Ambient Masthead tags

Thursday, March 14, 2019

Insta Scoop: Aiai Delas Alas Laments '4th World' Status with Water Service Interruption

Image courtesy of Instagram: msaiaidelasalas

111 comments:

  1. Nakakaawa yung mga tao, hirap na nga dagdag pa. Maynilad should be penalize for this major disruption. Sila kaya mawalan ng tubig at pumila ng ilang oras para sa rasyon na kulang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat maranasan nila yung nararanasan ng mga tao. Tignan natin kung hindi nila bilisan gawan ng paraan yan! Wala pa nga sa kasagsagan ng summer, nagsisimula pa lang tapos ganyan na?!

      Delete
    2. Hi ate 12:09 wala pong kasalanan maynilad, manila waters po yung may mga schedule. Sabi pa nga po ni maynilad they are willing to share to manila waters :) currently wala pong water interruptions ang maynilad.

      Delete
    3. Besh manila water yan wit Maynilad!

      Delete
    4. Dito nga sa amin maynilad may hawak. 3 years nang may problem. 3-4 hours lang ang tubig. kainis

      Delete
    5. ang probema po ay walang tubig ang mga dam natutuyuan ns.

      Delete
    6. Diba nagtaas sila ng singil sa tubig? Ngyon babaan nila. Walang tubig eh..

      Delete
    7. Bukod sa madaming puno daw ang pinutol sa may lamesa dam para sa ginagawang lrt/mrt.

      Delete
    8. La Mesa dam lang po. But Ipo and Angat dams are full and they happen to be the main source of water for Manila... Dapat. So may umiipit para La Mesa dam lang ang gamitin. isip isip.

      Delete
    9. 2:44 ay hindi po. La Mesa dam lang ang may problema. Normal daw po ang water level sa ibang dam. Wala daw po problema sa ibang dam. Kaya po nakakapagtaka.

      Delete
    10. Sa probinsya tuyo ang pananim pero di nila naranasan mag pila balde. Sa Metro Manila lang. Manila water lang. Sabotahe. Pinili ang iilan. Kung totoong may water crisis lahat yan makakaranas. Parang nung power crisis ni Ramos walang sinisino. Ngayon pili lang.
      Sabotahe

      Delete
    11. Mga nakaraang administrasyon nagpabaya din. Yang krisis sa tubig matagal nang sinasabing dadating yan, pero pinabayaan lang at inasikaso muna ang mga bulsa nila.

      Delete
    12. Dapat ibalik na sa gobyerno ang pamamahala nyan. Bunga yan ng privatization na pinagkaloob sa mga kakampi. Sa Bulacan nga nandun ang Angat Dam pero malaking bahagi ng Bulacan walang tubig. Mga opisyal dyan dapat palitan at huwag iboto yung mga inutil.

      Delete
    13. buti na lang Maynilad kame!

      Delete
  2. Palusot A: Joke lang yun. Di nyo gets?
    Palusot B: Account got hacked
    Palusot C: Typo error. Magkalapit ang 3 at 4.
    Waiting for confirmation.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The Fourth World is used to describe the most poverty stricken, and economically troubled parts of countries in the Third World. Unlike the first, second and third worlds, the fourth world does not have any political ties and is often based on a hunter-gatherer lifestyle.

      Delete
    2. Kahit sino maiinis pag may water interruption. Understandable and forgivable naman ang post ni Aiai.

      Delete
    3. Ano pinagsasabi mo. Lahat apektado na ng KAWALAN ng tubig. Tubig ang pinaguusapan. Basic necessity. Kung sanay ka magfasting kaya mo pa walang kain sa isang araw, pero walang tubig ikamamatay mo. Tubig na nga lang pinagdamot pa ng mga nakaupo at opisyales ng Maynila Water. Presidente natin pipi at bingi ba? Busy sa pangangampanya? O di affected? Uuuy wala na tubig Pilipinas

      Delete
    4. Put youself in the shoes affected by the water interruption para ma-gets mo where Aiai is coming from. 12:12

      Delete
    5. or letter D -- hindi mo nagets. She just means mas malala pa kesa sa 3rd world. Thus the 4th world. ok na?

      Delete
    6. Hindi ka ba gumagamit ng tubig 12:12 o sa liblib na kuweba ka naka check in di mo alam na walang tubig sa MM ngayon

      Delete
    7. Trying to be funny si 12:12 pero waley naman.😂

      Delete
    8. Backfire ang comment mo 12:12. Hndi k siguro gumagamit ng tubig kya keber lng syo

      Delete
  3. I was at UP techno hub yesterday. Ang dami restaurants na sarado due to water shortage. Ang dami affected talaga... hinde ko alam if echos lang Ito or gawa gawa Lang para may pag uusapan para Iba ang divert natin focus tayo sa tubig

    ReplyDelete
    Replies
    1. May halong pulitika ito palagay ko. Gusto magalit ang taumbayan.

      Delete
    2. 2/3 ng Pinas napapaligiran ng tubig pero tubig ang isa sa malalang problema. Kung wala lang korapsyon lahat sana yan nasolusyunan na. Ilang dekada na ang nagdaan, ilang administrayon na ang nagdaan pero hanggang ngayon problema pa rin dahil sa mga buwayang walang kunsiyensya.

      Delete
  4. Totoo. Baka nga 5th world na eh kung meron man ganun. Transport system pa lang natin, olats na. Lahat nalang prinoblema na ng Pilipinas.

    ReplyDelete
  5. Why wont they just cut it off during midnight when everyone’s asleep instead of peak hours? Or hindi nalang nila hinaan? I believe same water lang ang macoconsume pag hininaan vs scheduled

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang iniiwasan kc ang pagconsume ng too much water during peak hours kc marami ang masasayang. Wala naman gagamit ng tubig masydo sa gabi.

      Delete
    2. 1251 kaya nga kung konti konsumo sa gabi dapat mga 10pm kahit 9pm na lang tapos on na ulit ng 5am

      Delete
    3. It makes no difference because the demand is still the same and the lack of water supply is still lacking due to lack of rain. The dam is almost empty.

      Delete
    4. Ganun rin naman cos nag hohoard ng tubig bago ma cut off eh. Sana hinaan nalang nila all through out the day kesa nothing at all

      Delete
    5. 12:19 kung ang purpose ng water interuption eh "for maintenanance" sure, ok suggestion mo pero kung ang purpose ng interuption eh , "to save water" useless din kasi sa umaga ang peak usage ng tubig so doon sila magfofocus.

      Delete
    6. Kawawa naman kaming mga taga night shift nagttrabaho kapag pinutulan nyo kami ng 9pm or 10pm haha. May iba samin pumapasok ng 12mn :D Wag nyo kami i-exclude please HAHA.

      Delete
  6. I’ve read sa news na imposible na dahil sa el niño ang shortage. Pagasa also confirmed and mwss. So anong problem sa water shortage that’ll last until rainy season???

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:20 sabotahe

      Delete
    2. Yup they said 3 months.

      Delete
    3. Political ito. Sinadya siya. Read some articles.

      Delete
    4. The dam is almost empty na and it’s not even summer yet. April and May are the height of summer. We don’t get the rains until June, usually.

      Delete
    5. Ang La Mesa dam ay critical level na. It’s drying out due to lack of rain. Gets mo.

      Delete
    6. 12:20, sabotage ang walang ulan? Kalorkey.

      Delete
    7. Kasi gusto ni poong duterte na i-justify yung pagbuild ng bagong dam na uutangin niya sa China ang pondo. Fyi, may local billionaire na nag-volunteer magpondo nun pero rejected ang offer niya kasi mas pinili ng govt ang pera ng China

      Delete
    8. i think the problem is with manila waters, baka may mali sa system nila. wala naman problem ang maynilad with the supply kase ok pa water level ng angat dam

      Delete
    9. La Mesa dam is the backup dam in case Angat and Ipo reach critical levels. Hindi sya ginawa para maging main source of water. So bakit sya ang ginagamit ngayon? Even MWSS posted na may sapat na tubig sa Angat at Ipo dams.

      Delete
    10. Manila water ang may problema. Last year ng December binabagyo pa ang Pinas tas March pa lang tuyo na ang La Mesa dam? Marami nang El Nino ang nagdaan, mas matitindi pa, pero hindi umabot sa ganito. Yung ibang dam wala naman problema. Kanino ba yang Manila Water na yan? Nakakaamoy ako ng pulitika e. Hindi nagtagumpay sa iba, tubig naman ang tinitira?

      Delete
    11. 4:56 wala na ba kayong sisisihin kundi si duterte at china? Fyi, kaya hindi matuloy ang project na yan dahil maraming kumu-kontra dahil masisira daw ang kalikasan. Mga taong nakatira sa mga pagtatayuan ng dam kontra dahil masisira daw ang kapaligiran.

      Delete
  7. True. Main cities nag iigib ng tubig at nirarasyonan ng bumbero? Isn’t it considered aa state of calamity already????? Pag baha at over sa water dndeclare agad na state of calamity. How bout this? Affected na din ang mga hospitals because of this!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama. Tapos pinagiisipan daw ang cloud seeding. Ilang araw na pinagiisipan pa din?!?! Mga walang silbi dapat talaga dito rebolusyon. Hawiin lahat ng nakaupo. Kawawang Pilipinas. Kawawang Pilipino

      Delete
    2. 12:39 wala pa kasing rain clouds (cumulus clouds) suited for cloud seeding kaya hindi pwede basta basta gawin yan. Manipis ang mga ulap ngayon dahil tag-init.

      Delete
  8. The metro is too crowded na rin. Isang condo building pa lang more or less 100 families na nga ang nakatira. And it's a wakeup call na sa mga tao to conserve water.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup! dito lang samin, pag kakita mo sa isang condo bldg. ilang lakad lang may makikita kang another condo tapos another condo ulit tapos another condo pa tapos may isa pang tinatayong another condo. haaaaays along ortigas ext. pa lang yun ahh. traffic na nga dun lalo pang t-traffic. iba pa yung mga malls and/or dry markets na naglilitawan dun lang sa kahabaan nun.

      Delete
  9. Bakit yung ibang dam normal naman ang water level? Kaya hindi el nino ang dahilan. May malalim na pinag-uugatan ito e. Pati ba naman tubig pupulitikahin pa rin porket malapit na ang eleksyon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:55 tama si 12:42. Hindi makatao ang water interruption pero dami na talagang tao sa Maynila at marami ang careless magsayang ng tubig. Dun na lang sa work ko may nag-flush tuloy tuloy yung tubig kasi nasira yata hindi man lang nireport para ayusin agad ng maintenance. Sayang yung tubig.

      Delete
    2. Ano pa nga ba

      Delete
    3. Kaya be vigilant. Politics clearly at work here

      Delete
    4. tumaas 'daw' ang demand ng tubig ng manila water kaya sila kinakapos.

      Delete
    5. 9:31 hindi ba nila in-anticipate na maaring tumaas ang demand sa tubig sa pagdaan ng panahon, kaya dapat nag-isip ng alternatibong solusyon ang Manila Water. Hindi yung pag nandyan na ang problema saka lang po-problemahin. Ang bilis pag pagtaas ng water rate pinag-usapan pero solusyon sa water crisis nganga.

      Delete
  10. Hindi pa naman critical level pero wala ng tubig at bakit maynilad nakaka supply? Maynila water hindi. .Hmnnn something fishy

    ReplyDelete
    Replies
    1. May ibang dam na kinukuhanan ang maynilad.

      Delete
    2. ang maynilad kasi nakakakuha ng reserve sa laguna de bay. yang manila water dati na nila plano na kumuha din sa laguna de bay ng tubig pero ngayon plano uli nila hanggang plano lang yata sila ayan inabot na sila ng shortage

      Delete
  11. Walang tubig sa ibang parte of the Metro pero may pang springkle sa mga golf club.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:28 meron dinkasing Maynilad teh. di lang naman MWSS

      Delete
  12. jusko, taga dito ako sa mandaluyong pagpatak pa lang ng 8am wala ng tubig tuloy tuloy hanggang 6pm, may tubig nga after 6 hindi naman umaakyat sa second floor. kung kelan hating gabi chaka lang may tubig no choice ka talaga kundi mag ipon umaga pa lang. lol

    ReplyDelete
  13. Mawalan ka na ng kuryente huwag lang tubig. napakahirap po taginit pa naman na

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuryente and tubig are necessities lalo pag summer. Hindi ko din gugustuhin mawalan ng kuryente lalo na pag summer na sobrang init noh. Kawawa lalo na mga bata.

      Delete
    2. Both are basic necessities.

      Delete
  14. naku ai ai...dali sumbong ka sa tatay D mo .....

    ReplyDelete
  15. Napaka 3rd world talaga ng Pinas mula utilities, transpo, govt services. Wala na yata talaga tayong asenso. Panay pahirap since bata ako kundi lagi walang kuryente, tubig naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. It’s a horrible place talaga. Nothing changes. Puro palpak pa rin.

      Delete
    2. Hay ewan ko ba. Ano yun bigla isang araw napansin nila may shortage sa tubig? Napanood ko pa yung interrview na wala pang shortage at pinag iisipan ang cloud seeding then bigla may schedule na ng interruption. Haaayyyy Pinas wala na talaga asenso. Rice shortage, power interruption...what’s next???

      Delete
    3. Pero ang population, walang awat.

      Delete
    4. Well vote wisely this May

      Delete
    5. Wala kasing pagkakaisa ang mga Pilipino. Siraan dito siraan doon. Hindi na lang makipag-cooperate at huwag unahin ang pansariling interes. Mga gahaman nga naman sa kapangyarihan, gagawin lahat kahit mahirapan ang taumbayan. Kahit anong gawin nyo wala kayong maasahang boto mula sa taumbayan. Huwag nang umasang makabalik sa kapangyarihan dahil gising na ang taumbayan sa ilang dekadang panloloko nyo.

      Delete
  16. ang nakakaloka pa kakasunog lang sa mandaluyong one week after and then ng magka tubig biglang ganito nanaman. maawa naman kayo

    ReplyDelete
  17. Don't worry peeps, kapag di na kayo makabayad ng utang sa china, they will take your resources. Then there's nothing to complain about. Wait a few more years.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 3:04 puro kayo china eh ultimo inidoro nyo made in china! lol

      Delete
  18. Yung friend ko na tiga Tivoli Gardens, Manda sabi nya nauubos na raw yung tubig sa pool nila. Iniigib nila para may pambuhos sa cr. Friday pa sila walang tubig. Hindi scheduled, as in wala. Dumadayo pa siya ng Makati para mag-angkat ng malinis na H20.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I saw the list of affected areas, imagine mo bilyonaryo sa forbes sabay walang tubig.

      Delete
  19. That’s what you get when you have an overcrowded and overpopulated metropolis with no adequate source of water supply.

    ReplyDelete
  20. And it’s just the beginning, it’s not even summer yet.

    ReplyDelete
  21. Ang balita ayaw mag invest ang Manila water sa improvement ng Services nila tulad ng Maynilad !

    ReplyDelete
    Replies
    1. 5:38 puro kabig lang alam ng manila water. ilang beses na silang nagtaas ng water rate pero ang serbisyo palpak.

      Delete
  22. Blame it to the corrupt politicians until now you are still voting for them

    ReplyDelete
  23. I work in a water company here in England. We don’t cut residential’s supply because water is essential. If we ever have incident we make sure that our trucks are on standby in the affected areas. Makakasuhan kami at mafifine ng malaki if we ever do that. Nasa government din kasi yan sa pag bibigay ng accreditation and license sa water companies

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya England first world country, Pinas 3rd world forever. Mga politicians do not care about the citizens. May paki lang pag election time.

      Delete
  24. Isnt aiai a supporter of the current admin? Ang gaing nila di ba

    ReplyDelete
    Replies
    1. Supporting someone doesn't mean turning a blind eye to what's going on. Ganon ka siguro, basta finollow mo perfect na.

      Delete
    2. 7:45 Matagal nang may problema sa tubig. Panahon pa ng nakaraang admin may proposal na na magtayo pa ng dam o water reservoir pero hindi inasikaso. Gusto nyo lang isisi lahat sa current admin ang kapabayaan ng past admin.

      Delete
    3. 12:40 isa ka pa ipapasok na naman yung past admin sa usapan. Una, never naging ganito kalala yung water shortage natin kahit ilang el niño na nagdaan. Pangalawa, sino ba nakaupo ngayon? Ilang taon na nakaupo mga yan. Sino kailangan gumawa ng paraan, yung mga past admin pa rin?

      Delete
  25. Napapaligiran ng tubig ang Pilipinas pero kulang pa rin sa tubig?

    ReplyDelete
  26. This is another political diversion. Tao ang kawawa. So vote wisely.

    ReplyDelete
  27. State of calamity na. D lang bahay pati hospitals, schools affected na.

    ReplyDelete
  28. suporta pa kay bong go mamshee.

    ReplyDelete
  29. Wala lang tubig 4th world na? Hiyang hiya naman ang mga refugees umiinom ng tubig ulan at may burak sa inyo. OA yes, pero Ai-Ai should see the bright side of it, remember Papal awardee ka?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Ganyan ba lagi? Dahil may mas nakababa hindi na pwedeng humingi nang mas maayos na serbisyo? Kung ganyan lang din eh tanggalan ka na ng tubig habambuhay, tutal yung mga refugee naman ang kawawa diba?

      Delete
  30. Kabwisit yung mga golf club!

    ReplyDelete
  31. Kahit ikaw pinakamayaman sa Pilipinas, wala ka pa ring quality of living sa Pinas—by quality,I mean clean,unpolluted air, free parks in your suburb where your children can play, efficient public transpo, excellent infrastructure, efficient government service, etc. Wala,you wont get to enjoy these basic services na dapat sana ay naibabalik sa taxpayers,.Kahit naka Ferrari ka,l pa, youll get stuck in traffic just like everyone else.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha hindi nga nila mapatakbo ang ferrari to the speed it was built for. Lam mo naman sa atin, bibili ng ganyan for porma purposes lang.

      Delete
  32. Hmmm....i'm d gm of a water district in our town. Provincial town. What i cannot understand is the sudden rationing of water. With manila water's technical expertise, the brightest engineers, and yet, they were not able to foresee this.

    ReplyDelete
  33. Walang silbi ang Ferrari hindi naman ito uusad sa tindi ng traffic sa Pinas. Maski kabayo sa kalesa, maiinip sa Edsa dahil din sa traffic.

    ReplyDelete
  34. Wala akong staff na licensed engineer, engineering grad ang head ng technical dept ko. Yung iba mga undergrad and the basic tuberos. Pero may mga uwido. We supply water adequately to approximately 80% of our coverage area. Yung ibang areas na may problema kami mahina lang ang pressure pero hindi naman totally wala. Kaya hindi ko maintindihan bakit nagkaganyan.

    ReplyDelete
  35. We are so 4th world and our leaders are also 4th world attitude and character. Walang breeding

    ReplyDelete
  36. Aiai bkit mo i-DM kay bong go yan

    ReplyDelete
  37. Mahal kong maynila..

    ReplyDelete
  38. Artificial water shortage. Tinaon na mag-eeleksyon.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...