Saturday, December 29, 2018

Joel Lamangan Calls Out for Implementation of Agreement on Number of Cinemas for MMFF Entries

Image courtesy of Facebook: Joel Lamangan

Video courtesy of YouTube: Jefferson Fernando

50 comments:

  1. we should support films like this. So that the producers will create these types of artsy films. Hindi sila magsawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:28 Paano namin susuportahan kung wala mismo karamihan ng entries sa mga sinehan since day one??!! Given na malakas talaga sa masa sina Vice at Coco pero sana naman huwag doblehin yung movies nila sa isang sinehan. Tapos yung iba, wala! Di pinalabas! Kung nagawa ng MMFF na ipagbawal ang foreign films sa festival na'to, siguro naman kaya rin nilang pagsabihan ang mga may-ari ng sinehan na maging patas sa pagpapalabas ng mga entries.

      Delete
    2. Oo nga gusto ko pa naman manuod nun One Great Love at Rainbow's Sunset pero wala dito sa probinsya namin.

      Delete
    3. Anon 10:19 True! Di talaga fair ang laban. Kasi karamihan sa sinehan, Fantastica & JEP lang ang showing. Ang ibang entries di man lang binigyan ng chance ipalabas kahit isang araw eapecially sa provinces. Mas ok sana kung pinagbigyan nilang ipalabas kahit one week. Then kung wala na talagang gustong manood, pull-out na.

      Delete
    4. sa opening palang di na nila pinalabas maski naka-announce beforehand kaya dami nagulat at wala yung mga movie gusto nila so they end up watching something else.

      Delete
  2. Shut up! Joel! SHUT UP! THAT'S ENTERTAINMENT BUSINESS!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1229 Anong shut up? Oo nga business is business. But Joel has the right to express his sentiments. Kasi gusto din nilang kumita pero kung unfair ang labanan, kawawa ang mga small film production.

      Delete
    2. Wow grabe naman maka shut up ambastos naman ng ugali mo 12:29 paskong pasko my goodness

      Delete
    3. Si Joel Lamangan pa talaga sinabihan mo ng ganyan? He's been in the business since '70s or '80s, he has every right to say what's on his mind about what's going on in the industry that he belongs in.

      Delete
    4. 12:39 Ikaw na nga nagsabi Business is Business so para saan pa yung express ng sentiments kung alam na pala na Business is Business! Ha? Para saan pa???????!

      Delete
    5. Wow. Ang dami talagang taong ang sama ng bibig online. I don't think kaya mo masabi yan kung magkaharap kayo ni Direk.

      Delete
    6. Ang sama kasi Di man lang binigyan ng chance ang ibang movies... Di talaga pinalabas

      Delete
  3. Y not try streaming services for movies like these one, except for those na patok na sa masa. total most of the market for these kinds of movies are usually netflix fans. xempre may bayad din. mejo mahirap cguro ang implementation, but if netflix can do it, baka pwd nman saten db?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga ang gawin na lang nila, like some movies in US. One day screening lang then on the following month available na for online streaming. It's better nga kung they sold the rights to Netflix na lang.

      Delete
    2. We have such unreliable internet services in this country. Kahit mataas yung WiFi subscription mo unreliable pa din.

      Delete
  4. Pagawa kayo ng mga sarili niyong sinehan! Kung me dalawa akong sinehan at me libong tao na naghihintay para panoorin yung isang movie at ang nakaplay sa isang sinehan ko wala pang isang daan ang tao e ipapalabas ko din yung pinuntahan nung libong katao!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree! Business is business. Hindi naman kawang-gawa ang movie theater business.

      Delete
    2. ate oo nga agree na business is business, pero pwede naman din ipalabas yan not during MMFF. Some other time.

      Delete
    3. Business is business nga pero Mmff po ito. Selebrasyon ng mga pinoy movies kaya nga wlang foreign entries.

      Delete
  5. Yun mga nagpalakpakan pnanood Kaya movie ni direk?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nanood man o hinde, tama ang sinabi niya kaya deserve lang na palakpakan at pag-isipan.
      Madaming tao gusto manood ng de kalidad na pelikula at handang magbayad para suportahan ang mga yon. Kaso paano mo yon magagawa kung di naman pinapalabas sa mga sinehan?

      Delete
  6. na-brainwash na kasi ang mga pinoy sa mga movies na mababa ang kalidad. dapat ibahin ang pangalan, dapat hindi film festival, dapat film fiesta. kasi pag sinabing film festival, ang dapat i-expect ng manonood ay pinaka-mahuhusay, pinakamagagaling, de-kalidad at de-kalibre na movies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Festival, fiesta iisa lang yun! Puro kayo quality quality hindi naman maintindihan kung anong quality ba yan!

      Delete
    2. Pinanood ko minsan yung "quality" kuno, puro drugs at s*x kalokohan yang standard ng quality na yan. Mas gusto ko na yung masaya at uplifted ako pag labas ko sa sinehan.

      Delete
    3. Quality yung nakaka talino naman ng tao.

      Delete
    4. 1:16 yung nyo talaga ang di makaka-gets basing on your comment.

      Delete
    5. 1:48 di lahat ng may s*x at drugs na pelikula, may quality na. Maraming films na seryoso ang tema pero ang pangit ng execution like Buybust. Di rin ibig sabihin na pag may comedy wala ng quality. May mga comedy films na may quality talaga, for example: Tanging Ina at Kimmy Dora.

      Delete
  7. Dapat kasi open small then pag patok then open in other theaters para walang masyadong loss. Although it is sad na wala ng pagbabago sa atin, year in and year out the same formulaic movie ang kumikita. Ok lang sana kung may bago kang makikita sa movie eh parang carbon copy lang yearly, title lang ang bago. I mean yes that's what pinoys want medyo angatin naman natin ang genre in story telling, in production values, in acting.

    ReplyDelete
  8. Pero di ba nangyari na 2 yeaes ago, na magagandang movie ang pinalabas pero di pa rin tinangkilik ng mga tao,so maski maraming sinehan, kung konti lng manonood, ganonmpa rin mangyayari, choice ng mga tao kung ano gusto nilangnpanoorin at karapatan ng mga theater owners kung ano mas gusto nilang ipalabas, kc business yan, pero for me hindi kasalanan ng gumagawa ng movies like fantastica siempre kung demand nang tao dapat rin nilang pagbigyan,, opinyon ko lng po,, salamat

    ReplyDelete
  9. Eh sa natapat sa pasko ang mmff, sino ba naman ang seryoso sa araw na yan? Isama mo pa na sunod sunod ang holidays sa linggong yun hanggang new year? Syempre parating pipiliin ay yung gustong makalimot sa problema na movies, pang pamilya at nakakatawa, for pure entertainment only ika nga, di mo na kailangan masyadong mag isip, they should change the month, sinubukan naman nila di ba, mga two years ago? Anyare? Ayun, lugi ang producers, walang masama sa dekalidad etc. Mas maganda naman talaga iyon, yung timing ang problema, if ilalagay mo sa holiday na gusto nang mas nakakarami ay maging masaya feel good at enjoy, kasama pa ang buong pamilya, malamang, parating talo ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman kasing kahit comedy eh ginamitan ng malupit na artistic input. Dagdag effort pa sana tutal naman alam nilang kikita sila.

      Delete
    2. It doesn't matter kung may artisitc input man yan or wala, 2:43 am hanggat kinakagat yan nang masa taon taon. Kiliti ang masa ang habol dyan lalo na sa panahon na yan. May umeffort naman sa artistic input dati, anyare?

      Delete
    3. 2:43 kids ang market ng mga comfey films, ang story dapag madaling igrasp lalo ng jga bata, hindi yung pagiisipin mo pa sila. There are good comedy films pa din nmn na hndi pang bata, mostylt nga lang hollywood films.

      Delete
  10. bakit hindi nyo unahin na ipalabas yung mga mainstream na movies then mga serious movies ibang araw naman. Hindi kailangan pagsabay sabayin kung pwede lang.

    ReplyDelete
  11. Nakuu tumigil na sa quality. Sa ordinary days na lang yan isiksik. Ginawa yan pero nilangaw kasi lalim ng mga tema eh paskong pasko. Gusto namin masaya lang kahit mababaw

    ReplyDelete
  12. So gusto nyo noorin namin movie ni Matti noon na paninira sa mga Katoliko eh paskong pasko???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para magising ka sa katotohanan.

      Delete
  13. Wag na lang sila sumali pa sa mmff tutal manalo man sila ng award, talo pa rin sila. Di na sila makabawi sa nagastos sa paggawa ng pelikula, di pa nila mapakita ang mga ito sa publiko. Leksyon sya sa mga organizers. Kung taon-taon alam nilang tatanggalin lang din sila sa mga sinehan at pumapayag naman sila sa kalakaran, walang point na magreklamo pa sila.

    ReplyDelete
  14. Hindi naman kasi mapipilit mga tao na panoorin mga ganitong pelikula lalo na pasko, dapat masaya.

    ReplyDelete
  15. aww terror director yan yung mga walang alam kayo ang manahimik..hi po direk joel

    ReplyDelete
  16. Sana magrequire ang MMFF at least one week screening for each movie then pag di malakas ang iba, they can pull them out after a week.

    ReplyDelete
  17. The purpose of the MMFF is to make as much money as they can. Gone are the days of quality films! As long as Vice and Coco keep making movies, their movies will always be the top grossers.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True these past 5-10 years it’s Vice, Vic, and Coco who are the kings and queen of the MMFF.

      Delete
  18. Lagay nalang sa netflix yan. Ung bus bust sa netflix ko pinanood.

    ReplyDelete
  19. Kaya nga tinawag na show BUSINESS. Masakit man pero pipiliin ng mga sinehan ipalabas kung saan mas malaki ang profit nila, sad but it’s true.

    ReplyDelete
  20. Kailangan kumita ng sinehan and mostly pangbata at pamilya Ang nanonood. Hindi na Lang dapat sumabay sa MMFF

    ReplyDelete
  21. yung mmff, reflection ng society natin. yung low quality films na sa totoo lang e dapat nakakainsulto na sa katalinuhan ng isang tao, un ung tinatangkilik. tignan nyo sa politics, yung binoboto, ung mga politikong nakakainsulto sa katalinuhan ng isang tao.

    ReplyDelete
  22. Ewan ko lang, all I know is that pinas movies are really bad, horrible in fact.

    ReplyDelete
  23. Sa pagkakaintindi ko, itong MMFF ay nandyan para tulungan ang mga nasa movie industry. Pero sa ginagawa nila, binubuhay ang ilan at pinapatay ang nakararami.Hindi ba pwedeng paikutin ang lahat ng pelikula sa mga sinehan for certain number of days? Bakit kailangang may MMFF pa kung "business is business" lang naman pala?

    ReplyDelete
  24. Hati ako dito. While it is great na may mga qualitiy movies, at the end of the day, gumagastos ang theater owners ng kuryente sa pagpapalabas ng movies so hindi mo rin sila masisisi kung ipalabas yung alam nilang kikita sila. Madaling magsabi na dapat ganito ganyan pero hindi tayo ang namumuhunan. Walang negosyante ang gustong malugi. I suggest na i open na lang din ang online streaming, with pay of course, during mmff para wala man sa sine, mapanood pa rin ang ibang movies.

    ReplyDelete