Ambient Masthead tags

Tuesday, January 1, 2019

FB Scoop: Ogie Diaz Proposes Ticket Pricing Scheme for MMFF



Images courtesy of Facebook: Ogie Diaz

120 comments:

  1. Mahina nga ngayon,malakas ang fantastica pero mas malakas ang revengers last year, mukhang di masusungkit ni vice ang phenomenal star this year.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True, hindi malalagpasan yung TRS gross, tsk

      Delete
    2. Unfair nga naman sa mga maliliit na movie producers na mahina na nga ang kita sa first day eh babawasan pa ang sinehan nila.

      Delete
    3. Pwede yung suggestion niya sa cable pay per view kasi kahit me coupons ka e hindi mo naman din yun mapapanuod lahat sa isang araw so babalik ka pa din at ganun pa din ang sumatotal sa pamasahe at pagkain bale yun yung nadiscount mo ginastos mo din. At least kung sa cable e kahit anong araw mo panoorin

      Delete
    4. nawala na ung panahon ng Jose Rizal, Muro Ami wla ng quality movies.. un ung mga tym na buong tropa nmin nkapila sa mga sinehan

      Delete
    5. Nagsawa na ang mga tao na payamanin ang ABSCBN, VIVA at si Vice hehe. Simple lang naman yan. Ibalik niyo sa 50 ang bayad sa sine, pwedeng ulit ulitin at magsingit pa ng double picture. Pramis dudumugin kayo. Greed kasi nangyari kaya ayan nilalangaw ang mga sine. Sad di ba.

      Delete
    6. Papano naman ang sexy ni Queen Karla dun sa suot niyang costume na tight body hug talaga.

      Delete
    7. Parang perya talaga Isang tiket pwede sa lahat ng rides!

      Delete
    8. ipagawa niyo kayang film review yan sa mga estudyante para naman hindi masayang ang mga pelikulang may kabuluhan. Yung mga nasa tamang edad na mga mag aaral.

      Delete
    9. Cable pay per view is risky especially now nalakadali nalang irecord ang movie then what after someone recorded it andnuploaded it on social media who would bother to pay and watch it on pay per view?

      Tama lang ang babaan ang ticket this to encourage movie goers.

      Delete
    10. Anon 3:51, nuong High School ako required na panoorin namin ang Himala, Burlesk Queen, Moral, at iba pa. Then gagawa kami ng reaction paper sa ginawa naming

      Delete
  2. It had me at the last line 😂

    ReplyDelete
  3. Totoo yan! Ako nga sa KBO na lang mag aabang, nada bahay ka lang habang kumportableng nanonood kasama mo pa buong pamilya mo. Hussle free pa dahil hindi ka matatraffic, less gastos din.

    ReplyDelete
  4. Kinuha ng fantastica ang majority ng mga sinehan

    ReplyDelete
  5. ang tanong may bibili ba ng 1500 na ticket.. ung 110 nga hirap ibenta kamo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung Sino lang Siguro ang makaka afford to buy 1500 Kung is ang movie lang talaga ang papanoorin mo I’m sure pwede rin yata bumili ng single ticket

      Delete
    2. Tama. Sa mga ordinaryong tao na galing pa sa mga pinamaskuhan nila ung pampanood ng sine, di kaya o gugustuhin ng masa na maglabas ng 1500. Ung gumastos ka para sa sine sa mga masa e maituturing na “luho” o “kapricho”. Aminin man o hinde, masa ang target audience nila. Maganda ung suggestion nya pero di akma sa nakararami.

      Delete
    3. pwede yan , mga season tickets. Yung mga ibang die hard fans na gusto nilang umangat ang kani kanilang mga artistang sinusuportahan.Dyan na talaga magkakaalamanan.

      Delete
    4. kung sisimulan nila yan or i-announce ng maaga, baka magsimula din pag ipunan agad ng mga movie goers di ba? mura na yun 1500 for 8 movies

      Delete
    5. panung mura almost 200 pesos na rin siya per ticket.

      Delete
  6. Bumawi ngayon si bossing. Mas malakas ang jep

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fantastica,samahan pa ng di mabilang na pablockscreenings ng mga love teams esp Maywards

      Delete
    2. #1 sa ranking ang Fantastica baks whether you like it or not! Malakas pa din talaga si Vice kahit puchu puchu ang movie nya

      Delete
    3. palamuti lang ang mga LTs kuno 12:45 si Vice lang ang talagang punterya ng fans.

      Delete
    4. Sus, puros flop yang mayward mo. Basta Vice patok yan pwera this year. Baka yang mga lt pa yan ang jinx kay Vice.

      Delete
    5. Di malayo kinita ng fanatastica at jep, considering mas marami ang theater ng fantastica.

      Delete
    6. 330 cinemas sa fantastica, jep 200+ lang

      Delete
  7. Natawa ako sa Barbie at Jak. Hahahah. Kalokah. May point naman si mamshie Ogie D. Sana mabasa to ng MMFF committee.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko rin yang proposal ni Mareng Ogs..Para hindi rin mag away-away ang mga fans

      Delete
    2. true, malaking tulong yan sa mga film makers na lahat ng mga pelikula nila pwedeng maipalabas in all the theaters. Ilalapit mo sa masa ang ibat ibang uri ng pelikula.

      Delete
    3. In fairness kay Mama Ogz ha. Nakakatuwa na ang naisip niyang paraan would actually lift the chances of 'smaller' movies/productions to get a chance to be seen and appreciated by moviegoers.

      Delete
  8. I like the idea. In that way, may panahong mag-ipon ang tao.

    ReplyDelete
  9. Or gumawa na din sila ng app ala hooq na dun nalang babayaran ng manonood yung gusto nila panoorin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo true din ito para yung gusto lang ng ganung uri ng palabas ang mag subscribe. Lets say ayaw mo ng mga LT, doon ka sa specific channel manood.

      Delete
  10. Fantastica at JEP na lang naglalaban sa box office,yung iba lapit na matsugi

    ReplyDelete
  11. Gusto ko yan. Tinaguriang "film festival" pero every year isa o dalawang film outfits lang ang nakikinabang.

    ReplyDelete
  12. 2016 MMFF line up can't relate! Pag maganda ang pelikula, tatangkilikin yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magresearch ka nga yun ang pinakamababang gross ng MMFF that is why they return these low quality films again.

      Delete
  13. wala bibili ng 1500 ticket para sa 8 movie. karamihan ng tao hindi naman gusto ang ibang pelikula.

    at lalo hindi yan win win sa both side dahil lugi agad ang bibili kapag hindi nagamit. panlalamang sa kapwa po iyan. mas malaki chance na hindi mapapanood lahat yan kesa sa makumpleto unless tradition na sa tao kumpletuhin ang pelikula sa mmff.

    hayaan nyo mamili ng gusto panooding ang mga tao. ang pinaka problema dito ay mga sinehan. para sa kanila mas mahalaga ang business kung wala nanonood ng isang pelikula at isa ay madami so anu magagawa? ito dapat nyo pagtrabahuhan maigi! IMO parang wala din dating ang ibang pelikula kaya hindi ganun kapatok aside from fantastica at kila bossing na obviously may kanya kanya silang show na pede maipromote, hindi din ganun kaingay ang ibang pelikula.


    panghuli. ok na sana suggestion mo bakit kelangan idamay ang dalawa wala naman kinalaman for what to prove your point? eh ah nilalaman lang naman ng post mo eh gusto mo kumita lahat kesehodang panget ang pelikula.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang butthurt mo naman kila Barbie at Jack. Hahah. May point si Ogie.

      Delete
    2. Haba ng kinuda mo gusto mo lang pala ipagtanggol si Barbie at Jak hahahaha!

      Delete
    3. I think ang target naman nung sinasabi niyang 1500 for 8 movies is yung mga gustong mapanood lahat ng entries tulad ko. But if that’s not you then hindi ka naman required na bumili non. Pwede ka pa rin naman bumili ng per ticket.

      But if I may suggest, the MMFF should talk to mall owners na maging fair during this time. Na ipalabas sana lahat ng entries. Ngayon, kung hindi kumita after a week ang isang movie, tsaka na lang palitan ng mas kumikita na movie. Para at least may chance. Hindi yung first day last day.

      Delete
  14. I agree with OD! Kung ako nasa Pinas & earning a minimum wage, uunahin ko pa ba ang sine? Di ba pagkain ang uunahin mo. Especially new year na, ayaw na gumastos ng tao.

    ReplyDelete
  15. Pwede mo nga panuorin lahat, pero hindi naman lahat ng pelikula ay kayang ipalabas at gustong ipalabas ng mga malls na may sinehan. Nalimutan ni Ogie iconsider yung mga mall owners na gusto ring kumita.

    ReplyDelete
  16. Win-win proposal mama ogs. Sana nga makinig ang mga theater owners .

    ReplyDelete
  17. Ako ayaw ko na nonood sa sinehan. Mas maganda kung lagay na Lang sa Netflix

    ReplyDelete
    Replies
    1. FYI, walang garbage sa Netflix. Mga tipong Birdshot ang bibilhin nila. In other words, only quality films.

      Delete
    2. 8:02 AM - sure ka na sa sinasabi mo? Try mo mag-scroll minsan may makikita ka na pelikula ni Vice Ganda. Hilig mo sa quality wala naman sustansya sinasabi mo. Char. Haha.

      Delete
    3. Dami ding basura sa netflix oy. 🙄

      Delete
    4. 8:02 alam mo ba kung bakit kay naka-cancel na show sa netflix? Either mahina sa viewers or mababa ang rview, or basura din kung ano ang definition mo ng basura. You’re welcome!

      Delete
  18. ako nga huli sine ko last year pa. hollywood film pa yun dahil napilitan ako because of my inaanak. lol yung gusto ko panoorin noon sa sine nasa netflix na. maybe siguro kaya konti manood din ng mmf isa din wala na interes mga tao? they find it boring instead of watching a movie on christmas day pangkain na lang with family sama sama pa sila... hinde naman lahat sa isang family gusto manood ng sine sayang bayad if not interested diba? . wala lang.

    ReplyDelete
  19. Grabe kawawa naman sila Toni and Alex parang di nababanggit ang movie?

    ReplyDelete
  20. may point si Mama Ogie, dahil yung mga ibang die hard fans na mga "Professionals" kuno, I'm pretty sure na may pambayad ng 1 booklet, or 1500pesos.

    ReplyDelete
  21. Or maybe kaya kaya ayaw na manonood ng tao dahil sa tingin nila hindi sulit ung pera na ibabayad nila. Mahirap ang buhay at gastosin pero pag maganda naman ung movie at may quality talagang willing magbayad ang tao. Instead na mag isip about sa ticket at price baka ang problem is sa quality ng movie na pinapalabas. Paulit ulit nalang mga mmff walang bago at pagbabago.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If they cheapen the price, they will come. Vice fans don't care much about quality.

      Delete
  22. Kunwari bumili ako ng 1500 booklet.. 8 movies nga... San naman ako manonood ng movies e tulad nito sa city namin 2 movies lng laman ng mall namin?.. So decking ang movies to be watched?.. Thats the unforseen prob sa panukalang ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ogie forgot about that part. Yung situation ng mga citizens is not his priority. He was only thinking about the solution to this unforeseen disaster to their industry. The heck with the people. Buy the freaking booklet. Problema nyo na yang mga sinehan

      Delete
  23. Naaaah mahal at madaming below average sa pilipinas di na mag aaksaya para sa ganyang halaga tbh

    ReplyDelete
  24. Naniniwala pa rin kasi ako sa kasabihan na you should get your money’s worth. Sa mga sinehan ngayon, 280 ang alam kong pinakamababa tapos manunuod ka nung fantastica, jack en popoy na ubod ng corny at nakakatawa ang effects versus sa manunuod ka kunwari ng hows of us which has a very good storyline or hollywood movie like avengers. Siyempre dun ka sa kalidad na sulit!

    ReplyDelete
  25. Hindi rin siguro ako bibili kasi namamahalan na nga ako sa 250-480 then syempre isasama ko buong pamilya. Ilang 1500 yun? Isa pa, ubos ang oras mo kung papanoorin mo lahat. Xmas season ito madami kang lakad at parties na pupuntahan

    ReplyDelete
  26. Ang mahal kasi ng talent fee ng mga artista kaya mahal din ang singil ng sine. Ang hirap sa mga fans, they make their idols even more wealthier pero ni hindi naman sila tinutungan sa everyday hirap sa pera nila. Hwag kayo makinig sa hype, unahin ang priorities- food, schooling and everyday need ng family. Ang mga artista , mayaman na yan. Kayo mahirap pa rin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun na nga, daming mahihirap sa Pinas kaya maraming nag.aartista kasi malaki ang kita. Yung tipong mahihirap ang fans pero gagastos para sa isang artista na nka Gucci nat lahat pero ang inoofer na mga movies at teleserye ay basura.

      Delete
  27. Wag na kasi mag MMFF, buwagin na. Ibang money making scheme na lang.

    ReplyDelete
  28. Hahahahaha...better yet, don’t bother watching pinoy movies. They are so bad anyway. Don’t waste your money.

    ReplyDelete
  29. Yuck, huwag na lang.

    ReplyDelete
  30. ano din kaya kung i require ng mga professors sa college lalo na yung mga kumukuha ng mascom na kailangan mag film review ang mga estudyante ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, gawing homework yan. Bilang tulong sa MMFF.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kawawa naman mga magulang sa panukala ninyo. Hirap na nga sa pabaon at pamasahe, pagagastusin ninyo pa hindi pa kasama ang mga projects at iba pa eh wala naman silang trabaho. Bakit kailangang ipilit ang panonood ng filmfest? Paano yung hindi mahilig manood ng sine? At sino bang payayamanin natin? Mga artista at producer. Basic commodities po priority namin. Sorry, hindi sine.

      Delete
    2. Yung mga kurso film, mascom kailangan nila yan teh.Movie review

      Delete
  31. Korek. Di naman posible sa manila traffic na araw araw nasa mall ka para manood ng walong movies. Araw araw din pamasahe gastos sa food and commute or gasolina. Ang mahal ng 1500, di gagastos mga tao sa ganyan, tapos good for one person lang. May nanonood bang mag isa ng sine ngaun. Saka pano ung mga minors? Ilang movies lang ang pwede nilang panoorin. Ang soulsyon jan, magpagandahan sila ng gawa ng pelikula. Make it a challenge. Kung maganda pelikula mo by wor of mouth kikita yan katulad ng kita kita. Kung pangit, eh di hindi. Kung di rin masyadong appealing sa nakkarami ung theme ng movie mo kahit award winning pa yan, eh sorry na lang. Kaya nga may free will ang tao. Tutal pera nila yan, wag mamilit kung di nila type ang movie. Wag sasama ang loob katulad ni matti. Eh sa ganung tao ang mahilig sa movies eh. Ung mga genius wala sa sinehan. Nasa library tuwing film fest.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nanonood po ako ng sine mag-isa pero hollywood movies :)

      Delete
  32. Sa quality ng 8 movies na meron tayo ngayong MMFF, hindi ko sasayangin ang hard earned sweldo/bonus ko para magbayad ng Php1500. Saka ilang oras ang gugugulin mo sa sinehan para mapanood yun lahat? If ayaw mo panoorin, yeah pwede ipamogay. Pero IMO, let's be real, hindi sila worth it pagkagastusan. Peace!

    ReplyDelete
  33. Mahal nmn. 500 cguro pwede pa in order to watch all entries which is good for 2-3 days kasi for sure d nmn kaya panuorin lhat ng isang araw.

    ReplyDelete
  34. Ano ang kinalaman ni barbie corteza at boypren nya sa post na ito

    ReplyDelete
  35. Eh sino ba naman ang manonood ng 8 na walang kwentang movie na yan. Isa lang nga, nakukunsumi ka pa paglabas mo sa sinehan kasi ang pangit ng pelikula, walo pa kaya?

    ReplyDelete
  36. Ang mabut pa tigilan na ng MMFF ang pagpalanggap na legit film fest sya. Gawin nalang Christmas pampamilya movie week, limit it to 4 films na same formula as Vice’s and Vic’s dahil ang reasoning naman kung bakit ito ang mga kumikita sa takilya ay:

    1. Pasko so ayaw ng drama, mahirap na nga ang buhay, gusto lang maging masaya sa pinapanood, para relax lang at tumatawa.

    2. Ang laki ng gastos sa pag nood ng sine dahil usually hatak ang buong pamilya. Wala nang pang nood ng 2nd or 3rd movie kasi nga kung 10 ba naman kayong manonood na gastos ng 1 tao, ubos pera.

    3. Yung mga mas may quality films like Aurora and Rainbow’s Sunset ay ipalabas sa regular sked or Cinemalaya. Wag itapat sa Hollywood blockbuster/Marvel movie para walang foreign competition. Pag maganda, kikita, just like what happened to Heneral Luna. Hindi rin naman masa talaga ang nanonood nitong mga pelikulang ito pag MMFF.

    4. Ibigay na sa masa ang Christmas film week. Middle class naman usually may iflix or Netflix na pwede mag entertain sa inyo during holiday season. Netflix palang sobrang dami nang options.

    ReplyDelete
  37. I don’t agree with this. Sa tingin ko mas malulugi sila kasi ang mga tao sa halip na patulan yung 1500 eh mas gugustuhin na lang nilang wag na manood, kasi let’s face it, hindi naman lahat ng movies angkop sa panlasa ng manonood. Kaya nga tayo may choices eh.

    ReplyDelete
  38. What a dumb idea. Ikaw ba Ogie Diaz may time manood ng walong pelikula? Tsaka unfair sa big budgeted films kung ganun kasi ang purpose is kumita ng malaki. Magiging pantay pantay lang earnings ng mga movies, so lalong hindi mamomotivate mga producer na gumawa ng magandang movies kasi kikita pa din nman khit less effort sila.

    ReplyDelete
  39. Kahit may pambili ako ng movie booklet, kung wala naman akong time manood dahil may work balewala din kaya dun na lang ako sa single ticket.

    ReplyDelete
  40. Mama Ogs, sa panahon ngayon yung 1,500 pesos malaking dagdag sa ipon, punta na lang kami sa park, dala ng foods at drinks at magbonding hanggang umagahin.

    ReplyDelete
  41. Minsan ang tanga lang din ng ibang commenters, malamang may single ticket pa din. Parang yung 1500, option lang na watch all you can sa sinehan. Ganern.
    Kala mo na naagrabyado. It's a way to give chance also to the other entries na nagpagod at gumastos sa movie nila tapos isa o dalawang araw lang pull out na. Para every year maencourage din sila gumawa ng quality movies na maipagmamalaki. Hindi ganyan na parang hindi film fest ang nangyayari at matira matibay lang sa sinehan dapat sabay sabay mag open at mag closing. Kasi diba ano bang essence ng film fest? Diba to showcase what the the entertainment industry has to give.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not what they can give ate girl. A film best is to show to the world, the best of the best. Wag kang half truth.
      Nahiya naman ang Cannes, Venice film fest, Tribeca at Sundance sa iyo.

      Delete
  42. Hindi lang naman sa Pinas nangyayari yan. The last time we watched a movie eh almost a year ago. Nanghihinayang ako sa bayad. Tatlo kami, sa movie ticket pa lang $36-45 na. So naghihintay na lang kami sa red box or HBO, Netflix or Hulu.

    ReplyDelete
  43. Ikaw na nagsabi Ogie, walang kwenta ang mga pelikula sa MMFF tapos paggagastusin mo ng Php1500? Paano mo kukumbinsihin mamang kung low quality ang pelikula? Sinong gaganayan nyan? Where's the logic?

    ReplyDelete
  44. Naku di papayag ang MZET at Star Cinema diyan. Parehong ganid.

    ReplyDelete
  45. You can buy last month’s movies now through Youtube Movies for only 90-200 pesos in HD. Inside the convenience of your home, for both international and local movies.

    So why waste your time going to the cinemas?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa netflix nga 550 for a month ang premium madami ka na mapapanood na quality films and series.

      Delete
  46. Mabuti pa tanggalin na lang yang mmff

    ReplyDelete
  47. Winner ang fantastica

    ReplyDelete
  48. This will not work. Una, businesses pa din ang mga yan. Kaya nga lahat nagkandarapa masali sa film fest kasi sure na Kikita. Kahit yang maliliit na film outfits gusto kumita kaya nga gusto sumali sa film fest.

    Ang problema kasi hindi ang pelikula, kundi ang Manonood. Hindi pa din sila marunong pumili ng maganda at dekalidad na palabas. Ang gusto nila tumawa lang. pera nila yan. Hayaan nyong gastusin nila ang pera sa gusto nilang palabas, basura man o hindi.

    Dapat ata manawagan kayo sa mga film outfits. Gumawa ng magandang palabas. Na kung sa tingin nila magnda ang pelikula nila, bat kelangan nila sumabay sa film fest? And rrend ngayon, kikita ang pelikula basta mapagusapan sa fb. So kelangan lang maganda ang pelikula.

    Manawagan sa namamahala ng mmff. Bakit ba nakakpasok ang pangit na pelikula. Nakakatawa ang goal na 1billion revenues, pero ano ba ang objective ng mmff. Aligned pa ba ang goal nila sa objective nila. Im assuming ang objective nila ay to celebrate culture and arts blah blah. So naliligawa sila sa objective nila kung ang goal ay to reach 1b.

    Sorry to compare, sa ibang bansa kahit anong lali ng film outfit, may independent critics na magsasabi na pangit ang pelikula. and sa kanila, di talaga bumebenta ang basurang pelikula kahot sikat pang artista yan. Dito, sino ba ang independent and credible. No one dares to say it. Tapos mga columnist, kung sino napamaskuhan un ang isusulat nilang article.

    Ibang uspan din na viewers do not subscribe to critiques. Kasi nga habol nila artista, idols nila. Maganda o hindi panonoorin nila.

    So it really boils down to viewers and mmda. Mmda, hainan mo ng magandang at dekalidad na pelikula ang manonood. Just like may isang taon na halos lahat indie films. Totoo, di nila naabot ang target sales. But the fact is, maganda ang mga palabas.

    Kung purp ganyan ang pelikula, matututo ang audience to know what movies are good, are great and what not.

    Sa mga nagsasabing film outfits na maganda ang pelikula nila. Wag na kayo sumali sa film fest. Mas nakaawa kayo na namamlimos kayo ng theater. Alam nyo na naman ang kalakaran, ipipilit nyo pa. Choose from other playdates. Ung walang katapat. Kasi it proves that youre bankiing also on the festival and not on the quality of the film youre claiming your movie has. Proven na kapag maganda yan, kikita yan.

    ReplyDelete
  49. Kinabahan ba kayo ng todo todo? Counted your chicks before they were hatched?

    ReplyDelete
  50. Kape na kasi uso ngayon. Pupunuin na lang ang sticker sa sb para magkaplanner n di naman gagamitin. Lol

    ReplyDelete
  51. I pay perview nyo o kaya pasok nyo sa netflix para kumita kayo. Be innovative.

    ReplyDelete
  52. Ang dali lang naman ng solusyon sa problema. Make a good movie and people will watch it. Ung mga movies ngayon di na pinag iisipan at walang story. 😱😱😱😱

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kelan ba kumita ang quality movie? Yung best picture na rainbow’s sunset nga eh waley. Kumita ang Fantastica so ibig sabihin quality movie sya ganern?

      Delete
    2. @5:52, not sure kung alam mo ang salitang good movie at kumitang movie. di sila mag kapatid 😂😂😂. simple thinking lang kahit paminsan minsan. it doesn't hurt 👍👍👍

      Delete
    3. nakow, baguhan ka ba sa pelikula 9:33, napakadaming magandang quality films ang philippines, ang tanong pinanood ba sa sine?

      Delete
    4. @7:20, please do share ang quality films of 2018 😂😂😂. mayroon ba?

      Delete
  53. Gawin nalang nilang 100 per movie ang presyuhan. 800 pesos hindi ganoon kasakit sa bulsa then divide mo sa walong movies. O kaya may choice na pumili ng 450 for 4 movies then 800 para sa lahat. Sobrang mahal ng 1500 wala ng manonood lalo na buong pamilya ang isasama.

    ReplyDelete
  54. Birdbox kasi trending ngayon tas pwede lang sa bahay panuorin, less hassle talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. o yes tama ka lalo na at may Oled tv ka gaya ko, bakit pako lalabas para manood ng karamihan ay basurang MMFF?

      Delete
  55. OA naman kasi ang pricing ng ticket ng movies sa MMFF, akala nila same level ng foreign/Hollywood movies sa script, effects and quality e hindi naman.

    ReplyDelete
  56. Ang solusyon dito para sa mga producers kung sa tingin nila eh quality ang pelikula nila, huwag sila sumali sa MMFF. Gawin nilang regular run at i-promote nang maayos. Mas may chance sila na kumita ang pelikula. Sa mga big stars naman at producers, kung nakasali na pelikula nila during the year's MMFF huwag na pasalihin sa susunod na MMFF para may chance naman ibang mga artista o producers. Eh every year same artista at producers, parang sila lang may karapatan na kumita at yumaman. Saka after MMFF, ano ba mga publicity reports at news tungkol sa MMFF organizing committee at saan napupunta ang kinita ng MMFF?

    ReplyDelete
  57. Nakikisabay naman kc presyo ng pinoy sa intl. wala naman quality mga movies natin! Puro drama at tawa lang.. amnesia haha wala ng bago

    ReplyDelete
  58. kung ganyan din lang na 2 or 3 lang ang matitino na mmff movie and the rest ay Basura, bakit pa ako bibili ng booklet? Bottomline is grabe na ang taas ng admission tickets sana hinay hinay lang.

    ReplyDelete
  59. Lalo kong na mimiss ang MMFF of yesteryears. Kalunos lunos ang quality kumpara sa pelikula ng MMFF movies dati to name a few Himala, Bona, Minsay Isang Gamu Gamo, Brutal, Kisapmata, Karnal, Karma, Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon, Bulaklak sa City Jail. Nakakaiyak ang estado ng pinoy movie industry.

    ReplyDelete
    Replies
    1. aminin natin, ang kalakarang ng movies ngayun is not about the quality, its all about revenues. kesehodang chararat ang istorya, basta hakot sa fans ang cast. keribels na.

      Delete
  60. conservative approach ang suggestion ni ogie, favorable s mga producers, artista and entertainment people, gusto nya masafety lahat ng mmff movies para walang kulelat sa profit, kaso karamihan s mmff no good, no match, no plausible plot, bad acting. Di sulit ang perang pinaghirapan ng mga manonood.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i think dapat ang approach ni manay OD, is dapat quality films ang mga entries. wag pucho pucho.

      Delete
  61. Invest on a good big screen tv preferably oled tv then mag netflix ka, sure ako di mo na papangarapin p manood ng sine lalo na at puro Basura ang nakahain sayo

    ReplyDelete
  62. korak ka bes tarush mo teh nka OLED ka n pala, ang kaya ko lang 55inch na 4K tv. pero true, magsasawa ka sa quality films sa Netflix, makakalimutan mo ang sine

    ReplyDelete
  63. difference between watching movies in cinema and in tv:
    1. sa tv pede mong i-pause
    2. sa sine mahirap umihi pag maganda ang eksena
    3. sa sine bawal kumain ng kanin
    3. sa tv pede kang magcomment habang nanonood
    4. sa sine, ang mahal
    5. sa tv, mas mura di hamak
    6. sa sine may bayad per head.
    7. sa tv, kahit isang baranggay kayo sa kwarto mo manood, walang extrang pay
    8. sa sine, malaki ang screen
    9. sa tv, ilapit mo lang mukha mo sa screen lalaki din ang size nito. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. baliw ahahahaha natawa ako sa no. 9

      Delete
  64. ang hindi nabanggit ni OD, kung bakit bumaba ang sales ang MMFF, is nagiging matalino na ang mga tao lalo na ngyun. sine is luho, its not necessity, natural ang mga tao uunahin muna ang pamilya bago yan. sa bangketa nga 50 pesos mo buong MMFF na eh, bakit ako gagastos ng 1500. pag sa bangketa ba ko bumili, maiiba ba ang istorya? haha

    ReplyDelete

  65. Nakikisabay naman kc presyo ng pinoy sa intl. wala naman quality mga movies natin! Puro drama at tawa lang.. amnesia haha wala ng bagong plot. Dont waste your money. Ikain muna lang. i remember last na mmff nanood kami ng family ko is tanging ina last part ata. After the movie mapapamura talaga ako sa mahal na nga wala pang kwenta kaya never na kami nanood ng mmff talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. As what you've mentioned your last pinoy movie is tanging ina which dates waaay waaay back. Pinoy movies have changed since then. Do yourself a favor and try watching pinoy movies other than those whose market is for the general crowd and you'll realize how authentic, relevant and with quality pinoy movies are. Let's not discriminate our own talents and abilities. After all, not all international films are good either.

      Delete
  66. TAMA, KAHIT AKO NAGULAT NA 300 PLUS NA ANG SINE, KAHIT MAG BAKASYON AKO SA PINAS D AKO MANLILIBRE NG TIG 300 NA SINE.KNG 10 CLA JUICECOLRED. WAIT KO N LNG ILANG BUWAN. KAYA PLA YON IBA TYAGA SA PIRATED. KNG SA BAGAY DITO 10-15$ X 50PESOS GANUN NGA DIN.KAYA FOR 6 YRS DITO SA TATE LESS THAN 10X LNG AKO NAKAKANOOD SA PAGUD KC NEED KUMAYUD.

    ReplyDelete
    Replies
    1. daming hanash ni ate sa simpleng panunod ng sine. pati pagod at pagkayod naihanash din. Balik ka n lng kaya ng pinas teh para makanuod ka naman ng sine hindi ung kayod marino ka sa tate.

      Delete
  67. infairness may point naman para hindi na iiyak ung mga flop na quality films kuno. kaso may survey ba kung ilang sa mga movie goers ang nanonood ng 3 or more movies every mmff? yes 3 lang kasi super discount na ung 1500 for 8 kaya if ako gagastos ng 900 para sa 3 eh pwede nko magdagdag 600 para mapanood lahat ng entry.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...