Wednesday, July 11, 2018

Raffy Tulfo Talks to Parent of Boy Left in Car and DSWD Representative

Video courtesy of YouTube: Raffy Tulfo in Action

130 comments:

  1. Kahit ano pang rason mong babae ka mali ka pa rin at dapat may aksyon kagad ang dswd hindi yung iimbestigahan pa eh kitang kita naman sa video na neglect/child abuse yung nangyari. Siguro madalas gawin yan nung nanay malas niya lang na videohan ang kapabayaan niya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga Pinoy daming "Expert" at "Super Concerned" talaga pagdating sa keyboard/pad! Pag me mga ganitong issues regarding sa paggawa ng kabutihan at tama! Nababasa ko parati mga tapang nila at eagerness sa pagtulong sa mga comments sa facebook.....Like 4 example me inagrabyadong lola, Lahat gusto ipagtanggol kung andun lang daw sila e babangasin daw nila mukha nung nanakit. Ganun din pag me video ng nakawan, wag lang daw matyempuhang magkrus landas nila nung gumawa ng masama at me paglalagyan daw. Nagtataka ako bakit hindi nagpulis o tanod o security guard o bodyguard kaya yung mga Brave Keyboard/pad Warriors na mga yun?

      Delete
    2. 1:07 it’s human nature for people, whatever nationality, to react like this. Normal ang magalit sa mga sitwasyon na ganito.

      Delete
    3. Grabe naman ung nanay sobrang taliwas ang katwiran. Yung 6 yr old na anak kakain pa lang at 4am! ano yun dinner?? Wag naman ganun ate ikaw pa galit at di ka kamo kinausap nung nagvideo, e baka nasapak ka lang nun dahil yun din gagawin ko kung ako yun nakakakita sa anak mong nakulong sa kotse

      Delete
    4. 1:07 what's the problem with being super concerned? anong gusto mo, walang pake yung mga tao? kanya kanya na lang, ganern?

      Delete
    5. @ 1:07
      You must have no emotions to begin with since you mentioned that you're wondering why the uproar of some netizens whenever such things happen. Plain natural reaction.
      After all, we are all just human.

      Delete
    6. 1:7 i'm curious kung anong masasabi mo tungkol sa case na ito

      Delete
    7. @1:07am, this is alarming. I think you get what I mean. Hindi dahil feeling expert kami but this is a life of a baby in danger! It’s a normal reaction to get mad if you see what that mother did to her son. Nakakaloka ka na ang pjnapansin mo dito ay ang reaksyon ng netizens!

      Delete
    8. @1:07 I'm wondering, anong klaseng tao ka?

      Delete
    9. 1:07 it's called compassion which you don't seem to have

      Delete
    10. 1:07 tumpak and take note at the end of the day eh wala namang naitulong ung pagmamatapang nila. hahaha... bigla bigla mga action star eh kala mo naman eh kahagaling talaga makipagdigmaan. meron nga ako nabasa sa fb nagmamatapang tapos hinamon ning binabash aun ayaw naman makipagkita hahaha...

      Delete
    11. @12:11 aka 1:07, I don’t know where you get that. Eh by the way you write, it seems like gawain mo yan. Parang action star at nagtatapang tapangan. Lol 😂

      Delete
    12. Mabuti pa pag ibang bansa agad agad tumatawag ng 911 kahit na ung pusa na istak sa kotse. Eh satin hayaan mo na yan. Hospitable ang pinoy pero medyo alangan sa concern.

      Delete
    13. Ang pinoy maryosep kapag mahina ang batas sa pinas nanggagalaiti. Kapag naransan ang punatutupad na batas sobrang galit. Abuse agad .

      Delete
    14. dito sa japan yearly daming namamatay na bata kc iniiwan ng parents sa kotse. sana nga maraming concern citizens na katulad nyan kc d2 walang pakialamanan tlga.

      Delete
  2. Parang totoo naman ung sinabi ng nanay na story. Na exaggerate lang talaga ng netizen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. But the point is iniwan niya ang 1 year old niyang anak sa loob ng sasakyan mag isa. It's not acceptable.

      Delete
    2. Di mo ba nagets yung point? Di dapat iniiwan at all times ang ganyan kaliit na bata. Isa ka rin.

      Delete
    3. The guard said he had to call her TWICE to get her child. Meaning, tinawag na sya nung una pero she still decided to leave her child in the car until another person noticed the kid. I dont think thats exaggerated.

      Delete
    4. Kahit totoo, NEVER LEAVE A CHILD IN THE CAR! MABUTI NANG EXAJ SI NETIZEN TULAD NG POST KO PARA MAPANSIN NG MGA IRRESPONSABLENG TULAD MO.

      Delete
    5. Parang hindi totoo dahil hindi yan yung first reason nya kung bat nya iniwan yun baby nung sa statement nya

      Delete
    6. Totoo man o hinde, bottom line is NEVER LEAVE YOUR KID ALONE IN A CAR.

      Delete
    7. I think the part where the netizen assumed they were out partying was exaggerated.

      Delete
    8. Kumain lang - pwede naman dalhin ang bata, lalo na’t restaurant naman, she doesn’t have to leave the table to order food.

      Umihi - again, pwede naman dalhin. which makes me think, ang laki ng sasakyan, walang stroller o kaya yung pang karga na ginagamit for babies/toddlers na dala?

      10 minutes lang - daming pwede mangyari in a minute. the guard also said na 11pm pa nakapark yung kotse and the video was taken around 4 am na. kung legit na parking space ‘to the log book or ticket can be easily checked.

      Nagsara daw sila ng store - this is tricky because some establishments can be really strict, pero kung naisama yung 6-year-old sa labas it means na pwede isama yung bata at iwan sa office where the parents can watch them more easily at pwedeng may tumulong sa kanila.

      hindi naman daw naka lock yung sasakyan at medyo bukas yung bintana - the most stupid of reasons; kung hindi naka lock bakit hindi mabuksan ng mga nakakita? at the same time, hello eh di lalong delikado yung bata? muntanga lang.

      tama lang na exaggerated yung nag video, sobrang pabaya naman yung nanay kasi. mas problemado pa na masira yung kotse kesa sa kaligtasan ng anak nya. kung di ba naman ewan. buti pa yung lasing alam pa rin tama at mali. paano kung loko-loko nakakita dun sa bata?

      Delete
    9. Weird talaga na iniwan ung bata...2 pa man din sila na magulang.hindi ko masakyan.pde naman naiwan ung isa.matrabaho ung pabalik balik.parent ako.pero ganun talaga pag may bata mahirap gumalaw ng mabilis pero hindi ibig sabihin na ok na ilock mo nalang un bata dun.try mo kahit gabi sa auto walang aircon.kahit 10 mins lang.anu pakiramdam.

      Delete
    10. Wow pag kami nasa public place, kahit isang iglap o kahit segundo lang na mawala sa paningin ko anak ko nagpapanic na ako. Tapos yan iiwan anak sa sasakyan, mag-isa yung bata, dis oras na at madilim pa lugar. Anong klaseng pag iisip yan?

      Delete
    11. 1:12am, hindi pa ba pagwawalwal yung ginawa nila? Alas kwarto ng madaling araw sa metrowalk na halos gimikan ang andon, anong iisipin mong ginagawa ng magulang sa lugar na yun sa oras na yun? In the first place children should be in bed at home during those hours

      Delete
    12. exaggerated o hindi, hindi mo ba nakitang sobrang mali yung iniwan ang bata sa loob ng sasakyan ng mag-isa. tama lahat ng sabi dito. pag may anak ka na mahal mo, isang segundo lang na malingat ka, nag-aalala ka na. kaya hindi ko alam anong klaseng utak meron itong mga magulang na ito.

      Delete
    13. ako nga dati, iniwan ko sa palaruan sa mall mga anak ko. 12 and 9 na sila nun. binilinan ko sila na wag sasama sa kahit sino at makikipag-usap. bibili lang sana ako ng blouse, pero dahil nanay ako, natakot ako na baka may hindi magandang mangyari sa mga anak ko kaya binabalikan ko na lang sila. inantay ko na lang silang matapos sa paglalaro at di ko na sila iniwan. ang point ko lang bilang nanay unang-una mong iisipin kaligtasan ng mga anak mo.

      Delete
    14. at 4am, the kids should already be sound asleep at home.

      Delete
  3. Kahit ano pa ang reason ng nanay, di niya pa rin dapat iniwang mag-isa 'yung bata! Maling mali talaga! Dapat pinabalik niya muna 'yung asawa niya sa sasakyan para samahan 'yung 1 y/o saka siya umalis at sinamahan 'yung 6 y/o na anak niya. Imagine, leaving a 1 y/o child in the car! Very dangerous!

    ReplyDelete
  4. Children should not be out at 4AM esp if the parents are taking them along on their “job” on a regular basis.

    ReplyDelete
  5. Palusot. Dapat sinaman niya ang bata. Magoorder at iihi lang pala. Ikulong na ang mga yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At bawal daw magbuhat yung asawa. Edi siya magbuhat!

      Delete
    2. Or bakit kailangan pa siya sumama omorder at magpakain nung isang bata? Nasan ba hemorrhoid nung mister niya, nasa bibig at kamay?

      Delete
    3. Super palusot yung nanay. Hindi valid ang reason. Ako nga pamangkin ko lang hindi ko maiwan, kahit sa CR kasama ko talaga sa loob ng cubicle. Mahirap na, lalo sa panahon ngayon. Bawal malingat kapag may kasamang bata. Kaya yung alibi ng nanay hindi convincing. Kung ayaw mo sa anak mo wag mo na kunin sa DSWD.

      Delete
  6. Ang sarap ilock sa kotse ng mag asawang yan. Daming palusot galit pa sa concerned citizen na naawa sa anak nila. Baka dati na nilang gawain yan ngayon lang may nakapansin. Kung nagugutom sila sa tingin nila anak nila hinde? Kung tulog bata since May resto pala sila don di ba pwedeng isama at don patulugin. Dami nyo palusot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually dalawang beses na raw ginawa ng nanay yan ayon sa interview ni manong guard.

      Delete
  7. Nagkamali po kayo misis so pasensya kayo. Dapat nga magpasalamat pa kayo kay netizen dahil baka kung di nangyari to eh sa susunod na iwan nyo anak nyo eh carnapper at kidnapper na nakatapat nyo.

    ReplyDelete
  8. Mej atribida boses ni nanay.

    ReplyDelete
  9. Mali parin ang ginawa ni ate sa pagiwan ng baby nya sa loob ng kotse... sa kabilang banda mali din si kuya na dagdag bawas ang kwento nya... pabida ka rin kuys eh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si kuya kasi nagwalwal so akala niya lahat ng pumunta sa metrowalk walwal din. Lol
      Pero mas gusto ko ng pagiging pabida at least concern siya sa Bata.

      Delete
    2. Wala namang dagdag bawas sa kinwento eh. Pati nga yung nakainom sya eh sinabi naman nya di ba? Kung di dahil sa "pabida" nyang sinasabi mo eh malamang patuloy nilang gagawin yan. Tingin ko hindi ito first time na ginawa nila at kung hindi dahil kay netizen eh hindi rin last time yon.

      Delete
    3. Si Kuya concerned citizen as he should be. Yung nanay, pabaya. Regardless of her reasons, never iniiwan ang bata mag isa sa sasakyan.

      Delete
    4. What kind of mentality is that 12:30am, pabida na ba sayo ang pag save sa isang bata at 4am, locked in a car in Metrowalk? The kid was seen in an incosolable crying! Nakakaloka ka, para sau normal to see that in your everyday life? The only wrong here is the mother of that baby. Yung netizen was drunk pero diba amazing how sane he was during the time of crisis? Be grateful for his existence kasi mabuting tao sya, if that was you in that situation, eh di mas kawawa ang baby!! Kainis!

      Delete
    5. I don't agree na pabida yung uploader. The fact na hindi niya inupload photos ng magulang kahit ang daming nag request sa fb page niya na ilabas means he isn't out to make "pabida". He might be wrong na nagwalwal ang parents but that is immaterial sa totoong issue na talagang iniwan ng mga magulang yung bata sa kotse.

      Delete
    6. Hindi pabida si kuya.. what he did is right, pasalamat pa mga yun parents hindi nya kinalat sa soc med yun mga itsura nila, at kahit walwal siya alam nya yun tama sa mali, unlike the so called parents. Yun explanation din ni ate mejo shady ah! Parang wala siya pakialam sa anak nya.

      Delete
    7. Medyo may pagka ewan din si mother,nagcomment pa kasi sa viral niyang video ayan nakilala tuloy kung sino siya pati pamilya niya tuloy nadamay.

      Delete
    8. Napanood mo ba yung interview te? Sabi nung guard pangalawa na daw si kuya na nagpatawag dun sa nanay nung bata. Si ate pa nga nagalit dun sa guard kasi pinatawag. 4 AM nangyari yan! Sinong magulang magdadala sa isang 1 year old na bata sa Metro walk para sa kung ano mang gagawin nila. Dapat jan nasa bahay natutulog. Kesyo nag walwal o nag deliver ng kung anuman dapat di na sinasama yung bata. Ikaw pabida te.

      Delete
  10. 10 minutes lang naman daw nyang iniwan yung anak nya sasakyan... May utak ba tong nanay na to..

    ReplyDelete
  11. sinisi pa ung witness na concerned lang naman sa anak nia.
    matinding nanay talaga to

    ReplyDelete
  12. this is very hearbreaking. sa ibang bansa, tumwag n ng pulis, binasag n ang salamin.at kakasuhan agad ang mgulang.ang dami namamatay na bata kapag iniiwan sa sasakyan.lalo na kapag sobrang init.

    ReplyDelete
  13. Gustuhin ko mang intindihin ang nanay pero mali talaga eh. Hindi dapat iniwan ang bata mag isa sa loob ng sasakyan. Period

    ReplyDelete
  14. Kahit ano pang sabihin ng nanay na yan mali sila. Bakit hindi nya sinama umihi at bumili ng pagkain? Bakit sobrang late na nasa lakwatsa pa rin sila? Pasalamat talaga sila at walang bukas kotse gang o ano man masama nangyari sa bata. Nakakainit ng ulo. So irresponsible

    ReplyDelete
  15. Kahit saan mo tignan, mali talaga yung magulang. Kung yung aso ko nga di ko iniiwan sa loob ng kotse ng mag-isa, yun pa bang batang wala pang muwang?

    ReplyDelete
  16. Inamin na nung nanay na mali sya. Shunga lang siguro pero di naman nya siguro gustong mamatay yung anak nya. Baka sadyang may ginawa lang tlga at nasa isip nya tulog naman ang anak. Dont get me wrong di rin ako sang ayon sa pag iwan nya pero parang O.A. naman na reaction ng iba dito, inamin na nung nanay na mali sya at for sure mag tatanda na sya sa kashungahan nya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lagi na lang ganito. Inamin na, nag sorry na, move on, wag na makisawsaw, etc etc etc. May mga sitwasyon na need nating mga Pinoy na maging firm sa kung ano ang tama at mali. Wag intaying may mamatay na bata aa loob ng kotse dahil sa iresponsableng magulang.

      Delete
    2. Umamin sya pero mukang hindi nya pinag sisisihan. Magkaiba yun

      Delete
    3. Umamin, pero defensive. Wala nga akong maramdamang pagsisisi sa boses. Gusto pa manisi. Higit sa lahat, bakit daw babasagin ang bintana ng kotse..wow ha! Wow talaga! Buti nga kahit 1 yr. Old lang yung bata nakatayo at hinamoas hampas yung bintana para makakuha ng attention. Eh kung hindi na nagsikng yung baby? Sige nga? May magagaw ba oag amin niga ng oagkakamali niya? Naiirita ako sa nanay ng bata ha!

      Delete
    4. Wow kami pa OA! Are you a parent? Kung magulang ka, iiwan mo rin ba anak mo sa sasakyan na mag isa at 4am?

      Delete
    5. Mas importante pa salamin ng sasakyan nya kesa sa anak nya. Let that sink in.

      Delete
    6. nanay ka na ba 12:54? kung hindi pa, pwes di mo alam nararamdaman ng mga nanay sa nangyaring ito. kahit nga siguro di pa magulang, basta alam ang tama at mali ay magkakaron ng say sa issue na ito. ako nga malaki na dati mga anak ko pero di ko nakonkensyang iwan lang sila sa palaruan. paano kung may mangyaring di maganda. nasa public pa mga anak ko at puedeng sumigaw kung sakali, eto pa kayang bata na di pa kayang ipagtanggol sarili o gumawa ng paraan.

      Delete
    7. 2 minutes nga na nasa loob ka ng kotse without aircon ang init and hirap na huminga, 10 mins pa kaya for a kid! Mas inuna pa yung 6 year old kid kaysa sa 1 year old na baby!

      Delete
  17. Bakit parang hindi naman niya talaga tanggap na may pagkukulang siya bilang nanay.humahanap lang siya ng butas para isisi sa concern netizen ang kapabayaan niya.

    ReplyDelete
  18. 10 mins bawas na yan malamang

    ReplyDelete
  19. Nakakatawa sa isang interview nya. Ang sabi nya meron daw naka open na window sa kabilang side then hindi naman daw naka lock yung door. Hello? May utak ba yung 1 year old na buksan yung door? And kung totoo ngang open yung door and window, kidnap naman ang nag aanyayang mangyare sa bata. Omg this mother

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yet ang DSWD daw ay "iimbestigahan" pa ang nangyare. Ano pa bang di malinaw. Ano pang imbestigasyon? Kunin amg cctv sa parking ng malaman kung totoo ngang 10mins lang syang nawala

      Delete
    2. 1:32 kasama ang pagkuha ng vidéo sa CCTV, witness statement, at kung ano-ano pa sa paiimbestigahan. Hindi pwedeng basta-basta na lang ikukulong o kakasuhan yang mga yan. Duhhhh.

      Delete
    3. But I think the baby should be turned over while the investigation's being done.

      Delete
  20. palusot pa eh... pede naman dalhin ang anak o kaya maiwan ang tatay at siya ang sasama sa 6 yrs old niya. Napaka iresponsable. 10min para sa kanya maiksi lang eh ang tagal tagal kaya nun. Ang anak ko nga di ko maiwan kahit saang parte ng bahay o kahit man lang malingat sandali dahil baka ano mangyari at kalikulatan ang ganyang edad. Hanggang cr dala dala ko anak ko. Tsaka sinabi naman talaga ng nagpost na nakainom siya kaya nga di na siya kinausap, dahil pareho sila nakainom baka mag away lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din kapag mg isa lng ako sa bahay, pati pg cr bitbit ko 2yr old ko.

      Delete
    2. Me, too. Kahit hirap ako with a bag and a toddler, hanggang CR bitbit ko both. And take note, may hemorrhoids din ako. And yet nagagawa kong magbuhat ng bata at gamit.

      Delete
  21. Ang dami nyang dahilan, iba din ung sinabi nya sa mga social worker. Maling mali kahit san anggulo mo tignan.

    ReplyDelete
  22. Dami paliwanag ng mudak eh bottom line iresponsableng magulang kayo! Ke nakainom un nagpost ng video, kayong mga iresponsableng magulang lalo na ang nanay na yan ang may kasalanan. Isisi pa sa iba kata**ahan nya. Sus palusot 101

    ReplyDelete
  23. Sabi nung nanay naka inom daw yung nagpost..sobrang baho nga daw..aba eh saludo talaga ako sa nagpost dahil kahit naparami ang nainom mas matino pang mag isip kaysa sa kanya. Mas marunong pang magmalasakit sa anak niya kaysa sa kanya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Defensive mga magulang na to. Sila pa may ganang magalit. Tsk! Tsk!

      Delete
    2. At sinabi nya pa sa interview sa tv patrol na kakasuhan dw nya ung nagpost.. nagmalasakit na nga sa anak nya kakasuhan pa nya.. dapat lang talaga na pinost para maalrma ung kinauukulan. Kung hindi nag trending malamang wala parn paki ung magulalang at mlamang wala rng action ang DSWD.

      Delete
    3. 8:01 kakasuhan pa nia? kasi nireveal ang pagkapabaya niang ina? DSWD, paki-kasuhan na yan please, obviously di naman nia nakikita ung mali nia

      Delete
  24. Palusot! Eh kung may nagkainteres sa bata at kijuha sya, ano ngayon na?Wala ka pa ring kasalanan?

    ReplyDelete
  25. Nainterview naman yung guard mismo na naghanap sa kanya,umpisa palang daw pinagsabihan na yung magulang nung bata kaya nung pinahanap na yung magulang nung bata, guard na mismo nagsabe oras na daw nakalipas nung iniwan ng magulang yung anak akala daw kinuha na. Sarili lang nya ang nagtatanggol sa sarili nya.

    ReplyDelete
  26. Ewan ko nalang sa dswd kung ano pang klaseng proof hahanapin nila para sa investigation daw...yung idea na mas nag-aalala pa yung nanay sa posibleng nangyari sa sasakyan nya imbes na dun sa kalagayan nung bata, jusko. Buti pa yung lasing alam pa rin kung ano tama sa mali. Yung nanay naka-ilang interview na wala pa ring clue.

    ReplyDelete
  27. Grabe tong nanay na to. Kami nga ng husband ko alternate pa kmi umihi pag kasama namin aso namin. At ako lang nag grocery husband ko nagbantay sa aso sa kotse para di mamatay sa init si doggy. At di kami kumakain sa sit down resto puro drive thru para di maiwan ang baby namin. Tapos itong nanay na to 1 year old lang anak walang paki tsk tsk

    ReplyDelete
  28. Sana daw kinausap muna sha nung nag video ... WTH! Iniwan nga nya anak nya eh pano kakausapin? Di sana nangyari yan kung naiwan din sha kasama ng 1 yo anak sa sasakyan! Bwiset! Hindi karapat dapat mag ka anak yang mag asawang yan, ang kikitid ng pag iisip. Sarili nila iniisip nila kesyo bawal mag buhat ng mister, naiihi sha, mag oorder tun 6 yo (take note 4am, mag oorder daw). OMG. Ikulong yan.

    ReplyDelete
  29. Woman, you don't leave a 1 year old alone unsupervised in the middle of the night locked in a car parked at a public place for whatever reason. You should be the one looking out for your baby's well-being, not the concerned citizen who (even when drunk) showed compassion towards your child. Instead of finding him at fault for posting the video, you should be thankful that there are still people like him who cared enough for a distressed child locked in a car alone in the middle of the flipping night! DSWD should throw the book at this sorry excuse for a mother along with the father of the baby. Granted there was another child who wanted to eat, what stopped her from asking her husband and the 6 year old to wait in the car with the baby while she goes toilet?! She could've gone back to the car soon after and they could feed the 6 year old in the car. Or if take out is not an option the husband could stay with the baby in the car while she feeds her 6 year old inside the resto. Bottom line, you don't leave a 1 year old to fend for himself! EVER! I appreciate she apologized for what happened (or was she sorry because they got caught being irresponsible?!) but someone should make sure that this does not happen ever again. The parents should be penalized accordingly so they learn that leaving young children unsupervised is a big (and potentially fatal) mistake!

    ReplyDelete
  30. Ang daming palusot from her first statement. Sabi nya sakanila yung restaurant, tapos kumain lang daw SYA. Ano na ate? Di magkandarapa sa excuses

    ReplyDelete
  31. Excuse me lang? Ano pa bang imbestigasyon ang gagawin? Inamin naman na iniwan nga di ba?

    ReplyDelete
  32. Te wag natin ipasa ang kasalan mo dun sa nagupload ng video. Kung hdi mo nakaligtaan ang anak mo sa kotse hdi ka rin mailalagay sa ganyang sitwasyon. Oo cge sbhn na ntn exagerated ung hanash ng lasing na uploader, pero d b naging concern nya ang welfare ng anak nyo. Ikaw na hdi sumailalim sa esperito ng alak bkt d mo naiicp ang posibelidad na puedeng mangyari sa 2yrs old mo'ng anak ng iwanan/maiwan nyo cya sa kotse?. Kau ang nsa katinuan pero kau ang hdi nakap@g icp ng tama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas nasa wisyo pa yung lasing kesa mag asawa na to. Instead of just being sorry for what they did, the nerve of them to put the blame on someone else. What kind of a mother obviously puts more value to her car than her kid? They deserve every criticism they get.

      Delete
  33. Oorder daw yung 6 yrs old at 4am...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oorder daw ng papaitan. Pampababa ng amats daw hehehe

      Delete
    2. At kailangan both parents present...

      Delete
  34. DSWD, ano pa imbestigasyon nyo??? May video na nga iniwan 1 yr old at 4am, sa nanay na nanggaling at least 10 minutes iniwan tapos sagot imbestigahan pa??? Nakaka imbyerna ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:36 tama ka. Iimbestigahan eh kita na. Sabi pa sa tv ng dswd mag ingat yung mga nagpopost ng video. Kitang kita na nga ang concern nung nagpost eh.

      Delete
    2. Sinisi pa kamo nung taga-DSWD yung video uploader kasi dapat daw hindi vineodyohan yung bata because it will affect the child daw later on at magagalit sa nanay.

      Delete
    3. 8:35 wow naman. galing ng dswd, un pa talaga prinoblema nila. natatakot ba sila magsampa ng kaso kasi hindi maralitang tagalungsod ung kakasuhan? Magpasalamat nga sila at pinadali ang trabaho nila nung concerned netizen

      Delete
    4. 8:35am, is that true? Omg what kind of social service is that? Nakakagalit lalo! Ang stupid ng dswd kapag di nila kinuha ang bata at sisihin oa ang netizen? Omg! Imbes na magpasalamat! Ang kakapal! Omg!

      Delete
    5. pwes ikulong ang dswd sa kotche

      Delete
    6. Oo tama si anon 8:35 napanood ko rin interview nung taga-dswd. Porke May kaya yung parents nung bata kinampihan pa yata kaya cguro bumaligtad at yun pa nag-video ang sinisi.

      Delete
    7. Ay ang galing ng taga DSWD! Adi dpt pala kasuhan lahat ung mga uploader ng video na hdi naka blurd ung mukha ng mga bata regardless kng nakaka GV to o hdi. Adi dapt pala makasuhan din ung uploader ng video nung mga batang nagyoyosi. Lintek na yaan oh. This tym ipasok ang CHR para ipagtangol c Jasper Pascual against sa Social Worker ng dswd na yan.

      Delete
    8. Isumbong kay PRRD ang DSWD. Nyets! Kaya madami ang hindi natatakot sa batas.

      Delete
  35. nakakagalit tong ganito! Seriously! 1 year old left in the car alone! not even strapped into a car seat. eh kung na untog yan dyan sa kakaiyak and the fact that its 4 am so medyo madilim pa. No acceptable excuse/reason can compensate on what she did. Babies, should not be left in the car unattended and alone period! if you are upset with your babies deal with their cries and tantrums rather than leaving them unattended. Very irresponsible!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gurl isama mo pa ang suffocation naka off ang aircon kc patay ang makina.

      Delete
  36. dapat sa mag asawang to iwan din sa kotse ng nakapatay ang ac at makina, tapos sarado din ang mga bintana. pero ibahin natin ng very light, gawin natin sa kanila yan ng tanghaling tapat sa summer.

    ReplyDelete
  37. kkagigil parang sinisisi pa nya nag upload ng vid! kaloka!!!

    ReplyDelete
  38. Lalo ako nainis sa nanay ng bata. Nagagalit pa sa netizen na nakakita sa bata. Concern lang yung tao. Sus!

    ReplyDelete
  39. Seriously, angsarap tuktukan sa ulo nung nanay ha. Sya pa me ganang magalit. Nakakakulo ng blood..

    ReplyDelete
  40. Hindi dpat naging ina ang babaeng yan!

    ReplyDelete
  41. Nasa tv patrol yun nanay, pinag iisipan pa daw nilang mag asawa kung mag dedemanda sila dun sa nag video!!!! Huwaw talaga lang ha?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe diba. Pero sabagay, di na nakapagtataka na ganyan kainutil sila mag-isip, at mismong anak nga nila pinapabayaan nila ng ganyam

      Delete
    2. Kapal nga ng muka nyan, sila pa matapang, sarap pagdu-dunggulin ng mga pagmumuka e

      Delete
  42. ayoko sana ipost sa fb and magcomment kase im trying to be postive pero shet lang na kumain ka sandali eh bakit di mo sinama anak mo... may ari ng resto ang asawa nya - iboycott amg resto na yan!

    ReplyDelete
  43. Buti nga nakakausap pa sya ni tulfo eh kung dito sya s ibang bansa nasa kulungan na sya at wala na s custody nya ang anak nya... Anung klaseng pag iisip na iiwanan mo s kotse mag isa ang anak mo... maraming causes na namamatay o napapahamak ang mga bata s loob ng kotse...

    ReplyDelete
  44. inuna pa kasi walwalan hoy mamang wag mo na ulitin yan baka wala kn balikang anak.

    ReplyDelete
  45. Sabi nga, no explanation needed. In all accounts, Mali Ang mga magulang na iwan Ang kaawaawang Bata Ng mag Isa!!! Dapat maturuan leksyon Ang nanay! Hays!!!

    ReplyDelete
  46. Kapal ng nanay na ito mag threat na mag-file ng case sa kumuha ng video eh buti nga may video at nabuking ang ginagawa niya sa anak niya. Baka matagal na ganyan yan ngayon lang na-videohan!

    ReplyDelete
  47. may minamanage daw sila so parang busy sila. bakit di sila kumuha ng yaya?

    ReplyDelete
  48. Pangalanan ang restaurant nila please at maiboycott.

    ReplyDelete
  49. Pwede naman sanang yung asawa na lang niya ang pumunta dun sa minanage nila since gabi na naman at bakit kelangan pa ilabas ang mga bata ng ganung oras. Kung nagpapadede ka paiwan ka na lang gurl kasama ang mga chikiting mo. Tiis ka muna sa pag lakwatsa.

    ReplyDelete
  50. dami niyang palusot sana inamin niya na lang na mali siya. hindi niya naisip na delikado iwan ang bata kahit sandali lang naman sila umalis at babalik naman agad ung isa sa kanila. mas mapapa pacify pa ang mga netizens. tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
  51. Mr. Tulfo dapat ang tinanong nyo din bakit gising pa mga bata at 4am? Kasa-kasama sa pagdeliver? Hindi ba pwedeng ang tatay lang ang magdeliver dapat buong pamilya? Di talaga dapat iniiwan ang bata tulog or gising. Ang init ng sasakyan pagkapatay ng aircon iinit agad yan. Dapat din nagpasalamat na lang ang nanay di namatay ang anak nya. Wag ng pagmukhaing masama yung tumulong. Kahit lasing yun wala namang kinalaman yun sa pagiwan ng bata. Magapologize na lang sya publicly at sabihin na wag syang tularan baka kaawaan pa sya.

    ReplyDelete
  52. May Fortuner sila at may pang-demanda sa nag-upload...pero..pero..pero..walang yaya na pwede pag iwanan sa bahay ng mga anak nila? Aren’t kids supposed to be sleeping at home at 4am?!

    ReplyDelete
  53. Dito sa Canada negligence yan. Hindi pwede dito yan, kukunin ng SW anak mo ipapa-alaga sa iba. Kahit anong rason mo pa, ‘di mo pwede pabayaan mag-isa ang bata sa car tapos!

    ReplyDelete
  54. I can't even leave my 4 y.o toddler na nasa loob na ng classroom knowing na she's safe and sound. Thinking baka hanapin ako bigla at mag iiyak. Pano pa kaya itong iniwan sa kotse ng madaling araw? Kaloka. Just admit na lang mommy na mali ka and should feel guilty and sorry for your kid, hindi yong andami mong reasons. Yon ay if you truly care for the well being of your own flesh and blood.

    ReplyDelete
  55. Kahit anong reasoning pa nung mom... irresponsible lang talaga siya. The fact is... irregardless of her reasoning... it was true that the 4 year old was left in the car, alone, early in the A.M. for 10 minutes!!!

    ReplyDelete
  56. Nakakainit talaga ng dugo ito kahit ilang araw na nangyari hindi ako maka move-on. matagal nyo na sigurong gawi yan sa anak nyo na iwanan sa kotse lalo na kung natutulog naman. nagpapa breastfeeding ka pala bakit hindi ka nalang mag stay sa bahay nyo kesa bantayan mo ang mister mo sa minamanage nyo na business sa Metrowalk. Kung hindi man kayo makulong o kunin ang anak nyo sa inyo para maging leksyon sana hindi nyo na ulit maulit ang ganyan buti may concerned citizen na oo nakainom pero nasa point naman sya.

    ReplyDelete