Ambient Masthead tags

Saturday, February 20, 2016

Tweet Scoop: Ryan Chua and Mark Cojuangco Discuss Views on Homosexuality and Choices in a Series of Tweets













Images courtesy of Twitter: ryan_chua

148 comments:

  1. Aware nmn sila na walang katapusang debate yang topic na yan. Feeling ko lang ha, naglalandian lang sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I don't think so. I can see Ryan's nose flaring like those of the dragon's bwahaha

      -Mother Bear

      Delete
    2. Here is something to think about: LIBERTE , EGALITE , FRATERNITE.
      This is the motto or battle cry of the Masons whenever they orchestrate a revolution to overthrow or lessen the powers of absolute Monarchs....They did this first in UK by introducing Magna Carta and Bill of Rights (1200-1300), American Revolution getting rid of the Indian owners introducing the illuminati thru Adam Weishaupt Europe (1776), French Revolution taking out King Louis xvi (1800s), Philippines and Russia taking out Spain, taking out the Tsar (1890-1904), First World War taking out most Monarchs in Europe, 2nd Wordl War taking out Monarchs in Germany and Japan and all other places and having a hold on them like Saudi, Brunei, UK, etc. Year 2000 and the present The Cultural Revolution: LGBT MOVEMENT, ATHEIST, FEMINIST, VEGANIST, FREE THINKERS ---- BATTLECRY IS EQUALITY , FREEDOM OF EXPRESSION , SOLIDARITY...


      FREEDOM , EQUALITY , FRATERNITY ±±±±±±±± BATTLE CRY OF SATAN AND HIS DEMONS WHO REBELLED AGAINST GOD AND REJECTS JESUS AS KING AND SON OF GOD!

      IF ANY OF YOU DIDNT SEE A PATTERN THEN MAYBE YOU ARE UNDER THE GUISE OF SATANS GOODNESS IN THIS WORLD.

      Delete
    3. Mahirap talaga if you dont like to admit that gay is a sin. Coz lahat ng kaisipan e iisipin mo to defend your actions. You cant decide if its inborn or a choice coz both has flaws eh hindi mo madedefend. So theyll use the Bible mismo and claim the love that is being preach there without acknowledging that kabaklaan is a sin or sickness.... Inborn cannot be coz Man and Woman in the human species Bible or Natural Law or Science. Choice would only affirm that they deviate from what is normal. So the safe side would be "i dont know why im like this" which we know we are lying to our self if we say that...

      Delete
    4. Hindi nyo Kasi nararanasan o pinagdadaanan kaya madali Lang para sa mga taong sabihin na it's a choice, wala kayong Alam Kung bakit namin dinadaanan Ito. Hindi ko ginusto Ito dahil sobrang emotionally draining. Wala akong mapagsabihan Kung ano ako Kasi Alam ko Ang takbo ng Utak ng mga Tao. Kaya hayan sinasarili ko na Lang kahit piling ko minsan sasabog na Lang Ang Utak at puso ko. Kung Alam nyo Lang!

      Delete
    5. It starts with curiosity then nagustuhan then hahanaphanapin then eencourage ang iba.... even if sabihin mong inborn pag narinig mo sa science and natural law and Bible na MALI AT KASALANAN yun ano magiging reaction? "Hindi naman lahat sa Bible totoo, Me discoveries na ang science na species with homosexual tendencies exists, Gawa lang din naman ng tao ang Bible, Bakit wala bang karapatang lumigaya mga tulad namin?, Pantay pantay dapat ang pagtingin nasa Bible naman yun ah, Kung ang Diyos nga nagmamahal kami pang mga nilikha niya, Kulang ang Bible dapat Adam and Steve!" ilan lang ito sa mga defense pero never they will admit na its a sin maybe ayaw nilang lumabas o aminin sa sarili nila na masama ginawa nila and thats more dangerous! Sana ganun lang nga at hindi sila rebellious lang.

      Delete
    6. @1:48 nasa Islam din kaya yang motto na yan!

      Delete
    7. I know 2:28. Coz it's a sin. Andun yung struggle like me Hindi nga Lang TULAD ng sa Iyo struggle ko pero is still also sinful! Pero I don't announce it to the world to be accepted and encourage others to do it pa. Coz announcing it and getting sympathy is just justifying it and just loving the attention. Usually ang tingin nga nila jan is sickness coz yung parang nagkaron ng trauma yung brain maybe sa na experience sa womb baka naalog or bad sexual experience sa childhood or sa accident. There is this case kasi na football player na NAINJURE yung brain and after ng operation ang tingin at feeling niya na sa sarili niya is babae siya. Search niyo yun. You need to have a self acceptance na you have feelings like that but you also have to seek Gods grace to overcome it and ask for forgiveness din. And try to find people who use to be gays but discover the grace of God instead of going with people who will encourage you to do what they have been doing.

      Delete
    8. My brother is gay. Nung una talaga di niya din matanggap, nag girlfriend pa siya and all, he is the only gay in my mom's side of the family and talagang at alam niya di yun matatanggap ng iba. I knew his struggle, sometimes he would even breakdown and ask me bakit siya gay, ayaw niya... but at the end of the day he is unhappy sa mga pagpapanggap niya. He is now 26 and only me and my other sister knows. We love him and we want him to be happy, so we accept him for who he is.

      Delete
    9. SISIHIN LAHAT NG STRAIGHT COUPLE NA NAG-ANAK NG BAKLA. SILA NAMAN NAGPO-PRODUCE NG MGA BAKLA. E MGA BAKLA DI NGA MAGKA-ANAK PERO DUMADAMI SILA. HAHA.

      Delete
    10. Ang sosyal nilang magdebate? Ganyan dapat. You will not hear hurtful words.

      Delete
    11. matakot na lang sa Diyos at Karma

      Delete
  2. nang haharass na si kuya... Palibhasa di alam ng mga to ang hirap ng pagiging bading sa heterosexual environment... it's very depressing. kaya maraming bading ang nagpapakamatay... less guidance more judgement.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo girl ako at nakikita kong nahihirapan ang mga kakilala kong gay sa maraming bagay lalo na sa issue na to at nasasaktan ako for them. Bakit ang ibang tao ok lang sa kanila na manakit dahil lang sa pagiging gay ng isang tao? Tapos sasabihin pa nila na utos ng Diyos.

      Delete
    2. Wait, what?! Sinong nanghaharass? The commenter? Si Ryan? Wala along nakitang harassment. Ang nakita ko lang at two intelligent having a sound argument which still ended up in agreeing to disagreement.

      Dude, wag masyadong pairalin ang emotion sa lahat ng bagay. Making rational sa mga sinasabi

      Delete
    3. Wala naman problema kung bakla ka as a person. Kung gusto lalaki, maging babae, etc. Ang kinokondena ay KUNG gumawa ka ng isang bagay na naayon sa pagiging bakla mo. The ACT is condemned not the person. Kaya kung mag-asawa ang 2 bakla, 2 tomboy, YUN ang kinokondena.

      Delete
  3. mark cojuangco is correct. in a way its not just inborn, some were influence by the ppol ur around with.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The age old question of Nature vs. Nurture.

      Delete
    2. May mga ibang nagiging tomboy at bakla lang dahil walang pumapatol sa kanila

      Delete
    3. Agree. I went to an all-girls school and since everybody is doing it and it is considered normal, you get into it as well. Happened to me. After HS hetero na ulit, lol. But for some, it sticks with them. I heard ganun din sa ibang all-boys.

      Delete
    4. @1.08 you mean like Charice?

      Delete
    5. Pag nawala yung gay influence, nawawala ang pagiging gay ng tao?

      Delete
    6. True 1:08 kaya nga madaming lesbians na pag niligawan nagpapakababae na bigla.

      Delete
    7. Pano niyo nalaman? Bakla/tomboy ba kayo na naimpluwensyahan lang?

      Delete
    8. Uso ang lesbian sa mga exclusive school for girls. Once na mag college/university na sila biglang nagiging girls na ulit. So hindi lahat inborn.

      Delete
    9. Wow. Sino naman nagkwento sainyo yan 1:08 & 1:21? ang husay naman ng reasoning nyo.. Clap Clap Clap

      #mema

      Delete
    10. 1:17 possible! See 1:47's comment.

      Delete
    11. I so agree with you 1:47. I remember when I was in HS, a pretty lesbian courted me. And I nearly fell for her since she's mabait and pretty. Then few years back, I saw her again and she already has a boyfriend. Hehe is it safe to say that it is part of growing up? Yung ganung stage

      Delete
    12. I second 1:12..same happened to me...after college, back to boys..married with kids na ko, as well as may then girlfriend...

      Delete
    13. Kung ibabase natin sa Erik Erikson psychosocial theory NASA identity vs role confusion stage yung mga teenager. Kahit ano gagawinnnila hanggang sa may identity na magclickbsa kanila. Kaya siguro may mga nagiging gay/lesbian sa mga teenagers tapos paglaki hetero na

      Delete
    14. Tama ka jan. Walang inborn na bading. Ingluence yan ng nasa paligid ng isa tao or kung pano sya nanurture.

      Delete
    15. Had girlfriends during hs.all girls din.pero im married na with 1kid and another 1 on the way.pero alam ko sa sarili ko na kung wala ako asawa at anak baka nakailan girlfriend/boyfriend ako.baka dahil naexpose ako sa ganun or nalaman ko na okay lang pala ung babae sa babae kaya lumabas ung bisexuality na inborn saken.pero opinion ko lang naman to.

      Delete
    16. Ang tawag don BISEXUAL duh?!

      Delete
  4. Kung gusto may paraan :) papasukin ang diyos sa buhay read bible and ask for his guidance.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinasabi mo ba na walang Diyos sa buhay ng LGBT?

      Delete
    2. I DO NOT READ THE BIBLE BECAUSE I AM NOT A CHRISTIAN. HAHAHA.

      PANO KAPAG MUSLIM OR JEW OR HINDU? MAGBABASA PA RIN NG BIBLE?

      Delete
    3. Ang muslim meron koran counterpart ng bible natin.ang ibang religion meron din.

      Hindi mababago ng bible ang sexuality ng isang tao. Heard of gay priests.

      Delete
  5. Ask ko lang bakit may mga tomboy o bakla bumabalik sa normal? Dahil ung kaibigan ko bakla dati pero nung may nakilalang girl na inlove sya ngaun may anak na sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bisexual ang tawag dun.

      Delete
    2. trust me. they are still GAY or at least, Bisexual.

      Delete
  6. anu to si mark? sa lahat ng bakla at tomboy na kakilala ko pinanganak na silang ganun. meron pa ngang masasabi ko nasa lahi(why dahil marami silang ganun sa pamilya). i guess may iba tao lang talaga andun na from the start pero wala nagtitrigger para maging homo sila. like my friend na nagkabf pa nung HS pero dahil sa pinsan ko lumabas ung pagiging lesbian nya, na from the start i guess idenedeny nya sa sarili nya. parang may identity crisis pa sya. maybe un ang gusto sabihin ni mark.

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Mas shunga ka kasi wala kang alam pero nag mamaganda ka dyan. Yung friend ko ang tagal na lesbo since gradeschool pero ngayon nanay na at may asawa. Galing sa exclusive for girls na school kaya nainfluence ng mga lesbo dun at yung pinsan ko naman na nainfluence din ng mga classmates pero nagka bf for a while nung nag college pero nung tumaba at wala ng nang ligaw bumalik na lang sa pagka tibo.

      Delete
    2. ^2:52 AM-you don't even know the difference between, LESBIAN, BISEXUAL & TRANSGENDER? Remember, that's LGBT, 4 letters, not just gay & lesbian, inbetween those there are still nonbinary genders. Please educate yourself before name calling.

      Delete
    3. 2:52 - TONGUE AWE! MAY TINATAWAG NA BISEXUAL. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! KABOWBOW HUN NG MGA TAO. KALOW KA!

      Delete
    4. just because nagka gf ka sa hs na babae eh tomboy ka na. peer pressure.. uso.. experiment.. being gay goes beyond physical attraction. physical interaction. just because you were with someone of the same gender once eh gay ka na. now if you desire both genders and swing both ways, bisexual tawag dun.

      Delete
  8. Parehong may point. Talino ni ryan

    ReplyDelete
  9. Ang dming tnong niya kay chuabtas ang ending d nman pla mannwla juskels. Shungels lang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero i respect both of them. Yan ang mga edukado. Kahit hindi kumbinsido c mark hindi naman nya binastos c ryan. Ganyan kc mga barako kahit kapatid ko pinapaliwanagan ko pero hindi nya matanggap ang mga bakla.

      Delete
  10. My opinion on this: If ever na magkaroon ako ng anak na mag-manifest ng homosexuality symptoms. I won't encourage it as long as i am the one that provides for them (food, clothing,house). But once he/she reached her legal age. They can do anything they want.

    Ang problema kasi sa society ngayon kapag ang batang lalaki gusto ng manika or ang batang babae gusto ng toy car. Or sabihin lang nila na they are opposite of what their gender is. The parents are so quick to judge na homosexual agad. Binibilihad agad ng hormones. Paano kung phase lang pala yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga parents din na tuwang tuwa pag binihisan ng pang girl 'yng anak na lalaki, gingawang katuwaan.

      Delete
    2. Agree. Meron nga akong nakasabayan sa counter sa grocery. This young girl is choosing among the Kinder Joy eggs, diba may For Boys and For Girls. Then the girl behind me gave her the KJ For Girls sabay sabi, "Eto bilhin mo. This is for girls." And I was like, who the hell are you to tell the girl what to choose? Kairita lang

      Delete
    3. Baka naman nanay nya o kapatid nya. Mas nakakainis ka kasi nakikialam ka sa buhay nila.

      Delete
    4. 1:04 THIS!

      May mga kilala ako, maliit pa lang support na agad ng magulang, babae ang anak hindi binibilan ng dress. Hindi pinahahaba ang buhok, puro panlalaki ang toys.

      Kaya ka nga magulang. Para itama ang anak. Gabayan. Hindi yung iniri mong babae tapos gagawin mong lalaki.

      Delete
  11. Mas pabor ako kay Ryan Chua. Kaya andami nang hindi lumalabas sa closet dahil sa mapanghusgang lipunan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. CHREW. PARANG IKAW. KAYA MAG-OUT KA NA DIN. GAMITIN MO NA REAL PIC MO.

      Delete
  12. So dahil ipinipilit ni Ryan Chua na inborn ang pagiging homosexual. Open siya sa possibility na homosexuality is chemical/ hormonal imbalance. Na it's a DNA thing?

    ReplyDelete
    Replies
    1. may it be chemical or hormonal, it doesn't matter. tama na ang pahirap sa mga LGBT lalo na ang mga dumadaan sa identity crisis na iparamdam sa kanila na abnormal sila.

      Delete
    2. Maybe because it is based on his own experience. Yung iba kasi dumaan muna sa identity crisis. Dahil sinabi ng society na girl/boy ka dapat magpaka girl/boy ka pero once na nagkaroon influece, it could trigger what he/she really feels inside. Kung baga gay na talaga siya pero di nya lang mailabas kasi naguguluhan pa. Just look at Caitlyn Jenner. It took him years to come out. He even married twice and produced children but in the end na realized nya who she really is.

      Delete
  13. He is gay because he accepted it, he embraced it. It is his decision to be one. CHOICE nyang maging ganun. Yun yung pinili nya. Tas sabihin nyang " It wa NOT my choice". Duh! Hello?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. You mean you can choose to be gay? Try mo nga for a day, or kahit for an hour, to be sexually aroused by the most gorgeous person of your same sex? Update us kung kinaya ng powers mo.

      Delete
    2. Same thoughts here. IT IS A CHOICE.

      Delete
    3. To a certain agree, everything is a choice.

      Delete
    4. Choice naman talaga kung gusto mo maging isa. Ang isang bakla sa unang Hindi pa segurado sa identity niya, pag ipinaglaban na lalaki siya magagawa niya. Matters of self control at will power lang yun. Pero kung gusto mong magpadala sa damdamin mo, lalong lalala at tuluyan ka ng imaging bakla talaga. Marami akong kilalang ladlad na bakla dati na tumino at naging lalaki dahil sa salita ng Diyos. Makakaya kung gugustuhing magbago. Walang hindi makakaya kung kasama mo SIYA dahil tutulungan ka NIYA.

      Delete
    5. To those who think it's a choice. You are all straight and bigots! Simple logic comprehension is what you are all deprived of.

      Delete
    6. being a gay is not a choice, embracing your gender is. sana makatulong magpaliwanag sa pagkakaiba.

      Delete
    7. No he didn't. He didnt choose to be gay. He is already gay from the beginning but he chose not to conform to what society told him to be. Caitlyn Jenner is gay, but he didnt choose to act like it at first because she is afraid of the stigma and discrimination. After many years, she made her choice to be who sho really is. Malinaw na ba????

      Delete
    8. SEXUALITY IS NOT A CHOICE; LIFESTYLE IS. KUNG BAKLA KA, BAKLA KA NA TALAGA FOREVER. PERO KUNG GUSTO MO NG LIFESTYLE NA HINDI ANGKOP SA SEXUALITY MO, YOU CAN DO SO. MGA TONGUE AWE!

      Delete
    9. Hindi nya pinili maging bakla, he chose to embrace it. Hindi katulad ng iba na kuntodo deny at tago kasi mas mahirap naman talagang mamuhay pag gay ka lalo na at ang norm ng society natin ay heterosexuality. Bakit, pag pinili ba nyang mag tago o ideny na gay sya, hindi na sya gay? Parang ikaw, kung ang mahal mo sa letter a, kahit tanggihan mo so letter a at piliin si letter b, the reality is, ang mahal mo si letter a. Ganon yun. Kahit piliin mong magpaka straight kung sa core mo gay ka, gay ka parin. Ang pagiging gay part ng identity, hindi lang basta lifestyle choice o preference.

      Delete
    10. Hindi ninyo alam un pakiramdam ng confused kasi ipinanganak kayong ayon sa norm ng society. Pano un mga batang bading at tomboy na nagiisip bakit di ako tulad nila na nagkakagusto sa opposite sex. Iba iba ang influence ng sexuality. Hindi mo pwede ikahon sa ideas lang ni ryan at mark.

      Delete
  14. HOMOSEXUALITY is either inborn or acquired. I agree with Mark Cojuangco. Puro beki ang barkada ko. I should know pano sila naging bakla. May isa akong friend na naging bakla xa dahil sexually abused xa nung bata xa.

    ReplyDelete
  15. usapang mayaman, ganyan pala mgsagutan mga alta!

    ReplyDelete
    Replies
    1. KAHIYANG SUMALI DI BA? ANG CLASS LANG NG DISCUSSION NILA.

      Delete
  16. Mark Cojuangco could not even answer the question, "Why Am I gay?".... FYI people. Kung nalulunasan lang ng gamot ang pagiging LGBT, eh sana matagal na namin ginawa ang lumaklak ng sangkaterbang gamot dahil sa totoo lang mahirap maging bakla sa mundong mapanghusga. Ang pagiging bakla ay natural na nararamdaman at hindi pinipilit. Hindi po ito isang kasanayan na natututunan. Kung problema po sa inyo ang pagiging bakla nami, hindi po namin kayo pinipilit na bigyan kami ng halaga o atensyon. Gaya ninyo tinuruan din kami ng asal ng aming magulang at isa doon ay rumespeto sa kapwa. Higit sa lahat, alam namin may Diyos kaming pinaniniwalaan na MAHAL KAMI at hindi kami hinuhusgan tulad ng aming lipunang ginagalawan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This one I will agree. Hindi nyo Lang Alam Kung gaano kahirap Labanan Ang pagiging homo. Sobrang Hirap Kasi Alam mo na bawal, Masama, nakakahiya, tapos kukutyain ka pa ng mga tao dahil sa pagkatao na Hindi mo naman pinili. Kahit hanggang Ngayon, ako sa sarili ko tinatanong ko Ang sarili ko bakit ganito Ang nararamdaman ko dahil Hindi ko naman Ito ginusto Pero bakit ko nararamdaman? Hanggang Ngayon Hindi ako Masaya sa Buhay ko Kasi mas pinili ko na Lang Magisa Kaysa ipaglaban yung Isang taong mahal ko dahil ayokong harapin Ang Buhay na mapanghusga. Kaya bilib ako sa mga bakla o tomboy na lumalantad para ipakilala kung ano sila Kasi ako kahit kailan Hindi ko magagawa yun dahil ayokong kutyain ng mga Tao. Sana lahat ng Tao open minded para sa mga kagaya namin, Kasi Hindi nyo Lang Alam Kung ano pinagdadaanan ng bawal isa sa Amin. Dumating din ako sa point na Sinasabi ko sa Diyos na sa susunod na life ko sa Mundo sana Hindi na ako ganito, Kasi so rang Hirap.

      Delete
    2. Sana lahat ng bakla tulad mo.

      Delete
    3. Eto fact ito. Mas sincere pa ang makukuhang partner ng isang tomboy kesa sa jowa ng mga bakla. Karamihan sa mga straight na guy na pumapatol sa bading pera ang habol kaya kawawa din mga bakla. Swerte mga tomboy kasi mas maraming babae ang minamahal tlga sila.

      Delete
    4. Baks 2:07 hanga ako sa yo! Tama yang ginagawa mo, tuloy mo lang yan. Love kita dahil kinakaya mong kontrolin, alam ko mahirap, malungkot pero kapit lang at magdasal for strength at all times. As long as hindi ka makikiapid sa kauri mo go lang. Humanap ka ng ibang makapagpaligaya sa yo, isipin mo pamilya mo, lahat ng mahal mo sa buhay. Pwede ring sabihin mo sa kanila ang tunay mong nararamdaman para marelease mo mga hinaing, paghihirap ng damdamin. Wala tayong magagawa kung pusong babae ka dahil tao ka lang pero hanggang diyan ka lang. Magdasal at kapit lang.

      Delete
    5. 2:07 pariho tayo ng situation, lesbian ako pero nsa closet.. Hindi ko alam kung kaya ko bang ipagsigawan kung ano ako, takot ako mhusgahan kaya sinarili ko nalang, pag nakakita ako ng mga lgbt na out and proud parang naiingit ako na naiinis sa sarili bat ganun cla msaya at ako hindi.. Hindi ko kaya ipaglaban ang taong minahal ko ng sobra. Dahil patago lang ang relasyon namin nuon at hanggang umabot sa hiwalayan.. Mahirap maging ganito pero ganun pa man msaya ako sa kapwa natin na pinandigan nila kung ano cla..pati na yung mga femme lesbian..

      Delete
    6. I believe na bilang isang gay is actually a blessing, iba kasi yung level ng challenge nyong labanan ang temptation. And feeling ko pag naovercome nyo yun sobrang powerful siguro sa pakiramdam. Just like normal people, may mga challenges din, yung iba drugs, yung iba disabled, yung iba malulubha ang sakit. Lahat ng yan challenge kung paano pagkakatiwalaan si Lord sa buhay natin. Wag natin isipin na mahirap, isipin natin kaya natin because the Lord is with us. :)

      Delete
  17. I believe that homosexuality is also influenced by your surroundings. Friends, peers, family, school, social media, etc. I once heard before, if you immerse a straight guy to a company of bisexuals, posibleng maging bi na rin siya in the long run.

    It is also a choice. Kasi nga ipaglalaban mo yan ng patayan kasi nga gusto mo. Not just because you were born that way. *Lady gaga sings*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Believe what you believe in. However, I would only believe you if you were the straight-guy-turned-bi.

      Delete
  18. ngayon lumabas na ang tunay na lagay o sabihin na natin "test the water" na ang homosexuality ay di parin lubusang tanggap, at. baka dahil dito mas dumami ang maging closet gays at lesbians dahil matatakot na sila.(sana wag naman) marriage is sacred, but it is a right and no one in this world ang makakapag sabi na "hanggang dito nalang karapatan mo" marriage nga ng straights nag fail eh. bakit sila pwede parin ang kasal?

    ps being gay is not a choice. its hard and painful to be gay (physical/ mental abuse)bakit ko pipiliin to? ngayon nandito tibayan at pakatatag nalang sa darating pang unos

    Adios

    ReplyDelete
  19. I love it--- "Ano trip ko lang maging bakla?". Hindi ko lubos isipin na bakit pinipilit ng misinformed na "Choice" ng LGBT maging LGBT sila? Sa totoo lang mahirap maging LGBT at kung Choice lang pala ang dahilan ng pagiging gay ko edi matagal nakong nag paka straight, dadali pa buhay. Pero hindi eh, hindi siya choice. Pinanganak akong ganito, at kahit mahirap maging LGBT never ko itong kinahiya.

    ReplyDelete
  20. Naikwento sa akin ng sister ko na yung officemate nya na gay ume-effort talaga na maging straight kasi bawal daw sa born again christian ang gay. And according to him, being gay or straight is a choice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku sinungaling yan friend mo. Sa church namin hindi bawal ang gay! May group pa nga ang mga gays na christian at tinuturuan sila kung paano ang tamang pamumuhay na tama sa paningin ng Diyos pero sa totoong christian na church never naging bawal ang maging bakla or tomboy. Maraming klaseng born again christian, iba-iba. Pati churc at turo hindi pareho pareho. Maraming ginagamit lang ang born again christian para magka pera pero may mga born again christian na totoong nag lilingkod sa Diyos at tanggap ang lahat ng klase ng tao makasalanan man o hindi welcome sa kanila.

      Delete
    2. He can hide it all he wants but he will remain gay. The choice there is not to show other people that he is gay.

      Delete
    3. Wala naman talagang problema sa bakla per se. Ang kinokondena ay ang action ng isang bakla na Hindi naaayon sa isang lalaki tulad ng pakikiapid sa kapwa lalaki. Yun ang di pwede.

      Delete
    4. Gay pa rin siya. Pinipili niya lang wag i-express dahils sa mga judgemental na katulad niyo.

      Delete
  21. Cojuangco lost that argument big time. That's what happens when your arguments are based on ignorance and falsehoods.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam lang nya na futile lang makipag debate sa feeling tama ang pananaw. Walang patutunguhan.

      Delete
    2. Exactly our point as well Anon 3:03. You guys keep on pushing what you believed in. Feeling lang din ninyo na kayo lang din ang tama.

      Delete
    3. Correct. Mark lost the argument bec. he never experienced how hard to be gay in our society

      Delete
    4. 4:15 Mahirap tlga makipag talo sa baluktot mag isip. Tama yang ginawa ni Mark na hinayaan na lang. Alam nyang walang patutunguhan at ipipilit lang ni Ryan tanggapin yung POV nya.

      Delete
  22. WAG NA KAYONG MAKIPAGTALO SA MGA TAONG BANAL BANALAN TALITALINUHAN AT HIGIT SA LAHAT SA MGA TAONG AYAW SA BAKLA O TOMBOY! Hindi bukas nag isipan niyan sa mga bagay na ayaw nila. Ito lang para NAGMAMARUNONG, HINDI NIYO ALAM ANG PINAGDAANAN NG ISANG BAKLA O TOMBOY kaya wag kayong magmarunong na akala niyo kayo lang ang anak ng Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. BRAVO! Dami kasing nagmamarunong. Anung choice pinagsasabi ng mga to.. Inborn ang pagiging bakla. Bata palang nalalaman na.. Some GAY's choose to stay in the closet kasi natatakot.

      We do not choose this kind of lifestyle. It is called ACCEPTANCE. We accept who we are dahil ito talaga kami.

      #meme

      Delete
    2. Ang pagiging bakla at tomboy is not a choice, inborn yan, kung choice ang magiging ano ka,edi hindi sana ako lesbian ngayon, mahirap maging bakla at tomboy sa totoo lang kaya marami nsa closet kasi ang daming mapanghusga na para bang cla lang ang may karapatan mbuhay ng normal sa mundo. Tao din kami nasasaktan. Mahirap bang intindihin kami o unawain kung ano ang nararamdaman naming sakit kapag hinusguhan nyo kami.

      Delete
    3. Tama ka! Yan din ipapayo ko sa mga taong normal mag isip na wag na makipag talo sa mga baluktot mag isip na lgbt.

      Delete
    4. *Anon 6:01 PM
      Isa ka ata sa mga baluktot mag isip. Basa basa din pag may time.

      Delete
  23. People need to stop thinking that homosexuality is a choice. Who wants this kind of life.. Being discriminated your whole life? Being told your going to hell because of who you are?

    ReplyDelete
  24. nakakapagod tong issue na to. paghiwalayin na lang ang religion at state. bwiset para walang pastor na papasok ng pulitika.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:06 para mong sinabi na dapat walang politicians ang pwede pumasok sa church or maglingkod sa Diyos.

      Delete
    2. *Anon 9:34 AM

      Ganun po talaga dapat. kung panay BIBLE ang papairal mo. KAWAWA ang mga ibang relihiyon na di naman CHRISTIAN. mawawala ang sense of EQUALITY sa pilipinas. Anu yan.

      Delete
  25. Bakit ba may pag tatalo pa? Ung pope nga di nag didiscriminate. Saka db nga love one another as you love thy self?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit Diyos ba ang Pope??? Bakit sya ang batayan??

      Delete
    2. 6:18 ayan nanaman tayo eh. Niliteral nanaman eh! Hay wala hanggang Mars ang argumento na ito kapag ganyan ang karamihan bumanat

      Delete
  26. I remember a gay friend of mine telling me that he did not choose to be gay. He CHOSE to hide his homosexuality until he realized that he really can't be straight. He did not want to be tagged as a homosexual because, let's face it, who would want to be part of the minority? Why would someone choose to be gay, when one knows that he will be mocked and judged and treated like a second class citizen? For those of you who say that homosexuality is a choice, I dare you to choose a different preference, even just for a day... Then you'll see that there really are things that can't be changed just because you chose to change it.

    ReplyDelete
  27. Ang akala yata ng mga ignorante dyan eh naituturo ang pagiging bakla sa mga tao. At yung humahanash dyan ng Lesbian experience nila sa school, did that turn you into a lesbian, or did you just have a lesbian experience? It's the latter, right? Having a lesbian experience doesn't magically turn you lesbian, just like having Gay teachers, Gay parents, or gay neighbors will magically turn you gay.

    ReplyDelete
  28. Grabe. Being straight or gay is not a choice. Cojuangco just proved how small he thinks of the lgbt population. Kung choice ang sexuality you wouldnt think that lgbt would "choose" to be straight? In a world where homophobia is everywhere, wouldnt it be easier for them to be straight? They wouldn't go through those hardships because they chose to. Isip isip din minsan bago magtweet Mr. Cojuangco. But homosexuality to be influenced by your environment, medical studies doesnt agree on it. Homosexuality is not considered a psychiatric disorder by the way. There are no concrete evidence that homosexuality is influenced by how you grew up.

    ReplyDelete
  29. Bakit nga ba ako bakla? Matinding katanungan. Lumaki along Katoliko. Nag sakristan, muntik Na magpari. Pero di ko ganap Na maintindihan ang aking damdamin. I was guided by a Christian friend, and became a born again Christian. For years I tried hiding my real feelings. I thought thats the key to it. Just supress and hide it some where until it dies a natural death. As I read the Bible, hear the church's teachings, and be with my Christian brethren, I started disliking myself. I was already active in the ministry. Full blpwn Christian. Accepted Him as my Savior. Pero Bakit di maalis alis? How do I stay in a community that says I am a mortal sinner by having this unexplainable feeling? I tried so hard. Until I decided to leave my Church as I didn't feel happy any more, I already was becoming a hypocrite. But I still am a Christian, deeply rooted in my faith.
    I question a lot, BAKIT? May di ba ako nakain or nainum nung bata ako making me this unacceptable in a society? I thank God that I have Him. If not, I may not be here anymore because I know I have no right to end the life given to me. But why do others, who claim holy, can easily say I don't have a place in this world?
    Bakit nga ba ako bakla?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:53 AM nicely written!

      Delete
    2. Andami kong gay friends na ganto rin ang tanong. Ppl need to understand what gay ppl go through at the onset.
      I guess parehong tama si ryan at mark. After all were diff ppl.im sure may iba pang factors aside sa mga niraise nila. Katulad nun sinabi ni hannibal lecter kung bakit naging bading si buffalo bill.ibang angle din un.

      Delete
    3. Explain ko syo. Hindi ka happy kasi hindi mo magawa ang gusto mo. You've tried your best to be normal but it seems lumalabas ng pilit ang natural mo so nahihirapan ka ng controlin. Humanap ka ng ibang church na tatanggap syo. Sa church namin welcome ang mga bakla o tomboy kasi ang turo sa namin, anak din kayo ng Diyos walang pinagkaiba sa straight pero kung tingin mo hindi mo kayang sundin ang salita ng Diyos, hindi ko maipapayo syo na mag join ka pa sa isang religion dahil baka masisi mo lang ang mga pari o pastor pati na members kung di nila fully maaaccept ang ibang bagay na gusto mong gawin at di mo naman sila masisi kasi sumusunod lang sila sa utos ng Diyos. Kaya nga diba maraming free thinkers at atheist na lgbt dahil hindi sila sang ayon sa salita ng Diyos kaya pinili na lang nilang talikuran ang Diyos dahil para malaya silang gawin ang gusto nila. Nasasaiyo yun kung saan ka sasaya. Basta always bear in mind that God loves you and want you to stay with him.

      Delete
    4. I feel you. Just be true to yourself baks. I hope naaccept ng family mo ganyan ka.

      Delete
    5. *Anon 5:03 AM

      I love your comment and i wanna go to your church. Mahirap talaga ang buhay ng bakla and i would never wish it on anyone. Some people thing SENSITIVE ang mga LGBT. Ikaw kaya pagsabihan ng madla na

      Kasalanan ka
      May sakit ka kaya bakla ka
      Di ka pupunta sa langit
      Your an abomination

      Wala nang pedeng gawin ang mga LGBT kundi i accept nila ang sarili nila at maging masaya.

      Delete
    6. i feel you 2.02 pero i think ang ibig lang nilang sabihin dun ay 'yong act, hindi 'yong pagkatao mo. Pero I think pwede mong malabanan 'yan by choice na maging lalaki. I know sinabi mo na nahihirapan ka pero i think meron pang paraan para diyan para tuluyan kang hindi pumatol sa isang lalaki dahil nagpapakalalaki ka nga. i will give you an example. Kunyari babae kang tunay at may bf pero sa dahilang lumaki ka nga sa bansa na ang cultura ay magulang ang pumipili ng lalaking papakasalan ng anak ay wala kang nagawa at nagpakasal ka dito kahit ayaw mo and at the same time iniisip mo na siguro matuturuan mo din itong mahalin dahil mabait din naman ito. So nagpakasal ka dun at nagkaroon ng anak but one day nakita mo 'yong naging boyfriend mo at naramdaman mo na may feelings ka pa para dito. Ngayon nagdisisyon ka na na hindi na lang ito i-pursue dahil iniisip mo na hindi ito tama at isa pa iniisip mo din 'yong anak mo. So since committed 'yong isip mo na hindi ito tama, papanindigan mo 'yong naging disisyon mo na mag-stay ka na lang kasama ng anak mo at asawa mo. Yun! Sana nakatulong 'yong example ko sa'yo. So focus your mind and heart to the Lord at dun mo masusumpungan ang hinahanap mong completeness sa pagkatao mo. I think makakatulong din sa taong iggf mo in the future na sabihin ang pinagdadaanan mo na pilit mong itinatama dahil 'yon ang tama. That way maiintindihan ka niya at mamahalin na walang halong kaplastikan at pagiimbot.

      Delete
  30. I'm with Ryan on this one. Sexual preference is inborn. Yung mga naniniwalang naiimpluwensiyahan lang ang ibang LGBT ay nagkakamali. The people who "become" gay were always gay in the first place. It's just that, they found an environment where they can be accepted kaya they had the courage to come out of the closet and be true to themselves.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 100% agree ako sayo, Kasi yan Ang naexperience ko. Pero hanggang Ngayon Hindi ako lumalantad Kasi ayoko mabully.

      Delete
    2. This! Logical ang reasoning mo.

      Delete
  31. Lol. Duhhh homosexuality is a choice. Sa environment yan hindi yan inborn.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ignoramus. If sexuality is a choice, what made you choose to be straight?

      Delete
    2. *Anon 3:48 AM
      What a Narrow Minded comment.

      Delete
    3. 1.50 ang ibig sabihin niya ay kung susundin mo ang pagiging sexuality mo, yun ang choice. Ano ang dahilan? Eh di 'yong kung ano ang nararapat.

      Delete
  32. Other than the obvious debate on whether inborn or choice and pagiging gay, I am a bit bothered by the insinuation of Mark Cojuangco's statement regarding overtly homosexual people in positions of influence like teachers. it seems like he is against having homosexual teachers so as not to promulgate homosexuality. In all honesty, am I just overreacting or ganon din ba dating sa inyo?

    ReplyDelete
  33. Nature vs Nurture issue! At one point I thought homosexuality was all inborn...but I am of the POV that there is a slice of homosexuals who chose it as a lifestyle. Promiscuity has become so commonplace in the past 2-3 decades that bored overly active heteros crossed the line for sexual variety. Adaptive homosexual behavior through association, perversion, osmosis, assimilation does happen. Everyone will claim that they were born with it. Nature vs Nurture debate has merit not just in sexual preferences but in others as well.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Amen to this. Sometimes I think others are just jumping on the bandwagon. Like, "So being gay is cool now? Hells yeah I'll be one then!"

      Delete
  34. Being gay is not the sin but only the homosexual act

    ReplyDelete
  35. Bakit ba may mga issue na ganito? Tanggap nman ang LGBT. Ang sabi lang eh since tanggap na kayo at mahal namin kayo bilang kapatid at kaibigan, hindi lahat eh dapat angkinin nyo din. Yung lahat ng karapatan ng isang husband and wife, eh kunin nyo din. Respeto na lang sa mga may sari sarilibg opinion dahil sa ibat-ibang religion. Ngyon LGBT kung nasaktan kayo sa sinabi ni Manny, eh d wag nyo sya iboto. Tapos. Hindi yung sagutan kayo ng sagutan.

    ReplyDelete
  36. i think being gay is inborn but how you act on it will depend on your environment, yun ang choice. if you live in an environment where being gay is frowned/rudiculed upon, then you will become more like straight acting. but if you live in an environment or encounter people that will make you feel more open or u totally accept your sexuality, then that's the time a person will be openly gay (by gay doesn't only mean just the typecast gay). some people may call it nagpapakatotoo or nagbabalatkayo, depende na on what path you "choose".

    ReplyDelete
  37. i understand ryan because i grew up in family where the males are known as babaeros. I also grew up with mostly straight friends. Nung bata ako bioman, jetman, at kung ano anong cartoon na panglalaki pinapanuod ko. parents ko pa mahilig sa boxing at wrestling. Pero bakla ako ngayon? kahit ako nahihirapan maintindihan pero anong magagawa ko? I didnt choose to be gay, it's just the way i am. napakahirap maging bakla sa sobrang discriminating ng mundong to, pero ayaw ko din naman lokohin ang sarili ko.

    ReplyDelete
  38. if you are not a homosexual then you have no right giving your opinion whether being gay is a choice or not. you know the saying it takes one to know one? that is very very true in this case. given a choice most homosexuals will choose not to be one. society does not make it easy for anyone to be a homosexual. the discrimination hatred and shame that we are made to experience is not something we aspire for.

    ReplyDelete
    Replies
    1. *Anon 11:33 AM
      On point. Feeling kasi experts ang iba sa subject. Mema lang masyado.

      Delete
    2. 11.33 tanggap na kayo sa lipunan at malaya niyong ipinapakita yan. Pero kung ang ibig mong sabihin ay 'yong same sex marriage ay birthright yan, hindi po dahil ang birthright ay yong right to live and right to breath. Kagaya ng mga hetero na pag ipinagbawal na ng constitution ang pagpapakasal ay wala na kaming magagawa dahil nakadepende yan sa constitution, hindi yan birthright. Huwag niyong ipilit dahil imposibleng mangyari ito sa Pinas at overrated na 'yang paggamit niyo sa word na discrimination, i bet ginagamit niyo lang yan para makuha niyo gusto niyo. Minority lang kayo pero sobra na kayo.

      Delete
  39. ignorant people. bakit ba nagcocomment yung mga straight eh obvious naman na hindi nyo alam ang pakiramdam ng pagiging lgbt.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kasi meron din namang sumusuporta sa inyo? bakit ganyan kayo no, lahat na lang kaaway ninyo.

      Delete
    2. Ang pangit maging member ng lgbt, lahat na lang inaaway eh? Walang peace. LOL.

      Delete
  40. Ang labo nyong dalawa.

    ReplyDelete
  41. If it is a choice... why is it that i choose to be straight but i feel not totally complete and miserable. Bakit sa tinagal tagal n sabihin ko sa sarili ko n straight ako di pa rin nawawala sa puso at isip ko na hindi totoo. Yes sabi nyo it depend on the environment.. my friends knows how i become manly now as compare before na they think i become straight never na nalaman nila how i feel inside.. so tell me why is it that i make a choice to be straight and act manly doesnt change the feeling that im different.madali sa inyo magsabi because wala kyo sa lugar nmin

    ReplyDelete
    Replies
    1. 4.19 lumapit ka sa Dios and believe me mawawala 'yang confusion na nararamdaman mo.

      Delete
  42. For me, the argument is not about homophobia nor equality. Rather, the argument is about how mature we are as a society. Do we have social filters? Can we censor our own words and actions? Or para lang ba tayong bata na pag may nakitang maitim sasabihin negro? Or pag may nakitang mataba sasabihin baboy. As far as I have experienced, masyado pang musmos ang kamalayan ng mga Pilipino to enter discussions like these.There are a lot of educated people out there ( madami sa mga commenters dito) na insensitive and walang compassion towards other people. If you truly love ( I guess that's how every religion must work di ba?), hindi ka dapat mamili. Kung kaya Niyang yumakap sa leper, tax collector, maduming babae, mga makasalanan, then sino ka para manghusga? Compassion is what our society needs now. Ang hilig kasi nating manisi ng kapwa at tumingin sa pagkakamali ng iba, when what we should be doing is to help those who are in need and share what we have (material, time, love, understanfing, etc) to others.

    ReplyDelete
  43. For me, the argument is not about homophobia nor equality. Rather, the argument is about how mature we are as a society. Do we have social filters? Can we censor our own words and actions? Or para lang ba tayong bata na pag may nakitang maitim sasabihin negro? Or pag may nakitang mataba sasabihin baboy. As far as I have experienced, masyado pang musmos ang kamalayan ng mga Pilipino to enter discussions like these.There are a lot of educated people out there ( madami sa mga commenters dito) na insensitive and walang compassion towards other people. If you truly love ( I guess that's how every religion must work di ba?), hindi ka dapat mamili. Kung kaya Niyang yumakap sa leper, tax collector, maduming babae, mga makasalanan, then sino ka para manghusga? Compassion is what our society needs now. Ang hilig kasi nating manisi ng kapwa at tumingin sa pagkakamali ng iba, when what we should be doing is to help those who are in need and share what we have (material, time, love, understanfing, etc) to others.

    ReplyDelete
  44. being gay is a choice. please do explain why there are gays who are still into women?. so clearly, it is a choice. but i still love gays/homo they're one of the happiest people i have known.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Let me explain. Your sexuality is inborn but your decision to act on it is your choice. Those gays who are also into women are not gays, they are bisexuals.

      L-esbian
      G-ay
      B-ISEXUAL
      T-ransgender

      Since they are bisexual, they have romantic affinity towards both women and men.

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...