Monday, August 24, 2015

Insta Scoop: Kris Aquino Raises to Proper Authorities the Concerns of OFWs of the Opening and Taxing of Balikbayan Boxes by the Bureau of Customs



Images courtesy of Instagram: withlovekrisaquino

100 comments:

  1. I hope the government will listen. It's our hard earned money.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May nababasa akong na wala daw magawa si PNoy, etc...not a fan of Pnoy, but i think di na nya kasalanan ito because it has been going on for years...decades even. Mga likas na kurakot lang talaga ang empleyado sa customs at post office. Hindi lahat, pero meron. Dapat mareport agad ang ganitong insidente para mainbestigahan.

      Delete
    2. sana magboycott ang mga ofw n wag n munang magpadala hanggat hindi nila tinatangal ang paglalagay ng tax sa mga balikbayan box

      Delete
    3. Sus. Wala din nmng pake yan kunyari nay concern. E ung hacienda luisita nga d nila maibigay sa mga farmers dun kht sonbrang yaman na ng aquino-conjuangco family nila.

      Delete
    4. 10:44 napanood nyo ba sa news ang sinabi ni pnoy? Suportahan na lang daw ang Customs! Gusto ko batuhin ng remote ang tv namin sa sobrang inis! lol

      Delete
  2. I hope you can do something good for OFW,

    ReplyDelete
  3. huwag naman lagyan ng tax.hindi naman lahat ng ofw parehas mga sahod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True... my tatay is a carpenter in Jeddah. And lahat ng pinaghirapan nya papunta sa amin halos di na sya makabili ng mga gusto nya para sa sarili nya. Itong mga taga BOC parang mga buwaya!

      Delete
  4. Go kris, sabihin mo catch the big fish hindi yun mga ofw gusto lang makapagpasaya ng pamilya dito sa atin

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you kris,ilang buwan din namin unti unting binibili ang ilalaman sa kahon bago mapuno taps hahalukayin lang ng mga taga custom at lalagyan ng tax,kaya ako hindi n ako magpapadala ng balikbayan box hanggang di nila ihihinto ang yan

      Delete
  5. Kris for the next president he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panong hindi xa eepal e si Pnoy ang masisisi na naman dyan!

      Delete
    2. 1:17 true! si pnoy ang naglagay diyan kay alberto lina. nabasa nyo na ba ang interview sa kanya? mukhang nagmamatigas! ganyan ba ang pamahalaang nagmamalasakit?

      Delete
  6. Thank You, Ms Kris A!

    ReplyDelete
  7. Okay. Mahal na uli kita Kris. Maraming salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan na ganyan din ang nasabi ko after mabasa to! LOL

      Delete
    2. Hidi pa cgurado na mare-resolve ang probema sa mga balikbayan boxes kaya maaga pa para magpasalamat! Kung gusto nya makatulong kulitin nya si pnoy na patigilin si Bert Lina sa kalokohang yan!

      Delete
  8. Go Krizzy! Thank you.

    ReplyDelete
  9. Parang mas mabilis pa ang action pag kay ma kris yta sinasabi haha

    ReplyDelete
  10. Raises with endorsement, i hope.

    ReplyDelete
  11. Thank you Kris Aquino,so much appreciated your concern.

    ReplyDelete
  12. Maraming Salamat Krizzy. Love, love, love......

    ReplyDelete
  13. Thank you miss Kris. nakakaiyak na sa totoo lang na parang kaming ofw pa ang mas pinapahirapan, kasalanan ba namin na maraming corrupt sa gobyerno? :'(

    ReplyDelete
  14. Thank you Kris! Ang hirap kaya punuin ng balikbayan box. Pawis at dugo namin ang puhunan namin dyan.

    ReplyDelete
  15. Thank you Ms.Kris. I'm not really fond of your brother's regime, but this is really nice of you. Madami po talaga OFWs, and this new policy of BOC is a pain in the butt of Filipinos w/ relatives who's working abroad. Lahat ng pinapadala nila, pinagpaguran ng mga kamag-anak namin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Hindi nman araw-araw nakakapag-padala ang mga yan, buhay at pawis na di matutumbasan nang kahit anong pera, kahit sa maliit na bagay, sana man lang pagaanin ng gobyerno natin mga sakripisyo nila.

    ReplyDelete
  16. dapat si kris na lang head ng customs

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagmula rin naman sa kapatid nya ang problema! Nagtalaga ng mga tao sa customs na wala naman alam! Remember yung port congestion na sa panahon lang ni Pnoy nangyari? May kaso pa diumano ng anomalya! Basta kasi kkk okey kay Pnoy! Pordiosporsanto! Pumili naman sana ng may kakayahan! Anong klase kayo?! Nakakagalit!

      Delete
    2. Port congestion happened bcoz of the policy of mayor estrada.

      Delete
    3. 11:11 No. Hindi pa nai-implement ang policy ni Estrada, may port congestion na! Dahil hino-hold ang mga cargamento dahil naghihintay daw ng lagay! Lalong lumala nang ipinatupad ang truck ban sa Manila! Nang ni-lift na ang truck ban sa Manila ganun pa rin ang port congestion! Ang daming naluging negosyo dahil sa port congestion na yan! Ang masisisi dyan talaga ang mga palpak na namumuno sa BOC!

      Delete
  17. minsan talaga napapakinabangan ang pagiging mahadera ni krissy

    ReplyDelete
  18. Agree ako na sana wag i-tax pero di lang naman OFW's nagpapadala ng balikbayan box. Ako, nagshoshop ako online tapos sesend sa isang warehouse. Pupunuin nila yung balikbayan box with your stuffs then sesend dito. Mga 2 - 3 times ko to ginagawa a year. Personal use lang naman yung akin pero yung iba naman ginagawa to just to resell the items. Kaya I kind of understand naman yung customs kung gusto nila gawin to (pero sana wag hehe).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung iba kasi inaabuso yung pagpapadala ng box para pangbenta, para makalusot sa tax. Ang affected tuloy yung mga ofw na nagpapadala para sa mga pamilya nila.

      Delete
    2. Agree! May mga ganun nga. They use balikbayan boxes for business. So in effect para silang mga importers na hndi nagbabayad ng tax. Unfair nga lng kasi nga karamihan pa din nman sa nagpapdadala ng boxes e para talaga sa mga pamilya sa pilipinas.

      Delete
    3. Eh kasalanan ng mga tulad nyo pala to eh.

      Delete
    4. Thank u for sharing this story about your stuffS

      Delete
    5. Majority ng nagpapadala ng balik bayan boxes/packages ay mga OFW kaya sila ang mas tatamaan ng "brilliant idea" ni Alberto Lina! Bakit pati binigla? Sana nagbigay ng palugit na kahit 3 man lang para nakapag-isip ang mga OFW kung magpapadala pa ng packages! Unfair yan sa mga nakapagpadala na! Ganyan ba sila gumawa ng batas, pabigla bigla? Hindi muna inisip ang idudulot sa maliliit na mamamayan! Basta talaga pagkaka-perahan mabilis pa sa kidlat mag-isip ang mga magna! Lalo lang titindi ang korapsyon dahil mauuso ang "lagay" para hindi na buksan ang BB! Magsialis na sana sa pwesto ang mga gungg*ng diyan! Asa pa kayo sa boto namin sa 2016! Pwe!

      Delete
    6. Yung iba kasi inaabuso yung balikabayan box puro paninda ang laman. Umiiwas sa pagbayad ng import duties. Hello sellers!! Ang problema, mahirap naman i-determine kung ano ang for personal use or for business. Let's say puro lotion, pabango ang laman. Eh paano kung pangregalo naman talaga yun sa mga relatives and friends diba? So anong use ng pag-random opening and inspection ng boxes? Still, hindi naman pwedeng palusutin nalang yung mga negosyanteng nag-iimport via balikbayan box. Kailangan solusyunan pero sorry, BOC, ang pagbulatlat ng box ay hindi magandang solusyon lalo na maraming nangungupit sa mga staff.

      Delete
    7. 7:32 I mean palugit na 3 months.

      Delete
    8. Kailangan pa ng approval mula sa Congress bago pwedeng ipatupad yan! Itong si Lina ang bakit ba atat na atat? Gusto magpasikat pero ayun puro batikos ang napala!

      Delete
  19. Sana makinig ang brother niya sa kanya, baka naman sabihin sa kanya na "stay away from the issue". Hehe. Totoo naman, etong customs walang konsiderasyon sa mga OFWs! Walang awa! Instead of focusing sa billiong billiong nakurakot ng ilang govt officials, bawiin muna nila yun. eto pa inuuna nila. Hulihin niyo muna ang mga magnanakaw at corrupt bago niyo i-tax ang mga balikbayan boxes para naman alam namin kung saan mapupunta ang taxes na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Customs at BIR pareho lang iyan!

      Delete
    2. Mga ahensya ng gobyerno sa panunungkulan ni pnoy puro pamatay! BOC, BIR, LTO,...etc.,etc.,...

      Delete
    3. Saan ka naman nakakita na ultimong magpi-fishball, tricycle, tryke, magtataho, lahat gustong pagbayarin ng tax! Omg! Onli in Pnoy's regime!

      Delete
  20. Thanks Tetay! Balak ko na wag muna magpadala hanggang maayos yan. Yung iphone6 at 5s na ipinadala ko, maliit pa na box yun, nagtagal sa custom ng 1 buwan. Nagbayad pa ate ko ng 2600 para lang makuha nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nauna na pong mag-react si Bongbong Marcos sa Senado! Magpasalamat din tayo sa kanya!

      Delete
    2. Wala na silang aasahang boto mula sa mga OFW at mga pamilya nila! Millions of votes din angmawawala sa kanila! Ngayon pa lang sinasabi ko na, na ako buong angkan namin, wala silang maaasahang boto mula sa amin! Buong barangay siguro namin ganun din dahil halos lahat ng pamilya ay OFW!

      Delete
    3. May mga senators at congressmen ang against dyan!

      Delete
  21. bakit kailangan pa nila buksan ang mga boxes for inspection, pwede naman sila bumili ng Scanner para dito, sana talaga may magawa tungkol dito kasi kawawa naman kami dito na nagpapakahirap para makapagpadala, ok lang sana buksan, kaso mo, yung mga nakikita mo sa facebook na bago buksan ng pamilya mo ang boxes ay kulang na ang laman, at ang tax na ilalagay dito, kulang pa ba yung tax sa pagpapadala ng pera namin jan?? sana naman, may magawa tungkol dito...

    ReplyDelete
  22. Mali talaga na Lagyan ng tax at buksan ang mga balikbayan boxes dahil sa totoo Lang billions of pesos ang nakukuha ng gobyerno sa mga remittances ng mga OFWs. Kumbaga pakunswelo na Lang ang mga balikbayan boxes para sa mga OFWs for their hard word.

    ReplyDelete
  23. Sana Nga may aksyon ang gobyerno dito thru Ms. Kris. im not an OFW but a resident of another country. Naiyak ako sa nakita ko sa FB. Im sure that is not a random incident. I really feel for our OFWs and will be praying na sana matigil na ang ganitong kabastusan sa pinaghirapan ng ating mga OFW.

    ReplyDelete
  24. Go Krissy!! Love you so much talaga!!

    ReplyDelete
  25. Dapat talaga kay Kris tumulong para maresolba ang problemang yan! Sa kapatid rin nya magre-reflect ang epekto nyan! Yan daw ang legacy na maiiwan! Tax tax tax and more tax na hindi naman alam ng taumbayan kung saan napupunta! BTW ang laki daw ng budget na nakalaan ngayon sa DAP at PDAF, binago lang ang pangalan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya siguro nagkukumahog dahil sa lets*ng pdaf at dap na yan! Habang nalalapit ang pagtatapos, patindi ng patindi ang pahirap!

      Delete
  26. Pag ito ni-justify ni Pnoy ewan! He will be the worst president the country has ever had! Saan ang malasakit daw para sa maliliit? Ang patawan nyo ngtax yung mga mamahaling sasakyan at mga items na ini-import ng mayayaman!

    ReplyDelete
  27. Pagtuunan ninyo ng pansin ang mga smugglers at drug dealers hindi yung pinaghirapan ng maliliit na mamamayanna nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa para matulungan ang pamilya nila at mabigyan ng kasiyahan paminsan minsan! Mga bwis*t kayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pagtuunan rin ng pansin ang mga kurakot na labas-pasok sa Malacanang, hindi puro oposisyon lang!

      Delete
  28. PANG-AAPI na iyan ah! Ano ba Pnoy? Gobyerno mo wala nang alam gawin kundi gipitin ang mahihirap!

    ReplyDelete
  29. Walang hiya talaga itong taga custom.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami na raw yumaman dyan! Sabi sabi na ultimo pinaka-mabang posisyon ay mga naka-kotse haist!!

      Delete
    2. Appointed ni presidente yan!

      Delete
  30. Mga OFW na nakakatulong ng malaki sa ekonomiya ang sya namang target ng mga buwaya! Wala bang kabusugan ang mga lintang yan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuti kung ii-inspect lang. E kung may mawala? And worst papatawan pa ng tax! Nag-doble doble ang abala at gastos ng mga tao! Aba e maawa naman kayo sa aming maliliit! Ang mga inipon sa packages na yan, pangkaraniwan lang sa inyong mayayaman! Pero para sa aming mahihirap, kayamanan na yang maituturing! Nagmula sa dugo at pawis ang pinabili at pinambayad namin para dyan! Makunsyensya naman kayo!

      Delete
  31. Ninanakawan na! lalagyan pa ng tax!.. kalakarang bulok sa custom kabisado n ng mga tao!

    ReplyDelete
  32. Please also investigate those Custom employees. How much are they earning? How can they afford lots of branded items (like louis vuitton, gucci, burberry etc) from bags, shoes to clothes? Hmmmm only in the Philippines...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit daw janitor jan may kotse.

      Delete
    2. May kaklasi ako dati taga customs ang nanay, walang tatay. napakayaman mala-mansyon ang bahay at maraming vacation house tas palabas labas lang ng bansa*europe US etc.. Pag naiisip kong tax natin yun kumukulo dugo ko. Tas kadalasan inoofferan ako ng mababang presyong cellphone galing raw ng customs. so malamang yun yung mga ninenenok nila sa customs mga walanghya sila!!!!!!!!!!!

      Delete
    3. 10:36 Matagal nang issue ang palusot/lagayan daw sa customs! Swerte nga daw ang mapasok dyan e! Dapat meron talagang life-style check!

      Delete
  33. I find that plan of Customs ridiculous. They should catch the big fish - the big time smugglers and the BoC employees who are corrupt. They should spare the hardworking OFWs

    ReplyDelete
  34. 60M daw ang nawawala taun taon dahil sa mga packages na ganyan sabi ni Bert Lina! E paano naman yung bilyong bilyong nakukurakot ng mga ganid na dapat sa atin napupunta? Mga hinayupak kayo! Wala nang inisip kundi delihensya!

    ReplyDelete
  35. Marami rin maapektohan pag wala nang nagpadala ng balikbayan boxes/ packages! Maraming mawawalan ng trabaho! Hindi ba nila naisip iyan?

    ReplyDelete
  36. Bulok, as in BULOK ang gobierno ni Pnoy! Puro panggigipit sa mga ordinaryong mamamayan!

    ReplyDelete
  37. Technically speaking...dapat naman talaga may tax... pero taxing a single laptop or a single cellphone or ilang sabon at shampoo for personal use is impractical na.. na buksan lahat ng dadaan na balikbayan box... mas malaki pa gastos ng gobyerno sa pasahod ng mga magiinspect and other expenses sa makukuhang tax...

    Parang katulad lang yan na dapat itax ang mga sari-sari stores and palengke vendors.. if you will strictly apply the law...dapat talaga habulin sila at pagbayarin... pero since di naman ganun kalaki kita nila..hahabulin mo ba sila isa-isa para singilin ng let us say 1k for their income tax? Diba ang impractical and mas malaki pa cost sa benefit na mae-earn.

    1 lang naman rason ni Lina dito eh... collection target... how many years ng below the collection target ang boc...

    ReplyDelete
  38. Feeling ko hinuhuli nila yung mga benta ng benta ng branded items sa instagram san dumadaan yung mga yun

    ReplyDelete
  39. Jusme e papano yung pamilya na walang pambayad ng tax sa ipinadala sa kanilang package ng isang mahal sa buhay na nagta-trabaho sa ibang bansa? Hindi na makukuha yung package kung ganun? At anong gagawin ng customs sa mga package na yun? Paghahati-hatian nila? Dapat malinaw ang batas dyan! Kung hindi ma-claim ibalik ng maayos at kumpleto doon sa nagpadala! Parang may hidden agenda e!

    ReplyDelete
  40. Sa past administrations wala namang kaekekang ganyan! Ngayon, ultimo pag-utot mo parang gustong lagyan ng tax!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lang pag-utot yata ang gustong lagyan ng tax! Pati pag-bahen, pag-sinok, pag-dighay patawan din ng tax! Kung malas malasin pa baka pati pag-hinga kino-consider na rin lagyan ng tax! lol

      Delete
  41. Ano ba naman, kaninong ideya etong bagong batas na eto? Nakakahiya kayong mambabatas kayo! Nakakita na ba kayo ng ibang nasyon na gumagawa nito - batas para bigyan karapatan ang bugok nating Customs para bumilatlat at tax pa kamo bawat balikbayan box ng mga OFW??? Eh kung yung mga bahay at bank accounts nyo kaya suriin? Given na sa Pinas na pag ang trabaho mo sa Customs sagana at sasagana pa ang buhay mo. Tapos isasa batas pa ang lantarang pagkalkal ng Customs sa bawat kahon??? Gagawing legal ang pangungurakot??? The rest of the world utilizes xray cameras to scan these while sa bansa natin legal na ang pagkalkal pahalungkat at pag piestahan ng mga bugok na Custom ang laman ng mga pasalubong boxes ng ating mga nagsusumikap na mga OFWs. On top of that may TAX pa kamo!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bansa ng mga kawat*n! Wala na akong iba pang masabi sa sobrang pagka-dismaya!

      Delete
    2. Sec. Lina, wala kaming magawa dahil appointed ka ng pinaka-magaling na presidente ng Pilipinas (roll eyes) kahit nababasa namin at napapanood namin sa news na ikaw diumano ay may kinasasangkutan din na anomalya! Huwag mo nang dagdagan ang pag-aalinlangan namin sa kredibilidad mo!

      Delete
  42. Why do they need to tax a gift? At talagang hahungkatin talaga? Paano pag may masira sila, o nawawa, babayaran ba nila? Hmmmnnn.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tsaka bakit bigla bigla naman yata? Kaya pala nagkaka-delay delay ngayon ang delivery ng packages dahil iniipon muna para marami ang magatasan! Hmp!

      Delete
  43. Hu did she raise it to? Sec Lina? In the last interview he defended the new policy

    ReplyDelete
  44. Ano kaya gagawin ng gobyerno kung mag-strike ang mga OFWs at hindi magpadala ng remittances? Tyak na babagsak lalo ang ekonomiya ng pinas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga ganyan ang mangyari tutal lagi namang ang mahihirap at ginigipit nila! Tingnan natin yung ipinagmamayabang nya na umuunlad na raw ang Pilipinas, pero ang totoo, ang mga kurakot lang ang umuunlad!

      Delete
  45. Yahoo!!! May hope pa pala !!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat lang itigil nila iyan! Wrong timing malapit na ang eleksyon! Mga kandidato nila ang tatamaan sa galit ng taumbayan!

      Delete
  46. I find it hard to comprehend this kind of issue. I myself is an OFW. I don't understand their epic reason of randomly opening packages. My evidence aren't that concrete yet but if there is a budget deficit on the BOC, don't let OFW pay in lieu of the said deficit. No matter what, fish for the bigger ones and not the small ones like us.

    Here's my take also, hindi dugo or pawis yan, more of pagmamahal sa bawat item na ilalagay sa box. Designated na yan kung kanino. Bat nga ba ako nagpapadala, kasi gusto ko magamit din nila yun mga ginagamit ko. Iparanas ko sa kanila kung ano yun maganda nadadanas ko dito.

    hopefully the government together with kris and the rest of ofw will be heard on this matter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thumbs Up! Very true, pagmamahal talaga bukod sa sacripisyo ang nilalagay natin sa balikbayan box,

      Delete
  47. Share ko lang itong nabasa ko.
    "FILIPINOS LEAVE THEIR COUNTRY TO WORK ABROAD BECAUSE THEY WANT TO. NOT BECAUSE THEY HAVE NO OPPORTUNITIES IN THEIR COUNTRY." - PNOY
    Kayo na po ang bahalang humusga kung tama o mali ang pananaw ng ating presidente!

    ReplyDelete
    Replies
    1. WTF! Sino ba ang may gustong maghiwa-hiwalay ang pamilya, kung meron namang oportunidad dito para mabuhay man lang ng disente ang isang pamilya? Sino ba ang gustong ipain ang buhay at magpa-alipin sa dayuhan sa ibang bansa kung may oportunidad na dito na lang mag-hanapbuhay para may ipambuhay at ipagpaaral sa mga anak?? Paki-sagot po mahal na pangulo!

      Delete
  48. Jan malalaman kung sino talaga ang nagsasalba sa ekonomiya ng bansa!

    ReplyDelete
  49. Sa ibang bansa hindi pinagtutuunan ng pansin ang bagaheng ganyan! Basta idadaan sa scanner, pag walang na-detect na mga ipinagbabawal, matatanggap mo ng buong buo ang bagahe! Dito sa Pinas lahat gustong pagkakitaan!

    ReplyDelete
  50. Sabi lang nila yang randomly checked! Malay ba natin kung pinagbubuksan lahat ng balikbayan boxes natin para mas marami silang harbat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Hindi mo naman matatanong silang lahat kung binuksan din ba ang mga BB nila!

      Delete
  51. Sibakin na ang namumuno sa BOC! Intindihin mo yung mga big time smugglers jan na milyon milyon ang napapalusot!

    ReplyDelete
  52. Lahat, pati ems parcels na sobre lang at wala halis mailalaman may tax na rin! Kahit bargain mo lang nabili sa abroad ang isang item na hindi naman mamahaling brand, libo na ang sisingilin na tax! Kaka-high blood kayo!

    ReplyDelete
  53. Breaking News: Hindi na raw pabubuksan ang mga BB! Natakot sa bugso ng galit ng taumbayan!

    ReplyDelete