Ambient Masthead tags

Wednesday, July 13, 2016

Tweet Scoop: Statement of Vice President Leni Robredo on the Extrajudicial Killings

Image courtesy of Twitter: lenirobredo

146 comments:

  1. jusko naman kasi bawal droga pero pwede pumatay
    di ko sinasabing mabuti ang droga mabuti ang ginagawang pagsugpo dito pero ang pagpatay grabe ha kaya nga may mga rehab e... so ano tingin nila mas mabigat na kasalanan ang paggamit ng droga kesa pumatay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga napapatay naman walang mga possession ng super daming droga at yung mga "lumalaban" eh mga paltik na .38 mga dala! hahaha! Yung mga bigtime na mga nahuling taiwanese cooks buhay eh! iniisip pa ano ikakaso...sina herbert colangco at peter co POSITIBO na sa kulungan na nagtutulak pa din eh mga buhay pa din! common knowledge na nga panahon pa ni De Lima bakit buhay pa din si Duterte na Presidente at si Bato na Chief PNP! Me magrereact ba sa mga MAMAMAYAN?????? pag pinatay nila sa kulungan mga yun? SYEMPRE MGA WALANG LABAN NA MGA MAHIHIRAP LANG NA MGA RUNNER NILA BAKA MAGTURO PA E! at yung rehab EKEK eh dagdag gastos lang yan sa gobyerno! simple lang naman SABIHIN NILA SOURCE NILA AT NG MAUBOS NA kaso hindi ganun gagawin ng mga PROTEKTORS!

      ZARZUELA! THEATER! TEATRO LANG LAHAT IYAN!

      Delete
    2. @4:12 Tungak ka ba? Bakit nila babanggain yung mga political warlords kung papatayin nila mga drug traffickers sa bilibid!? e negosyo nila yan! Tama na yung mga mahihirap na pinagtutulak nila para hindi masyadong magulo. At least nabibigyan ng false security ang mga tao sa pagaakalang nasusugpo ang droga! Pero wait tayo baka me gagawin nga sa mga ORGANIZED CRIME sa loob ng mga preso sa buong bansa at mga CODDLERS NILA from the Political side, Business side, Religious side....

      Delete
    3. Nakapagtataka na 'maraming palaban' at 'nang-aagaw ng baril' ngayong mga panahong ito! Pero nung mga panahong surveillance lang sila e mga spray ng uzi ang hinaharap nila at mga undercover agents mga namamatay!

      Delete
    4. Bihira ang Mga adik na gumagaling Sa rehab! Karamihan beyond help na!

      Delete
    5. Mas maigi nang araw araw may napapatay na ngtutulak ng droga kysa sa dati na karamihan mga biktima mga bata na nirape muna bago pinaslang o di kaya yung mga na modus ng mga adik na taxi driver.....matatakot ka lang naman sa pamamalakad ngayon kung ikaw o may kilala kang nagtutulak or gumamamit ng drugs

      Delete
    6. Teh 9:28 sa tinging mo lahat un tlga e addict at pusher? Pano nila madedefend ang sarili nila kung patay na sila? At imposibleng lahat un lumaban sa mga pulis

      Delete
    7. Hay naku mahirap na lang magsalita
      .. Pero andaming kaso ng ganito ngayon sa bayan namin. At totoo ung sinabi sa taas, wala namang possession ng madaming droga. Tapos sasabihin nanlaban daw.

      Delete
  2. Kaliwat kanan na kasi ang patayan. Mga sinalvage tapos may nakalagay pang Pusher/Snatcher ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pate, Salvage means "to rescue"

      Delete
    2. 4:04 it's actually a military linggo in the PHL. although salvage means to save, in the military, it means to kill. Same as liquidate, pag madami ang pinapatay, they use the term liquidate. It's just their linggo.

      Delete
    3. Millenial ba si 4:04pm? May ibang meaning ang salvage sa Pinas.

      Delete
    4. True. Nauso yang "salvage" term na yan nung panahon ni Marcos. Pag may nawala and then the body turned up later with signs of torture, sasabihin agad, na-salvage yan. Although misnomer because of the word's actual definitiion.

      Delete
    5. Puro loose ends pinapatay. Malay mo yung mga pumapatay sila yung madadawit kaya maliliit na pusher yung inuuna

      Delete
    6. 4:15, pwedeng millenial, pwedeng shunga
      Millenial ako, and familiar naman ako sa 'salvage' as pagpatay - nababanggit naman yan sa news

      Delete
  3. Sa mayayaman lang ang batas ! Dapat ang pinapatay ay mga bayarang judge at prosecutors na pinpaligtas ang mga criminal na mayayaman. Hindi mo sila masisisi kung may vigilantes. Hanggang saliya lang pde gamitin ang batas. Reality check tayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uyyyy nagtatago na si anon 333..😈

      Delete
  4. Tama lang yan pagpapatayin mga yan para mabawasan mga salot sa mundo! Ang mga kriminal hindi binebaby yan, pinapatay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bawal magbago? di uso yung Chances ?

      Delete
    2. Hindi nagbabago kasi laging binibigyan ng chance 4:05!

      Delete
    3. Habang nasa rehab nagbabago,pero pag lumabas ganun let, marami na ko kilala ilang beses ni rehab pero adik ulet paglabas, tanging solusyon gngawa nag iibang bansa, dpat pinapatay mga pusherpusher at drug lord kase sila punot dulo, kung walang pusher walang user, meron nagbabago pero bihira.

      Delete
    4. un nga lang, puro mahihirap ang napapatay. nasan na ang mga malalaking isda?
      buti pa pag general ka, kakausapin ka pa ng pnp chief. may process.
      Pag mahirap ka, idadaan ka na lang sa shootout

      Delete
    5. Ano bang chances? Labas pasok sa kulungan mga yan ilang chances b kelangan ha?

      Delete
    6. Hay mabuti na yang ganyan ang balita araw araw kasi may kakilala akong adik, matigas ang ulo ni asawa niya di pinakikinggan. Ngayon kusa ng magpaparehab. Oh diba kung mild lang ang pagtrato sa drugs issue walang mangyayari sa bayan.

      Delete
    7. Korek! Dapat pinapatay ang Mga adik, drug dealers at nga criminals! Hindi cla dapat bine-baby!

      Delete
    8. And how would you know if they're addict or not? That's the question. Patay na bago madrug test.

      Delete
    9. 3:35, ipagdarasal ko na sana hindi ikaw o isa sa pamilya mo ang mapagbintangan na adik. Tapos mare-raid ang bahay o kaya paplantahan ng ebidensya. Tapos bubugbugin o babarilin hanggang mamatay at sasabihin ng pulis na nanlaban.

      Delete
  5. Lagot sa CHR! lol

    ReplyDelete
  6. Salot sa lipunan ang droga. Sure ako yang mga pusher na yan, marami munang sinirang buhay bago sila napatay. Aminado naman ang mga kaanak ng nga napatay na pusher yung mga yun. Ganyan talaga siguro talaga ang buhay. Dumating na ang oras nila. Samantalang nung wala pa si duterte, nabubuhay sila ng malaya at makakapal ang mukha. Sila ang kinatatakutan mo. Ngayon, aligaga sila. Sila sila rin ang nagpapatayan. Sa dami ng sumusuko, masasabi mo na lalamunin na ng shabu ang Pilipinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek ka baks! Noong wala pa si Duterte ang mga pushers grabe magflaunt ng kayamanan nila. May kakilala nga ako puro mamahalin mga gamit nila yung dad is kilalang drug lord. Tapos ngayon sinisingil na sila sa kasalanan e.kung makapag cry foul e nako kala mo sinong mga inapi

      Delete
    2. Nakakaawa lang yan kasi mga napatay na pero pag nagpatuloy ang service nyan ang kawawa yung mga matitino.

      Delete
  7. Pag pinoy ang nahuli automatic pumalag daw kaya binaril pero yung dayuhan na nahuli ayun buhay na buhay kasi hindi daw pumalag? edi wow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. karamihan kasi sa mga dayuhan (mostly chinese) kasi mga tuso, gumagawa lang ng shabu pero di gumagamit, kaya nasa katinuan pa pag hinuhuli, dock at surrender kaagad. Eh yung nga pobreng pinoy, nag bebenta na nag shashabu pa kaya wala sa katinuan ang isip. Kapag na corner, nang hohostage pa kaya sila talaga napapatay. Minsan naman nanlalaban. Yun patay. Kasi nga sira na mga ulo nila dahil sa drugs.

      Delete
    2. Yung iba naman mga galamay ng mga mismong pulis. Kaysa sa ikanta sila inuunahan na

      Delete
    3. True 9:32 mga pulis na pumapatay para mapagtakpan na sarili nila, sila naman kc mga pusher din

      Delete
  8. I hate to say I told you so. Someone smarter than most Pinoy actually saw this coming and compared it with what's happening in Mexico at the moment where despite the brutal ways drug peddlers are killed (I.e. Summary execution, hanged under the bridge, decapitation, etc) it's drug problem persists! I will translate it for those extra thick followers - meaning killing didn't solve anything! Without addressing the root cause which is poverty and moral degradation (ie pambabastos sa babae, pagnanakaw ng opisyal, pagmumura, papal it palit ng asawa, etc) the problem will only get worse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aren't they addressing the root cause? Remember that most drug syndicates or drug lords are in prison, that's why they use their outside connections to still proliferate drugs. Their connections consist of various agencies. 5 Generals have been named, mayors are soon to be filed charges against drugs. It's been 12 days since the president has sworn into office. Shabu labs are monitored and exposed. So what's the root cause you are talking about?

      Delete
    2. Anon 4:22, poverty nga ang root cause! Shu*nga!!!

      Delete
    3. eh pano ung mayayaman n addict? poverty p ren? mas shunga k

      Delete
  9. Nga nga Lang malamang Ang isasagot ni Jimmy bondoc at Arnel ignacio dito Hahahajah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mabuti na ang nga nga kesa magcomment ng walang kwenta, kagaya mo.

      Delete
    2. Malamang. Pagcor sila eh

      Delete
  10. Ang mga nagpapapatay dyan sa mga pusher na yan eh yung mga mas nakakataas sa kanila, mga'AMO' nila. Pinapatay para manahimik dahil baka ituro sila. Nasa bilibid ang pagawaan ng shabu dapat yun ang pasukin at imbestigahan.

    May napanood ako sa FB. Yung isang bigtime pusher na naka kulong naka pag produce pa ng album at nagka concert pa sa bilibid. Bakit yun hindi nila sampolan? Dapat yan mga inuuna.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wait mo lang. 12 days pa lang si duterte.

      Delete
    2. Why wait, when he likes to kill. Now na, get the big fish instead. Puro kawawang small time lang sa squatters area ang pinapatay. Anong laban ng mga ito??? Pag wala na ang ulo, mahirapan na ang ibang galamay.

      Delete
    3. Wow, anon 6:27. Puro kayo reklamo? Ano ginagawa mo para makatulong umayos ang lipunan natin? Dakdak lng?

      Delete
  11. Ano pa aasahan natin? Nandito na daw sa Maynila ang DDS.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So nag-branch out na ang DDS Kaya meron ng MDS. Good to know!

      Delete
  12. Hindi makatarungan ang basta basta nalang pumatay. Idaan sa tamang proseso hindi yung parang hayup tratuhin ang tao, naka balot ng tape at may pa plakard pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi rin makatarungan ang pagsira ng mga pusher sa buhay ng mga binentahan nila ng droga. So ngayon mas concerned pa kayo sa mga gumagawa ng masama? Wow.

      Delete
    2. Sa tingin mo b hindi minanmanan ng mga vigilante yan mga tinumba nila? Ano b tamang proseso sige nga.. Inbestigahan? Idaan sa korte? Abutin ng 30 yrs bago hatol? Pano naman un mga biktima ng mga adik na yan ha sige nga

      Delete
    3. Buti nga sa mga pusher at adik na yan!

      Delete
    4. Yung Mga sympathizer ng Mga adik at drug dealers either adik/ drug dealers din cla or May kapamilya clang adik Kaya nakaka-relate cla.

      Delete
    5. Husga pa more, 800pm. Never used drugs. I dont even drink alcohol. Wala akong kilalang adik. Pero i believe in giving people chances, I believe in a humane society. Youre not even sure na adik at pusher lahat ng pinapaslang. Dont be naive. Ang tao prone sa power abuse.

      Delete
    6. Hindi mo get ang point. Ang point Dyan hulihin sila at idaan as tamang proseso. Pag napatunayan na may sala, parusahan. E di Kung patayan ang solution, e di wala ka ring pinagkaiba sa mga criminal na to.

      Delete
    7. Wala kang kilala 10:56? Sana makakilala ka ng malaman mo kung pano mamerwisyo ang sabog sa droga!

      Delete
  13. Yung mga sinalvage feel ko lang na propaganda against it. For sure may abusadong police din nung sa mga raids nila at trigger happy kasi nga hindi well trained ang kapulisan dito at walang practice, kasi walang tax na nagbabayad for their training. So if they had a chance to pull the trigger, they will. Ang sad lang is pinapatay mga tao just to bend what we know from what is happening. Nakakatakot di mo alam kung sino masama o mabait. Feel ko lang talaga propaganda lang yun against sa anti drug ni duterte. I don't support duterte pero siymepre laging may kaaway yan at for sure andami na talagang tao na namamatay (who knows inosente talaga) para lang makasira. Again dinedevide nanaman tayo kung sino behind this. Baka mali ako dito but for now yun muna stand ko. Sana nga mali ako sa mga schemes nila at nakakalert na

    ReplyDelete
  14. ANOBA!!! Change is coming na kasi nililinis na ni tatay digong ang buong pinas. Ang gagawin lang natin sit back, relax and watch all these killings.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sarcastic ka, right? Because saying "sit back, relax and watch these killings" make you sound like a sadist. Seryoso. Creepy

      Delete
    2. Hahaha! You're absolutely right.

      Delete
    3. Tumpak! Let's just sit back, relax and watch. Ang creepy Lang kasi nung Mga nagtatanggol Sa Mga adik at drug pushers

      Delete
  15. Masyado ng masikip ang kulungan pag lahat ng yan dadanin pa sa tamang proseso. Ano, shabu pa?? Dumating na rin ang karma nila. Ganto akong magsalita dahil marami ng pinerwisyon ang shabu sa lipunan. Kung naranasan mo ng manakawan, lalo na yung mga nanghatak ng bag sa kaibigan kong babae, at nakaladkad sya talaga sya sa daan. Cause ng krimen ang droga kaya dapat mawala na rin ang mga salot na nagbebenta nito. 12 days pa lang si Duterte. Sya na ang bahala sa mga matataas. Wait nyo lang.

    ReplyDelete
  16. Sa pasay riverside may nakitang bangkay ng lalaki, ang sabi huli siyang nakita hinahabol ng mga pulis.

    ReplyDelete
  17. Tanong lang po mga classmates. Pag ang isang tao ba na involved sa droga like Pusher or Adik eh nawawalan na ng karapatang pang tao? Na hindi na at wala naba silang karapatang magbago? Tanong lang po wag ako i bash ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Human rights are human rights so no, hindi nawawalan ng karapatan ang mga adik at pusher. They should have been given a chance to reform. :(

      Delete
    2. Wala talaga kasi dami nilang sinirang buhay, utak at pamilya! Yung mga narape? Binigyan ba nila ng second chance lalo na yung mga bata? Tapos pag nahuli ang sasabihin kasi naka-droga! Langya! Di na dapat sila magkaroon ng pagkakataon dahil talamak na krimen dahil sa shabu!

      Delete
    3. kapag ang isang kriminal ay may dalang baril at tinutok sa kapulisan, nanlaban at nag paputok, ayon sa ating batas ay pwede silang patayin. lahat tayo may karapatan mag bago, pero pag nanlaban ka at nagpaputok din, anong pagbabago pa ang aasahan mo? Dapat sa simula pa lang, i surrender na niya ang sarili niya, alam naman nilang tutugisin talaga sila. At sa tingin ko, hindi biro ang laban na to.

      Delete
    4. If you're a criminal, your rights are slowly taken away from you, one by one. Moral of the story: don't be a criminal, don't do drugs, and don't sell drugs.

      Delete
    5. 4:19 nawawala din ang iba mong karapatan pag nakulong ka, for example, the right to vote. Ang mga pulis may rights din sila ayon sa saligang batas, they have the right to kill. Research for the grounds on why they SHOULD KILL though, i don't need to elaborate since google is free.

      Delete
    6. Yes, but only if you're poor! Hahahhah

      Delete
    7. Kalokohan. I dont believe na lahat ng napatay ay nanlaban. Alam may man hunt na sa kanila, man laban pa ba naman yan. HIndi porket addict at pusher, hindi na puedeng mabuhay pa. Dapat yang mga police pa imbestigahin din, Tao pinapatay nila, hindi hayop.

      Delete
    8. Karamihan ng Mga adik at drug pushers mahirap ng magbago khit I-rehab mo pa. Bihira Lang yung bumabalik Sa normal na buhay after rehab!

      Delete
    9. Wow. Drug addict ang pinaguusapan, hindi rapist, hindi murderer. When you have actual stats backing up your assumption na all drug adiks are rapists, saka ka magreact ng ganyan.

      - not a drug user

      Delete
    10. Shungak! Involve sa drugs din ang mga gumawa ng krimen. Di po user ang mga napatay ng pulis! Mga pusher po yun! Nagbebenta ng droga para sirain ang utak mo @10:58 at yes! Lahat sila gagawa ng krimen dahil sira na ang utak nila at desperado na sila magkapera

      Delete
    11. Yung patay nga may rights, yung buhay pa kaya?

      Delete
  18. Ang mga adik praning yan, so sila sila nagunahan na. Bago pa manumpa si dutere nagsimula na silang magligpit ng mgkalat nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito din sabi nga husband ko. Praning ang taong nag shashabu, kaya, wala din time ito para man laban pa. Kaya hindi ako naniniwala na puro police lang ang pumapatay sa kanila. Nakaka inis na manoood na news ngayon. Puro bankay lang at dugo ang napapanood. Haaay

      Delete
    2. Buti nga naiinis ka lang, ako naiiyak ako. Ang bigat sa loob. Lalo na yung lolo na pinatay kasi daw nanlaban. Ang payat-payat ng matanda, sumuko sya ng maayos. Binugbog pa nila. Pagkakaalam ko pa anak nya lang ang adik, hindi sya.

      Delete
  19. well dapat yung pinapatay nila yung mga big time drug lord.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wait ka lang another 12 days, 12 days pa lang eh. So relax ka muna baks, dadating din sila diyan.

      Delete
    2. Wait ka lng. 1 month pa lang ah. Ihahabol sa undas mga drug lords na yan

      Delete
    3. Mali 4:54. Sila dapat unahin.

      Delete
  20. Pag kinulong ang mga yan, papakainin ng gobyerno yan, 3 times a day. Saan kukunin ng gobyerno ang pera? Siyempre sa tax money natin. Imbes na ipakain nalang sq mga estudyante sa public school o ipagawa ng mas maraming paaralan, ayan, pinapakain sa mga shabu vendors na yan. Ayos. Sarap buhay sa kulungan. Okay lang naman sainyo na part of your tax money pinapakain, binabayad sa tubig at kuryente ng mga kriminal hindi ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chill baks. I'm sure may plano si duterte at hindi nya hahayaan na ganyan ang mangyayari.

      Delete
  21. Hay naku, yung iba diyan sa mga kriminal na yan labas pasok na sa kulungan. Anong pagbabago pa ang aantayin nyo sa mga yan eh sila nga di nila kayang baguhin ang sarili nila. Trust me, get all the names of those dead kriminals and majority of them ay ginagawang boarding house na ang kulungan. Pagkatapos makulong, makakalabas, tapos magbebenta nanaman ng shabu o di kaya magnanakaw. Same people, same story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek! Hindi na magbabago ang Mga yan Kaya dapat itumba na lang

      Delete
  22. How lucky some of you guys na hindi pa naranasan ma snatchan, ma rape, mabastos at matakot sa mga criminal. It's time for them na sila naman ang matakot. Once you sell drugs, or use drugs, tanggapin mo na rin ang kapalaran mo na talagang yan ang kababagsakan mo, mamamatay ka. Actually nga patay ka na, you just don't know it yet. Kasi parang pinapatay mo na rin ang sarili mo eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are so confident that all of these are drug pushers. Hanggang kailan na tamang tao ang papatayin nila?

      Delete
    2. Hindi kapani-paniwala na lahat ng napatay ng pulis na addict or pusher ay nanlaban. lalo na ngayon, alam na nila na intensified ang manhunt and nasa watch list na sila, man laban pa ba? How can one distinguish a real drug related killing from a non drug related one. This is not good. There has to be some proper rules of engagement before killing people.

      Delete
  23. These wanton killings will only sink in to dutertes supporters until someone closed to them gets killed. That's why the prosecution of criminals undergoes the rigours of law because we're talking about someone else's fathers, brothers and sons!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh pano kung matitino ang pamilya mo, at biglang pinerwisyo ng halang ang kaluluwa dahil sabog sa droga? Ganun talaga ang tadhana nila. Ang mamatay. Kaya una pa lang, wag ka na mag-benta dahil di maganda ang kinabukasan mo. Papatayin ka ng mga ka-jamming mo para di ka makakanta. Ganun lang yun. Di ka dapat matakot kung wala sa pamilya mo ang involve sa drugs.

      Delete
    2. And I have to agree with you!at first my family and I were defending all of these kasi we voted for Mr.pres and we could see mai progress tlaga sa town namin name before daming drugs not until we learned that my husband is in the histlist. Swear to God never as in not once he was a user.but the police insisted that once you're on the list automatic guilty kana.We already submitted drug test result and brgy clearance issued by the captain to clear out his name.I hope due process will prevail.

      Delete
  24. When I asked my Dad kung anong magandang business itayo ngayon sa Pinas sabi niya funeral parlor daw. I thought he was joking or being morbid. Sabi niya, iha, hindi. Hindi na nga daw sila bumibila ng diyaryo dahil araw-araw, iisa lang naman ang laging laman ng balita. Lalu na pag-bukas ng TV. May pinapatay lagi. So tutuo, nga. I'm all for what Duterte is trying to achieve, pero not this way. Hindi natatama ang isang kamalian ng lalu pang mas malaking kamalian.

    ReplyDelete
    Replies
    1. o sige. can you please submit a report how to eliminate drug addiction in the country. It is not enough to contradict, give us your flawless and spectacular solution and we will listen.

      hindi mo nga maisip sarili mo anu negosyo papasukan mo, you are so great in claiming what is right or wrong in how to run the country.

      Delete
    2. Hahaha korek!

      Delete
    3. eh di ikaw na maging Presidente 5:11. siguraduhin mo lang may solusyon ka sa problema ng droga at kriminalidad. dami mong opinion, hindi mo nga alam kung paano mo bubuhayin ang sarili mo.

      Delete
  25. Di hamak naman na mas mainam na maraming adik ang namamatay. Like, heller?! Madalas yung mga suspek sa mga krimen like rape and murder puro mga nakahithit. Mas mabuti matsugi silang mga salot bago makasira o kitil ng buhay ng iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. People are just agreeing on this killing spree connected with drugs recently simply because wala kayong kamag anak na na involve or napatay ng walang kalaban laban ng mga police. Every human being has a right to change to become a better person. The right to live.

      Delete
    2. Yun mga kontra sa killings pansin ko lang ha todo sa english ha.

      Delete
    3. Anon 6.49 ask nga natin kung naka boto ba sila nung may 9 or kung registered voter sila

      Delete
    4. Ano naman ang point nyo 6:49 at 10:00 E kayo nagbabayad ba kayo ng tax. Lahat ng Tao may opinion. Kayo mukhang Hindi lahat ng Tao alam ang Tama at Mali.

      Delete
  26. Mas maigi ngang magkaroon ng imbestigasyon kc malamang most of them eh pinapapatay ng mga big time drug lords para hndi na makakanta pa... wag kami uyyyy

    ReplyDelete
    Replies
    1. trots 5:56. Nanginginig na ang mga yan kasi alam nila na di nagbibiro si duterte sa mga sinasabi nya.

      Delete
  27. I don't think pulis lahat ang may kagagawan ng mga patayan na yan. Malay natin na drug lords mismo ang nag-utos para patayin ang mga users at pushers para hindi matrace ang mga pulis kung saan talaga galing ang drugs.

    ReplyDelete
  28. Ano ba kasi solusyon naiisip nyo? Ginawa na lahat even ng past administrations pero wala pa din. Pairalin nyo takot sa mga masasamang loob para magisip isip sila bago sumabal sa ganyang yrabaho alam naman nila na pwede sila magkaganyan kung ganyan trabaho papasukin nila.

    ReplyDelete
  29. Sige antayin naten na may matepok na pulis dahil naagawan ng baril. Tignan naten kung ngangawa ngawa kau. Ginagawa namin trabaho namin mahusay. Hirap sa inyo ala kayo kasiyahan. May maiputak lang sa social media. Human rights ba? Pano naman kami mga pulis na asa panganib din buhay para hulihin mga patapon na to. Puro kayo satsat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman problema kung pumatay ang pulis basta self defense. Pero yung lahat na lang ng pinatay, maski nasa prisinto tadtarin pa din ng bala, nan laban pa din ang rason??? Hindi na kapani-paniwala na lahat ng napatay na pusher or addict ay nanlaban kaya pinatay. Siguraduhin nyo lang na ginagawa nyong tama mga trabaho ninyo. Hindi yung power trip lang kayo, para pumatay. Yun lang yon.

      Delete
    2. Tama ka 10:20

      Delete
  30. Ok na yan kesa puro pagiimbestiga na lang mangyari. Wla din naman nangyayari

    ReplyDelete
  31. Ok na yan at least mga drug pushers ang napapatay kesa mga inosente ang pinapatay ng mga drug pushers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh sure ka ba na pushers lahat ng mga yon? pano kung inosente din pala sila?

      Delete
  32. di naman karamihan jan pulis pumatay , mostly yan pinapatay para di na kumanta.

    ReplyDelete
  33. The President told this in his campaign "it's going to be bloody". He is just fulfilling his promise. GO LANG PRESIDENT! They don't deserve to live anyway...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh bakit buhay pa rin yung mga nagpapatakbo nito sa loob ng bilibid aber? At mga gurami lang ang pinapatay

      Delete
    2. No one has the right to play God.

      Delete
    3. Sad to see Filipinos becoming heartless like you:(

      Delete
    4. Itong mga naaawa sa mga napapatay, maperwisyo sana kayo ng addict para marealize nyo why they don't deserve to live.

      Delete
  34. This is the new President's advocacy. He is always true to his words. He keeps on giving them warnings to surrenders. Countless times. It's time for the cleansing of drugs in Philippines.

    ReplyDelete
    Replies
    1. No matter how many times you keep bleeting that nonsense it's never going to justify the killings. I hope that's simple enough sentence for your simple mind to understand.

      Delete
    2. Mister knowitall I hope you're a lawyer and you could help the innocent ones.

      Delete
  35. I support Duterte!!!

    ReplyDelete
  36. What if, ninakawan pala, tapos pinatay, tapos nilagyan ng "Pusher Ako, wag tularan". Pano na yun? Mag-investigate pa ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. Ang dali mag-label. Sad to say pero pwedeng in the future. Ganyan ang mangyayari.

      Delete
  37. I don't believe in judicial killings everybody deserves a "due process"..

    ReplyDelete
  38. Eh puro mga uhugin at pipitsuging skwa kwa lang ang nababalitaan namamatay o pinapatay. Yung mga nagpapatakbo ng business ng droga eh buhay na buhay pa rin... Nasa loob ng kanilang mga selda! Parang white washing lang ang nangyayari. Masabi lang na may ginagawa. Pwe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. TAMA. Mga small fry lang naman ang tinatarget... mapabango lang ang pangalan... syempre mga taong di nag-i-isip nadadala naman sa palabas nila kuno na they kill pushers etc.

      In the end... kahit ilang small frys pa ang patayin ninyo... walang magbabago... dahil hindi yung actual na namumuno yung tinatarget ninyo. They'll just keep pushing for more people to get addicted to drugs so that they can victimize more people to sell drugs. FYI... mga addict... hindi na nag-i-isip about their life pag sobrang addicted na.

      Delete
    2. actually, may point naman din kung ung mga small time ay unti unting mauubos, sino pa ang gagamitin ng mga big time na pusher na yan? wala na db? kasi ubos na ung mga small time na yan...mag-re-recruit sila ng bago?? -- wala ng gustong magpa-recruit, bakit? kasi takot din silang mamatay ng maaga...cguro ung ma-re-recruit na bago in case may pumayag e un ung mga wala na talagang pag-asa ang buhay...

      Delete
  39. Maghihintay lang ako. God forbid pero hindi maiiwasang may mamatay dyan sa crossfire or napagbintangan lang. Some will take advantage of it. Ipapatay mo. Tapos label-an mo ng 'Pusher". Kahit hindi naman totoo. May papalag dyan one day.

    ReplyDelete
  40. Lahat nalang may statement si leni. Pampam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at least si Leni VP, eh ikaw 1.23 just a nobody

      Delete
  41. They say that having sit-down meals with family members on a regular basis is a way of preventing kids from being drug addicts. First, the family structure has to be there. Second, the commitment to family time has to be consistent and ongoing.

    ReplyDelete
  42. Hindi nman na bago yang mga napapatay na drug pusher,snatcher, ngayon nlng lumalabas sa balita.

    ReplyDelete
  43. Daming political analysts dito! Sakit sa bangs! Di ko na binasa. Makapagsulat parang nobela. Mag rally kayo sa mendiola, wag dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pake mo ba? di ikaw ang nagbabayad ng internet ko. tse.

      Delete
  44. Tanong lang po. Pag ba pinatay, nirape etc family members, friends etc natin. May "due process" and "chances" po ba? Wala diba. Just saying. Ung mga na-rape napatay di nman bngyan ng chance. Ganun na agad.

    ReplyDelete
  45. We can all argue about this, about what is morally right or wrong. In this day and age, i choose the lesser evil. I'd rather see the drug pushers dead than see innocent lives being victimized because one person was too high on drugs. I'd rather see these pushers tortured than know a girl/woman raped and lived to tell the tale. Evil is rampant nowadays, i'd rather walk safe on the streets of manila than forever be threatened and afraid of my own country because the govt helped propagate the criminals and drug lords/pushers in this country. Drugs is evil, so is killing. But if killing these criminals and pushers is the only way to protect the macro, then i choose killing. I for one, wouldn't want a country festered by criminals for my future kids and the next generation to come. Trust "due process"? Justice is subjective. Everybody is innocent in their own eyes and beliefs. Justice here has always been bent sideways, so i'd rather see them criminals dead than see them walk away, guilt-free and ready to ruin this nation again for their own selfish and evil benefits.

    ReplyDelete
  46. Para sa mga mayayaman na nakatira sa tahimik at mapayapang lugar na nagcomment dito, sige. napaka-swerte nyo dahil hindi pa kayo nakaka-encounter ng mga involve sa drugs kaya iba siguro ang pananaw nyo. Bilang hampas lupa na tulad ko, sa lugar namin, marami ng napatay, kasi mga hindi na nagbayad sa mga pusher ng huling kinuha nilang shabu. May bakla, babae. Walang pinipili ang mga yan. Meron ding baliw na pinaglaruan ng adik na nakita na lang palutang-lutang sa ilog kinabukasan. May mga nanakawan na rin para lang masustentuhan ang bisyo nila. May narape at dahilan nila kasi naka-drugs sila. Pati ang mga holdaper samin na di namin maituro, mga pusher din. Ewan ko lang kung gusto nyo pang mabigyan ng second chance ang mga hayop na yan.

    Ang mga nabalitaan nyo na namatay sa shoot-out ay pati pamilya nila aminado na drug pusher ang mga yun. Kaya kahit pano ay nagiginhawaan kami na ginagawa na ng mga pulis ang trabaho nila. Ganyan talaga ang cycle ng buhay nila. Kung di sila mamamatay, magkakasakit sila or maghihirap sila ng bongga. Kaya wag nyo ng tangkain ang mag-droga kasi isa lang rin ang fate mo. Magagaya ka rin sa kanila. Di ko magets kung bat nakikisimpatya kayo sa mga pusher. Baka nga di nyo pa na-experience ang mabuhay na malapit sa kanila.

    ReplyDelete
  47. Sinabe na nya before during campaign palang..magiging madugo talaga ang paglilinis ng droga..Me and 16m+ filipinos trust PRRD. my god, imagine kung si roxas ang nanalo..tuloy ang ligaya ng mga druglords, drug protectors, pushers and addict..in 10 yrs doble na ang krimen!

    ReplyDelete
  48. ang mga namamatay kasi mga puchu pucho lng n mga drug dealers bka minsan pinapatay n rin yan ng mga druglords nila or ng mga protektor

    ReplyDelete
  49. Sa dinami-dami ng naging Presidente ng Pilipinas nangyari na bayan? Kung hindi naman dumating si Duterte, hindi sila hihinto sa pagtinda ng drugs. PAg nawala na si Duterte babalik na naman sila sa dati. So mabuti nang ngayon pa lang kahit papano mabawasan sila.

    ReplyDelete
  50. Puro kayo kuda about sa mga pinapatay.. Alamin nyo muna ilang libo n kusang sumuko na mga adik at pusher dahil sa takot. Palibhasa mga nakikita nyo lang eh un mga gusto nyo makita eh dahil kontra kayo kay duterte

    ReplyDelete
  51. My brother was killed by a drug addict simply because 'napag-tripan' lang. Two days later, police informed us that the killer was in the vicinity again but when they came, wala na. Nagtanong ang mga pulis sa paligid kung nakita nila san nagpunta ung addict but no one dared to answer the police simply because they are all afraid...up to date, he is still at large...Sabihin ng masama ang ugali ko, pero natutuwa ako sa ginagawa na ito ng president at ng bagong PNP chief...Hindi rin ako magpapaka-plastic na sana isa sa mga napatay ay ung pumatay rin sa kapatid ko...kung may mga sumusuko na drug addict -- good for them...kung may manlalaban at may dalang armas -- dapat gawin ng pulis ang responsibilidad nila na protektahan ang sarili nila pati na rin ng mga inosenteng mamamayan

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...