Ambient Masthead tags

Thursday, March 3, 2016

FB Scoop: Netizen Claims Death Came for Those Who Criticized a Church, Asks Who Will be Next


Images courtesy of facebook: Ka Gab Babasa

121 comments:

  1. Parang kulto naman. Hayyy grabe bahala na ang diyos sa kanila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree baks mejo ang creepy na nila :(

      Delete
    2. so pinarusahan sila ng Diyos? ha ha ha.. ang Diyos hindi nagpaparusa. hindi SYA gumaganti.. Actually hinahayaan pa nyang magtagal buhay ng mga masasamang tao para matuto at magbago hindi para patayin.. Eng lang ng INC

      Delete
    3. Sino siya para bigyan ng meaning ang pagkamatay ng tao?

      Delete
    4. This is too much! Nakakatakot na ang mga ganitong bagay ay nababasa ng mga kabataan. Nasobrahan na sa pagiging malaya sa salita, wala ng iniisip na responsibilidad sa lipunan ang mga ganitong klaseng tao. Grabe lang nakaka lungkot.

      Delete
    5. What a creep. Di ba namatay din founder nyo? Utang na loob! Walang igleng na namatay? Ganern?

      Delete
    6. lol kailangan nila manuod ng Dexter Season 6.

      Delete
    7. Obviously, hindi Diyos ang sinasamba ng mga taga Iglesia kung ganyan sila mag isip. Paghihiganti at pag judge sa mga taong iba ang relihiyon.

      Delete
    8. san nasusulat yang nakaqoute. parang ang weird. grabe sila parang natuwa pa sila sa namatay. may mga tao ako hindi gusto pero hindi ko ikakatuwa if ever mamatay sila. parang ewan lang.

      Delete
  2. Replies
    1. Grabe Diyos nila ha, lakas maka ISIS napatay ng tao.

      Kakatakot pala umanib jan. One wrong move tsugibels

      Delete
  3. Katol pa more.ano to kulto??

    ReplyDelete
  4. Eto ang ayaw ko sa inc eh "PALAGI" nalang feeling nila sila lang ang anak ni God, feeling nila sila lang ang mahal ni God na sila lang ang pinagmamalasakitan ni God. Si God kaya ang mahalin nyo hindi yung parang excitement nyo sa pagkasunog sa amin at pagkaligtas sa inyo. Duhh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kailangan sumanib sa khit anong religion. As long as kinikilala mo ang anak ng Diyos na si Jesus at tinanggap mo sya sa buhay mo as your Lord and savior at willing kang sumunod at mag bago ng mali mong pamumuhay, tanggap ng Diyos Ama sa langit. Ang Diyos para sa lahat na gusto syang maging parte ng buhay nila. Hindi para sa isang religion lang.

      Delete
    2. God is not like that.

      Delete
    3. Same sentiments.. sana hindi sila lahat ganyan. panu nila nasasabi mga ganyang bagay, hindi namn sila ang Diyos. Mga feeling self righteous!

      Delete
  5. Tang@#$$@@@ pati ito kinokonek sa kung anik anik. Kalurksss! Pati yung mga naglike nakakaloka!!! Hahahaha baka ikaw ang isunod ng Diyos

    ReplyDelete
  6. mga KULTO!! yan ba turo sa inyo? ganyan kayo magisip!

    ReplyDelete
  7. Ka Gab, ikaw na raw ang next

    ReplyDelete
  8. kaanib, baka nalimutan mo lahat tayo papanaw din...nauna lang sila.

    ReplyDelete
  9. Iflesia ako pero hindi na ko natutuwa sa post ng post ng laban sa kapwa ang ibang mga kaanib. At hindi dapat pinag uutos ng pamamahala ang mga bagay na magpatrend sa social media at mang bash. Nakakainis na din ung ibang kapatid. Mga hndi nag iisip. Dapat mga ganyan hindi na pinapatulan or isinishare. Magalit na ang ibang kapatid sa pananampalataya pero mag isip din dapat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sarap magbasa ng ganitong comment. Katoliko ako. At kung lahat sna kagaya mo n may respeto sa paniniwala at relihiyon ng iba. Bukas ang mata at isip. Mas masaya ang buhay. Payapa at Tahimik.

      Delete
    2. seryoso? inuutos yan na ipagkalat sa social media?

      Delete
    3. @1:20 Nakakatuwa na may gaya mo pa din na INC na hindi biased sa religion nyo. Understandable naman na ipag laban natin religion natin kaya lang yung iba kasi sa members nyo eh parang di totoong may Diyos dahil sa mga binibitawang salita gaya nyang isang member na yan. Sana maging gaya mo ang iba nyong members para di pinag iinitan mga iglesia ng mga tao. Ang yayabang kasi masyado nung iba. Kung kayo ang totoong kinikilala na anak ng Diyos kailangan ba maging arrogante? Sa tingin ba ng mga inc members na natutuwa ang Diyos sa mayayabang? Diba hindi!

      Delete
    4. Ako man Iglesia din ako. Pag nababasa ko mga post nilang masasama para sa ibang tao, nakakawalang gana sila. Parang uneducated na dating nila hindi na relihiyoso.. hindi kasi tama na mag isip ng masama sa kapwa kasi pare parehas tayong tao. Nakakadiri ugali ng mga ganyan. Kinakahuya ko tuloy na karelihiyon ko sila.. Buti na lang di na ako sumasamba dahil s ganyang nga ugali ng kachurch mo ikaw matitisod. Wala silang hinangad na maganda sa kapwa kundi negative.

      Delete
    5. Salamat at may mga maliliwanag pang mag-isip na tulad ni anon 1:20, katoliko po ako. Maraming Salamat sa patas opinyon mo.

      Delete
    6. Kudos to you.. masaya ako na may mga gaya mo pa rin pala na ginagamit ang sariling pag iisip at di lang nasunod sa utos ng mga namamahala... sana dumami lahi mo..

      Delete
    7. parang kulto pala yung relihiyon ninyo 1.20.
      talagang dinidikta pa pala sa inyo kung anong dapat ninyo i-post sa social media. mag-ingat ka baka parusahan ka sa pag-comment mo dito, kahit pa anonymous ka.

      Delete
    8. I'm a Born Again Christian and di ko din nagustuhan ung pinost ng mamang un, sabi nga ni Lord love one another kahit pa enemies mo eh, hindi ung mag-wish ka ng kapahamakan sa iba. Grabe lang si kuya!

      Delete
    9. may maayos pa pala sa INC! proud kame sa inyo. payo ko lang magsimba kayo sa rehiliyon kung saan makakaramdam kayo na at peace kayo,kahit anu rehiliyon pa yan.

      Delete
    10. FYI hindi po inuutos ng pamamahala ang mga ganyang gawain. Sa tao na yan kung magpopost sya ng ganyan. Wag po judgemental. @Anon 1:20am INC ka ba tlga?? Kelan pinagutos ng pamamahala na mangbash at magpa trend sa social media?? Yung mga kapatid na nagpopost ng ganyan eh sarili nilang desisyon yan dahil na din sa galit na nararamdaman nla sa paguusig sa Iglesia

      Delete
    11. 5:56 So you mean to say naiintindihan mo yang kaanib mo kaya nagagawa nila ang ganyan dahil sa pag uusig sa inyo. Tama ba na pumatol at matuwa sa ikinamatay ng kaaway nyo? Kasi sa relihiyon ng iba tinuturuan sila na mag patawad at wag gaganti. Hayaan ang Diyos ang mag bigay ng kaparusahan pero pansin ko sa religion nyo halos lahat kayo patol ng patol. Di ko naman kayo masisisi pamunuan nyo kasi nagpasimuno nung nag rally kayo sa edsa so kayong mga miyembro ganj din nasa isip dapat pumatol, dapat lumaban. Kala ko ba anak kayo ng Diyos so bakit nilalagay nyo sa mga kamay ninyo ang pakikipag laban? Wala kayong tiwala sa Diyos nyo na sya na ang bahala mag tanggol sa inyo?

      Delete
  10. How arrogant of this loser. FYI ang daming nagmumura sa INC na yumaman pa lalo at buhay na buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lalayo ka pa ano ng ba relugiin nun negatron na LT? #alamna

      Delete
  11. Seriously?? Akala ba ng ka bob na ito sya ang diyos? Yung tita ko namatay kahapon pero wala akong maalala na nilait nya ang iglesia!

    ReplyDelete
  12. Yan na naman ang mga inapi. Di naman nila pinaiiral ang pagmamahal sa Diyos kundi pagmamahal sa relihiyon. masyado na nilang niyuyurakan si Lord. Sa puso at isipan ko, alam kong di Sya nanghuhusga gaya ng mga pastor na to.

    ReplyDelete
  13. Grabe lang toh. Nakita ko toh viral talaga toh sa FB. Grabe sila.

    ReplyDelete
  14. Total b*llsh*t. Like the bible, pinapaikot niyo lang ang mga nangyari para sbihin na kayo ang pinili ng diyos. Lahat naman ng Pilipino nagalit sa ginawa ninyo eh. At most coincidence lang.

    Btw, so sinasabi mo na ang diyos na sinasamba ninyo ay walang awa at pumapatay dahil nahusgahan lang? Hinahatulan agad ng kamatayan?

    ReplyDelete
  15. Mofo religion! Ruins humanity

    ReplyDelete
  16. Eto na naman sila! Ayusin nyo muna problema nyo.

    ReplyDelete
  17. The Kulto strikes again. They twist the words of the Bible according to their own sick fantasies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Feeling righteous talaga sila (hindi ko lalahatin) na sila lang ang nakakinterpret sa Bible at tama ang interpretation nila. Duh, matalinhaga ang Bible kaya were not sure kung tama ang interpretasyon ng bawat isa.

      Delete
  18. Hintay na lang tayo kung sino next.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa! Di ba kayo tinuturuan sa pag samba nyo na magpatawad? Pag hahangad na sa kamatayan ng kapwa ang tinuturo sa inyo? Mabuti pa pala atheist sa inyo! Wala silang kinikilalang diyos pero di sila nag hahangad ng mamatay ang kapwa. Grabe ang plastic tuloy ng tingin ko sa religion nyo dahil sa mga gaya nitong si Gab Babasa. Hypocrite ang dating!

      Delete
  19. kung sino kamang nag post ka, mamayapa ka din. tandaan mo yan

    ReplyDelete
  20. Ay grabe wag naman ganyan, sa simula't sa huli, ang Diyos lang ang huhusga sa atin, mali na magconclude ng ganyan...

    Nakakakilabot naman na gamitin pa ang mga pagbasa sa ganitong paraan, na kakikitaan ng galit, pagmamaliit sa kapuwa

    Dapat sa mga nakapag-aral, oo sige, dapat magbahagi kayo at ikalat ang mabuting aral, pero kung hindi mo makuha ang gusto ninyong mangyari, huwag naman darating sa punto na itataas ang tingin sa sarili at pang-uuyam na ang ibibigay sa mga hindi tatanggap


    Nagmamahal, Elphaba

    ReplyDelete
  21. Ay grabe 'to. Di pa pinatawad yung mga namayapa na.

    ReplyDelete
  22. Di po marunong magalit ang Diyos!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teh nagagalit ang Diyos pero nag papatawad din pag sincere yung taong humihingi ng tawad

      Delete
    2. (coughs)how bout the old testament GOd?(coughs)

      Delete
    3. 9:57 that was before Jesus came sobrang strict pa si God ng old testament.

      Delete
    4. 9:39 not true... mas strict ang utos ni Kristo. Dahil puro ukol sa espiritu ang ebanghelyo nya.hindi gaya ng old testament, puro pisikal..ex sa old testament bawal oumatay, sa new testament mapoot ka palang mamamatay tao ka na.

      Delete
  23. Nagkataon lang na na-cardiac arrest si direk eh, ke Catholic ka man or INC or kung ano mang religion ng isang tao, kapag oras mo na , yun na yon.

    ReplyDelete
  24. nagpapabida na naman sila

    ReplyDelete
  25. Cge na kayo na ang pupunta sa langit Kulto ni Manalo!!

    ReplyDelete
  26. Dios ko patawarin mo po sila pagkat hindi nila alam kung ano ang kanilang sinasabi. Nakakatakot na ang ibang relihiyon

    ReplyDelete
  27. ngek..hindi ganyan ang dyos..mapagmahal at mapagpatawag ang dyos..bakit mo ibiblame s dyos ang pagkamatay nila...grabe ha..ganyan b ang turo s INC...every thursday and sunday may church kau..hindi b tinuturo s INC how to love and forgive...puro b condemnation ang gagawin...Jesus is love and grace..and he is mercyful..

    ReplyDelete
  28. Kulto kasi kaya ganyan ang mindset. Pwe!

    ReplyDelete
  29. kulto pa more! katol pa more!

    ReplyDelete
  30. wag mong gamitin ang pangalan ni jesus christ sa mga ka ipokritahan nyo ! kulto kayo. pera at kapangyarihan ang hangad nyo

    ReplyDelete
  31. kaya tayo nagkakagulo eh... nagamit pa pangalan Niya para lang makapagisip ng masama sa kapwa.

    ReplyDelete
  32. Ayan ang ayoko sa ibang members ng iglesia mapag higanti o mapag isip ng ikakasama ng kapwa (di ko nilalahat ok!) Ang sabi sa biblia pag sinampal ka sa isang pingi mo, ibigay mo ang kabila. Matthew 5:39 The Lord Jesus is teaching non-retaliation. A true followe of Jesus is not to seek revenge when harm is done to him. Yaan ang kulang sa relihiyon ng iglesia. Ang turuan ang members na wag na patulan ang mga bumabatikos sa kanila. Dahil may Diyos naman na bahala ng magparusa sa dapat parusahan no need na ipamuka kasi nagiging disgrace lang sila sa church nila.

    ReplyDelete
  33. Kung si Ely Soriano na mortal na kaaway ng INC buhay pa kaya magtigil kau!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Oo nga naman buhay pa ang Ely Soriano. Kasi si Ely dating iglesia so alam nya paano kokontrahin ang kulam ng kulto ni Ka Gab Babasa. Di tumatalab kay Ely kaya ayan buhay pa sya.

      Delete
    2. Ang masamang damo daw kc mahirap mamamatay. Hahaha!

      Delete
    3. Hahaha.. natawa naman ako dito
      . Oo nga naman.. itong INC kasi akala sila ang bukod tanging pinagpala ..

      Delete
    4. nadale mo baks

      Delete
  34. Ay! Baka naman kayo pumatay sa kanila dahil sa pagyurak kuno sa relihiyon nyo, parang kay nostradamus may nakabasa ng mga predictions niya tapos isinabuhay simple lang di ba?.

    ReplyDelete
  35. Ito share ko lang nasabi sa akin ng isang minsitro na umaakay sa akin na mag iglesia ako. Kahit daw basahin ko sa bibliya mahahanap ko daw ang religion nila na Iglesia ni cristo (church of christ) sa bible. Nasa bible daw ang religion nila. Nakakatawa lang kasi sino ba naunang lumitaw dito sa mundo? Ang Bible or si Felix Manalo? Natural nabasa ni Felix Manalo sa bible na ang salitang Church of Christ (iglesia ni cristo) at yun ang ipinangalan nya sa religion nila at yung mga dinodoktrinahan naman napapaniwala nila kasi nakasulat nga sa bible ang Church of Christ (iglesia ni cristo) so common sense naman mga kapatid. Ito na lang isipin nyo sino nauna sa mundo? Ang biblia ba or ang founder nyo?

    ReplyDelete
  36. Pag pasensyahan na at nag ibang kaanibi nila kasi puro galing baryo kaya nauuto nila at napapaniwala ng kung ano-ano. Gaya nyan si ka Gab na yan parang walang utak sa mga pinag sasabi.

    ReplyDelete
  37. Yung kapamilya ng bf ko (iglesia sila, ako hindi) lahat ng kamalasan na nangyayare sa pamilya nila sinisisi sakin dahil daw nagagalit daw ang Diyos sa pakikipag relasyon sakin nung bf ko. Pati pagkakasakit ng isa sa pamilya nila ako sinisisi. Hala. Ako ba lumaklak ng sandamakmak na cholesterol at ako ang sinisisi kung bat hinighblood. Baka pag namatay ako magpa-party yun

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha true ka baks ganyan nga ang ugali nila!

      Delete
  38. Haha!lahat naman ng tao mamamatay.kaloka tong mga taong ito,kristyano pa yan sa lagay na yan huh.
    Out of esrimated 4,200 religion sa mundo paano naging tama ang paniniwala nila? Lol

    ReplyDelete
  39. Patay! So mga INA lang pala ang matitira dito sa mundo!? Minsan talaga kung sino pa ang mga relihiyoso sila pa ito ang may mali sa paniniwala.

    ReplyDelete
  40. Tsk tsk. Mukhang nakalimutan niyo na ang aral na huwag maging palalo. Kung nakikinig kayong mabuti sa mga leksiyon noon, alam niyo dapat iyon. Huwag kayong ganyan. Bakit kayo nagkaganyan? Parang sa loob ng sampung taon, ang laki ng pagbabago ng karamihan sa inyo. Payo ko sa inyo, gamitin niyo ng maayos ang inyong mga bibig at dila. Huwag niyong gamitin sa pang-aalipusta ang ginagamit niyong pampuri sa Diyos. Inaawit niyo pa mandin iyan, liban na lang kung inalis na ang awit na ito sa hymnario --- dating handog na INC

    ReplyDelete
  41. OO na! sige na magsiksikan na kayo sa langit! sa inyo na ang heaven! kayo lang maliligtas sige na! kami lahat sa imyerno, ang tutuwid nyo eh!

    ReplyDelete
  42. OMG, nakita ko mga comments sa FB nya, ang babastos hindi na ginalang ang namatay and their families, natatawa pa sila sa pagkamatay ni Direk, anong klaseng religion meron yan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan talaga pag ang paniniwala mo napupunta sa maling landas ng di mo namamalayan. akala mo tama pero mali na sa paningin ng iba.

      Delete
    2. Respeto kahit hindi na sa relihiyon kundi sa kapwa tao.

      Delete
  43. Maniniwala ako syo kung di pa nangamatay ang mga pinuno nyu!..at kung ikaw ay di rin mamamatay!...yan ang iminulat s kanila pg sumalungat ka sa kanilang kulto!

    ReplyDelete
  44. Tseeeeehh! Mahiya ka nga sa sinasabi mo.
    Thats why I don't believe in organized religion,
    Everyone's caliming they are the supreme blah blah blah and blah blah blah.

    No I don't belong to any of your so called religion.

    ReplyDelete
  45. INC ako pero nahihiya ako para sa makitid na utak ng taong to... mas lalo lang sasama paningin ng tao sa inc dahil sa mga taong wala nang bait sa kapwa gaya ni ka gab

    ReplyDelete
  46. Sa dinami-dami ng relihiyon sa mundo, iisa lamang ang lumikha sa ating lahat. So please lang po kahit ibat-iba tayo ng paniniwala, tama na ang paninira. No religion is better than the other. Iisa lang ang ating pinagmulan.

    ReplyDelete
  47. Ang mga taong me utak nga pero di gumagana!..iisa lng ang gamit nilng utak..pinuno nila!

    ReplyDelete
  48. Nakit andami namang INC members na namatay due to cardiac arrest dito sa hospital- nurse po ako

    ReplyDelete
  49. Wow na wow.. Hoy itigil nyo yang mga kalokohan nyo,kung mkapagsalita parang pag aari nyo ang mundo, tapos sasabihin nyo nanaman kmi lang ang maliligtas, itigil nyo na ang pag ka kulto nyo, mga buang. Dinamay nyo pa ang dios mhiya naman kayo. Magulo na yang kulto nyo mg gaganyan pa kayo, godbless nalang sa inyong lahat.

    ReplyDelete
  50. My sister once attended to one of INC's masses out of curiosity. During the sermon, she couldn't believe what she was hearing kasi daw it was mostly about bad-mouthing other religions and many more condescending teachings about people who are non-INC followers. She was fuming mad so she walked-out halfway through the mass and slammed the door. Mind you, my sister is a veerrryyy patient person like as in sobra, and for her to lose her patience that quick, it only means talagang something must be terribly wrong about that whole experience.

    ReplyDelete
  51. Ang daming galit sa pinag gagawa nyo, na abala nyo pa ang mga tao dahil sa pinag gagawa nyo welga2 sa edsa.. Tapos kayo pa yong magagalit, ang galing din ano? Edi sana marami na sanang namamatay ngayon sa sobrang daming galit at ng labas ng mga hinaing sa inyo.. Pwe..

    ReplyDelete
  52. susme yan ba ang tinuturo ng kulto nyo?

    ReplyDelete
  53. May nabasa ako sabi ng isang member ng INC basahin daw natin ang romans 12:19 kasi un ang pinanghahawakan nila sa mga nangaaway sa kanila e di ako binasa ko, ang sabi nga dont try na magrevenge kasi si God na daw ang bahala pero parang hanggang dun lang ata ang bible nila dahil sa romans 12:20-21 sinasabi na kung inaaway ka dapat palitan mo ng kabutihan. Dont be defeated by evil but Defeat evil with good.

    Hmm anyare??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe ayun nga.....sabihin mo itutuloy lang sa beinte at beinte uno para maunawa ang diwa.

      Delete
  54. Hnd ako natuwa dto. Nung kasagsagan ng prob nila hnd ako nagcomment or naglike man lng sa mga post against sa knila dahil nirerespeto k mga kaibigan kung inc. sana magtigil na to sa pagpopost ng ganito dahil naniniwala ako Dios lng makkpagsabi kung kailan ang oras ng isang tao noh!

    ReplyDelete
  55. sarap salinan ng dugo ng baboy ang mga kultong to. kaloka sila

    ReplyDelete
  56. Lahat ng tao mamamatay at some point. Kaya ba niyang di mawala sa mundong ito? Sheesh, naman. Di naman masasama lang ang namamatay... Mag-isip-isip naman...

    ReplyDelete
  57. Ganyan sila, sila mahilig maghamon at makipagdebate pero pag sila na yung inaatake sigurado sa impyerno ka na pupulutin.

    ReplyDelete
  58. Kapal dinamay mo pa ang Diyos. Unlike you, God is forgiving. Grabe ka naman. Nag pa verse verse ka pa, kayo lang ba yung may tunay na relihiyon. Maraming relihiyon hindi lang kayo. Kapal. I just hate people saying bad stuff on dead people. Patay na nga eh kung ano ano pa sinasabi. Sa tingin mo mataas ang tingin ni God sa yo dahil nag post ka ng verse ng bible. Nope, pantay pantay lang tayo. Kung anomg nangyari sa kanila, mangyayari din sa atin yun. Kung bumalik sila sa abo, pupunta rin tayo. Sorry sa pot ko, naiinis lang talaga ako sa mga tao na nagsasami karma, na tama lang na mangyari sa kanila yun. Nakakabwisit, tingin nila mas mataas sila dahil araw araw "raw" sila nagsisimba. Alam ng Diyos kung ano ka, kung mabait ka o hidi. Karma karma ka dyan, karmahin mo mukha mo at magsama kayo.

    ReplyDelete
  59. Lahat po tayo mamamatay sa huli so anong logic nya?

    ReplyDelete
  60. so, ibig sabihin walang namamatay na mga INC? mga immortal lang sila. Kakatawa tong ibang member ng INC, mga walang isip. Huwag nyo idamay ang Diyos sa kalokohan nyo.

    ReplyDelete
  61. Naku, hindi ganyan ang pananaw ng lahat ng kapatid. Ito ang mga nagpapasira sa pangalan ng INC.

    ReplyDelete
  62. Inc ako, di ako naniniwala inc yang ka gab na yan. Ipinag uutos samen na wag magsalita/patulan ang mga umaapi sa inc kundi manahimik lang. Kaya im sure di talaga inc yan mga beks.

    ReplyDelete
  63. God is a loving and merciful God. HE wouldn't want anything bad that may happen to HIS people. May God bless the soul of this righteous person...

    ReplyDelete
  64. HIndi Diyos ang INC. kaya wala kayo karapatang humusga khit sino.

    ReplyDelete
  65. So these people think that death is a punishment from God?!

    ReplyDelete
  66. Grabe naman tong Ka Gab Babasa!

    ReplyDelete
  67. Isa lang yang nagpost. Wag igeneralize. At paki imbestigahan muna kung INC talaga yan. Baka ginagamit lang ang name INC to put it in a bad light. Hayyy..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me teh! Karamihan sa inyo ganyan! May kilala ako may tungkulin pa at ang kapatid eh Diakono at ang nanay diakonesa pero halos araw araw may kaaway sa FB nya dun panay parinig sa mga ka officemates nyang di nya makasundo. Tsaka sanay na kami sa mga kaanib nyo na mapag mataas, diba nga lagi nyo pinamumuka sa mga hindi iglesia na masusunog kami at kayo lang ang maliligtas! Wag kang mag deny dyan alam mong paborito ng ministro nyo ituro sa inyo yan kaya ang iba sa inyo eh arrogante!

      Delete
    2. 12:55 Mas haaay ka! Wag mo pag tagpan ang ka member ninyo but instead pag sabihan mo sya para malaman nyang kayabangan na yan hirit nya

      Delete
  68. Swerte nga nila namayapa na sila. Ibig sabihin nun tapos na ang misyon nila dito at kelangan na sila sa kabila. Eh ikaw? Saan ka kaya mapupunta? Kung buhay si Ka-Erano ikahihiya niya ang mga miyembro tulad mo. Masyado ng baluktot ang mga nasa isip nitong mga to. Hindi yan ang turo.

    - hindi INC pero madaming INC friends na hindi ganyan mag-isip

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree with you - INC pero hindi agree sa mga panatiko

      Delete
  69. Brader, hindi pa ba sapat ang kahihiyan ng relihiyon ninyo at dinadagdagan mo pa? Sabihin naten na for the sake of argument ay maliligtas nga kayo,hindi ba mas dapat kang magpakita ng pagibig para mahikayat mo ang kapwa na umanib?nakakahikayat kase ang paraan ng pamumuhay hindi ba? Imbis na mabuting halimbawa at lagmamahal sa kapwa ang makita sayo, kabaligtaran e lalo tuloy ayaw umanib sa inyo.

    ReplyDelete
  70. i don't believe in vindictive God. We are all equally loved regardless of what mistakes me made.

    ReplyDelete
  71. Hndi yan ang turo ng Dyos sa atin.. His instructions are to love, serve and honor one another.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree! Sana lahat ng religion ganyan ang ituro sa members nila para kahit iba iba tayo ng religion may respeto tayo sa isat-isa. Para kasi sa INC kailangan maging member muna bago kilalanin ng Diyos bilang anak nya. Sa old testament yun belief nilang yun, mga israelites. Nung dumating si Jesus Christ kung sino ang tumaggap sa kanya bilang Lord and savior and ma-baptised in his name tanggap sya ng Diyos. Akala kasi ng mga INC basta't member ka na ligtas ka na kahit anong gawin mong kasalanan. Yun ang sana i-clear ng ministro nila na hindi natutuwa ang Diyos at hindi ka din maliligtas kung patuloy kang magkakasala sa kanya kahit Iglesia ka pa.

      Delete
  72. Pasensya na po sa lahat ng na offend. Hindi po ganyan ang turo o doktrina sa INC

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...