Ambient Masthead tags

Sunday, February 26, 2017

Insta Scoop: Robin Padilla Calls for a Revolution That Begins with Challenging the Self


πŸ‡΅πŸ‡­ Napakaraming boses ...... napakaraming bida ..... napakaraming istorya ....... napakaraming pagtatalo ....... mga mahal kong namumuno ano man ang inyong kulay at partido hindi Kalayaan sa mga dayuhan o Kasarinlan sa mga mananakop?o Kalayaan kay marcos ang uukit ng tunay nating kasaysayan na matatandaan ng bawat PILIPINO.Tanging ang KALAYAAN ng mas nakararaming naghihingalong PILIPINO sa Matindi at walang awang KAHIRAPAN ang tatagos sa kanilang mga puso at kaluluwa. Hindi bat Pinalitan lamang natin ang mukha ng mga dayuhang umalipin sa ating mga ninuno. Ang mga katutubong pilipino ay patuloy pa rin nakikibaka para sa kanilang mga lupa at karapatan habang ang mga magsasaka ay namamatay sa gutom at ang mga manggagawa ay naghihikahos sa hirap ng buhay... masakit man tanggapin at lunukin tunay na wala pang lunas o ginhawang naramdaman ang Inangbayan bunga ng mga rebolusyon mula pa 1571 Lakan Revolution, 1896 Katipunan Revolution at 1986 people power revolution dahil mas naging sakim sinungaling at walanghiya ang mga imperialistang mga pilipino kaysa sa mga dayuhan. Hindi dapat kalimutan ang mga nagdaan rebolusyon dahil ito ay nagpapaalala sa ating lahat na hanggang ngayon hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa tapos ang REBOLUSYON!!! at ang matinding kaaway natin ay ang ating mga sarili.... πŸ‘ŠπŸΌπŸ‘ŠπŸΌπŸ‘ŠπŸΌ
A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

20 comments:

  1. Enough of your propaganda Robin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This proves that Du30 is a sham! Hindi pa aminin ni Robin na galit sa droga lang ang alam ni Du30 pero para umunlad tayo e wala siyang kakayahang ganun. Kahit kelan wala akong nakitang progress sa pinagmamalaking Davao city. Ni yung mga taga doon nga nagpupunta pa ng Metro Manila o ibang bansa para me ikabuhay. Hindi kaya ni Du30ng baguhin ang sistema, tulad nhng sinabi ko nung eleksyon hindi presidente ang nagpapatakbo ng bansa. Hindi nga niya maayos yung LTO! Hawak kasi ng INC yun e malaki utang na loob niya dun dahil pinaniniwalaan niya na block voting yun!

      Delete
    2. Buti may followers pa yan hahaha

      Delete
  2. Please someone cut off his internet connection....

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Ang mga katutubong pilipino ay patuloy pa rin nakikibaka para sa kanilang mga lupa at karapatan habang ang mga magsasaka ay namamatay sa gutom at ang mga manggagawa ay naghihikahos sa hirap ng buhay..."

      ---Pero sige siya apply ni US Visa. Jusko Robin ha.

      Delete
    2. Trilateral Commission din itong si Ruben

      Delete
  3. Ang corny talaga nito ni Robin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tell that to your wife muna. Sa US siya nanganak, di ba?

      Delete
  4. Whatever. Denied pa din visa mo hahaha

    ReplyDelete
  5. Nagiintay ata ng position ito. Tatay pakibigyan na nga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Noooo please! Gawing presidente ng fans club ni digong pero wag naman posisyon sa gobyerno!

      Delete
  6. Sana mawalan ng internet connection si Robin kahit mga 2 months lang. Daming hanash sa bawat photo sa IG.

    ReplyDelete
  7. Andaming nalalaman ni Lolo Robin. 2017 na po matagal nang natapos ang himagsikan na gusto mong idrama. Simulan mo munang pagtagumpayan ang iyong visa bago ka ngumawa!

    ReplyDelete
  8. Nakapagtataka bakit hanggang ngayon wala pang position ito sa gobyerno?!
    yong mga kakulto nya may mga posisyon na ah! naunahan pa sya ni Moccha!!
    tsk,tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang gusto daw kasi position ay ambassador to the US nyahahhaah

      Delete
  9. Really? Look how corrupt, how inept and how abusive of power our government now.

    ReplyDelete
  10. More nonsense blah blah.

    ReplyDelete
  11. Oh sige Robin, I therefore challenge you to shut up and be quiet for 2 solid months. Walang Visaserye, walang promotion ng incoming flop movie mo. Just...be quiet.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...