Ambient Masthead tags

Tuesday, March 17, 2020

Celebrities React to Social Distancing and Its Effects on Ordinary Workers







Images courtesy of Instagram/Twitter: iamkarendavila/ therealangellocsin/iamsuperbianca

141 comments:

  1. Dapat isuspinde na un trabaho pati sa private. Wala na ngang public transport eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit kaya takot na takot tayo e Wala pa ngang balita na me epidemic na sa Bangladesh, India, Pakistan, Indonesia, Brazil. Mahihirap na mga bansa ito at walang kakayahang magLockdown sa dami ng population nila at mahihirap pa. And yet hindi naman sila nagbabagsakan na parang mga langaw na naisprayhan ng lason.

      Delete
    2. 2:18 maiinis na sana ako sa comment mo kaya lang natawa ako sa last part. Pero seriously kailangan pa bang humantong sa ganon? Na magbagsakan ang mga tao na parang insektong nasprayan? Ganon na lang ba kababa ang tingin mo sa buhay ng tao? Kung tutuusin late na nga ang Pilipinas sa pagdeklara ng emergency. Nung una hindi pa sineseryoso walang ban. Kaso may namatay, may local transmission. Dun pa lang umaksyon. Ang buhay natin sad to say, isa lang. No return, no exchange. Kailangan sikapin nating pahabain at pahalagahan. Hindi man perpekto pero mahalaga ang buhay.

      Delete
    3. 2:18 Some of the countries you mentioned ay wala pang test kits. If you think wala pang covid positive sa kanil then think again. Pwede naman hayaan na lang ng govt na kumalat basta ba wag ka mag rereklamo pag nagkaron ka at d ka tinulungan.

      Delete
    4. 2:18 ang India meron na more than 100cases. Australians are discouraged to go to Bali Indonesia because of reported inadequate testing. Kung hindi ka takot para sa sarili mo, wala ka bang lolo, lola or kamaganak na may compromised immunity? para sa kanila ang pagiingat na 'to. Buti na lang anonymous tayo dito, kse mga taong kagaya mo ang dapat hindi tabihan sa public place. kung hindi ka takot, malamang di ka rin nagiingat.

      Delete
    5. 2:18, buti nga di ganun karami ung kanila, o baka underreport. Kasi mahihirapan sila. Hindi lahat afford ang health care. Tingnan mo nga’t sa Pinas pa lang hirap na, pano pa kaya yung mga nabanggit mong bansa. Mga kagaya mo kaya lumalala ang sitwasyon. walang malasakit sa ibang tao

      Delete
  2. Buti pa sa Thailand maayos ang lagay nila dun. Dito saatin palpak talaga si Duterte. Nung umpisa palang na nabalita yung tungkol sa virus palpak na mas lalo na ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi mo pa. May kinikilingan pa na lahi. Dapat presidente ka un sinasakupan mo ang importante. Puro drama

      Delete
    2. @1:14 sigurado ka maayos? me darating na tulong galing China, tatanggihan mo ba?

      Delete
    3. Bawal magsuspend ng travels kung WHO Mismo walang sinabi. Kita mo kami dito sa UK, wala pa rin travel ban kahit Italy katabi namin. Tsaka yung ayuda sa daily workers, dito na ang galing ng healthcare at laws pra sa common people wala nga pundo pamigay sa amin kapag ngquarantine. Chusera kau. Alam nyo ba na ang plano ng UK government dito eh "herd immunity" kung San iinfect 60% ng population? Buti nga kau dyan may mga mandate na ganyan. Tapos lahat Duterte pa rin may kasalanan. Bat di kau magwelga at Edsa para patalsikin yan king ayaw nyo.

      Delete
    4. dapat magsama kayo ni 1:10 sala sa init, sala sa lamig, walang mapaglagyan sa inyo ang kahit sino ang umupo sa gobyerno

      Delete
    5. indecisiveness led us to this. pwro wag ng mag sisihan. let us all be a responsible citizen by staying home.

      Delete
    6. 1:41 and 3:03! Tama na!!! Wala kayong ginawa kundi manisi! Ano ba ang magagawa ng paninisi niyo? Tumulong nalang kayo. Oo kayo, may magagawa rin kayo kung gusto niyo.

      Delete
    7. tama. sinarhan sana agad ang borders like other countries. iniisip pa kc mga chinese

      Delete
    8. Dami niyo alam, tumakbo kayong presidente para kayo magplano para sa Pilipinas..

      Delete
    9. 933AM maganda na yang matandaan ng mga tao pagkawalang kwenta ni duterte or else mauulit na naman to sa next na emergency.

      DDS: Puro ka reklamo. Ano naambag mo?

      Marami, ayoko ienumerate.

      DDS: Eh di wow ikaw na lang magpresidente

      Oo, ako na lang sana. Tagal na sana na-ban flights from china

      Delete
    10. Alam mo yung pinipigil mo na magcomment sana kaso gulatan is the name of the game. Dapat before the address, nakalatag na yung guidelines para maliwanag at di nagp-panic mga tao. Tapos para ka pang nakikinig sa lasing na sya lang magisa bumabangka, dami pang sinisingit na off tangent issues,hindi pa matapos ang isang speech na walang nakasingit na mura. And why can't he flip the pages of his speech without Bong Go's help? Pero lahat yan balewala sana if he offered financial assistance to wage earners, small biz owners. Instead he tapped private sectors again to bail him out. Hindi masama ang bayanihan - pero dapat hindi yun ang tatakbuhan mo everytime may kalamidad at crisis. Bakit pa may gobyerno?

      Delete
    11. Sino may Sabi na ok sila Doon..maraming Thai Ang disappointed sa pm nila dahil Wala pa Rin action..marami na nagpanic buying at humihinhi Ng Lockdown. Buti pa nga daw Pinas naglockdown na

      Delete
    12. Grabe no makasisi ang mga Pinoy sa gobyerno natin may ginawa na nga. Of course, kulang na kulang but sino ba kasing country jan ang hnada sa ganitong sakuna? Hindi pa ganun kadami ang infected sa atin pero may mga guidelines ng ginagawa ang govt natin at diba parang this month pa lang nagdeklara ang Who na pandemic ang virus. Dito nga sa Germany maski ilang libo na ang infected wla nmang nananawagan na patalsikin o namumulitika na kesyo wlang ginagawa ang govt. Meron kaso makupad talaga. This month lang din nagsuspende ang ibang airlines dito at meron pang 30days na makauwi ang mga turistang andito sa Europe.

      Delete
    13. Dyusko mga pinoy talaga magaling lang sa reklamo. Kahit sinong presidente o gobyerno susuko sa mga attitude nyo. No government is ready for this pandemic, not even the so called first world countries. Itong mga celebrities dapat mag-donate o bawasan nyo ang "kayamanan" para itulong sa mahihirap. Mga famous celebs around the globe ginagawa yan. Instead of resorting to blame game, think of what you can do to those who are less in life. Huwag puro puna at reklamo. Makipagtulungan na lang.

      Delete
    14. Kasi annoying lang talaga gobyerno natin. That’s a fact period.

      Delete
    15. Lahat ng Presidente natin palpak— laging sigaw ng utak Pinoy. Tanong mo kung ano solusyon maiaambag nila sa sitwasyon... (cricket sound) WALA! Puro lang reklamo at ngawa. Yan tayo eh!

      Delete
    16. Im living here in Bangkok. Actually mas madami ang number ng infected dito.. nasa 177 plus na. And wala pang proper testing na ginagawa kaya di pa sure kng accurate yan. We hope that the govt also would implement locking down here. Everyone has been panic buying mask and alcohol since February. Basic items in grocery store here were also inadequate na. Wala ng tissue, sardinas, meat products were also gone. Alam ko to kasi nag grocery ako kahapon. Do not compare Thailand to Philippines. Dito sumusunod sila sa gobyerno.

      Delete
    17. 12:04 Wag i compare kasi wala pa kayong lockdown. Try mo biglang mag anounce ang government dyan ng total lockdown effective in a few hours at walang public transpo.

      Delete
    18. Yung mga local transmission satin puro galing sa mga ofw at balikbayan wala nga yung galing sa mga chinese

      Delete
  3. Maliban sa government pwede din naman sila magbigay ng donation kagaya ng mga ginagawa ng mga artista sa South Korea. Siguro ginagawa na din iyon ng mga artista natin pero these people can also encourage other celebrities na tumulong diba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di nman din kasi ineed i-announce na nagdodonate sila. Alam mo naman tayo panay bash.

      Delete
    2. yes they do need to announce para hindi lalong magpanic ang mga tao.

      Delete
    3. 1:41 No, may times na kailangan nakikita ng tao so they can influence more to do the same. Bela Padilla launched her own crowd funding para sa homeless or dun sa mga no work no pay. May nagagawa pag nakikita ng tao.

      Delete
    4. 1:41 Importante pa ba yung bashers sa lagay na to.

      Delete
    5. Angel pa ba. Nagdonate na yan bago mo pa naisip

      Delete
    6. 1:16 tama. Palusot naman ng iba e hindi na daw dapat i-announce pag tumulong. Pero ang puna at reklamo dapat i-announce agad. Dapat nga i-announce ang mga celebrities na marunong tumulong para pamarisan ng iba.

      Delete
  4. Kanina sa supermarket panic buying na naman mga tao. May pandemic pero dikit dikit sa supermarket. Tapos dyan sa kalsada. Dikit dikit. Iisang hininga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check your privilege teh. Kaya sila nasa kalsada kasi nag-hahanap buhay sila. Hindi sila naghahanap ng sakit. Hindi nila kasalanan na walang concrete plans ang government when they laid out their plans of community quarantine.

      Delete
    2. 4:22 anong country ang may concrete plan agad pagputok ng COVID? Paki-post nga kung meron man. Amerika at Europa nga na mayayamang bansa taranta sila ngayon dahil dumadami ang infected. Pilipinas pa ba ang hahanapan mo ng concrete plans e bukod sa third world country, wala pang disiplina ang karamihan sa mga pinoy.

      Delete
    3. Singapore, taiwan, maayos naman. Sokor gumaganda na rin. Sana natuto tayo sa kanila kasi nagset na sila ng good examples and they went through worse already.

      Delete
    4. 1:15 Mayayaman at me kakayahan yung mga bansang yun. Nagtetrain pa nga tayo para maging mga ALIPIN LANG NILA.....

      Delete
    5. @4:22 this is a new strain of virus. walang nakapag-predict, at siempre walang nakapag prepare. kung tama yang sinasabi mo e ikaw naang magaling! talo mo pa ang pamunuan ng mga bansang America, Italy Netherlands, Japan, South Korea, Spain etc etc etc... magbasa ka...di lang sa Pinas nangyayari ang mga yan. buong mundo. kahit mayayamang bansa. ang lamang lang ng ibang bansa sa atin ay ang mga tao. sumusunod sila, nagsasakripisyo at nirerespeto ang gobyerno. dito panay ang sisi kay Duterte. e sino ba sa tingin nyo ang dapat mamuno? kahit sino ilagay nyo dyan, walang magagawa kung ang mga tao mismo ang pasaway. oo naiintindihan ko ang mga taong kailangan magtrabahokaya wala silang paki kung kumalat ang virus. pero ikaw ano ang gagawin mo para i-please lahat ng kumukudang pasaway?

      Delete
  5. nakakalungkot. Kung noon pa sana inayos ng government ang pilipinas, hindi aabot sa ganito ang lahat. unlike sa ibang bansa na ang main concern nila ay yung vrius lang mismo. transportation pa nga lang ang gulo-gulo na so napahirap magpatupad ng mga batas.
    kaya di rin masisisi ang mga kababayan natin kung maging matigas ang ulo nila, dahil syempre kelangan nilang lumabas para kumayod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You mean like Italy Spain Germany Canada and USA?

      Delete
    2. not exactly. Ang point is, kung noon pa inaayos ang pilipinas, hindi magkakagulo ng ganito. Domino effect na lang iyan. Kung maayos ang pasweldo, ang health services ng gobyerno, hindi naman tayo magpapanic ng ganyan kung alam nating may back up tayo.

      Delete
    3. @1;18 - kung sana sinabi mo rin yan sa America, Japan, S. Korea, Italy, The Netherlands, Spain etc etc etc...sana di na kumalat di ba. so ang Pinas dapat nag patupad na ng lockdown noon pa? anong sasabihin ng mga pasaway? MARTIAL LAW, OA NG GOBYERNO, WALANG PAKI SA MGA MAHIHIRAP...AT MARAMI PANG EKEK. it is a new strain, limited ang alam ng mga experts about it sa early days...sinasabi mo bang dapat noon pa bago nagkaroon ng COVID e nag develop na ng vaccine para dito? anong klaseng pag-aayos ba gusto mo? mukhang di nabalitaan ng mga hi-tech at mayayamang bansa. dapat kinuha ka nilang consultant. masyado kang magaling e.

      Delete
    4. wow, di ba yan naman ang inaayos ni PRRD ngayon? kaso milagro yata ang hinihingi mo e no. parang wala nang saysay yang pinagsasasabi mo ngayon. nasa harap na natin ang problema, nananaginip ka pa ng mga sana sana mo! bumabangon pa lang ang bansa. isipin mo yung mayayamang bansa na maayos ang healthcare services, maayos ang pasweldo, e tinamaan pa rin ng lintek at nagka windang windang, Pilipinas pa? Day reality check lang ha. yung pinapangarap mo sa perfect world lang nangyayari! gising na!

      Delete
  6. Dati pinagdadasal namin na sana di tumama sa mahihirap na bansa ang virus, may posibilidad na wala silang maayos na facilities. Di ko naisip na mas magiging malala pala sa sarili kong bansa ang epekto nito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron na ba sa India o Bangladesh? Indonesia at Brazil? Kanino ka nagdasal? Nakasulat kasi sa Bible na a good man has powerful effect When he prays.

      Delete
    2. Oo, meron na din ang mga nabanggit mo. Tutal nasa internet ka na din, isearch mo. Kung european countries nga di macontain, pano pa ang mahihirap na bansa. Alam mo din ba na na mahirap na bansa ang iran? Pangatlo sila pinakamarami fyi.

      Delete
    3. 2:51 ang gauge nga kasi natin dapat e yung mga mahihirap na bansa kung hindi naman lumolobo ng 10million namamatay like sa mga nabanggit na bansa e Wala pa tayong dapat alalahanin. Dahil wala silang kakayahan din tulad natin. Yang Iran matatalo pa tayo niyan pag nakipaggiyera tayo jan. Hindi yan mahirap me langis yan Me nuclear research din sinanction lang yan ng US/UN kaya gipit.

      Delete
    4. 2:14 marami na sa mga sinabi mong bansa. Indonesia nga aminado na na tinago nila mga cases nila pero ngayon dumami na bgla.

      Delete
    5. ang shunga kang ni 2:14 paulit ulit comment nya. actually madami na din yang mga namention mo. andami nating suggestion ano kaso sa totoo lang madali lang sabihin kesa ipatupad sa totoo. wag lang basta dasal kasi mas importante ang sumunod sa tama. kesa mgreklamo ka wag ka nlang lumabas ng bahay. lahat nman ksi tayo apektado. at tama sana yung ibang celebs na mayayaman pwede nman silang tumulong kahit pang 2 weeks worth na groceries.

      Delete
  7. Hindi nga kasi pupwede sa tulad nating 29th World country mga ganito na gagaya sa mga lockdown ng ibang mayayamang bansa. Level tayo ng India at Bangladesh na Mga Hunter/Gatherers o Isang Kahig/Isang Tuka! Wala tayong kakayahan na suportahan Economically mga mahihirap na maraming anak na bumalahura ng kalikasan! Ang pwede lang nating gawin e magpalakas ng resistensya at WAG SAYANGIN MGA TANIM NA GULAY LALO NA SA NORTE at hayaang maacquire yung Virus dahil malaki naman ang survival rate nito maliban na lang dun sa mga me existing medical conditions. Magugutom lang yang mga hikahos na mas malamang e maovercome pa yang Virus dahil sanay sa dumi mga yan na hindi magsusurvive ng Covid-19. Nakatira sila sa mga pusali na pinapaliguan nila na dagat ng basura, mga bahay nila nakatirik sa mga ilog ng inidoro, kinakain nila mga pagpag, ano ikakabahala nila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA bwisit na ito pero my point ka. Mauna pa nga daw sila mamatay sa gutom kesa sa NCOV. Gustuhin man nila mag panic buying wala silang budget.

      Delete
    2. baks grabe nmn ang litanya mo

      Delete
    3. hay naku ateng tumahimik ka nlang. eh di nman pare prehas ang tao sa mundo maraming mahihina ang resistensya. di nman lahat pinanganak na parehas. nakakasiguro kba na yang mga tao sa squatter er immune sa virus? ay naku kung ngkataon eh mapupuno nila lahat ang govt hospitals. eh sino mahihirapan doon sa hospital? mag isip ka nga. lahat pwede mgkasakit lahat pwede mahawa. lahat apektado dito

      Delete
    4. 2:05 yung mga airconditioned nga mahihina resistensya nung mga yun. Pero yang mga lumalangoy sa basura na mga informal settlers mamamatay yang Covid sa kanila!

      Delete
    5. so ano dapat? kung di pwede lockdown?

      Delete
  8. Shut up. It’s either you contain this virus by isolating from each other or you’ll have a full blown epidemic in the country. Ang ingay ninyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dyusko. Hindi ka naman pwedeng mag total lockdown na lang nang walang maayos na plano! Iba't iba ang situation natin. Ang selfish mo kasi.

      Delete
    2. They'll probably die of hunger first if they get locked in, before nay virus can. Check your privilege.

      Delete
    3. 1:24 ewan ko syo. As if npakadali ng sinasabi.

      Delete
    4. 1:24 ikaw ang maingay. mag netflix ka na lang.

      Delete
    5. @1:24 I agree with you. the best way to stop the spread is social distancing but the govt should have a plan for these people, they should support them

      Delete
    6. So ano nga ulit plano para sa mga nurses, hospital workers, grocery workers, frontliners na walang private vehicle?

      May nakausap ako kaina sa twitter na DDS galing davao. Gusto yata magteleport na lang sila. Mapapafacepalm ka na lang talaga.

      Delete
    7. 1:24, ang sinasabi lang naman eh sana pinagplanuhan ng maayos. Inabisuhan ang mga companies bago ipatupad para sana nagkaroon sila ng contingency plans. Di yung bara-bara ang implementation.

      Delete
    8. 1:17 pm. Ang kalaban kase dito ng maraming bansa ay iyong “ time” cause the enemy is invisible.

      Hindi naman sa hindi sila nag-pplano , but many leaders around the world are racing against time to contain the spread, makikita natin na maraming silang mga drastic measures na ginawa.

      In Italy, people go for grocery shopping - have to stand in line with 1 meter apart from each other while wearing their mask. We see people standing in a long line even outside the main entrance of d bldg.

      Delete
  9. Mas delikado pa yang checkpoint kasi nagdikit dikit na yung mga tao. Tapos yung pang check ng temp, sinasanitize ba yun? Yung iba nakita ko dinidikit sa noo. Yung pagchecheck ng id, naglilinis ba ng kamay yung nagchecheck everytime may hahawakan siya? I doubt it.

    ReplyDelete
  10. Never again! We need good leaders with a sound mind and good heart!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sus kung may bad ang govt natin, as always, mas wlang disiolina nman ang ibang Pinoy. Lol

      Delete
    2. Jusko girl. Not this time. Wag muna pairalin ang hate

      Delete
    3. Wag ng iasa sa leader pag ganitong pandemic just do it by yourself common sense.

      Delete
    4. Ay gurl, marami nang dumaan n pres and yet wla parin pagbabago. Parang hndi mo alam kung paano magpabango ang mga pulitiko. Also, everyone should and always contribute to the country by having right discipline and compassion to each other.

      Delete
    5. Naku naman. Hindi naman inaasa sa gobyerno na ma-save lahat. Ang problema, sablay ang plano nila. Mas nagkakadikit ang mga tao more than ever dahil sa hindi pinagisipang lockdown. Walang problema sa lockdown itself. Ang problem eh yung proper implementation. Kulang na kulang ang gobyerno. Yung leader pa hindi maintindihan.

      Delete
    6. Haynako normal na mamamamayan na nga umaakonsa teabaho ng gobyerno. Kaliwat kanan na donation drives, sa hospital workers, sa mahihirap, sa pnp.

      Ganyan kainutil ng administrasyong duterte.

      Delete
    7. 2:13, Gov’t lang ang may control over this. Saka 3 mos na yang COVID. Hindi talaga sila nag-plano ng what ifs?

      Delete
    8. Ikaw yung tipo ng studyante na pag mababa grado niyo sa thesis sisi mo sa group leader niyo. Lol

      Delete
    9. 152 pm ikaw kasi tipo ng leader na members gagawa ng trabaho tapos credit grab ka na lang pag pasado na

      Delete
    10. Do your part na lang, if you are showing signs and symptoms of Covid, go have yourself tested, don’t forget to wear mask. Tapos wag ka ng magdala ng kasama, para hindi mahawa ang iba. If tested positive, follow the doctor’s order and stay home ( self -quarantine). If tested negative, stay indoors pa rin until further notice from DOH/Govt.

      Stop blaming the government, it will not do anything good. And besides no government is prepared for this pandemic, even rich countries and their govts are overwhelmed. Stop complaining and start thinking of what you can do to avoid getting the sick/virus or stop infecting others. ( self quarantine)

      Ang kadalasan na mentality natin - if things go wrong, there is a tendency to look for someone to blame, instead of finding solution to help in our own little way. ( Dapat baguhin ang mentality natin - andyan na iyan, mag sisihan pa ba tayo?? )

      Delete
  11. These people, puro kuda pero wala naman maisuggest na better strategy. When a govt is pushed to the edge, it is expected to do drastic measures.

    Nagtatrabaho ako sa isang sangay ng gobyerno na may kinalaman sa legislative processes. Hindi po lower o upper house bagkus yung mga sangay na naglalobby para maipasa kaagad ang isang proposed bill. I have been in the government service almost half of my life, trust me when I say that when a specific measure is implemented, it has undergone thourough thinking and analysis. Mga experts sa field ang nagdidiscuss dyan. Kaya bago pa man makita ang mga gabinete sa isang pagpupulong, equipped na yan sa mga impormasyong masusing inusisa at pinaag-aralan, hinimay ng daan-daang tao.

    Ang nakikita nio lang kasi eh si pangulo at mga cabinet members, o yung mga congressmen at senador. Madaming tao behind the scene. Do not undermine the wisdom of the people behind the implemented measure. I am 100% sure, pinag-isipan yan. Kaya mga madam, kung kukuda kayo pero wala namang masabing alternatibo, SHUT UP AND DO YOUR PART. Mas makakatulong yan. and please, wag masyado akala mo all-knowing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka gurl. These people walang ginawa kundinkumuda magreklamo. Why can't we just follow our leaders. Ang hirap kasi sa atin puro tayo reklamo,

      Delete
    2. Dimo nabasa suggestions?

      Delete
    3. Gurl magbibigay babang gobyerno ng financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho? Wala naman nabanggit db? Parang inobliga nya yun malalaking kompanya na magbigay sa empleyado e papano yun maliliit lang at day to day basis ang sweldo? may suporta ba sya mabibigay

      Delete
    4. Naglilinis na lang ng kalat un gobyerno. Nahuli na sa aksyon eh. Kung umpisa pa lang may ginawa na di sana walang outbreak.

      Pinasara dapat agad ang POGO. Pinaban mga flight galing China. Nagdeclare dapat agad ng state of emergency. Hindi sana humantong sa ganito kagrabeng lockdown.

      Delete
    5. 3:00 those are very vague suggestions by locsin. give specific suggestions that far outweigh your fears. akala nyo
      kasi madali ang magpalakad sa mga taong matigas ang ulo at mahilig magmarunong. ang tigas pa ng ulo!

      and please madam, hnd mo din nabasa si karen? improve strategy? Eh di magbigay ng naiisip na strategy? Para naman may basehan ang sinasabi nya.

      tama si 1:38, shut up and do your part at ng maligtas ang buhat mo at ng pamilya mo.

      Delete
    6. Ang daming suggestions. Usually mga professional pa. They keep on telling the government to change their strategy. To create a better plan. Walang konkretong plano yung gobyerno. Ayaw nila makinig. Oh ngayon may pa-enhance community quarantine pa silang nalalaman.

      Delete
    7. This is not a legislative concern. This is administrative. It's crisis management, which clearly the people in the administrative branch are incapable of doing.

      Even if the spread of COVID-19 is unprecedented, it's not totally a shock. The outbreak started in January. China bought the rest of the world time by imposing drastic measures to contain it even though their own lockdown caused most of their people to flee and spread the virus even faster.

      If the government started planning in January, preparing budgetary concern for the worst case scenario, things wouldn't be this bad. Duque requested Duterte to issue a national emergency February pa lang. He didn't do anything, instead downplayed the whole thing as if it's nothing. Remember, DOH doesn't have the budget to purchase enough test kits because of the 10B worth budget cut. Our bureaucracy makes it so difficult to release and reallocate funds, kaya ang tagal lumabas ng pondo umabot pa sa punto na nagcra-crowdsourcing na mga hospital. If they were prepared, the budget would've been accessible by the time it was needed. Vietnam is a developing country just like us but they are in way way better situation because they acted immediately. The fact that we are poor should've been enough reason why we should've been more aggressive early on because we have more to lose.

      Delete
    8. So yan na ung napag isipan ng sinasabing mong magagaling? Hahahaha.

      Delete
    9. Ang daming suggestions, teh.
      -Distribute food packs from dswd
      -suspend late fees and government deadlines
      -mobilize tesda and even deploy military in the production line of masks like what taiwan did
      - ensure all hospitals have enough alcohol and masks by directly coordinating with suppliers
      Marami pang iba, please lang

      Yung banning ng china flights ang tagal na pinupush ng tao bago inimplement. Ung luzonwide suspension of classes last week pa sinasabi, kahapon lang ginawa.

      Delete
    10. I rarely comment on FP, but preach 1:38! Let us all DO OUR PART. Government plans will fail if people don't cooperate.

      Delete
    11. Di nila naisip na syempre natakot mga tao sumugod sa nearest bus terminals para makauwi agad - paano kung infected sila? Di rin nila naisip magoffer agad ng incentives para sa mga min wage earners or tax breaks para sa mga business owners para maitawid yung isang buwan na malamang wala sila kitain? or kung naisip man nila, di nila naisip ipaalam sa tao para sana di sila nab-bash ngayon?

      Delete
    12. The privilege people are the ones who can obey and cooperate in this lockdown.

      Delete
    13. 1:38 anong legislative part ka ng govt? Shadow govt ba yan o Rogue? Yang Lockdown protocol yan ng WHO na pinatupad ng DOH kaya hindi ko alam kung ano yung sinabi mong pinagisipan na plinano nila?

      Delete
    14. I'm an employee of the government in the executive branch and I've been here long enough to say that this administration is stupid af. Puro pabida. Puro sisi sa last admin. Puro propaganda kahit wala nang sense. I cannot speak for the legislative branch pero ganyan sa executive. Pag may meetings, napapafacepalm ka na lang sa mga secretary at usec. Walang alam at pabida

      Delete
    15. 1:16 sample nga?! Yung mga inenumerate mo e nakikita na sa news e. Bigay ka ng sample na hindi pa nailalabas sa news kung totoong employee ka ng executive branch.

      Delete
  12. Inis tlga ako sa mga comments ni karen.. prang lahat n lng mali. Not a dds but I think this is the best possible measure that the gov can do atm

    ReplyDelete
    Replies
    1. Are you serious? She’s got point you know.

      Delete
    2. 2:00 Di rin. Sa mga employers at malalaking companies dapat sya nanawagan. Bakit puro gobyerno na lang lagi?

      Delete
    3. I'm sorry pro super bias sya..

      Delete
    4. Yup! Mga employers. Wag lahat isisi sa gobyerno.

      Delete
    5. May point sya this time talagang mali ang ginawa ni duterte,

      Delete
    6. Sorry 200 pro I've been following her on twitter ever since.. and most of her twitter are against the gov .. open secret nmn n cguro kng bkt.. and besides the likes of her are causing too much panic sa masses.. not helping at all.. sya ung putak mg putak with nonsense may pgk arrogant and superiority complex tlga sya.. 0142

      Delete
    7. Marami po sa atin ang no work no pay. Marami din rumaraket lang. Di mo din ma expect all companies na maging generous kasi gustohin man nila, sila mismo operating din on a monthly basis..sa hirap din ng business now. Kaya kung walang govt financial assistance, talagang NEED ng tao gumawa ng paraan kumita. Stay home then die from hunger naman abutin. Complicated itong scenario na to kaya no easy simple solution maliban nalang makahanap sila ng gamot.

      Delete
    8. govt needs to give the directives to big company para ma execute

      Delete
    9. Dapat ipush ng government ang mga employers. Sila lng may kakayanan nun.

      Delete
    10. so along gagawin natin sa gobyerno kung di natin sila iki-criticize? mananahimik nalang?

      Delete
    11. What about contractual and job order workers ng government na no work no pay, corporations pa rin???

      Delete
  13. Si Angel locsin talaga may pusong maka masa.

    😇

    ReplyDelete
    Replies
    1. Here we go again 🙄🙄🙄

      Delete
  14. We don't have the worst government, we have the worst citizens

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hanggang dito nakaabot kayong mga paid trolls 😝

      Delete
    2. Copy paste...kayong mga dds ang worst

      Delete
    3. Truth, 1:57.

      Delete
    4. Yes. Worst citizens na walang ginawa kundi kumuda

      Delete
    5. Katulad mo 3:00 puro kuda.

      Delete
    6. korek ka 1:57. Lahat feeling pa-woke, feeling entitled.

      Delete
    7. but you can't disagree that we are worse or the worst citizens. Hoarding, profiteering, scamming, pasaway, all talk, puro rant, puro kontra, quarantine magrarally...

      di ko sinasabi na hindi ginagawa to sa ibang bansa, but we're worse, grabe. nakakalungkot. imbes na magsama sama, puro pasa, puro turo.

      in-announce naman na LGU should assist sa needs ng citizens during this time dahil nga alam naman na hindi lahat may kakayahan na magimbak ng pagkain. nanawagan naman sa mga pribadong kumpanya na tulungan ang mga empleyado nila... pero wala, tila bingi tayo dun sa mga sinabing yun tas magtatanong, makukulangan. mali ang gobyerno yadda yadda yadda. hindi sila perpekto, may mga mali sila, pero totoo... mas gusto ba natin unahin manisi sa panahon na ito kesa kumilos at tumulong? pwede mo naman gawin yun, walang pumipigil sayo, pero alin ba ang mas mabuti at mas tamang gawin?

      Delete
    8. wow so ganun nalang blame the poor citizen and not the government na dapat responsible the nasasakupang citizen? mabuhay Philippines :(

      Delete
    9. We have the worst citizens because we have the worst government. Ilagay mo ang tao sa lugar na maayos ang sistema, maayos din sila. Ito ang pinaniniwalaan ko, mag-isip ka.

      Delete
    10. No, ideally, the citizens are responsible to the government and not the other way around. The government is doing everything it can during this time of pandemic. And now, we are waiting for the businesses’ initiative of taking care of the well being of its employees. Yung mga employer naman ang dapat magbigay ng share nila.

      Delete
    11. And I'm betting 2:45am that you certainly aren't helping either. *smh*

      Delete
    12. We have the worst government and the worst citizens and I’m also belong to that worst.

      Delete
    13. tama naman si 1:57.. mga pinoy walang disiplina, puro reklamo, walang kakuntentuhan sa buhay.. kahit sino pang nakaupong presidente madami pa din reklamo..

      Delete
  15. Of course... here they go again..

    ReplyDelete
  16. Pilipinas, nakakaawa ang Pilipino. Alam natin kung gaano na kayaman ang mga mayayamang company pero dapat kusa silang magbigay ng sahod. Ang gobyerno naman sana alisin ang tax at bills para sa next 3 months. Ganito ang ginawa ng Macau eh. Sana ganito din satin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! Ang gobyerno laging nanawagan sa mga private companies e paano naman ang tax? Kahit nga yung deadline sa april 15 walang extension. Puro kasi mga kurakot.

      Delete
  17. Walang problema po sa lockdown! Ang problema eh yung implementation. Kung maayos ba ang guidelines at covered lahat. Hindi yung simplistic solution na i-lock lahat sa bahay & call it a day. Alam niyo bang may na-stranded dahil wala nang masakyan at galing silang trabaho?? Hindi sila nakapaghanda kasi few hours lang ang palugit eh nasa trabaho sila!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well said! Yan na yan din saloobin ko.

      Delete
    2. Isa ako sa hindi nakauwi kahapon. Umuwi akong probinsya nung sabado, sabi pwede pa makabalik pakita lang work ID kaya nakabalik pa ako ng Lunes. Tapos hapon effective immediately ang enhanced, 5PM di na nagbyahe mga provincial bus sa min. Di man lang ako nakapagready. Naiwan ko baby sa probinsya, miss ko na sila.

      Delete
  18. This time agree ako kay karen, minimum wage earners who rely on a daily basis kung no work no pay/ no work no earnings in a day papano na sila sa "enhanced quarantine" na yan? will the government give them financial support? Sa ginawa nila na yan mas madami minimum wage earners sa bansa natin

    ReplyDelete
  19. Galing mag lockdown ni Duterte wala naman subsidy sanmga mahihirap papano sila they cant afford just to stay at home at hindi kumayod

    ReplyDelete
    Replies
    1. reklamo ng mga tamad sa buhay yan

      Delete
    2. 9:33 Nag tatrabaho nga sila, paanong tamad??

      Delete
  20. Mga ganitong bagay ang nakakalungkot makita eh... haaaay... kung pwede lang din ma-suspend ang gutom ng kumakalam na tiyan eh. :(

    ReplyDelete
  21. Here goes the paBIDA, know it all, hollier than thou...artistas.. again! So much talk on social media but are they really making any difference with their posts? I think not. They should join politics so they can make a real difference. People will surely vote for them.

    ReplyDelete
  22. Hey, dito sa canada, work at home. So, do not complain. Bahay ang nakataya...

    ReplyDelete
  23. So, Karen davila, puwede kayaking humming ng tulong sa iyo tulungan mo yung mawawalan ng income. Willing ka?

    ReplyDelete
  24. Ang problem sa pinas andaming nagmamarunong at gustong maging presidente. Puro puna,kuda, wala namang naambag na solution. No nation is ever prepared for this. Mga first world countries nga napapasukan ng libo2x. Pasalamat nga tayo Hindi pa lumalala sa atin naagapan na. Magsitahimik kayo at Sana Yong mga puro criticize sa govt. Mag gargle kayo ng chlorine para Naman malinis mga bunganga niyo.

    ReplyDelete
  25. Nothing is going to change. The poor will stay poor. Sad but the politicians aren't going to make the country better. And it's about time we should stop depending on them for change. They don't care that much.

    ReplyDelete
  26. Naiinis ako kay presidente at sa mga dds na ayaw magtravel ban sa china noong nagsisimula pa lang kumalat ang virus. Kesyo racist daw magtravel ban. Asan daw ang humanity natin. Mga bayarang trolls nakakainis.

    Pero ngayong kumalat na ang sakit, naiinis naman ako sa mga bayarang trolls ng dilawan na kesyo martial law na daw at sobra na ang paglockdown. Wala na tayong magagawa. Pumalpak na si digong. Sama-sama na tayo maglockdown kung ayaw nyong magkasakit tayo lahat at magkaubusan ng kama sa ospital

    ReplyDelete
  27. 3:01 true....bara-bra walling planning :(

    ReplyDelete
  28. Si Angel Locsin lang nag research sa kanila. Yung iba wala, sana shut up na lang. Dapat solidarity ngayon. O kung may sasabihin, may suggestion di puro type ng reklamo

    ReplyDelete
  29. Hindi naman sana humantong but if people won't take this seriously at puro reklamo walang disiplina then i dread the day manila will become the next wuhan

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...