Sunday, August 27, 2017

FB Scoop: Ogie Diaz Calls Out LTFRB on Uber Fine and Improving Taxi Conditions

Image courtesy of Facebook: Ogie Diaz

35 comments:

  1. tama!
    pakicheck narin yung mga taxi na maraming plakang papalit palit.
    pakicheck rin yung mga metro nung iba na magaling magmagic.
    wala pa kaming nabalitaang taxi or bus franchise na pinagmulta ng milyones kahit expired ang prangkisa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw naman kasi ng mga big car companies na gawing taxi ang mga upper end units nila kaya ang mga taxi e mga 1.3 lang dahil matipid na din sa gasolina kung ang flagdown is P40 lang then P3 patak. Kaya magaganda mga Uber cars dahil mga private owners usually at mga kotse nila is yung mga nasa 1.6 to 2.0. At fixed mga rates kontrata. Wala kayong makikitang mga taxing honda dahil ayaw ng honda. So kung mga nasa upper ends mga taxi fleets e pwedeng 250 flag down nila tapos P5 ang patak.

      Delete
    2. Ang plaka ng mga taxi na generic ay UVA-221....ilang taxi ang me plakang ganyan and parang ok lang naman sa mga kinauukulan dahil different car brands at taxi operators naman ang me gamit.

      Delete
    3. Malabong masita o mapenalize yung mga operators ng mga bus, taxi at jeep pati mga tricycles na sa kalsada tumeterminal dahil kung hindi mga Mason e mga nakaupong politicians mga me ari nung mga yun. Pag kinasuhan mo mga yun nakapronta agad mga Mason brothers nila na mga atty at natimbrehan na din mga Mason Brothers nila sa Judiciary. Yup mga Judge. Pag me camera lang pang-uto sa public hinuhuli at penalize daw pero pagwala na makikita niyo ulet sa mga kalsada. Peperwisyuhin pa kayo ipaparada lang sa gilid ng East ave. Mga nahuhuli imbis na kumpiskahin na at gamitin sa mga govt projects.

      Delete
    4. Kaya walang taxing automatic dahil ayaw nga ng mga car companies na me nakalagay na Taxi or fleet of taxis mga top lines nila while Uber wala naman kasing nakapinta na Uber sa mga cars so parang carpool na me bayad. Tama yung ke 12:59

      Delete
    5. Hanapin niyo yung video ni Kuya Daniel Razon at interview niya with some LTFRB chief ata yun matatawa kayo sa solusyon niya. BE ASSERTIVE. Yan ang solusyon niya.

      Delete
    6. Lols @2:05 napanuod ko yun dapat siya ang ginawang Experiment dun eh lagyan ng lapel at samahan ng isang cameraman para nadocument pano gagawin niya ng hindi niya sinisiwalat identity niya na he's from LTRFB. Panuorin niyo yun Comedy Libre!

      Delete
    7. Dapat kc pag d na road worthy ang mga ssakyan d lang taxi dapat d na pinapabyahe!

      Delete
    8. pera pera kasi...

      Delete
    9. hindi nila kayang higpitan ang mga taxi kasi daw maliit ang kita. ang daming may maliliit ang sweldo pero may manners. ang manners at patience na sa tao hindi sa pera. may mga basurero mababait kahit ganun sila ah.

      Delete
    10. 12:59, 2:00, hindi naman kailangang automatic ang sasakyan. Kahit Vios yan o kahit nga Kia pa basta maayos ang itsura at hindi kakarag karag pwede. Ilang Uber na nasakyan ko na Adventure at Vios. Maayos naman sila. At malinaw ang pinopoint out ni 12:20. Issue ng prangkisa, metro at plaka. Walang kinalaman ang brand o make ng kotse.

      Delete
  2. Ay naku sa pera lang yang mga yan. Wala ks ng aasahan sa LTfRB. I lost hope with our government mula ng magkaisip ako.

    ReplyDelete
  3. Halatang gusto lang tlga parehan. Nakakahiya sa investors

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, nakakahiya naman sa Globalist Uber

      Delete
    2. Pera laban sa pera🤑

      Delete
  4. Uber had it coming because nag violate sila ng mga regulations. However, LTFRB is known to be corrupt. Better, serve na lang ng UBER ang 30-day suspension kesa magbayad sila ng ganyang kalaking amount sa LTFRB (although wala lang yan sa kalingkingan ng kita ng UBER) kasi who knows kung saan na naman mapunta yang pera.

    ReplyDelete
  5. sa treasury naman mapupunta yung p190million, may resibo yan kaya hindi mapupunta sa bulsa ng mga ltfrb. Sa uber, i agree malaking tulong sila upang mapagaan ang buhay ng mga commuters pero dapat talaga silang patawan ng penalty dahil sa paglabag sa regulasyon at may sapat na basehan yung computation na p190million. Hindi lang tingala sa langit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anung regulasyon ba nilabag? Lagi kong nababasa me nilabag pero hindi ko alam ano mga specifics na nilabag.

      Delete
    2. Yan nga din iniisip ko? Ano ba nilabag? Nag apply mga driver's/uber ng franchise sa LTFRB, pero pinutol nila, yung iba nakapag apply, submitt requirements, pero hangang ngayon, wala parin resulta.. sabay pa presscon ang LTFRB na may violations ang uber/drivers.. tapos nung sinabi ng uber na magbabayad ng sila ng 30m or willing to pay the fined, naging 190 million naman!! Kakahigh blood diba!! Question lang, kung lumabag ang uber sa regulasyon, ang mga taxi operators ba hndi?? How much ba talaga ang bayarin dyan? Under the table? Sus corruption talaga!! Nakakahiya!!

      Delete
    3. Yes sa treasury nga mapupunta, lahat naman ng collections sa treasury dinedeposit. Irerequest lang yan ng ltfrb para irelease sa kanila yang amount na yan for funding sa kanilang "operations and projects" kuno.

      Hindi ibig sabihin na derecho sa treasury eh hindi na nacocorrupt.

      Delete
    4. grabe sila no. kapag taxi parang mga bingi . sabi nila kaya daw ganyan mga taxi kasi maliit kita. titino lang daw sila kapag nagtaas presyo. jusko day ang reason nila. kampi a taxi.

      Delete
    5. @anon 2:01 may agreement kasi sila with LTFRB na hindi muna sila magbibigay ng license sa mga new drivers while under negotiation ang franchise nga. pero ang uber, namigay pa din sa mga new drivers. kaya ayun. i understand naman why LTFRB suspended the operation of uber completely. pero ang bobo lang ng solution na magdagdag ng taxi para hindi na mamili yung mga taxi at ang isa pang solution na taasan ang metro ng taxi kasi daw may surge ang uber at grab.

      Delete
  6. Hindi ko nasubaybayan ito eh pero dapat diba kumuha ang uber drivers ng franchise? Yung iba kasi parang taxi operators na bumili ng maraming units pang-uber lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah kaya lumabag. Yan ang isang dahilan. Tama naman ang LTFRB dun.

      Delete
  7. Totoo!!! Naka-experience ako na pumara ako ng taxi, binuksan ko ang pinto ng taxi at sinabi ko kung saan ako pupunta. Sige daw sabi ng driver okay daw sa kanya destinasyon ko. So sumakay naman ako. Hindi pa nakaka-four blocks ang itinakbo ng taxi, aba nagbago ang isip ni manong. Di daw pala dun banda ang gagawian nya. Nakakaloka!!!! Ang tagal ko naghintay(2009 to nangyari wala pang Grab o Uber sa Pinas) maka-para ng taxi tapos gagaganunin ako ni manong! Hayblad sa umaga! Kaloka! Sa inis ko sinigawan ko si manong na sana ikaunlad nya ugali nyang ganun. Pagbaba ko talagang ibinagsak ko ng todo, buong lakas yung pinto ng taxi. Maigi sana pala di ko isinara para mapilitan syang bumaba para sya na mismo magsara ng pinto ng taxi nyang amoy alimuom! Kakayamot!

    Meron din naman noon na pag naka-stop ang traffic light, natutulog yung driver. Eh nag-go na syempre bubusinahan talaga kami ng ibang sasakyan. Ilang beses ginawa ni kuya yun sa ride na yun. Gusto ko na lang sana bumaba habang naka-stop ang traffic light at natutulog si kuya driver, kaya lang nasa gitna ng kalsada ang taxi baka naman mahagip ako pagbaba. Ang pula ng mata nya di ko alam kung puyat o naka-droga.

    May isa pa, galing kami ng school sa QC magpapahatid sa Greenhills. Baka daw naman pwede padagdag, sinabi nya on the way. Kaya naman daw namin kasi can afford kami mag-aral sa ganung eskwelahan. Di nya naisip na di porket private school mayayaman lahat ng nag-aaral dun. Kalokang driver.

    LTFRB, dami nyong kuda. Ayusin nyo muna taxis/taxi drivers. Ang mahal nyo pa maninigil! Gusto ko malaman paano computation and ano ang factors kung bakit umabot ng Php 190M sinisingil nyo sa Uber. Paki-post the public needs to know!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gigil na gigil. haha ako naman nakasakay ng taxi na may maliit na ipis. talagang di ako mapakali nun. hehehe

      Delete
    2. tita ko sa u.s masaang masaya sa uber grabe sobrang mahal ng taxi sakanila.

      Delete
  8. Mahina daw kasi maglagay si Uber halatang halata na iniipit ng LTFRB

    ReplyDelete
  9. Follow the taxi system abroad. One color for taxi units. Taxi drivers wear decent uniforms. Taxi units are clean and not smelly. May ID system hanging sa car seat to prove authenticity of the taxi unit and taxi driver.

    ReplyDelete
  10. Uber is just like the bottled water industry. Government and municipalities fail to improve potable water supply kasi kuntento na sila sa binabayad sa kanila ng bottled water industry. Ganito rin sa Uber. Government will fail to improve the transport system but it's really too early to tell. Agree ako sa mataas na hinihinging amount ng gobyerno sa Uber basta ito ay gagamitin to improve public facilities and a big chunk should go to the transport system. For those who are not in the know, Uber is one of the worst companies. They are the bad boys in the silicon valley. The top honchos are greedy. They do not give good compensations, they are known to be misogynists and treat women low. They are trying to fix their sexual harassment cases, they have a toxic workplace. In Europe and in the US, the service and quality of Uber drivers are deteriorating. In the state of Connecticut the background check for Uber drivers have been less strict. Uber is faced with several lawsuits like employee benefits, allegedly intellectual property theft, price fixing, issues on background checks and safety. If this can happen in first world countries how is it not possible for a country like the Philippines. I think the Philippine government is very much aware of the financial problem Uber is in right now. While Uber has a $60 billion valuation, that money will be used to settle the lawsuits. If only you people know the ethics and work culture in this company. Google ninyo ang Waymo legal battle with Uber. The Philippine government is aware that Uber has money to spare to expand and get into the country that it wants to penetrate. Uber just settled a lawsuit worth $100 million with California and Massachusetts drivers in exchange for drivers agreeing to remain as independent contractors. Uber wants drivers to be officially not employed with them. Uber is greedy and you think the Philippine government is greedy. I think the government knows who and what they are dealing with.

    ReplyDelete
  11. Pag new comer ka talga sa Manila isa sa nga kinakatakotan ay ang taxi. Baka iligaw ka, mahal maninhil, bak mahild up koa pg alm na galing ka ng ibang bansa mga passengers galing T1. An laking tulong din ng grab at uber. Ngayon may nga friends akong from province na hindi na takot pumunta ng Manila dahil alam nilang safe na sila sa sasakyan nila. At hindi na rin nakakakot kng galing kang ibang bansa.

    ReplyDelete
  12. madaming issues ang Uber - how they treat women / sexual harassment at 'eto nga, yung hindi mahigpit na pagkuha ng drivers. To some extent, kelangan din mag regulate ng gov't

    Pero agree ako kay Ogie. Kelangan ng improvement ng mga taxi dito sa bansa.

    ReplyDelete
  13. Ang mga taxi drivers hindi dapat namimili. It's their job. Tulad nga ng sabi ni Vice, kung malapit lang ang destinasyon sana nilakad na lang. Kaya nga nagtaxi kasi we pay for convenience.

    ReplyDelete
  14. true, dapat pabotohin na lang ang mga tao kung ano gusto nila kung Taxi o yung mga Uber. Karapatan naman ng consumers mamili

    ReplyDelete
  15. Wala kasi kwenta sa taxi sa pinas. Kadalasan bulok ang serbisyo. Iinit pa ulo mo. Kayong mga taga LTRFB, try nyo magcommute at magtaxi ng malaman nyo!

    ReplyDelete