Friday, October 30, 2015

FB Scoop: Lea Salonga Warns Visitors to the Philippines

Image courtesy of Facebook: Lea Salonga

217 comments:

  1. Uuwi kami ng December parang mas mainam pang wag ng maguwi ng bagahe. Hand carry na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If I am not mistaken, yung sa OFW na dapat papunta ng HK, sa hand-carry naplant. Sa bulsa.

      Delete
    2. Sa hand carry po nila nilalagay

      Delete
    3. Iwasan ang hand carry na me bulsa. Kung me bulsa man lagyan ng ahas haha

      Delete
    4. napagastos ako pra lng maiwasan yang naia na yan. Pauwi ako from Australia. I booked ticket bound to SG then to Cebu then to my final destination Davao. Better be safe than sorry. Nakakahiya tlga!!!!

      Delete
    5. Lakas ng mga loob, d kaya sinasadya o sabotage? Bakit wala iniimbestigahan o hinuhuli?

      Delete
    6. yang tanim bala na yan pang divert sa tunay na big fish..kaya yun mga smugglers at drug syndicate nakakarating sa pinas dahil andyan na ang attention..tignan nyo nawala ang attention kay Buwayang Lina di ba?

      Delete
    7. Whenever I travel talaga, nakalagay iyong hand carry bag ko sa harap ko mismo tapos nakatali iyong paa ko sa bag para even when I am sleeping e mararamdaman ko kung may gagalaw.

      Delete
    8. Avoid using bags / luggage with pockets

      Delete
    9. Yung check-in luggages, puntirya ng BOC. Ang hand-carry luggages, puntirya ng airport securities.

      Delete
    10. Sa dami ng nabiktima at nag rereklamo bakit walang aksyon ang management sila din ba ay meron kinalaman dyan kasama ba sila sa grupo ng mga tiwaling PG na yan. Nakaka high blood tax naming swene sweldo nyo pina pakain namin sa mga pamilya nyo tas ito susukli nyo. It's more Fun in the Philippines the corrupt can get away with their crime. Kung sino man kayo karma as inyo hanggang sa mga apo sa tuhod mararamdaman nyo yan wait long malapit na hindi natutulog ang nasa itaas. Dami nyong sinisirang kinabukasan ng mga taong binibiktima nyo.

      Delete
  2. Really sad and true.... as much as we want foreigners to see the beauty of Philippines, we dont want them to get victimized by some shameless employees of NAIA. Napapaisip nalang ako, bakit malakas pa din ang loob nila ulit ulitin yung ganitong modus despite ng namemedia na sila. Who backs them up?? Ibig sabihin hindi pa rin nasosolusyonan ito at walang balak masolusyonan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek. Totally agree with you. At pag tiningnan mo, ang indoctrination sa kanila ay omnipotent authorities sila. I remember one time, an airport authority tried to provoke me while checking my boss' bag. Wala naman akong sinabi sa kanya para ikainis niya, bigla na lang siyang nagtaas ng boses. Hindi rin naman ako tanga para pumatol pa. Kaya nagquiet na lang ako at inignore ko ng bongga. Siguro iniisip nun since obvious na business trip and pinunta namin, mukha akong egotistical maniac na mapprovoke nya at maddetain ako.

      Delete
    2. Obviously there's a big syndicate that is behind all of these. Baka nga hawak din ang pamilya ng mga naglalagay ng bala nung mga sindikato.

      Delete
  3. nakakahiya man, totoo naman kasi. dapat nung una palang inaksyunan na ng naia admin yan. pero hanggang ngayon padami ng padami yung nabibiktima

    ReplyDelete
    Replies
    1. Papano nila aaksyonan eh sila mismo ang utak nang nga gawaing yan.. Tingnan mo namn sinabi nang pulis na humuli sa matandang babae na dh from HK.. Sino namang bobo ang magdadala nang bala at ipapahamak ang sarili? Ang tanga nang pulis na yon sa totoo lng

      Delete
  4. Nakakahiya talaga!!!

    ReplyDelete
  5. Totoo naman. Wag na tayong magpaka ipokrita. Marami ngang tourism spots dito sa Pilipinas. Magaganda nga ang beaches at masasarap ang pagkain, pero kung sa airport palang ganito na ang mangyayari, gaganahan ka pa bang maglibot? Nakakahiya! Itong lugar pa naman na to ang unang sasalubong sa mga turista, na dapat sana magpakita ng FILIPINO HOSPITALITY, pero anyare? Jusko talaga! Mapapamura ka nalang eh

    -WENDY

    ReplyDelete
  6. totoo nangyayari yan. but at the end of the day may mga magagandang bagay din naman sa pilipinas gaya ng magagandang tanawin, filipino hospitality, kultura atbp... do not paint the philippines with one brush. Oo nkakahiya yung mga ganung pangyayari a naia, pero may mga bagay tayong maipagmamalaki sa pilipinas gaya ng pagmamalaki ng ibang kababayan natin sayo miss lea.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naiintindihan mo ba sinabi nya? Concern lang sya sa mga pumupunta dyan sa atin. May sinabi naman syang "until". Mas concern ako sa buhay ng tao kesa sa sasabihin sa bansa natin. Nagmamalasakit ka sa nga sa bansa hayop naman mga empleyado at mga tao sa gobyerno wala rin. Walang kwenta rin kahit maganda bansa mo at kulturang sinasabi mo.

      Delete
    2. Yea true that but what shes saying is its a a shame for the airport employees (instead of luring in tourists by being very hospitable) theyre doing some sh**ty jobs for their own good and Im pretty sure that just put the tourists off

      Delete
    3. 12:38 Lea's post is a warning for everyone to be extremely careful, not necessarily dinidiscourage na pumunta dito. And sino pa ba ang magwawarning kundi tayo ding mga Filipino dapat. Kung pinagtakpan pa niya yan eh Lalo siyang masisira. Lea pointing out all the flaws means she loves her country and is frustrated because of all of this.
      Also, hindi lang tayo ang may mayamang kultura, magagandang tanawin, hospitality, at world class talents. Meron din ang ibang bansa. Pero tayo lang ang may Tanim Bala gang. And it must be stopped. Stop being patriotic all the time and must do your part in spreading important message like this para wala na mangyaring kahihiyan pa.

      Delete
    4. ang punto lang naman ni Lea ay mag-ingat, mag-ingat at maf-ingat. alam na ng lahat ang sinasabi mong maipagmamalaki ng Pilipinas. kaya na pumupunta mga turista dito, diba?

      Delete
    5. Her point was to warn visitors, not discourage them.

      Delete
    6. Reality is natatabunan na ng kabulastugan ang magandang imahe at tanawin ng Pilipinas. Sad but true!

      Delete
    7. Yang mga ganyang pag iisip mas lalo tayong nababaon. Walang masama sa pagiging positibo sa ating bayan, ngunit kung patuloy ang ganitong mentalidad, mamamatay tayong umaasa. Nakitaan ng mali, supilin ang mali.

      Delete
    8. Kya nga pano sila tutuloy kung ung sasalubong sa kanila eh kulong agad sahil sa bala

      Delete
    9. Ayan na naman ang pwede na mentality nato.

      Delete
    10. Oo meron nga tayong ibang maipagmamalaki pero paano natin maipapakita yun sa mga dayuhan kung sa airport palang eh kailangan na nilang umuwi dahil sa nakakatakot at nakakahiyang laglag bala people na nasa NAIA pati mga OFW or mga pinoy na nka base sa ibang bansa natatakot ng umuwi sa sarili nilang bansa dahil sa risks. Aanhin ang magandang tanawin kung buhay at kinabukasan mo nmn ang mailalagay sa alanganin. Ang dami pang ibang bansa na pedeng puntahan na mas safe at may hiya ang mga nagtatrabaho sa airport....Jusko! Paano na nga ba ang bayan natin? Tsk..tsk..

      Delete
    11. Yun nga eh, madami tayong maipagmamalaki sa bansa natin. Kaso pano ba yan, bago pa man pumasok ang mga foreigners para ma-experience ang pilipinas, yan na agad ang sasalubong sa kanila sa airport. I'd rather experience another country's beauty and feel safe at the same time than risk being a victim of these kinds of people in the airport.

      Delete
    12. Paano mo pa nga makikita kung sa airport pa lang naglokohan na? Sana isipin mo din kahit hindi nga turista binibiktima nila eh. Imagine yung Nanay na OFW for 30 years nabiktima din nila. Grabe! Kaya talagang dapat very secured ang luggages mo eh. Todo padlock at ipapaplasticwrap mo ng maigi para di nila magawan ng paraan yun. Kakainit ulo!

      Delete
    13. Eh pano mo naman makikita yang mga magagandang lugar na yan if pagdating mo palang kulong ka na or ubos na pera! Kakilala mo siguro mga gumagawa nyan. Sus!

      Delete
    14. Eh pano mo naman makikita yang mga magagandang lugar na yan if pagdating mo palang kulong ka na or ubos na pera! Kakilala mo siguro mga gumagawa nyan. Sus!

      Delete
    15. kahit gaano kaganda ang isang bansa if hindi feel ng turista na safe sila hindi sila ppunta sa bansang yun. sino ba siraulo ppunta sa lugar para magbaskasyon na alam na pede may masamang mangyari? pano ka gganahn punta sa pilipinas kung sa airport palang pede ka na maloko? ikaw ba ppunta ka sa isang bansa na alam mo pede ka mapahamak?

      Delete
    16. Sige ngayon mo sabihin ung pinoy pride

      Delete
    17. Aanhin ang magandang tanawin at warm filipinos kung nacancel na lahat ng connecting flight mo dahil nakadetain ka pa?

      Delete
    18. Before posting... pls read and be intelligent enough to understand the details of what you have read....

      IT IS A WARNING and at the same time A SENTIMENT of what's currently going on in Philippines main port of entry.

      May papaint and paint in one brush ka pang nalalaman dyan....

      Eto bigyan kita ng lumang kasabihan para mas maintindihan mo ng malinaw kung bakit may ganyang sentimiento si Ms. LEA..

      'Pag ang isang basket na magaganda at sosyalerang pulang pulang kamatis ay nasamahan ng kahit isa... as in isa lang na bulok na kamatis.... nakakaasar at parang ayaw mo nang kumuha ng kamatis sa basket na yun.. '
      Gets mo... gusto lang ni Ms. Lea.. masulusyunan ang basket ng kamatis at tuluyang malinis ang bulok... naoutnumber na ang sosyalerang kamatis... papayag ka ba nun...

      Kaya itapon mo na brush mo... kailangan mo ay super duper magnifying glass ng makita ng maayos at maitapon na yang lintek na bulok na kamatis na yan... isama mo na brush mo...

      Delete
    19. Kami ngang mga ofw natatakot tuloy umuwi eh. Babalutin namin ng cling wrap iyung mga bagahe namin!

      Delete
  7. Proud of you :) buti pa to hindi puro kababawan

    ReplyDelete
  8. Worldclass talaga si lea

    ReplyDelete
  9. Tita cguro nabalitaan din nila yon?

    ReplyDelete
  10. NAKAKAHIYA. SOBRANG NAKAKAHIYA. Ah talaga lang ah? bakit? Nabiktima ka ba? It's already enough to warn the visitors to be extra careful but adding your caption NAKAKAHIYA. SOBRANG NAKAKAHIYA. is another story. where's your being nationalistic there? naturingan ka pa namang country's pride pwe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh anong word ba dapat na gamitin aber?!!! Saka yan country's pride di nya yan hininge no para magputok butse mo.
      Nakakahiya naman talaga kasi at nakakalungkot etong mga to

      Delete
    2. She stated a FACT. Pwe ka dn

      Delete
    3. nakakahiya naman talaga. bilang Pilipino tapos ganun maririnig mo ng ngyayari sa bansa mo mahihiya ka talaga. anu gusto mo maging proud pa sya?

      Delete
    4. Eh sobra naman tlgang nakakahiya. This is not just a simple case. Imagine that makukulong ka just because of a single bullet. Come to think of it baks. Minsan din tlgang nkakahiyang maging pilipino dahil sa mga pinag gagawa ng mraming Pilipino.

      Delete
    5. TOTOO NAMANG NAKAKAHIYA. SOBRA. Hindi ka ba nahihiya sa mga ganyang gawain ng mga kapwa mo Filipino? Mas madaming mabubuting Pinoy pero mas nangingibabaw yang mga ganyang balita. Nakakahiya!

      Delete
    6. Omg How shallow minded of you! Yes you, anon 12:47!

      Delete
    7. 12:47 Ipokrita much baks? Kelangan pa bang mabiktima ka para mahiya sa mga ganyan ganyan??

      Delete
    8. Hindi ba NAKAKAHIYA ang gawaing ito ng mga airport staff? Gagawan ng dahilan para makapanggipit at makalamang? Di ba SOBRANG NAKAKAHIYA naman talaga???? Sana bago ka kumuda e inintindi mo nang mabuti ang nabasa mo. Porke naka-emphasize ang NAKAKAHIYA, inakusahan mo na siyang walang utang na loob sa pinagmulan.

      Delete
    9. Sobrang nakakahiya to the extreme. Tama naman. Loving your country's reputation is more than enough to be patriotic. Ikaw ikaw sobrang nakakahiya ang kitid ng utak mo

      Delete
    10. Sige try mo ung pinoypride

      Delete
    11. 12:47 ikaw ang nakakahiya. Nahihiya si lea sa bansa nya dahil pilipino din sya.!! Nahihiya sya na mga kapwa pilipino gumagawa nito. Pwe ka din!

      Delete
    12. Totoong SOBRANG NAKAKAHIYA! Walang sinabing malinsi Ms. Lea! Nakakahiya lalo na karamihan ng mga bikitima nila, mga OFWs na walang kamalay-malay. Ang biktima nilang mga OFWs na nagpakahirap magbanat ng buto at malayo sa pamilya, tapos kokotongan ng mga sakim na kawatan dyan sa Airport. Biktima nila nga inosenteng foreigners na pumunta sa Pilipinas dahil sa ganda ng bansa natin, tapos tinatakot at kinokotongan. Pilipino pride? SOBRANG NAKAKAHIYA na, tama na!

      Delete
    13. baka airport staff si 12:47 at madalang na lng sila makalaglag kasi nakapadlock na mga bags dahil sa warning ni lea...

      Delete
    14. Sana lang maganda ka or may piinagaralan ka to utter this post para kay ms. Lea.

      Regardless of how you look and your stature in life... di ka rin talaga marunong magdecipher ng Warning and Sentiment ng kapwa Filipino.

      We are so proud of AlDub.. and i share the same feeling on how we all unite to lift and show love to one another.

      We are so proud of the beauty of the Philippines... its rich culture.. artistry and traditions..

      Yes We are so proud of our OFWs that we even tagged them as our bagong bayani...

      With all pride and glory i am willing and be outspoken on how i love my country...

      But yes... the truth still remains... we have rotten tomatoes in our midst..and i so proud of Ms. LEA to utter her sentiments anout this..


      YET YOU... yes you.. you still bash her post.
      Y? Are u plain stupid or what....

      Think my man... Think before you post.
      I am your brother here and a friend thats y i'm telling you this..

      If you cannot join her sentiments then at least listen to her warning. Get it.

      Darn. People.

      Delete
    15. KAPAMILYA SIGURO 12:47 IYONG MGA NAGLALAGAY NG BALA SA NAIA. GRABE KUNG MAKA-DEFEND OH! HALA KA!

      Delete
    16. oo nga nman!! Bkit nkakahiya?? Dapat nakakaproud!! Helooo!, Pilipinas lng kaya ang meron nyan!! #pinoypride #itsmorefuninthephilippines

      Delete
    17. Isang rason kung bakit natatakot along isama ang asawa ko sa pinas. Yung mother in- law ko excited pa naman magtravel dyan, kaya lang, ayokong mangyari yan sa kanila sa mismung bayan ko. Nakakalungkot, nakakatakot , at nakakahiya!

      Delete
    18. Kung maka-pwe ka naman diyan ...wagas! Nag-start na po pick-upin ng international news yang modus sa NAIA na laglag bala. Kahapon sa HK at Japan news po nakalagay na yung article re. Japanese tourist na victimized daw ng NAIA scam, di pa din ba NAKAKAHIYA yan!

      Delete
    19. Katotohanan ang sinabi nya. That is not putting Filipinos down. She can't be judged as not nationalistic just because she spoke the truth. She is not blind nor deaf to what is currently happening. The first step to progress is to admit/accept that there is something wrong and then do something about it. And examples being nationalistic are patronizing our ownproducts, helping our poor fellowmen, help fight corruption by voting competent candidates, etc. It is not turning a blind eye to what is truly happening. Wag natin itago ang nangyayari. If we all make noise and continuously clamor to stop this criminal act, we will soon be heard. That is what she's doing.

      Delete
    20. E nakakahiya naman tlaga e. Nakakahiyan, nakakainis, nakakalugkot at nakakapanggalit.

      Delete
  11. No one destroys the Philippines but us, Filipinos.

    So sad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pa sad sad ka pa! Di ka naawa sa mga biktima?! Buti nga nagreact si lea para umayos sila at walang mabiktima ung makakapal sa naia!

      Delete
    2. The scary truth!

      Delete
  12. Sobra talagang nakakahiya yang mga naglalagay ng bullet sa bag! What if palitan lahat ng empleyado sa NAIA para matapos na ang kahihiyang yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero bat kelangan hulihin ang may isang bala lng. Hindi bat dapt warningan or pagmultahin ng mabababa lng. Pero un ikulong pa parang sobra na yata un sa abala. Eh kung tutuusin hindi naman kanila un, nilagay lng ng kung sino. As if magagamit ang isang bala na wala namang baril. Gagawin bang bala ng tirador un?

      Delete
    2. This is the only solution talaga para mawala lahat iyang mga problemang iyan. They should replace them with younger ones, the fresh grads, etc.

      Delete
  13. isang malaking katotohanan naman talaga.

    ReplyDelete
  14. Sorry pero totoo ang sinasabi nia nakakahiya!!! Team Lea ako this time mga te!:D

    ReplyDelete
  15. Yung manager ko na nag punta ng boracay recently ay sinabihan ko din na mag ingat. Pag balik nia, ang sabi nia about manila is "horrible". Nakakahiya. Pero at least, sobrang nag enjoy cia sa boracay. sana maayos pa ang pinas. Please lang. Kahit ako takot din umuwi dahil nakakatakot na. Airport pa lang, pede na masira ang buhay mo. Hay nako.

    ReplyDelete
  16. I'm with Lea on this. Kaya if my coworker ako na nagttanong about their upcoming trip sa Pinas, may kasama talagang babala. Ang sarap maging Pilipino pero kadalasan, nakakahiya na.

    ReplyDelete
  17. Usually nega ang dating ni TIta Lea pero ngayon agree ako sa kanya. Napanood ko yung news ng US national na ni-detain ng ilang araw tapos kinikikilan ng pera. Nakakahiya. Dapat mahiya ang gobyerno kasi nagre-resort sa ganitong gawain ang airport employees, at kahit na naibalita na sa news eh harap-harapan parin nilang ginagawa!!!! Nakakainis. Nakakabuwisit. Nakakahiya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga, ang kakapal ng mukha. Hindi kaya pulis sa naia gumagawa nun. Kasi may matibay daw silang evidence sa OFW. Un pala magkaibang laki ng bala ang pinakita sa picture buti napansin ng lawyer nun OFW.

      Delete
  18. It is getting out of hand already. masyado na malakas loob ng mga taong behind sa scam na yan. tagal na nababalita pero di pa rin sila natitinag.

    ReplyDelete
  19. Nakakahiya talaga. At nakakaawa yung mga biktima nila, tulad dun sa OFW papuntang HK. Halos 30yrs na OFW, imposible na magdadala ng bala yun.

    Dapat palitan na lahat ng employees dyan.

    ReplyDelete
  20. i have mixed feelings about this:

    1. The expose would somehow stop this evil practice at NAIA

    or

    2. It would give any crook (foreign or filipino) an excuse to say illegal substances or objects are just planted in their baggages when they brought them these items themselves.

    what if it's the latter scenario?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga dapat malinis ang naia dahil hindi lang sa tanim bala ang problema, national security ang risk dito. madaming bad opportunities ang nape-present sa situations na ganito.

      Delete
  21. Nakakaiyak to. Ano na ang nangyari sa Perlas ng Silangan?

    ReplyDelete
  22. Nakakahiya man pero totoo itong pinost ni Ditseng Lea, e. Kung totoo man na may Laglag-Bala gang pa rin sa NAIA, grabe di na ba sila nahiya at natakot? Di ba may mga narelieve na rin na security officers sa NAIA dati dahil sa ganitong isyu? Hindi pa rin natitigil..

    Nakakahiya hindi lang sa mga dayuhan pero lalo na sa mga kababayan nating OFWs na mabibiktima nila. Panay tayo promote ng tourism sa Pilipinas pero sa airport pa lang NAKAKAHIYA na.

    Although nakakalungkot isipin na mababasa ito ng mga dayuhan, pero sa akin okay na rin para matauhan ang gobyerno (KUNG MATATAUHAN NGA) na mag-ayus ayos naman kahit papaano sa pamamalakad sa bansa natin. Grabe!!! NAIA, Customs, LTO, DPWH baka pwedeng kilos-kilos din!

    Nagmamahal sa bansa, Elphaba

    ReplyDelete
  23. no joke. naiyak ako dito. ;'(

    ReplyDelete
  24. And the government will say na "umuunlad ang Pilipinas" then maglalabas ng kung ano-anong charts at graphs as proof na di naman maiintindihan ng mga tao below the poverty line. Jusko andali dali dayain ng results ng GDP at GNP computations kung gugustuhin nila. Nakakahiya talaga maging Pilipino kung ganyang mga balita maririnig mo, nawawalan na ng moral eh. Kaya sa election, utang na loob, bumoto ng maayos. Wag padaan sa pera at mabubulaklak na mga salita. No to epal rin, yung di pa campaign period todo kanpanya na, halatang hayok sa kapangyarihan eh

    ReplyDelete
  25. lea always has a point. minsan napapailing ako sa mga bashers niya eh. mga ignorante

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haaay finally someone said it! I second this!

      Delete
    2. Marami kasi sa ating Pinoy ang narrow-minded at pikon, unfortunately. Ayaw mapintasan pero kung tutuusin, tayo din mismo ang sumisira sa ating bansa at sarili. Madalas napapaisip ako kung kailan tayo magigising at magbabago. Always, mukhang impossible.

      Delete
    3. Mga ignorante talaga! 1:11 mga pang third world mentality mga bashers nya. That's why ganun na nga lang sila... They remain bashers...

      Delete
    4. i beg to disagree, she's not always right unless you don't have a mind of your own to analyze which are accurate and which are not. case in point is the kababawan isyu where she specifically mentioned Aldub (hello screen shots of her tweets, yet she denied specifying the group). unbeknownst to her ang daming charity projects na naka-line up ang grupo, blood letting, feeding program, donating libraries, etc etc. but did she even apologize? no, her pride got the better of her. such arrogant elitist.

      however, on this PARTICULAR ISSUE, I must say she hit it spot on. nakakahiya sa mga turista kaya sana naman bigyan na ng atensyon at tamang aksyon

      Delete
    5. Nkakapagtaka nga rin. Palibhasa butthurt un iba sa comment nya.

      Delete
    6. sometimes lea's comment/tweet also pertains to being ignorant ;)

      Delete
    7. Third one..hehehehe

      Delete
    8. Oh god, you just said the exact right word: IGNORANTE!

      Delete
  26. Pag ganyan yung mga balita ansarap sumugod sa Davao at pilitin si Duterte na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas

    ReplyDelete
  27. Oh my! As a filipino living in abroad. Talagang nakakabahala na!! Umayos kayo please! Nakakahiya na!!

    ReplyDelete
  28. Yun na. Tama naman talaga. Nakakahiyang katotohanan.

    ReplyDelete
  29. OMG eto na naman sya. Ms. Lea Salonga why do you have to drag the entire nation sa iilang masamang damo sa NAIA. Pwede namang inaddress mo na lang ung concern mo sa tamang ahensya. powerful ka di ba? bat di mo inaddress na lang sana kay Pnoy? kailangan talagang ibuyangyang mo sa buong mundo ang kabulukan ng isang ahensya at kaladkarin ang buong bansa. sorry guys ha, para sakin aksi wala itong pinagkaiba sa kasabihang "do not wash your dirty linen in public". parang problema sa sarili mong bahay, ikukwento mo ba sa buong barangay?

    "ang kawawang bayan ko, paano na ito?" paano nga ba? kaya nga sana nag-isip ka muna ng posibleng paraan para maiparating yan sa gobyerno ng maayos di yang nagrant ka na naman ng hindi iniisip ano magiging impact nito sa turismo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sus buti nga nagpost si lea at matauhan ang mga opisyal na icheck itong issue na to! Dami mong sinabi. Kung mahal mo ang pilipinas tulungan mo ang mga tao na di mabiktima sa sarili nilang bansa!

      Delete
    2. You must be blind I guess.

      Delete
    3. Bakit kailangan pa iaddress kung ang tagal tagal ng issue ito eh wala pa ring nangyayari? Medyo ignorante ka. Sus. Di mo nagets ung point nya. Dami mong kuda!

      Delete
    4. Ati kamag anak ka ano ng laglag bala syndicate? Kasi ako nakikinuod at nakikibasa lang nanggigigil ako. Isang bala lang ang ilagay sa bag katumbas na ng pagkasira ng buhay ng tao at pamilya nito. Iisipin mo pa ang epekto sa turismo? I am with lea on this.

      Delete
    5. FYI. Kalat na kalat na yang issue na yan. Nakailang biktima na. Walang umaaksyon sa gobyerno. Sabi ni Pnoy it's an isolated case kaya di sila makikialam. Nood ka din ng news pag may time wag puro loveteams. Mga kapwa Pilipino din ang pinupuntiryan nila. Affected ako dahil I'm an OFW. Nakakatakot ng magbakasyon dahil future ko ang nakataya if ever mabiktima ako ng scam na ito.

      Delete
    6. sa tingin mo di pa ito alam ng gobyerno? alam nila to, nagbubulag-bulagan lang sila!

      at ang purpose niya ay warningan ang ang mga travellers, natural lang na social media niya idaan.

      Delete
    7. Nasa Balita na rin kasi yan girl.

      Delete
    8. Alam na yan ng gobyerno, di na bago ang ganito. Wala naman silang ginagawa. Anong do not wash your dirty linen in public? Alam na alam na sa buong mundo yan, kaya nga lagi tayong napapasama sa worst airports in the world!

      Delete
    9. This is exactly the point. Mag rereact ka ba ng ganyan kung hindi sya ngpost despite numerous postings in FB re scandals in NAIA?

      Buti pa si Lea may pakialam ang Gobyerno wala, nagbibilang lang ng kwarta pwe!

      Delete
    10. Bakit ANON 1:15 A.M. pag sinabi ba nya directly sa government sa tingin mo may mangyayaring maganda? I don't think so. Mas mabuti yung ginawa nyang kumuda sa facebook at sabihin ang totoo, para mapahiya yung mga mandudugas na nakaupo. I applaud Lea Salonga sa statement nya. Tamaan na ang dapat tamaan, pero she's right.

      Delete
    11. another shallow-minded creature!

      Delete
    12. bago po ako magpost unahan ko na hindi ako si 1:15 at wag nyo po ako patulugin dahil hindi pa po oras ng tulog ko. nakuha ko din naman ang point nya tungkol sa isyu na ito. bakit kailangan nga naman lahat idamay na sa bulok na sistema ng NAIA? wala po kasing pinagkaiba sa dating bintang na lahat ng taxi services sa naia ay manloloko, mali po naman na lahatin. masakit para sa akin na anak ng isang honest taxi driver na naka-assign sa airport na pati ung tatay ko na nagagawang magsauli ng pera at mahahalagang gamit ng pasahero ay nadadamay sa tuwing may mga tiwaling drivers. pasensya na po, opinyon ko lang na mali ang idamay at parang ikahiya ang lahat ng kapwa mo Pilipino dahil lang sa may mga bulok sa manggagawa sa isang sangay ng gobyerno

      Delete
  30. Airports? More fun in the Philippines
    Drunk Driving? More fin in the Philippines
    Traffic? More fun in the Philippines

    Dapat ganyan ipakita sa mga slogan eh tignan lang natin kung may pumunta pang tagaibang bansa dito. Problema kase sa gobyerno puro magagandang side ang pinapakita nila sa mga foreigners. Gaya ng APEC sa Bataan gaganapin, sa resort pa talaga ah. Ayaw makita yung Traffic sa EDSA. Jusko, this country needs a LOT of change.

    ReplyDelete
  31. Sana may sumagot ng tanong ko ah PLEASE SAGUTIN NIU hehe.

    Since prang eto ung LUMANG NAIA ibg sbihin ba duon sa Bagong Naia ung ibang INTERNATIONAL TERMINAL ng NAIA ay Safe? Di ganito ktulad sa NAIA na nasa Picture? Ksi prang dian sa Ninoy talamak ang gnyan. Turista lang b ang kinakana nila o pti ung mga pilipinong nag trip to other countries tas uuwi na dito? Wla b slang snasanto? Nttkot tuloi aq. Paalis n ko november bka maganito aq kalerks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Doesn't matter if saang NAIA. As long as yung mga nagsscreen is from OTS, malaki ang chance na mabiktima kahit sino.

      Delete
    2. Oo. Pinoy din. May nakulong nga na Ofw dahil hindi siya nakapagbail sa pagkakakuli sa kanya with bullet sa bag. kung ako sa iyo iseal mo yung mga bag mo, pati hand carry.

      Delete
    3. Pati filipino, un immigrant na filipino ganyan din ginawa un nga lng may nag advice na yaga loob na absweltuhin na lng sa pagbigau ng $500. Sumunod un puti na may kasali sa charity or religious mission, gustong pagbayarin ng 30k. Tapos un ofw na pabalik ng foreignland. Nakakaawa un. Huli un Japanese national na pabalik ng JapaN, dalawang bala naman nakuha sa kanya. Nakadetain ata ngayon. Sa Naia Terminal 2 nangyari un sa Hapon.

      Delete
    4. I believe iba ang namumuno sa bagong NAIA airports, sa lumang NAIA lang ata ito nangyayari

      Delete
    5. Wala silang pinipili--foreigner man o Pinoy. Kaya kapag may pulis na nagsabi sa iyo na may nakitang kahina-hinala sa bag mo thru the x-ray machine at gusto nilang buksan, sabihin mo na gusto mo ng witness na manager or supervisor nila at i-video mo ang pagbukas.

      Delete
  32. Sobrang nakakahiya talaga to at sobrang nakakaawa ang mga nabibiktima. Mahirap talaga ang buhay pero enough ba yun na excuse para gumawa ng mga ganyan kasamang bagay? Very disappointing.

    ReplyDelete
  33. Sad but true๐Ÿ˜”

    ReplyDelete
  34. Did it happen to her or rumor-mongering.

    ReplyDelete
  35. sarili mong kabayan ang gagawa nang ganyan sa iyo,walang mga awa kahirap na nga ng buhay ofw puro pagkakaperahan nasa isip nila. nakakagalit talaga kaya ako pag lalabas ako ng bansa talagang babantayan ko muna makapasok bagahe ko sa conveyor bako ako pumasok .Ang lalakas ng loob wala ng kinakatakutan ang init ng madla now sa tanim bala sige pa din.

    ReplyDelete
  36. This is beyond embarassing, the govt must do something about it...ang dami ng biktima ano hindi na lang umaangal dahil nagmamadali sa pag alis ayaw maabala!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang bunga ng ipinagmamalaki nating demokrasya kuno!

      Delete
    2. wrong! yan ang bunga ng walang kwenta presidente at gobyerno hindi takot ang mga mamayan.

      Delete
    3. Nakaka disappoint ang kawalan ng aksyon ng gobyerno natin!

      Delete
  37. Paano mo pa sasabihing proud to be filipino kung ang sariling bansa mo nawawalan na ng moralidad at dignidad? Huwag nyo ng subukang ipagtanggol ang pilipinas, doon kayo sa spratlys magpaliwanag

    ReplyDelete
  38. Paano mo pa sasabihing proud to be filipino kung ang sariling bansa mo nawawalan na ng moralidad at dignidad? Huwag nyo ng subukang ipagtanggol ang pilipinas, doon kayo sa spratlys magpaliwanag

    ReplyDelete
  39. Kahit gaano pa kaganda ang Pilipinas, kung sa airport naman puro kapalpakan hindi na pupunta ang mga turista! Nakakahiya! Tapos ilalagay nyo sa mga buses sa buong mundo na IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES! Nakakahigh blood! I quit!

    -Alyganda

    ReplyDelete
  40. nakakahiya talaga... japanese pa ang biktima....ultimo police dito sa japan hindi gumagamit ng baril bawal dito... mga tungak

    ReplyDelete
  41. Totoo, totoo, totoo, at nakakahiya. And it seems despite all the investigations & slow actions (although some were dismissed) it persist to this day. Why it won't stop is a big question. Is this modus operandi controlled by a powerful group within the airport that any discovery or investigation results only in cover-up and dismissals of the fall guys within the group but are readily replaced by different sets of guys. What are the airport authorities doing to prevent recurrence of the same crime? Nakakahiya talaga. Beware also of the baggage boys. They will all swarm a traveler such that the traveler is confused and overwhelmed. They are even more in numbers than the number of luggages you are carrying. And they charge exorbitantly and when you question them, they will harass you. Being tired and sleepy from long trip especially from the US, Canada & Europe, the traveler simply give in to avoid hassles and troubles. Nakakahiya pa rin.

    ReplyDelete
  42. She indeed has a point.

    ReplyDelete
  43. maraming bansa ang maganda at hospitable rin pero hindi garapal.

    ReplyDelete
  44. Diritso nalang kau ng Cebu or Davao airports.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The airport in Davao looks clean.

      Delete
  45. Alam nyo ba dito sa bansa na masyadong malamig, ang mga local reality shows dito jan sa pinas ginagawa kasi mainit, mas madami silang activity, and super proud ako at ipinagmamalaki ko talaga ung mga magagandang tanawin na pini feature nila. Sabi ko palagi, o ang ganda ng pinas di ba?
    Sa kabilang banda, pag pinapakita naman ang mga sakuna at mga biktima nito sa mga balita, naaawa ang mga dayuhan, magte telethon at fund raising sila agad. Pero sinasabi ko din sa kanila, wag na lang. Kasi di naman nakakarating sa mga nangangailangan yan. Hindi nga ba't issue pa din kung saan napunta ang bilyong donasyon ng ibang mga bansa?
    Napakaganda ng Pilipinas, napakayaman sa kultura at likas na yaman. Sayang.

    ReplyDelete
  46. Naawa ako sa matandang babae na kinikilan ng mga security.. nakakulonbg sya ngayon. di na sila naawa sa matandang babae. grabe... sana mabitay na mga yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kawawa nga nakita ko sa balita. Feeling ko nilalagyan nila din ang mga local ng bala para hindi halata na mga foreigner ang tinatarget nila.

      JUSKO! di pa ba obvious na lahat nahuhulihan ng isang pirasong bala?! hindi ba obvious na sabwatan sa korupsyon ang nagaganap sa AIRPORT pa mismo!

      Delete
  47. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  48. siguro may point nman si ateng here.. naniniwala ako na before pagiging pilipino ay tao ako kaya bilang tao..Sasabhn ko kng anung masama at mabuti. Since totoo nmn yng snabi nya about sa current state ng bansa go lang.

    ReplyDelete
  49. totoo. nakakahiya. anu ba ginagawa ni Pnoy busy sa pangangampaya kay Roxas? medyo matagal na paikot ikot ang balita na yan dapat dati pa inaksyunan na agad agad. anu ba naman yan dapat pag ganyan tangalin agad ang mga empleyado sangkot palitan agad. nakakasira sa imahe yan ng Pilipinas.

    kawawa talaga ang Pilipinas kaya dapat talaga bumoto tayo ng karapat dapat sa sususunod ng election yun alam natin may nagawa sa bayan.



    Pnoy noynoying ka na naman!!!

    ReplyDelete
  50. What else is new? Corruption there, corruption here and corruption everywhere. It's like a domino effect. Kung sinong uuwi mag-ingat kayo kasi technology wise we are not that advance kasi dito sa US pwede ipascan yang bullet kung kaninong mga prints ang makikita nila. Nakakatakot knowing na sariling kababayan mo ang gumawa ng ganyan.

    ReplyDelete
  51. Aaanhin mo ang balang walang baril at cartridge!?!?! sige nga paki explain NAIA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Un din pinagtataka ko, makakamatay ba yon? Ano purpose ng isang bala, madami bang kagaguhan mangyayari ng dahil sa isang bala. Un pulbura pa nun pewede bang kunin at patungan ng bato, magccreate ba ng mala granadang pagsabog.

      Delete
    2. day, hindi naman kasi nagdadala ng buong weapon ang mga terorista. normally, onti onti ang pagpasok ng mga parts ng firearms. pero tbh, nakakabwiset na ang katiwalian sa Pilipinas!

      Delete
  52. im planning to go home next year kaya lng sa halos araw araw na may nahuhulihan DAW ng bala eh nkktakot lng umuwi. tpos eto pang mga executive ng naia kung mkatangol sa staff nila wagas. Hndi ba naiisip ng mga autoridad natin na anong silbi ng isang balang makikita eh kung wala namang baril. Obvious na obvious na ung kapalpakan sa naia tpos puro press release lng tong mga nangangasiwa na iimbestigahan dw eh anong petsa na uyyy! mgtrabaho naman kayo ng maayos!

    ReplyDelete
  53. Bakit di sila nadisiplinahan nung una pa lang? Bakit rampant pa din nangyayari despite naibulgar na ng media ang modus nila? May backer kaya sila na makapangyarihan? Pls Pnoy do something about this! Pag si Duterte maging president he would not torelate something like this!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana talaga tumakbo si Duterte sya ang kailangan ng Pilipinas para matigil na ang korupsyon, droga at krimen! I'll campaign for you Mr. Duterte please be our President, Lord please...

      Delete
    2. Pano cla madidisiplina eh kung yung head nila mismo ang number 1 kawatan. Mukhang magkakamag-anak lahat ng empleyado sa NAIA kaya ginawa na nilang family business ang pagnanakaw.

      Delete
    3. pasensya na busy daw si Pnoy kakaisip pano mananalo si roxas. kita mo may sagot agad sila sa comment ni BBM . pero sa ganto issue bahala daw tayo sa buhay natin lol!

      Delete
  54. Mass termination ang buong NAIA. damay damay na. Kasi pag hindi mo inalis lahat, may madedemonyo galing sa mga naiwan nilang mga kasamahan, parang payback time. Tapos screening ng mabuti.

    ReplyDelete
  55. I do agree with you anonymous 1:11. She always has a point. Masakit lang talaga pag natamaan ka sa sinasabi nya.:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya madaming nega reaction nun kasi tinamaan.

      Delete
  56. NAKAKAHIYA talaga! At ginagawang tanga ang mga travellers na magpupuslit ng isang bala para ano!?!?
    MO ito ng mga taga Airport to extort money from unsuspecting travellers. Hindi lahat ng travellers mananahimik na lang at eto na nga na uncover na sila! Dahil sa gawain ng iba nadadamay pati ang mga matitinong magtrabaho sa airport.

    ReplyDelete
  57. Ano bang ginagawa ng government ng Philippines bulagbulagan, ang dami ng biktima nito paulit ulit lang paglalagay ng bala sa mga passenger,tourist, mga balikbayan! Kakahiya ang employees ng NAIA mga patay gutom, mga inosente tao binibiktima pinoy man or hindi, ganyan na ba ang bansang iniwan ko. Paurong pagunlad, nakakahiya!

    ReplyDelete
  58. more fun in pinas if your idea of fun is perverted

    ReplyDelete
  59. Anong aksyon ng gobyerno? - UAE reader

    ReplyDelete
  60. We won't be on list for worst airport for nothing...

    ReplyDelete
  61. parang nkakatakot na mag eroplano kung ganyan ang airport!

    ReplyDelete
  62. We are often misjudged because just as you land to Philippines, this is how they welcome you. And I really can't understand that after bing your ticket which includes taxes and other fees, you still have to pay travel tax and terminal fee yet the terminal they provide you is a piece of crap. Just to see the airport you will have a quick reflection of our country, lack of accurate system, impolite people (often gives respect to foreigners esp white race), disorganised, craziest business lounge and CORRUPT! If anyone here is in the airport NAIA2 last September 28 in the afternoon, I think you would agree that the terminal smells stinky/pungent toilet. It's a disgrace that we are ALL misjudged just because of the crap government that we have. It's very unfair!

    ReplyDelete
  63. Thank you Ms Lea for this warning... I do hope and pray that the Philippine Government will take a great action on this... To all Filipinos and travellers, please be caution on this modus.

    ReplyDelete
  64. Last month, I have warned my husband about the bullet trick in NAIA2 and that day, after he finished checking in, I already left him because he was about to cross the immigration when suddenly a lady from nowhere wants to take my husband's hand carry luggage because she said it was overweight. And after almost 20 mins of discussion they just let him go inside with his luggage. My husband made sure not to lose sight oh his belongings because of my warning. Shit talaga! I think if my husband was careless then they might have planted the bullet. Wala akong masabing maganda sa lahat ng airport sa Pinas, once you're there you feel like everyone is thirsty for monkey business. Mga walang respect sa sarili at Tuloy nalalahat na masama ang Filipino. I see Philippines as a hopeless case.

    ReplyDelete
  65. Kaya ako kahit mas mahal ng konti ang ticket sa Clark int'l Airport, doon na ako at wala pang hassle sa traffic sa Manila. Talamak na talaga ang kawalanghiyaan dito sa Pilipinas. Harap harapan kung gumawa ng krimen pero ipinagtatanggol pa ng mga amo nila kaya hayan ang resulta. Ginagawa nilang tanga ang mga tao. Ano naman ang gagawin sa isang bala, aber?

    ReplyDelete
  66. More than nakakahiya, nakakatakot. Imagine sa MO nila na yan, NAIA staff mismo ang lumalabag sa security measures ng airports. Paano kung bigla na lang may mag-apply na terorista as NAIA staff tapos gumawa ng kalokohan. It is not far fetched to happen since terrorism is planned years in advance and as for airport staff sila-sila din lax sa security. Sa ibang mga airports, standard procedure na kahit airport staff subject for frisking/inspection to make sure wala din silang dalang firearms or ammunitions.

    ReplyDelete
  67. Mabuhay ka Lea! She has the courage to bring this issue to the forefront! And to the culprits, shame on you!
    O sinong politician ang papapel!?!?

    ReplyDelete
  68. definitely a connivance between NAIA AND NAIA POLICE! KADA HULI, PYANSA! napaka. LOW LIFE NILA! di na naawa sa mga kababayang nagsasakripisyo kumita para sa pamilya at mga turistang gustong makita ang ganda ng Pilipinas

    ReplyDelete
  69. hay kawawa talaga ang nabebiktima... nakaka highblood talaga ang mga masamang tao sa pinas. hindi lang sa airport pate sa pagsakay ng taxi..huhudasin ka pa. e overpriced at sasabihan na d gumagana ang meter. sana ma karma lahat ng masasama. hindi muna ako uuwi ng pinas.

    ReplyDelete
  70. hayyy pilipinas, ano nangyari sayo? kakalungkot :-(

    ReplyDelete
  71. Do these people still believe in God? They will do anything and everything to milk out money from the innocent victims by planting bullets into their luggage. Where is their conscience? Grabe, indeed our is really going to the dogs.Hay what a sad reality.

    ReplyDelete
  72. Do these people still believe in God? They will do anything and everything to milk out money from the innocent victims by planting bullets into their luggage. Where is their conscience? Grabe, indeed our country is really going to the dogs.Hay what a sad reality.

    ReplyDelete
  73. BRAVO ms. LEA SALONGA... bravo.

    In times like this where many people are starving and cannot make ends meet... they are dragged to do things to somehow satisfy that hunger.
    But why do stuff like this?

    * Do you know how much time are wasted in the airport alone during the investigation process?

    * Do you care what is going to happen if the victims are not capable of justifying themselves?

    * What difference does it make in your life?

    You are supposedly the one fighting terrorism and not starting it.

    I am one with Ms. Lea. In her sentiments, i am a Filipino feeling the same way.

    It might still be a long process to catch the thieves but the longer that they'll be in nothingness to solve the Airport ''Bullet Dropping'' Case.. then i am not shy to say as well na NAKAKAHIYA talaga na nangyayari eto para makapambiktima ng inosenteng tao.

    ReplyDelete
  74. Sa dinami-dami ng pumupunta dito hindi naman lahat eh nabibiktima nyan. Kaya parang ang pangit naman ng ginawa ni Leah,pinahiya lang ang Pilipinas lalo

    ReplyDelete
  75. Indeed the worst airport in the world... ano bang nangyayari sa pilipinas. Dumami na nang husto ang mga manloloko..

    ReplyDelete
  76. May plano din kmi umuwi next year... nakakatakot gusto ko na lang tuloy derecho s mactan airport

    ReplyDelete
  77. Marami sa atin ang proud to be pinoy... but sometimes I can't help but ask myself what is there to be proud of really? Nung naexpose ako sa ibang kultura at nakita ang ibat ibang lugar sa mundo minsan nanliliit ako sa aking sarili bilang isang Pilipino lalo na kapag nakakbasa ako ng ganitongga pangyayari. Nakakalungkot....

    ReplyDelete
  78. Is this one way of feeding their families? Nasasatisfy ba mga kaluluwa nila sa mga ginagawa nila? Bad karma na siguro kakatok sa mga tahanan ng mga employees na to. Kakapanlumo.

    ReplyDelete
  79. don't leave your things unattended po. and be alert. if you have any questions siguro sa mga baggage natin better ask an airline personel.

    ReplyDelete
  80. Naia lang airport sa pilipinas teh?
    parang may gyera sa pilipinas at kailangan talaga super careful.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana ikaw ang mabiktima next time then sabihin mo yan uli... pangalan mo at future mo nakataya once na malagay ka sa news. ang shallow mo namn! siguro never mo pa maranasan ang lumabas ng bansa

      Delete
  81. Dami na nila biktima, sino maniniwalang sa kanila na turista magdadala ng bala? Nin sense nakakahiya!! Yan ba ang daang matuwid? Kinukunsinti... Una balikbayan boxes ngayon bala naman.. Grabe!!! Sana matigil na to!!! Nakakahiya ang pilipinas, kaya naman pag nagpupunta tayo sa ibang banda me descrimination talaga dahil sa pamumuno at corrupt na gobyerno

    ReplyDelete
  82. Nakakahiya na nakakatakot. Ewan ko ba sa mga gumagawa niyan sa NAIA, wala silang puso at konsensya. Pera-pera na lang lahat, paano ang nadadamay? And we are not just talking about tourists here but locals as well. Tsk, tsk, tsk.

    ReplyDelete
  83. PROUD TO BE PINOY. MANDURUGAS. MANDARAYA. MAPANLAMANG!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I so LOVE this.. Panalo๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

      Delete
  84. Third World Country problem. Mayaman sa tanawin, mayaman sa kalikasan. Mayaman din sa katiwalian at corruption. Marami din bulag-bulagan at bingi-bingihan sa mga problema ng ating bansa. Marami din walang pakialam basta ang mahalaga sa kanila ay pera, kahit makasira sila ng kinabukasan ng mga binibiktima nila.

    ReplyDelete
  85. Hindi na kahirapan ang pumipigil sa pag-unlad ng Pilipinas. Ang pagnanais na yumaman sa madaling paraan ang sumisira sa atin. Ayaw na maging mahirap pero ayaw naman mahirapan. Kaya dagsa ang krimen - tanim-bala, pyramid scams, pagtutulak ng droga, prostitution, pagnanakaw at iba pa.

    ReplyDelete
  86. Nakakahiya naman talaga. Bilang OFW, hindi ko kayang marinig na pinaguusapan ng ibang lahi ang mga katiwaliang ganap sa atin. Karaniwang mamamayan lang ako, ano pa kaya yung katulad ni Lea na kilala at nagrerepresent sa bayan natin? Wake-up mga kababayan. Hindi tayo ganun karelevant kagaya ng pinapalabas ng media sa atin. Kaya naman the least that we could do is love and respect our own land and fellow countrymen kasi walang ibang gagawa nun kung hindi tayong mga Pinoy din.

    ReplyDelete
  87. Ang mga taong gumagawa nito, wala na ngang dinadalang karangalan sa bansa o naaambag man lang sa pag-unlad ng Pilipinas, nagdudulot pa ng kahihiyan. ******Cringe

    ReplyDelete
  88. Irresponsible use of social media. Sana po d na nya ginawa to even if she has a point. Kung galling pa sa kanya ang balitang tulad nito, paano na ang turismo na pinagkakakitaan ng ilang kababayan natin?
    Wala syang pake kasi nasa ibang bansa sya at wala ditto ang trabaho nya ngayon. Pero she should be an advocate of our country and not the source of our demise

    ReplyDelete
    Replies
    1. advocate? sorry ha pero di na kaya pagtakpan ang ganitong kahihiyan sa Pilipinas. Kung ikaw nagbubulag-bulagan, wag mo na pilitin ang iba na kagaya ni lea na pamarisan ka. Tourism ba kamo? Hindi si Lea ang sisira nyan, mga opisyal at mga kapwa Pilipino natin ang gumagawa nyan. Ever heard of "don't shoot the messenger"? You are barking up the wrong tree here.

      Delete
    2. Your ire should be to the airport staff doing this bullshit to earn easy money. What they're doing is enough to make the tourists have second thoughts visiting the country. She cares and makes people aware of what these crooks stoop to just to grease their palms.

      That said, pwede ba, huwag kang kunsintidor at iwasan mong pananakip sa kalokohan ng iba.

      Delete
    3. Irresponsible use of social media!?!? Okay ka lang!?!? Your head is so deep up arse that you dont get her point!

      Delete
  89. Poor Philippines. It hurts but it's true. Gising mga politicians!

    ReplyDelete
  90. So true,kawawa ang mahal kong pilipinas,tama na warningan ang mga dayuhan pati na din ang mga kababayan nayin na nagpupunta sa naia,ito ang dapat pagukulan ng pansin ng mga pilitiko at mga kababayan natin,be vigilant pag nagpupunta ng naia,ang nga gamit ikandado kahit mga zipper ng bags

    ReplyDelete
  91. it will hurts the economy the next few years, if they will not do something about this issue...what's wrong with this people????

    ReplyDelete
  92. may petition po sa about laglag bala sa change.org paki sign po plsss

    ReplyDelete
  93. Ang pangit na nga ng airport ang pangit pa ng serbisyo. Wala na. Bago ka pa makalamierda said na ang pasensya mo.

    ReplyDelete