Ambient Masthead tags

Thursday, November 17, 2016

Insta Scoop: Mariel Padilla Gives Birth to Baby Isabella


Images courtesy of Instagram: robinhoodpadilla

SubhanaAllah Alhamdulillah Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar !!! Isabella was born 7:56 am on November 14,2016, 7.3 lbs and 20 inches. Exactly 21 hours of labor and Normal Delivery..Maraming salamat po Mahal na Panginoong maylikha sa biyaya ng buhay at kaligayahan. Nagpapasalamat po ako sa mga taong inyong inalay sa amin upang maalagaan ang aking asawa sa kanyang maselan na pagbubuntis hanggang sa panganganak. Ako ay nagpupugay sa iyo tita Maricon Termulo at Eric Tamesis na nagsilbing hotel ang kanilang bahay, naging driver bodyguard ang buong pamilya at higit sa lahat ay ang haplos ng isang ina at sa Iyo Sir Abellardo Termulo sa pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa iyong anak, wala po kayong katulad isa po kayong alamat sa pagiging Ama at bilang lolo ni maria isabella ay sinamahan mo siya sa pagtawid mula sa sinapupunan hanggang sa pagsilang, isa pong karangalan na kayo ang pumutol ng umbilical cord. Akoy buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga amerikanong nurse, midwife at staff na nagpakita ng genuine concern sa panganganak ng aking asawa. Maraming salamat din Analyn sa pagiging kapatid namin sa hirap at ginhawa. Tanggapin po ninyo ang aking paggalang at malalim na pasasalamat Dra Eileen Manalo 🇵🇭 Dra Mangubat 🇺🇸 at higit sa lahat akoy nagpupugay at naglulumuhod sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na nagdasal at nagsalmo para maging maayos ang kabanata na ito sa buhay ni @marieltpadilla at ni maria Isabella de padilla. Mabuhay po !!! at pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong Maylikha.
A video posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

47 comments:

  1. Replies
    1. IBA TALAGA HOSPITALS SA AMERIKA. TAMANG DESISYON.

      Delete
    2. Iba talaga pag may bagong baby. Good vibes. Congratulations!

      Delete
    3. Nakakaiyak to. Sa daming nawala sa kanya, sobrang nakakaiyak yung paglabas ng healthy na baby :) Congrats!

      Delete
  2. finale ng visaserye

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa. Marami pang mangyayari sa book 2.

      Delete
    2. balagtasan time uli Ka Robinhood?
      anyway congrats!

      Delete
  3. balik sa pananagalog ang binoe hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kasi umabot ang visa e hahaha

      Delete
    2. oo nga! . what happened to his english englishan... constitution of america etc?

      But all the best to the new parents!

      Delete
    3. mamimintas muna bago mag congrats, haha ang sasama ng ugali niyo!

      Delete
  4. Congrats sa inyong 2!! early christmas gift

    ReplyDelete
  5. Masaya ako para kay Mariel, madami siyang pinagdaanan para magka baby sila. Enjoy motherhood!

    Pero bwisit parin ako kay Robin. So ngayong it doesn't matter if you get a visa or not because you already missed your daughter's birth, sana tigilan mo na ang sipsip-US posts. Bawasan na din ang sipsip-DDS posts. Focus on being their for your wife and your new daughter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Being there. There. There.

      Delete
    2. kung maka pintas kala mo ang galing mong mag inglis..eh kung ano ngayon kung nagkamali..not 1:27.

      Delete
    3. 1:27 abangan natin resbak ni Robin

      Delete
  6. Uwi ka na, Mariel!!!

    ReplyDelete
  7. ayun! Hindi na umabot ang Visa ng mandirigmang Binoe..😁

    ReplyDelete
  8. Sir talaga tawag ni Robin sa dad ni Mariel?

    ReplyDelete
  9. Kahit nakaka inis si Robin naawa pa rin ako na he didn't make it sa panganganak ni mariel. They have their reasons why sa US nila pinili ang manganak. It would have been perfect for them if he was with her. I hope he gets to visit the baby soon at maiuwi nila na safe si baby girl.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree with you. Even if it's just an ordinary husband who couldn't get any necessary visa on time, I'd still feel the same. God has a reason for everything.

      Delete
  10. Instant US citizen agad. Winnur. Si Robin nalang Pinoy...lahat ng anak niya foreigner.

    ReplyDelete
    Replies
    1. US citizen si mariel kahit manganak siya sa Pinas, Us citizen pa din si isabela. Pinili nila sa US manganak kasi 2x na miscarriage si Mariel at maselan siyang magbuntis. Given a chance na alam mong mas high tech ang kagamitan sa US hospital, mas pipiliin mo talaga duon kesa mag risk ka.

      Delete
    2. Again, it depends. The US mainland should be your primary residence, di lang sapat na maging US passport holder ka. I don't think Mariel's primary residence is the US maindland or did she even live in the US for 5 years? Verify mo sa immigration lawyer - Echoserang palaka

      Delete
  11. so, dumayo pa sila sa US tapos pinoy din pala yung doctor nila dun? NAKAKALOKA SYA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Kaya Im more convinced that its the US citizensip that they were really after.

      Delete
    2. Tama.. Mayaman naman sila.. Kaya naman nila dalhin family ni Mariel sa Pinas.. Para sama sama sila..

      Delete
    3. The doctors Robin mentioned are Mariel's doctors in Manila. Kilala ko si Dr. Eileen Manalo.

      Delete
    4. Ako din kilala ko si doc manala nakalagay na nga eh. Lmao.

      Delete
    5. Anon 7:12 If you are a US citizen, kahit sa Timbuktu kapa manganak automatic US citizen din anak mo.

      Delete
    6. Nung una din yan akala
      Ko kc sa citizenship but she having normal delivery na may APAS sya baka nga mas maganda ang
      Offer sa states, Kasi dito sa Pinas with APAS condition CS ka agad

      Delete
    7. US Citizenship lang ang habol nyan and yung makakuha ng Visa si Robin kaya ganun na lang kadesperado ni Robin. Mukhang tumatalab ang plano ni Binoy at nabigyan ng presidential pardon, next step US visa, KUNG bigyan cya ng US. Still, napaka-PATHETIC.

      Delete
    8. Just curious, does she have a US Medical Insurance? Or did she pay out of pocket for her hospitalization or did get it through medicaid na ayaw ng mga Trump supporters.

      Delete
    9. 10:23 I bet she does not have insurance because under Obamacare she doesn't qualify for enrolment kasi she only went to the US mga 2 months ago pa lang. It's either pay out-of-pocket or Medicaid. For non-US residents FP readers, Medicaid is libre ng gobyerno. Your guess is as good as mine. I would be livid if she used Medicaid because they're millionaires in Pinas.

      Delete
    10. Ako din 4:00PM. Ang taas na nga ng premium namin sa Insurance and di pa covered lahat, then here you have someone who did not even pay US taxes at mag me-medicaid lang knowing napaka yaman sa Pinas Uggh!

      Delete
  12. funny... sa konti ng replies... i get it... masyadong na stress and napuno mga readers sa visa antics ni robin... parang nakahinga and nabunutan ng tinik when they see marielle and the baby is okay... and thats it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May kasunod pa. Absolute pardon lang naman ang binigay sa kanya ni du30 para makatulong sa pangarap na visa.

      Delete
  13. Pres duterte just granted absolute pardon to robin thereby restoring his civil and political rights. Hay God bless the Phil

    ReplyDelete
    Replies
    1. Visa serye: the revenge

      Delete
    2. revenge to what?! sila tong kung anu anong sinasabi against US, then sila ang inaapi?

      Delete
    3. alam naman siguro ng embahada ng US ang karakas ng taong nagbigay ng pardon... so i dont think it will merit any bearing..

      but if he eventually gets visa the it's his luck.

      Delete
  14. eh yung nagka kalyo na daliri ni Idol sa pagiging Rebolusyunaryo't sobrang dami ng mga sinasabi nya sa mga social media nya para sa US Visa, tapos ending wala pa rin!!! Saklap!!! Lagpas ka na sa pagka pathetic Idol!!!

    ReplyDelete
  15. Congratulations to the baby and to the mother!

    ReplyDelete
  16. Awe, touching! I remember nung pinanganak ko ang only son ko.. Nakakamiss ulit!! Kung kaya ko lang ang sakit.. Hahaha!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...