital na bukas and we'll see what will happen to the economy you're talking about.

      Delete
    5. Walang mali?!? Cgurado ka Anon 1:29AM? The way Sen. Villar said it, was already mali! Bakit? Hindi ba pinagbubutihan ng health workers mga trabaho nila? Ano akala nyo? Nagpipicnic sila sa loob ng ospital? The nerve for you to say that! Isa ka pang walang puso! Magsama kayo ni Villar!

      Delete
    6. Yang mga artistang yan, mas marami pang donations kesa kay cynthia villar. At least they are speaking for the frontliners.


      2 weeks na ecq sa NCR lang. Di ba kayang pakainin ng gobyerno na billion ang inutang for two weeks?

      Delete
    7. Not as foolish as you 1:29

      Delete
    8. Tama ka na sana sa economic side pero may pahabol pang huling linya eh. Hayyys

      Delete
  17. walang mali???? Kakapal niyo! Di niyo alam hirap na dinadanas at pambabalewala sa frontliners!!!!

    ReplyDelete
  18. Kaya pala halatang halata ang eyebags mo dahil wala ka cgurong tigil sa katatrabaho.

    ReplyDelete
  19. Hindi ako agree sa sinabi niya pero hindi rin naman ako agree na ibalik sa ECQ. Gobyerno, hanapan niyo ng solusyon yan. Hirap na ang frontliners, hirap na naman aabutin ng mga tao pag binalik niyo sa ECQ.

    Since idol niyo naman ang China, sana ginaya niyo na din sila na hindi pinauwi yung mga medical frontliners sa mga bahay o cities nila habang nasa duty. Hindi sana dumami ng ganyan. Kasi dito sa lugar namin sa Manila yan theory namin bakit dumami dahil marami nga nagtatrabaho sa ospital dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya dumami ang cases 1:37 ay nung nag ease ang lockdown, ang taongbayan ay mga nagsipag labas. Madami pa din ang di nagma-mask. Nung March mababa ang cases natin. Ngayon daily ang pagtaas. Nasa behavior yan eh. Nung minsan may errand ako sa bank may pasaway na middle aged guy na hindi naka mask. Ang ingay. Yung mga kadaldalan nya naka mask. Sinabi namin sa guard na sitahin mag mask. Sinuot nung lalaki pero baba lang nya ang nakatakip. Sabi nya "Nahihirapan kasi ako huminga pag may mask". Gusto ko banatan "Mas mahihirapan ka huminga pag may Covid ka at saksakan ng tubo". Simpleng bagay lang naman mag mask. Di lang para sa kapakanan nya, para sa lahat. Ayoko na mag rant. Kapagod na.

      Delete
    2. Yan nga ang problema pasaway, though hindi ako pabor sa sinabi ni Villar. Parang kahapon nung nag grocery ako, yung nauna sa akin sa cashier. Isang pamilya yung naggrocery, 4 silang lahat, nanay at 3 anak na grown-up. Kelangan kasama lahat? Diba dapat isa or 2 lang sana ang pwedeng pumasok. So ayan ang problema, pasaway!

      Delete
  20. Affected kasi ang mga business nila. May point siya pero wag insensitive sa mga frontliners natin.

    ReplyDelete
  21. Natawa ako sa nagdedefend Kay Cynthia. Talaga ba? E sa senado nga napaka yabang niya at may comment na Yan about nurses noon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nakaka cheap maging fantard ng politicians compared celebrities, well atleast sila nauuto man may napapakinabangan naman for entertainment pero yung mga incompetent politicians ninanakawan ka na tuwang tuwa ka pa. lol

      Delete
  22. Right back at you Sen. Pag butihin din ang inyong trabaho.

    ReplyDelete
  23. Agree ako sa sinabi nya about sa ekonomiya. Ang nakakainis ay yong sabihin nyang pagbutihin ang trabaho ng mga frontliners. Eh madam, sa tingin nyo ho ba naglalaro lang sila sa trabaho?try mo din yong work nila kahit one week lang. Tingnan natin kung di ka maloka.

    ReplyDelete
  24. OMG! CV is still affected kapag nag ECQ ulit because of many businesses, eh their family is one of the billionaires not only in the Philippines, but also in the world. Ano pa bang gusto nyo Madam Senadora. Minsan nag bigay ng ayuda sa Las Pinas eh 1 kilong bigas at 1 sardinas. Susmaryosep.

    ReplyDelete
  25. Spoken like a clueless and care-less bilyoner yan. Shameless.

    ReplyDelete
  26. Sana magstrike ang mga medical frontliners kahit 1 week lang, tingnan natin kung ano mangyayari!

    ReplyDelete
  27. Kahit ibalik ang ecq kung Marami parin matitigas ang ulo at mag rally pa Hinde parin mag flatten ang curve! Displina ang kulang sa Pilipinas. Akala kasi ng iba nung mag declare ng GCQ okay na lumabas Malaya na. Kaya yung iba mag party party. Kulang ng awareness. Kahit Anu putak ng leader natin , mayor , or Sino naman May mga tao talaga Hinde marunong makinig. Hihintayin muna mahawa at mag kasakit at dun na magsisihan.

    Hinde mo rin maiiwasan ang mga tao lumabas din. Siempre they have to work to earn for a living . They have to work to provide their family para Lang makain at maka survive . Anu aasa na Lang sa ayuda ? Sardinas na Lang lagi? Ang dali dali sabihin mag ecq like us coz we have homes, we can work from home , May sweldo yung iba tao Hinde Tulad natin pamumuhay. Kailangan talaga disiplina at awareness Kung Wala hay naco good luck . Kahit nung nag ecq tayo ang dami pa din pasaway Wala pa mask.

    ReplyDelete
  28. Walang alam at walang pakialam si lola. Kaloka.

    ReplyDelete
  29. Thank you Senator Villar for your profound empathy for the sacrifices of our health workers and the suffering of our people. You certainly care for the ordinary people and the poor. You are a saint. Your attitude reflects so much the attitude of this administration: compassionate, caring and always ready to listen resulting to excellent performance in handling the pandemic

    ReplyDelete
  30. She is disgustingly out of touch.

    ReplyDelete
  31. pakinggan nyo din ang hinaing ng mga health workers natin. Pag nalagas yang mga yan, sino pa ang gagamot sa mga may sakit, gamutin nyo na lang mga sarili niyo.

    ReplyDelete
  32. agree ako sa mga celebrities na to except lang ky jake ejercito ahaha

    ReplyDelete
  33. Siguro doctor or nurse ang true love ni MV.

    ReplyDelete
  34. Her MATAPOBRE Statements strikes again 🙄. Kayo po nakaupo,hindi hindi nga naman maramdaman na mapagod, subukan nyo naman tumayo at harapin ang engkwentro, kaso uupo karin uli dahil napagod sa saglit na pagtayo,bat di mo nalang pag-igihan tumayo? Di na kasi bawal lumabas kahit di pa nakacomply,pero ngayon naman bawal mapagod?!

    ReplyDelete
  35. I mostly agree with CV but she could have been more empathetic,the hospitals are not really adding capacity due to covid (esp. private hospitals) and maraming non covid cases ang di na pumupunta ng hospitals, yan ang mas worrying. So napapagod sila dahil dumadami ang mga kasamahan nilang nagkacovid kaya longer shifts na sila? Kasi nakikita ko sa tv, online atbp na di naman tinatanggap ang covid patient pag full capacity ang hospitals so ibig bang sabihin ay di full staff ang employed sa mga hospitals? Also, pag naman ECQ, ang reklamo naman ay sa gutom mamatay at di sa covid so I guess our medical practitioners need to be stronger for our country

    ReplyDelete
    Replies
    1. So ganun nalang ba yun? They ARE TRYING THEIR BEST to be stronger, but they’re wearing thin, they’re nearing their limits. Pag naubos ang frontliners, isasalba ba kayo ng ekonomiya? DOH is calling out for more doctors and paramedics to join the force pero walang nag-aapply. So better to appreciate these people who are working hard right now, puro sila nalang ba ang lalaban? They are asking for 2 weeks, not a month, 2 weeks. Pwede ba sila naman ang pakinggan? Siguro mahirap iexecute, pero sana magawan ng paraan ng pamahalaan.

      Delete
  36. Ahhh If I may excuse lang Cynthia huh! (wont call you Sen na mukang di naman bagay sayo) anyways, pagbutihin ba ng trabaho ang gusto mo?! OK MIND YOU LANG, MY MOM IS A FRONTLINER ILAN BESES NA NAMEN SIYA SINABIHAN NA MAG LEAVE MUNA DAHIL SENIOR NA SIYA PERO AYAW NIYA TAWAG DAW NG TUNGKULIN. AYON FEW WEEKS AGO SHE GOT INFECTED WITH THE VIRUS AND EVENTUALLY NA HAWA PA ANG DAD KO WHO IS ALSO A SENIOR CITIZEN.NGAUON DALWA SILA NAG BABATTLE SA SAKIT.... Kaya please lang kung pagbubuti lang ng trabaho ang iniiyak mo wag sa mga frontliners baka dapat sa mga kasamahan mo sa gobyerno!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well said dear I'll pray for your parents fast recovery.

      Delete
    2. Oh no =( Be strong..

      Delete
    3. Thank you for sharing your story. Sana mabasa ng mga judgmental sa taas. Hope your parents get well :(

      Delete
    4. Oh my god, I'm really sorry. Praying for your parents' recovery.

      Delete
    5. May God heal your parents both soon. Stay strong and have faith. Mabasa sana ng mga nasa position ito, at harinawang mahimasmasan sila at magisip for the betterment of the frontliners.

      Delete
  37. Eto ang oligarch, Mr. President! Hawak na ang politika, hawak pa ang ekonomiya!

    ReplyDelete
  38. so nung 3 mos plus na lockdown, bakasyon sila..ok na un.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag lockdown dahil sa biglang pag dami ng mga affected ng virus. Mukhang may kulang ka sa pagintindi. Reading helps.

      Delete
    2. Hindi po nakabakasyon ang mga healthcare workers nung lockdown. Pinaglakad pa nga papunta at pauwing duty dahil walang transpo. Hininan ng fine kasi sabay pumasok na nakamotor. Kung ano anong hirap dinadanas nila. Sana di ka magkasakit

      Delete
  39. Cynthia Villar strikes again! Bakit ba ang bigat ng kalooban ni Villar sa mga healthworkers lalo na sa mga nurses? Para sa bilyonaryang senador, hindi pa pala passionate sa kanilang trabaho ang mga healthworkers kahit marami na ang namatay sa kanila sa pagtupad ng tungkulin.

    ReplyDelete
  40. Hindi ba at ang magaling na senadora din ang nagsabi na ang mga nurses daw sa abroad ay kahit hindi magaling dahil ang gusto lang nila ay maging room nurses, yung mag aalaga lang(ng pasyente)
    Google nyo mga besh,Interview nya nasa you tube.
    Malaput ka ng buminggo madam ha!gigil ako sa yo.

    ReplyDelete
  41. Ang hirap lang pag dating ng election, panalo na naman yan.

    ReplyDelete
  42. i think mali lang ung way ng pagkakasabi ni sen. totoo naman na hindi na tayo pwedeng mag-ecq uli kase pare-pareho naman tayong magugutom. pero hindi dapat frontliner ang sinabihan na pagbutihin ang work nila. dapat lahat tayo pagbutihin natin ang lahat ng atin magagawa para makatulong din tayo sa mga nahihirapan ng frontliner. sa totoo lang kse ang daming reklamo ng mga tao pero hindi kayang sumunod sa batas na wag munang lumabas kung hindi naman kinakailangan. pati sana mga LGU pagtuunan nila ng pansin mga hawak nilang bayan kse naman kahit mataas na rate ng covid sa lugar nila eh hinahayaan lang nilang palabas-labas ang mga tao. lockdown daw pero nakakalabas mga tao kahit madami na silang case. hindi madaling maging frontliner kaya hindi sila ang dapat sabihan na pagbutihin ang trabaho kung di yung mga taong pasaway at mga LGU.

    ReplyDelete
  43. Covid19 cases are increasing because of us people also, we dont follow a simple rule to stay home or apply social distancing. Then we blame the Government kapag palpak o dumadami cases. I understand marami na nagugutom at namamatay pero lets do our part also. Its hard but its time to help each other rathef than blaming one another.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl, it’s the governments responsibility to take care of its people. People are already helping each other but they can only do so much.

      Delete
  44. Hay nasa bahay lang kc c madam kaya walang pake importante kumikita kabahayan nya

    ReplyDelete
  45. Maam, sorry po pero last nyo na to

    ReplyDelete
  46. Sa totoo Lang mali Ang pagkakasabi Ni senador kasi kahit Na double pagbutihin nila ang work nila kung marami din namang pasaway Hindi pa din bababa Ang covid cases kahit Na magkaroon pa ulit ng second shutdown. Pero dun tayo sa main topic Na Hindi kaya ng pinas Ang another shutdown kasi bawat kilos ng Tao pera Ang hinahanap. Sana gawin Na lang ng mga Tao Ang nararapat kasali Na dun Yong mga nagrarally.

    ReplyDelete
  47. Hmmm, ayaw kasi niya na ma-apiktohan ang businesses nila, diba.

    ReplyDelete
  48. Ayaw ko sa sinabi ni CV typical na matapbre na parang nagsabi sa mga kasambahay nya na habang nagpapahinga kayo magwalis walis kayo. Overwhelming na sa frontliners ang dami ng tao sa hospitals plus mismo hopsital capacity naten di na kya. BUT i find these artists hyporites, they are the same people na nag encourage sumama sa rally for the network and ATL. For sure marami dun sa mga nag attend na yun ang possible may virus din at nakapagspread na sa bahay at community nila. Kung saan sigaw ng tao dun din ang paspas ng mga artistang ito.

    ReplyDelete
  49. Jen kept surprising me. i really admire her gutsiness at may sense din sya lagi mag post. galing nya mag tumira- sapul. before , i thought shes dull and have no personality.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...