Ambient Masthead tags

Monday, January 11, 2016

Insta Scoop: Gary Valenciano Shares Last Touching Encounter with German Moreno



Images courtesy of Instagram: therealgaryv

17 comments:

  1. Nakakaiyak. Sana kumanta din si Gary sa interment ni Kuya Germs. Nakakagoosebumps kasi talaga voice nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kumanta si Gary V nung 50th anniv ni kuya germs, tiwala lang baks!

      Grabe one of a kind, once in a lifetime lang talaga si kuya germs. Rip.

      Delete
    2. At least buhay pa si Kuya Germs napadama na niya iyung love and gratitude niya.. Ayan oh proof.. Ang dami kasing nakiki ride on lang at nagpapapansin sa instagram.. Kahit guesting sa show niya, ayaw gawin dati.. Deserve ni Kuya Germs ang bongang tribute.. Nakukulangan ako sa 7.. Sana mag merge ang 7 at 2 para sa tribute kay Kuya Germs kagaya kay Dolphy dahil halos lahat ng artista, kahit big stars pa ng 2 ay dumaan kay kuya Germs.. Comedy king si Dolphy pero kuya Germs is an icon, star builder at maraming natulungan.

      Delete
  2. tears in my eyes. marami talagang natulungan si kuya germs

    ReplyDelete
  3. I was touched by his message. I'm still waiting for Sharon's, bakit kaya wala pa rin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I heard depressed pa daw si sharon... After her mom's death, si kuya germs yung naging sandigan nya... Now, si KG naman ang nawala...

      Delete
  4. Halos lahat ata ng artista eh natulungan ni kuya germs one way or another. We will miss u kuya germs

    ReplyDelete
  5. Parang wala na ngang magiging katulad ni Kuya Germs. Rest in peace, the Master Showman.

    ReplyDelete
  6. Walang makakapantay ni makakapalit kay Kuya Germs. Ang mga magagaling na artistang napapanood natin ngayon ay mga nahasa ni Kuya Germs. Unlike ng ibang mga talent management ngayon at mga dumi diskubre ng artista na mas binibigyang pansin ang itsura at pumapangalawa lamang ang talento, si Kuya Germs, talento ang pinaka pundasyon na pinatibay nya sa mga inalagaan niya kaya magpasa hanggang ngayon ay napapanood pa rin natin sila tulad nina Ian Veneracion, Piolo Pascual (na nagsimula sa That's), Sharon Cuneta, Gretchen Barreto, Billy Joe Crawford, Lea Salonga at marami pang iba. Maaaring sinabing passé na si Kuya Germs pero lahat ng malalaking stars natin ngayon ay galing sa kanya kaya hindi matayawaran ang propesyunalismo nila---natutunan nila ito kay Kuya Germs.

    Lumaki ako na puro programs ni Kuya Germs ang nakasama ko sa kabila ng pangungulila ko sa parents kong nag wo work abroad. Ang mga programs ni Kuya Germs ang taga-pawi ko ng lungkot mula Lunes hanggang Linggo, mula sa That's Entertainment lunes hanggang sabado, GMA Supershow pag linggo, Young Love, Sweet Love pag Miyerkoles ng gabi, Manilyn Live pag Martes ng gabi at ang mga pagko co-host ni Kuya Germs sa paboritong panoorin ng lola ko na kasama kong lumaki, ang show ni Nora Aunor, ang Superstar. Maaaring nakalimutan na si Kuya Germs ng ibang tao sa showbiz dahil kinain na sila ng komersyalismo pero kahit kailan ay hindi sila kinalimutan ni Kuya Germs.

    Isa na akong professional ngayon at hindi ko mararating ang narating ko ngayon kung hindi ako napasaya ng mga programa ni Kuya Germs sa kabila ng pangungulila ko sa mga magulang kong nagtrabaho sa abroad nuon. Hindi lang mga artista ang natulungan ni Kuya Germs kundi ang libo-libong katulad ko nuon na anak ng OFW na nangulila sa mga magulang. Ang programa ni Kuya Germs ang isa sa mga nag-trigger sakin na mangarap ng malaki at maging mahusay sa larangan na aking pinasok.

    Nung pumutok ang balita na pumanaw na si Kuya Germs, kasama niyang pumanaw ang saya na sa puso ko ay naidulot ng kanyang mga programa nuong 80's and 90's. Kuya Germs, maraming maraming salamat po. Dahil po sa inyo ay nabuhay ako ng masaya at pinawi niyo po ang malaking bahagi ng pangungulila ko sa mga magulang ko nuon.

    Maraming salamat po. Wala pong makakatibag ng nsiambag niyo sa industriya at sa naitulong niyo di kang sa mga artista kundi maging sa mga ordinaryong mamamayan tulad ko.

    Tulog na po, Kuya Germs. Maraming maraming salamat po at walang hanggan po ang aking magiging pasasalamat sa inyo.

    ReplyDelete
  7. One need not be an artista to realize how good of a person Kuya Germs is... Lahat ng taong nakasama nya would attest how big his heart is... Was a practicumer in his show back in the 90s, and he never alienated anyone... Lahat kasali sa pagkain, give aways, incentives, etc...

    ReplyDelete
  8. Kuya germs helped a lot of people. His heart was always with the entertainment. I hope those people whom he has helped amd defended will be reminded of what he has done dor them.

    ReplyDelete
  9. Hagulgol ako sa mensahe ni Gary V, lalo when he mentioned that Kuya Germs silently wept at his words of gratitude.

    ReplyDelete
  10. Natouch naman ako dito. Good thing nabisita pa ni Gary si Kuya Germs nung nabubuhay pa. nakahabol pa siya.

    ReplyDelete
  11. Dati nung buhay pa si kuya Germs eh daming todo bash at pangungutya sa kanya, parang maliit tingin kay kuya Germs, tapos ngaun na namayapa na ung tao eh daming todo pakita ng sympathy at papuri... tsk... mga tao nga naman!

    ReplyDelete
  12. Wow! Thank you GaryV for that story....nakakaiyak.

    ReplyDelete
  13. What a heartwarming and sincere message! RIP, Kuya Germs.

    ReplyDelete
  14. Napanood ko rin yung replay ng I-Witness about Kuya Germs and I was touched dun sa kwento ng mga ordinaryong tao na through the years ay patuloy palang tinutulungan ni Kuya Germs mula sa sarili niyang bulsa at hindi niya ipinag-iingay ito, tulad ng matandang nagtitinda sa harap ng dating Clover theater noong panahon niya na hanggang ngayon nandun pa rin at inaabutan pa rin niya ng pera pag binibisita niya.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...