Ambient Masthead tags

Wednesday, January 23, 2019

Tweet Scoop: Anne Curtis Expresses Stand on Lowering Age of Criminal Responsibility at Nine

Image courtesy of Twitter: annecurtissmith

138 comments:

  1. Gusto kong intindihin na bata oa nga sila pero hindi e paulit ulit lang nilang gagawin yan pag di nadisiplina

    ReplyDelete
    Replies
    1. These people don't seem to watch news everyday. Most crimes are committed by minors, through minors and/or with minors. They are bring used in crimes because they can't be held criminally liable.

      They should also be aware that not all minors in this social media age are innocent anymore. There are children not living in safe and secured areas. They don't have parents and families who financially, emotionally, physically and mentally support them in their everyday lives.

      Also, they should watch Slumdog Millionaire movie so they would have an idea on how minors are being used, treated and abused.

      Delete
    2. MOST CRIMES COMMITTED BY MINORS? Anong news pinapanood mo? Mas marami pa rin ang adult na gumagawa ng krimen. Huwag kang mag-imbento ng narrative para lang suportahan 'tong batas na 'to.

      You also mentioned THROUGH MINORS and/or WITH MINORS. Ibig sabihin, may impluwensiya? So why we will take the shortcut and incarcerate kids?

      Lastly, ano ka ba? Pro or Con about this issue? Ang gulo ng punto mo eh.

      Delete
    3. 1:23 as you said "used" they don't have the discernment or full grasp of right and wrong especially if they are not being guided properly or grows up in an environment where what they see from adults looks right to them

      Delete
    4. Biktima rin ang mga bata. Walang over night soulution sa problema pero itong ginagawa ngayon ng gobterno ay isang malaking step back. Instead of focusing on education ganito. tsk tsk. Pag mahirap ka sa pilipinas lalo ka pang aapakan. Napaka anti-poor niyo.

      Delete
    5. 1:23 I think you're the one who doesn't watch the news. As you said, most crime are being done by minors? Kung totoo man yan, at that age they are still very much very impressionable and will do as they are told thinking they're doing the right thing. There is an adult behind all of this. Don't sit there and tell me na at such a young age may sariling isip na ang bata para gumawa ng krimen.
      If you put a 9 year old in trial and be put in jail, what will do do to their future? Are you tring to tell me hindi masisira future nila? Not even an adult they are already labelled as criminals?

      Delete
    6. I love Anne, but I don't think she read fully the proposed law. Baka sa news headlines or articles lang siya nag-base. If not fully researched, sana wag na lang magsalita.

      Delete
    7. 1:23 kung babaan sa 9 years old, they will just use younger kids then para absuwelto pa rin sa batas

      Delete
    8. tama yan na ung disiplina sa kanila sa kultura natin ngayon laging pinapalagpas dahil bata di tulad nung kabataan natin 20-30 yrs ago pag mali ka paparusahan ka kya ka madadala

      Delete
    9. 9:04 yung parusa mo ba nung bata ka eh jail time? Kase sakin palo ang parusa ko kung nagkakamali ako. Kase ang parusa sa mga bata if ever man matuloy yan eh jaol time.

      Delete
    10. eh kaninong resposibilidad ba yan? sa gobyerno?? ang gobyerno ba nagsabing mag anak sila? it's not lowering the age, sa magulang dapat lagyan ng accountability sila yung mas-aware. Sayang lang ang budget na ilalagay dyan sa batas na yan. Mas maraming importanteng bagay na pagtuonan ng pansin at may batas na dyan ang implementation ang kulang at accountability kasi kung makakawala lang din sila after mahuli eh useless.

      Delete
    11. Sana un mga magulang na ndi naman kayang mabigyan na maayos na buhay eh wag na mag-anak ng mag-anak...

      Delete
    12. higpitan ang law. kung ung bata eh ayaw magbago. ilayo sa magulong buhay. ipaampon kung walang kwenta magulang.

      Delete
    13. dapat po hindi lahat ng criminal kulong lang. dapat they serve community service. cleaning environment, magsaka sila ng palay for punishment, magpintura ng public schools. dapat ganun na lang idagdag nila sa batas. yung tipong may mapapala. dagdag tax nanaman yan.

      Delete
  2. Dapat kasi sa pilipinas pag nagnakaw putol na lang. Pag nangrape putol din. Ikukulong nyo pa papakainin nyo pa yan eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow how barbaric, 21st century na po, hindi na middle ages.

      Delete
    2. 1:04 Basa ng Bible para makilala ang Diyos. Malupit ang parusa sa mga nagkakasala. Kabaitan ni Satan ang Nakagisnan mo at yung lumang order na tinatakwil ng sanlibutan ngayin e dahil nawala na ang takot sa Diyos at namayani kuno ang lip service na pagmamahal ng Diyos but its really Yung Kabaitan ni Satanas.

      Delete
    3. uncivilzed and uncultured, then what's the use of laws?

      Delete
    4. Ipasok sa military ang mga minors na mahuling gumagawa ng krimen ng matuto ng disiplina

      Delete
    5. korek ka 3:44 para may nagawa sila sa bayan hindi salot .Para manatili pa rin ang katagang kabataan ay pag-asa ng bayan

      Delete
  3. Mga artistang Bandwagoners! Sunod lang sa mga opinion ng iba! Ang responsibilidad at obligasyon para palakihin at disiplinahin ang mga bata e nasa mga MAGULANG! Ngayon kung hindi sila napangaralan o hindi sila nakinig e ang Gobyerno o Estado ang magpaparusa sa mga itinakdang batas nito! Hindi responsibilidad ng Govt ang pagdisiplina ng lga bata tulad ng sinusubo atbpinapalunok sa inyo ng Batas ni Lucifer!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teh, ambassador ng UNICEF si Anne.

      Delete
    2. Luh, UNICEF si Anne. Dapat lang na may opinyon siya dyan.

      Delete
    3. Teh, si Anne, shes using her statusninnshowbiz to show that she cares to socio-political issues of the country. Kesa sa iba dyan na puro love team iniisip! Pweh

      Delete
    4. Luh, bawal magbigay ng opinyon komo artista? Issue yun teh! Kelangan talaga pag usapan. That's one way to gain insight.

      Eh ikaw? You knoe what they say about people who just sit on the fence.

      Baka ikaw ag 'bandwagoner' dahil ginagamit mo yang term na yan. I don't even know if such a word exists.

      Delete
    5. UNICEF ambassadress po sya, she has the right and duty to air her opinion. At kahit sino pwede magvoice out,exactly just like you.

      Delete
    6. She's a UNICEF Ambassadress pero diba dapat iniintindi yung proposed law kaysa sa magkaron ng bandwagoner opinion? Tulad ng sinabi ni Gordon, may due process yan. Anne represents UNICEF, kailangan maingat din siya sa sinasabi niya.

      Delete
    7. ambasadress kp man din anne dimo intintindi yung bill di naman ikukulomg shunga ippasok sila sa rehabilitation center sa bahay pagasa po mam. ann para dika mapahiya magtanong tanong ka muna at try mo basahin mabuti inuna mo kuda eh

      Delete
  4. 9 years old? What were they thinking?! I have a 9 year old nephew and he doesn’t even understand the idea of responsibility!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well then teach him responsibility. Simple as that.

      Delete
    2. OA nito. Ano yun porket may 9 year old pababa kang kapamilya ikukulong na agad ng pulis?

      Delete
    3. Depends on their environment. Like bad parenting = bad kids most probably.

      FYI the juvenile in thailand is 7 years old, Singapore and Malaysia is 10 years old, India is 7 years old.

      Delete
    4. 1:52, Nilalagay ba sila sa kulungan? Or my facility for them to rehabilitate? Sa batas kasi ng Pinas, “kulong”’eh.

      Delete
    5. If and when, not in a regular jail with adult offenders. They'll be in Bahay Pag- asa.

      Delete
    6. 12:55 sige nga, gano ka ka-responsible nung 9 years old ka. Kung mapagsalita kayo, kala mo hindi dumaan sa pagkabata. Dami ngang matatanda ngayon narereminisce sa kalokohan nila as teenagers. Aminado sila na ang tatanga pa kasi dahil “bata” pa. What more yung 9 years old.

      Delete
    7. Sa reformative institutions sila ilalagay at tatawagin silang children in conflict with the law

      Delete
    8. yung comment ko pala is for 1:23, not 12:55. gaano ka karesponsible nung bata ka?

      Delete
    9. 4:58 not anyone else you’re pertaining to pero siguro most of us naman at 9 yrs old are responsible enough to know some basics on what is right and what is wrong, yung tipong alam natin kung ano yung mga hindi natin dapat gawin para hindi mahuli ng pulis. Iba kasi yung kalokohan lang sa krimen, there are children raping, killing, abusing others, even playing with the law because they know it is maleable enough for them not to get punished. I have even seen some documentaries where children in conflict with the law readily have birth certificates in them and even mocking police officers by showing their mouths and stating they haven’t grown their wisdom tooth yet then getting back on streets doing the same crimes.

      Delete
  5. Pinas have messy justice system so i don't think we're ready for this. Very anti-poor. Sigurado naman makakalusot ang mayayamang bata dito.

    Bakit hindi niyo gawing liable ang mga parents? Sila ang dapat matakot dahil sila dapat ang nag-guide sa mga bata. Baka sakaling matakot pa silang mag-anak ng marami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parusahan yung mga anak AT mga magulang. I can not forget yung mga rugby boys sa jeep na pinagtulungan yung matanda. Right then and there, parang gusto ko masagasaan na lang sila para mabawasan ang mga peste dito saten.

      Delete
    2. Anti-poor?? Sino ba yung nanunusok ng barbecue stick pag hindi mo binigyan ng limos? Sino yung papaluin kotse mo pag hindi mo binigyan ng limos? Sino yung bubuhusan ng maduming tubig yung windshield mo while red light para bugyan mo sila ng pera? Madaming mahihirap na bata na hindi mga demonyo in the making, pero yunf mga batang hamog na nananakit at naninira talaga dahil alam nila na safe sila sa batas, ibang usapan na yon. Mabuti na yan at mabawasan sila unti-unti.

      Delete
    3. I agree na grabe ang behavior nung mga bata sa kalye. Kailangan gawan ng paraan. Pero isipin niyo, lumaki sila sa hirap na bawat araw, kailangan nila makipagsapalaran para lang sa kakainin. Kaya lumaki din sila na akala nila normal yan dahil lagi nilang nakikita na ginagawa ng ibang bata or ng kamag-anak. At the end of the day, it all boils down to poverty. And mga mahihirap lang din ang magsusuffer sa law na yan.

      Delete
    4. 1:17 what 12:57 meant by anti-poor is that majority of the children that will be jailed by this law will be poor kids. Kung anak ng mayaman ang nag commit ng crime ay malaki ang chance na makikipag areglo na lang yung mga magulang. Some may circumvent the law while others may resort to threatening the aggrieved party kung may pera sila, kahit na anak nila ang nagkamali.

      Magulo ang justice system natin and we can expect na may makakalusot dito. I'm not saying na hayaan na lang yung mga bata na gumawa ng krimen. Pero sana may rehabilitation kasama ng disiplina. Hindi effective ang ikulong lang tapos walang follow up na positive guidance by the family and society.

      Delete
    5. 11:43 hnde po sila ikukulung dadalhn po sila sa bahay pag asa at dun sila irerehab at tuturuan

      Delete
    6. 1:17, paki intindi muna ang meaning ng anti poor bago kuda

      Delete
  6. FINALLY. A celebrity who uses her platform. A celebrity who speaks out her own thoughts about the happenings in this administration. I'm so proud of you Anne! I'm a fan for lifeee ❤❤❤

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pang nauna kaya hindi yan FINALLY.

      Delete
    2. im a fan also but pls lang maraming celebrities ang mas madada pa sa kanya when it comes to kuda sa kung anik anik na issue ng pilipinas.

      Delete
  7. Ganito na lang...para sa mga tutol ipaampon na lang sa mga artista at mga pulitiko yang mga batang hamog na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka lalong magwala at ipakita yung SUPER CONCERNED nila kesa lumabas ang totoong kulay na WALA NAMAN TALAGA SILANG PAKI SA MGA YAN para ampunin nila.

      Delete
    2. 12:59, your comment has the most sense, under the circumstances.

      It’s kind of funny because I know that you made that in jest with a dash of sarcasm. But because of all the political bandwagoning of artistas and politicos, perhaps that is the best avenue to take.

      Delete
  8. Go Anne! Regardless of party affiliation, we need to stand united against this horrendous law created by awful MONSTERS of congress.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa siya batas teh. lol

      Delete
    2. You’re out of touch with reality dear.

      Delete
  9. Im sorry anne pero madami ng bata ang gumagawa ng krimen even as young as 9 years old. Ang iba sa kanila, ginagamit ng mga sindikato upang gumawa ng krimen para sa kanila. Madaming batang hamog ang nasa edad 9 pataas, basta nalang naninir ang mga sasakyan at kung ano pa. Nakakatakot na sila, kahit sa jeep, umaakyat, kakantahan ka, pag di ka nagbigay tutusukin ka ng bbq stick. Kayo kase napapalibutan ng mga batang galing sa buen familia at di nyo naranasang maglakad sa kalye ng mag isa sa gabi pagkagaling sa trabaho o ano pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Seryoso ung sa bbq stick? Wild! Kaya di na ko makapag divisoria eh

      Delete
    2. Ikaw na nagsasabi ginagamit. No one is ever born into this world na maging kriminal ang pangarap. We all failed these children. Parte tayo sa problema bat wala sila sa eskwelahan at nasa kalsada. If we voted for competent public officials who don't pocket our taxes. We would have less of those children in conflict with the law. Ang dali sisihin ang mga bata na wala namang choice at hindi pinili na magkaroon ng mga iresponsableng magulang at namulat sa komunidad na may patayan at krimen. I get your feeling of frustration sa mga "hamog" na bata but look beyond their appearance and their notoriety they are still children and if they had the same opportunities and the same upbringing as you they would never be on the streets.

      Delete
    3. Sa hirap ng buhay yon kaya nagagawa. Kesa naman matandang mayaman na panay pa kurakot pero malaya.

      Delete
    4. Excuse me! Hindi excuse ang kahirapan ng buhay para maging peste sa lipunan! 1:22

      Delete
    5. Madaming mahirap na bata na matino. Don’t use the mahirap card on this issue. May mga bata talaga na simulat sapul eh napakasalbahe na.

      Delete
    6. 1:22 1:19 laki sa hirap din ako. nasubukan kong tumira sa inuupahang bahay na tuwing umuulan, buong bahay basa. Nakapag aral ako oo dahil pinagsikapan ng nanay ko, pero nagbabaon ako ng panis na pagkain sa eskwelahan. Butas ang sapatos ko. Nakailang absent dahil walang pamasahe, at naghanda ng pansit canton sa new year at pasko pero never akong gumawa ng mga ginagawa ng mga batang hamog. Namatay mga magulang ko 15 ako. Kaya pls wag nyong isisi ang hirap ng buhay sa mga ginagawa ng mga batang yan. Hindi yan excuse. Maraming mas mahihirap sa africa, kumakain nalang ng putik pero never gumawa ng krimen o di maganda sa kapwa.

      Delete
    7. 1:27 1:58 eh di kayo na ang bayani. May mayaman bang batang hamog?

      Delete
    8. hanggang 9 lang ba ang ginagamit ng sindikato? Even younger than 9 pwedeng gamitin, so ibaba na lang din natin to 1 year old ang liability para sigurado.

      Delete
    9. teh 2:19, ang point nila ay hindi porket mahirap, manggugulo ka na at mamemerwisyo ng mgabtao sa paligid mo at sa lipunan na kinabibilangan mo. Kung ayaw mo sila madisiplina by the law, ikaw maghubog sa kanila to be good citizens at ampunin mo yang mga batang hamog na yan. Di ka namin pipigilan. Go!

      Delete
  10. Yung matatanda kasi di nila mahuli kasi di pwedeng hulihin. Pag diskitahan ang mahihina at kayan kayanan, ganyan naman noon pa sa Pilipinas

    ReplyDelete
  11. Grabe kayo 12:52 and 12:53. Aning klase kayong tao. Asan ang compassion? Asan ang pagpapkatao? Paano kung anak o kapatid ninyo yan? Paano kung napagbintangan lang? Sa kulubgan ng mga adult ilalagay? Mag isip naman at magpakatao. Kahit na iniidolo o sinasamba ninyo ang pangulo, siguro naman yung basic human decency huwag kaligtaan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibabalik ko sayo tanong. Pano kung nanay, tatay, kapatid, asawa o anak mo ang pinahamak ng mga batang ganyan would you still even say the same? Ibababy mo pa rin at iintindihin? Oo dun na tayo na pwedeng mapagbintangan pero pag caught in the act mismo magpapaka desente ka pa rin ba at iintindihin na lang kesyo wala silang tamang guidance? Aba pagpapatayo kita ng monumento pag ganun sa sobrang kabaitan at kadalisay ng kalooban mo

      Delete
    2. 1:21 may point ka. Mababago lang sila kapag nakaahon sa hirap. Kailangan may takot din sila at tutok dapat ang magulang kung saan napunta ang mga bata.

      Delete
    3. The best way is to Let the victims decide dapat ano gagawin sa mga batang nanakit, nagnakaw namerwisyo sa kanila. Hindi tayong nakaupo lang at nag pho phone.

      Delete
  12. Dami nagrereklamo na bakit sobrang baba kesyo 9 years old lang anak nila. Bakit? Di naman siguro gumagawa ng life threatening acts or nag ccourier ng drugs mga anak niyo diba? Madami kasing idealistic masyado sa Pilipinas kaya hindi makaabante. Ito pa yung mga taong hindi nagcocommute, nasa gated villages, hindi naglalakad sa kalye. FYI grabe na ang mga batang kalye ngayon. As in. Sobrang daming beses na kong nakawitness ng mga batang nambabato ng bato, nagnanakaw, naninira ng kung ano ano. Napaka agresibo na gumawa ng kalokohan kasi di sila mahuli ng pulis. So anong gagawin dun? Ibababy? Irerehab tapos ano? Balik kalokohan ulit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Band aide solution lang ginagawa nilang pagpapakulong sa mga bata. Paglabas nila? They get back to the same community na kinalakihan nila. Same environment that growing up inakala nila na "normal". It will be a cycle. Children borne into these communities will continue to be in conflict with the law. Siyempre alam yan ng mga mambabatas. Eradicating poverty and giving education to everyone would solve the problem but hey why would the government want to eradicate poor communities. These communities are vote-rich and easy to buy during elections. -_-

      Delete
    2. Oh please. Eradicate poverty? You can’t eradicate poverty dahil napakaraming tamad sa Pilipinas. It’s deeply ingrained in our culture at mahihirapan na alisin talaga yan. The country has been “eradicating” poverty since forever. But we still can instill discipline habang bata pa sila. How? Turuan ng nga leksyon tong mga batang ito na there are grave consequences for their bad actions. And by leksyon hindi pagsasabihan lang. Lahat ng masamang ginawa kailangang pagbayaran.

      Delete
  13. 9 years old, too young??? What about Singapore whose age of criminal responsibility is at age 7 and US where there is none? I think that people should take full responsibility of their actions regardless of age.

    ReplyDelete
  14. Kung ganon pabotohin na rin ang mga 9 year olds bakasakaling mawala na mga trapo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mali!
      Kung bigyan mo ng karapatan bumoto ang mga batang hamog na 9 na taong gulang ang iboboto niyan yung politiko na magpapalakas sa sindikato nila. Yung kapareho nilang magnanakaw.

      Dapat pigilan mag anak ng mag anak ang mga taong hindi kayang buhayin at turuan ang mga anak nila maging mabuting mamamayan sa lipunan.

      Delete
    2. Di makagets ng sarcasm tong si 2:18

      Delete
  15. Meanwhile pag matanda gumawa ng krimen wag daw ikulong at bigyan ng compassion kasi matanda na kahit milyon milyon kinurakot. Meanwhile yung batang di pa matured ang isip ang ikulong. Onli in da Pilipins.

    ReplyDelete
  16. ang magandang gawin sa mga batang offender is kupkupin ng govt at irehab aka makeover at turuan ng tamang asal. better na alagaan sila ng iba as opposed to their parents na pabaya. hindi maganda in any angle na itreat sila as regular criminal dahil they have a life ahead of them full of promise kahit mahirap man sila o mayaman. andun na yung criminal label na dala na nila habang buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang pera ang gobyerno para sa mga programa na ganyan. Kaya nga gusto na lang nila ikulong.

      Delete
    2. 2:19 obviously hindi mo binasa ang pinopropose na bill. Basahin mo muna ha.

      Delete
  17. Ganito na lang kasi, instead of using the word “kulong”, ilagay ang mga child offenders sa isang parang boot camp na didisiplinahin sila. Hindi sa city jail, at lalong hindi sa dswd shelter or kung ano man na pagwawalisin lang sila sa paligid at pagbabasahin ng libro!

    ReplyDelete
  18. Iba na po ang panahon ngayon. Hindi na kasing inosente Ang mga Bata ngayon kesa sa mga henerasyon noon. Malamang sa mga nagkokoment ng against sa batas na to, di pa nararanasan ang maging biktima ng mga Batang hamog. Napag nahuli sila pa Ang malakas Ang loob dahil nga may batas na pinoprotektahan sila.

    ReplyDelete
  19. Im so sorry pero hindi nyo alam ang gawain ng mga bata ngayon. I have pamangkins age range ay 6-15 years old at nakakaloka ang mga kwento nila about their schoolmates. Di na inosente ang mga bata ngayon kahit pa hindi sila gumagawa ng masama, mulat na talaga ang mga bata ngayon

    ReplyDelete
  20. Hirap kase tinitignan lang yan dahil may mga street children na nasasangkot sa krimen pero naisip nyo din ba na yung mga anak at pamangkin natin at 9, paano yan magkasakitan sa school ng mga kaklase or magkapikunan sa PE sakop din sila ng batas na they will be responsible for their acts na (supposed?). Bata pa din yan lalo na hindi nakapag aral limited ang pang unawa nila sa batas at walang pag-gabay. Dapat mas kalingain natin at mas malaking parusa sa mga gumagamit sa mga bata para sa kriminalidad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang di din nagegets ng mga allergic sa batang hamog. Ang dami pa naman power tripping na mga magulang ngayon. Pag nakaaway nung anak nila ang anak ng mayor sakanila at inihabla ewan ko na lang pag di iiyak mga yan ng wala pang kamuwang muwang pa anak nila.

      Delete
    2. “Allergic sa mga batang hamog”. Teh, pag nakakita ka kung paano ang mga batang hamog na yan sa kalsada, baka maging allergic ka din sa kanila. They are a threat to the public, sana wag ka magkaron ng firsthand experience involving these kids dahil sinasabi ko sayo, gugustuhin mo talaga sila balatan ng buhay pag ikaw na ang naging biktima nila. Minsan wag din masyadong self-righteous magsalita.

      Delete
    3. 12:25 sorry ah. Di kasi ako barbaro. Di ko pa naisip na balatan ng buhay ang mga bata. After all bata nga sila. Subukan mo muna magpunta sa bahay pag asa at kausapin ang mga batang andun. Tsaka mo sabihin saken na self righteous ako.

      Delete
    4. ateng, siguro naman yung nagsuntokan e hindi naman ikukulong, since yung mga nagsuntukan na adults ay nagkakaayos din sa precint and hindi nagtutuloy sa case. pero if yung bata ay nakapatay (for whatever reason) ng kapwa bata or maybe adult, dyan siguro papasok yung new law.

      Delete
    5. So have you experienced kids throwing big rocks at your windshield because wala lang, 2:11? Have you seen what those kids did to the poor lolo na nag-viral yung video online? Some kids threw dirty water sa windshield ko just because hindi ko binuksan ang bintana nung kumatok sila sa sasakyan ko. Kung binuksan ko naman, who knows kung ano ang ginawa nila diba. Tsaka mo sabihin na kausapin ang mga batang yan ONCE YOU’VE EXPERIENCED IT. Hindi porket bata AT mahirap, ibe-baby mo na. Kaya namimihasa kase lagi nila iniisip na maaawa naman sa kanila dahil mahirap sila.

      Delete
  21. Wala na ko masabi sa mga Pilipino. There’s a reason why 18 tayo pwede bumoto, mag drive etc. Bakit di na lang mag isip ng program to curb poverty na punot dulo nito. Lahat ikulong lahat patayin puro yan na lang solution. Dont tell me na wala kayong ginawa nung bata na pinagsisihan nyo kasi nga di pa kayo intellectually and emotionally matured. Sana ganito din kayo kaingay nung pinakawalan sila Arroyo, Bong Revilla, Enrile at musta naman si Imelda ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well for one hindi naman ako nag drug courier nung bata ako. Hindi rin ako nambato ng mga nakasakay sa jeep at nanira o nagnakaw ng kung ano ano. You want to know why mas affected mga tao dito sa issue na to? Kasi araw araw nawiwitness yan ng ordinary filipinos na nasa kalsada. May first hand experience sila sa mga kabalastugan ng mga batang to.

      Delete
    2. I agree to 1:39 AM. kung ganyan e di payagan nating bomoto yung mga 9 yo at ipakasal na rin natin sila.

      Delete
    3. 1:39 Yes may reasons, technical reasons mostly. Makikita mo ba ng buo windshield mo kung 3 ft tall ka lang? Makakapagdrive ka ba kung hindi mo pa ma-estimate yung parking space kasi di niyo pa napapag-aralan sa Math? Isipin mo nalang yung mga batang hindi nagagabayan ng magulang tapos ang napagkukunan lang ng kaalaman nila ay yung mga nakikita sa internet (like yung mga walang kwentang challenges na akala nila cool) na akala nila tama, diba sila rin kawawa kapag pinagpatuloy nila yun hanggang dumating sila sa tamang edad tapos i-label na silang lost cause at wala nang pag-asa kasi matanda na?

      Di mo lang siguro napansin kasi ikaw mismo walang pake pero nag-ingay at tumutol ang mga tao.

      Delete
  22. Ganyan ang mga opinyon ng mga yan hanggang sila ang maging biktima. Kapag naging biktima sila (wag naman sana) todo suporta na mga yan.

    ReplyDelete
  23. Kung iyan ang simula para bumaba crime rate sa pinas at madisiplina mga tao be it. Pag kinausap nyo ibang tao iba na pananaw nila sa bagay na iyan gusto nga nila ibalik death penalty kase masyado na mga krimen sa Pilipinas tingin nila un na lang pag-asa DISIPLINA. Walang disiplina karamihan ng tao sa pinas kaya di umuunlad mga buhay ng mga Pinoy. Kailngan na paghigpitan bago pa lumala which is di pa ba malala. Maging realistic tayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Death Penalty yes. Pero ikulong ang bata? NO. Hilig niyo sa shortcut.

      Delete
  24. palibhasa itong mga artista na to hindi nila ramdam ang totoong estado ng bansa.. tama lang na ibaba sa age 9 para matakot magtino..dapat isama na din ang mga magulang.. puro kasi pasosyal pa it it girls pwe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron nang juvenile detention dati, yung boystown, pag kakaintindi ko hindi sila ikukulong sa city jail, meeon silang pagdadalhan at dun sila maghihintay ng trial, iba na takbo ng panahon ngayon kaya tama lang yan, sana wag kayong mabiktima ng mga batang snatcher.

      Delete
  25. For sure there are valid grounds for imprisonment (or kung ano man parusang gagawin sa kanila). For grave conduct lang to most probably yung tipong threat na yung bata sa buhay ng publiko such as nambabato ng windshield, nanunusok ng kung ano ano, nananakit ng random people in public, nagtutulak droga, nangrarape, pumapatay. Mga ganun.

    ReplyDelete
  26. Naglakad ako sa Cebu City one day galing duty sa hospital. Bigla na lang kinuha ang bag ko ng isang batang maliit (he couldn’t have been more than 10). Sa bag ko na yon andun ang sweldo ko para sa isang buwan. It’s n=1 but I have to say, it’s only right that these *cruel kids* go to jail.

    ReplyDelete
  27. Sino ba kasi nagsabi sayo Anne na ikukulong sila kasama ng mga matatanda? Iba ang paghandle sa mga cases ng child criminals kung maipapasa ang batas. DSWD ang maghahandle hindi BJMP. Basa basa muna kasi bago kuda.

    ReplyDelete
  28. hi anne and dingdong! siguro tutol kayo kasi naiisip nyo yung mga batang mababait na cute at nakaka awa. don't worry hindi naman sila yung ikukulong. yun lamang pong mga masasama at hindi naturuan. yung mga nanakit sa kapwa at nagnanakaw. isa pa, hindi naman sila pahihirapan sa kulungan. ilalagay sila doon para hindi pamarisan at hindi na makapanakit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bawas viewers daw sa mmff movies bila kapag kinulong lol

      Delete
  29. Uber! Hndi naman lahat ng bata ipapakulong na.. depende sa crime.. pag naksaksak ba sya or nakapatay eh papalagpasin na kasi bata? Magbasa basa naman.. i re rehab po hndi ipapakulong

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tsismiss lang ang kinakalat ni Anne Curtis. She is not the type who reads.

      Delete
  30. My goodness, they won't be jailed with the adults, they will be with DSWD custody! They will be schooled, and reformed while in custody. They won't be sharing the jail with adults. And they will not be tried as adults for some small crimes, only the heinous crimes like murder, rape, or parricide.

    And excuse me Anne, Australia criminal responsibility is 10. US is 6. Other countries even 7. And yeah, I live where 7 is the age of criminal responsibility. I've told my kids when they turned 7, that if you hurt anyone or destroy or steal others' things, the police can take you with them because you're 7.

    ReplyDelete
  31. wow 9 talaga? sobrang bata p ng 9! nasaan ang mga magulang nyan.

    ReplyDelete
  32. So pano if gamitin nmn ng mga sindikato eh yung mga batang 8yrs old pababa? Ganun na lng ulet bababaan ung criminal age of responsibility hanggang umabot na pati sanggol wala na kawala?

    ReplyDelete
  33. I agree on lowering the age of crminal reponsibility but not as low as the age of 9 for god’s sake🙄🙄🙄 maybe 12 or 13😊👍

    ReplyDelete
  34. Hindi naman natin kailangan ng bagong batas. Ang kailangan natin ay ang tama at maigting na pagpapatupad ng batas para maisaayos ang mga bata na nawawala sa tamang landas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan na nga yung batas na yun girl! kaloka

      Delete
  35. Ako personally ok ako sa ganito. Sa ibang bansa ang ginagawa nilang hitman esp sa gangs e juvenile kasi nga hindi naman makukulong agad. Ang katotohanan ay nasa harap na natin, bata na ang sangkot sa krimen.

    ReplyDelete
  36. Iba impluwensya ng gobyerno + social media sa mga Filipino ngayon. Kung hindi patayan, pati mga bata gustong patulan.

    ReplyDelete
  37. Sa dami ng minors na in conflict with law ngayon, dapat lang na ibaba ang age of criminal responsibility. At yung iba, bago sana humanash againts the bill, alamin muna ang mga nakasaad doon or its provisions. For me, ok lang para kahit mga pabayang parents magtanda.

    ReplyDelete
  38. Di naman sila ikukulong in a regular jail with the adult "criminals". They'll be put in a rehab facility.

    ReplyDelete
  39. Bravo for taking a stand Anne. Tama. Hypocrisy at its finest yang lowering age of criminal liability. Ikukulong ang bata habang ang matatanda na bilyones ang ninakaw remain free and hands off ang police and courts because they are controlled by the executive.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi nga ikukulong!!! may mata naman tayo para magbasa!!! grabe lang ang kukulit nyo ulit ulit hindi nga ikukulong!!!!

      Delete
  40. Ok lang naman sakin KUNG applied equally to all yung law (kahit yung anak-mayaman held accountable) and very serious crimes lang like assault, murder, rape. Eh kahit sobrang lala kasi yung ginagawa dito basta may pera yung teenager or magulang lulusot eh.

    ReplyDelete
  41. If a nine year old is old enough to commit rape or murder, same child is old enough to see jail time Anne who acts like she has a good heart to save her hype career.

    ReplyDelete
  42. di ba di naman makukulong like adults? correct me if im wrong.. sabi nung s interview irerehab ang mga madadakip n bata..
    tong mga artistang to eh tutol ng tutol palibhasa di kayo lublob sa reyalidad na mga minor ngayon eh ubod na ng halang ang kaluluwa..although not some.. pero meron talaga..naku mga celeb subukan nyong tumira sabay mga ordinaryong mamamayan tingan natin kung ganyan pa rin stand nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay di pa rin ba safe na safe sa Pilipinas? di ba sabi dati pag nawala mga adik magiging safe na? ngayon naman, mga batang hamog at kalye...tapos pag nanlaban, totokhangin.

      Puro Band-Aid solutions lang kasi ang naipapanukala, tamad mag-isip ng mga solusyon na mag-address sa root cause ng problema which is poverty. Please lang, wag gamitin ang linyang "anong nagawa mo para sa bayan?" or "ikaw na lang maging Presidente" blah blah dahil alam na kung anong klaseng mga tao ang gumagamit ng ganyang argument.

      Delete
    2. Anon 3:53 di lang naman Pinas ang magkakaron ng juvenile system pag nagkataon.Isa pa,di naman sila ikukulong, ire-rehab sila at di sila ituturing na criminals,conflict with the law ang itatawag.At yang batas na yan ginawa na yan dati, nire-revive lang ulit.Mga psychologists ng dswd ang haharap sakanila at mag a-assess

      Delete
  43. Let us READ first, UNDERSTAND then we can comment!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi yata nabasa mabuti ni Anne ang contents ng proposal

      Delete
  44. I admire Ann for making known her views on the subject. I join her call not to lower the age of criminal responsibility. Para sa kaalaman ng iba, me pag-aaral po ang mga dalubhasa na sa edad na 16 to 17 pa lang talaga totally nadedevelop ang brain ng tao. At ang development ng mga batang lalaki ay delayed by 2 years kumpara sa advance development ng brain ng mga babae. Kaya maski 18 yo na ang lalaki, ang emotional age nya ay 16 pa lang.

    ReplyDelete
  45. Bakit hindi na lang gawin Rangers o kaya gawin sundalo at ipadala sa gyera? Para may silbi. Napakasikip na ng mga kulungan dadagdag pa mga bata. Gamitin na lang sana sila sa ibang bagay imbis na ikulong

    ReplyDelete
  46. Problema sa mga artistang eto dakdak agad imbes mag research muna e. Kakahiya kayo.

    “In his 21 January 2019 opening speech about the bill lowering age of criminal liability, House of Representatives of the Philippines Justice Committee chair Atty Doy Leachon said:

    ‘Let it be understood that with the present bill, first, we are not putting these children in jail but in reformative institutions to correct their ways and bring them back to the community. And second they are not branded as criminals but children in conflict with law. Reformative institutions do not punish individuals but instead, they were established to help the children to be integrated back to the community after they have committed criminal acts.’”

    ReplyDelete
  47. Lahat ng bansa may juvenile system, kahit SA Australia juvenile age nla is 10. D nman kc isasama sa mga kriminal Yan unless 18 na cla. Basa muna kc bago kuda. May ganyan na sa pinas nun at sa boystown at girlstown cla dnadala.mga pabibo feeling woke.

    ReplyDelete
  48. Nakakakatawa lang na ang laging example ng mga pro sa batas na 'to eh yung mga batang kalye. Isipin nyo din kayong mga mayayaman at priviledge people. Pag yung mga anak nyo nakatapat ng mas rich sa inyo at nagkaroon lang ng away bata, like tinusok ng lapis, o nanabunot, nanapak... Goodluck! Kaso agad ng reckless imprudence resulting in physical injuries, wala nang pero pero. Kulong mga anak nyo! Sige ipush nyo pa yang batas na yan. Walang sasantuhin yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyemas hahahahaa di porke nanusok ng lapis dadamputin na! hahaha magbasa ka ineng!! basahin mo yung prinopose na bill bago ka dumaldal dyan!!

      Delete
  49. Isang ahensya or facility na magkukupkop sa mga batang sangkot sa mga krimen na magsisilbing source nila ng edukasyon kung paano maging isang responsableng mamamayan at hindi pabigat at sakit ng ulo ng lipunan.

    ReplyDelete
  50. Anong gusto nyo? Kayo ang mapatay o magahasa nyang 9 years old na yan? Kaya sobrang tatapang ng mga kabataan ngayon dahil di napapaparusahan. Napakaraming batang nanggagasa o pumatay pero dahil bata di napaparusahan. Tama lang yang ibaba ang parusa baka sakali bumaba ang krimen ng kabataan

    ReplyDelete
  51. Make the parents liable for the crimes and the children be sent to a facility na military school ang setting for discipline. Tignan ko lang kung hindi sila tumino lahat. Hindi naman issue kung mahirap ka e dahil kahit mahirap ka pero nasa isip mo na dapat palakihin mo ang anak mo ng matino, pagsisikpan mo na mapalaki ng maayos anak mo. Kawalang responsibildad sa parte rin ng magulang kung bakit nasa kalye anak nila at gumagawa ng krimen. Sobrang bata pa nyan kung tutuusin pero hindi mo na madisiplina? Trabaho ng gobyerno na siguraduhin ang kaligtasan nating mamamayan, hindi disiplinahin ang anak ng may anak. Ayaw nila didiplinahin, iaasa nila sa gobyerno? Eto ang solusyon.

    ReplyDelete
  52. Wow! Ang daling magsalita na irerehab lang sila at hindi isasali sa adults? Have you seen the video in Facebook wherein children were in jail together with the adults!? Then you must watch first. Napaka idealistic ng programa na irerehabilitate at tututukan? Haleeer! Gawa muna kayo ng mga facilities before implementing that law! Atsaka bakit ba laging nababanggit na dahil hindi natutukan ng magulang? let's be honest here may mga magulang na hindi natututukan ang pagdidisiplina sa mga anak kasi mas inuunang maghanapbuhay para makaraos sa kakainin sa araw araw! 9 years old? Nung 9 years old ako nakikipagsabunutan pa ko sa daan, real check! Take note di ako galing iskwater areas, may mga bagay talaga na nagawa natin nung mga bata tayo kasi di pa natin talaga alam kung ano tama at mali, HYPOCRITES! wag isisi lahat sa magulang, minsan sa environment din ng bata at nakakasalamuha nya kaya minsan nawawala sa landas. #JailNoChild

    ReplyDelete
  53. Kung alam na pala ng mga 9 years old na mga bata ang tama at mali, eh di pabotohin sa election and payagan na rin sila magpakasal without parents'consent. Pedos will be so happy.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...