Ambient Masthead tags

Tuesday, June 24, 2014

Annabelle Rama Lashes Back at Esther Lahbati: 'Tama Na Yang Kaartehan Mo'

Image courtesy of www.push.abs-cbn.com

Source: www.push.abs-cbn.com

After the baptism and post-birthday celebration of her grandson Zion last June 18, Annabelle Rama admits she and her family were shocked by the claims of Sarah Lahbati's mom Esther on her social media account where she lamented to not being treated well by their clan. “Alam mo hindi ko talaga maintindihan bakit may isyung lumabas. Unang una lahat ng mga taong witness sa party, lahat kami masaya. Ako busing busy nag-iikot sa mga bisita, siyempre sa laki ng venue hindi mo alam kung sinong nandun di ba? Tapos ang akin lang kasi, hindi naman siya bisita, hindi siya guest, siya'y par of the family. Lola siya ni Zion at nanay siya ni Sarah. Dapat siya matuto siyang yung pag may party maging social ka rin, mag-ikot ka rin sa mga lamesa (at magpakilala) “I'm the mother of Sarah” dapat ganun eh kasi fmaily siya eh. Ang gusto niyang mangyari hilahin siya ni Sarah sa table niya, iikutin ang lahat ng mga ninong ninabg at magpapa-picture siya. Hindi naman kayang gawin ni Sarah kasi si Sarah most of the time karga karga si Zion,” she shares during the E! Channel spa party event for Annabelle and daughter Ruffa Gutierrez, held at the Beauty and Butter salon in SM Megamall last June 23.

The Gutierrez matriarch also aired her side regarding her treatment of Esther at the party when she asked the latter if she wanted to bring home some food. Annabelle says she never intended it as an insult nor a sign she looked down at Sarah's mom. “Hindi ko alam bakit may isyung ganun. Basta kami nagsaya sa party, nakita ko naman sila, akyat siya sa stage, nagpa-picture doon, nakita ko siya masaya naman siya. Yung pag-alok ko ng pagkain sa kanya hindi naman masama yun. Kasi number one kong ginagawa yun. Pag may party lagi akong may baon na Tupperware kasi gusto ko talaga lechon. Hindi ko naman sa kanya muna sinasabi, sa ibang bisita (din), 'Maraming mga tira sa catering. Masarap yung ulam. Gusto niyong mag-takeout?' lahat dun natutuwa, may kanya-kanyang takeout. Nasalubong ko dun si Esther, sabi ko, 'Esther merong maraming tirang pagkain sa catering. Gusto mo mag-takeout? Masarap yung chicken, ganyan ganyan.' Hindi siya kumibo. Hindi ko alam masama na pala loob niya. Tapos hindi naman tira-tira yung pinakain ko, tira-tira sa catering. Sabi ko bakit siya magagalit eh normal naman sa ating Pilipino yung ganun di ba na mag-takeout naman talaga?” she reveals.

Annabelle also says that during the day of Zion's party she showed no indication that she harbored any ill feelings towards them which was why they were all surprised to find out she posted her supposed frustrations on her social media account. “At saka hindi ko akalain na masama ang loob niya kasi after the party tumuloy pa siya sa bahay nila Richard. Nandun kaming lahat, nag-aabang kami sa palabas naming reality show. Hindi ko napansing galit siya sa akin kasi kumain pa siya sa bahay eh. Kumain pa siya sa bahay kasi si Ruffa maraming in-order na food after the party. So nakikain din siya tapos meron siyang kasamang dalawang bisita taga-Geneva. Wala kaming naramdaman buong pamilya na may galit siya sa amin. So nagulat kami the next day Monday, imbis ma-headline yung apo niya, siya yung na-headline. Siguro nga uhaw siya sa publicity. Bayaan mo na siya, nakatikim na siya ng headline, nakatikim na siya ng front page, pero dapat hindi niya ginagamit yung apo niya kasi araw ni Zion yun eh. Dapat hindi siya nakisawsaw sa gulo kasi dapat ang araw na yun araw ng apo niya,” she adds.

The reality TV star says she hopes Esther will sort out the root of her frustrations which she believes was Sarah's unexpected pregnancy. “Ang alam ko lang diyan hindi lang matanggap ni Esther na si Sarah nawala na sa kanya, na kay Richard na. Tanggapin mo na 'Day ako tinanggap ko na eh na si Sarah na kay Richard. Bakit hindi mo matanggap na wala na sa iyo ang anak mo? Gustong (mong) matulog si Sarah sa bahay mo? Sinong katabi niya, ikaw? Eh paano naman si Richard walang katabi? Tigilan mo na ang arte arte mo Esther, ako naiinis na sa iyo ha. Huwag mo akong hamunin hindi ako takot sa iyo. Tumigil ka na. Tama na yan, sobra na yan. Wala naman kaming kasalanan ang pamilya namin, tinitira mo kami. Masyado kang maarte 'Day. Hindi ka naka-appreciate, wala ka ngang donation dun sa party ni Zion, dapat mag-enjoy ka na sa buhay mo. Tama na yang kaartehan mo,” Annabelle comments.

On the issue that she is getting unwarranted credit for taking care of baby Zion Annabelle says it is not important for her to be acknowledged as a grandmother. “Bakit ako makikisawsaw sa pag-alaga? Kung mahal niya ang apo niya dapat huwag na siya maninisi kasi ang sinisisi niya lagi kay Sarah bakit nabuntis. Hindi ka ba happy may Zion ka na? Hanggang ngayon lagi niyang sinasabi sa anak niya, 'Bakit ka nabuntis?' ako ay naawa kay Sarah kasi tumawag sa akin si Sarah at umiyak sa akin sa telepono, tumatawag sa akin alas-onse ng gabi nagsusumbong sa akin. Parang anak ko na rin si Sarah at umiyak na rin ako. Sabi ko, ''Day sabihin mo sa nanay mo tanggapin niya na wala ka na sa kanya. Bakit hindi niya matanggap yun? Ako natanggap ko na si Richard wala na sa akin, nasa iyo.' Ngayon sabi ko mahal ko naman si Zion, kinalimutan ko na lahat. Dapat siya kalimutan na rin niya lahat ang mga problemang ganyan,” she advises.

Contrary to speculation that the Lahbatis are banned from entering the Gutierrez household, Annabelle says their doors have always been open to Zion's relatives especially to his grandmother Esther. “Natutulog siya sa bahay ni Richard kaya! Pero once a week lang kaya hindi siya mahal ng bata kasi nakikita siya once a week lang. Ako kasi everyday ako nakikita at niluluto ko pa siya ng pagkain, ako pa ang nagsusubo sa bata. Kaya yung pag-alaga ko sa mga anak ko, ani yung anak ko di ba? Yung pag-alag ko sa kanila yun din ang ginawa ko kay Zion. Ako mismo nagpapaluto ng pagkain para sa kanya, hindi yung pagkain namin, may sarili siyang pagkain,” she admits.

As a parting message to Esther, the controversial stage mom-turned-reality star says she hopes that they can all move on from the issue for the sake of Zion. “Nagulat ako sa iyo 'Day. Kahapon sabi mo pina-stop mo yung interview ng asawa mo dahil mong kausapin na lang nag pamilya para matapos na. Tapusin mo ang sarili mo, hindi naman ako nakipag-away sa iyo eh. At ang pamilya ko tahimik wala kaming gulo, happy kami kay Zion, happy kami sa party.”

Annabelle also reiterates that she will never apologize to Esther because she did nothing wrong. “Anong ikakausap mo sa akin? Kaya gusto mo ako mag-sorry sabi mo satext mo na para magtigil ka mag-sorry ako sa iyo? 'Day, wala akong ipag-so-sorry sa iyo. Wala akong kasalanan, minahal ko ang anak mo, minahal ko ang apo mo, inalagaan ko silang dalawa, anong sorry ang gusto mong malaman sa akin? Wala. Kaya huwag ka na maghintay ng sorry, wala kang maririnig sa bunganga ko na mag-so-sorry ako sa iyo. Wala akong ginagawa, ikaw ang tumahimik na. Nakatikim ka ng publicity di ba? Tama na yan, sobra na yan. Bakit nung kaso ni Sarah nung araw hindi ka nakikiaalam? Akala ko matapang ka. Hindi ka na-headline, hindi ka nakialam. This time iba ang gusto mo, ginagamit mo ang apo mong si Zion. Alam mong sikat na sikat ang apo mo, gusto mo makisawsaw. Sorry na lang, hindi ako mag-so-sorry sa iyo. Mag-post ka ng mag-post, pag hindi ako makatiis, yung tini-text ko sa iyo kahapon ilalabas ko sa Twitter yun, tingnan ko lang.”

106 comments:

  1. Esther please settle your differences in private.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Annabelle ang ayaw mag apologise at kumausap ng matino kay Esther, pano masettle?

      Delete
    2. apologise for what?

      Delete
    3. Bkit nga nmn sya magsosory eh wala nmn sya gnawang mali. Tama nmn laht ng sinabi ni anavil. D k gusto pag rarant

      Delete
    4. pwedeh bah! nakahanap lang si bisaya ng katapat niya - katapat niya sa ka-cheapan. bagay lang sila. heheh.

      Delete
    5. Baliktad na talaga ang mundo yung nag-alok ng pagkain dapat ng mag-sorry ngayon!

      Delete
    6. May point nga si bisaya, normal ang pagtatake out sa mga catering. Nakakatuwa nga si annabelle, dahil talagang nasa hitsura nya ang pala take out ng mga pagakain sa handaan, typical na nanay ng tahanan, totoong tao lang at hindi pasosyal

      Delete
    7. I think esther wanted an apology kasi feeling slighted nga sya nung party. Pero i think OA reaction nya. Yung tungkol sa food, sobrang karaniwan naman nyan sa anumang gatherings. Kaya lang siguro di pa nila talaga kilala ang isat isa kaya iba ang dating ng kilos at salita nila. move on na lang. Ang tatanda nyo na para maginarte pa kayo pareho.

      Delete
  2. Naaliw ako dito. Love ko na si Annabil.

    ReplyDelete
  3. I'd say my point si Annabelle dito. Anong gusto ni Esther? special treatment?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! Si Esther paimporante pa kc eh.. kakainis yun mga ganyan tao na dami mo na iniisip nakikisabay pa sa iisipin... Yan tuloy na okray tuloy sya ni Madame

      Delete
    2. Yup. Tama naman si Annabelle, hindi naman siya bisita. She is family. Anong recognition gusto nya? Yung pang awards? Hmp. Attention-seeking din etong nanay ni Sarah. Gumagawa ng issue. Gusto din sumikat. Turn-off ugali nya. Kunwari inapi para makiha simpatiya ng tao. Manipulative din. Kainis.

      Delete
    3. Detalyado ang kwento ni Lola A in fairness di gaya nung kay Lola E na hindi malaman kung bakit naginarte sa party.

      Delete
  4. Ayan na! Ratatatat!

    ReplyDelete
  5. Mukhang may point si ms annabelle.

    ReplyDelete
  6. hahaha.... napikon na si ale...pero may point naman sya....

    ReplyDelete
  7. LOL nice try Annabelle! But this one is very obvious! Another made up issue just so theres something going on

    ReplyDelete
  8. Masyadong conflicting ang sinabi ni Annabelle, on one hand she says hindi niya minata si Esther pero galit sya dahil hindi naman nag contribute sa binyag party ni Zion. Second, di daw gusto ni Zion kay Esther, kasi nga si Annabelle ang pwedeng makita ang apo araw araw pero si Esther once a week lang. Pangatlo, tanggap na niya si Sarah pero bakit ninyo tinago na buntis at nanganak na si Sarah? At ang tagal bago inacknowledge si Zion. Sinungaling ka talaga Annabelle.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tinatago yung pagbubuntis ni Sarah out of angst/fear that she will abruptly be out of nowhere from her promising career when the bomb immediately exploded. Bini-build up kasi si Sarah ng GMA to be one of their promising-bright stars being ^starstruck ultimate winner and of course Richard's image.

      Delete
    2. Agree! This is way beyond rude.

      Delete
    3. hindi nmn tlga nya minata c esther nbadtrip nga xa dahil ng-inarte na nga wala png contribution s party, second wala nmn pumipigil ke esther n dalawin ang anak at apo nya cguro and third alangan di itago n bbtis c sarah eh di natuluyan ang kaso nyang breach of contract, ikaw kya mbuntis ng maaga. tanggap nmn nla ung bata, sa tingin mo kng hindi makakatuntong un ng LA at mkabalik ng pinas?

      Delete
    4. Pang lima.di daw nkkpgaway pero tgnan mo nmn ang mga pingssbi nya wla tlgng breeding.
      Panganim.una sbi pinaglluto nya ang apo nya tpos bgla ngpapaluto sya ano ba tlga!

      Delete
    5. you have a lot of questions teh. family matters na yan. mag enjoy ka nalang sa word war ng magbalae.

      Delete
    6. Anonymous12:45 AM walang contribution sa party pero malaking contribution sa gastos at pag aruga sa first year ni Zion when all the Gutz couldn't even be bothered to visit or acknowledge him. Masyado ka namang mukhang pera kung ang basehan mo sa contribution ay magkano ang binayad sa party. Second, read the article again, once a week lang pwedeng magvisit ang parents ni Sarah pero si Annabelle pwede araw araw. Third, ginamit lang nila si Zion para sa publicity ng show nila, kung wala noon TNT pa rin ang bata.

      Delete
    7. @12:58
      Ilang beses na bang nagsabi si anabel na tigilan na nila yan nung umpisa pa lang eh ayaw tumigil ni esther. I think kahit sinong tao....me breeding man o wala....napupuno din. Ikaw kaya ang hindi tigilan sa kakaparinig at kakadakdak gaya nung nanay ni sarah, hindi ka magrereact just to say "may breeding" ka? bs

      Delete
    8. Honestly, I think ang pagtago nila sa baby at pagbubuntis ni Sarah was all in preparation for their show. Shempre kailangan mapag-usapan ang show nila, dun nila ire-reveal. Even all these things that are happening now, all for their show. Kailangan may intriga para manood ang mga tao ng show nila. Tahimik naman silang lahat before the show started.

      Delete
  9. Kay annaelle ako. Nag dami niyang point dito. Lahat tama naman! Pero anong article ba to? Ang daming mali. Nakakainis basahin! Hindi ba na-proof read to?!

    ReplyDelete
  10. As usual double standards for Annabelle, she can air her grievances on twitter but Esther can't. Rotten family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. she already air her grievances on IG ateng, kya nga xa napansin at nakilala dba?

      Delete
  11. Don't like Annabelle the palengkera but this time mukang valid mga sinabi nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong valid? na si Annabelle lang ang pwedeng umarteng love na love ang apo? siya lang dapat bida sa buhay ni Zion? siya lang ang pwedeng mag pa interview? Grabe ang double standards.

      Delete
    2. Eh di magpa interview si Esther. Bat kelangan nya pa pumutak ng pumutak?

      Delete
    3. I dont like Anabelle but she definitely has a point. Si 12:37, ikaw walang point. Nagbasa ka ba teh? Ang pinag-ugatan nito, hindi napansin ang nanay ni sarah ng mga bisita period. Kelangan ba para umarteng love na love ang apo ay dapat ipakilala sa lahat ng bisita? Isa pa wala namang pumipigil kay esther magpainterview. Wala talaga syang valid point parang ikaw lang!

      Delete
    4. who is stopping esther na umarteng love na love ang apo? sino nagsabi si bisaya lang dapat ang bida sa buhay ni zion? sino ba ang may gustong mag interview kay esther pero pinigilan? kaloka ang logic mo, teh! at ininsulto mo pa si esther as if wala siya sa katinuan dahil pati pag arteng love na love ang apo, di niya magawa.

      Delete
    5. Hindi to double standard! Hindi artista nanay ni sarah kaya walang kamerang nkatutok sakanya para ipaalam sa buong mundo na mahal nya apo nya, sure nmn akong pareho nilang mahal ung apo nila ang pinagkaiba lang nasa t.v ang isa kaya nakikita nyo kung ano nangyayare kanila.

      Delete
  12. Eto ba ang tahimik na sinasabi ni Annabelle. Kinutya si Esther sa twitter tapos ngayon bigay agad ng interview. Pweh. Maldita ka talaga.

    ReplyDelete
  13. Totoo naman. Masyadong papansin si Aleng Esther. Gusto yata mag artista.

    ReplyDelete
  14. Tigilan mo na ang arte arte mo Esther, ako naiinis na sa iyo ha! ayaaan naaa! nagsalita na sya.hahaha

    baka disappointed ang nanay ni Sarah sa kanya kc bka sya ung inaasahan n mag-ahon sa pamilya sa hirap. tapos nabuntis sya at an early age.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teng? Anong ahon sa hirap you mean? D nmn sila poor but not rich, but i dont think yan ang pinaglalabqn ng nanay ni sarah.

      Delete
    2. Anong maga ahon sa hirap sinasabe mo teh? Hindi mahirap sina sarah ano?! Kundi man super yaman pero mas lalong hindi mahirap. Nakita mo ba yung mga pinost ni esther na mga throwback sa IG nya? Eh halos nalibot na nila buong mundo sa dami ng trips nila abroad mag anak. Yan ba ang naghihirap? Kung sabihin mong di lang nya pa talaga lubusang matanggap na nabuntis si sarah at a very early age at kung kelan nagti take off na ang career nito, yun maniniwala pa ako kung san galing ang himutok nya.

      Delete
  15. "Tama Na Yang Kaartehan Mo"

    - eto ang universal message para kina Deniece at sa ibang pang mga maaarteng hindi naman dapat nagiinarte

    ReplyDelete
  16. Sana laging ganito si Annabelle. Whether scripted or not, basta good vibes, not bad!

    ReplyDelete
  17. Nothing has change with Annabelle Rama. Same tactics and antics.

    ReplyDelete
  18. Di pa rin siguro talaga nag sink in o matanggap ni Aling Esther na yung nag-iisa nyang prinsesang dilag sa napakabatang edad at may malaking pag-asa sa Showbiz ay sa isang iglap mabubuntis lang. Sour-graping lang ang drama

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baket si Annabelle ba matatanggap kung mabuntis na hindi pinakasalan ni Yilmaz si Ruffa? tapos itinago pa ang bata dahil hindi sila sure kung makakasama sa karir ni Richard ang pagdating ni Zion.

      Delete
    2. teh, ayaw ni annabelle magpakasal si ruffa. si ruffa ang may gusto.

      Delete
  19. May point naman ang pinaglalaban ni Madame Annabelle e,

    pero yung totoo? sino talaga ang gumamit kay ZION para sa publicity? HAHAHAHAHAHAHA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang gutierrez syempre pero aminado naman si annabell na gusto nya ma headline ang apo nya kaso ang na headline si nanay esther, nakikisawsaw pa kc

      Delete
  20. Inantay lng nila mag air ung show nila para pag usapan kaya nilabas na nila si baby zion pata maging interesting ang show aminin mo anavil yan

    ReplyDelete
  21. Maybe Esther is not used to having "grand" parties kasi sa dami naman parati ng guests sa mga parties nila Annabelle. Sanay kasi sila siguro na small family lang sila Esther. Sarah is her only child.


    Maybe in shock lang siya sa ganung klaseng party na parang lahat ng artista, pulitiko, businessmen, etc andon.

    ReplyDelete
  22. Okay na sana pero no need to brag na sila lang ang gumastos for Baby Zion's party. May point si Annabelle but then di na siya dapat manumbat na walang contribution si esther.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nainis na eh hehehe, tsaka si nanay esther nanunumbat din naman

      Delete
    2. Eh puro panunumbat at parinig sa social media naman kasi si Esther kaya napikon na siguro.

      Delete
  23. Anabel can be crazy hilariously obnoxious but shes right on this issue.

    ReplyDelete
  24. Kitang kita sa asta at tono ng sagot ni Annabelle that there's no love lost between her and Esther. Palagay ko ang away na ito goes way back from when the Gutz refused to acknowledge Sarah's pregnancy and Zion's birth in public. Esther has the right to be disappointed with her daugther as Richard was her first bf and Richard is much older doubtedly more influential than Sarah. Put yourself in Esther's place and see how you'd react if your supposed in law is disrespectful towards you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung hindi nagpabuntis si sarah e di sana hindi magiging balae ni esther si anabel

      Delete
    2. Bakit laging babae ang may kasalanan pag nabubuntis? Bakit hindi si Richard ang sisihin, mas matanda sya and Sarah was how old? 17 or 18? Double standards. Nanay din ako at ang hirap mag alaga ng bata. At kung babae naman ang kay Anabel, sigurado hindi papayag ng walang kasal kasal at papapanagutin nya for sure.

      Delete
    3. Technically they not yet balae. Remember Zion Nissan is not a Gutierrez yet.

      Delete
    4. Anon 12:49 my thoughts exactly!

      Delete
  25. team annabel ako this time, di lang talaga ata matanggap ni inay esther na bumukod na si sarah sa kanya

    ReplyDelete
  26. Aminin! May point si anabil!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung ang point ay si Annabelle lang ang dapat may karapatan sa apo at palaging bida.

      Delete
    2. patawa naman si 1:30 di marunong umintindi

      Delete
  27. bakit nabuntis? bakit nga ba? bakit di dumikit si esther doon sa anak niya araw gabi, e, nagpa interview si sarah dati pa na crush niya si richard? nung may naghula na makakabuntis ang isang anak ni annabelle, naisip niya agad na huwag sana si richard. both mothers ayaw na may mabuntis.

    ngayong andiyan na si zion, tama si annabelle na kinalimutan niya na ang lahat dahil masaya siya sa apo niya. siguro di magawa ni esther dahil gusto niyang ikasal na sina richard at sarah. kaso di naman garantisado na pag nagkaanak ay kasunod ang kasal...

    ReplyDelete
  28. Paano nmn yung pagtago nyo kay zion mahigit isang taon at nilabas nyo pra sa show? At pa deny deny todamax p! May punto nga si anabel pero dko parin makalimutan na tinago nila noon at ginamit nila si zion pra sa show at sa interview nila sa buzz nung tanungin handa nbang pakasalan si sarah sabi di muna enjoy muna. Syempre pag ikaw nanay ng babae anak mo parang ma woworry ka sa future ng anak. Kelan pa? May anak na sila nagsama n sa iisang bobong bat di pa pakasalan. Para madali lng mag "Thank you Goodbye"pag pinagsawaan na? Naku anabel swerte ka at lalaki sayo kung babae ano nlng kaya ipuputak mo. Galing mong mag explain linis na linis ang angkan nyo. O cge kami ng masama! :'(

    -Esther

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek! Sapul 100%! Favorite. like ! Share 1m times ! Ha ha ha!

      Delete
  29. Mukhang tama naman si annabelle sa sitwasyon na 'to. Cguro un mother ni sarah ndi lang sanay sa ugaling pinoy na pag may handaan at maraming tira, normal na un ibang bisita eh nagbabalot ng pagkain. Kaya cguro nung inalok cia ni anabelle, feeling niya kinawawa na cia.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay. Ano ba nationality ng nanay ni sarah, di ba filipino? Feeling foreigner? Hahhaa. Hayz

      Delete
  30. From one trashy family to another :)

    ReplyDelete
  31. aling esther, hindi forever titigil sa iyo ang anak o apo. nakatulong ka, pero may sariling pamilya na silang tatlo ni richard. pasalamat na lang na for one year, inyong-inyo si zion. that is a wonderful gift. dapat ipagpasalamat, hindi gawing sumbat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama kung apo ko yan naku papasalamat pa ako na nagka chance ako mag alaga ng apo ko, di ba nga mas lovable daw ang apo kesa sa anak hehehe

      Delete
    2. Hindi kasal pero magkasama. Siguro hindi na mabisita ng lolo at lola ang baby dahil bahay ni Richard yun at kasama pa ang ate nyang si Ruffa. Hindi nila teritoryo yun at malay natin baka hindi sila comfortable sa bahay ni Richard. Buti sana kung kasal kaya lang hindi, they still feel outsiders siguro

      Delete
    3. So Annabel can meddle in Richard and Sarah's life but not aling esther?

      Delete
    4. Annablle will not spend a huge amount in the party if she didn't expect a huge payout from her cuts to baby Zion's talent fees in any endorsements in the future.

      Delete
    5. Same goes with annabelle, dear! Dapat di na sya nagsumbat na ni singko wala sya contribution sa party! At ipamuka pa na siya ang mahal ni zion?? I mean, really??

      Delete
  32. Kawawang Aling Esther mukhang di na makakatulong si Sarah, not only nabuntis out of wedlock higit sa laht busy iyong anak nya keeping up with the socialites.

    ReplyDelete
  33. Annabelle Rama is Annabelle Rama.

    ReplyDelete
  34. Entertainment at its finest. Wala nmn paki tao kung sino mas tama. Basta maaliw lng sa drama nila.

    ReplyDelete
  35. tama na kaartehan mo, kc mas maarte ako sayo lol

    ReplyDelete
  36. Feeling ko si aling esther eh gustong makisawsaw sa potential na kikitain ng apo nya... Pilit nyang nagiging visible sa buhay ni zion dahil ayaw nyang masolo ni annabelle ang kikitain nito sa mga endorsements, appearances, etc.

    ReplyDelete
  37. Tigil na kayo. Huwag sanang magpatulan kasi lumalaki. Konting pasensya both sides okay.

    ReplyDelete
  38. Grabe naman tong si annabelle natural lalaki ang anak niya malamang dapat lalaki ang gumastos noh, hindi babae! Kung maka-walang ambag naman wagas ee!

    ReplyDelete
  39. It's not being trashy actually. Totoo naman sinabe ni Anabelle eh. Automatic na yan sa mga Filipino na mag take-out. Pero, siguro naiba na culture nung Esther na un sa Geneva or kung saan man. But it doesn't mean na hindi na sya Filipino. Oo inaalagaan nya, pero parang totoo ung sinabe ni Anabelle na sinisisi nya si Sarah kase nabuntis. Ay susko, maraming ganyang ina kahet na normal lang hindi artista... may mga ganyan. Perfect example nga sya ng maarte talaga at hindi na marunong lumingon sa past kase hello, hindi porket nasa ibang bansa ka na kahet gaano katagal pa yan, dapat hindi nawawala ang "pakikisama" for the sake of the family and the baby tigilan nyo na lahat kayo maarte, lahat kayo, one way or another eh nakikinabang sa pagdating ng bata. alam nyo yan. :)

    ReplyDelete
  40. teka....anong karapatan ba ang pinangngangawngaw ni annabelle e di ba't LAHBATI naman apelyido ni zion. kay richard na daw si sarah at hindi na kay esther? has richard made an honorable woman out of sarah? binuntis nga...dineny...pinakasalan ba? porke ba pinabinyagan nila with matching 25 pairs of high-profile godparents e sa kanila na si sarah at zion? haaaaaayyyyyy.....it really takes a lot of GUTZ!!!!!

    ReplyDelete
  41. I love you Annabelle!

    ReplyDelete
  42. Siguro ilagay nyo sa sarili si aling Esther, maiintindihan nyo sentiments Nya. Kasi Hindi naman kayo ang naka experience. Kasi maaring me point si Anabelle sa sitwasyon pero Hindi magakakaganun yung isa Kung Hindi sa Kanya ipinaramdam na poorita sya at wala syang K sa buhay ng pamilya Gutierez. Madali lang Namang sabihing welcome yung magulang ni Sarah , pero yung totoo Hindi talaga. Ngayon sasabihin ni Anabelle Hindi na close Kay aling Esther si Zion kasi once a week lang nakikita. Eh syempre mahihita yung makikitira kila Richard at Sarah. Kaya siguro Madalang pumunta sa bahay nila kasi parang dun na nakatira buong pamilya Gutierrez. Lol!

    ReplyDelete
  43. Kung kelan naman nanahimik na si Esther at nag decline sa live phone patch interview sa the buzz saka naman rumatrat itong si Anabelle, naku, ayaw Sabayan yung sentiments ni Esther kasi alam nyang talo sya in all aspects. Ngayon gagamitin Nya against Esther yung usapan nila sa text. What a witch womaN! Buti pa yung isa marunong tumupad sa usapan tumahimik na, pero itong si Anabil traydor Lang ang peg.

    ReplyDelete
  44. I'm with Annabelle on this one. For starters, it's Zion's day, and all spotlight should be on him at hindi sa kung sino. Not even on the parents, who are celebrities themselves. At walang hindi naso-sort out in private - if Esther felt slighted or offended, she should have been honest with the Gutierrezes kung talagang mahal ang apo, like she consistently claims. It reeks of too much ego when she said "Nagmukha akong patay-gutom blah blah" like really, it is not customary for you to offer party food to guests and take home some for yourself? Parang may deeper root nga yung hinanakit niya talaga eh, at mukhang it's about not fully accepting Sarah's situation now. Poor girl, na sana nag-aalaga na lang ng anak ay nagre-referee at tumitimpla pa sa walang kwentang bagay.

    ReplyDelete
  45. Hahaha buti nga kai aling ester, tagal din bago pumatol ni bisaya noh...ayaw din kasing tumigil ni aling ester eh. ayan tuloy nag litaniya na si bisaya.

    ReplyDelete
  46. May point din nmn

    ReplyDelete
  47. Looks like the 2 lolas who are publicity conscious are using their apo. Dapat kumilos sina Richard and Sarah to protect their child. Mas mabuti magkaroon ng harmony ang family instead of throwing stones to each other. Mukhang mga lola pa ang walang pinag-aralan. Kawawang apo.

    ReplyDelete
  48. im wd annabel THIS TIME. in fairness, she HAS A POINT. hindi sya bisita, LOLA siya ni Zion at nanay sya ni Sarah. kumbaga,bilang parte ng pamilya, she shudnt have expected a special treatment. ikaw mismo mag-iikot at mag-aasikaso sa bisita or kusang magpakilala sa sarili mo. UNLESS, U THINK SO LOW OF URSELF AND CHOOSE TO SULK somewhere. come on guys,we all know how crass annabel is, but isn't it pag may handaan sa bahay MAS INAASIKASO AT BINIBIGYAN-PANSIN natin ang mga outsiders kesa sa mga kamag-anak natin? In fact, we expect them to help us out.

    ReplyDelete
  49. The proper decorum is, the hosts, in this instance either Anabel (she claimed she foot the bill for the party), Sarah & Richard introduce Esther. Yung tirang pagkain issue, well what do you expect from Anabel, e walang ngang finesse sa katawan yan, at si Esther naman hinid sanay sa kanya, so tabla sila sa isyu na yan. Esther is just jealous na understandble naman. Before there were 3 of them most of the time, grandparents and Zion, tapos nung nai uwi na sa Pinas, out of the picture na sya. It doesn't help na isa lang anak nila. It is easy to say na just accept it, easier said than done.

    ReplyDelete
  50. eh kung si Ruffa kaya makipag live in at age 20 you think annabelle will take it sitting down? Anyway you look at it, mas malaki ang nawala kina Esther kasi babae anak niya. Even from her statement, she gives no importance to the fact that Esther took care of Zion when no one wanted to. Hindi daw importante yon? really. Let's face it, Sarah had to hide her pregnancy because of Richard's career. Between the 2 of them, mas malaking mawawala kay Richard as far as career is concerned. Yes she sees Zion everyday, because now it's convenient for her. Walang ka hirap hirap. Hindi katulad ng sacrifice ng Sarah's parents. Sarah, defend mo naman ang parents.

    ReplyDelete
  51. I think Selos ang talagang issue dito nagseselos si lola esther dahil mapapalapit si baby kay lola annabel kaya kung ano ano ang naiisip nya at lahat ng sinasabi ni annabel may meaning sa kanya. lam nyo naman ang mga lola/lolo minsan mas mahal pa nila ang apo kaysa anak kaya di rin masisisi si lola esther kung magtampo sya kasi sya naman talaga ang unang nag-alaga sa bata.

    ReplyDelete
  52. Annabelle is not wrong for once. if Esther had a problem she shouldn't have put it in her IG.

    ReplyDelete
  53. Ang cheap mo talaga Anabelle Rama, very low personality. Only money can make you happy nothing else.

    ReplyDelete
  54. nung na sa kanya si zion, hirap daw siya. ngayong nasa parents niya na si zion, binalewala naman daw siya. inalagaan mo si zion dahil apo mo siya at mahal mo siya. bakit ka nanunumbat? kung binalewala ka ngayon, kausapin mo sina sarah at richard, hindi ang balae mong hilaw.

    ReplyDelete
  55. annabelle need not apologize.. but she needs to say thanks to esther for zion's situation before they got public.. surely, if that happens, esther will realize, what she really want is the guttierrez' gratefulness for their sacrifice and not the apology.

    ReplyDelete
  56. hay naku anabil nakakairita kang matanda ka,respeto ang hinihingi ni esther sa pamilya mo di mo pa maibigay,concern la kay zion kasi alam mong mapagkakuwartahan mo,yung magulang ni lahbati sila talaga ang totoong concern sa bata,di katulad mong pera ang sinasamba

    ReplyDelete
  57. annabelle should apologize? for what? ang bida sa party, zion and his parents. sunod ang mga ninong at ninang. paanong naging kasalanan ni annabelle kung ang inisitima nila ay mga bisita? ang hihina ng kukote ng mga taong ito, puro respeto ang dinadaldal, e, si esther nga itong hindi marunong rumespeto sa birthday at binyag ni zion, gusto siya ang bida. nagtemper tantrum pa, ilang taon na nga ba siya? hmmmph!

    ReplyDelete
  58. ang dapat magthank you sa pag-aalaga kay zion, sina sarah at richard! you think pareho silang walang modo at hanggang ngayon hindi pa nila nagagawa iyon? then sila ang awayin ni esther, hindi si annabelle. esther should act her age and huwag ipahalata na may inferiority complex siya at di marunong lumugar.

    you opened your mouth publicly, ngayon alam na ng lahat na pumunta ka sa binyag, nagkimkim ng malaking sama ng loob, pero tumuloy pa rin sa bahay nina annabelle kasama ang mga friends mo, para makikain ulit. wow, anong tawag sa iyo niyan?

    ReplyDelete
  59. laking sisi siguro nina richard at sarah na pinaalaga kay esther si zion. walang tigil ang sumbat. kung mahal niya si zion bakit siya nagrereklamo sa pag-alaga, e, kakambal nung hirap ay ang pagmamahal ng bata kay esther? balewala ba sa iyo ang pagmamahal ni zion, esther?

    ReplyDelete
  60. my point nman c tita anabelle c esther lng tlga ang oa

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...