Thursday, November 24, 2016

Insta Scoop: Ogie Diaz Shares Insight on the Selection of MMFF Movies

Image courtesy of Twitter: ogiediaz

63 comments:

  1. May comedy films namang nasali ah? Hindi lang yung mababaw na klase ng comedy na nakasanayan ng mga tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ung mababaw nga gusto. Dun sila natatawa eh.

      Delete
    2. Agree, you can't expect kids (5-12 years old) na makaintindi ng malalalim na comedy films diba? Ang ending magtatanong sila ng magtatanong kung bakit tumatawa yung mga tao sa bawat hirit na hindi nila na-gets. Patok nga sa kanila yung mga fantasy-comedy na films kasi super light lang. Sana dinahan dahan nalang yung transition.

      Delete
    3. Yung kay Uge hindi mababaw?

      Delete
    4. Me " kababawan" ung ke Uge pero ito pwede s mga bata.

      Delete
    5. 3:39, khng napanood mo yung 1 ng Babae sa Septic Tank, I doubt ipapanood mo sa anak mo yan. Sa 1 kasi may mga dialogues na nagmumura.

      Delete
  2. Nothing against sa mga gustong tumawa pero Film Fest ang MMFF kaya dapat unahin ang quality. #PdeNamanPambataBastaQuality #WagIbahinAngIssue

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung hindi naman quality yung iba, bakit taon-taon kumikita sila, may nkaka-10, nakaka-13,etc. at tinatangkilik sila. Sa lineup ngayon asa ka pa..ibahin na lang sana date ng film fest ek ek quality mo..wag naman sana pasko!

      Delete
    2. Nag film fest pa kung di nman quality paglalabanan? Bkit ang General Luna - quality pero kumita? Ang Rizal at Muro Ami? Ang Dekada 70. Halos lahat naman ng Pilipino maraming pera kpag pasko. Ang mainstream producers kahit anong play date kikita sila, itong mga producers ng 7 entries ngaun lang ata kikita ng more than 10Million kpag nagkataon #WagIpagdamot

      Delete
    3. 12:43 kaya twing pasko kc may 13th month pay, may regalong pera s mga kids minsan, mahabang bakasyon. In short pang pamilya tlga.

      Delete
    4. actually yung rizal,sa laki ng gastos halos wala silang tubo. kaya nga nag stop na ang gma sa paggawa ng ganyan. you see, at the end of the day business pa din yan.

      Delete
    5. Kaya nga nag film fest para macompete diba, kung ayaw sumali dahil lugi wala nmang pumipilit diba, pde sila magproduce sa ibang play date

      Delete
  3. Just because hindi nakapasok ang mga bet nyo e negatron mode na. Wag ganun te! Hindi naman siguro nantrip lang yun mga namili ng movies. Magrally nalang kayo ni mother lily!

    ReplyDelete
  4. May point. Pero kailangan ng kalidad na pelikula na maishowcase sa pinas. Dapat ipalabas ang mga ito sa season na willing maglabas ng pera pangsine ang lahat para maging aware ang lahat kung ano ang quality film. Di puro komedya. Paganahin din ang utak minsan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:32 I agree..maybe this is a wake up call for all the producers,directors,writers and actors who make them movies with a little effort on the storylines and make script assemble the casts and act in front of a rolling camera,ABRACADABRA !! we made a movie ! lets make millions !..Where are the likes of Brocka,Bernal,Eddie Rodriguez.et al..

      Delete
  5. Ipapalabas naman movies ni vic and vice bago magpasko. Keri na din.

    ReplyDelete
  6. Gustong tumawa ng mga Tao--so bakit may Mano Po, Shake Rattle & Roll, etc??

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha exactly... eh madami kasi mawawalan ng bonus kaya madami ang kumukuda haha

      Delete
    2. Tama! Gusto din kumita ng malaki ng mga producers ng Vice, Vic and Mother sa pasko. Kayaas gusto nilang maipalabas sa pasko dahil.mas naglalabs ang mga tao ng pera.

      Delete
    3. Shunga, sila ba yung pinanood na mas nakakarami? Ang alam ko kina Bossing, Vice, dati Aiai.. Mga horror ba yun?

      Delete
    4. utak tanso ka baks! dka witty!

      Delete
    5. haha gusto mo indie pang matalino pero di naintindihan yung post ni ogie hehe porket sinabi tumawa comedy na kaagad di ba pwede tumawa kasi napanuod nya yung type nya na movie

      Delete
  7. TRADISYON NA KASI kaya hindi niyo din masisisi ang mga nagrereklamo. Mababaw movie na kung mamabaw pero alam nmn natin na karamihan ng bata EVERY CHRISTMAS lang nakakapanuod ng sine. HINDI KASI LAHAT TULAD NG IBANG IPINANGANAK NA MAY KAYA SA BUHAY.

    ReplyDelete
  8. Id rather have the indie movies for MMFF than pay for 2 hour commercials a.k.a QUALITYMOVIE kuno niyo, where cast and writers just create story around the products they endorsed? like wtf ? maisingit lang ang endorsement pelikula na ang tawag. WAG KAMI!

    ReplyDelete
  9. Variety ho ang mmff hindi iisang genre lang. May romance scifi na with saving sally, comedy courtesy of ang babae sa septic tank two, at may drama with mano po 7.... dont know sa horror dept. Kung meron. Two or more bakya films out is not a loss.

    ReplyDelete
  10. MMFF meaning Metro Manila Film Festival! hindi naman Comedy Film Festival! bawal na ang trashy films!

    ReplyDelete
  11. YUNG NAGTATALINO TALINUHAN ANG GUSTO "DAW" INDIE FILM. BAKA NAMAN YUNG MGA INDIE NI COCO NAPANUOD NIYO? CHAROT! YUNG INDIE MOVIE NA YAN NAPANUOD NIYO NA YAN PARANG RECYLCLE LANG YAN NA KWENTO KASO LOW BUDGET NG PRODUCTION NA GINAWANG DRAMATIC PLUS MAGANDANG CINEMATOGRAPHY. GANEEERN!

    ReplyDelete
  12. Ipakita rin nmn yung ibang klase ng movie at bigyan ng chance yung ibang talent

    ReplyDelete
  13. So ngayon, kung may mga anak kang bata, ano papanoorin nyo ngayon Pasko? Or sa bahay na lang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magpipicnic, kakain sa labas, magsuswimming... Andaming pwedeng gawin kung ayaw manuod ng sine

      Delete
    2. Pag may anak kang bata, dinadala mo sa mga movies na Vice???? Seriously?? Kaya lalong nagiging barumbado & pilosopo ang generation ngayon dahil sa parents na tulad mo na ikaw pa ang nagtutulak sa mga bata sa mga bad influence like Vice.

      Delete
    3. exactly my point 1:49 ... tsaka kelan pa naging comedy si vice? comedy is Dolphy, babalu etc etc..hindi yung manlalait ka tas tatawa yung audience na parang wala lang..ok lang manghusga.. puro kapilosopohan nalang...

      Delete
    4. @1:43 AM magkano yang activities na sinasabi mo,kumpara sa sine at popcorn?
      @ 1:49 AM & 2:18 AM kaya nga PARENTAL GUIDANCE, kasi bilang magulang, responsibility na i-explain sa kanila ang napapanood. you influence your kids, not other people.

      Delete
    5. Walang sumagot ng tanong. Anong panonoorin ng mga bata sa sinehan ngayon Pasko?

      Delete
    6. Sa bahay na lang. Kung wala talaga eh wag ipilit. Damay nyo pa mga bata. Wag gawing issue.

      5:28 sinagot ni 1:43 at nagbigay sya ng ibang options.

      Delete
    7. Ako na sasagot. Foreign movies na lang para walang gulo.

      Delete
  14. Tradisyon na raw kasi ang mga trashy comedy films ni Vice. Why not start a new tradition, one that enriches culture, values, and intellectual thought? Para naman hindi lalong nagiging b*b* ang mga tao.

    ReplyDelete
  15. Pag Cannes Film Festival or Venice Film Festival, synonymous na sila with de-kalidad na mga pelikula (na madalas Indie, yes, pero hindi naman lahat). Pero bakit pag MMFF, kelangan ba synonymous with comedy films? Nag film fest ka pa. Sana nag-Comedy Film fest ka na lang. The purpose of a Film festival is to celebrate the art of film making, not to fill the pockets of film producers or to make people laugh.

    ReplyDelete
  16. Dati reklamo nang reklamo ang mga tao kesho basura daw mga films MMFF...ngayong quality films na, reklamo pa din. Ewan ko sa inyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha. Sinabi mo pa. ganun talaga, sala sa init, sala sa lamig.

      Delete
  17. He has a point though. Pasko, pasyal time, movie time with family. Well, mukhang maiiba ang plans this Christmas. Wala masyadong pambatang movie sa line-up

    ReplyDelete
  18. bigyan naman pagkakataon yung iba, kaumay na hindi naman pambata mga comedy

    ReplyDelete
  19. People talk as if high quality and funny/nakakatawa are mutually exclusive. Just face it, may mas magagandang films na nakapasok. I feel the argument na gusto tumawa sa pasko does not cut it. Puwede pong gumawa ng nakakatawa AND magandang quality. If they truly wish to make movies that will make people laugh, then they should invest in the quality of the film. Medyo pa-victim yung ganyang stand na tila fine-favor ang indie producers. May this be a wake up call to step up and do away with senseless, slapstick, overused comedy. And improve the quality of the movies in the future to serve as a platform to stimulate the artistic sensibilities of the youth. In as much as comedy and high quality are not mutually exclusive, there is no absolute synonymity between comedy and kababawan.

    ReplyDelete
  20. Before pa naman ng alam n ng mga big movie producers yang mga changes n yan, pero ano pinilit pa rin nila yung mga movies nila dahil feeling nila "quality" at icoconsider sila ng MMFF. I think this change is good. I don't expect as much movie goers as before. Pero I hope yung big producers ang magadjust in the next MMFF. Malaki n sila alam nila kung ano ang quality sa hindi!

    ReplyDelete
  21. eh di tumawa ka. Wala namang pumipigil sayo baks. LOL

    ReplyDelete
  22. Pwede naman magsali ng pambatang movie sa mmff. Noong ipinalabas ang magic temple i was still in elementary and me and my family (my sister included which is 2 years younger than me) watched it and we enjoyed it a lot. Wag na kasing ipilit yang mga low-class movies. Kahit naman anong date uan ipalabas maghi-hit pa rin yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I remember magic temple too! Tayuan pa sa movie house non at hindi pa uso ang reserve seating.

      A pambatang film with very very good story and cinematography and proudly pinoy! Nakakatawa and matututo ka ng good moral values and how to not lose hope in face of adversity at maylove story din na hindi corny. Ang gagaling nung child actors dun. I really miss that movie.

      Delete
    2. Haaay, kakamiss Magic Temple. Sobrang na-lss ako noon at hanggang ngayon sa, "Buto, Kalansay, tabi tabi po sa bangkay."

      Anyways, sana gumawa ng mala-ganitong film ulit ang Star Cinema na hindi lang mga bata mag-eenjoy kundi adults din.

      Delete
  23. Wag naman nega. Give it a try.

    ReplyDelete
  24. Bakit ba kasi panonood ng movie ang bonding with your kids tuwing pasko? Madami dyang ibang activities. Hindi porket pasko yun ang gagawin niyo with your kids pambihira

    ReplyDelete
  25. sana man may animated na movies kasi pangbata talaga. so far ang layo talaga ng philippines sa movie technology

    ReplyDelete
  26. kaihit buong taon pede tayo tumawa at maging masaya, hindi lang tuwing pasko

    ReplyDelete
  27. Gumawa ng comedy film fest or kids film fest... Kaloka sa mga nagrereklamo.

    Pag hindi maganda movie sa MMFF reklamo, ginawan na ng paraan para quality films reklamo pa din. Hay nako! Hintayin muna natin tong bagong hain ng MMFF bako tayo kumuda!

    ReplyDelete
  28. Personally I watch movies to be entertained. If I feel a movie would make me sad I won't watch it. As for my children, mas nakakatakot ata na matuto sila sa mga pelikula. Nag-aaral naman sila para maturuan. Iba-iba tayo so let's just respect each other. Wag ipilit kung ayaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So movies that entertain you are only comedies? Kasi ayaw mo ng sad. You never watched anything else? That's just sad.

      Delete
    2. Maraming ganyan 3:13. Nakaka stress na nga ang totoong pang araw araw na buhay manonood ka pa ng malungkot.

      Delete
    3. agree @7:12. dami kasing mamaru dito. pati kung anong dapat panoorin ng tao, nandidikta. kung ayaw ng mga tao ng movie ni vice, d sana hindi na kikita yan at d na sila gagawa. eh kaso kumikita, so that means gusto talaga ng mga tao na matawa lang.

      Delete
  29. Ibinalik lang ng MMFF yung dati na wala masyadong kasali na comedy films.

    ReplyDelete
  30. Nothing against daw pero parang super against ka! Hahahahaha

    ReplyDelete
  31. Magic temple pa rin talaga! Perfect example ng enjoyable, well-crafted, sensible family movie. Pipiliin ko pang panoorin restored copy nito than most mmff films, past and present.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga ma-restore Magic Temple. Sana gumawa muli ang Star Cinema ng ganitong klaseng quality films. :)

      Delete
    2. Sana nga. Jusko kahit nga yung Ang TV the movie hanggang ngayon benta pa rin sa akin eh! Ganyang mga pelikula ang totoong pang bata at may matututunan pa sila!

      Delete