Sunday, August 16, 2020

Insta Scoop: Chito Miranda Reveals How Wife Neri Kept Family Afloat and Enabled Him to Buy Property During the Pandemic



Images courtesy of Instagram: chitomirandajr

58 comments:

  1. Napakahumble and very low profile talaga nilang mag-asawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakaka turn off talaga itong mag asawang ito. Apakayabang.

      Delete
    2. asan ang yabang dyan?

      Delete
    3. If Chito's intention was to inspire people on how to handle finances, hindi yun ang nangyari. Humblebrag yung post nya.

      Delete
    4. e di sana kung hindi pala bragging yan, bakit kailangan ipost. Di ba nakatira sila sa iisang bubong. Hindi panahon ngayon na ipangalandakan mo ang kayamanan mo.

      Delete
    5. sarado din naman lahat ng mga iba pang negosyo ni Neri just like everybody else. Sana wag mayabang. Mahangin ang dating.

      Delete
  2. E di wow, kayo na goals!

    ReplyDelete
  3. Bettina Carlos's Psalm 31....the fulfillment by Neri.

    ReplyDelete
  4. hindi ko maintindihan kung ang PR handler nila ang mali sa pagpopost online or peg lang talaga ng mag asawa na ito ang pag mamayabang. Last week may pa Harvard.

    ReplyDelete
  5. Sounds bitter 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. saan ang mga bitter? you think we are impressed with this? very noveau

      Delete
  6. Bakit kaya binida pa yung nabiling lupa? Parang sampal sa mga nahihirapan sa buhay yang post na yan. Hindi ako inis sa kanila dati pero itong post na ito parang mali. Parang ang dating eh "magaling kami" hindi ito nakaka inspire kung yun ang gusto nila palabasin dahil maraming nawalan ng trabaho at hanap buhay at hindi madaling maka gawa ng alternative na paraan para kumita pagkatapos mawalan ng trabaho o negosyo. Kayabangan ang dating nyan Chito at Neri!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree 1:35. Hindi na dapat ipost ganito. Kung mga tunay na mayaman quiet. Ika nga money cannot buy class and breeding.

      Delete
    2. Gets kita. Kung halos lagpas 50% sa paligid mo nahihirapan eh dapat wag ka muna magmayabang na nakabili ka ng bahay, lupa o kotse. Insensitive iyon. Di pa naman tapos ang boxing. Di natin alam kung hanggang kailan ang pandemic. Anything can happen. Naglalaban un pagiging proud niya sa asawa niya at kayabangan niya.

      Delete
    3. HINDI KAYABANGAN YAN! PROUD LANG SIYA SA NA ACHIEVED NILANG MAG ASAWA. NAGULAT LANG SI CHITO NA NABILI NI NERI YUNG LUPA. ALANGAN NMAN MAGLUGMOK LUGMUKAN SILA DAHIL SA PANDEMIC. WALA NMAN SILA INAGRABYADONG TAO E KAYA KUNG ANO MAN POST NILA E NASA SA KNILA NA YUN. AT NASA TAO NLANG DIN YAN KUNG PANO KA MAG INTERPRET NG MGA POST.

      Delete
    4. 7:43 Once brinoadcast mo kung anong meron ka at narating mo sa buhay kayabangan yan. Pwede ka mag saya sa achievements mo in life ng di pinapangalandakan.

      Delete
    5. 8.04 typical pinoy kang magisip. Tsk tsk tsk! Well research mo na lang yong natutunan ni Lau, yong babaeng grumaduate sa Harvard university dahil nagbago ang pananaw niya about sa ugaling pinoy na yan nung nakakatungtung siya ng America. Panahon na para baguhin ang crab mentality ng mga pinoy.

      Delete
    6. Kung normal yan,bakit sya lang ang nagpost ng mga nabili.Im sure mas marami pang celebrity na mas mayayaman pa ang hindi nag post ng mga nabili nilang ari arian.Kung walang pandemic,ok magpost ng ganyan pero iba ang situation

      Delete
  7. may pa post post pa si Chito, magkasama kayo ni Neri sa iisang bubong bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ng harapan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang part na di ko rin makuha. Mahiig mag declare sa social media ng saloobin or sentiments sa partner. Papakita pa sa buong madla. Puwede namang sabihing harap harapan. Parang.."hey look at us. relationship goals kami." Maintindihan ko kung wala ng yung partner. Pero this kind of post, makes me cringe instead of inspired.

      Delete
  8. gusto ko talaga yung pagiging low key ng mag asawang to. Low key parinig, low key payabang. Hello, as if lahat ng tao kagaya nyo na may pera na to begin with, may negosyo pa, para makapag tabi pa. Alam niyo ba gaano karami ang isang kayod isang tuka na mga pinoy. Hindi ako si Agot btw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga kilala ako mas mayaman pa kesa dyan pero hindi muna magpost ngayon bilang pakikiisa sa mga naghihirap

      Delete
  9. Bat ang daming inggitero/inggitera sa comment imbis na mainspire na lang sa knila na mag ipon at gumawa ng paraan para makuha pa rin yung mga pinapangarap kahit may pandemic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang nainggit, natural lang ang mga reaksyon ng mga nagbabasa base on the post.

      Delete
    2. 1:17, mag-invest ka rin para gumanda ang buhay mo katulad nila.

      -not 6:14

      Delete
    3. Sa mga bashers ano ba ang right post para sainyo? Dapat ba magmukhang pulubi sila para hindi mayabang sainyo? Bgy nga kau ng suggestions. Kahit nga magluto lang si neri mayabang na sainyo eh 😂

      Delete
  10. Kayo naman, let's all be kind and not readily judge people. In fairness sa kanila, gusto lang nila magshare kung ano man mga mabuting natutuhan nila at mga nagawa nilang successful, hindi naman para magyabang but hopefully to inspire at pwede ding gayahin ng iba. Si neri medyo nacocornihan ako sa style but only bec magkaiba kami. Pero natutuwa ako sa kanya na napakasipag nya, hindi nahihiyang kumayod kahit mga simple at hindi sosyal at pampabeauty at pangglamorous items ang itinda nya. Hindi ako magaling at mahilig sa negosyong pagtitinda kaya ko nasabi na di ko type yung style nya. Pero to be an effective salesperson dapat talaga pushy ka sa mga producto mo, ipromote at iadvertise mo, at isip ka ng ways to create a demand para maengganyong bumili mga tao. The Mirandas are decent people, nagtatrabaho sila ng maayos, hindi naman sila nangungurakot, hindi nantatapak ng karapatan ng tao. I think simple at kagaya lang din naman natin sila, magaling lang nilang nagagamit the opportunities they have and those that come their way. Let's not look at their posts as pagyayabang, iappreciate na lang natin na sinishare nila knowlege nila, and that's a good thing. Kung business style and way to promote their bus man yon, okay pa rin, wala pa rin naman masama don. And sana not just with them, let's not be so critical of people, always look at the good side din, balansehin din natin mga bagay-bagay, let's be fair lang. Let's choose to be kind and wag masakit ng kapwa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kasi yan ang nilalaman ng post na ito.Walang na inspire.It is just letting the world know na nabili nya yung vacant lot sa Cavite.

      Delete
  11. I think it was written out of good intention na makapaginspire ng tao para mas maging mindful sa money kaso ang lumabas naging insensitive yung post.. Pandemic po kasi. Ano nalang maiisip ng mga tao na nawalan work and those who are barely surviving...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tangalin mo yang ganyang pagiisip dahil sa totoo lang kasalanan ng nga tao kung bakit sila naghihirap dahil hindi sila masinop sa buhay. Look at neri and chito, hindi sila affected masyado ng pandemic dahil naging matalino sila sa mga decision nila and they want to share that para magaya sila ng mga tao.

      Delete
    2. Ang galing mo naman magsalita 7:07, pwede kang maging motivational speaker tbh. Yung sabihan mong hindi masinop sa buhay yung mga taong hindi mo naman alam ang pinagdadaanan ngayong may pandemic, yung sisihin pa sila - good job! And you know what, no matter how they portray themselves ideal and gOaLs, the one recall people associate them with are those infamous videos na resulta na din ng pagiging “matalino nila sa mga decision nila“.

      Delete
  12. Good job chito and neri!
    Congrats!!!!!

    Thanks for your sharing how to save and work together....it really pays off..

    ReplyDelete
  13. Humblebrag at its finest

    ReplyDelete
  14. Sa panahon na maraming foreclosure ng properties at nahatak na mga sasakyan, napaka panget ng timing ng post na to.

    ReplyDelete
  15. ito ha... Hinde ko naman nilalahat ha ... most of the Pilipinos Hinde marunong mag ipon. Pag May sweldo gastos agad, esp pag May sale! Ayan na..Wala na titira ipon for them. Esp now sa mga ganito times Na pandemic. Always have an emergency fund always. Pero siempre Mahirap din sa mga tao sapat ang sweldo pang araw araw . But again we should learn to save and know our priorities when spending money.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This! At sinong may kasalanan kung bakit sila poor?alam na ang sagot.

      Delete
    2. Agree ako sayo. Makikita mo yung ugali ng tao, imbes na ma inspire, magagalit kasi naiinggit. Oo, may pandemya ngayon, pero dapat this will serve as a lesson sa atin na mag ipon kahit konti. Hindi laging Pasko. Live below your means. Imbes matuwa sa improvement ng iba, nagagalit. Pag meron naman artista na sasabihin wala ng project, ibabash din, maawa kunyari. Haay.

      Delete
    3. Ang post na ito ay hindi discussion tungkol sa pag iipon.Ito ay humble brag.Walang kinalaman ang pag iipon ng normal na Pilipino.Mayabang ang fating sa true tayo.

      Delete
  16. cringeworthy brag who asked? Flaunting is diff from inspiring napaghahalata hambog.

    ReplyDelete
  17. I dunno why but whenever one of them would post something, I don't get inspired because of the bragging vibes i felt from them. Everytime...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hard same. Afterthought na lang yung inspiration pero mukhang yabang ang gusto gawin talaga. "Better than you" vibes everytime

      Delete
  18. Humblebrag ulit. Etong dalawang to parang uhaw na uhaw sa papuri based sa mga post nila.

    ReplyDelete
  19. May tama naman siya pero ang tumbok mo pagyayabang pa din sa nabiling property. OA kasi sa post tong mag asawa na to lahat na lang ipopost pagkahaba haba ng caption ang hilig magbuhat ng sariling bangko. Hello madaming din naman nag sasave at invest pero hindi nila pinopost sa.socmed

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano mo nalalaman na nakapagbili ang iba ng property? Like maganda ang house nila, kotse nila edi ba ba nafefeature sila sa magazine and sometimes they vlog it also kasi mga artista rin nagyyoutube na. Kung nagyayabang sila edi lahat na ng nagpapakita ng ipon o naipundar nila mayabang na?

      Delete
    2. 9.10 kung ipipilit mo na kayabangan yan mas lalo kang maiinggit amd that's not good para sa sarili mong future kasi instead na mainspire ka at you would do what you need to do, opposite ang gagawin mo at forever kang maistuck diyan. Sinong kawawa? Eh di ikaw din.

      Delete
  20. Inspring posts. Success story

    Dami lang bitter. Dami yatang talunan sa mundo. Hindi kasalanan nina Neri kung hindi kayo wais. Be happy for people who made it. Wait for your time to shine.


    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree! Success story ang post na ito. Meant na maging inspiration kaya lang minamasama pa ng mga taong walang investments.

      Delete
  21. Wow grabe ang laki nyan ha at mukhang sa sosyal na subdivision, in fairness naman kay neri malakas yung tuyo business nya

    ReplyDelete
  22. Humblebrag? Pero ito yung realidad ng buhay eh yung hindi easy money. Lahat pinaghihirapan. Bakit d ito naisip ng bashers? Sa sinabi ba ni chito hes saying na ay eto ang dali ko nakuha yong pera? Mahabang proseso yan. Kung happy ka sa ngyayri sa buhay mo its nice to share it. Ambbter ng iba dito. Kayo ano ba ung mga naipopost nyo sa socmed? May kabuluhan ba?

    ReplyDelete
  23. I’d rather invest my treasures in heaven not on earth for we just like a mist that appears for a little time and vanishes. Nothing in this world belongs to us, not even our bodies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So anong dapat nilang gawin at ipost habang buhay pa sila? Mag tiktok nlang? Imbis nga mgbigay ng inspiration mga d makabuluhan nalng ang ipost?

      Delete
  24. para s akin walang masama sa post kasi kung humble bragging para sa akin yung bumili ka ng very expensive thing pero d mo naman kailangan pero gusto mo lang iflex na meron ka ng ganun kasi mahal sya at uso. Ung kila neri at chito normal post lng and inspiring kasi lifetime na yan at pwede maimana or maginvest pa. Hindi lang puro tapon sa pera which is kailangan lalo sa kabataan magisip muna bago mgpamilya kasi mahirap. And to others din like mga artista ganyan dn sila halimbawa naghhouse tour sila or may lupa na nabili minsan nga vinovlog pa nila wala rin pinagkaiba sa miranda fam eh? Ok lang as long as u inspire people at naghirap ka makuha yon.

    ReplyDelete
  25. Nakabili ng lupa dahil sa pag online business lang??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukod sa malaki ang tulong ng online madami syang business eh.

      Delete
    2. Kung marunong ka, yes!
      At hindi rin naman overnight nila binili yan.
      For sure, pinag-ipunan din.
      Di ka siguro nag-iinvest kaya di mo alam paano.

      Delete
    3. Hindi naman.May pera na siya to begin with.

      Delete