Ambient Masthead tags

Wednesday, January 8, 2020

Insta Scoop: Aiai Delas Alas Reacts to SC's Junking of Same-Sex Marriage Case


Images courtesy of Instagram: msaiaidelasalas

126 comments:

  1. Osang left the group chat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grounds by the SC in dismissing the case as per newspaper reports:

      1) No legal standing by the Petitioner to file the case. In the case at bar, Atty. Falcis was the Petitioner;

      2) Violation on the Rule on the Hierarchy of Courts, which means that it should have been first filed in the lower courts before proceeding to the SC;

      3) No justiciable causes.

      Delete
    2. aiai got married 3x ikaw na banal

      Delete
    3. 348 LOL so basically not denying the petition on its merits

      Delete
    4. Hays, I'm sure yung mga hindi pabor sa same sex marriege dito e yung mga pa-religious na tao na feeling nila dahil di pabor ang simbahan nila sa same sex marriage e yun na ang tama. Di naman kasi pipilitin ng batas na ikasal ang mga beks at shiboli sa mga simbahan nyo no, bibigyan proteksyon lang kasi ng batas ang partnership ng same sex na magkaroon sila KARAPATAN na parang sa mga married couples, pero di ibig sabihin nun ay pwede na sila ikasal sa simbahan. Bat ba kailangan nyo ipagkait sa kanila yun? E karamihan sa mga kinasal sa simbahan di nirerespeto ang kasal nila. Haist. Mga tao talaga, pag usapang relihiyon ang babait. Pero pag gawaing kabutihan, ewan ko na lang, no comment. Mas madali kasi magsimba kesa gumawa ng totoong kabutihan di ba?

      Delete
  2. Rosanna unfollowed aiai.

    ReplyDelete
  3. Sorry nalang kayo. Di kaya ng powers nyo

    ReplyDelete
  4. Ice dislikes this.

    ReplyDelete
  5. Charice left the group chat.

    ReplyDelete
  6. Tanggap ko lgbtq pero ayoko rin ng same sex marriage. Pero opinyon ko lang to. Kaya lang sa post ni aiai mukhang meron siyang mga gay friends na hindi matutuwa. Hmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha truth 12:42. Im curious what rebutt her gay friends will say

      Delete
    2. Pansin ko lang, dito sa Pilipinas hindi lahat ng LGBT eh pabor sa same sex marriage. May mga kilala akong lesbians and gays na matagal ng in a relationship parang mag asawa na na nga, pero ayaw rin nila ng dame sex marriage. Ang gusto nila respeto. Magbago sana ang mga tao sa attitudes nila at matutong mag recognize na ang relationships ay diverse rin. Yung ang pinaka importante.

      Delete
    3. 1242am kung may mga gay friends si Aiai, siguro naman maintindihan siya kung ano yung stand nya. People can be friends eventhough you got different opinion and ideology, diba? Gullible lang siguro ako to think that way. Hahaha...

      Delete
    4. I agree with this. Sana unahin muna nila ipasa ang Divorce law bago ang Same Sex Marriage dahil mas matagal na issue na to.

      Delete
    5. Siguro kung ceremonial rights ang gusto,go na sa Taiwan.

      Delete
    6. 1:41 Same here. My gay cousin na majondi pa sa majondi sa pagkabadiday at may current bf naman. ayaw din niya ng SSM.

      Delete
    7. i love my LGBT friends, but still i do not agree with this.

      Delete
    8. My opinion,I agree w the decision,hindi nmn talaga dapat yong SSM.ang kasal for real women & men.wala nmn aq problem sa mga lgbt,marami nmn clang responsible,maabilidad at marespeto but not to SSM.

      Delete
    9. As part of the lgbt community myself, I honestly feel like I can do without the marriage because it’s just a ceremony. Not to offend anyone. I would love to get married but if that violates certain religious beliefs, then I would understand being deprived of that privilege. However, what I’m after for is the legal rights. What happens if my partner and I decided to buy a property, or even adopt a baby? I do hope that sooner than later, there would be a reconcilation for all concerns on the matter.

      Delete
  7. Pro gay marriage ako pero from the start alam kong malabo ito dahil nasa batas ang marriage ay man and woman. I can only hope for civil union approval para sa mga kapatid nating 3rd sex.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes civil union na same din sa legal rights as marriage. Huwag na lang nilang gamitin ang word na kasal or marriage.

      Delete
    2. 2:02 But marriage existed way before the Catholic church claimed it to be a sacrament, honestly look it up

      Delete
    3. pro gay marriage pero you refer to them as 3rd sex?

      Delete
    4. Pag pinasukan ng religion,conservative kasi dito sa Pilipinas.Siguro magpakasal sila sa ibang bansa for the sake of ceremony.

      Delete
    5. I think nagkakagulo sa aspeto ng marriage.Legal union siguro dapat itawag.Pero pano ang pag aampon ng bata

      Delete
  8. Bakit ayaw niyo ng same sex marriage especially if legal lang naman at hindi sa simbahan? At least same sex marriage couple will have the same rights as hetero couples.
    Hindi naman kayo affected kung ikakasal sila. Its all just legalities. Why can't we just live and let live.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat ng tao may sariling opinyon tungkol jan. Wag mong pangunahan

      Delete
    2. True. Same rights talaga habol ng mga kapatid natin na lgbtq. C'mon guys. As long as di naman tayo inaano, ibalato na natin sa kanila.

      Delete
    3. Kesyo goes against the sanctity of marriage daw. E ano tawag sa mga marriage kung saan talamak ang sugal, pakikiapid, domestic abuse atbp?

      Delete
    4. Natumbok mo nasa isip ko. Nakakainis din yung ibang pinagmamalaking may mga kaibigan at pamilya silang LGBT pero hindi sila payag na magkaroon sila ng equal rights as them na straight couples.

      Delete
    5. @1248 kasi majority pa din ng Filipinos are conservative. Imagine mo na lang ha syempre pag married yun gay couple pwede sila mag adopt ng anak or kumuha ng surrogate to bear their child. Tapos papasok na sa school yun bata, aba, maloloka ang pta members at ang school officials na judgmental at chismosa. Baka pag ayaw pa tanggapin yun anak nila, pagpilitan pa nila. It's not true that others will not be affected kasi magugulo ang picture of morality ng mga hypocritical. Imagine mo na lang yun explanation sa mga bata na gagawin ng teacher Lol That will never happen in the Philippines. Personally, ok lang sa akin. I'm just being realistic though.

      Delete
    6. @1:04 Its not "conservative but pure ignorance. Everyone should be equal. This is why religion should always be separate from government. I dont understand why religious people think everything revolved around them and their beliefs? Why insist their belief on other people?

      Delete
    7. 1:45 pure ignorance? Alamin mo po muna ang purpose ng marriage. Marriage is not a right. It is a state's tool to regulate/control hetero relationship because it seeks to promote hetero families as the foundation of our society. The hetero family is where the next generation of citizens will be born and raised. The state and ultimately, our civilization, has a crucial stake in promoting hetero marriage to protect the family as an institution.

      Ngayon, anong pakialam ng estado sa lovelife ng mga homosexuals? Bakit nya ireregulate ang pagiibigan ng dalawang tao na iisa ang kasarian kung hindi naman sila ang bubuo ng pamilya na magiging pundasyon ng lipunan?

      Malaya ang mga homosexuals tungkol sa sex at love life na nais nila. Pero hindi nilikha ang kasal para sa kanilang lifestyle. Marriage was made for a different purpose.

      Delete
    8. Bakit nyo gusto paganahin sa Pilipinas ang uso sa ibang bansa? Doon kayo manirahan at magpakasal.

      Delete
    9. Exactly, why insist your belief on other people? Lol

      Delete
    10. 12:56 and so yung opinion lang ba nila ang valid at hindi yung iba?!

      Delete
  9. If she can marry a guy old enough to be her grandson, well she should not discriminate other relationships.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala nman kasi sa batas na bawal magpakasal ang malaki ang agwat ng idad. Pero nasa batas na ang marriage e between man and woman. So malabo talaga to. Palitan muna yung batas. Wala nman kasi din choice ang SC but to interpret the law so haggang hindi pinapalitan ang batas limiting marriage between man and woman e wala talaga.

      Delete
    2. 2:45 Yan nga ang ipinaglalaban ng LGBT eh yang family code na yan pero ayaw niyo anuna

      Delete
    3. 3:25 correction. Hindi Ipinaglalaban. Kinakalaban.

      Delete
  10. Di ko gets yung mga ayaw ng same sex marriage. May mangyayari ba na masama sa buhay nyo if ever iapprove yon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung hindi ka open intindihin ang rason ng iba kung bakit ayaw nila, don't expect to be understood as well

      Delete
    2. Not 12:55, but 1:31 sagutin mo yung tanong nya may mangyayari bang masama sayo pagnaging binding legally ang union ng mga non-hetero? Di ako lgbt at against ako ikasal sila sa Catholic Church pero gusto ko na magkaron sila ng same rights in terms of maging legal sila na partners under sa batas natin.

      Delete
    3. 1:31 the difference is the other is making a point, totoo naman, maapektuhan ka ba directly? pag ikinasal ang dalawang bakla, mababawasan ang pagkatao mo? meanwhile, sila naapektuhan because they're denied of their rights, ikaw hindi

      Delete
    4. 2:07 Ang kasal po ay pakikialam ng estado sa lovelife ng dalawang tao.normally hindi dapat pakialamanan ng gobyerno amg love life natin at lagyan ito ng rules kung kelan pwedeng maghiwalay, kanino ka lang pwedeng makipagtalik, sino magbibigay ng suporta, etc. Pero nakikialam ang gobyerno sa pamamagitan ng kontrata ng kasal kasi ipinopromote nya ang paglikha ng pamilya kung saan manggagaling ang sunod na henerasyon ng mamamayan. Itinuro po yan noong bata pa tayo sa school. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. Kaya mahalaga ang kasal-para mabuo at proteksyunan ng gobyerno ang institusyon ng pamilya.

      Ngayon mga hetero po ang lumilikha ng pamilya kaya sa lovelife lang nila nakikialam ang gobyerno. Yunh mga homosexuals po, malaya silang magkalove life. Pero ayaw makialam ng gobyerno sa lovelife nila gamit ang kontrata ng kasal. Walang stake sa gobyerno kasi di naman nila maseserve ang purpose ng pagbuo ng pamilya. Take note, ang ideal nating pamilya ay iyong may nanay at tatay.

      Delete
    5. 2:07 iha, hindi lang magproduce ng anak ang purpose ng kasal, so based sa definition mo pag may mag-asawa na walang anak eh hindi na nila na-iseserve ang purpose nila at hindi na sila pwedeng tawagin na family dahil wala silang ambag sa susunod na henerasyon.

      Ang kasal ay isang physical, emotional, legal, at spiritual (if sa simbahan) union between dalawang tao. Rgardless kung magpundar sila ng anak or wala, pamilya na sila.

      Masyadong mababaw ang pangintindi mo sa purpose ng goverment natin, hindi sila nageexist para para lang protectsyonan yang definition mo ng pamilya na natutunan mo sa school mo. May government tayo para mag-Govern, magregulate, magkaron ng order at higit sa lahat iensure na ang karapatan ng bawat isang mamayanan ng state ay napproteksyonan. Wag mong ihalo ang turo satin sa religion sa batas. Kung mamatay ka pag kinasal ang mga bakla dun ka at ang gobyerno umalma pero kung walang epekto sayo, anong dahilan ng gobyerno at mo para sabihin na natatapakan nila ang karapatan mo?

      Catholic ako and I firmly believe na hindi sila dapat ikasal sa Simbahan pero I'm fully supporting them having an equal rights as I'm na makapili sila ng taong gusto nilang makasama sa habang buhay sa mata ng batas regardless kung anong gender.

      -2:07

      Delete
    6. Hindi ko rin gets. Kung ayaw mo, tapos makakarinig ka na may kinasal na same sex Ano mangyayari sayo? Wala. Maiirita ka lang ganun? Kaya ayaw mo? That’s why you’re against two people of the same sex marrying each other? Meanwhile, instead of just mild annoyance, these two people who want to marry are denied rights and laws that are only applicable through marriage, not to mention their right to celebrate their love for each other.

      Delete
  11. divorce nga sa pinas di ma-approve eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Bago ang same sex marriage, divorce muna. Pahirapan magpannull kahit matagal ng di magkasama at me iba ng kinakasama.

      Delete
  12. Paano pag legal dito? Hindi naman ibig sabihin sa Catholic church sila ikakasal di ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. No, it’s just a civil marriage (a licence) nothing to do with the church.

      Delete
    2. Ang apektado dito ay ang sasakupin ng civil union.Meaning adjust din ang mga batas sa pag aampon,batas sa pag mamay ari ng properties,etc.

      Delete
  13. Hindi naman sa nilalahat ko ha, pero medyo against ako sa fact na maraming lalaki ngayon na pumapatol lang because of money. Madami naman talaga dito. Ayoko naman masaktan yung mga lgbt friends natin na hiwalayan sila at makuha sakanila lahat ng pinag hirapan nila. Syempre some would be very excited na magpakasal cos finally free sila magmahal at ikasal not knowing maloloko sila. Again, hindi ko nilalahat kasi marami naman talag seryoso. Kung ilelegal nila yan sana maprotektahan din ang rights nila sa ganung matter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teh, kahit sa mga straight madaming nalokoko dahil sa pera. Bat mo naman ginegeneralize yan sa mga gays?

      Delete
    2. Even hetero marriages have that issue - marrying for money. Whether they get scammed or not by their partner is a matter of consent, not the legality of the union.

      Delete
    3. 1:36 yes. True. But they are most vulnerable and easy to give in sa fact na finally ikakasal na sila. At maraming mag tatake advantage sa kalambutan ng mga kapatid nating lgbt.

      Delete
  14. May issue ako if gusto nila is kasal sa simbahan kasi the doctrine of the church does not allow it so diba wag ipilit dun but I don't think that's what they're after at ang gusto lang nila is ang legal rights, Sana naman iallow yung legal union or yung legal na partnership for them, we should all have the same legal rights under the constitution.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:22 exactly, ito yung ayaw intindihin ng mga relihiyoso

      Delete
    2. True, nobody can force the church to change their doctrine. This is a civil rights issue and is addressed to the government only.

      Delete
    3. kung ako yan, punta na lang ako ng Taiwan at dun ako magpakasal. The end.

      Delete
    4. Atey 10:42, kahit ikasal sila sa taiwan if resident sila ng pilipinas walang effect yun. I believe na hindi naman yung ceremony lang habol ng friends nating baklits at mga tibs eh kungdi yung Kilalanin sila ng batas na magasawa andaming bagay at karapatan ang magkakaron kayo sa isat isa if sa batas ikaw na ang spouse ng isang tao. Sa hospital or sa mga properties ganyan at kung ano anong legal matters.
      -1:22

      Delete
  15. People, hanggang ndi tau direktang maaapektuhan ng kahit na anong batas. please learn how to ignore and STFU

    ReplyDelete
    Replies
    1. Direkta po tayong maaapektuhan niyan dahil ang batas ay sumasakop sa pangkalahatan.So iiba ang social structure.

      Delete
  16. Bakit madaming ayaw? Bakit din binabaluktot nyo yung mga nakasukat sa bible porket we live on the advanced generation na??? Unang una palang babae at lalaki ang pinag sama. Errmmm.. Adam & Eve guys, remember???? Let us not set aside yung Diyos dahil lang sa dahilang dahil uso na yan ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:27 Bakit din hindi mo matanggap na hindi lahat ng tao same sa relihiyon mo o sa mga pinaniniwalaan mo? Aware ka ba teh?

      Delete
    2. 1:27 I so agree with you. Di porket other countries are doing it already eh susunod na rin tayo dito sa Pinas. Di porket 2020 na eh iallow na rin naten yan? I hope that we remain biblical and take heed with the instructions from the scriptures. Oh unahan ko.na kayo ha, baka may magsabi jan na myth ang bible at gawa lang naman yan ng tao, yung cellphone mo gawa din yan ng tao baket ka naniniwala jan? Natural tao ang babasa, tao rin ang magsusulat but it was inspired by the holy spirit. I have gay friends and I love them but I am against same sex marriage, it is like tolerating such activity which is forbidden in the bible, to have sex with same gender.

      Delete
    3. Bible? Not every Filipino believes in the bible BUT every Filipino should have equal rights! Stop insisting your religious beliefs on other people. This is not about "uso". This is about equality and respect for each person's rights hindi puro na lang kayong katoliko. Hindi makadiyos ang pagiging selfish nyo.

      Delete
    4. 2:40 the world doesn't revolve around your religion, not everyone follows the same religion as you do, anong part dyan hindi mo maintindihan? it's not "nakikiuso" it's a matter of fact. hindi lahat kelangan sumunod sa krityanismo

      Delete
    5. 2:40 you said it right. 1:53,patunayan mo munang myth ang bible. Dahil ako marami akong evidences na totoo sya. Just because you don't believe it doesn't mean it's myth.

      Delete
    6. 1:27, 2:40 Sana 100% sinusunod niyo ang lahat ng nasa bible. Kung hindi, hypocrite lang kayo.

      Delete
    7. 2:40 sa Taiwan kaya sila magpakasal o kaya sa Canada.

      Delete
    8. 2:40 Isa ka pang magulo! Isnt being gay equates to having sex with same gender even without marriage?! Tapos you love them when clearly it is written in the Bible that God HATES it! Nagbabasa ka ba ng Bible? Naintindihan mo naman ba binabasa mo?

      Delete
    9. hindi naman sa pagsunod kung ano yung uso. di naman lahat ng kasal sa simbahan ginagawa. ang habol lang naman ng lgbtq community ay yung karapatan nila. bakit hindi nila pwede ienjoy ung perks na meron ang straight couples?

      Delete
    10. 1:53 ilang taon ka na?! Myth pala yung Bible syo. Saan mo natutunan pala yung mabuti o masama? Sa Universe? Bumaba sa conciousness mo?!

      Delete
    11. 2:40 WHAT does the bible have to do with anything? This is a purely civil matter. Your religion and beliefs have nothing to do with this as this goes to the basic right of every citizen whatever their religion. There is such a thing as separation of church and state that nobody seems to be able to grasp. What your religion is saying doesn’t matter. Actually, a law leaning towards your belief is even more unconstitutional as this is favouring one religion over another.

      Delete
  17. Marealize sana ng mga “relihiyoso” na wala naman pong balak sumugod sa mga simbahan ninyo ang mga bakla para magpakasal 🤷🏻‍♂️
    Kung ayaw ng relihiyon niyo sa amin, mas lalo naming ayaw sa relihiyon niyo.
    Civil marriage po ipinaglalaban namin.
    The world doesn’t revolve around your religions which have been root causes of major conflicts, suffering, sexism, and oppression since time immemorial 🤦🏻‍♂️

    ReplyDelete
  18. Bat ganyan mga relihiyoso, napakaignorante at arogante. Mga hypocrite pa. Para namang magbabago buhay nila dahil may kinasal na same sex. Pilit pinagtutulakan paniniwala nila sa ibang tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. @12:50 they're definitely not ignorant, arrogant and most especially not hypocrite. yes, wala naman mababago sa buhay nila dahil di sila ikakasal. and i think di naman nila pinagtutulakan paniniwala nila. for the sake of discussion that is their opinion regarding same sex marriage based on their religious belief. arent they entitled to their own opinion, kse ikaw meron k din naman. you are pro same sex marriage

      Delete
  19. You can't say you're accepting of the LGBT community if you're denying them of their social rights.

    ReplyDelete
  20. Unahin nyo muna yng divorce then we can start from there

    ReplyDelete
    Replies
    1. so divorce naiintindihan mo para maging malaya uli magpakasal kayo. pero and beki di pwede maglakasal kahit civil union lang .. wow

      Delete
  21. bec of the word MARRIAGE
    dapat same sex union ginamit nila
    alam nyo naman sa pinas relihiyoso daw mga tao
    kaya magwawala talag mga iba jan
    but anyway sana divorce muna
    vatican and Ph the only country without divorce

    ReplyDelete
  22. Hindi talaga mangyayari yan sa pinas dahil na rin sa ating kultura na konserbatibo. Waka ako problema sa same sex marriage pero Ang pananaw ng nga pilipino lalo na Ang nga matatanda ay makaluma pa rin.

    ReplyDelete
  23. isa lang naman ang rule ni J di ba? love one another. wala naman disclaimer na love one except if you’re gay, a woman, not maputi etc. tao na lamg ang mag dagdag ng kung anu ano.

    ReplyDelete
  24. Religion shouldnt be the basis of legal unions since di naman tayo lahat catholic/christian/muslim/baptist etc.

    Aim of this same sex marriage/union is to provide the same benefits heterosexual couples have. For example sa ownership ng mga assets etc.

    Same issue with divorce. Masyado tayo confined within the religious laws.

    ReplyDelete
  25. fyi hindi lahat ng lgbtq ay tanggap ang same sex marriage.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 7:36 that means hindi lahat ng lgbt ay tama

      Delete
  26. dasal ka na lng na wag malugi amovies mo ds yr,kawawa ng producers.wag magmalinis.

    ReplyDelete
  27. dapat Divorce ang legal

    ReplyDelete
  28. Same sex marriage isn't gay privilege. It's equal rights. Privilege would be something like gay people not paying tax. Like churches don't. -Ricky Gervais

    ReplyDelete
  29. Hmmm, this is not up to the SC anyway. Congress is charge of changing or creating the law, not the SC.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, the SC would first have to declare the current law unconstitutional

      Delete
    2. 9:03, Nope. Only Congress can make or change the law. The SC can’t make or change any law. The SC can’t declare laws as unconstitutional if these laws in the constitution were amended and ratified by Congress.

      Delete
    3. 8:38 huh??? You’re clearly confused. Laws are different from the Constitution. Now what the petition seeks to abolish are certain provisions of the Family Code (a LAW passed by CONGRESS) which the SC has every right to declare unconstitutional as per the principle of checks and balances as it must adhere to the Constitution (created by the Constitutional Commission).

      Delete
  30. Hmmm, they are citizens and they pay taxes, therefore they have the right to obtain a licence from the government. This is not even a church issue, it’s a civil rights issue as guaranteed by the civil code.

    ReplyDelete
  31. Malamang hindi ito gusto ng mga companies dahil lalawak ang benepisyo para sa mga nagtatrabaho,ex.leave benefits,iiba din structure ng insurance,laws on properties,ownership at pag aampon ng mga bata in a same sex marriage.

    ReplyDelete
  32. The foundation of humanity is morality let’s respect the law. There’s no such union legally so be it. Life should teach us the ultimate lesson what is right and not want we want.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Having no such union because of limitations in the law doesnt determine the morality of SSM. Ang daming immoral acts nangyayari within hetero marriage! Hello!

      Delete
    2. The law is established and is an authority that we must respect not just because you don’t like the law doesn’t mean it’s not good. On earth there’s no perfect being but we have an ultimate compass of life which is value which is constant unchanging ; so acceptance is important. Your being negative will not change the fact that blessed union is between man and woman. Period. End of case.

      Delete
    3. You make no sense. Same-sex marriage is already legal in 28 countries.

      Delete
  33. Nakakahiya mga commenters dito. Sila nagsasabi na respeto eh sino ba ang nagbabawal maikasal ang ibang tao. Isipin mo kung ikaw pagbawalan na ikasal kasi ayaw ka tanggapin ng ibang tao. Tapos sila pa itong magsasabi na respeto naman. Nagpapatawa ba kayo? Kayo ang hindi marunong rumespeto sa iba dahil sa mga pananaw ninyo hindi magawa ng iba gusto nila na nagagawa ninyo ng walang balakid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tagal ng bawal yan,hindi pa ako natao sa Pilipinas.

      Delete
  34. 100% reaction from same sex marriage
    0% reaction from AiAi's viewpoint.. lol

    ReplyDelete
  35. Civil union, not marriage. Personally, ayokong imuddle yung definition ng marriage sa Pilipinas. Agree ako sa civil union para sa mga karapatan nila. Example, may lgbt couple, nagpundar ng bahay at lupa, then namatay yung isa. Papano legally makukuha ng naiwang partner yung property? Mga kapatid at parents ng deceased ang next of kin. Dapat marecognize na sila as congugal.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So pano ang laws of annulment kung ayaw na ng lgbt sa partners nila?

      Delete
  36. sobrang dami niyang ka work sa showbiz na LGBT tapos ganyan statement niya. how rude

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang basagan ng trip.Tumindig tayo kung ano ang sa tingin natin ay tama.

      Delete
    2. Hindi lahat ng LGBT ng showbiz gusto magpakasal

      Delete
  37. Sana lahat ng religious people ay maging well-versed din sa batas, yun lang. Di naman kailangan mag-agree sa lahat ng tiwali sa beliefs nila, pero respect man lang sana sa lahat ng taong walang ginagawang illegal. Oo siguro mali sa biblical na pananaw natin, pero the bible taught us to be kind and forgiving to our neighbors as long as legal naman ang ginagawa nila. Paano mo ia-apply ang mga turo ng church kung magdidisagree ka completely sa legal rights nating mga tao. Para mo na din sinasabi na superior ang religion mo above other religions and the law itself, which is offensive and contrary sa turo ng bible. Kaya nga may separation of church and state. Religion is an intimate practice, a guide to morality, at ang batas ng state ay tinayo to keep everyone in check, and safe and within moral jurisdictions. Di ka pwede mawalan ng sense at tumutol lang blindly sa isang bagay lang dahil convenient sa opinion mo or nandidiri ka, tapos yung ibang mas morally intrusive na mga bagay e itotolerate mo dahil trip mo lang ano yun. Siguro as a Catholic tutol ka at deserve mo tumutol, pero as a Filipino citizen magisip ka din what the law even stands for, di lamg para sayo pero para sa neighbor mo. Everybody has the right to declare opinions, and the right to discuss, and we should all respect everybody's rights and opinions. Pero sana facts lang, walang emosyon, walang away. Facts facts lang, logical debate lang, hiwalay dapat ang pananaw sa relihiyon sa pananaw sa batas.

    ReplyDelete
  38. If mapprovan, mag aaddopt or surrogate. papasok ang bata. mag bibigay ng family pictures. how will the teacher will explain to kids why he has both parents man or both woman. it will corrupt young minds. (1) scenario lng yan n mkakaapekto s hetero. gay po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Omg, you need to educate yourself. There are already 28 countries in the world where same-sex marriage is legal. It’s a non-issue anymore.

      Delete
  39. Maraming hetero na non-believers of marriage. I don't kahit na hetero ako in a long term loving relationship. Same with LGBT, hindi naman lahat believers ng kasal. The point is to make it available to those who want to exercise the right to be married. Like divorce pag nalegalize ang divorce di naman sinasabi na lahat magdivorce. Ginagawa lang itong available sa mga nangangailangan ng divorce.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Hindi lang talaga civilized ang pinas. Ignorant and outdated pa rin.

      Delete
  40. Medyo insensitive naman comment nya. There are people na heartbroken by this news.

    ReplyDelete
  41. Well, carry lang.
    Di naman lahat ng mga LGBTQ e pabor sa same sex marriage.
    I have several gay friends na di okay sa kanila ang same sex marriage, okay na sila ng companionship na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Doesnt mean na may hindi pabor eh idedeny mo yung RIGHT sa iba na gusto. Marriage is a right that should be available to all and not just straight people. Equal rights lang naman hanap ng LGBT. Mahirap ba yon ibigay sa kanila?

      Delete
    2. Just because they don’t want it doesn’t give them the right to deny it to those who have the right to have it. Gets mo.

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...