Ambient Masthead tags

Friday, March 20, 2015

Insta Scoop: Alyanna Martinez's Message to Grandma Amalia Fuentes




Images courtesy of Instagram: alyannamartinez

114 comments:

  1. base sa nababasa ko mas na naniniwala ako saknila kesa sa lola.. she married at a young age kaya nagalit nanay nya pero they proved naman ung pagsasama nila ay nagtagal and totoo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I don't think it's proper to bash anyone. All of them experience a certain loss. Loss of a wife, mother, daughter. May their wounds be healed in time. Respect to the family especially Albert who remains in dignified silence. Respect to the mother because she is after all the mother of Liezl.

      Delete
    2. .sana pinalagpas na lang nila kung ano man sama ng loob nila sa isat-isa.for alyanna kahit ano pa gnawa ng lola mo sana tumahimik ka na lang muna.kahit ano pa mangyari she is still the mother of your. mom.may tamang panahon para sa lahat, anyway the turth will always prevail.

      Delete
  2. Naman kasi yung mga ibang commenters parang alam na alam yung mga nangyayari sa buhay buhay ng mga celebrities. Alyanna is right we are all spectators. Hindi natin alam kung ano ang buong nangyari. At sabi yun talaga ang mga request ni Liezel.

    ReplyDelete
  3. she's right. maraming pinaghuhugutan ang problema sa pamilya. i think nung may sakit si liezl, she would be the last person who would want to stay away from her own mother...unless meron tlgang dahilan.. let's all leave them at peace... wag n magdunung dunungan.

    ReplyDelete
  4. They don't need this drama especially since they've just lost their mom. Grandma Amalia should know better but alas you can't teach an old dog new tricks.

    ReplyDelete
  5. Kahit ano pa man yan alyanna, ina siya ng ina mo. Jesus forgive on his resurrection so who are we not to? Bakit alam mo ba ang pinagdaanan niya noong nagtanan ang ina at ang ama mo? Masakit para sa ina na sng nagiisang anak at napariwara. You cant blame your lola. If you fail to get her heart, keep trying and be humble.

    ReplyDelete
    Replies
    1. napariwara talaga teh?

      Delete
    2. tulog na amalia. wag ka na magpuyat

      Delete
    3. Napariwara? Si Liezel? Paano?

      Delete
    4. Wag idamay ang dyos dito juice colored. Napariwara??? Hahaha listen to yourself. Wala tayong alam sa totoong nangyayari or nangyari sa kanila kaya wala tayo karapatan magmarunong kung ano ang dapat nilang gawin

      Delete
    5. Madaling sabihin kasi di naman ikaw nasa posisyon niya. Di bale pag na-experience mo yan, e di iapply mo sa sarili mo. You dont have the right to tell her what to do or not to do.

      Delete
    6. Wala kang karapatan pagsabihan si Alyanna kung anong dapat niyang gawin. She's old enough and most definitely has her reasons. Basing on personal experience, na hindi rin kami (ako at ang mama ko) trinato mabuti ng lola ko (nanay ng mama ko) ever since bata pa ako, naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Alyanna. Fortunately, ngayong mas matanda na ako, at peace na ako sa aking lola and with everything she has done, especially since she has passed away. Kung mapapatawad niya si Amalia, give her time. Kung hindi, wala na tayo dun.

      Delete
    7. Because we are not Jesus? The thing here is that the children are grieving now, forgiveness, if it were even possible, would have to wait. Please lets not tell them what or what not to do. Thats not what they need right now.

      Delete
    8. Yung iba naman kasi kung maka-advice akala mo sinong involved. How can she love a grandma who despises the person she loves the most (her dad)?? Hayaan niyo muna mag-heal yung bata. Masyado kasi kayong magagaling mag-advice pag ibang buhay ang involved, pero di naman marunong iapply pag sa sariling mess.

      Delete
    9. Ang OA mo naman. Panong napariwara? E they seemed to have proven themselves naman. Lahat ng pamilya nagkakaproblema at wala tayong karapatan magdikta dahil hndi tayo ung nsa kalagayan nila. Spectators nga lang tayo e. Whatever it is that they've gone through, let them heal on their own hindi para pangaralan mo pa sila. Lagi na lang kasi yan ang sinasabi ang Diyos nagpapatawad tayo pa kaya. Again, let them decide on it. Lahat ng tao naman nagpapatawad pero kanya kanyang oras ang pagbibigay nun. Maybe talagang malalim ang pinaghuhugutan ng pain nila. Makiramay ka na lang wag ka ng mangaral. Walang ibang nakakaalam ng buhay nila kundi sila lang.

      Delete
    10. Close kayo teh?????!!!! FC kalng namn

      Delete
    11. Wla tau sa sitwasyin nila so wag taung mgmagaling na makialam lalo nat hndi ntin alam ang totoong storya .. Ang ibang tao ksi mkpagcomment prang kilalang kilala nila at my alam sa sitwasyon.. Hayaan n lng ntin na mag grieve muna sila at kung my sma ng loob man sya sa lola nia balang araw mgkkptawaran din yan di lng siguro ngaun so wag taung mgdunong dunungan..

      Delete
    12. Hindi ba napariwara kapag tinanan ng lalaki? Hindi nila nirespeto ang families both sides noong ginawa nilang umalis. Isang malaking kasalanan yan. Kung ganun ang galit ng ina, hindi niyo siya masisisi pero ang hindi iacknowledge ng ina sa burol ng anak is a big NO. Kahit yun nalang ang ibigay ng pamilya ni Albert kay Amalia. Etong si Albert naman, dapat tinuruan ang mga anak na huwag makialam dahil hindi naman sila ang may kasalanan sa ina ni Lizelle. Im sure si Lizelle ayaw ng ganyan.

      Delete
    13. 12:25 huwag ka nang sumawsaw kung hindi mo naiintindihan ang pinagdadaanan ng pamilya! May napariwara ka pang pinagsasasabi jan g*g*!

      Delete
    14. Anonymous 10:27 am. sinong nagsabi na malaking kasalanan kapag tinanan ng lalaki. What part in the Bible? You know yung mga tao na kagaya na napaka self righteous ay naglilipna na impyerno. Why remember the mistake when they have redeemed themselves by being faithful for 27 years.

      Delete
    15. I am not aware of any mistake they committed in getting married. Just because you get married to someone your parents don't like that doesn't make it a mistake.

      Delete
    16. Nasagi lang sa isip ko, hayy kung bakit kasi hindi maka move on si Lola Amalia sa tanan issue na yan.
      Alyanna naiintindihan ko siya. Marami nga tayo hindi alam. Kaya makinig na lamang.

      Delete
    17. Teh ikaw ata napariwara.. Halatang misguided ka!

      Delete
    18. Useless makipagtalo sa isang taong makitid ang pag-iisip katulad ni anon 10:27! Nagtanan lang napariwara na? Abg sinasabing napariwara yung nasira ang buhay! Maayos ang naging buhay ni Liezel sa piling ni Albert hanggang sa huling sandali ng buhay nya! They'd stuck together through thick and thin for the last 29 years kahit hindi sila mayaman tulad ni Amalia! Naging mabuting asawa si Liezel kay Albert at naging mabuting ina sa tatlo nilang anak! Saan ang napariwara dun?

      Delete
  6. That's how u show respect and love to someone who just died. Don't tell them what to do kc sila tlga nkkaalam ng every details ng buhay nila.

    ReplyDelete
  7. Bakit anong ganap? Paki chika sakin ples!

    ReplyDelete
  8. SAD. Nanay din ako so kahit anu pang sabihin ni Alyana, naniniwala ako na ang pinakamasakit na bagay ay yung mawalan ka ng anak. I cant even imagine. And in fairness to Liezl, kahit anong rant ng nanay nya, never syang nagsalita in public, tapos tong si alyana mega react. tssss. sana di nalang din sya nagsalita if (Accdg to her |) "those who dont know, dont matter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Xmpre mag rereact xa kc cla na ang lumalabas na masama. At wag gamitin ang pagiging nanay kc d lahat ng nanay mabubuti.

      Delete
    2. yes te ina ka.. wala naman nakikipag diskusyon sayo tungkol doon.. pero hindi naman ibig sabihin dahil ina si Amalia eh sya lang ang nasasaktan ng husto. paano naman ang mga anak ni liezel? mahirap kaya yong wala kang nanay na matatakbuhan at makaka usap tungkol sa problema mo. ang problema kasi kay amalia nag assume sya masyado na yong mga bata pag nag asawa makakahanap ng mother in law atsaka si albert makakapag asawa uli.. pero di ba nya alam na walang sino man lalo na sa parti ng anak ang makakapantay ng pagmamahal at pag aaruga ng isang ina na nag luwal sayo sa mundo? at please lang hindi lahat ng panahon tama ang ina, hindi ibig sabihin na ina ka ikaw lang ang tama. kasi tao kalang din nagkakamali hindi ka perpekto.

      Delete
    3. 7:55 & 9:25 I couldn't agree more! Nakakagulat nang magbitaw si Amalia mapapalitan ni Albert si Liezel pag nag-asawa ulit ito. Sa oras na yun, nasa matino bang pag-iisip ang isang tao na magsasalita ng ganun? Higit sa lahat, nung sinabi ni Amalia na mapapalitan si Liezel sa buhay ng mga anak nya pag agsipag-asawa ito dahil ying mother-in-law daw ang papalit bilang ina! Susmaryosep! Dun ko naisip na kailangan na ni Amalia ng professional help! Iba na ang takbo e!

      Delete
    4. Ate 9:25am, kuhang-kuha mo ang hugot ng puso ko. Yan din gusto kong sabihin: Di porket anak ka at ina siya, mali ka na parati kasi may mga ina na yung mga nararamdaman lang nila iniisip nila, yung nararamdaman ng mga anak nila, di nila iniisip.

      Delete
    5. Amalia is so selfish . She even mentioned in her rant that she didn't mind Liezl's cancer because she thought she'll die ahead of her. Duh?!? It's all about her and not even her only daughter.

      Delete
  9. Epal kasi yung commenter, may masabi lang. Hindi lahat ng pinapakita ng media, yun na yung totoo at hanggang DI NILA NARANASAN yung naranasan ng Martinez, di nila sila maiintindihan.

    ReplyDelete
  10. People should stop minding other people's business and the world would have been a better place.

    ReplyDelete
  11. unsolicited advice naman kasi

    ReplyDelete
  12. Alyana ok lang yan.. Dnt stress eat ha.. Ang fitness eklavu mo mababaliwala sige ka.

    ReplyDelete
  13. I watched amalia's vid, walang luha. Gusto lang ng attention. Bakit kaya sya ganun? Crazy

    ReplyDelete
    Replies
    1. What I noticed in the video too was when Aga arrived, he just hugged and consoled Amalia for awhile and then let her walk away. I mean, if any of them thought that she should be inside and see Liezl for the last time, then why weren't there anyone trying to stop her from leaving? Some people were trying to stop her from speaking to the media but she was just too stubborn.

      Delete
    2. ako din naloka sabihan ba na bakit hindi daw sya isinama sa pagpplan kung tama ako sa nadinig ko....Eh wish nga ng namatay yun eh sinunod lang nila so kahit ikaw pa ang ina dapat respect mo kung ano yung gusto nung namatay.

      Delete
    3. Kay Amalia talaga ang problema. After almost 30 years hindi pa rin niya mapatawad si Albert at Liezl?! Then, lahat ng tulong nya kailangan pa i-broadcast at isumbat para hiyain si Albert at Liezel!Para ipamukha rin kay Liezel na nagkamali ito nang piliin si Albert?! Anong klaseng magulang ang ganyan? Kung iba iba baka nag-ubos ng yaman para madugtungan lang ang buhay ng anak! Hindi mo masisisi ang pamilya Martinez kung magtanim ng sama ng loob sa kanya! Hindi laging totoo na hindi natitiis ng magulang ang anak! Minsan nga kabaliktaran pa!

      Delete
    4. I watched the video, too. Pinipigilan talaga siya hangga't maari so she won't make a scene. Lalu na nung brother niya.. Si Aga naman, siyempre anong magagawa niya. Indulgent na lang siya. Siya rin naman marami din siyang na-experienced na humiliation. Salamat sa Tita Nena niya. I understand yung pinanggagalingan ni Alyanna. The wounds might be deeper than what we know and we can't judge yung pag speak up niya. I also agree na di lahat ng ina, automatic na mabubuti. I know that personally. Tao lang tayong lahat na nagkakamali, ano man ang tayo sa buhay, que magulang, anak, lola, lolo, etc.

      Delete
    5. Totoo. Hindi lahat ng ina mabubuti. Personal experience ko rin. Nanay ba ang bini-betray ang anak para palabasin na sya ay dakila? Pagkatapos mong akuin ang responsibilidad na dapat sya ang pumapasan? Na halos buong buhay mo inukol mo sa pagtulong sa pamilya? Nang wala ka nang maitulong masama ka na at kinalimutan na ang sakripisyo mong ginawa! Magulang ba ang ultimo pagdighay at pag-utot mo kailangan habambuhay mo babayaran? Nanay ba ang gustong ipapasan sa isang anak lang ang buong mundo, ultimo utang ng mga kapatid at kamag-anak nya? Pag hindi mo ginawa, ikaw na ang pinaka-alibughang anak at grabe ang panlalait na dadanasin mo! Personal experience ko yan at patunay na hindi lahat ng magulang ay nagpapaka-magulang! Sensya na po at nakapag-hinga lang ng sama ng loob.

      Delete
    6. Parabg inuusig ng kunsyensta nya si Amalia kaya jina*justify nya kahit mali ang nagawa sa anak at sa pamilya nito, sa pamanagitan ng pagkakalat ng kasinungalungan para makuha ang simpatiya ng tao..

      Delete
  14. ay sus! gumagawa lang naman ng drama yang si amalia. kung totoo man na hindi siya na-inform about sa cremation e baka naman kagustuhan din yung nung namayapa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Baka habilin din yun ni Liezel dahil sa laki ng sama ng loob niya sa ina. Hindi ipagdadamot ng mga naiwan na makita man lang ng ina, for the last time si Liezel. Kunsiyensiya nila kung gagawin nila ang ganun! Kung interesado si Amalia na malaman kung kailan ang cremation at kung saan ang venue, ang dami nyang pwedeng pagtanungan sa dami ng kamag-anak nya! Nagpunta lang sya para gumawa ng eksena! Sa huling sandali, binigyan pa ng kahihiyan ang namayapang anak!

      Delete
    2. At ang dami kamong relatives at mga kakilala na pwedeng tawagan para magtanong!

      Delete
  15. May pinaghuhugutan yung anak. I think merong something na hindi natin alam kaya wag kayo mag criticize. Baka sobrang sakit nung nangyari before.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same here. Hindi magre-react ng ganyan ang pamilya Martinez, lalo ang mga anak kung walang pinanggagalingan. Nasobrahan na siguro.

      Delete
    2. Lantad naman kung papano nya hiyain at maliitin ang mag-asawa, lalo si Albert. Kung ikaw ang anak, hindi mo rin ba gagawin ang ganyan? Kinakawawa ang tatay at nanay mo sa mahabang panahon, tapos mananahimik ka lang? Hindi paglapastangan sa lola ang ginagawa ng apo. Gusto nyang ipagtanggol ang magulang nya.

      Delete
  16. Let the Departed REST IN PEACE.

    And the living, please... Don't be like the Barrettos

    ReplyDelete
  17. As if she herself never once had a luxurious life under amalia's wings! Duh! At some point in time it was amalia who supported them even their trips abroad was from amalia's pocket... Specially his brother who was then spoiled to amalia! Amalia may had done a lot of mistakes but it doesnt justify that you took her and her husbands right to see their ONLY daughter for the last time... Nor even aknowledge them at the cremation! That for me is a HUGE face palm! Or a slap in the face! Utterly disrespecful and distasteful! I guess they are happy now that they got their revenge to their grandmother! And alyanna your fitness party is already 2 yrs old but i dont think you lose a single pounds!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ba yan pati weight pinansin mo pa....:( nasa grieving stage na nga siya ganyan ka pa magsalita AGAINTS her... Hinde naman Natin Alam ang whole story... Hayaan na natin sila... Let's pray for the family for strenght and acceptance.

      Delete
    2. You know , i read every article about the muhlachs . Research and you will know that even though Amalia accepted her grandchildren , he never accepted Albert and humiliated him . Albert did his best but his best had never been good enough for Amalia. Palagi me puna.. Amalia has not forgiven the man who took his daughter away from her because she feels her dream for liezel was ruined. How can they ask for help from amalia when everything that she gives were relayed to the media? To prove that she is a hood mom and albert is not a good husband? Maybe as the kids were growing up, they may realized how cruel their lola is to their mom esp to their dad. D kaya liezel might get cancer because of stress because she was cursed by amalia when she eloped with Albert. D ba cnabi ni amalia na makapangyarihan dila ng ina. Cnabi pa na karma.

      Delete
    3. Dahil lang sa binigyan sila ng magandang buhay dati ay pwede na nilang patawarin agad? Wag ka masyado judgemental kasi hindi mo naman alam kung ano ang naranasan nila. Pano kung ganun din yung gusto ni liezel? At di mo kailangan isama yung weight ni alyanna. Di naman yun yung issue. Gusto mo lang makasakit ng tao.

      Delete
    4. I also thought of that, that maybe out of anger Amalia may have cursed Liezl during the time she eloped with Albert. But curse works both ways. Amalia is practically alone now, save for an adopted son. Plus, basher be gone. You think we're crazy enough to believe that Amalia spends anything on Liezl? Amalia would have announced it to the whole world if she did. And between Amalia and Albert, who is more visible in TV or even movies? Common sense refutes your hate.

      Delete
    5. Anon 1:00 wala ka rin pinagkaiba kay Amalia s**a ang u*o!

      Delete
    6. Di ba ganun nga daw. Yung revenge parang curse din. If you plan to take revenge, be prepared to dig two graves. Yours and that other person's. But I really feel bad for Liezl kung tutuo man yan. Despite the fact that she's proven that she made the right choice, great marriage and loving family, di pa rin sapat yun kay Amalia para completely patawarin siya. Di naman unique situation nila but maraming magulang diyan, after some time, they let it pass at nagiging masaya na lang para sa anak nila. Ganun talaga eh. Lahat tayo may pangarap para sa mga anak natin. But in the end, they will make your own decisions and pursue their own lives completely out of our shadows.

      Delete
    7. Hindi mapagtatakpan ng pera at luho ang mali na ginagawa sa magulang nila! Unti- unting nakita ng magkakapatid yan habang nagkaka-isip sila!

      Delete
    8. 2.35, para mo na ding sinabi na si amalia ang pinakamasama, lol.huwag ganon dahil hindi mo naman kilala yong tao. Maaaring may mga mali siya pero hindi ibig sabihin na ganun kaabsolute yong kasamaan niya. Maaaring napatawad niya na si lzl, kasi kung hindi pupunta ba yan sa burol ng anak niya? I think ang hindi pa niya npptawad ay si albert at siguro may matinding dahilan bakit hindi niya napapatawad pa ito.

      Delete
  18. What if di nila papansinin si Lola pero sana ININFORM lang re wake, cremation and IRECOGNIZE sa mass? O diba? No need mag mega hugging and talk. Not for the sake of forgiveness but of PROPRIETY lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Come to think of it. Pede bang hindi i-inform ng kahit isa sa kamag-anak sa dami nila? Dun na lang makakapag-isip ka na e! Baka last minute siya mismo ang nagdesisyon na pumunta para manggulo lang! Si Aga nga lang ang nag-pacify sa kanya pero hinayaan din sya later on. Pati nga daw si Nino inaway away nyan nung nasa hospital pa si Liezel! Pati si Alfonzo na anak ni Liezel hindi na rin nakapag-pigil! Ayaw siguro tumigil at panay pa rin ang sumbat kahit critical na ang anak! Huwag laging nagkukubli sa pagiging magulang dahil may mga magulang na walang karapatan maging magulang! Mas mahalaga pa ba ang mga pangarap at kayamanan mo sa kaligayahan ng anak mo?!

      Delete
  19. Hindi naman na kasi dapat sila pinakekealam ng kung anong dapat nilang mafeel, gawin at iasal.... Matatanda na yang mga yan.. Silasila ang nakakaalam ng mga totoong nangyari.. Sa mga nagtuturo ng dapat nilang gawin, tingnan nyo muna buhay nyo at ayusin bago pumuna ng iba..

    ReplyDelete
  20. Ang.commenter kasi mapapel. Buhay nila yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana kc hindi n lng siya nagpost.

      Delete
    2. ano 2:22 sinagot lang ni Alyanna yung mga tumitira sa father nila. siempre tatay nila yun. feeling ko nga, yung pagiging mataray ni Alyanna namana nya din sa lola nya. ngayon may katapat na sya..

      Delete
    3. Oooh good point 3:18.

      Delete
    4. I think hindi na matiis ni Alyanna ang mga maling salita laban sa mga magulang na mismong nanggagaling sa lola nya. Ngayon lang naman nag-react ang bata sa kabila nang mahabang panahon na panghihiya ni Amalia sa mga magulang nya, lalong lalo sa daddy nya! Kahit ako, ipagtatanggol ko ang magulang ko sa mga maling akusasyon ke sino pa ang masagasaan!

      Delete
  21. Sabi niya "my mother is no on longer around to defend herself". Mali yata ang pinaglalaban mo alyana. Huwag mong gamitin ang mom mo maipagtanggol lang ang tatay mo dahil malinaw pa sa sikat ng araw na kay tatay mo galit Lola mo. Ang tanong niya ay bakit binastos ng tatay nyo sI lola niyo? Pati na din yong lolo niyo dinamay? imposibleng kagustuhan ng mom nyo na bastibastusin niya mga magulang niya. Sana kinilala man lng sila hindi yong initiyapwera Kc giving respect is a sign of good manners.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh ayan na nag mamagaling na naman.. sure ka ba te na totoo ang pinag sasabi ni amalia? nandoon ka ba ng nangyari ito lahat? diyos ko kung makapag salita akala mo alam lahat :P

      Delete
    2. Tumigil ka putak ka ng putak wala ka naman alam!!! Pakialamerang palaka!

      Delete
    3. I dont think liezl's father has problems with Albert. I read his interview he said something like Albert called him and let him know of Liezl's condition. Albert even calls him papa. There's something with their family that the public don't know. And it's always the side of Amalia that we hear.

      Delete
    4. Naniwala ka naman kagad kay amalia? Hahaha.

      Delete
    5. Ang mali pa kay Amalia, dinamay pa si Bobby na hindi daw in-acknowkedge sa necrological service. E nung initerview si Bobby wala namang binanggit na ganun.Umiyak pa nga nung inalala na sinabi raw ni Liezel na I love you Papa, nung huling kausap daw nya ito. Naghanap na lang ng karamay si Amalia para nga naman mas intense ang eksena. Baka isa rin ito sa sinasabi ni Alyanna na pinakakalat na kasinungalingan! Parang magkasundo naman si Albert at si Bobby. Si Amalia lang talaga abg may problema.

      Delete
    6. 9.31 sure ako n galit si amalia kay albert pero sure ka ba n kagustuhan ni lzl yong bastuhan parents niya to think iginalang niya ito all her life??? Yes or no lang, uy!

      Delete
    7. Sure ka din ba na binastos talaga si amalia sa wake ni liezle? For all we know baka sya pa ang nagsabi na wag sya bangitin sa eulogy unless tangalin si albert sa eksena at sya lang dapat ang bida. Andon ka ba teh?? Maka sure ka jan hahah

      Delete
  22. dysfunctional family, Barretto the second, kaya minsan mas OK pa maging baog nagka anak ka nga ganyan naman ang outcome, ma stress ka, sa sama ng loob,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me yung lola lang ang may problema but the family itself (albert and the kids) is very much united and intact. Please do not compare with the barrettos. Ibang level ng dysfuncionality and meron ng barrettos.

      Delete
    2. The gift of having a child is a gift and the stress that comes with it is overshadowed with the countless happiness you get. Even with Amalia's mistakes with Liezl, I am sure she doesn't regret having her. Not one tiny bit.

      Delete
    3. oa yung barretto the second. exaggggg.

      Delete
  23. ang mga tao naman kasi maka-comment parang alam ang lahat! pede namang mag-advise lang, wag na lang sanang judgemental pa.

    ReplyDelete
  24. di natin alam yung mga nangyari sa kanila...pero i remember, 80's sa UP. may teacher na inaway ni Amalia kasi mababa grades ang binigay kay Liezl...sa buong class namin nagkwento yung teacher...for Liezl siguro nakakahiya yun. talagang control freak si Amalia.

    ReplyDelete
    Replies
    1. War-freak naman talaga si Amalia! Sa kanya ang diprensya.

      Delete
  25. I remember the aga-charlene wedding, grabe din si Amalia. Parang dapat the whole world revolves around her.

    ReplyDelete
  26. Sa huli ang pagsisisi. Ngayon patay na yon anak, ngayon pa ni Amalia gusto mainvolve. Sana inisip nya ayusin ang relationship nila magina habang buhay pa ang anak nya. Alam nya na may cancer, di pa rin nagsoften ang puso nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngayon binabagabag ng kunsiyensya nya kaya defensive sobra!

      Delete
  27. i don't wonder this girl has so much hatred for Amalia, even Liezel didn't make peace with her mother all throughout her life for whatever Amalia fault, she didn't forgive her If I am Amalia, I will just donate all my wealth to charity, for I am sure that Liezel's children will never appreciate her even if she gives them all her wealth.

    ReplyDelete
    Replies
    1. te masakit sa ulo ang English mo.. sino ba ang dapat magpatawad kanino? atsaka wala namang nagsabi na dapat ibigay ni amalia ang wealth nya sa mga anak ni liezel ah? at di naman yon hinahabol ng mga bata..

      Delete
  28. Dito sa Pilipinas too much reverence to parents talaga! Porket inluwal ng ina at tatay nyo doesn't mean pwede k absuhin or maltratohin kung hindi nila makuha yung gusto nila. One of many long standing excuses is the "Kung wla kami di ka wala karin sa mudong ito.". When its usually the other way around hindi pinili ng bata ma anak sa particular ng magulang. Kung pwede man I'm sure pipiliin nila ng maiig kung sino magiging tatay o nanay nila.
    Ang tagal ng ugali ni Amalia na ganito! Di parin nag bago!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Mga magulang na iresponsable rin ang nagsasabi nyan para kahit mali na ang ginagawa sa anak jina-justify kasi magulang daw eh!
      Yung sa Bible na Honor Thy Mother And Thy Father, siguro hindi lang ganun yun. Siguro may mas malalim pa na kahulugan. Pano mo iho-honor ang isang magulang na sa halip na tulubgan kang makabangon sa kabiguan sa buhay e unang una pang yuyurak sa pagkatao mo? Mas mabuti pa sigurong mamatay ka na lang o hindi ka na ipinanganak sa mundo!

      Delete
  29. parang narcissistic mother si amalia. she would always want to get her way and manipulate people, tapos pag di nya nakuha gusto nya aarte sha na parang "aping-api" sha. toxic kasama sa buhay yang ganyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Manipulative. Just like my mother.

      Delete
  30. Liezel and family are not dysfunctional family from the time they had children they were intact always together and support each other. Amalia is not Martinez liezel kids and Albert love each other L n A raised thier kids good, amalia dont like Albert that's her problem not the martinez.

    ReplyDelete
  31. minsan un mga tao masyado ng pakialamero sabuhay ng iba! ang e-epal hahahaha! nagpapayo lang daw sya eh ang tanong un anak ba ni liezel eh hinihingan ka ng advice! wag kang epal! hahahaha

    ReplyDelete
  32. Respect begets respect. Paano irerespeto ng apo ang Lola nya kung eversince hindi nito kayang tanggapin at irespeto ang tatay nila?! Para magsisigaw at magiiyak pa si Amalia sa media… di ba nya alam na hindi lang si Albert ang sinasaktan kundi pati mga apo nya? Wala sya ni katiting na respeto at pagmamahal sa kanyang manugang at pakiramdam ko hindi rin nya talaga mahal mga apo nya. Tanging si Liezl lamang ang kanyang concern kaya nang mawala si Liezl wala na rin syang pakialam sa feelings ng pamilyang naiwan ni Liezl. Masisisi mo ba ang anak kung gusto nyang ipagtanggol ang kanyang ama?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka! Si Liezel lang ang concern nya! Masasabi ba ng isang matinong lola na mapapalitan sa buhay ng mga apo ang sariling ina pag nagsipa-asawa na ito? Hello!

      Delete
  33. Surely, time can heal everyone's wound. Let them be...time will come na magiging maayos ang lahat. Naman...mga outsider sa pamilya wag na mangialam. Wala naman tayong alam sa nararamdaman nila at nararanasan nila. Yan ang down side ng Social Media. Lahat nabigyan ng karapatang mangialam. Tsk tsk...let's mind our own business, guys!

    ReplyDelete
  34. Amalia never been there for liezl to care for her and love her as what she had been telling the media. She's always doing some things to ruin Albert when the latter always give all her love to Liezl and his kids.

    Amalia please stop!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy mahiya ka naman. She may be mataray and all that, but there is no question that Amalia's love for Liezel was without quesition. And FYI, ginastusan niya si Liezel for her treatment.

      Delete
  35. According to the Ten Commandments: Honor thy father and thy mother. God did not set any conditions. God will reward us for doing so. We have our own flaws and imperfections, and Ms. Amalia is no exception.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parents, don't provoke your child to anger. Karugtong iyan. Ang pagiging magulang misyon yan na binigay ng Diyos kaya dapat gampanang mabuti at wala ring kondisyon! In other words, magpaka-magulang ka para igalang at ikarangal ka ng anak mo!

      Delete
    2. Teh paano kung reypis tatay mo or yung nanay tinapon kapatid mo sa ilog at namatay? Does that make the commandment absolute?

      Delete
    3. OO, naman absolute yung "Honor Thy Father & thy Mother". walang pasubali. Kung abusive ang parents, like physical, verbal & sexual, that means may mental illness sila at dapat mapa treat. Dito sa America, "therapy" ang tawag. Pero do your part "Honor" them. Iwasan lang yung di ka ma hurt, alam mo na kasi di sila normal kaya ganun ang behaviour. Di ba maaawa ka nga dahil they need help.

      Delete
  36. Alyanna, stop posting to social media na lang, then tell people to let you be. Pinost mo syempre may reaction. So if its private, then keep it private. Your dad is so quiet now but we know he is hurting and he knows your lola even before you were born, so he has endured all the pain. Let time heal and learn to have dignified silence.

    ReplyDelete
  37. Daming kuda ng mga tao dito akala nila alam nila lahat ng nangyayari sa buhay buhay ng mga tao. Kung makapag payo eh akala mo na andun sila sa mga pangyayari sa buhay nila. Baket personal na na-witness nyo ba lahat sa buhay nila???

    ReplyDelete
  38. The whole family naman just deals with her fits. Respeto na din yon, because it takes a lot to be around her. Lahat in the family, may puna sya. Toxic. Sad lang, because she's going to die alone with no one who truly loves her and is not a leech.

    ReplyDelete
  39. This only shows hanggang sa huli walang reconciliation between the family of L with AF. Kung naging maayos ang relationship nila during L's battle with cancer hindi mangyayari ito. Her sickness and struggles should had been a bridge to catch-up. Several years of battling cancer is a very long time to settle everything and make amends. In this case, AF should not expect anything from L's family. It's too late for AF kaya mas lalong masakit ang pagkawala ng unica hija nya. However, if you are grieving for the lost a loved one, wala kang energy to make interviews and rant in front of a camera because of denied attention to yourself. MAS importante kay AF na maibigay sa kanya ang part na yun kaysa sa pangungulila??? RIP to L, prayers and condolences to families left behind. Peace to all.

    ReplyDelete
  40. Masakit mawalan ng ina, pero hindi ba masakit din mawalan ng ina? How do you equate the loss? Amalia has probably never developed a full relationship with Liezl, Albert and the kids because she was too hurt and was less forgiving. Now Albert and Liezl has proven the world that they really love each other, stood the tests of time together until this unfortunately tragedy stuck the family. Albert and kids are hurting so much because they are family for 30 years! The loss and pain cannot be measured by saying it hurts more because "ina sya ni Liezl"...eh paano yung mga anak at asawa na nawalan din?

    ReplyDelete
  41. And please people dont tell Alyanna what to do, think and feel...she has her own reasons and it is her right to address those issues and emotions in her way and terms. Let's respect that.

    ReplyDelete
  42. Gusto pala ng family ni Alyanna ng privacy bakit sa mga post nya sa instagram laging may parinig sa Lola niya syempre may mag rereact doon at hindi maiiwasan may mag comments ng ibang opinion. And one thing simula ng ipanganak si L hanggang 18 yrs. old her Lola raised her mom by herself at kung di sa lola nila wala sila sa mundo. Maraming flaws si AF as a mother pero you cannot say hindi nya mahal ang anak niya. Showing hatred to her grandmother now will not lead her in a peaceful life.... just saying....

    ReplyDelete
  43. wag na lang daw tayo mag comment...read only lang ang post nya.

    ReplyDelete
  44. Isa Lang ang sure ako! Hindi matatahimik c liezel sa kabilang buhay dahil sa awayan ng nanay nya at ng anak nya.

    ReplyDelete
  45. I do not think it is right for any one to judge this family. Amalia is a grieving mother and people should respect that. She needs to know that there was a reason her mom ignored her grandma's comments prior. Kasi ang alam ni Liezl kahit madaldal ang nanay niya, puro salita lang yon. The truth is mahal na mahal ni Amalia si Liezl. Alyanna just needs to respect that kasi alam naman ng tao na mahal ng daddy niya yong mom niya. Alyanna should just let her grandma vent her sadness. Tatahimik din si Amalia... let her grieve. Liezl was her only child..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...