Wednesday, May 29, 2019

FB Scoop: Fanny Serrano Calls Out Networks to Pay Close Attention to the Makeup and Looks of Actors in Character








Images courtesy of Facebook: Felix Mariano Fausto Jr.

158 comments:

  1. True yan! Manay fanny keeping it real!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fanny...Fanny....Fanny...iba ang skin ng mga Koreans o Japanese sa mga skin natin! Maputi sila na mala gatas while tayo e pumuti dahil sa ewan!

      Delete
    2. 128. ano nman connect non sa sinasabi ni manay???

      Delete
    3. But wait Tita Fanny, there's more.

      Always may juice sa kainan, poor or rich man ang characters.

      Naka-palda if poor ang character.

      Haha!

      Delete
    4. 1:28 mema ka girl, kesohadang tan skin or white skin pa yan kapag overdone makeup ang pinag uusapan lilitaw talaga yan sa screen. anebe!

      Delete
    5. yung nasa kanayunan ka na。。。marami ka pa ring off shoulder na wardrobes. Eh kinidnap ka ng asawa mo ang dala mo lang na damit ay ang suot mo

      Delete
    6. Aside from that, mahiig din sila kuumuha Ng artistang sobrang bata para maging nanay at tatay Ng lead stars. They don't follow real-life, basta may star-power, ok na. Taos kapag patandain ang character, Yun na magiging problema as cited by ms. Fanny.

      At Yung mga family, laging bago. Kahit Yung extra sa bilangguan.

      Delete
    7. Dun tayo sa totoo lang, waley naman talaga Filipino film industry. Yung writers basura kwento, ung mga artista dinadaan sa pasikatan kahit bano ang mga acting, and yung technology, waley na waley! If only tthe film industry will treat its viewers with respect, eh siguro hindi mahuhumaling ang mga pinoy sa Kdrama.

      Delete
    8. ang pino point lang naman siguro ni 1:28 is ang mga korean or japanese actors magaganda/gwapo kahit alang make up.. ang mga artista natin karamihan dyan malaki ang pasasalamat sa nag imbento ng make-up!!! hahahaha!!

      -- hindi ako si 1:28 mamatay man kapitbahay mo.. hehe

      Delete
    9. Kala ko asawa ko lang nakapansin. Sabi ba naman pag nanonood ng teleserye, ibang klase ang mahihirap sa Pilipinas; mahirap na nga at walang pangkain pero naka make-up pa kahit matutulog na lang. πŸ˜‚

      Delete
    10. Napaka tipid naman kasi ng production may mga kilala akong mga muk ap ng mga talents sa mga shows dyan.Hindi sila bayad ng maayos minsan pa nga x deal lang mabanggit lang ang pangalan nila.Pano naman din yung mga make up artists pag ganyan

      Delete
    11. very very true… napanood ko nga ang mmk ni maris, nabother talaga ako sa makeup nya, plus the eyelashes..

      Delete
    12. 128 baks, may iba-ibang shade ang make up. from caucasian to african-american may color for you. may art of blending with the natural skin tone na tinatawag. hindi issue ang skin color dito. ok na?

      Delete
  2. i kinda agree with him. minsan kahit maganda ang pagkakaportray sa role ng artista nakakadistract talaga ang mga eyes on fleek nilang kilay kahit nasa bahay lang ang characters.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Probinsyana pero ang liptint papuntang ultra pink na

      Delete
    2. true lalo na sa Ang Probinsyano. lahat nka full make up at bongga ang kapal ng mga foundation ng mga artista nila

      Delete
    3. As if naman 4K UHD ang mga TV niyo at mapapansin yung difference ng make up. LOL.

      Delete
    4. 11:57 sorry ha ganun kasi tv namin with 55 inch kaya nakikita na cakey masyado make up ng mga artista. d ka cguro relate dahil low quality tv nyo.

      Delete
    5. Pansin ko pag mahihirap, pag ang teenstar ang bida on fleek ang kilay pero pag supporting cast like nanay, bara bara kilay hehehe.

      Delete
  3. What can we do tita fanny... kung taasan nila sana ang tf namin at bawasan ang mga tf ng mga sabaw nilang talent edi sana totoong serbisyo at quality ang muk ap ng mga actors..kaso waley eh.. eh di puchu pucho...what u pay is what i get tita fanny.. di ka nmn kasi afford ng production para maging make up artist nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman cguro aabot ng 100k ang kelangan para ibawas sa mga talents. Cguro kahit mga nasa 20k range lang.

      Delete
    2. Hahaha kuha mo ng slight. Pero may point naman si tita fanny

      Delete
    3. di rin yun ang point. pag mahirap WALANG MAKE UP dapat. pag natutulog WALA DIN MAKE UP.

      Delete
    4. Tama si 1247 may mga muk up artists na x deal wala po silang bayad.Binabanggit lang pangalan nila.Kawawa asa lang sa tip na ibibigay ng artista.Pakiayos nyo po budget

      Delete
    5. 11.13 bakla kailangn parin ng make up ang no make up look sa t.v.. panget ang rehistro ng mukha ng artista sa screen kapag walang magic touch ng make up. Kaya nga talent ang pag memake up kaya sana konting raise nman dyn sa talent fee. Mahirap mag blend ng skin para lang tugma sa ilaw ha.

      Delete
    6. Yun nga ang sabi tita F. Di nyo ba na gets? Ang tipid nga ng budget sa makeup kaya ayun lang din ang binbigay na makeup and look.

      Delete
  4. One of the reasons why patok ang KDramas. Mas mukhang makatotohanan yung itsura ng artista sa mga characters na ginagampanan nila. Hindi katulad saten na matutulog na halimbawa ang scene pero kita pa ang make-up

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko rin makuha ung matutulog na lang full makeup pa. In real life, that's a no-no. And minsan na ka alahas pa. Natutulog or naglalaba, naka perlas.

      Delete
    2. Ummm... actually part ng culture nila na natural looking yung make up. Kahit nga pupunta sila sa malaking event yung make up nila parang na enhance na natural look with glitters. Bihira ka lang makakita ng artista na nag cocontour. But they are good sa barely there make up... and syempre super grabe sila sa skin care.

      Dito kasi satin na influence tayo ng western culture kaya yun.

      Delete
    3. yung iba nga comatose na at lahat naka full glam pa rin hahahaha.

      Delete
    4. yung iba pulis ang role nasa combat, pero ang make up all glammed up, aatend ng prom mga teh?

      Delete
  5. Agree! Yung iba bagong gising pero naka eyeshadow at lipstick pa. Tapos yung mga wig malapit na sa kilay hahaha. Hindi ba kaya ng mga artist na magpagupit kung kinakailangan sa role.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi basta-basta nagpapagupit lalo na pag hindi lang iisang project ang ginagawa nya at the same time. Pero totoo naman yang mga bagong gising na naka-makeup, ang labo.

      Delete
    2. May napanood pa kong teleserye, kayumanggi both parents, todo tisoy yung anak. Masyadong miscast yung mga artista chosen for the roles, doesn't even look realistic at all. Dapat kung mag ina ang focus nung story, yung medyo may hawig naman sana ng konti maski man lang yung skin tone. Nakakaloka...

      Delete
    3. 12:48 halerrr!!!! Kung nasa bahay lang at nakamake up pa e ganun talaga pagkagising! Dahil panigurado natulog yun na nakamake up!

      Delete
    4. Bad sa skin ang matulog ng naka makeup. 9:44 am

      Delete
  6. super agree. Napapansin ko din yan. Mahirap yung role pero namake up? It does not fit for the role. Ang kakapal ng mga make up kahit nga lalaki, yung mga labi nila pulang-pula. Koreanovelas maganda talaga tignan dahil simple lang mga ayos di exaggerated.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lang yan, mahirap sa probinsya pero glam ang hair at ang eye look may liquid eyeliner at mascara. At ang pisngi? Putok na blush-on!

      Delete
    2. Yung mga halimbawa pulis pero makakapal make up.Wala sa hulog

      Delete
    3. meron pa nga walang makain na role, pero naka rebond ang hair. hanuba...

      Delete
  7. Didn’t read the whole thing but agree with teh gist of it. Some of the makeup/looks are really bad especially when they try to “darken” the mestizo actors to fit the “poor boy/girl” role. The actors end up looking overly tan or blotchy!!

    ReplyDelete
  8. Oo nga naman. Paris ni Christine Reyes sa LB. parang mga ahas lang iyong wig na nakasuklob sa ulo niya at laging fully made up kahit matutulog na. At least, Mea Culpa stars, bagay ang mga make up sa roles nila like Jodi and Janice. Itsurang mahirap talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nang Ngumiti ang Langit pala ang teleserye ni Christine Reyes. Sorry po. Pero talagang ang pangit ng wig niya at ni Dante Rivero doon.

      Delete
  9. Tama. Kasi naman matutuloy na Lang fully make up PA. At isang klase Lang ang damit hahhaha iba ibang kulay lang

    ReplyDelete
  10. Sus. Kelan pa naging makatotohanan ang teleserye ng pinas. Jusko pati ba naman yan pinoproblema. Tigilan kakanood ng tv at gumawa ng mas makatuturang bagay. Kaya lalo tayo nalulugmok dahil jan sa kababawan ng mga pinoy e. Get a life, people!

    ReplyDelete
    Replies
    1. well trabaho ni Fanny Serrano ang mag make-up so I think my K sya magbigay ng opninion. yon namang nag cocomment, sila yong viewer kaya may K din sila mag comment. ikaw kung hindi ka naman nanood, huwag kanalang mag bigay ng opinion kasi ikaw yata yong mababaw LOL

      Delete
    2. ay wow naman momshie sana nagpunta ka sa networking sites. dun ka tumambay wag dito. hypocrite

      Delete
    3. Fanny Serano is an expert.Institusyon na siya when ot comes to make up

      Delete
  11. May naka cartier bracelet at naka nude heels nga,ang role anak ng kabitn mahirap lol

    ReplyDelete
  12. Ay finally somebody said it!!! Ilang taon na rin kaming napapaisip bakit naka-full MU at coiffure yung mga artista kahit eksenang bahay lang. Wagi ka Mother Fanny!

    ReplyDelete
  13. Mommy Fanny...I think they needed tons of makeup because their real/natural looks will be more of an issue. πŸ˜‚

    ReplyDelete
  14. Kaso nga mga pinoy di bet ang no make up look ng mga lead stars.. nakaka shookt..baka bumaba ang rating.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka lumabas ang mga tinatago nilang sikreto. Lol.

      Delete
  15. So true! I don't hate Filipino shows that much but I prefer watching Korean and Chinese dramas lately. Their makeup looks are always on point and fit for their role. Not to mention how excellent their plot and storyline, plus the cinematography. And for the hollywood fans out there, I also commend Western actors for being brave doing scenes with their bare faces. Kiber sa pekas, red marks at facial scars kahit close up sa monitor.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chinese dramas puro filter lately sobrang pale nila pati background. Sa kdrama naman given na maganda kutis nila at uso talaga sakanila no make up look pero may ilan pa rin na di rin tugma sa totoong buhay na scenario.

      Delete
    2. I actually find Chinese actors and actress more natural looking than Koreans. More varieties when it comes to looks. Koreans actors and actresses look too similar parang too manufactured.

      Delete
    3. ang chaka kaya umacting karamihan sa chinese actor/actresses.

      Delete
    4. Fan bing bing, Zhang Ziyi, Ling Bing Bing, Yang Mi and and many more chaka? Wow naman! but infairness sa laki ng China, they have A-Z lister actors. So these girls don’t even make teleseryes.

      Delete
  16. Napakaconscious kasi ng mga actors/actresses natin sa Pilipinas. Yung humahagulgol na on cam pero pilit pa ring pinapalabas yung dimples makapagpacute lang. Myghad

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Marian sa TOW nung mahirap pa lang siya walang make -up kya nung nagtransform kabog kasi kitang kita ang difference

      Delete
    2. Hahahaha kaloka to bes

      Delete
  17. We have to admit malayo talaga ang quality ng mga dramas natin. Look pa lang bagsak na

    ReplyDelete
  18. Pero Tita Fanny, pansin mo din ba sa korean drama putok na putok lips ng mga artista pati lalaki dahil sa lipstick? pati sa historical drama nila di rin accurate kasi di naman ganun ka advance cosmetics at skin care routine nila noon pa. Sa totoo lang tayo Tita Fanny, mapa pinoy teleserye o kdrama exaggerated talaga ang makeup pati costumes. Hello sa kdrama mas postura pa kaya sila head to toe nasa bahay lang lalo na kung mayaman role.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're wrong. Kdramas follow the so-called "natural look". Seldom can u find their stars wearing thick or red lipstick. They always sport simple makeup. They go all out when it comes to bags, outfits,hair and accessories

      Delete
    2. Bakz gusto mo mag enumerate ako? sabi ko nga lalo sa historical dramas, di naman ganun itsura at kutis ng mga sinauna. Hello mga lalaking artista sa modern drama OA sa lipstick para magmukhang kissable lips. Anong seldom ka diyan, nuod ka ulit baka di mo lang pansin.

      Delete
    3. 256, i agree with you. Mas obvious sa guys. Tapos dewy makeup pa kahit supposedly pawisan na at dugyot

      Delete
    4. Naku andaming nahihilig as kdrama na yan.. Maganda lg makeup pero d rin bagay sa nga scenes minsan.. Agree ako kay 1:09..actually napansin ko rin n hilig ng pinoy mag make up sa nga mahihirap, pero khbv tutuusin meron talagang mga tao n kahit mahirap laging nakapostura at feeling mayaman ang asta.. Mas feel ko PA rin ang pinoy kesa sa kdrama, takot n takot mlukot yong mga mukha sa nga scenes.. Halos lahat ata ng kdrama iisa ang make up artist kasi mukha ng mga lalaki eh parepareho lang hahaha (putok pink labi) hahaha

      Delete
  19. Isama mo na rin ang mga wig na halatang fake. Lakas maka bad hair day sa artista.

    ReplyDelete
  20. “Destruction” talaga?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti di lang ako nakapansin. Kanina ko pa gusto maglabas ng red ballpen at i correct. Destruct and destruction. DISTRACT at DISTRACTION po TF

      Delete
  21. pati costume designer panawagan na ren..kasi pansin ko lahat ng babae sa probinsya, dapat naka palda.. wala ytang manindang shorts kahit saang province..tapos pag yumaman sa serye, biglang all out sa pormahan, naka signature bigla..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isama mo na rin ang mga bida at kontrabida sa action teleseryes, naka leather jackets. Susme, ako nga mag lakad lang from Mega Mall to Shangrila Plaza tagaktak ang pawis.

      Delete
    2. Yes. Kaparis ni Yassi Pressman sa AP. Laging naka off shoulder. Nakakainis nang tignan.

      Delete
    3. 1:15. Korek ka jan. Bwisit na bwisit ako pag pinoportray probinsyana. Laging nakapalda ng mahaba. Pindang ba tawag dun? Pag probinsyana ba lagi dapat"baduy" manamit? Yung tipong di nakakita ng long/short pants or high heels at laging parang naka bakya't saya kahit saan pumunta with matching pitaka sa kamay? Kainis langπŸ˜•

      Delete
    4. yung naka type cast na baduy yung mga tiga probinsya 10:23 ano yun kulang sa sibilisasyon ang mga probinsya?

      Delete
  22. Tama si ms fanny serrano. Pasensiya na po ms fanny kasi kapag sinunod nila ang mga ginagawang make up at look test sa kdramas, maraming magigising sa illusion at mawawalan ng fans. Lol.

    ReplyDelete
  23. I totally agree w/ you fanny serrano! The scenes in an office setting, the female bosses wears an outfit that's outrageous as if, she's going to a party or ballroom damcing! And the make up is so kapal they look ridiculous!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dragon Lady and Kadenang ginto? LOL

      Delete
    2. yun nga nakikipag barilan pero parang aatend ng prom

      Delete
  24. Yung tomboyish character sa Pinoy teleserye nakawig

    ReplyDelete
  25. So true. Only on Philippine television. In the US Grabe ang effort to have makeup that doesn’t look like makeup. But in the Philippines, pakapalan ng makeup.

    ReplyDelete
  26. Super agree sa lahat ng sinabi ni momshie fanny, except for the “destruct”, nakakadistract! Hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think it means "nababasag ung scene".
      ung mood ba, nasisira kasi hehehe.

      Delete
  27. Totoo. Grabe pa naman sa HD ang teleserye kitang kita kapag cakey ang fes at huwat ang kilay. Mas maganda pa make up ng bangkay. Baka naman poooo

    ReplyDelete
  28. May sakit na at nakaratay sa hospital naka eyelashes pa rin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka advance lang para direcho na sa burol....

      Delete
    2. Hayup ka 9:51 AM, nabuga ko tubig ko sa comment mo wahahaha

      Delete
  29. Parang si kathryn lang noon sa PSY. Poor girl ang role pero naka highlights ang hair, naka contour, kilay on fleek, may cheek tint at bronzer din hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree sa kilay pero ang oa mo naman dun sa contour, cheek tint and bronzer vakla. mukha nga lang siyang may pulbo dun.

      Delete
    2. Huh?? lagi ngang no make up look si Kathryn in her teleserye (PSY/La Luna) kaya nga ang comment sa kanya lagi - para siyang teenager - at mas maganda siya na natural looking sa HD

      Delete
    3. contour din yon mata nya para magpop out.

      Delete
  30. Very true!!! LOL

    ReplyDelete
  31. at ang mas nakakarindi din yung role ang nag aadjust sa artista. pilit gagawing tan skin ang tisay to the point na nagiging oa na ang kulay ng skin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nakakarindi ka kasi kaya nga tinawag na artista sila kasi magaadjust sila dpende sa role. sa hollywood na mas tisay pa nagiging tan e.

      Delete
    2. 11:02 shunga what i mean is dapat kung anong character babagay dapat sa kukuning artista hindi yung basta sikat kahit hindi naman bagay sa role basta na lang kukunin regardless na magmukhang gold ang katawan magmukha lang morena/moreno.

      Delete
  32. sana nmn ung pics na pinost nya ung sa mga reklamo nya para gawan agad ng paraan

    ReplyDelete
  33. Matagal ko ng issue to. Matutulog tapos galit na galit ang eyeshadow at nagmumura ang lipstick. Comatose sa ospital pero may blush on, mascara at lip tint.

    ReplyDelete
  34. Sahaya lang yung dramang nakita ko na mnay attention to detail as in from buhok to shoes. Etc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually napapagod na ako dun sa mga paawa dialogues niya at paulit ulit na "magsukol po" na delivered in nangiginig at naiiyak tone. Make the character stronger naman.

      Delete
  35. Ang malala dito ngayon si KaraMia (ung isang supporting actress parang sunog sa kakaderma ung cheeks) at si Sahaya (bad bronzed look lahat)

    ReplyDelete
  36. Ok magpakatotoo tayo, alam nyo naman na magaling ang pinoy magokray ng mga pangit. Kaya nga lahat ng bida sa teleserye madalas magaganda at pogi. Di ka magiging bida kung pangit at mataba ka, yon ang totoo. Minsan nasa artista din yan, ayaw nila magmukhang pangit sa screen kahit ang role nila ay poorita, papatodo pa din ang blush on ni inday. May ibang artista naman na true to life ang portrayal nila sa character kasi acting talaga pangbato nila. Bilang lang yon mga actors na ok lang sa kanila na less or no makeup look lang. Pero yon mga pabebe walang alam gawin kung hindi magpacute.

    ReplyDelete
  37. Pwede bang isama na rin dito mga child actors with unrealistic dialogue, like di naman trip ng bata magdrama talaga o mag reason out the way they do in these teleseryes

    ReplyDelete
    Replies
    1. Super agree baks. That is why I never watched local TS kasi nman kung anak ko sasagot or makikialam sa usaping pang matanda jusmio bka mapa bantay bata ako.Grabe ang mga linyahan

      Delete
  38. Pero sana bago niyo ayusin make up and wardrobe eh yung storyline muna. Paulit ulit na kasi wala ng bago.

    ReplyDelete
  39. HIndi lang make up sablay, pati sa mga outfits. and accessories. Saan ka nakakakita na rich ang role ng babae pero loud colored costume jewelries lang ang suot??? Hindi man lang pasuotin ng fake costume jewelries na may stones. Pati mga damit na pina susuot, portraying a rich character na babae look so tacky. Dapat naman ang production staff, tutukan ang mga details na ito. Malaking nakukuha sa mga ads placements ng teleserye, tapos, titipirin lang sa make up, outfits and accessories ang mga actors. It cheapens the characters...

    ReplyDelete
  40. Si alyana ng probinsyano na laging nka off shoulder!!wla ba syqng ibang pambahay..puro offshoulder!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Asiwa din ako diyan. Nag umpisa yan nung nasa Cebu sila. At sang ka nakakita na nagtatago sila pero may blush on at lip tint. Si Bubbles laging plantsado yung kilay at eyeliner. Buti pa si Angel Aquino, no makeup look.

      Delete
  41. Try watching Thai dramas. They have same concept with us. Pati make up. Haha.

    ReplyDelete
  42. ung ang eksena matutulog na sila nasa kama pero na ka winged eyeliner at eyelashes pa rin. Pero infer may isang teleseserye na naka no makeup look lagi.Si Julia Montes don sa asintado.

    ReplyDelete
  43. kaloka kc mga MUA dito sa pinas. daming tutorial na korean makeup style. naka focus sila sa magandang primer, foundation at concealer tas puro subtle eyeshadow contour blush highlight.

    ReplyDelete
  44. Riiiight? Kaya naapreciate ko si Julia Barretto sa Ngayon at Kailanman. No make up talga sya for the mahirap girl role! Walang arte, though maganda naman kasi ang skin nya.

    ReplyDelete
  45. kdrama fan din pala tong si ms. fanny. good thing na pinansin din mga flaws sa showbusiness here sa pinas. kaya di ako nanonood ng mga teleserye or movies na gawa satin e. sorry but di kasi makatotohanan. from makeup to plot/storyline. di ko nilalahat ah.

    ReplyDelete
  46. Salamat sa comment mo Mama Fanny! Lagi ko yan nirarant sa nanay ko na tutok sa telenovela sa hapon ng GMA. Hindi tayo nausuhan ng no/minimal make up look kung bahay lang ang eksena. Pang graduation day talaga lagi ang peg..

    ReplyDelete
  47. Yung bagong gising, pero nala heavy make up.

    ReplyDelete
  48. Saka yung mga babae nagblu-blush lagi parang si Lotte ng Princess Sarah lol.. Tapos yung music pa sa bakground nagkatitigan lang yung mga characters akala mo may matinding nangyari..

    ReplyDelete
  49. Super agree! Kaya ako K drama sa Netflix pinananood ko. walang kuwento yung dito sa atin. Predictable ang story, di maganda setting at effects. halatang tinipid.

    ReplyDelete
  50. So true! Hindi ko din gets bakit bahay lang tapos matutulog pero ang outfit at make up ay aattend ng bonggang event

    ReplyDelete
  51. eh yun mahirap na mahirap pero naka highlights ang buhok at direstso diretso hahahaha

    ReplyDelete
  52. Ung wig nina dimples sa kadenang ginto ang sakit sa mata. Parang akala mo mahuhulog na at matatakpan ang mata. Lalo na ung christine. Akala mo sasali sa miss gay sa laki ng wig! Enebenemen

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di lang yun. Ubod ng sama talaga ang character niya parang walang konsensiya. Sa Pinas, puro one dimensional lang ang alam na isulat ng mga writers. Masyadong black and white, walang grey areas at all. Pag salbahe, karumal dumal talaga.

      Delete
  53. Aminin nyo medyo off yung TINDERA LANG SA PALENGKE.. nanay ko at buo pamilya ko tindera sa palengke pero wag naman paa menemenos un itsura ng tga palengke

    ReplyDelete
  54. Ung sa KG nga haha grabe ung false eyelashes matutulog nlng correct napupuna ko yan kahit nga damit nlng nasa bahay at wla nmn ginagawa sobrang bonngga..naiisip ko tuloy kung ganyan b tlga manamit sa loob ng bahay ang myayaman... heheh make up plang napuna nyan ha....

    ReplyDelete
  55. πŸ™„πŸ™„πŸ™„ coming from him pa? Eh sya nga nalaka heavy din kung mag makeupπŸ™„πŸ™„πŸ™„ and iba ang skin tone ng mga koreans and camera lighting sa kanilaπŸ™„πŸ™„πŸ™„ why would you compare? Eh hos make up skill mismo is outdated and pase already sama mo panyung mga “couture” munong designs ng gowns nyaπŸ™„πŸ™„

    ReplyDelete
    Replies
    1. he is not into acting hes into makeup line girl on point ang criticism niya sa career niya. sobrang lame ng clapback mo hahaha

      Delete
  56. I like that criticisms like these are coming out. It just goes to show that viewers are sick and tired at how sometimes these stories are portrayed. Instead of making the story itself and production design good, they rely on hype, overused tropes, and obvious mistakes to get attention and publicity. All they really care about is ads and to make more of it. Ugh kadiri.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, local tvs and movies are so bad. I don’t even bother. Local celebs are no good also.

      Delete
  57. isa lang ang rason kaya masyado napapansin ng mga televiewers, HD na ang mga camera. yung iba 4k TV pa. hindi nyo na kami maeeme eme... at malinaw ang signal sa bahay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true ang mga HD Camera na yan, nakikita ang mga contour at todo blush on. tas naka false eyelashes pa, bahay lang naman, kahit sabihin nating mayayaman ang role, madami akong kilalang mayayaman, hindi naman heavy make-up pag nasa bahay.

      Delete
  58. yung kay sarah at john lloyd, OA ang wig ni sarah, halatang halata... lakas maka kengkoy ng wig. sana man lang natural hair ang ginamit. may budget naman eh. sorry to tell, but its true. try nyong panoorin kahit trailer.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa ako sa kengkoy. haha, pero agree with you, bat nga naman kasi ganun yung hair, eh pde naman natural hair, hindi na sya tugma sa character.

      Delete
  59. Di kasi madala sa actingan kaya pleasing personality na lang.

    ReplyDelete
  60. Well you should watch Sahaya. Characterization is okay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I love Sahaya, Im so impressed sa production design pati sa body make up nila Miguel and Bianca, pinaitim tlga sila, and even Mylene Dizon, morena na pero pinaitim pa. Sahaya is by far one of the best cultural serye GMA has made.

      Delete
  61. Finally someone said it!

    ReplyDelete
  62. Hahajahha! Laughtrip ako while reading mga hanash ni Madir!

    ReplyDelete
  63. Thing is Pinoys almost always settle for less or mediocrity. Kumbaga “pwede na yan” culture is still existing. Honestly, nakakabobo ang panonood ng Pinoy seryes, sorry to say that. People are not born yesterday, and these networks are insulting the viewers' intelligence. Buti na lang we have alternatives. Our entertainment industry is a disgrace. #realtalk

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwes hindi na ngayon, sa tapang ng socmed at napaka dali ang access to information, umiiba na rin ang taste ng mga Pilipino. Nakukumpara na nila sa ibang bansa.

      Delete
    2. So true 1:03. Ang dami na kayang choice ng papanoorin ngayon. Dapat the local industtry should step up to the plate. They should hire and nurture new breed of writers.

      Delete
    3. 1.03 and 2.09 That's the point. We have alternatives such as Kdramas or Chinese dramas. Pinoys are learning to appreciate quality over mediocrity since we can already compare our seryes to foreign dramas. We now have high standards at di na tayo pwede magpauto sa entertainment industry natin. Our industry should step up their game.

      Pero sad to say, there are still a lot of people watching these seryes, especially those among the "pwede na" culture. Pareha lang yan sa mga bobotante. Kahit chaka at walang kwentang serye nanonood pa rin kasi sikat ang artista. Maybe that's the reason why ganyan pa rin industry natin kasi anyway may nanonood pa rin.

      Delete
  64. Speaking of unrealistic, ang babata na nag nag poportray na parents, pero worst example kadenang ginto si aling myrna is 35 lang at anak nya si luis alandy na 39 na, ano yun na una ang anak pinanganak? Lol

    ReplyDelete
  65. Hahahahaha....so true.

    ReplyDelete
  66. What makeup? They are always covered in sweat anyway.

    ReplyDelete
  67. It’s not just make up. Acting, directing, music, editing, writing, story......all really bad.

    ReplyDelete
  68. Hahahahaha...their wigs are also awful. So fake-looking.

    ReplyDelete
  69. Fanny. You so funny... baka ayaw naman ng network at artists magmukha. Pulubi maski na pulubi ang role. Nila... haha. Image nila yun eh but this is so true kasi maski yung scene na tulog sila nka makeup pa rin .

    ReplyDelete
  70. korek Fanny Serrano! like sa ABS na teleserye ang make up at damit pang clubbing pero papasok sa opisina.

    ReplyDelete
  71. Magaling talaga mga korean maus, saka pag nagmmakeup sila, ang lagi nila goal is mapamukhang bata ang minamakeupan nila. Dito kasi satin, gusto mas mapamature since babyface mga artista dito satin. Aralin kasi dapat ng mga mua dito yung maperfect ang no makeup makeup look hehe

    ReplyDelete
  72. Yun mga korean fans nagrereklamo p nga sa mga makeup artists pag super heavy ang makeup ng paborito nila, pero pag tiningnan mo naman, makapal na pala yun sa kanila hahaha tho makikita mo talaga yun difference ng heavy and light makeup sa kanila hehe. Pareho pa rin maganda and hindi masakit sa mata

    ReplyDelete
  73. sa mga teleserye ngayun, SAHAYA lng ang may nakaka protray ng totoong character in terms of looks. Mga badjao dun silang sila na nakikita natin sa lansangan pag asa manila. Kudos to theire make up and wardrobe team.

    ReplyDelete
  74. Haaay naku pinagsamang puwersa yan ng paka liit liit na budget sa makeup (actually parang sa lahat ng bagay pala) so kung sino sino lang kinukuha nilang mag mukap, at inarts ng artista/management na bawal 'pumangit' yung artista nila, kasi nakakababa ng value nila. Kailangan laging maganda. Magagalit yang mga iba dyan pag di glamorosa ang ayos nila kahit sa mga role na di required mag ayos kasi feeling nila 'disservice' sa fans nila ang di sila maganda sa palabas.

    ReplyDelete
  75. Tapos yung mga "mahihirap" na characters hanggang ankle yung pa yung palda. Seriously? Wala kang makikitang na naka-paldang lagpas tuhod sa tanghaling tapat sa kahit anong eskinita dito sa pilipinas.

    ReplyDelete
  76. Mas gusto ko pang manood ng SOCO. Di man kilala ang mga artista, malapit naman sa katotohanan yung itsura ng gumaganap.

    ReplyDelete