Thursday, February 26, 2015

PNoy's Speech on 29th Anniversary of Edsa Revolution

Image courtesy of www.gmanetwork.com


Mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang hapon po sa inyong lahat.

May imahen po mula sa EDSA People Power Revolution na tumatak sa pambansang kamalayan: Mga madreng nakaluhod, nangangamba man sa mga baril sa kanilang harapan, ay nananalig pa rin at nagmamalasakit. Sa pag-aabot natin ng rosaryo at bulaklak sa mga armadong sundalo, sa pagkakapit-bisig natin upang pigilan ang pag-abante ng tangke, napatunayan natin: Malasakit ang pinakamakapangyarihang tugon sa galit; walang mas lalakas pang sandata sa pag-ibig.

Ganitong lakas din po ang ipinakita ng sambayanan sa aming pamilya noong 1983, matapos paslangin ang aking ama. Mayroon pong isang litratong nagsisilbing paalala sa kung gaano kalalim ang dinaanan naming pasakit noon. Sa larawang ito, halos hindi ko na siya mamukhaan. Para siyang karneng ibinagsak sa tarmac, at ibinalibag sa AVSECOM van.

Kung ilalagay po ninyo ang sarili sa aking sitwasyon, marahil mauunawaan ninyo ang aking pinanggagalingan. Ama ko po iyon, duguan, matapos barilin. Ako ang nag-iisang anak na lalaki. Aaminin ko: Pumasok sa isip ko ang paghihiganti; sabi ko, ang dugong inutang, dugo rin dapat ang kabayaran. Sabi nga sa Bibliya, “An eye for an eye, a tooth for a tooth.” Umabot ako sa puntong handa akong mamatay, maidamay lang sa hukay ang mga pumaslang sa aking ama.

Ngunit nag-iba po ang aking pananaw nang masilayan ko ang libo-libong taong nanindigan at nakiramay sa labas ng aming tahanan sa Times Street. Tila ba nawala na ang kanilang takot sa Batas Militar, at buong-tapang na nagpahayag ng kanilang malasakit sa aking ama. Tulad ng mangyayari sa EDSA, ipinakita nila sa amin: Hindi kami nag-iisa. At ang sambayanang Pilipino nga po ang nagturo sa akin: Posible pa ang inaasam-asam ng aking ama na mapayapang pagbabago.

Nagbabalik-tanaw po ako sa kuwentong ito, hindi upang kumuha ng simpatya para sa aking sarili, kundi para idiin ang leksiyong dala nito. Bilang inyong Pangulo, maliwanag sa aking magkukulang ako sa aking tungkulin, kung hindi ko ipaaalala sa sambayanan ang kapangyarihan ng malasakit. Magkukulang po ako kung hindi ko ipapaalala sa lahat na, sa mga panahon ng dalamhati, hindi tayo nag-iisa, at may ibang daan. Sa harap ng mga video na nagpapakita ng karahasan, sa harap ng galit na maaaring mamuo sa ating mga puso, kailangan nating ipaalala: Mas makapangyarihan pa rin ang tiwala, ang malasakit, ang pag-ibig, ang kapayapaan.

Tandaan lang natin: Ang kaguluhan sa Mindanao ay nagdudulot ng kaguluhan sa ating lahat. Kaya naman obligasyon ng bawat isa na itaguyod ang kapayapaan sa Mindanao. Ngunit batid nating hindi madali ang landas patungong kapayapaan. Nang magkaroon nga po ng deadlock sa negosasyon ng ating gobyerno at ng MILF, nagpasya tayong personal na makipag-usap kay Chairman Murad Ebrahim sa Japan, kabilang na si Chairman Mohagher Iqbal, sampu ng kanilang mga kasamahan, para ituloy ang usaping pangkapayapaan. Malinaw sa atin ang katangiang kailangang pairalin sa panahong iyon: Iyon po ay tiwala. Mula sa tiwala sa isa’t isa, umusbong ang maayos at tapat na ugnayan ng dalawang panig upang makamit ang kasunduang katanggap-tanggap sa lahat.

Ngayon, may pagkakataon po tayong baguhin ang istorya ng ARMM dahil sa maraming dahilan. Marami nga pong bansa ang nagbubuhos ng suporta sa ating usaping pangkapayapaan. Halimbawa na lang po ang Malaysia: Hindi lamang sa salita, kundi sa gawa, pinadama nila sa atin na katuwang sila sa pagkamit ng kapayapaan. At dahil buo ang tiwala ng sambayanan po sa atin, ni minsan, hindi ako natuksong gamitin ang ARMM para magsagawa ng command votes. Ang mga pinuno ng MILF, pinadama rin sa atin ang kanilang tiwala at kumpiyansa na magiging katuwang din sila, kasama ang buong Bangsamoro, sa paghahanap ng kapayapaan. Ginintuan ngang maituturing ang pagkakataong ito, kung kailan abot-kamay na ang kapayapaan sa Mindanao. Sa mga nagsasabi na ihinto na ang peace process, at ang pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law, ang tanong natin: Paano nila masisigurado na magkakaroon ulit ng ganitong oportunidad?

Talagang masakit po ang nangyari sa Mamasapano. Huwag nating kalimutan na pumunta ang ating kapulisan doon, hindi para maghasik ng karahasan, kundi upang ipatupad ang batas. Nagsakripisyo sila para makamit ang kapayapaan, di naman po makatwiran na ang kanilang inalay para sa kapayapaan ay maging mitsa pa ng karahasan. Tulad nga po ng sinabi ni Martin Luther King sa Amerika: “Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out hate; only love can do that.”  Ngayon po, tinatawag tayong maalala ang mga aral na dala ng mga salitang ito.

Sana, magarantiya ko po sa inyong walang magsasamantala sa insidenteng ito. Sinisikap po nating manatili ang kaayusan. Ngunit, alam din nating habang palapit tayo nang palapit sa katuparan ng ating mithiin, lalong nagiging desperado ang mga kontra dito. Maganda po sana kung bukod sa pambabatikos, ay may nailalatag silang alternatibong solusyon. Di tuloy natin maiwasang isipin: Ayaw nilang magkaroon ng kapayapaan, dahil sila mismo ang nakikinabang sa gulo at karahasan. Ang gusto nila: muling magkanya-kanya ang mga Pilipino, at mawala ang tiwala natin sa isa’t isa upang isulong ang kanilang pansariling agenda.

Kung magpapatalo tayo sa mga kontra-kapayapaan, parang hinayaan na rin nating lumala ang kaguluhan sa Mindanao. Kung isusuko natin ang pagtataguyod ng Bangsamoro, parang hinayaan na rin nating armas ang muli nilang ipamana sa susunod na henerasyon ng mga kapwa natin Pilipino.

Hinding-hindi po tayo papayag na mangyayari ito. Tanging sa pagkamit sa pangmatagalang kapayapaan magiging sulit ang sakripisyo ng mga nakipaglaban sa EDSA, kabilang na ang mga nagbuwis ng buhay para wakasan ang paghahasik ng takot at karahasan sa lipunan.

Para sa ating lahat na naranasan ang EDSA, batid natin ang positibong bunga ng pagiging mahinahon; na sa halip na magpadala sa galit at emosyon, bigyang-daan ang pagiging risonable, ang tiwala, at ang pagmamahal sa isa’t isa. Kung ginabayan ng Panginoon ang ating bayan noon tungo sa mapayapang pagbabago, nananalig akong sa kabila ng panibagong mga hamon, ay mabibigyang-daang muli ang tiwala sa isa’t isa.

Noong nanawagan si Cardinal Sin, at tinugon ng ating Tiyo Butz na magbuklod sa EDSA, milyon-milyong tao ang dumagsa rito kasama na ang mga relihiyoso. Ang totoo: Biglaan po ito. Nariyan ang lahat ng sangkap para mauwi ang lahat sa isang madugong himagsikan: takot, tensiyon, at armas. Pero sa gabay nga po ng mahal na Panginoon, naging matagumpay at mapayapa ang pagbasak ng diktaturya, na siyang hinangaan ng buong mundo. Itong paghahangad ng kapayapaan sa buong bansa, lalong-lalo na sa ARMM, kung tutuusin, mas planado, mas pinagtutulungan ng halos lahat. Siguro naman, kung tinulungan tayo ng Panginoon noon, tutulungan din tayo ngayon. Ang hinihiling na lang siguro sa atin, tayong mga natuto na sa aral ng EDSA, dapat maging masigasig upang buohin ang balangkas nitong pagkakamit ng kapayapaan.

Sa ngalan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa EDSA, at sa lahat ng mga kababayan nating nagsakripisyo at patuloy na nagsasakripisyo para sa kapwa at bansa, ituloy natin ang laban tungo sa kapayapaan at kaunlarang matagal na nating inaasam.

Magandang hapon po. Maraming salamat sa inyo.

84 comments:

  1. Malasakit? May malasakit ka ba sa bansang Pilipinas? May malasakit ka ba sa sambayanang Pilipino? Parang hindi namin maramdaman!

    ReplyDelete
    Replies
    1. puro kayo resign! at sino papalit?constitution says si Binay ang kasunod, na mas mahigit namang kurakot! haay..tumaas ekonomiya ng pinas nang sya na naging presidente..magresearch kayo..imbis na batikusin ang presidente..magsumikap kao sa buhay..hindi puro gobyerno sisisihin nyo sa mga kakulangan nyo.

      Delete
    2. Parang wala naman sinabi si 5:14 na magresign PNoy mo

      Delete
  2. Pnoy bakit ba atat na atat ka sa BBL na iyan? Ang tigas talaga ng ulo mo! Bingi ka sa sentimyento ng mas nakararaming mamamayang Pilipino!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 50 percent kasi ng pondo sa BBL sa kanya. Kaya mapush ang bruho!

      Delete
    2. Ano yan? Yung pinaghirapan ng mga tax payer mapupunta lang sa mga yan? No to BBL!!!

      Delete
    3. Dahil gusto nya may good record umalo sa pamamahala nya. Sya raw ang presidente na naka ayos ng usaping pang kapayapaan sa mindanao. Nasa wonderland pa si pnoy. Ayaw nya imulat ang kanyang mga mata sa tunay na nangyayari.

      Delete
    4. EXactly! Tayo daw ang Boss nya, pero siya palagi ang nasusunod!

      Delete
    5. Ang laki kasi budget dyan. Yung budget na yan iallocate na lang sa iba. Simpleng corrupt. Hindi kuno corruct but alam ng mga insiders mas malala pa

      Delete
    6. Dahil ang mga tao may mga tanong at gustong linawin sa bbl ibig sabihin sinasamantala na ang issue sa fallen 44?

      Delete
    7. ISANG BANSA, ISANG BANDILA, ISANG BATAS!
      NO TO BBL!!!

      Delete
    8. Nagsasanay ang milf ng sarili nilang sundalo. liban sa afp, pnp, marine may mga asungot palang sundalo daw na makakatulong daw sa peace sa mindanao. nagpapatawa si pnoy. :D

      Delete
  3. Ang daming reklamo ng mga tao wala namang solusyon puro pambabatikos ang alam. May malasakit ang pangulo sa bayan aasenso ba ang Pilipinas kumpara sa mga nakaraang pangulo kung hindi? Para sa mga nambabatikos may solusyon ba kayo? Solusyon ba ang pagreresign ng pangulo? Bakit hindi nyo sabihin kung may solusyon kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Compared to the past presidents, pnoy is the most incompetent.

      Delete
    2. Buti ka pa ramdam mo ang 'pag-asenso' ng Pilipinas. Kami, apat na taon nang predente si Pnoy, lalo kaming naghirap.
      #JuandelaCruz

      Delete
    3. Ang solusyon ay mag-resign si noy2.

      Delete
    4. At sino naman ipapalit nyo? Mga Binay na puro pagnanakaw ang ginagawa. Wala naman matinong presidente sa pilipinas ang maeelect dahil wala din matinong botante! Puro kayo kuda na magresign na magpatalsik wala naman kayo alam na pwede pumalit. Hindi lang si Pnoy ang incompetent baka nakakalimutan nyo meron tayong naging presidente na isang actor na hanggang ngyon puro pagnanakaw pa din ang inaatupag at isama mo na ang anak din ng dating presidente na kung anu anung sakit ang iniimbento ngayon huwag lang makulong.

      Delete
    5. 5:47 kung hindi dahil sa walang kwentang pangako sa matuwid na daan di sana aasa mga bomoto sa kanya. kaso dahil nagpauto sa kanya boom

      Delete
    6. Anon 5:47 fyi lalong lumaki ang gap ng mahirap sa mayaman.. working class that pay taxes lalong hunihirap. buti ka pa ramdam mo. you must be in the upper class. tanungin mo yung ang trabaho lang ang source ng income. Ang mag botanteng tulad mo ang dahilan kaya nagkajaganito ang pinas.

      Delete
    7. Impeach him us the right way maghanda na lang sya sa mga kaso nya come 2016.. puppet ng mga negosyante at mfa rebelde. tsk tsk

      Delete
    8. Anon 5:57 nasa presidente ba ang katawan at pag-iisip mo para isisi mo ang paghihirap mo sa knya?! Ang mga taong ngssbi na naghihirap sila e yung mga taong walang kusang tulungan ang sarili nilang umahon sa hirap. Sabi nga sa ksabihan: "Nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa". At di kasalanan na ipanganak ka ng mhirap pero kasalanan mo na kung mamatay kang mahirap - #open-minded na filipino

      Delete
    9. Asenso? All time high presyo ng basic commodities duh

      Delete
    10. Anon 5:57 bago mo isisi sa presidente ang hndi mo pag asenso, tanungin mo muna sarili mo kung may gngwa ka ba? Yan ang hirap sa inyo, ang gus2 nyo kc ung isusubo na lng sa inyo lahat. Kahit pa cno maging presidente, ganyan ka parin. Nganga!

      Delete
    11. SINO BA ANG PAPALIT PAG BUMABA SI PNOY? PAKISAGOT NAMAN

      Delete
  4. kami ang Boss mo. wag pasaway no to BBL

    ReplyDelete
  5. How ironic that every candidates' slogan during election ay nababali.. kami ang boss mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Abad, Ochoa, Purisima, ang totoong mga boss ni PNoy.

      Delete
    2. tumfak.. kakadismaya. Pilipinas #pnoypamore jusme

      Delete
  6. What's so great about celebrating a democracy with a government that steals more money than the dictatorship that preceded it?

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek. ang observation ko lang eh. walang malasakit sa nasa tong c pnoy.. walk your talk mr. president. palakasan kasi sa.gabinete nya.. its whom he knows.. tsk tsl kawawang pilipinas

      Delete
    2. Agree! Communism masked as Democracy!

      Delete
    3. Only comment that has sense

      Delete
  7. binay on standby *eating popcorn*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha funny! Pero I think he's eating cornick.

      Delete
    2. binay on standby *sunbathing*

      Delete
  8. Pinaka-malaking pagkakamali sa kasaysayan ng Pilipinas ang Edsa Revolution na yan! Iilan lang ang nakinabang at nakikinabang pa! Lugmok pa rin sa hirap ang masang Pilipino!

    ReplyDelete
  9. Replies
    1. Diyan na o-obsess iyang ug*k na yan, kaya niya ipinipilit yang BBL. Yan kasi ang legacy na gusto niyang iiwan pag tapos ng term niya. Kunwari may foresight. Kunwari may malasakit. #sinungaling #makasarili

      Delete
  10. Sana si Noynoy na ang huling Aquino na mauupo bilang pangulo ng bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Remember may Kris Aquino pa, she may have said not to run for public office next year but we'll never know alam nyo naman ang utak ni ateng pabago bago..plus alam mo na rin utak ng mga botante hindi malayong manalo siya pag tumakbo siya :-)

      Delete
    2. Sana patigilin nya rin si Bam Aquino sa panggagaya sa itsura ni Ninoy para makuha ang simpatiya ng tao! Nakakatawang nakakainis na uma-attend ng Senate Inquiry na suot suot ay light blue polo-shirt na katulad na katulad ng suot ni Ninoy nung ma-assassinate ito. Pati ayos ng buhok ni Ninoy gayang gaya! Hindi lang magaya ang kadaldalan ng uncle dahil nganga lang siya lagi sa hearing! Kulang na lang, dumapa rin sa tarmac! Hindi na epektibo ang ganyang gimmick! Lalo lang naiinis sa inyo ang tao!

      Delete
    3. Parang me bad omen mga aquino. No to another aquino..

      Delete
    4. Amen to that. Tama na, sobra na, palitan na!

      Delete
    5. how about KRIS as the next president? Bongga di ba? LOL

      Delete
  11. Buhay na buhay ang nga buwaya sa panahon ng panunungkulan mo pnoy. Bulag bulagan at bingi bingihan ka lang!

    ReplyDelete
  12. BBL? I really hate PNOY for this.

    ReplyDelete
  13. Salamat sa post ng FP about Noynoy's interaction with SAF Fallen 44 families, napabasa ako ng mga articles about Noynoy's mental health. I can't believe we have this president. If you read the things this guy does, katawa tawa na sya ang presidente bg Pilipinas. No wonder wala syang asawa sa tanda nyang yan. Something is terribly wrong with the guy. 'Sumpungin' is the least of it. I can't believe a grown man like him still throws temper tantrums like a toddler. The Philippines is in a scary situation.

    ReplyDelete
  14. at least sa term nya andaming nahuling magnanakaw. ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. NAHULI NGA BA? BAT NAKAKALABAS NG KULUNGAN PAG MAY PARTY

      Delete
  15. IM FROM MINDANAO PNOY...aagree lang ako sa sinasabi mong BBL kung pinasa yan sa kung saan magiging saklaw sa bbl e dun ka din titira kasama nang mga nagsusulong. sa tingin nyo magiging ok pag may bbl,mali kayo! Try nyo manirahan dito tingnan natin kung masasabi mo pa yang mga sinasabi nyo. hilas ra kaayo ka abnoy!

    ReplyDelete
  16. Pinoy may komisyon ka ba sa 70billion na bibigay nyo sa milf pag naipasa ang bbl
    Na yan, atat ka e

    ReplyDelete
  17. I hope we will stop celebrating Edsa Revolution. Wala ng saysay. Kung gusto niyo sa MOA niyo nalang yan celebrate. Nakakaperwisyo lang kayo! Pagod na mga tao kaka alala kay Cory at Ninoy. Please lang... Hindi lang kayong mga Aquino ang tao sa mundo. Si Ninoy ay NPA kaya nga nung Plaza Miranda bombing eh siya lang ang wala kase taksil siya. Si Pinoy wala yang pakelam sa mga namatay na SAF 44 para sa kanya patas na labanan namatayan din kase siya ng Ama. Sana sa bumoto kay Pinoy sana hindi kayo nagkamali. Matatapos na termino niya kahit isa wala akong nakitang pagbabago. He wasted the power given to him. Pinatanggal niya si Corona dahil kay GMA dahil sa SALN pero yung mga binigyan niya ng DAF pinatawad niyo sana alam niyo na yung DAF ang kabayaran ng pagtanggal kay Corona. Umasenso ba tayo nung naalis si Corona? Walang pnagyayari sa pilipinas ng term niya na tama ang decision niya lahat palpak. He blamed GMA for many years para mapagtakpan ang pagiging ignorante niya.

    ReplyDelete
  18. Cge ipilit pa ang BBL. jusko. napaghahalata ang hidden agenda mo Pnoy. Just like your father who were friends w/ the Malaysian govt back then.. Gising Pilipinas!

    ReplyDelete
  19. I cannot recall any president who is as competent as him.. dami blunders ek ek.. nakakaswa na.. sana naman come 2016 eh matuto ng bumoto ang mga Pinoy.

    ReplyDelete
  20. So says the most incompetent, hypocritical, and insincere President we've had to burden this country with.

    ReplyDelete
  21. Ang hirap sa ating mga Pinoy sa Pangulo naten lahat isinisisi. Unang-una hindi dapat naten iaasa sa Pangulo ang pagunlad ng buhay naten, o pagasenso ng mahihirap, kung tamad ka ayaw mo magsikap eh hindi ka nga aasenso., sino gusto nyong Pangulo si Erap o si Gloria, si Erap na nagnakaw sa bayan eh binoto pa rin ng mga Pinoy bilang Mayor hindi ba katangahan na lang yun?? Kapag isa ba sa inyo ang naging Pangulo mapapayaman nyo ba ang Pilipinas?? ang pagunlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga mamamayan nito hindi sa Pangulo!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa mahal ng mga bilihin, matrikula, pamasahe, kuryente, atbp, at sa liit ng sahod, uunlad pa ba niyan si Juan??

      Delete
    2. Pero ang pangulo dapat nag bibigay inspirasyon para sa bayan natin. Pero binibigyan Lang tayo ng kahihiyaan sa Bansa Natin. ouros siya salita.. Puros siya paninisi. At higit sa Lahat mapahiganti Tama ba Yun ? Hinde. Nag tratabaho ako ng maayos para sa kitabukas an ko at nag babayad ako ng tamang buwis buwan buwan Pero Ano Nakikita ko sa binabayad ko? Wala. Ma traffic parin, bulok ang Mrt, marami krimen, may mga daanan na walang ilaw... At maraming pang Iba! San na pupunta ang PEra binayad ko? Edi sa nga buwaya politicians. Kilala niya sino nga Yun Pero pinaltalsik ba niya? Hinde!!!

      Delete
    3. grabe ka naman 10:42.. di ka ba kinilabutan sa mga sinabi mo. dahil mahal na lahat wala na tayong pag-asa umunlad? may katamaran at kulang sa diskarte ang karamihan sa mga pinoy sisi dito sisi doon. paano na lang ang iba nating kababayan ang nagsimula sa walang wala at mahal ang bilihin pero umasenso. sabi nga nasa dyos ang awa pero nasa tao ang gawa.

      Delete
  22. Philippines is not ready for the so-called democracy

    ReplyDelete
  23. Sa mga ayaw ng kapayaan pumunta nalang kayo sa iraq at syria at dun makipag all-out war

    ReplyDelete
    Replies
    1. ouch baka tamaan si goma sa sinabi mo sssssssssssssshhhhhhhhh

      Delete
  24. no to BBL!!! Philippines is one COUNTRY!! ewan ko sayo Pnoy kung alam mo yan! atat na atat ka ma pasa yan! bakit kaya?!!

    ReplyDelete
  25. Lalong lalakas pwersa nila dahil sa budget na yan at mas malaki mapupunta sa bulsa ng mga buwaya

    ReplyDelete
  26. Ang pag-unlad na hinahanap ng pilipinas ay hindi yung yayaman lahat ng pinoy. Gustong maramdaman ng pinoy ang serbis ng gobyerno para sa mamamayan. May mga libre ba na gamot na nakukuha sa ating ospital, may maayos ba tayong transport system, may matino ba tayong opisina ng pamahalaan, may pagbabago ba sa edukasyon, at iba pa. Kung naibibigay ng pamahalaan ang tamang kalusugan, edukasyon at pabahay kasalanan mo na yon kung tatanda ka na mahirap.

    ReplyDelete
  27. Anniversary ng Edsa... Anniversary kung kailangan nag umpisa bumagsak ang Pilipinas Kong mahal

    ReplyDelete
  28. Edsa 29 as in 29 years of suffering. Grabe, sinara ang Edsa for this speech? For a memory tarnished as early as a year after Edsa 1 by corruption, oligarchy and nepotism? Ang Edsa 1 ay palatandaan na ang sakit ng corruption ay pinalitan lang ng mukha pero ang corruption ay hindi lang nagpatuloy. Nagevolve sya na parang virus, resistant to cures, firmly entrenched in our institutions and self-propagating. Laking perwisyo ng Edsa 29 na yan sa aming mga abang empleyado. Isara ba naman ang Edsa na bumabaybay sa 3 sentro ng kalakalan - Makati, Ortigas at BGC - kung saan madami ang namamasukan. Anong kahangalan yan. Sana nilangaw ang selebrasyon nyo. Ang administrasyong ito hindi nakuntento sa pagsacrifice ng 44 buhay ng SAF, talagang pinahirapan pa ang mas maraming tao ngayon. Talk about your taxes working against you!

    ReplyDelete
  29. Bakit ba sinacrifice niya yung mga SAF kung yun din pala ang gusto niya. Dapat manindigan siya, parang kasi pinaglaruan lang niya yung buhay nila and it's disturbing how he thinks. Dapat hindi siya bumigay mas lalong magkakagulo kasi extremist sila, hindi sila ordinaryong muslim. Hayaan mo sila maghirap dahil mga traydor sila.

    ReplyDelete
  30. Ang edsa rev. ay hindi mo maihahantulad sa Mamasapano.Ang edsa ay tahimik dahil ang mga sundalo lamang ang may baril samantalang ang mga sibilyan ay rosaryo,tinapay,tubig at bulaklak ang hawak samantalang sa Mindanao ay baril din ang hawak.

    The ARMM is not represented by the MILF alone so passing the bbl to gain peace is a total BS kaya ako'y nagtataka kung bakit gusto ng gobyernong makipag deal sa MILF.

    You really think Malaysia is helping us to attain peace?Hindi po ba sila ang supplier ng mga armas at trainer ng mga terorista sa Mindanao?

    ReplyDelete
  31. Ang mga taong nag pipilit na bumaba ang presidente ay ang mga taong mag gagain kapag wala na ang presidente sa posisyon. Binay is giggling inside kasi siya na ang papalit at ang mga "good old boys" club to start plundering ang kaban ng bayan. Mapapardon na sila pogi, tanda, at sexy. No more PDAF probe. Yehey!

    ReplyDelete
  32. I'm gonna start campaigning for duterte na.kahit dito Lang Sa barangay namin. #duterte2016

    ReplyDelete
  33. Ito ang dahilan kaya hindi umunlad unlad ang Pilipinas, gusto nyo ng perpektong pangulo? Magtayo kayo ng sarili nyong bansa! Kahit sinong umupo laging may mali, aminin nyo man o hindi may nagawa si PNoy at hindi nyo maramdaman ang asenso yun ay dahil sa sobrang bagsak ang Pilipinas

    ReplyDelete
  34. alan peter cayetano for president!!

    ReplyDelete
  35. Miriam Defensor Santiago for President :) if kaya pa ni ateng. hahahaa :D

    ReplyDelete