Ambient Masthead tags

Wednesday, December 27, 2017

FB Scoop: Official Family Statement on Finding of Ica Policarpio Denies Her Participation in 48-Hour Challenge





Images courtesy of Facebook: Bea Policarpio

169 comments:

  1. She traveled to Laguna for that on her own volition? Ganun lang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 17 is not a child. Stop treating your kids like babies

      Delete
    2. Kung nag 48 hour challenge yan sana wag pagtakpan kasi baka madaming bata gumaya dyan because she got away with it eh pano kung next time may masamang nangyari

      Delete
    3. Napapaisip pa rin ako. Kung nawawala or naliligaw man siya, bakit mag chi-chill siya sa starbucks as if walang nangyayari.tbh wala sigurong nawawalang tao na mag iisip magtambay sa sb. Wala bang police station sa laguna?

      Delete
    4. baka lumayas ang bata may problemang dinadala

      Delete
    5. Sabi dun sa nag post nakita niya sa Starbucks tapos pumunta daw ng mall at may dalang maliit na drawstring bag.
      Pero na bother talaga ako sa pic ng kapatid ni Ica na she's smirking. Para may something lang talaga.

      Delete
    6. 17 na sya hindi sya marunong umuwi? d nya alam address nila? hindi sya pwede mag tanong ng way pauwi? madaming computer shop, may peso net pa nga, may 1T nmn sya, nka pag starbucks sya pero d nya naisip khit makitxt o mag computer

      Delete
    7. Kaya maraming inis dito kasi sa simula pa lang tinago nila sa publiko na naglayas si Ica. Bakit? Dahil mas mabilis aaksyon ang pulis at mga netizens sa pagtulong kung ang anggulo ng pagkawala ay “mysterious” at parang may kidnapping na ganap. Kasi mas mukhang kaawaawa yung pamilya kapag ganon. Plus konektado sila sa high ranking officials ng police at gobyerno. Ibang klaseng panloloko ang ginawa nila kaya ngayon kunwari pa thank you thank you at nagtatago sa ilalim ng saya ng “mental illness”dahil sobrang daming naabala na tao sa gimmick ng spoiled brat na si Ica at kunsintidor ang buong pamilya. Sila ang nag trigger ng mental illness ni Ica, pero ginamit ang government resources at public sympathy para mapuno ang pagkukulang ng pamilya Policarpio. Ikaw ba naman gawin panakip butas, genuine ang concern mo, pero niloloko ka lang pala. Matutuwa ka sa ganon?

      Delete
    8. I think this was a hoax from the get go, but they would never admit it to the public because the whole world sympathized/empathized with them. They are too embarrassed to admit that they all became a part of a hoax started by their daughter.

      Delete
    9. Kaloka tong pamilya na to

      Delete
    10. It is ironic that the family is too embarrassed to admit the true circumstances surrounding their daughter’s disappearance. Why? Because while they lie about the true circumstances surrounding her disappearance they don’t realize that they are also dismissing or silencing her true voice/feelings. They will use privacy as an excuse para Itatago na lang dahil nakakahiya, pero yung bata deep inside, her running away was a form of a cry for help so that others would know her plight. How sad. She tried to expose her family pero now she is being silenced or they are calling it therapy or treatment for mental illness. I feel bad for that girl. Majority of people around her thinks she’s mentally ill but for her she’s struggling to get her voice heard. Pero infairness very articulate yung Ate magsulat parang totoo.

      Delete
    11. Napagalitan ni atty. ang bata kaya naglayas. Matindi ang pinag-awayan ng mag-ama. Buti nga hindi nag-suicide ang bata. Hayaan muna nating mag-heal ang magkakapamilya dahil hindi nakakatulong ang mga haka-haka natin.

      Delete
  2. So yun lang? Hindi naman official statement to eh... walang ibang explanation silang sinabi puro lang sila pagpapasalamat. Pinaikot ikot lng mga tao... nag 48 challenge yan hndi lang nila masabi kasi nahihiya din ung family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hirap mo iplease te. Akala mo naman umeffort ka sa paghahanap nung bata. Kung may sakit yung bata, kelangan ba ipaalam pa sa buong mundo in detail? E di lalong hindi nakatulong sa bata. Jusqqq magisip naman tayo

      Delete
    2. eh ano bang gusto mo teh? sabihin sa madla kung anong problema nya? nakakaloka. personal problems yun teh. sanay na sanay ka yata ipost sa socmed yung mga problema mo kaya feeling mo ganun din dapat ang gawin ng ibang tao. bottomline, depressed si bagets. o ano pang gusto mo? gusto mo pang malaman specifically kung ano kinadepress nya? tapos? matutulungan mo ba sya sa problema nya? hindi naman diba? she's being monitored naman daw ng professionals, so she's probably under going therapy or talking to a psychologist. gusto mo bang idetail pa yan? nakakaloka ka.

      Delete
    3. Ano pa ba gusto mong rason? Whatever the reason is, its none of our business. As long as the kid is safe ok na yun, yung ang pinaka importantante.

      Delete
    4. Sa tingin ko hindi naman talaga yan nag 48 hour challenge pero nakakairita lang sila dahil binulabog ang buong pilipinas para hanapin yung teen ager pero hindi nila sinabi sa umpisa na possible na nag layas dahil pinagalitan!!! Iba yung pinaisip nila sa madlang tao e yun ang nakakainis sa kanila tapos nag layas pala talaga buset mga kabataan mgayon wag kayong inconsiderate d porket gusto nyo mag drama mga oa

      Delete
    5. 1:38 te napagod ka ba sa kakahanap? sensya na ha.

      Delete
    6. Feel ko dn nag 48 hr challenge pero mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya.

      Delete
    7. 1:38 anong gusto mong official statement? Yung may seal ng pangulo? Hahahahahahaha
      Kakaloka ka baks! Gamitin ang isip at sentido kumon, para di ka nauupo sa row 5.

      Delete
    8. Kaloka kayo dapat kung nag 48 hour challenge yan eh wag i-condone. Ibunyag para ma warningan ang ibang magulang. Mali yung hayaan na lang dahil private matter kuno. Eh pano kung yung anak nyo yung kasunod na gumaya sa challenge na yan? Eh di nga nga kayo

      Delete
    9. anon 2:41 AM, ikaw kung may sakit anak mo, hahayan mo mag isa sa starbucks? mag isip ka din.

      Delete
    10. 10:44 eh hindi nga 48-hour challenge. Kayo lang naman nag conclude nun.

      Delete
    11. Lumayo siya. Tumambay pa sa Starbucks tapos sa Mall. Ni minsan hindi tumawag sa pamilya. Halatang lumayo para hindi umuwi at makita.

      Delete
  3. Nawa'y matahimik na ang mga usi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Trulala. Di kumpleto ang pasko nila if sila knows why.

      Delete
    2. Ayaw nila tumahkmik. Eto gusto nila:
      * Aminin na 48-hour challenge, or
      * I-exolain yung personal/family issues nila sa public

      Delete
    3. Kelangan ipaalam kasi para wag gayahin ng iba

      Delete
    4. 1:52 Panahon pa ng lolo natin meron nang naglalayas, magkakaiba lang ng circumstances, at hindi lang sa Pilipinas. Kung makapagsalita ka naman as if itong Gen Z ang nagpauso.

      Delete
  4. Replies
    1. ceased fire ang mga rebels di ba, so panong nag rebelled. hahahhahaha. (sarcasm)

      Delete
    2. 2:56 ang haba ng haha mo, ikaw lang naman natawa sa hirit mo.

      Delete
    3. You know what's annoying, police efforts and taxpayer's money were wasted because this "child" decided to run away. What a rotten thing she is. May mga legit na nawawala na hindi pinagtoonan ng pansin kasi di mayaman

      Delete
    4. Kailan ba umamin ang magnanakaw na sya ay nagnakaw? So, malamang idedeny nila yan or ni Ica kung yan tslaga ang ginawa nya. Kahiyaan na yan eh. They made a buzz of it and used government resources so ang panget naman di ba if ang official statement nila would say she did the challenge. The easiest reason to put out there was depression.

      If indeed it was and is depression, I hope she gets the help. If not, konsensya na nila yan.

      Delete
  5. Oh ayan that's about as comprehensive and detailed an explanation as it can get. Those who made nasty comments about her disappearance should all be ashamed of themselves.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why? Coz they played the depression card? Come on she definitely did the 48 hour challenge and we’re supposed to just let her be because she got home safe? Pano kung ibang bata gumaya niyan and god forbid eh something bas happened

      Delete
    2. How do you know she did that challenge? Who are you to say that? Close ka sa pamilya? Part ka ng naghanap? Makakuda parang alam lahat eh. Ayan na nga ang haba ng explanation di mo pa rin inuunawa. Close-minded ka masyado. Be more understanding, mas nakakagaan ng dibdib yan.

      Delete
    3. 11:48 back at you close din ba kayo? Makapag tanggol ka dyan. Who are you to say na hindi siya gumawa ng 48 hour challenge?

      Delete
    4. 11:48 And how did you know na she did not do it too? Sino ka rin to say that? Close ka din ba sa pamilya? Kasama ka din ba sa naghanap? Yang mahabang explanation na yan was a crafted letter done right after they got silent after Ica being found. I am sure they've had a lawyer consulted to craft such statements. 10:46 wasn't being close-minded. He or she is just stating what many are still thinking despite the family's statement. Hindi mo naman maiaalis yan di ba? It was a highly publicized issue, nakisabay pa sa challenge, and then after being found the family asked for privacy becauae they had to come up with a well-thought of reason.

      Delete
    5. The real story is she ran away and eloped with a much older man. Scary. The family should look for that man and file a case.

      They don't need to divulge details but they should release a statement if there's a pedo or whatever lurking around. To warn other parents as well.

      Please stop using the depression card. Its overused for the millenials ah. Unfair sa mga totoong depressed.

      Delete
    6. Anon 4:03, I think she did tried to eloped with a very old man too.

      Delete
    7. If indeed she tried to elope, kahiyaan uli yan. Most likely the family is acquainted to the guy pa kaya din napagalitan before she went missing.

      Delete
    8. Bwahahahahaha. Pahiyang pahiya si 11:48. Kung makatanong "close ka sa pamilya?" Sabay binalik sayo ang tanong, ano nganga ka? Bwahahahaha. Buti nga sayo!

      Delete
    9. Bea, your 15 mins of fame is over. Get out of here and sleep ka na.

      Delete
    10. Naglayas lang talaga dahil napagalitan. Hindi nag 48 hours at wala ring pedo. Uso naman yan sa mga snowflake millenials depressed agad kapag napagalitan.

      Delete
  6. eh di naglayas nga! how easy to make mental health problem as an excuse, sana una palang nilagay na nila na she is mentally unstable di ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi nga nila alam. Minsan akala mo normal lang ang kasama mo sa bahay, pag bigla mo pinagalitan yan, doon sila nag breakdown at kung anu ano ang ginagawa.

      Delete
    2. 2:10 how can you tell na mentally unstable ang isang tao para lagyan ng label?

      Delete
    3. May mental problem nga, possibly nawala sa sarili dahil sa emotional distress.

      Delete
    4. Nawala sa sarili kaya bumili ng libro na babasahin habang nakaupo at nagkakape sa Starbucks?

      Delete
    5. On point 2:25. Yang mga nagde.defend hindi nag.iisip ng mga facts ng pagkawala nung bata

      Delete
  7. Nagpapansin lang yung Ica.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tamaan ka sana ng depression. ilang tumbling na lang New Year na, iwanan mo na sa 2017 ang makitid mong pag iisip 2:10 am.

      Delete
    2. 2:10 Yung "papansin lang" para sayo, malaking bagay na sa pamilya nila. Lawakan naman ng konti ang pagiisip.

      Delete
    3. 2:16 ang ipokrita mo naman. Kunwari concerned ka sa pamilyang Policarpio tapos eto ka, magwiwish na tamaan ng depression si 2:10. Isa ka din makitid.

      Delete
  8. This is an absolute BS.
    Sinayang ang resources ng governtment at sinayang ang time ko ng dahil sa kaartehan at sa tantrums ng batang ito.
    Next time na mangyari ito, wala na maniniwala sa kanila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:15 am walang tutulong at maniniwala sayo if relative mo ang maglayas dahil sa mental breakdown.

      Delete
    2. Time mo talaga? Hehe. Nagpunta ka ba ng sucat at sanpablo laguna para makihanap?? Nakitsismis ka lang din naman. Gaano bang time na nasayang mo sa pagretweet at pagshare ng mga posts? Pasalamat ka na lang at hindi kamag-anak mo ang nag-inarte at naglayas. Dahil kahit ano pa ang dahilan hahanapin at mang-iistorbo ka rin ng ibang tao para makita yon lalo na at menor de edad.

      Delete
    3. pano nasayang? she was able to come home to her family safely. anong nasayang dun? hihintayin pa bang may mangyaring masama? nakakahiya naman sayo ha. magkano ba ginastos mo sa paghahanap dun sa bata? eh umuusi ka lang naman.

      Delete
    4. time mo mag ano? mag click click sa socmed? patawa ka. choice mo umusyoso. bawas bawasan mo yang pagiging chismosa mo, do something productive.

      Delete
    5. oo te absolute BS talaga. absolute BS yang comment mo.

      Delete
  9. lawakan ang pag-iisip mga klasmayt, sana may magandang programa ang gobyerno para sa mental health issue.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I totally agree with you 2:21. Yun tlga ang kulang sa government natin. Ung batas na me kinalaman sa mental health. Kelangan din cguro ng awareness sa lahat ng tao kc hndi biro ang depression. Akala ng iba basta malungkot ka depress ka na.

      Delete
    2. True its about time n cgro pra bgyan nla ito ng pansin

      Delete
    3. 2:21 why burden the government with other people's depression ?? your child, your problem

      Delete
    4. Wow 9:00 your parents definitely have a problem and a burden in you.

      Delete
    5. 12:29 - Iba lang ang perspective ni 9:00, let her voice it out. Maybe she's just naive. Maybe she doesn't read. Maybe she doesn't notice these things when she travels.

      Delete
  10. Pag mayaman may mental health problem, pag mahirap ang tawag dyan naglayas. Bilis tlg ng action pag may kaya, pag poorita ka nganga ka na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha agree! Sounds cool nga naman pag mental health problem!lols

      Delete
    2. Stop playing the "kapag mahirap" card! Hay naku!

      Delete
    3. naglayas din ako nung 17 ako, pag uwi ko after 48 hours deadma lahat, ni hindi ata napansin na nawala ako hehe, mas depressing yun.

      Delete
    4. 2:47 your definition of “cool” must be different from what I know because I’ve never heard anyone describe mental instability as something people want to attain.

      Delete
    5. 5:56 Then be glad that a few years after, you can talk and laugh about it. Wag mo na bigyan ng shade kung paano ng react ang family nila.

      Delete
  11. a very lenghty statement with no single information haha, well i dunno her exact state of mind but what she did should not be encourage

    ReplyDelete
    Replies
    1. no singe info? kelangan mo ba malaman kung anong pinagdaanan nung bata? well, whatever you are doing should not be encouraged as well. masyado kang chismosa.

      Delete
    2. How detailed do you want the information ba? And what she did should not be encouraged? Of course, we already know that. So, your point?

      Delete
  12. Double standard nga naman! Pag mahirap naglayas lang, may mayaman may mental health disorder..lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti nga sila may pang evaluate at may family friend sa position kaya todo ang paghahanap. pag hindi mayaman at walang connections hindi na natin mababalitaan pa.

      Delete
    2. 3:02 yung pag spread ng word, hindi naman kelangan ng political connections. Nag share lang sa FB. Siguro naman alam mo na ibig-sabihin ng viral at trending.

      Delete
    3. this is true, pag mahirap, ano ang concern ng mga tao, ah palaboy lang. Pero pag mayaman, call a friend, call sa mga connections.

      Delete
  13. sa gaya kong ina..maging aware tayo sa mga nararamdaman ng ating mga anak..minsan iretable ang mga anak natin..sumasagot ng pabalang..d natin alam sila dn nahihirapan sa sitwasyon nila..atensyon at guidance ng magulang lalo ng ina ang kailangan ng mga bata..
    wag nating husgahan si ica..may pinagdadaanan yung bata..
    ang importante nakauwi sya at walang masamang nangyare sa kanya.

    ReplyDelete
  14. kahit ano pang sabihin nyo, wala ng maniniwala sa inyo. Tinatago nyo lang ang totoo. Next time wag na idamay ang public sa mga kalokohan nyo na wala namang kakwenta kwenta

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman kalokohan. Naglayas ang bata at gusto nilang makita. They appealed to the public para ikalat ang pagkawala pero choice mo naman kung gusto mo tumulong sa paghahanap o hindi.

      Delete
    2. 3:21 yes they appealed to the public to help them out but failed to mention from the very start na naglayas pala itong si Ica. Sana hindi na sensationalize ng ganito lalo na ang dating sa mga tao na kidnap oray nag abduct sa kanya, gets? Wala naman masama tumulong eh but there are people who are genuinely missing out there too na wala masyadong resources ang family like the policarpios na maghanap. Yon lng naman ang point ng netizens dito.. they could have been honest from the start.

      Delete
    3. 12:43 empathy, please

      Delete
    4. 1:43 empathy? Something Ica nd perhaps her family alacks

      Delete
  15. 17 yrs old.. bata? ngeh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. so pag highschool ba matanda na?

      Delete
    2. Yes, bata pa ang 17. According to WHO, adolesence ends at 19. 😝

      Delete
    3. Tama damulag na yan!

      Delete
    4. Legally, yes she is still a minor.

      Delete
    5. It seems to me hindi mo alam ang definition ng "child", anon 2:58. At nakakatawa ka kc ikaw yung tipo ng tao na kung maka kutya wagas pero kulang sa kaalaman. Oh well...

      Delete
    6. Technically bata pa sya pero c’mon hindi natin puede icompare ang mental capacity nya sa isang, lets say... 5 yo? Baka mainsulto pa sya pag sinabi natin yun sa kanya. May sarili nga silang section sa book store dba? Young adult yung tawag. And btw nung 17 ako madami nakong alam sa mundo lolz wag natin iunderestimate yung pagiisip nila.

      Delete
    7. Wag mo lahat igaya sayo. Iba iba pagpapalaki ng magulang. Esp if sheltered sya wala p syang alam di gaya mong madami ng alam sa mundo kuno. Even young professionals dependent pa din sa magulang. Kung pinabayaan ka ng mama mo wag mo kami isali.

      Delete
    8. Nasobrahan yata yung pagkadefensive mo 11:50AM. Hindi ibig sabihin na madaming kang alam sa mundo eh pinabayaan ka na. Kahit naman “sheltered” ka dapat alam mo pa rin ang difference ng tama sa mali, na may consequences lahat ng actions mo. Hindi naman siguro sya ganun ka “sheltered” para hindi yun malaman dba? Unless mentally challenged sya which i dont think she is.

      Delete
    9. 11:15 Imagine yourself in a court defending before a judge. You say "she is not a child because they have their own section sa bookstore." On the other hand, the prosecution says "the age of minority in PH law is up to 17."

      Sino ang may tamang argument?

      Delete
    10. Daming atenista dito a. hehe. Alam na alam ko yang pagbuild up nyo ng mga premise nyo. hahaha

      Delete
  16. Very well written.This is their official statement...just trust them and move on and don't stop helping people in similar situation.

    ReplyDelete
  17. im really glad that she is safe. but on the other hand. nkksad n pg nangyari o nangyayari ito s mga mhhrap o middle class n family ay hnd same ang pgbbgay ng attention sknla. sna kung paano ntn sya ntulungan gnun dn ang gawin ntng pagkakaisa para matulungan ung mga simpleng mamamayan. mapa "kidnapping" "missing person" o other issues like mga sakit n nghihingi ng tulong s socmed. merry christmas guys

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag sa crazy rich family nangyari to, hindi natin malalaman. They have their discreet ways of dealing with situations.

      Delete
  18. All I can say is ‘let’s put an end to this’. I just hope this won’t happen again. Netizens will not be as helpful as before. Just saying.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah same thoughts here. I hope the family is able to resolve the issues that triggered ica's running away. Kasi if not, she is bound to do the same thing again and people may not be as forgiving or as helpful.

      Delete
  19. Ano ba kayo. When you pray for a person, don’t ask for anything in return. Whether naglayas or sumali sa 48-hr challenge, it’s fine. Ano ba gusto nyo mabalitaan? Answered prayer nga diba na safe sya. Ano ba gusto nyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Its fine? Kelan pa naging fine ang mag cause ng fear and worry not only to the parents but to the country as well? Ang dating sa netizens eh na kidnap sya while the whole time the family knew it was a family problem and naglayas si Ica. Wala kami gusto mangyaring masama sa kanya pero wag naman palabasin na clueless sila as to why the girl was gone. Masyado lng entitled ang dating they could have said from the very start na kaya nawawala kasi naglayas.

      Delete
    2. Wag kang mamaru 5:17. Ur talking as if merong may gusto na iba nangyari. People are after explanation, un lang, para people are aware and be vigilant. Wag kang oa jan na kala mo part ka ng family. Kung sinabi nilang naglayas nung una pa lang people will still help but not sensationalized as such. Nagcause sila ng fear sa tao. Gets mo na?

      Delete
    3. tama 11:56 since they made their situation public, let the public know what happened.

      Delete
  20. Millenial kasi. Ganyan talaga ang generation nila. Ang dali mag give up akala mo ang laki ng ng problema. Hindi sanay sa hirap palibhasa age sila ng technology na madali lahat. Iba ang values nila. Yan ang effect.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haay hindi sia millennial. kasi ang millennial nasa early 20s to mid30s. baka nga ikaw ang millennial, hindi mo lang alam.

      Delete
    2. Generation Z na po sya. Yun giba, ang tawag is i-gen or i generation. Until 24 years old kasama sa Gen Z/i-gen. Ang maliliit na bata Alpha Generation na sila.

      Delete
    3. 10:23 Baka magulat ka na ang millenials inclusive ng nga pinanganak ng 1980s. Yes, that's right.

      Delete
  21. mga millennials kung mag-isip, lagi sarili lang nila. Wala ng paki sa mga magulang. :(

    ReplyDelete
  22. And ilang months na lang she will turn 18 huwag ba gamitin ang salitang bata. They're millennials ganyan sila mag-isip.

    ReplyDelete
    Replies
    1. millennial ako pero di ako ganyan mag-isip. and she's not even one, hindi pasok sa millennial ang teenagers. ewan kung anong tawag sa kanila

      Delete
    2. True, she's already 17, not a child anymore.
      Di ko na lang pinansin dahil feeling ko lang naglayas lang yan ng una kong mabasa yung appeal ng family.
      E di totoo nga.

      Delete
  23. Really sad reading the comments. Bakit ganyan yung iba sa inyo. Sobrang kitid magisip at puno ng prejudice huhu

    ReplyDelete
  24. Grabedad mga tao! Whether naglayas, naginarte, nag 48hr challenge pasalamat nalang tayo nakabalik na xa sa family niya. Ganyan tayo e tutulong nalang pero mageexpect ng kapalit na chismis?!?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh pano kung gayahin ng kamag anak mo na kasing edad niya yung ginawa ng ica na yan?? Nganga ka day

      Delete
  25. ano pa man nangyari sa kanya, she needs counselling

    ReplyDelete
  26. Bata? Nakarating nga ng san pablo mag isa at nakapag starbucks pa.

    ReplyDelete
  27. Nung naglayas ako nung college, unang sinabi sakin ng tatay ko pag uwi ko after 4 days, "Aba,umuwi ka pa!" and after he said that,I felt all the guilt and just cried my tears out.

    Maybe iba yung panahon non talaga. This is just my opinion ha, masyado pa atang na baby/glorify ang paglayas ng batang ito. Parang lumabas na naguilty lalo ang parents when it was the kid's choice to leave. Naninibago lang ako na ganto na ang mga bata ngayon. Parang mas nasanay lang ako sa hard parenting na pag mali ka, mali ka at matuto kang ayusin ito.

    Siguro batang 90s lang ako kaya ganon ko palakihan anak ko. Yes, I have a 7 year old daughter and I am raising her the way I was raised back then.

    Again, pananaw ko lang ito ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree with you! I was raised the same way too kaya I find these so-called ‘entitled’ kids untolerable. Kelangan talaga dinidisiplina ang mga bata habang maaga or else magkakasungay yan at onting failure lang suko na agad.

      Delete
    2. Tama, ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon, di tulad noong araw isang sutsot at titig lang susunod na, ngayon wala na kahit anong diskarte mo para lang mapasunod sila hindi talaga nakikinig, galit pa sayo pag pinacsasabihan mo, tsk tsk tsk!

      Delete
    3. yes, kids nowadays are different. kaya lang mukha kasing may psychological/mental issues itong batang to. hindi rin kasi lahat ng batang nagrereblede ay nag iinarte lang. intindihin na lang natin at baka nakadagdag pa diyan yung immaturity niya. she did not know what she was getting herself into. lesson na rin sa kanya yang nangyari. hopefully natauhan na rin siya.

      Delete
    4. Totoo naalala q dti nung college aq nagovernight aq ng walang paalam jusq knbukasan halos lumiit n q s panggagalit nla, iba tlg noon aaminin q hangang ngaun kht may asawa at anak n q at the age of 30 pag pnpgltn aq ng tatay q d p dn aq sumasagot andun p dn kc ung takot at pagdisiplina, kia inaadopt q ngaun ung parenting style n gnwa skn ng parents q s anak q

      Delete
    5. dati pag naglayas ka ang sasabihin pa ng tatay mo "bakit aq maghahanap e xa ang umalis kaya matuto xang bumalik".

      Delete
  28. Sana lang wag syang mabully sa school sa OA na paghahanap sa kanya through social media

    ReplyDelete
    Replies
    1. She's in a really small school with small class size and only for the rich. So I don't think she'd be bullied or anything.

      Delete
    2. Duh?! The rich are too sosyal to make bully kaya. We are very maunawa thats why we’ll only give her love and support para makaget over na sya sa depression. ;( Maybe the police can create a new task force to help Ica get through this trying time?

      - San Beda, College of Sarcasm

      Delete
    3. She's about to enter college soon, family went to Ateneo. That's not so small anymore.

      Delete
  29. Kids nowadays seek attention. Viral attention. True!

    ReplyDelete
  30. Hmm, ang generation ng millenials 1980s hanggang early 2000s ang birth year, yung mga panay ang kuda about millenials dito better be past 37 lol. And bakit hindi nabibring up sa usapan na ang gen X ang nagpalaki at humubog sa mga millenials, so to some extent kung ano man ang kinalabasan ng mga millenials eh suma total ng mga sistema at ideas na itinanim ng henerasyon before them. Kung magreresort lang kayo sa pagstereotype sa mga generations, di ba fair din to say na incompetent ang gen X sa pagpapalaki ng mga anak nila kaya nagiging ganyan? Pero yung assumption na yun eh sing unfair ng claim na lahat ng millenials eh entitled, so im not even gonna go there. Bawat gen gumagawa ng kashungaan, mas namamagnify lang ang sa gen na to dahil napopost sa internet.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi rin. May outside environment, media, teachers and friends who can influence her actions. Pabebe at snowflake na talaga ang generation ngayon.

      Delete
  31. Nakakatakot talaga ang kabataan ngayon. Ang nanay ko laging sinasabi sa amin na pag naglayas kami baka kung sino ang makadampot sa amin at baka kung ano gawing masama sa amin. and if titira kami sa ibang tao 2-3 araw ka lang walang maririnig pag naka 4 na araw ka nasa kanila may maririnig at maririnig ka na. I just pray na sana ang mga kabataan magkaroon ng maraming pagmamahal at pag aalaga sa mga pamilya at paligid nila.

    ReplyDelete
  32. Na trauma kuno pero sa picture nung epal nakatawa pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. bawal ba sya tumawa? baka inexpect nya kasi pagagalitan sya nang todo kaya natuwa sya na hindi ganun ang nangyari di ba?

      Delete
    2. Actually hindi ng yung tawa. It was a smirk.

      Delete
    3. It's unfair to judge based on a single Pic.

      Delete
  33. comfirmed, na 48 hour challenged kayo 😂😂😂

    ReplyDelete
  34. muntik na syang manalo sa darwin award 😎😎😎

    ReplyDelete
  35. Klaro na that theyre grateful sa mga tumolong.sana intundihin nlamg...

    ReplyDelete
  36. Ako din nmn kse nag doubt, nung start pa lang, and naisip ko talaga na naglayas yan or prank nga kse

    1) ung bea lang ang post ng post ata about s pagkawala nung kapatid, i checked ung wall nung brother, and others na mukang related s knila but nothing...i mean, for me, if someone we love went missing, buong angkan yan, gagawa ng paraan lalo pa now na napaka influential ng social media

    2) mukang family of means nmn sila, yet walang offer of a reward? Seriously, again for me ha, kung kapatid ko un, kung kelangan ibigay ko organs ko just to find her, ibibigay ko

    3) the contact numbers given to call kapag me info about dun s nawawala, parang wala ata na isa e kamaganak...although i'm just basing s names kse walang kasing surname nila so not sure din


    Also, was there any interview s family during the 'missing' period?

    Anyways nagpapa ka sherlock holmes lang LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. You've raised valid points.

      Delete
    2. Nainterview yung tatay while nawawala si Ica, inamin niya sa police napagsabihan niya yung anak before nawala. Kaya yung police paglalayas angle agad yung tinutukan. Nasa newspapers yun.

      Delete
  37. What a self-entitled kid and a bad example to other kids. Sana wag tularan.

    ReplyDelete
  38. Emotional distress pero nakapagbasa pa ng book sa starbucks. Galing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatrauma kase makarating ng Laguna so she needed to chill. XDXD

      Delete
  39. *throws bag of attention* ok na? Next!

    ReplyDelete
  40. Ang dami hanash ng maga millenials na to. Kaya napaka entitled nila eh. Mental health na lang lagi issue! Ang aarte!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na kasama sa millennial si ica. The sister Bea is still part of the millennial generation thought.

      Delete
  41. Some are missing the point here.. ok lang naman ang tumulong but the policarpios drew fear and panic from the very start by failing to mention na naglayas pala itong si ica. Ang dating kasi ay na kidnap sya or na abduct. Now, if she did the 48 hour challenge kawawa naman those people who are genuinely missing out there pero the families dont have as much resources and connections like the policarpios do. And now after she's been found eh mental problem naman ngayon ang dahilan. Not to say depression doesnt exist- it does, but sana sinabi na lang nila from the very start.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, kung nagpapapansin sila, o ayan napansin na, happy?

      Delete

  42. O mga HR, tandaan ang pangalan. Pag nag-apply ng trabaho sa inyo, accept at your own risk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. I would. Nakkatakot ihire ang ganyan. Parang yung tipong konting pagkakamali nya ikaw pa ng mababaligtad at magiging masama.

      Delete
    2. Girl, me too. Lahat ng mga nagddefend saknila were saying na people who ask for the real reason are self-entitled but in reality sila talaga yung feeling entitled. Dun palang sa pagddemand nung ate kala mo si princess charlotte ang nwala

      Delete
  43. sana sinabi nyo una pa lang na mentally unstable yung ica. ang dating kasi ng missing ad nyo parang na kidnap. nag create ng panic. pati si duterte, pnp, at iba pa nasama pa sa sisi dahil hindi daw safe, etc, etc.

    ReplyDelete
  44. if the child was indeed depressed, then i hope she seeks help and get better. pero if this kid ran away or did the challenge, then parents should fes up and admit it. why? to teach her a lesson. to be accountable for her actions. kung pinagtakpan yan ni family then ano na lang iisipin ni ica? ok lang yung ginawa nya?

    ReplyDelete
  45. Excuses pa more!
    17 years old is not a child.
    Di pa sabihing naglayas e.

    ReplyDelete
  46. masyadong na baby si bunso. 😂

    ReplyDelete
  47. Ewan ko ha pero baka nga 48 hr challenge to kase malaki naman na siya. Kaya niya ng magisip for herself. Kung nawala nga sita or whatev ano bang una mong maiisip? Dba tawagan pamilya mo or macontact sila in any way kesa ang nagawa mo pang magbasa and magkape? Tska since napunta naman pala siyang mall di sana nagawa niyang manghingi ng tulong sa mga tao dun or even sa security guards etc. Kaya dmo masisi bat may doubt sknila ee. The fact na 3 days ka ng nawawala at nagawa mo pang magkape at magbasa? Ang chill mo naman? Dapat nung asa mall plng nagiiyak na to. Ang scripted

    ReplyDelete
  48. Yung mga hindi makuntento sa explanation ng family,I suggest puntahan nyo sila sa bahay tpos katokin nyo. TANUNGIN nyo harapan kung bakit ba talaga naglayas. Tutal feeling nyo naman e kakilala nyo si Ica at naoffend kayo kahit di naman kayo kaano-ano

    ReplyDelete
  49. taga province ako at age 16, lumuluwas ng maynila for college at living alone sa dormitoryo. 17 year old is not a child. 😂😂😂

    ReplyDelete
  50. It's so sad that they resorted to using the emotional distress card as a press release. Hay. The fact remains that they bothered everybody and mislead them to help a kid who "mysteriously disappeared" when all it was was a family issue. Bea and her friend have been graceful in answering comments afterwards. But i think her true self had already showed doon palang sa tweets and pagnanationwide appeal nya sa fb. I feel sorry that other missing kids will no longer get the same attention and help because madaming nainis sa Policarpio case na to.

    I hope it isnt true that what they talked about ng dad nya is her having an affair with an older man.

    ReplyDelete
  51. If she’s really mentally unstable then what she did is wrong. Now people will call depressed people as attention whore.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...