Friday, June 28, 2019

Insta Scoop: Marian Rivera is a Proud 'Padede' Mommy


Images courtesy of Instagram: marianrivera

94 comments:

  1. Yan na naman mga breast feed advocate na kala mo napaka nobole dahil mga malalakas gatas nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagpo post partum si Ate. May ipinaglalaban.

      Delete
    2. 1:10 mukha nga. Naapektuhan siguro nung sinabihang mataba

      Delete
    3. Sagad naman sa buto ang inggit mo 1:10, nagpost lang, nagpopost partum na?

      Delete
    4. sa generation natin ngayon maraming mga bata ang pasaway ang breast milk daw nakakatulong ipadama sa bata pagmamahal na wagas during infant period. nabasa ko lang

      Delete
    5. When I gave birth I was not fully aware of the benefits and the hard reality of breastfeeding because of these advocates I realized that it is 100% dedication in giving the most nutrients you can give to your little one... I thank these advocates, celebrity moms as well because of them we are almost on our 5 year breastfeeding journey with my son ... he was exclusively breastfed even when I was at work because I learned this stuffs from advocates kasi maiingay sila... may mga misconceptions Na naintindihan ko because of mga papansin Na padede moms... to Marian and the rest of the moms who are not ashamed to show off that they chose the natural way even if they can afford alternatives like giving them formula milk kasi afford naman nila and hinde nakaka losyang SALUTE to you all for the best choice and for your unconditional love ... #notobreastfeedingshaming sa mga hinde nakakaintinde kayo nalang po mag QUIET, wala naman po kayong pinaglalaban o meron nga ba, ito sa into 😍😘❤️ Bigyan ko kayo breastmilk para mahimasmasan kayo

      Delete
    6. So pag bottle feed walang karapatan maging proud?

      Delete
    7. 9:37 Seems like it. Parang yun ang pinapalabas ng mga celebrity moms na to. Sobrang gnglorify ang pagiging exclusive breastfeeding moms nila.

      Delete
    8. 9:37 dumb question lang teh? No one is shaming a bottle fed baby.Moms can still be proud kahit bottle feeding, pero Mahirap talaga ang exclusively breastfeeding, kailangan ng dedication nakakapagod at lagi kang puyat. Aminin na natin kase na breast milk is still the BEST milk for infant and that is according to american academy of pediatrics.

      Delete
    9. hindi ka kasi nanay kaya hnd mo alam benefit ng breastfeeding

      Delete
    10. 1:10 & 1:14 sinabi nyo pa. Obvious na obvious naman na defensive si ate.

      Delete
    11. Advocate and spokesperson for breastfeeding. I did both because I did produce enough milk. Walang shame sa bottle- feeding, wag defensive. Walang syang sinasabing masama.

      Delete
  2. Bet ko Padede kesa sa Pabebe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bet ko QUIET padede, Hindi ina announce.

      Delete
    2. She's a celebrity and that is one of her advocacy. She is using her celebrity status to promote breastfeeding and there is nothing wrong with that.

      Delete
    3. She's an advocate and has an advocacy that needs to be out there for the padede moms. Malas mo di ka pinadede ng nanay mo 1:04 kaya ka ganyan.

      Delete
    4. Feel na feel ko dito ang pagiging inggit to the highest level mo kay Marian 1:04 at 1:10 am

      Delete
    5. Advocacy po niya yan, and she is promoting the benefits of breastfeeding. Artista siya and she is using her popularity for a good cause. Kawawa naman ang mga negatron dito...

      Delete
  3. Well done Marian but unfortunately not everyone is blessed to have breast milk. Yung iba kahit anong inom ng supplements such as fenugreek and malunggay tablets wala talaga especially those who delivered via CS section.To each their own. Whatever choice each mother makes is always for the best of his/her child. Kaya wag na ibalandra na padede mom ka nakakaoffend sa ibang mommies na walang option kung hindi magformula feed or mixed feed.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Breastfeeding advocate cya kays kelangan talaga ibalandra yun. Ano masama dun?

      Delete
    2. pano naging offensive yun? She's a breastfeeding advocate. Wala syang sinabi na masamang ina ka o mali ang choice mo pag di ka nagpa dede. Sinasabi nya lang na sya, bilang ina, choice nya magpa dede.

      Delete
    3. Mother, CS ako pero 3 yrs na ko nag bbf sa anak ko. May friend din akong CS bf din almost same age ng anak ko. Kahit normal o CS delivery pagkapanganak ng nanay, may gatas na yan. Kaya yung mga nagsasabing wala silang gatas, medyo duda ako don. Kasi noong unang panahong wala pang formula, pano nabibigyan ng nourishment ang baby? Ang colostrum kasi hindi white kaya akala hindi gatas yun. Tapos yung iba sasabihin naman kulang ang gatas nila kasi iyak nang iyak ang baby. Migash ikaw ba naman 9mos sa tyan ng nanay mo, iluwal sa outside world hindi ka ba mag iiyak? At hindi lang gutom ang dahilan ng pag iyak ng baby.

      Ngayon kasi ok lang na hindi ipursigi ang pag bf kasi there's always formula. Pero sana i-exhaust muna lahat ng options (lactation massage, lactation counselor, etc) kung talagang gustong mag bf. Marami kasing misinformed re bf e kahit mga doktor at ibang health workers.

      Ang mga ganitong post ng celebs nakaka inspire at encourage sa other mommies to bf. Kasi di hamak na mas maraming commercial ang formula/growing up milk di ba? At tanggapin natin na talaga namang mas maraming benefits ang bf hindi lang sa babies, kundi sa mommies and sa society rin sa totoo lang.

      Delete
    4. 1:16 Pakibasa kasi caption niya sabi niya "if kaya niya, kayang kaya niyo rin" EH PAANO NGA KUNG HINDI. Eh di siya na padede mom.

      Delete
    5. Bakit ba nauso ang breast feeding advocacy? Pag may gatas, magpadede. Pag wala, mag formula. She’s making a big deal out of something that is so normal. Condescending na minsan sa hindi maka pg breast feed.

      Delete
    6. Ang point ko is in this day and age nakakapressure maging nanay ultimo pagpapabreastfeed nakakapressure idagdag pa na dapat natural birth with no epidural ang inaadvocate ng ibang nanay. Hindi mo tuloy maaalis na maraming nanay ang mas nagsasuffer sa postpartum depression because of all the pressure of social media. Isama mo pa yung dapat pagkapanganak mo balik alindog ka na agad at blooming ka na. Paano if hindi dahil iba iba naman body type natin?

      Delete
    7. There are moms who tried their best to breastfeed but not all moms are blessed to be able to do it. Every mom’s breastfeeding story is different for every child they have. We all know breadtmilk is best for babies but for moms who cannot do this they don’t have much of a choice unless they have access to a breastfeeding network.

      Delete
    8. 1:49 have u exerted all the measures ba? Talaga bang may ginawa ka? Did you seek help sa mga lactation consultant? Did you go to bf advocate pedias/ob?

      Pag hindi, dont us po.choice nyo na po yun.
      Totoo meron di talaga makapag bf at yun ay mga nag chechemo..ganyan na levels na..

      1:19 sinabi mo na lahat.kulang lang talaga sa education ang iba. I am fortunate kasi naexpose ako sa support groups. I am a cs mom also. Tinandaan ko talaga na during the first day of life, we might think wala tayong gatas kasi di natin nakikita ito. Basta lang ipalatch lang si baby kahit di natin to nakikita, may nafifeel ako na parang transparent liquid lang.as long as may output, may nakukuha sya.yan talaga inisip ko.
      Almost nag give in na kami sa formula lalo na hubby ko.umiiyak din sya kasi hirap kami mapatahan and hirap ako mapalatch sya.. but our pedia advised us to continue kasi kita and ramdam nya na gusto kong mag bf talaga..saka nadaw kami magformula pag nadaanan na namin lahat ng proceso.
      We tried cupfeeding para lang di sya magka niple preference..laking tuwa ko nung nakabalik sya maglatch sa akin...
      Dahil yan sa mga support groups.

      Delete
    9. Good for you. I’m one of those lucky moms who had access to everything from birth classes, hypnobirthing and even my own lactation consultant. I had a midwife din but my daughter suffered from jaundice was 36 weeks when born with no househelp or nanny kami lang talaga ni hubby. We didn’t have a choice but to mixed feed our baby. I took all supplements that I could, ate 6x a day just so I have enough milk - I had breast pillows, nipple shield, lahat na yata ng paraphernelia we can afford to breastfeed it did work but I fell sick so I had to stop breastfeeding my child. Ang point is lahat tayong mga nanaby we do our best for our kids. Kung ano yung sa tingin nating tama at makakabuti sa kanila kaya lang minsan hanggang dun na lang talaga. We shouldn’t feel less of a mom because we were not able to breastfeed. I breastfed my child for 3 months - to me that was enough. Breastfeeding my child or not would not define me as a mom. We all do what we can as parents with the resources and means that we have.

      Delete
    10. 1:19 noong unang panahon, pag hindi nakakabreastfeed ang nanay, wet nurse yung gumagawa nun. In other words, another breastfeeding mom.

      Delete
    11. Anon 1:19 and 2:22 ginawa ko po lahat yan pero talagang kulang ang gatas ko. Sorry naman po kung parang kulang ang effort naming mga hindi nakapag-breastfeed na mommies. We bow to you super breastfeeding moms. Salamat sa lalong pagddown sa mga kapwa nyong nanay.

      Delete
    12. CS din ako but breastfed all my 3 kids. I think psychological talaga breastfeeding kasi if you set your mind into it magkakaroon ka talaga ng milk. I think instead of just supplements mas maganda if you have lots of liquid like soups with veggies etc... Advantage talaga kasi all my 3 kids ay hindi sakitin ang grew up healthy. Hindi minamaliit non-breadtfeeding moms pero wag nyo naman alisin yung effort na ipalaganap ang beastfeeding!

      Delete
    13. 2:22 and 1:19- while i agree na it is marians right to post her advocacy. Never ever question a mother’s capacity to breastfeed! Hindi lahat kaya mag breastfeed! And i have not seen any formula fed babies turn into aliens! Wag kayo magmarunong dahil hindi nyo katawan ang katawan ng ibang nanay! My breastfeeding journey was hell and i wasted the first 2 months pumping and trying to breastfeed that i totally neglected my baby and at times even regretted having one! Life became better when i decided to stop and changed her to formula. Never ever question a mom whether nag support siya or hindi. That’s just wrong.

      Delete
    14. Kung naooffend kayo, hindi yon dahil minamaliit niya kayo. Wala namang sinasabi na bad moms kayo. Pero you choose to think differently kaha IT IS YOUR CHOICE TO BE OFFENDED. Masyado kayong sensitive. Mamaya pati pati paghinga ng ibang tao ikaoffend niyo kasi may hika kayo.

      Delete
    15. @1:19, Don’t go around posting stuff you don’t know about. Yes, Pwedeng mahina ang gatas or walang lumalabas na gatas sa ina. It happens. Same as 2:22. I worked in labor and delivery/maternity unit in an international hospital, and even if we have sufficient resources to support bf, some mothers are really having difficult expressing milk. Yes we have lactation nurses as well and all other support you can think of. Alam mo if all mothers have breastmilk, why would they choose formula milk instead?

      Delete
    16. 1:19 and 2:22 what judgmental women you are towards your fellow mothers. Kayo pala yung mga nirereklamo ng mga ibang moms who struggle and say they are so judged. You are raising children yet napaka harsh ng mga pagiisip nyo towards other women. UPLIFT each other. Strop being so high and mighty.

      Delete
    17. 1:19 at 2:22
      kung aqnuman ang ipinaglalaban mo, sana wag mong ibunton sa mga non-bf moms ang hanash mo. dahil nde nakakatuwa na kwestyunin mo yung bf journey nila dahil lang nde kapareho ng case mo o ng kaibigan mo. even preganancy ng babae, iba iba ang case. so respeto na lang sana. may pa-don't us ka pa dyan! WOW lang.
      instead na iangat ang kapwa babae eh dino-down mo pa. ang galing lang!

      Delete
    18. Yo 1:19. My mother did not produce enough milk when I was born and could not breastfeed. Are you calling my mom a liar?

      Delete
    19. 1:19 and 2:22 kayo na ang best moms in the whole wide world!lol

      Delete
    20. 1:19 and 2:22 iba iba ang katawan ng babae, don't be judgemental! I had the same mentality as your before I gave birth, but all changed when I gave birth and couldn't produce enough milk for my daughter. Even with my second child when I though I was producing enough breastmilk, my then 3-days old baby had fever and when brought to the hospital we found out she was dehydrated. This advocacy can be inspiring to some moms but can also be depressing to others.

      Delete
    21. 2:22 I am sorry but your comment reeks of ignorance and arrogance. Good for you to have access to all support and groups available and was eventually successful in breastfeeding but there are women who also have access to all you’ve mentioned tried everything and yet not able to breastfeed their baby because their body is different from yours. You may feel superior to those who had no choice but to give their babies formula but as a person you’re a certified ignoramus.

      Delete
  4. Ano ba talaga pinagalalaban ng mga celebs sa pagpapadede? Lumaki ako na kaliwat kanan mga nagpapadede. Sa jeep, sa fastfood, sa palengke, sa bus, sa cityhall at kung san san pa. Napakanormal lang naman nyan. Anong isyu?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikr? Gusto lang kasi ng mga celebrity moms na to na mapuri sila. Na kesyo nakapabuti at napakaselfless nilang mga nanay for doing such a noble sacrifice na magpadede. Na ok lang mag sag dede nila makapag breastfeed lang.

      Delete
    2. kerek! bat kailangan pa ng advocate sa ganyang chuchu eh matic na yan sa mga nanay. ang mga hindi breastfeed lang naman ay yung mga nanay na workaholic at walang gatas.

      Delete
    3. Opo kailangan po ... good for you Na 'normal' at natural magpadede, may iba po Na struggling at hinde naiintindihan ang benepisyo ng breastfeeding tanong niyo sa doh 🙂 Ano naman po masama making advocate ... may natutulungan po marami.... Buksan ang isipan

      Delete
    4. 1:19 mamaru at mema ka lang din e noh! Do your research bago ka kumuda! May Internet na unlike before na napakahirap magresearch. May oras ka magbasa ng chismis so bago ka magbigay ng stupid statement make sure to do your research!!!!

      Delete
    5. 2:23 ikaw na rin mismo ang nagsabi na celebrity sila di ba ? ipost mo rin na nag papadede ka lol simple lang bitter na bitter tong si 2:23 & 2:38

      Delete
  5. Walang malisya mga mommies who breastfed. Kunusta lagay ng mga boobay niyo. Kase yung sakin grabe ang pag ka sag. Ano ang lagay ng sa mga inyo

    ReplyDelete
  6. Almost every new mom I know breast feed their baby, pero Hindi nila ibinabandera na padede sila. Itong si Marian, papansin na naman.

    ReplyDelete
  7. Fan ako ni Yan pero minsan napaka OA na aminin ko about sa breastfeeding advocate thingy niya..daming mga momies na gusto magpabreastfeed pero di makaproduce..

    ReplyDelete
    Replies
    1. she shld be thankful nlng sana na lahat ng support meron xa. dagdag pa financially capable cla kya lahat available sa kanya, less stress kumbaga.

      Delete
    2. Segi nga kung fan ka niya talaga, nakailang post na siya about her breastfeeding advocacy ha? Ikaw ang OA at di ka niya fan sa totoo lang. Infact ang nega mo. As a matter of fact positive nga ang dating ng post niya eh dahil marami siyang nahihikayat na mothers na mag breastfeed dahik sa totoo lang maraming moms na ganun, ayaw magpadede dahil sa maraming rason na flimsy naman.

      Delete
  8. Ang OA niya na sa post niya about breastfeeding ha..daming artista din nagpapabreasfeed ateng

    ReplyDelete
  9. Pwd din naman tayo mag post sa mga ig natin ng #prouddipadedemom✌🏼 Wala ding masama dun💋

    ReplyDelete
  10. may eepal na naman na mga momshie dyan na nagmamagaling. pwede ba tigilan nyo sya kung yan gusto nya eh advocate sya proud sya maging inang nagpapadede sa anak. di ying dami nyu pa satsat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true..oa ng iba e

      Delete
    2. Kasi it sends out the wrong message. Parang tinataas nya sarili niya dahil nagpapadede siya making others feel worse.

      Delete
    3. This comes as insensitive to those who struggles with breastfeeding.

      Delete
  11. I know they’re proud pero yung mga padede moms especially artistas should be more sensitive with what they’re ‘bragging’. Not all moms kaya YAN. Kung meron silang dapat i-advocate dapat it’s the differences of all moms and women to each other regardless sa kung ano ang kaya or hindi magawa

    ReplyDelete
  12. Masyadong naman sensitive ang nga naooffend for those na hindi makaproduce ng breastmilk. Marian is just promoting BF, she’s not belittling those who don’t BF. Lahat na lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. There’s actually no need to promote because that’s the NORM to start with. Bago pa nagsulputan ang mga celebrity breastfeeding advocates na to nagpapadede na talaga ang mga nanay. They’re just making mommies who are unable to produce milk feel insufficient.

      Delete
    2. Hindi lahat ng moms nagbreastfeed lalo nung nauso ang working moms namili sila between health ng baby o convinience at usually convinience pinipili.

      Delete
  13. Ito nanaman tayo sa ulirang-ina-ako-dahil-nagpapa breastfeed-ako serye season 2. Umay na sa celebrity moms. Kahit di niyo naman ipagdudulan na nag bbreastfeed kayo sa social media magbbreastfeed at magbbreastfeed naman talaga lahat ng nanay sa mundo kung kaya nila! Kaya tigilan niyo yang humblebrag niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True ka dyan, oa na masyado lahat naman tayu galing breastfeed

      Delete
  14. Laban mga nanay na gustong magpa breastfeed pero waley! Laban mga nanay na gumagamit ng formula! Mahalaga ay inaalagaan natin sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. My mother once told me na nag try daw syang mag breastfeed sa akin pero wala daw syang masyadon milk at ayaw ko daw. She tried everything din so I ended up being formula fed.

      I grew up healthy naman at hindi naman ako sakitin and I’m already 32.

      Kung magkakaaanak ako I will of course try my best to breastfeed pero pag wala talaga, I don’t need to feel guilty about it dahil it all boils down to how you raise and nurture your child.

      Delete
  15. Instead of advocating the benefits of breastfeeding (which everyone knows obviously), dapat iadvocate na lang nila na nagbbreastfeed ka man o hindi, hindi yun sukatan sa kagalingan mo na maging isang ina. Hindi yung igglorify at itinataas sa pedestal ng mga celebrities na to ang mga breastfeeding moms while leaving the moms na hindi makapagproduce ng milk feeling guilty and bad about themselves for not breastfeeding their babies.

    ReplyDelete
  16. OA. Hindi na kailangang ibrag ang pagpapadede kasi it’s normal. Pati hayop nagpapadede kaya tigilan na ng mga artista yang mga ka OAhan na breastfeeding posts na ganyan. Instead na makainspire, makakairita lang sila.

    ReplyDelete
  17. Proud pa-formula mom here. Kanya kanyang decision lang yan. I did it coz kinailangan ko na agad magtrabaho at di naman breastfeeding-friendly yung workplace ko. I celebrate Marian's choice and I also celebrate mine as well as the decision of other moms.

    ReplyDelete
  18. She’s just an advocate of breastfeeding, and she’s trying to encourage other moms to do so, pero kung wala kaung Gatas, walang pilitan at d dapat m offend. And OA lang

    ReplyDelete
  19. Di kayo na proud, may comment pa duda daw dun sa mga nagsabi na walang milk.
    In my case cs ako and kahit na pinagsisipa na ng baby ko ang tahi ko gorabels lang dahil need dw to latch para magkamilk. gang sa nagkainfection tahi ko need to stop the latching process and rely sa pump para lumabas and milk sad to say wala talaga patak lang months na. Some of us don't have a choice (mahal kaya ng formula) . Why don't we just all celebrate the motherhood and stop with these labels padede paformula pa-am. You're not a better mom than us just because you have the privilege to breastfeed.

    ReplyDelete
  20. Hindi po nmin sinadya na gumamit kami ng formula kasi hindi kami nkakapagproduce ng gatas. As long as wala kami inaapakan, deadma na yan! Walang nanay ang may gusto ng ganyan!!!

    ReplyDelete
  21. Ang corny ng name padede mom pwede ba maging classy naman sya kahit minsan lang?

    ReplyDelete
  22. I have 3 kids pero pinaka matagal na ung 1 month ako nag breastfeed. Kse mahina talaga gatas na lumalabas sakin, kahit lahat ng paraan e ginawa ko na. As long as hindi magutom si baby at healthy sya, that’s all that matters. I don’t feel incompetent as a mom for not breastfeeding my kids. Mas importante ung mapalaki ko sila ng maayos.

    ReplyDelete
  23. Dun sa nagsasabing no need to promote breastfeeding, sawayin nyo DOH kasi sila numero uno pag promote nyan. yan din advocacy nila. Pati sa ospital may mga "no feeding bottle" policy sila. O ayan mag rally kayo.

    ReplyDelete
  24. So does it mean na ginutom muna ng breastfeeding moms yung baby nila when they didn’t have breastmilk yet and asked lacy toon consultants first?

    My breastmilk came after 3 days and before that I was already giving formula to my baby. Hindi ko kailangan ng praises for being an exclusive breastfeeding mom. I need to feed my child.

    ReplyDelete
  25. Mga celeb moms tlga, pati pa pagbe-breastfeed ginagamit for publicity, lahat nlng yata ng mga nanganak na artista may pa-post sa IG dahil lng nagppadede sila. Susme, punta kaung depressed areas, don magsawa kau sa kkatingin sa mga nanay na nagppadede, pero nobody claps at them because they're not celebrity mothers.

    ReplyDelete
  26. tapos mababash siya kapag nag-promote ng formula milk para sa 3yo haha

    ReplyDelete
  27. Uyy, fishing for compliment dahil nasabihan ng mataba... Why can't she just be a proud fat mom? Pwede rin naman yun! You don't pull yourself up so you can push others down.

    ReplyDelete
  28. Baka magka award sa pagiging padede.at least di sya flop pagdting dyan.hehe

    ReplyDelete
  29. Ay na hurt sya nung may nagsabing mataba sya! Taray!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:02 ang cheap mo, assumera ka kaagad

      Delete
  30. 2 ang anak ko, 11 at 7y/o na sila. Breastfed yung 1st till 18 months. Yung 2nd naman, formula at 2nd week. Pareho naman silang healthy, active, at di sakitin. Ang pag papa dede or mag formula ay isa lang sa napakaraming aspeto ng pagiging ina. Madaming paraan ng pag aalaga at pag mamahal sa mga anak natin. So padede mom or formula mom, wag mashadong sensitibo. Ok lang yan. You are enough. Wag ma feel bad. Wag i compare.

    ReplyDelete
  31. c-section din ako but o breastfeed. my first one formula. dito sa second i decided to breastfeed at naikumpara ko ang difference. mas healthy at di sakitin pag gatas ng nanay. libre pa! at isipin mo pag bumagyo (wag naman sana) tapos walang mapagkunan ng formula at clean water edi kawawa si baby. pag breastfeed basta andyan ang nanay makakadede ang baby.

    pagka panganak wala namn talagang lalabas pa na gatas. mga 4-5days pa bago may lumabas. that's why pagka panganak padede lang ng padede unlimited para stimulate ang glands na mag produce at maglabas ng gatas. designed ang dede ng babae na mag produce ng milk maliit man yan o malaki, inverted man o hindi. 3days nagsugat at nagdugo nipples ko before ko napadede ng maayos anak ko. napapasigaw ako sa sakit pero kinaya ko. di ko sinasabing kayanin din ng iba its just that ang breastfeeding is a commitment. pag ng decide ka, exhaust all efforts.

    at the end of the day, pag di kinaya edi formula. importante maka dede ang baby. Fed is best.

    ReplyDelete
  32. You need to calm down. She didn’t say anything bad about moms who don’t breastfeed. Her post was purely for advocacy and encouragement. She didn’t belittle anyone. Kung ganyan naramdaman nyo hindi nya kasalanan na inggitera kayo.

    ReplyDelete
  33. Marian Rivera, your post is very condescending. Please be aware that not all moms can breastfed. Do not insinuate that our kids are less loved and cared for because we are not padede moms.

    ReplyDelete
  34. proud hindi padede mom here!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Proud padede mom here! When I got back to work 2 months after birth, I had the choice to feed my baby formula milk but I chose not to. Instead I built milk stash and pumped at work. If there’s a will, there’s a way. This is not directed tomoms who have low milk supply though. This is for those who have the capability to produce milk but resorted to formula milk for convenience.

      Delete
    2. @1057..I dont think any mom will choose formula for convenience so wag mo silang husgahan. Ang karamihan sa kanila working moms. Hindi nman lahat ng ina mapalad na gaya mong allowed mag-pump at work. Alangan nman habang wala sila sa bahay dahil kumakayod sila e hahayaan nilang magutom mga babies nila.

      Nagpadede ka rin kaya dpat alam mong kahit 3y/o na ang bata pede pa rin syang dumdede sa ina. Wag mong husgahan ang mga kapwa mo ina dahil lang gusto mo ipagtanggol idolet mong advocate kuno ng breastfeeding pero endorser nman ng formula milk.

      Delete
    3. 8:39 te basahin mo ulit. Again, this is for moms who have the capability to produce milk pero mas gusto bigyan ng formula anak nila, and uulitin ko, for convenience. Not because of other reasons. Aminin mo o hindi may mga nanay na nahahasslean magipon ng breastmilk dahil matrabaho. Wala akong hinusgahan because I once mixed fed my baby when I thought hindi enough ang milk ko. Ang sinasabi ko kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.

      Delete
  35. Mga bitter! Post Nia Yan. Wala kau pake... Jusme mga utak biha!

    ReplyDelete