Friday, March 25, 2016

Insta Scoop: Cacai Bautista Appeals to Tourist to be More Mindful When Visiting Beaches


Images courtesy of Instagram: ilovekaye

29 comments:

  1. Replies
    1. Agree. Tignan mo ang Bora, ang ganda niya noon.. Nadevelop at commercialized lang, jusme ang dumi dumi na. Nung naglakad ako nun sa Station 2, nakakaapak ako ng upos ng yosi tska mga balat ng candy o chichirya. Medyo nakakaturn off. PAHIWATUG KO SA GAGANAPIN NA LABORACAY 2016, UTANG NA LOOB, WAG NIYO BABUYIN ANG ENVIRONMENT!

      Delete
    2. Dapat yung mga magkakalat me MULTA ng P5,000 local at $1000 sa foreign!!!! Pag foreigner at AYAW magbayad Itapon pabalik sa BANSA nila pero HAGUPITIN muna ng bamboo sa likod at kamay ng 40times or putol kamay o ipakain ang LAHAT ng basurang makukuha sa paligid ng beach! Mamili sila anong kaya nila! Ganun din sa mga local!!!!

      Delete
    3. Well yung BASURA din naman kasi natin e Hindi Alam ano gagawin! Puro TAYO LANDFILL!!!!!! Mas Marami pa yang tinumbang mga puno imbis na INCENERATION na Lang Dahil yun ang oxygen ng Puno!!!! Kaya intensified ang Mga weather Dahil Pinagpuputol na mga Puno!!!!!!!

      Delete
    4. 131 kaya nga may environmental fee dyan eh... para sa mga basura at kung ano ano pa... pinulot mo naman ba yung naapakan mong basura?

      Delete
    5. That's the wrong mindset dito. Porke may environmental fee iiwan na lang ang kalat.

      Delete
  2. This is true. Wala naman talaga tayong disiplina kahit sa simpleng pagtapon sa basura. :(

    ReplyDelete
  3. she's right...filipinos don't even treat it with respect until wala na nga.. look what happened to bora etc. ilan ilan na lang ang matitino na magandang lugar sa pinas sana naman wag natin ito take for granted

    ReplyDelete
  4. Totoo ka diyan. Huhu! Kaya ako kahit dito sa manila hindi ako nagtatapon ng kalat ko hanggat wala ako nakikitang basurahan eh.

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. Sana nag clean up na lang sya sa beach imbes puro kuda sa IG.

      Delete
    2. Nega nyo, litterer din kayo

      Delete
    3. relevant issue naman kase ndi gaya mo na irrelevant sa mundo

      Delete
  6. Same sentiment here

    ReplyDelete
  7. Kaya mga ka-FP, dun sa mga di pa ginagawa ang tama, let's make a pact, wag magkalat kahit saan. Kung walang basurahang makita mangyaring ibulsa muna o ilagay sa bag ang kalat saka itapon pag mayroon na. Tinuro naman ito ng teachers sa school, pati parents ko pero ewan ko bat parang napaka konti ng mga nakaabsorb ng lesson na 'to. Ako talaga pag mga friends ko pinapapulot ko sa kanila pag basta nalang nila binitawan kalat nila, pag hindi ginawa ako mismo pupulot nang mapahiya sila sa grupo. Effective din siya kasi akala mo asaran/basagan lang like "bad ka, bad!" pero later on unti-unti di na rin nila uulitin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko nga ba maintindihan kung bakit napakahirap para sa atin yung ibulsa or ilagay sa bag muna yung basura kung walang makitang basurahan kasi for sure sa bahay natin may basurahan naman tayo. Lalo naman dito sa maynila, sorry pero kadiri na. Kapag nakakakita ako ng nagtatapon ng basura sa kalsada pinariringgan ko talaga, sinasabi ko na ano ba yan napakaliit na kalat hindi pa ibulsa may yaya ka bang nakaabang na dadampot ng kalat mo? Haha. Kebs kung magalit sila baka sabunutan ko pa sila. Lol

      Delete
  8. I agree. Lalo na ngayon at naglipana yung mga travel agencies. Yung mga dating nananahimik na mga tourist spots ngayon sobrang crowded at dumi na. :(

    ReplyDelete
  9. I miss Punta Sebaring!!! I will be back soon.

    ReplyDelete
  10. Sad to say, wala pa rin tayo sa level of cleanliness ( di naman lahat pero marami sa atin madumi at baboy) kagaya ng ibang bansa.

    Madami nag sasabi malinis ang pinoy kasi unlike westerners we take a bath everyday, but hindi yun lang ang sign ng cleaniliness, truth is kaya tayo lagi naliligo at dahil sa humidity, init sa atin.

    Going back, most us are madumi talaga kasi sa poverty, lack of education, lack of discipline.

    ReplyDelete
  11. ganun din ung Kalanggaman Island sa Leyte. Sobrang gandang isla pero hindi iniingatan. puro pera. please lang. sayang...

    ReplyDelete
  12. tama nga nman...umpisahan sa sarili bago mgreklamo sa iba...

    ReplyDelete
    Replies
    1. true kaso mas bet nya ang kumuda

      Delete
    2. Ate, public announcement naman ang kuda nya. Pagbigyan. Haha

      Delete
  13. tama naman, super agree ako kay cacai...mas mabuti pa ngang gamitin ni cacai ang kanyang social media to campaign for worthy issues like environment...perfect ito whenever she travels ipakita niya ang ganda at linis ng kalikasan at i-campaign na mapanatili ang mga ito...confidently beautiful with a worthy cause ang peg. I love cacai she has the making of a great comedienne.

    ReplyDelete
  14. Agree with her.. dami pinoy na baboy..sa crater nga ng pinatubo may briefing na at amg daming sign na bawal magkalat..yung isang grupo ang tigas nf mukha iniwan mo plastic ba pinagkainan

    Actually kahit walang signs dapar common sense yun e

    ReplyDelete
  15. True naman. Nakakbuwisit naman talaga pag pumupunta ka sa beach tapos ang daming basura. Yung iba yung parents pa ang nagtuturo sa mga anak na sa dagat itapon ang basura.

    ReplyDelete
  16. Tama sya. And sana din pag may nakita tayong nagkakalat na tao. Sitahin natin! Wag natin hayaan na maging forever silang ganun! Magtulungan tayo para sa kalikasan. :)

    ReplyDelete
  17. It all boils down to DISCIPLINE... at hindi ito makukuha sa kahit kanino man. Nasa bawat Pilipino yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Karamihan talaga sa ma pinoy walang disiplina. Nakaka lungkot isipin, pati mga kabataan ngayon ganon din. Pano yon kasi an nakikita nilang ginagawa ng nakakatanda nila si yon na rin ang akala nilang tama.

      Delete