Monday, November 27, 2017

Ang Power ng Pagiging Energetic


Ang pagiging energetic ay hindi ibig sabihin kailangan mong maging hyperactive dahil ang totoong power naman ng pagiging energetic ay ang pagiging mas positibo sa araw-araw na buhay. Ayon sa mga pananaliksik at survey, ang taong energetic ay mas maaliwalas ang pagharap sa kinabukasan kahit sa mahihirap na sitwasyon. Kung kaya naman kapag ikaw ay magiging energetic na tao iba ang magiging takbo ng buhay mo. Mas maaliwalas, masaya at puno ng enerhiyang positibo. Para maging energetic ka, ang mga sumusunod ang maaari mong magawa:

  • Ugaliin ang pag-eehersisyo ng regular dahil bukod sa nakakapagdevelop ito ng energy at nakakapagpalakas ng katawan, nakakatulong ito sa pagpapalabas ng endorphins na tumutulong sa maganda at positibong mood.
  • Kumain ng masustansyang pagkain dahil kapag healthy at puno ng nutrisyon ang katawan, maayos din ang mental at emotional health.
  • Itigil o bawasan ang pag-inom ng caffeinated drinks at humanap ng ibang alternatibo para magkaroon ng energy boost. Kung energy boost lang rin ang kailangan, bakit hindi maghanap ng mga supplement na naglalaman ng Taurine, Ginseng, Sodium Ascorbate, Vitamin B1, B6 at B12. Ayon sa pananaliksik, ang mga components na ito ay mahusay sa pangkalahatang kalusugan ng katawan at lakas.


Ang Taurine at Ginseng ay tumutulong mapanatili ang pagiging alerto ng isang tao, binabawasan ang stress at nagbibigay ng energy boost, Sodium Ascorbate naman ay nakakatulong maibsan ang pagod na nararamdaman at kahinaan ng kalamnan, ang Vitamin B1 ay tumutulong ma-convert ang pagkain sa enerhiya ng katawan, ang Vitamin B6 naman ay nakakatulong ma-enhance ang metabolism at ang Vitamin B12 naman ay tumutulong makapagdagdag ng energy sa katawan. Ngayon, kung iniisip mo na mahirap humanap ng produkto na nagtataglay ng lahat ng ito na walang kahit anong form ng caffeine, subukan ang Robust Energy. Sinubukan ko ang produktong ito lalo na nung palagi akong pagod at stressed, so far maganda ang resulta sakin!

Photo credits to: http://www.thedailymash.co.uk/

No comments:

Post a Comment